My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

60.2K 5.6K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 43

363 45 12
By VR_Athena

Apple Pie suddenly jumped inside a big kariton that was connected to a horse. Naka-park lamang iyon sa may gilid ngunit napansin niyang may malaking tela na nakatakip sa laman ng kariton na iyon kaya naman nagdesisyon siyang sumuong sa loob. She carefully curled up next to different baskets of vegetables and fruits whilst listening intently for her pursuers. Dahil nasa ilalim siya ng tela ay hindi niya alam kung nasa malapit na ba ang humahabol sa kaniya o hindi.  Parang gusto niyang mahimatay sa takot nang may anino siyang nakita na papalapit sa pinagtataguan niya. Akma na sana nitong bubuksan ang takip sa kariton ngunit biglang may mga lalakeng lumapit dito.

"Ginoong Magbanua! Narito po pala kayo!" Tandang-tanda niya ang boses na iyon bilang boses na pagmamay-ari ng mga humahabol sa kaniya.

"Mga ginoo! Bakit tila pinagpapawisan kayo?" Rinig niya ang nagtatakang boses ng isang matanda. It was the person who was about to open the covers of the kariton earlier. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang aksidenteng matabig ng matanda ang kanang paa niya. Nakalawit pa pala iyon sa labas ngunit imbes na isumbong siya ay naramdaman niya ang pagtago ng matanda sa paa niya. The old man used his body to hide his feet.

"May hinahanap kaming isang kriminal na babae. Tinakbuhan niya kami kanina at huli naming nakita na lumiko siya sa daang ito. Malaking tulong sa amin kung maituturo mo kung saan siya dumaan, Ginoong Magbanua," paliwanag ng lalake sa matanda na nagpapikit sa mata niya.

Piste na ni! Bali nilang duula sa akoa!

Hindi niya alam kung ilang Santa Maria at Aba Ginoong Maria ang nadasal niya dahil para bang ang tagal mag-usap ng mga lalake. She just held her breath and prayed for the best while making sure that she wouldn't move even a single inch. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang mga lalake upang tignan ang loob ng kariton. Nagdasal rin siya na hindi siya isusumbong ng matanda na mukhang wala naman talagang planong ilaglag siya dahil ang sunod niyang narinig ay ang pamamaalam nito sa mga lalake.

The old man waited for a few seconds, maybe to make sure that the guys were already far enough before slowly lifting the cloth out of the kariton, revealing her disheveled self. Tiningnan siya nito ng iilang segundo bago maingat na kinarga ang mga pinamiling gulay. Pinatong nito iyon katabi niya bago unti-unting sinaradong muli ang takip ng kariton. Para bang umaakto ito na walang taong nakaluko sa loob niyon.

Nagtataka siyang naghintay sa susunod na gagawin ng matanda hanggang sa maramdaman niya ang pagsakay nito sa may unahan ng kariton. She heard him order the horses to move and that was when they started slowly going away from that place. Aaminin niyang natatakot rin siya na baka may gawing masama sa kaniya ang matandang lalake, ngunit sa totoo lamang ay hindi mukhang malakas ang matanda. Isang sipa nga lang ata niya dito ay matutumba na ito.

Dahil sa kaisipan na iyon ay malakas siyang napabuntung-hininga at ni-relax ang sarili sa loob ng kariton. Nananakit ang katawan niya at hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo niya. Maya-maya ay hindi na niya napansin na nakatulog na pala siya.

She didn't know how long did she sleep but she was suddenly woken up by someone. Naramdaman na lamang niya ang mahinang pagtapik-tapik ng isang kamay sa kaniyang pisngi habang nag-aalangang nagsabi, "Binibini? Binibini? Maayos lamang ba ang pakiramdam mo?"

She grumbled before slowly opening her eyes and seeing the old man's face again. Mabilis naman siyang napaupo nang mapagtanto na tumigil na pala sila. She started looking around like an idiot, taking in mind that they were in front of a decent-sized kubo. It wasn't fully made with bamboo because most of the foundations were concrete. Na-blend ng maayos ang dalawang materyales kaya naman masasabing maganda talaga ang bahay. Nilingon-lingon niya ang paligid at napansin na puro mangga lamang ang nakikita niya. Walang ibang kabahayan sa paligid at mukhang malayo sa ibang tao.

"Binibini?" nag-aalangan na namang tawag sa kaniya ng matanda na naging dahilan upang mabilis siyang mapalingon dito. "Pagpasensyahan mo na at dinala kita sa aking bahay. Hindi kasi kita magising kanina at mukhang pagod na pagod ka na. Wala rin akong kaalam-alam kung sino ka o taga-saan ka kaya naman dito na kita dinala," paliwanag sa kaniya ng matanda. Tinulungan siya nitong makababa sa kariton bago inakay papasok sa bahay nito.

Pinaupo siya nito sa may kawayang bangko sa may labas bago nagmamadaling kumuha ng tubig mula sa loob ng bahay. Nang makabalik ito ay inudyok siya nitong uminom habang umuupo sa may katapat na bangko. 

"Ba-Bakit niyo po ako tinulungan?" nagtataka niyang tanong. She was so thankful for what he did but she knew that it was also risky especially because the guys said earlier that she was a criminal.

"Naku, binibini. Alam at kilala ko na ang mga lalakeng humahabol sa iyo. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga impormasyon na sinasabi ng mga iyon. At saka nag-aalala ako na baka ano pang gawin nila sa iyo lalong-lalo na at babae ka. Hindi makakaya ng konsensya ko kung hinayaan kong may mangyaring masama sa isang tao kung alam ko naman na may magagawa sana ako upang maiwasan iyon," paliwanag nito. Kitang-kita niya ang pag-aalangan nito na para bang may nais itanong ngunit nahihiyang sabihin kaya naman tipid siyang ngumiti sa matanda. Mukhang iyon ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ito ng lakas ng loob upang magsalitang muli. "Kung hindi mo mamasamain, binibini . . . maaari bang malaman kung ano ang iyong pangalan at bakit ka nila hinahabol?"

Akma na sana siyang iinom ng tubig ngunit agad rin siyang napahinto nang mapagtanto na kahit siya ay hindi alam ang sagot sa katanungan nito. The guys earlier were calling her Christina even though her name was Apple Pie. Heck she doesn't even understand where she is or why is she wearing this very long saya.

"Kung hindi ka naman komportableng sagutin ang aking katanungan ay wala namang problema sa akin. Hindi ako magagalit sa iyo, Binibini," the old man said.

"Uhmm . . . . Manong . . . May phone po ba kayo? Pwede po bang pagamit?" nahihiya niyang tanong dahil ang bait pa rin ng matanda sa kaniya kahit pa man ayaw niyang sagutin ang katanungan nito. Umaasa siyang kahit hindi ito millennial ay may cellphone pa rin ito na pwede niyang gamitin. Buti na lang at kabisado niya ang number ni Gwyneth at pwede niya itong matawagan upang kunin siya dito.

The old man looked at her in a confused manner before asking, "Anong pon ang sinasabi mo, Binibini?"

Her jaw dropped in disbelief upon hearing the confused innocence in the old man's voice. Para bang unang beses pa lamang nito iyong narinig sa buong buhay nito. Maiintindihan naman niya kung ganoon nga ang sitwasyon nito dahil base na rin sa lokasyon ng pamamahay nito ay makikita talagang malayo ito sa sibilisasyon.

"Cellphone po. Yung pwede kang tumawag. Alam niyo po ba ang TikTok?" pagpapaliwanag niya dito kalakip ng isang tanong.

"Hindi," tipid na sagot nito.

"Facebook?"

"Hindi."

"Kung wala po kayong cellphone . . . may kuryente po ba kayo?"

"Kuryente? Yaong sa kidlat?" inosente nitong tanong.

"Hindi po!" frustrated niyang iling. "Yung sinusupply ng Meralco! Yung kada buwan laging pinapataasan kahit naman halos linggo-linggo yung brownout!"

Nag-aalangang umiling ang matanda na mas nagpa-frustrate sa kaniya.

"Eh NORECO po? Alam niyo?"

"Hindi."

"Pucha naman, Manong! Mag-aminan nga tayo dito! Naglalaro ba tayo ng Pinoy Henyo? Hindi ka ng hindi sa akin eh!" Gusto na niyang mapaiyak dahil parang lahat ng sinasabi niya ay walang alam ang matanda. Paano siya makakauwi kung halos lahat ng maaari niyang gamitin pang-kontak kay Gwyneth ay hindi alam ng matanda.

"Pagpasensyahan mo na, Binibini. Hindi ko talaga maintindihan ang iyong mga sinasabi." Rinig niya ang sinseridad sa boses ng matanda na para bang kahit ito ay nahihirapan rin sa sinasabi niya. "Wala akong maitutulong sa iyo ngayon ngunit maaari rin naman akong magtanong-tanong sa bayan upang malaman ko kung ano ba iyang TikTok na sinasabi mo."

Napatampal siya sa kaniyang mukha dahil sa sinabi nito ngunit hindi na siya nagkomento. The old man was clearly doing his best to help her but he was just too detached from the modern world to know all of those things.

Sa huli ay nagpatangay na lamang siya nang yayain siya ng matanda papasok ng bahay nito. He suggested that she should take a bath while he would look if he has a suitable clothes for a binibini like her. Dinala siya nito sa isang silid at sinabing doon muna daw siya tutuloy habang hindi pa nila nalalaman kung paano siya makakauwi.

She started scanning the room and complimenting the great tapestries that adorned the inside. Mukhang mahilig manahi ang nagmamay-ari ng kwarto na iyon noon. She was enjoying the woven designs, not until her eyes landed on a mirror in the cornermost area of the room.

At first, she thought it was a window and that a woman was looking back at her, but then she realized it was her own reflection. But there was something wrong with that reflection.

Hindi niya mukha ang nakatingin pabalik sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

White Wall By anemoia

General Fiction

1.5K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
8.9K 732 56
Sonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip
9.4K 417 54
Equipped with fame, money and looks - Viel Valderama basically has it all. He can do everything he wants, even the bad stuff. And he can always get a...
1.3M 4 1
Improving yourself is the best revenge to those people who left you... -Yuki_archenemy