When Tears And Rain Collabora...

By Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

25

15 2 0
By Diwtty

Deretso kaming tumuloy sa mansion ng pinsan ni Aidan at ngayon ay parang ayukong igalaw ang paa ko dahil baka madumihan ko ang malinis at makintab na tiles.

Kanina habang papasok kami sa malaking gate ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang laki laki kase talaga ng mansion! Kinain yung bahay namin. Bago din kami maka rating sa mismong bahay ay may na daan pa kaming fountain sa gitna nun, may statue din na nakatayo tapos sa mismong sensitive part niya bumubuhos ang kunting tubig. Sabi ni Aidan ay swerte daw yun kaya hindi daw inaalis kahit subrang tagal na at kunti na lang ay masisira na.

Ngayon ay hinihintay ko na bumalik si Aidan kase pinuntahan niya ang pinsan niya. Nanlalamig din kanina pa ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. This will be our first encounter at sana ay maging mag kaibigan kaagad kami.

“Jas” Napatingala ako sa itaas at doon ay nakita ko si Aidan na kumakaway sa akin. Tinanguan ko siya at binalingan ng tingin ang isang babaeng mukhang barbie doll dahil sa subrang ganda ng mukha.

Sabay silang bumaba. Inalalayan ng binata ang dalaga at kung hindi ko lang sila kilala ay baka napag kamalan ko pa silang mag kasintahan. Nang tuluyang makalapit sa akin ay nginitian ko si Samantha.

Tanging tango lang ang ibinigay niya sa akin.

“Jas, Si Samantha” Pag papakilala ni Aidan sa maganda niyang pinsan. Kung alam ko lang namay ganito siyang kagandang pinsan, sana naging lalaki na lang ako.

“Hi” Planna bati ko sa kanya dahil ang bilis ng pag takbo ng puso ko. Parang tanga tuloy ako s harap niya.

She smiled at me. “Takot ka ba sa akin? Huwag kang matakot! Hindi naman kita aawayin” Dahil sa sinabi niya ay namula sa kahihiyan ang pag mumukha ko. Bakit ba kase natatakot ako sa kanya? Ang ganda ganda niya nga e.

“Ahm, Hindi naman” Sabi ko.

Pakatapos ng pag uusap namin ay niyaya nila akong kumain kaya naman parang bata akong sumunod sa kanila. Pag dating namin sa kusina ay nag nadatnan naming inilalagay ng tatlong katulong ang mga plato, placemat, at pag kain. Parang nasa palasyo tuloy ako.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Samatha. Babae ako pero nakukuha niya ang atensyon ko. Babae ako pero kung nakatingin ako sa kanya ay para bang isang lalaki na gusto siyang pormahan.

Matapos ang lunch ay hinatid nila akong pareho sa pansamantalang kwarto ko.Hindi pumayag si Sam na umuwi kaagad ako kahit ang plano naman talaga ay angmanatili pa ako dito ng dalawang gabi bago tuluyang umuwi kila papa. Gustong-gusto ko na sila makita ngunit hindi pa ako handa sa posibling sabihin niya. Alam kong alam niya na ang nangyari dahil yun ang pinag usapan namin nung huli siyang tumawag, pero hindi ko parin maiwasang hindi mag isa.

Tahimik na pinag mamasdan ko ang kalangitan na punong puno ng kumikinang na bituin nang biglang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Aidan sa aking balikat.hindi ko na siya nilingon pa dahil mas gusto kong tignan ang langit. Bigla tuloy ay naisip ko ang kapatid ko. Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Alam niya bang nasasaktan ako ng subra? Ang daming tanong sa aking isipan na gustong ibigkas ngunit kahit ang bibig, dila at ngipin ko ay hindi magawang ilabas iyon. Sino ba naman kase ang makikinig sa paulit ulit na nilalabas ng bibig ko.

Huminga ako ng malalim, hinayaan ang malamig na hangin na yakapin ang mainit kong katawan.

“ Okay ka lang ba?” Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Minsan, hindi ko na talaga alam kung ano ba ang role niya sa bubay ko. “Iniisip mo na ba na mali ang ginawa mo? Alam mo, Jas? Kaya kita gusto kaseang tapang mo, ang astig mo at kahit anong sakit at ilang beses ka nang nasasaktan, wala kang ibang ginagawa kundi ang ingiti ang lahat” Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kunting iyak okay na.kunting patawa lang sa akin, parang wala na akong dinaramdam na sakit.

“Aidan, Kahit kase ilang beses kang saktan at paiyakin, sa huli ay ngingiti ka parin. Hindi naman kase porque nasaktan ka, habang buhay ka nang iiyak. Hindi ganon yun!” Sa subrang inis ay pinalo ko ang kanyang braso. Iilag pa sana pero huli na dahil abot na abot siya ng kamay ko.

Madami pa kaming napag usapan hangang sa pareho naming napag desisyonan na matulog. Kinabukasan ay siya pa itong nauna magising kesa sa akin. Pag baba ko at pag punta ng kusina ay nakahanda na ang lahat ng pagkain. Nahiya tuloy ako bigla dahil ako na nga itong nakikitulog, ako pa itong late magising.

“Goodmorning, Miss Ganda” Bungad sa akin ni Aidan nang makitang kakapasok ko palang. Umagang umaga bolero kaagad.

Imbis na batiin siya ay tinignan ko si Samantha na abala sa pag babasa ng kung ano sa kanyang cellphone. Aalis din yata dahil bihis na bihis siya ngayon. Naramdaman niya ang pag tingin ko sa kanya kaya naman tiningala niya ako sabay ngiti. Binati niya ako kaya binati ko din siya saka umupo na sa upuan upang mag almusal.

“Gusto mo ba sumama?” Biglang tanong niya sa akin. Kakatapos lang namin mag almusal at hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ngayon lalo na at hindi pa naman niya ako lubusang kilala. “Sabi ko naman sayo na huwag lang mahiya” Napakamot ako ng ulo at naiilang na nginitian siya. “Aalis kase si Insan kaya baka gusto mong sumama?punta tayo sa mall, may bibilhin lang akong gift”

Sa huli ay wala na akong magawa kundi ang um oo. Ngayon ay sabay kaming nag lalakad papasok sa isang mamahaling shop. Kaya ko din naman bumili ng mga gamit niya pero mas gusto kong mag tipid na muna dahil balak kong pumunta ng america sa susunod na buwan.

“Ano kayang mas maganda?” Naguguluhang tanong niya. Hawak ng parehong kamay niya ang kulay pulang bag at itim. Pareho lang din ang desesnyo.

“Hmmm, pareho maganda” Sabi ko. Pareho talaga maganda lalo na at mahal!

Ngumuso siya at saka tinignan ng maayos ang hawak niya. Mukhang nalilito parin kung ano ang pipiliin.

“Kunin ko na lang pareho” Sa huli ay sabi niya.

Sana pati sa tao pwedeng makuha ang dalawang gusto.

“Jastine,” Napalingon ako sa kanya. Tahimik kaming kumakain kanina nang putulin niya ang katahimikan na iyon ngayon. “aware ka ba na gusto ka ni Aidan?”

Natigil ako sa pag hiwa ng karne at saka napatingala sa kanya. Seryuso ba siya sa tanong niya? Well, mukhang oo naman.

Tumango ako bilang sagot. “ Bakit hindi ka naiilang?” Sunod na tanong niya.

“Kase hindi ko siya gusto” Deretsong sagot ko. “Diʼba, kapag may gusto ka sa isang tao naiilang ka? Pero sakin kase hindi. Oo, gusto niya ako pero di ko yun iniisip kase masmatimbang sakin ang pagiging mag kaibigan namin. Hindi mo naman din kailangan mailang sa taong may gusto sayo, kase in the first place, sila pa yung mga taong totoo sayo” Ewan ko ba kung anong pinag sasabi ko. Sa haba ng pag uusap namin ay hindi na nga namin napansin na hapon na pala at kung hindi pa ako tawagan ni Aidan ay baka inabot na kami ng gabi.

Pag uwi sa mansion ay sinalubong kami ng katulong nila Samantha. Sana all may taga kuha ng gamit, noh.

“Kumusta?” Kaagad na tanong sa akin ni Aida.

“Okay lang naman” Maikling sagot ko habang inaayos ang kinalat kong damit sa aking malambot na kama. “Ikaw, Kumusta ka?” Hindi ko alam kung bakit nag kukumustahan kami kahit ilang oras pa lang naman kaming hindi nag kasama. Siguro sinisigurado lang naming pareho na okay kami para walang maging problema.

“Lagi akong okay kapag nasa tabi kita” Anito dahilan para matigil ako sa ginagawa ko at mapatingin sa kanya.“Im okay as long as im with you and youʼre with me” Dagdag pa na sabi niya sabay ngiti ng subra. Tumaas ang kilay ko, sinisigurado na hindi siya nag bibiro pero kaagad ding nawala iyon nang mapag tanto kong ni minsan ay hindi siya nag biro sa mga sinasabi niya.

Bakit Aidan? Bakit ganyan ka?

“Alam mo bang mas lalo kang gumaganda pag madami kang iniisip? Pero mas gaganda ka yata kung pati ako ay isipin mo,” Matapos niyang sabihin iyon ay nakita kong namula ang kanyang pisngi bago umiwas ng tingin. Nag blush ba siya dahil sa sariling banat niya? Well it's normal naman kaya anong bakit ganito ako mag isip! “Ang Cringe ko ba? Hehehe”

Umiling ako sabay ngiti.

Minsan talaga hindi ko alam kung abno ba siya o talagang abno lang talaga. Madami pa kaming napag usapan na inaasahan ko na talaga dahil kausap ko siya. Ni minsan naman kase hindi siya naubusan ng chika.

Nang mapagod siyang mag kwento ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Ako naman ay humiga na dahil maapa pa ako bukas para umuwi na kila papa.

Ito na yung simula.

Makakaya mo yan, Jastine!

Fighting lang kahit hindi ka pinaglaban.

Continue Reading

You'll Also Like

251K 12.8K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
125K 1.8K 25
Si Sheila ay anak ng mag asawang si Hendry Moreno at Isabella Moreno Maganda ang kanyang maamong mukha na binagayan ng Matang malalamtik at...
224K 1.1K 199
Mature content
39.4K 883 10
EDIT 5.14.24: These are now being revised on AO3! Just a few one-shots of my favorite ship from Ninjago. Don't expect these to be good as I consider...