Pelikula - G. del Pilar

By LynSafirah

17.7K 1.1K 4.8K

๐๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐š// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipin... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Epilogo

Kabanata 6

853 52 234
By LynSafirah

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 6 )

˜"*° PAGBABALIK.

•'¯'•






Nakahanda na ang mga dadalhin ni Remedios, nagdala siya ng mga kagamitan sa paggagamot at nakasay na rin siya sa barko.

Naging Pangulo na ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo. Magsisimula na ang labanan ng mga Amerikano. Napanood ni Remedios dati ang Heneral Luna, tandang-tanda niya pa rin ang mga nangyari, hindi siya sugarado kung parehas pa rin ba ang mga mangyayari.

Hindi din siya sigurado kung ang kapatid niya ba talaga ang nagpapatay kay Heneral Luna kung siya naman iyon ay may dahilan.

Ang una niyang plano ay pilitin ang kaniyang kapatid na tumulong siya sa mga sundalo na nasugatan sa pangkat ni Heneral Luna.

Habang wala siya roon ay marami na ang nangyayari sa loob ng Pilipinas. Sa loob ng hukbong pilipinas, isang tao ang nagpupumilit na pag-isahin ang bansa sa isang tidal wave ng paglaban.

Makikilala niya na si Heneral Antonio Luna dala ng kaniyang mahigpit na gawi at ugali, kilala si Luna sa pagbibigay ng disiplina sa kaniyang mga katropa at kapwa sundalo (kahit matataas na opisyal), mahigpit na nakabatay sa konsepto ng paglilingkod sa mga interes, benepisyo, at kagalingan ng Pilipinas at sa kanya. Mga taong katulad ng kaniyang dedikasyon at debosyon sa Inang Bayan noong panahon na bumabalik sa regionalist mentality ang kanyang mga kababayan.

Ang mga ibang opisyal ay may galit kay Heneral Luna kaya kapag may pinapagawa siya ay hindi naman sinusunod ang iba. Sumusunod lamang sila sa utos ng Presidente katulad ng dahil lang sa uniporme.

Kakaunti ang salapi ng hukbong sandatahan pero kailangan ipakita nila sa mga Amerikano na kagalang-galang sila.

Nakita ni Heneral Tomas Mascardo ang mga nakatambak na mga bagong uniporme.

"Saan nanggaling 'to?" Tanong niya.

"Mga bagong uniporme po galing kay Heneral Luna." Sagot naman ng isang sundalo.

"Anong bagong uniporme? Eh may uniporme na tayo!"

"Pinag isa po ni Heneral Luna ang disenyo, para magkaisa po ang kilusan."

"Bakit ako makikinig sa hambog na 'yun?" Gigil na wika ni Heneral Mascardo. Tatalikod na sana siya, pero muling nagsalita ang sundalo.

"Pinag-utos din po ito ni Presidente Aguinaldo." Hindi na muli siya nagsalita.

Nakarating na si Remedios sa Pilipinas, nasisilayan na niya ang kaniyang pamilya na nakangiti.

Pagkababa niya ng barko ay yakap at saya agad ang naramdaman niya.

"Rem, grabe ang laki ng pinagbago mo. Dalawangpu ka na." Ngiti na sabi ni Felicidad.

"Jusko, pero hindi naman nagbago ang aking ugali."

"Sa wakas kumpleto na tayo. Sigurado akong pagod ka na kaya umuwi na tayo at makapagpahinga."

"Inay, nasaan po si kuya?"

"Abala siya sa Cabanatuan. Pumunta ka raw doon bukas at may sasabihin daw siya sa iyo." Tumango nalang si Remedios.

Kinabukasan, maagang gumising si Remedios para makapag-ayos at sumakay na siya sa kalesa. Hindi niya sigurado kung itong araw ba ang pagpapasiya ng Cabinete tungkol sa mga Amerikano.

Nakarating na siya at binungad siya ng kaniyang kuya na nakangiti habang lumalapit sa kaniya.

"Ikaw na ba iyan, Rem?Ang laki ng pinagbago mo." Mayamaya ay kumalas na sila sa yakap.

"Loko ka kuya, ako pa din ito."

"Tara pasok na tayo at mainit na." Dumeretso na sila sa opisina ni Emilio. Nang nakaupo na sila ay muling nagsalita siya.

"Payag ka ba'ng tumulong sa mga sundalo na nasugatan sa gitna ng labanan?"

Ngumiti nang lihim si Remedios, hindi na niya kailangan pilitin siya.

"Oo naman, kuya."

"Tutulong ka sa grupo ni Heneral Antonio Luna. Sigurado ako na kilala mo siya dahil naikwento ko na siya sayo."

"Oo, kuya. Kailan ko ba siya makikita?" Natatandaan niya pa noong pinanood niya ang pelikulang Heneral Luna lagi siyang natatawa sa mga mura ni Luna dahil ang lutong ng pagkasabi niya nito.

"Sakto. Makakapunta siya dito at ipapakilala ko siya sa 'yo mamaya."

Tama nga ang hinala ni Remedios. Malaking trabaho ang pagkaisahin ang bansang watak-watak.

Miyembro ng piling tao na pagtatalo kung magtitiwala o hindi sa presensya ng mga pwersang Amerikano sa bansa. Karamihan sa kanila ay naniniwala na ang mga Amerikano ay may mabuting hangarin.

Mga ilang oras ay may kumatok sa pinto. Pinapasok naman ito ni Emilio.

Isang lalaki na mukhang matapang at nakasuot na puting uniporme na pang Heneral. Ito ay si Heneral Antonio Luna at may mga kasama rin siya.

Ganoon pa rin talaga ang mga mukha nila kamukhang-kamukha ng mga pinagbidahan sa pelikula.

Nagbigay pugay silang mga lalaki at napatayo si Remedios.

"Magandang Tanghali Presidente at Binibini." Tumango naman si Emilio at ningitian naman ni Remedios sila.

"Upo po kayo." Alok ni Remedios.

"Hindi na, Iha. Umupo ka na diyan." Umupo naman siya ulit.

"Muntik ko nang makalimutan ito pala ang aking kapatid na si Remedios. Siya ang sinasabi ko sa iyo na tutulong sa paggamot sa mga sundalo na nasugatan."

"Ikaw pala. Aba, ikaw lagi ang kinukwento ni Sinyor Presidente sa amin na nag-aaral ka sa Europa."

"Ahh, nakapagtapos na po ako at nagtratrabaho na rin po ako."

"Bilis mong makatapos ah, tama nga ang iyong kapatid na matalino ka at inaasahan ko na maging matagumpay ang iyong misyon sa pagtulong sa amin at tingin ko mabait ka naman kaya mapapalapit ka sa amin." Hindi inaasahan ni Remedios na mabait ito sa kaniya. Iniisip ni Remedios na sana maging matagumpay ang kaniyang misyon...

"Hindi ko po kayo bibiguin at gagawin ko po ang aking makakaya," Wika niya.

Kumpleto na ang mga miyembro ng piling tao. Nakaupo na sila, simula palang ay hindi na sila nagkakaintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita.

Kinausap ni Heneral Alejandrino si Heneral Luna na patahimikin niya ang mga kapwa Pilipino.

Galit niyang hinampas nang dalawang beses ang kaniyang palad sa lamesa para sa katahimikan.

"Senyor Presidente! Walang pupuntahan ito. Habang nagtatalo tayo dito-"

Ayan sigawan nanaman sila. Sila Remedios ay nakatayo sa may gilid, naiinip na siya kaya kinausap niya ang mga na sa tabi niya. 

"Anong pangalan ninyo?" Mahinang wika ni Remedios.

"Binibining Remedios. Ako po si Paco Roman, kahit ano nalang ang itawag mo sa akin at siya naman si Rusca, ito namang dalawang ay magkapatid na sina Manuel at Jose."

"Nagagalak ko kayong makilala at sana maging magkasundo tayo."

"Tsaka nga pala. Ilang taon ka na Binibini?" Tanong ni Rusca.

"Wag mo akong tawaging Binibini, masyadong pormal. Rem nalang para hindi mahaba at para sagutin ang iyong tanong, ako ay dalawang pung taon na ."

"Ahhh, tatlong taon lang ang agwat."

"Oy, bakit? Jusko Rusca, pati sa kapatid ng Presidente ay nagkakagusto ka at masamang magtanong ng kanilang edad lalo na sa mga babae," Saad ni Manuel.

"Nagtanong lang eh."

"Kaya nga. Baka umiyak na '
iyan pag hindi kayo tumigil." Sumabay na lang din si Remedios.

Tinignan na lang nang masama ni Rusca ang mga kasama niya. Kaya tuloy pa rin ang kanilang biruan hanggang sa nakarinig sila ng inis na tonong nagsalita na nanggaling kay Heneral Luna.

"Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang puta!" Nagsitinginan ang lahat sa kaniya. Gusto nalang tumawa ni Remedios dahil isa sa mga linyang iyan ay paborito niya.

Agad naman pumunta si Roman kung nasaan si Heneral Luna at sinabing kumalma ito.

Muling nagsalita siya. "Sinyor Presidente, ipagpaumanhin po ninyo ang pagtataas ko ng boses." Tumango nalang si Emilio.

Nagpatuloy ang kanilang pag uusap nang may pumasok na isang sundalo sa pinto na may dalang telegrama at ibinigay ito sa Presidente. Makikita ang lungkot sa mga mata ni Emilio.

"Mga ginoo, pinaputukan ng mga Amerikano ang ating mga tauhan sa Santa Mesa. Nilusod na rin nila ang San Juan, Paco, Pandacan, at iba pang karatig-bayan. May kasunduaan na rin sila sa mga Espanyol sa loob ng Intramuros."

Ang Intramuros sa kasulukuyan ay tinitipon ng mga tao. Ngayon ay nandoon na ang mga Espanyol.

"Heneral Luna... Ikaw na ang bahala. Nasa mga kamay mo na ang labanan."

"Pano ako lalaban kakagatin ko sila? Matutulungan ba ako ng mga makabayan na katulad nila? Vámonos!"

Sinundan na nila si Heneral Luna maliban lang kay Remedios. Hindi niya alam kung sasama rin ba siya. Napansin ni Heneral Luna na nakatayo lang siya kaya nagsalita ito.

"Iha, sumama ka na rin sa amin." Mahinahong wika ni Heneral Luna. Sumunod naman siya at tinunguan nalang niya ang kaniyang kapatid.

Habang palabas na sila ay biglang huminto sa paglalakad si Heneral Luna kaya tumigil rin sila.

"Isang malaking karangalan na ipag laban ang ating inang bayan. Huwag tayong mag dadalawang isip." Lumuhod siya at inilagay ang kanang kamay sa kaniyang dibdib at ginaya rin nila ang kaniyang kilos.

"Adalante compatriotas. (Forward compatriots). Ang magtagumpay o mamatay." Pagpapatuloy niya. Nagtanda sila ng krus bago simulang naglakad.

Pasakay na sila sa kalesa nang biglang nagsalita si Remedios.

"Teka lang! Pa'no po yung mga gamit ko?"

"Oo nga pala. Kunin niyo nalang dalawa ni Rusca bukas at huwag kang mag-alala makikitulog muna tayo sa bahay ng aking ina." Ani ni Heneral Luna at sumakay na sila sa kalesa.

Hindi nakakamit ang kalayaan sa pag-aaruga sa kanilang mga mahal sa buhay. Kailangan nila ng pagbayad, dugo at Pawis. Kailangan nilang tumalon sa kawalan.

REMEDIOS POV

Hating gabi na kami nakarating sa bahay ng Ina ni Heneral Luna. Naalala ko yung eksena na tumutugtog ng gitara si Heneral tas katok ng katok ang nanay niya pagkabukas niya ng pinto ay sampal agad ang naramdaman niya.

Gusto kong tumawa pero kapag nakita nila ako na tumatawa mag-isa baka isipin pa nila na baliw ako.

Kumatok na siya at mayamaya ay bumungad sa amin ang babaeng may edad.

"Mi Antoñito. (My little boy)" Yakap niya kay Heneral.

"Inay, pwede po ba kaming matulog dito?"

"Aba, pwedeng-pwede naman. Pasok kayo." Ngiti niya sa amin.

Pinaupo niya muna kami sa upuan. Medyo lutang na ako kasi anong oras na at gusto ko nang matulog. 

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may nagsalita. "Ngayon lang kita nakita, Iha. Anong pangalan mo?"

"Ah, paumanhin po. Ako po pala si Remedios Aguinaldo, nagagalak ko po kayong makilala." Pagpapakilala ko.

"Ako naman si Laureana. Ikaw na bahala kung ano ang itatawag mo sa akin, Iha. Ikaw pala ang kapatid ng Presidente. Tama nga ang sinasabi ng iyong Ina, ang ganda mo talaga." Teka magkakilala sila? Hindi ko nakita iyon sa pelikula, ah.

"Magkakilala po kayo?" Tanong ko. Syempre nang may paggalang baka isipin pa nito ang bastos ko.

"Oo. Minsan ay nakikita ko siya." Tawa na sabi niya at tumango nalang ako.

"Inay, siya pala ang bago naming mediko na tutulong sa amin." Sambit ni Heneral.

"Aba, pagkatalino rin pala ang batang ito." Pagpuri niya sa akin. Grabe salamat ah, ang gaan talaga sa loob na pinupuri ka. Nakakahiya naman.

"Inay, sunod-sunod ang iyong pagpuri kay Remedios. Pa'no ako?" Loko na sabi niya.

"Tumigil ka riyan. Matulog na kayo. Rusca, Roman, at kayong magkapatid alam niyo naman kung saan kayo matutulog." Wika niya.

"Iha, ikaw naman sa pinakadulong silid sa bandang kaliwa."

"Sige po." Dumeretso na ako sa sinasabi niyang kwarto.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil kukuhanin ko pa ang aking mga gamit sa bahay namin. Sasamahan nga pala ako ni Rusca, nakapag ayos na kaya siya?

Lumabas na ako ng kuwarto at dumeretso na sa kusina para makapag almusal na. Habang kumakain ako ng pandesal ay nagsalita si Heneral.

"Rusca, samahan mo si Remedios ah." Tumango naman siya.

"Heneral, bakit ako pa?" Tanong niya habang umiinom ng kape.

"Dahil sabi ko. Kapag may nangyari diyan kay Remedios malalagot tayo sa Presidente."

"Jusko, nagtanong ka pa. Gusto mo naman." Loko na sabi ni Manuel.

"Ikaw Manuel! Kahapon ka pa ah." Kinurot ni Rusca yung tagiliran ni Manuel.

"Oh! Heneral! Nangungurot oh. Pikon kaba?" Nagsitawanan nalang kaming lahat.

Nakasakay na kami sa kalesa papunta sa bahay namin. Kanina pa tanong ng tanong itong katabi ko. Hindi ba talaga siya nauubusan ng laway kakasalita.

"Rem."

"Oh?"

"Alam mo-"

"Hindi pa." Putol ko sa kaniya.

"Sungit mo naman." Putek, ako pa ah.

"Narinig ko yon ah!"

"Syempre, may tainga ka eh."

"Pilosopo ka ghorl?"

"Ha?" Tanong niya.

"Hakdog."

"Ano? Anong wika iyan? Magamit nga yan."

"Ano eh- Alien yun." Sarap niyang utuin kapag hindi niya talaga alam yung mga slang words basta ganun.

"Elyen.. Sige, salamat ah. Alam mo ang talino mo talaga."

"Alam ko." wika ko.

"Pilosopo ka ghorl?" Taray ah, ginamit din.

Sa haba nang pagbibiruan namin ay nakarating na kami sa bahay.

"Baka may aso diyan ah." Kalalaking tao takot sa aso. Tsk, sa pakikipaglaban nga eh. Go na go, sa aso pa kaya.

"Takot ka pala sa aso?" Umiling naman siya.

"Sabi mo eh."

Pagkapasok namin ay nakita ko si Felicidad na nagbabasa ng libro sa may sala.

"Feli, asan si Inay?" Tanong ko.

"Andiyan kana pala. Natutulog pa. Sino 'yang kasama mo?" Lumingon ako sa aking likod. Nakatayo siya na parang puno sa may pintuan.

"Huy! Ano pang ginagawa mo riyan? Pumasok ka rito."

"Pasensya na. Kanina ka pang nagsusungit sa akin ah. Tsaka nga pala ako si Rusca, binibini." Pagpapakilala niya kay Felicidad.

Kinuwento ko ang lahat na magiging mediko ako sa pangkat nila para hindi siya maguluhan.

"Mag-ingat ka ah."

"Sige. Kunin ko muna yung mga dadalin ko at tsaka Rusca umupo ka diyan." Mahiyain talaga itong si Rusca, sasabihin ko pa talaga lahat kung anong gagawin.

"Opo, señorita!"

"Baliw!" Sagot ko pabalik. Kinuha ko ang lahat ng kailangan kong dalin.

Mahabang paglalakbay nanaman ito. Sana naman magtagumpay. Naisipan ko dati na magsulat ng taalarawan pero hindi ko na ginawa kasi baka may makabasa pa. Sapul ako nun, syempre matalino ako kaya hindi ko ginawa.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung babaguhin ko ba ang mangyayari ngayon o sa taong ito. Pag iisipan ko na 'to ngayon ng mabuti at baka mamaya ay mangyari na ang labanan. Kapag sa susunod ko pa ito isipin baka may mangyari pang iba.

Alam ko na gusto lang ni Heneral na maging malaya ang Pilipinas pero may mga tao na may laban sa kaniya.

Ang sinasabing iba ay hinahanap niya ang digmaan. Bakit hindi man lang siya nagkompromiso? Sinusuko niya ang laban pero ang komprimiso? Wala ba tayong mabuhay ng malaya?

Ang Estados Unidos ay nakalaan para sa majeros acts, at sino ang maaaring maglagay ng limitasyon sa kanilang pagsulong?

Sabi nila na mapapalawak ng ating ekonomiya kung makikipagkalakal tayo sa kanila.

Buhay ba o Kalayaan ang dapat ipaglaban?

Sabi nga ni Kuya na si Heneral Luna ang pinakamahusay na Heneral. Eh, bakit niya pinapatay?

Hindi rin kase nakikiisa ang ibang Heneral, mas pinapakita ni Heneral Luna ang pagmamahal sa ating inang bayan, mga traydor din ang nagpatay sa kaniya, mayabang at strikto nga siyang magasta ngunit lumaban siya ng lubos sa ating inang bayan.

Atleast totoo siya sa kaniyang mga sinasabi, hindi lang siya puro salita o dada talagang i-aalay niya ang kaniyang buhay para sa Pilipinas, hindi katulad ng ibang Heneral at sundalo. Nasa bahagi na ako ng rebolusyon.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

Continue Reading

You'll Also Like

227K 10.9K 39
After dying unexpectedly from a traffic accident, Aria woke up inside the body of Cassia Clorance; the villainess of the famous novel she just finish...
2.9K 301 33
South Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the w...
7.4K 241 47
d a n c e r i s t. โ Marunong ka rin palang sumayaw e, dali sabayan mo ko. โž โ‡ svt tagalog chatfic#1 โ‡ performansae#1 โ‡ completed est. apr. 23, '20 ...
535 89 91
Daisy Morada - derived by its in-game name hiaymdaze - has it all. Fame, humbleness, supportive friends and a handsome boyfriend. However, when a sin...