Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.6K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 101:

779 60 26
By ziryanggg

Thrizel’s POV

Matapos kong batuhin si Thrale ng unan sa mukha ay niyaya ako ni Brooks bumaba. Ngayon ay nandirito kami sa buhangin, nakaupo. Pinapanood ang mga taong naliligo na nagbabakasyon din ngayon dito. Sa aming gilid ay sila Arella na naglalaro. Hinihintay ko lang umimik ang aking katabi dahil kanina pa kami nandirito.

“Sa tingin mo nagkaayos na kaya ‘yong dalawa?” Panimula niyang tanong habang nasa malayo ang tingin. Seryoso ang kaniyang mukha.

“Sila Ryke at Blue ba?”

Dahan-dahan siyang tumango.

“Nasaan ba silang dalawa ngayon? Kanina ko pa hindi nakikita si Blue.” Naglagay ako ng buhangin sa aking tuhod. Pinaglalaruan ito.

“Masarap maging kapatid si Blue, sobrang galang.” Parang may naisip siya kaya ito napangiti. “Minsan kasi may pagkakamali rin tayo, hindi maiiwasan ‘yon. Gusto kong magkaayos ‘yong magkapatid na ‘yon. Pasimpleng nagagalit si Blue sa kaniyang kuya. Kapag magkasama kami nagkukwento tungkol sa kanilang dalawa. Naalala nga raw niya noong bata pa sila, naihi siya sa higaan. Si Ryke ang sumalo n’on, edi si Ryke ang napagalitan.”

Nagsalita rin ako. “Halata naman kay Ryke na napakastrikto, protektadong-protektado ka. Naramdam ko ‘yon sa kaniya noong nililigawan niya ako.” Sa aking sinabi, bigla akong nilingon ni Brooks ngunit nilihis naman agad.

“I know Ryke, para siyang si Link kung umasta. Nang gustong kausapin ni Ryke ang kaniyang kapatid, pagkatapos n’on ay hindi ko na sila nakita. Mukhang hindi yata sila nag-usap dito. Nilabas pa yata ni Ryke si Blue sa resort.” Napabuntong hininga siya. “Kapag may ginawang kalokohan si Ryke sa alagad ko, hindi ako magdadalawang isip na sapakin ‘yon. Ayokong umiiyak ang lalaking ‘yon. Gano’n kasi siya dati, problemadong tao kaya umaasa akong magkakaayos sila.” Napatingin siya sa buhangin sabay baling sa akin. “Ikaw, Thrizel. Kailan kayo mag-aayos ni Thrale?”

Natigilan ako sa kaniyang tinanong. Hindi agad ako nakasagot. Paano ba makipag-ayos? Wala akong ibang nararamdaman kun’di galit kay Thrale. Wala akong ibang nais kun’di ang gantihan si Arella. Mapapanatag lang siguro ako kung nakuha ko na ang aking gusto. Gustong-gusto kong maramdaman din ni Thrale ang naramdaman ko n’on. Sa totoo lang, nag-uumpisa palang ako.

“Wala akong balak makipag-ayos. Malaki na kami, normal lang ang ganito. May mga gusto na kaming gawin sa buhay. Magkapatid pa rin naman kami, minsan nga lang magpansinan. Mayroon namang gano’n. Kung ano ‘yong dati, malabo nang maibalik ‘yon. I’m okay with that. Hindi na kailangan umasa.”

Napatango-tango siya. “Alam ko namang magkakaayos din kayo, hindi nga lang ngayon. Mamaya ay tatanongin ko si Ryke, alam niya kasi kung anong mangyayari. Si Mr. Predictable iyon e.” Natawa kaming dalawa sa kaniyang sinabi.

“‘Gaya noong nasa cafeteria kami. Alam mo ba kung anong sinabi niya kay Thrale? ‘Balang araw ikaw din ang mananakit sa kapatid mo, Thrale.’ And now, he’s right. Haha.”

“May sinabi rin siya sa amin.” Nangunot ang noo ko dahil parang nawala siya sa magandang kalagayan. Lumalim ang kaniyang pag-iisip.

“Ano?”

“Mangyayari daw muli ‘yong nangyari pagkatapos ng dalawang taon.” Ramdam ko ang pangamba sa kaniya. “Hinihiling kong magkamali siya ng isang beses.”

“Ano ba nangyari n’on?”

“Kaming limang magkakaibigan, iisang babae lang ang gusto namin which is Anissa. He won.”

“Bakit si Thrale ang nanalo? Mas better pa kayong apat sa manhid na ‘yon.”

Natawa siya. “Ibang-iba si Thrale dati. Alam mo namang pinagtitilian siya ng mga babae sa school, hindi ba? Ideal boyfriend, sabi ng lahat. Well, tama naman sila. Hindi ko lang alam ngayon.”

Ano na ba si Thrale ngayon? Ang pagbabago niya lang naman ay iyong pagtrato kay Ate Anissa. Ang pagtrato rin pala sa akin. Bakit nga ba naging gano’n si Thrale?

“Uhm. May tanong ako.” Tinaas ni Brooks ang dalawang kilay niya sa akin. Nagtatanong kung ano iyon. “Kung mauulit man ang nangyari 2 years ago, kaninong babae?”

Matapos kong magsalita, kusang nagseryoso ang kaniyang mukha. Natahimik kaming dalawa. Hinihintay ko ang kaniyang pagsagot. Bumuntong hininga ito saka tumingin sa kawalan.

“‘Di ba niligawan ka ni Ryke?” Tumango ako. “How about Gio?”

“I rejected him. May gusto siya sa akin.”

“Elkhurt?”

“Iyon ang hindi ko alam.”

“How about me?” Halos pabulong ang kaniyang pagsasalita. Tutugon na sana ako nang unahan niya iyon. “Never mind. Alam mo ba? Iyang tatlong lalaking tinanong ko sa ‘yo, sila ang unang sumuko kay Anissa. Matured enough daw para hindi na pag-agawan.”

“E, ikaw?”

“Ako? Pinaglaban ko kung anong nararamdaman ko pero talo pa rin. Noong naging sila, tinuon ko ang focus ko sa bar. Suportado naman ako sa kanilang relasyon.”

“Aren’t you mad at Thrale?"

“Buti sana pagkatapos ko magalit, may feelings na sa akin si Anissa. Hindi naman mangyayari ‘yon. Matagal naman na ‘yon, ala-ala nalang.”

Napatango nalang ako. Wala ulit sa aming nagsalita. Nakikiramdam lang kami sa paligid. Wala naman akong matanong sa kaniya.

“Nga pala, Thrizel. There is a blind date tonight on the rooftop of the resort. Our staff is now fixing the rooftop upstairs. Sali tayo?”

“Paanong blind date?”

“You don’t know blind date?”

“I mean, paano mangyayari?”

Napatango siya. “You will list your name there with the assistant. The resort is big so many costumer will join. They will find you a partner themselves. When it starts, each staff member will go up to the participants to take them to their partner. You will write your name to the girl list, along with the room number. Sasali lahat ng mga kasama natin. Sinabi ko na ‘yon sa kanila nang magising. When our resort has a lot of costumers, nagpapablind date talaga ang aking parents. Libre ‘yon.”

Nag-isip pa ako kung sasali ba ako. Hindi naman ako mahilig sa mga gano’n. Sigurado akong kailangan ko ring bumili ng susuotin para mamayang gabi. Saan naman ang botique rito?

“Baka iba ang maging partner ko. Nakakatakot.”

Natawa si Brooks sa aking sinabi. “P’wede ko namang kausapin ang manager namin. Kinausap ko na nga na ang magpartner mamayang gabi ay si Thrale at Anissa. Kung sasali ka, p’wede ko naman sabihing tayo ang magpartner.” Biglang natuwa ang aking puso. May naramdaman akong masarap sa puso, parang may humahaplos dito.

Tumango ako sa kaniya kaya hinawakan niya ang kamay ko. Hinili ako nito papasok sa resort para magpalista roon. God, ngayon lang ako sasalang sa blind date. Sana naman maganda ang kalabasan nito.

Thrale’s POV

Dumating ang gabi. Ito ako ngayon, mag-isang naglalakad sa dalampasigan. Narating ko ang tirahan ng mga tao kaya hindi mo mapigilang hindi tingnan ang mga bangka nilang ginawa. Tinitingnan din ako ng ibang babae, malamang dahil bago lang ako sa paningin nila. Ang kanilang mga bahay ay nakaangat. Kahoy ang pinangtutukod. Kaya siguro ganoon ay dahil sa high tide.

Gusto ko pa sanang pumunta sa dulo nang biglang tumaginting ang aking telepono. Tiningnan ko ang mensahe roon, galing kay Gio.

From: Gio

‘Hey, dude. Where are you? Nakalimutan mo yatang may blind date event. 30 minuted ay start na.’

Binuksan ko ang dala kong flashlight. Tumalikod na ako, tanaw ko rito ang resort. Medyo malayo ang aking lalakarin. Pagkatapos ng limang minuto, nakarating naman agad ako. Walang bumungad sa akin sa sala nang makapasok ako. Pumasok na ako sa kwarto namin. Nakita ko roon sila Gio at Ryke na tapos na mag-asikaso.

“Ngayon ka lang?” Bungad na tanong ni Ryke.

“I forgot.” Simple kong sagot na tinatamad pa kumilos. Wala akong balak sumali, niyaya lang ako ni Anissa. She’s my girlfriend kaya hindi ako nakatanggi.

Kinuha ko na ang aking tuwalya at damit. Doon na ako magdadamit sa banyo, ayokong lumabas ng nakatapis dahil may kasama kaming mga babae.

“I heard na kasali raw si Thrizel, Kein said.”

Natigilan ako sa sinabi ni Gio. Nag-uusap silang dalawa ni Ryke. Hindi ko maintindihan ang aking sarili basta ginanahan akong dumalo. Nakakapagtaka ‘yon dahil hindi naman mahilig sa ganito si Thrizel. Sino ang nagyaya rito at sumali? Siyempre si Kein.

Nang matapos akong maligo. Dumiretso ako sa salamin, nakaformal attire ako. May botique naman dito sa resort nila Kein kaya may nabili ako kanina. Hinarap ko ang tatlo.

“Nasaan ang iba nating kasama?”

“Nauna na sila, kinuha na ng staff kanina.” Sagot ni Ryke. “Ngiting-ngiti ka naman diyan? Kanina ay parang tinatamad ka.”

Binato ko siya ng suklay. “Malamang nakaligo na ako.”

“Sus.” Hindi siya kumbinsido sa aking sinabi. “Kung wala ka pala sa mood, bakit hindi ka nalang nagdive sa dagat?” Nagtawanan silang dalawa ni Gio. Mga siraulo.

Nang tapos na kaming mag-asikaso. Lumabas na kaming kwarto, sakto namang dating ng mga staff. Kaming tatlo ang hinanap, sabay-sabay kaming naglista kanina. Sumama kami sa tatlong ‘to. Nang nasa elebeytor, nagtanong ako.

“Nasaan ang mga babae?”

“Kanina pa sila kinuha.”

Hindi na ako nagsalita. Bumukas ang elebaytor. Naglakad na kami papunta sa hagdan ng rooftop. Doon na kami nilagyan ng panyo sa mata. Magrereklamo sana ako na huwag na dahil gusto ko agad makita ang aking nobya pero mas nanalo pa rin itong mga staff.

Inalalayan kami nito maglakad paakyat. Nang maramdaman kong wala ng baitang ng hagdan, sigurardo akong nakaakyat na kami. Wala akong makita, hawak din ng staff ang aking mga kamay.

“You can sit down, sir.”

Umupo ako sa upuang nilaan niya sa akin. Wala akong naging kilos, nakaupo lang ako nang maayos. Nakabantay itong staff. Akala mo naman may gagawin kaming milagro ng aking nobya rito.

Tanging pagtugtog lang ng byolin ang aking naririnig. Malakas na ihip ng hangin dahil nasa itaas kami. Maya-maya ay tumigil ang nag-iinstrumento.

Nagsalita ang emcee. “Good evening, ladies and gentleman. Carson’s Resort set up a blind date event when the resort has a large costumer. Thank you so much for joining.” Marami pa itong sinabi. Pati patakaran sa blind date ay isinali niya. Naghintay ako kung kailan nito papatanggal ang panyo. “So let’s start. Please remove the handkerchief from their eyes!”

Naramdaman kong tinatanggal na ng staff ang panyo sa akin. Ang tagal niyang tanggalin kaya tinulungan ko na siya, hinatak ko ang panyo.

Agad kong nakita si Anissa sa aking harapan na tinatanggalan ng panyo. “Hi, hon. You’re beautiful tonigh—Thrizel?” Nagkatitigan kami ng aking kapatid dahil nakita ko ang kabuoan ng kaniyang mukha. Nakasuot ito ng dress na pula. Bagay na bagay sa kaniya. Nakalugay ang buhok ngunit nakapin ang harapan nito.

Hinanap ng mga mata ko ang aking nobya. Kita ko siyang nasa iisang mesa kasama si Kein. Halatang gulat ang kanilang mga reaksyon.

What?

Nainis ako kaya hinarap ko ang staff. “Magkapatid kami, bakit kami ang magpartner?!”

Mabilis kong naagaw ang atensyon ni Kein kaya nilapitan kami nito. “Thrale, stop. Maraming tao. Mamaya nalang nati—”

“Hindi mo ba nakikita, Kein? Inaasahan kong si Anissa ang kasama ko ngayong gabi. Why Thrizel? Akala ko ba kinausap mo na ‘yong manager para hindi kami magkahiwalay? O baka naman gusto mo talagang maging partner ang girlfriend ko kaya iniba mo?”

“Our manager had an emergency na sinabihan ni Sir Kein. We don’t know your request. Pasensya na, sir.” Magalang na paliwanag sa akin ng isang staff.

“P’wede ba kaming magpalit?

Umiling siya. “Hindi po. Baka kasi magkagulo lalo na, halos lahat ng customers ay nanonood sa atin. Iisipin nilang p’wedeng makipagpalitan ng partner.”

Napahinga ako nang malalim doon. Hindi ko inakala na si Thrizel ang haharap sa akin ngayon.

Nagsalita si Anissa. “Thrale, ngayong gabi lang naman ‘to. Saka kapatid mo naman ang kasama mo sa iisang lamesa, walang malisya roon. Gusto mo ba ay ibang babae pa? Calm down, pag-usapan nalang natin mamaya. Let’s not make a mess.”

Wala na akong ibang nagawa kun’di ang umupo sa aking upuan. Napahilamos ako ng mukha.

“Over acting naman.” Rinig kong sabi ni Thrizel na seryosong nakatayo. Tiningnan ko siya. Wala sa akin ang kaniyang paningin, na kay Anissa at Kein na pabalik sa kanilang mesa. Kahit gano’n, alam kong ako ang sinasabihan niya.

“Maupo ka nalang.” Kinuha ko ang wine na binigay sa akin ng waiter. “Pagbawi ko na ‘to sa girlfriend ko, ikaw pa ngayon ang kaharap ko. Masyadong palpak.”

Tahimik na kumain si Thrizel. Wala man lang reaksyon ang kaniyang mukha. “Thankful pa rin ako na ikaw ang kaharap ko hindi ibang lalaki.” Doon niya lang ako tiningnan. “Kahit ako ay nagulat. Akalain mo ‘yon, blind date tayong magkapatid.” Umiling-iling. “Don’t you have sweet lines there? We are on a date.”

“Shut up.” Pakiramdam ko namimikon lang siya.

“You can ask your partner about her/his life if you’re interested. Maybe your the one is here at the blind date event.” Muling pagsasakita ng emcee.

Kita kong napangisi si Thrizel sa kaniyang narinig. Uminom ito ng wine pero ang mga tingin ay nasa akin. “Maybe you’re my the one?” Is she teasing me?

“You can dance your partner here on the dance floor. ” Emcee again.

“We can dance, Thrale.” Nang-aasar nga.

“Mainit ang ulo ko. Kumain nalang diyan. Hindi ba halatang nagseselos ako dahil magkasama sila Anissa at Kein?” Napairap ako sa hangin at kumain nalang.

“We’re same. I’m jealous.” Biglang sabi ni Thrizel kaya nangunot ang aking noo.

“What?”

“Wala. Ang init naman ng ulo mo. Ikaw na nga itong inaasar. Bahala ka nga.” Iniba niya na ang kaniyang  tuon. Tumingin na ito sa ibang lamesa pero panay ang tingin niya sa mesa nila Kein. Ilang segundo niyang titingnan, ibabaling sa iba ang tingin sabay muling ibabalik. Abnormal.

“One smile, mawawala init ng ulo ko.”

Napatingin siya sa akin. “One smile? Are you insane?”

“Yes, ngiti mo.”

“Kadiri ka, Thrale.” Napasimangot ako sa kaniyang sinabi. Ang tigas nito. Parang kanila lang ay inaasar ako. Bumaliktad ang sitwasyon.

“Saan galing iyang kwintas mo? Mumurahin lang. Handmade?” Nakita ko kasi sa kaniyang leeg kanina.

“Someone just gave it to me.”

Sino namang someone ang tinutukoy niya?

“Hindi bagay sa ‘yo.” Agad kong kontra.

“Hindi ko naman hinihingi opinyon mo.”

Masyado siyang seryoso ngayon. Kainis. Hindi man lang ngumingiti. Ako ang kausap pero sa iba nakatingin, ito ba talaga ang blind date na sinasabi nila? Walang kwentang kasama si Thrizel sa iisang lamesa.

“Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin? Ako ang ka-blind date mo rito. Kung saan-saan ka lumilingon.” Nakuha ko na siyang punahin dahil nasa iba talaga ang tuon niya.

Hindi siya sumagot. Nagpunas siya ng tissue sa bibig at tumayo. Tumayo na rin ako, sumandal siya sa railings ng rooftop kaya tumabi ako sa kaniya. Madilim ang langit. Malayo ang kaniyang tingin.

“Malalim ba ang iniisip mo, Thrizel?” Kung saan siya nakatingin, doon din ako.

“Hindi.” Kaswal niyang sagot. “Na-unhooked ‘yong bra ko, pakikabit nga, Thrale.”

“What?” Alam kong kami lang ang nakatayo rito sa railings pero kahit na. “Kailangan ko pang itaas ‘yang laylayan ng dress mo bago ko maabot ‘yang lock ng bra mo.”

Bumuntong hininga siya. Malumanay na nagsalita. “Binibiro ka lang.” Ngayong gabi, hindi niya talaga makuhang ngumiti? Masyado siyang seryoso. Parang ang dami niyang problema.

Blue’s POV

Bumaba na ako ng taxi nang makarating sa resort ni Boss Brooks. Nauna kasing bumalik dito sa akin si Ryke. Ako kasi kung saan-saan pa nagpunta. Puro kalokohan pa ang aking ginawa. Wala na sana akong balak bumalik pero mayayari ako kay Boss Brooks. Magtataka iyon.

Pinapasok ako ng guard. Salamat naman at namumukhaan niya pa ako. Naglakad na ako papunta sa main door. Papasok na sana nang mahagip akong babae. Sinipat ko ang mukha nito. Nagtaka pa ako dahil si Thrizel iyon. Nakapula siyang dress, itim na heels at lugay ang buhok.

Hahabulin ko sana siya pero mabilis itong lumabas. Tuluyan na akong pumasok sa loob. Papunta ako sa rooftop dahil nagmensahe sa akin si Boss Brooks na nandodoon silang lahat. Nagtaka ako dahil lahat sila ay nasa hagdan.

“Oh? Anong nangyari?”

“Si Thrizel. Nakita mo ba?”

“Oo, kakalabas lang.”

Napailing-iling si Boss Brooks. “Ano bang ginawa mo, Thrale? Hindi aalis ‘yon ng walang dahilan.”

Walang naging sagot si Thrale. Wala naman akong alam sa nangyayari pero ano ngang ginawa ni Thrale para umalis ang babaeng ‘yon?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.7K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
20.3K 81 79
I have an aura of stunning beauty After adulthood, her talent lies in her appearance, and Su Momo, who is extremely frail, was assigned to the halo...
79.2K 2.8K 43
Patricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective chan...
565K 43.8K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...