A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️

By heradevils

870K 34K 24.1K

~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RES... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
FINAL - I
FINAL - II
EPILOGUE

CHAPTER 12

28.5K 1.3K 1.5K
By heradevils

Yen


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila ako lumulutang. Bahagya kong inimulat ang mga mata ko at napasinghap nang maalala ang nangyari sakin kanina.

Bumalikwas ako ng bangon at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Shit, nasaan ako? Dito ba ako dinala ng taong dumukot sa akin? Oh my god, oh my god, oh my god! Ano 'to kidnap for ransom? Gago hindi ako mayaman mahirap lang kami! Halos hindi na nga kami nakakabayad sa mga utang namin tapos may paganito pa? Helpppp!

Umalis ako sa kama na puno ng kaba ang dibdib. Inikot ko ang kabuoan ng kwarto at bahagyang napakunot-noo nang mapansing may kakaiba.

The whole place is filled up with expensive and luxurious stuff. Mula sa lightings, flooring, interior at appliances. Teka, hindi ito ang tipong lugar para sa mga tulad kong na kidnap. Dapat nasa isang liblib at inabandonang lugar ako dinala, hindi dito.

Napaupo ako sa couch habang sapo ang noo. Kapagkuwan napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata. Yawa, baka isang mafia lord ang kumuha sakin! Hoy ano 'to, 365 Days ang peg!? I was referring to an erotic movie where the main lead character kidnapped the woman and intend to keep her as a prisoner for 365 days.

Mabilis kong chineck ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang suot ko parin ang damit ko kanina.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang nasa gitna ako ng dagat. Holy shit, nasa yacht ako. 365 days nga! Jusko, baka biglang may sumulpot na lalaki at bagyohin ang puson ko. Hindi ako papayag! I'm a virgin!

Natataranta ako. I feel like i'm losing my sanity. My heart is beating fast. Nanginginig ang buong katawan ko sa pinag-halong takot at kaba. Fuck, how am i supposed to escape from here? I'm surrounded by water! Malayo na ako sa daongan ng barko at hindi rin ako marunong lumangoy kung sakaling tatalon man ako. I'm freaking trap!

Hinalughog ko ang buong kwarto at naghanap ng life jacket o salbabida kaso wala. Binuksan ko lahat ng cabinets kaso wala parin. Bwesit talaga. Paano ba ako makakauwi neto!?

Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng yabag. Mabilis kong hinubad ang suot kong sapatos at hinanda ang sarili para dumipensa. Punyeta, wala akong sinasanto ngayong araw na'to kaya humanda sakin ang demonyong 'to!

When the door open, agad kong binato ang sapatos ko sa walang modo kong kidnapper. Di pa ako nakontento at ibinato ko din sakanya ang mga unan, remote, figurines saka vase. Lumikha yun ng maraming ingay.

"What the hell, Goldilocks?"

Muli akong natigilan at napa-angat ng tingin. Shock filled me upon seeing Vaughn. "Ikaw!?"

"Yes, me."

My blood range. Mabilis ko siyang nilapitan at sinuntok-suntok sa braso. "Bwesit ka! Yawa ka! Buang!"

"Aray, aray, aray, Midget!"

"Saan mo ako dinala ha!?" kwenulyan ko siya at isinandal sa pader. "Bakit mo ako dinukot? Anong intention mo!?"

"C-can you c-calm down?" bakas ang takot sa kanyang mukha.

"Anong calm down!? Pagkatapos mo akong kidnapin at dinala sa gitna ng dagat? Gusto mong mag calm down ako? Gago! Alam mo ba kung anong trauma ang ibinigay mo sakin!?"

"I-i'm s-sorry, let m-me explain."

"Shut up!" malakas ko siyang sinapak at itinulak pahiga sa kama. Umupo ako sa ibabaw ng puson niya at kinuha ang unan saka pinalo-palo yun sa kanya. "Abnormal kang unggoy ka! Isa kang lason! I hate you!"

"Baby let me explain."

"Anong baby!?" muli ko siyang kwenulyan at masamang tinignan. "Ulitin mo nga." biglang huminahon ang boses ko.

"B-baby."

asdfghjkl enebeeee 🙈💕

Binitawan ko siya at muling sinuntok sa braso. Mas malakas yun kaya napa-igik siya sa sakit.

"Damn it, Midget. May bakal ba ang kamay mo?"

"Manahimik ka!"

Agad din naman siyang tumahimik. She looked like a scared litttle puppy.

"Sagotin mo ang tanong ko. Bakit mo 'ko dinukot?"

Vaughn didn't answer. Sa halip nakapako lang ang tingin niya sakin habang kagat ang labi. "You looked so hot sitting above me."

"Umayos ka!" hinampas ko siya ng unan.

"Gusto kitang makausap ng hindi mo ako tinatakasan." mabilis niyang sagot. "And this is the only way for me to do that."

"Look, if this is all about V's Palace again then quit it. Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi nga ako interesado?"

"It's not about that."

"Then what is it? Gaano ba ka importante yan para ilagay mo 'ko dito sa gitna ng dagat?"

Vaughn didn't reply. Nagulat lang ako ng hawakan niya ang baywang ko at inihiga sa kama saka kina-ibabawan. Hoy, jusko!

"A-ano ba u-umalis ka nga." sinubokan ko siyang itulak palayo pero ayaw niya.

"I should be the one asking the questions." she said, gruffly. Sobrang lapit ng mukha niya sakin na kulang nalang ay halikan ako. Ramdam ko ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. I gulped, hard.

"T-tungol s-saan?"

"Tulad ng bakit mo ako iniiwasan?"

Nanumbalik yung inis ko. "So what kung iniiwasan kita? Sinabi ko nasa Café, hindi kita kaibigan para obligahin mo 'kong kausapin ka."

"E ano ba ako sayo?"

"Isa kang unggoy na bakulaw."

"I'm serious, baby. Ano nga ako sayo?"

"Nothing." I looked away, trying to hide my real emotions.

"You're lying to me." hinawakan niya ang chin ko paharap sa kanya. "Iba ang nababasa ko sa mga mata mo."

"O tapos?"

"Be honest with me please. Ano ba ang ikinaganyan mo? Okay naman tayo 'nong mga nakaraang linggo ah. Tapos bigla ka nalang di namamansin na parang hindi ako nag-eexist. Tell me, dahil ba 'to sa pag gate crash ko 'don sa HRM night nyo?"

"Hindi."

"Kung ganon ano? Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang naging kasalanan ko sayo."

Manhid at paasa ka! Yun ang problema ko!

"Let me go," tinangka kong alisin ang kamay niya pero mahigpit niya itong hinawakan.

"No, I'm not letting you go. 18 days mo na akong tinatakasan at hindi ako papayag na di natin 'to pag-uusapan. Bakit ka ba galit sa akin ha?"

"Because you're playing with my feelings!" there i said it.

"Saang banda?"

"Everywhere!"

"Where exactly?"

"Ewan ko sayo!"

"I'm asking you baby where exactly did i played with your feelings?"

Hindi ako sumagot. Buong lakas ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko at akma na sanang lumabas patungong deck pero hinila niya ulit ang kamay ko para pigilan.

"Baby please answer me, ano bang ikinaganyan mo?"

"Yan! Yang pagtawag mo sakin ng baby! Pinapaasa mo ako dahil sa letcheng call sign mong yan!"

"I like you," she confessed.

Bigla akong napamaang. A-ano.....r-raw?

"H-ha?"

"Gusto kita, Yen. Gustong-gusto."

My jaw dropped open. Ilang beses akong kumurap-kurap at di nakapag-salita.

Tama ba yung narinig ko?

"T-totoo?"

"Yes." by her looks, mukhang seryoso talaga siya.

"Pinagloloko mo ba ako?" i'm still in shock. Hindi ko inaasahan na marinig yun sa kanya.

"No i'm not kidding around, Yen. I meant what I said. I don't know when and how it started, I just woke up having feelings for you." aniya habang titig na titig sakin.

"P-prank ba 'to?"

"No, i'm serious." then to my surprised, she did one thing I thought she would never do. She kissed me. She passionately claimed my lips in a kiss that made my nerves tingle. Napakurap-kurap ulit ako at di makagalaw. It took seconds for me to digest everything until I found myself responding fervently to her kiss with all passion I had kept bottled up inside. Para akong nauupos na kandila sa sensasyong dulot ng kanyang halik.

"V-vaughn." wika ko nang lumayo siya saglit.

"Hindi ako nagbibiro, Yen. Seryoso ako sayo." she gently brushed her fingers over my cheeks. "Please believe me. I really have feelings for you."

Di ko alam kung anong gayuma ang mayroon sa salita niya dahil wala sa loob akong tumango.

Vaughn smiled and bent down to kiss me once again. Nagpaubaya ako't tinugon ulit ang halik niya. Her hands circled around my waist and pulled me closer. Ipinalibot ko ang dalawang braso ko sa kanyang leeg at sa ganitong paraan kami nagpalitan ng halik. It was a kind of kiss that threw my conherent and sound reasoning down the bin. Ang tanging malinaw sakin sa sandaling ito ay ang paraan ng paggalaw ng labi niya at ang kiliting hatid nito sa bawat himaymay ng katawan ko.

I can't define the feeling or the amount of electricity running through my veins as we exchanged wet kisses. Just this once, I want to indulge this beautiful moment with her.









**********



"Suotin mo 'to." sabi ni Vaughn sabay lagay ng helmet sa ulo ko.

"Aray ang bigat naman." reklamo ko.

"It's for your own safety baby. Ayaw mo naman sigurong mahuli tayo sa traffic enforcer diba?" pinisil niya ang ilong ko. Nakadaong na kami pabalik sa harbor at ihahatid niya ako sa dorm sakay ang kanyang ducati.

"Kahit na, mabigat pa rin. Kita mo ng maliit 'tong ulo ko e."

Vaughn laughed. Mabilis niya akong binuhat pasakay sa upoan bago rin siya sumakay. Isinuot niya ang sariling helmet bago pinaandar ang ducati. "Hug me,"

"Ha?"

"Yakapin mo 'ko para hindi ka mahulog dyan. Sa sobrang liit mo baka tangayin ka ng hangin pag-nasa kalsada na tayo."

Mahina ko siyang sinapak sa braso. "Bully ka."

"Kidding, baby. Just hold me tight."

Lihim akong napakagat labi dahil sa naramdamang kilig. Mabilis kong iniyapos ang dalawang braso ko sa baywang niya at isinandal ang ulo ko sa kanyang likod. Literal na yakap talaga ang ginawa ko.

"Okay, let's go." she started the engine and drove her ducati on the road.

Hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ko sa mga oras na 'to. Hanggang ngayon ay tila parin ako lumilitaw sa alapaap dahil sa naging usapan namin kanina sa Yacht. It's unexpected but worth it. Binawi ko ulit lahat ng mga isinumpa ko dati. Mahal ko na ulit siya at balik loob na ulit yung feelings ko para sa kanya.

Gigil kong hinigpitan ang pagyakap kay Vaughn. My baby giant.

Nasa highway na kami nang pareho kaming ginambala ng isang police patrol car na nakabuntot sa'min habang naka-sirena. Nagsalubong pareho ang kilay ko.

(A/N: The next followings scenes, specifically the police scene, is inspired from a hit GL mangga called Pulse by Ratana Satis )

"Uhm, Vaughn? Bakit tayo sinusundan ng police?"

"Ignore that baby, nangti-trip lang yan."

Nagtaka man ay ini-ignora ko naman. Paliko na kami sa kabilang highway.

"Plate number VT 1026, pull over!" sabi ng sino man sa mega phone. Galing yun sa patrol car. Nakasunod parin ito sa'min.

"Fucking hell what does she wants!?" rinig kong mura ni Vaughn. Itinigil niya ang Ducati sa gilid ng kalsada at ganon din ang patrol car. Naguluhan ako bigla.

"Anong nangyari?" takang tanong ko.

Sasagot na sana si Vaughn nang biglang bumaba ang isang police mula sa patrol car. Nagulat ako. Ito yung kasama ni Vaughn kanina sa Café. Yung malanding police.

"What the fuck do you want, Billie!?" galit na tanong ni Vaughn dito.

"Silence." sagot sa kanya ni Billie. Lumapit ito sa amin habang nakangisi. "Ikaw Vaughn Archibald Tuazon ay inaaresto ko sa salang kidnapping at serious illegal detention. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaring--"

"Fuck you!" putol na mura ni Vaughn.

"Shhhh! hindi pa ako tapos."

"Whatever. I have no time for your bullshits. Kailangan ko pang ihatid si Goldilocks sa dorm nila."

Lumawak ang ngisi ni Billie. "Chill mangyayari din yan. Pero bago yan, iinterviewhin ko muna 'tong biktima mo." sabay tingin sakin. "Miss ma'am, pwede ba kitang makausap?"

"Uhm tungkol po saan?" naguguluhan kong tanong.

"Tungkol sa pagdukot sayo ni Miss Tuazon."

"Will you cut it out already!?" suway ni Vaughn.

"Shhhhh tahimik sabi e." asik nito kay Vaughn bago ulit tumingin sakin. "Halika, dito tayo. Seryoso ito at kailangan ng ma-iging inbestigasyon."

Wala akong choice kundi bumaba. Pumuwesto kami sa gilid.

"Ahem," tumikhim si Billie sabay kuha sa maliit na notebook na para bang doon nito isusulat ang dapat nitong malaman. "I have some few important questions so i need you to be honest with me okay?"

"Sige."

A wicked smile formed her lips. "Alam mo ba ang rason kung bakit ka dinukot ni Miss Tuazon?" she asked.

"Ahm at first hindi, pero 'nong nag---"

"Yung nasa loob na kayo ng Yacht. Anong ginawa nyo?"

Di pa ako tapos e. Nag-mamadali teh?

"Nag-away, nag-usap, nagbati after niyang inexplain sakin ang totoong rason kung bakit niya ako dinukot." sagot ko naman.

"Hmmm, pagkatapos nyong magusap. Ano pang nangyari?"

My cheeks turned red. Do I need to say that?

"K-kailangan po ba talagang detalyado?" medyo hesitate kong tanong.

"Yes. I'm a Police Lieutenant Colonel, it is my duty to know every details of this kind of criminical act."

Medyo nag-worry ako. "Huwag mo naman sanang arestohin si Vaughn. Wala naman siyang ginawang masama sakin e."

"Hmmm depende. Kaya nga kailangan kong malaman ang totoo. So ano nga? Pagkatapos nyong mag-away, mag-usap at mag-bati. Anong sumunod?"

"S-she kissed me."

"Naku." nakangising tinignan ni Billie si Vaughn. "Hindi lang pala Kidnapping ang kaso mo, bruh. Pati din pala Child Abuse."

"Fuck off!" inis na sagot ni Vaughn.

Ibinalik ni Billie ang atensyon sakin. "Bukod sa kiss ma'am, ano pa ba?"

"Yun lang po."

"Sure? Wala ng more than kissing?"

Mas lalo akong namula. "W-wala na."

Muling tinignan ni Billie si Vaughn. "Mahina ka pala, manok. Tsk tsk tsk. Kaya naman pala napaaga ang uwi nyo."

Pikon na bumaba si Vaughn sa Ducati niya at kwenulyahan si Billie at inihiga ito sa hood ng patrol car. "I'm going to skin you alive you fucker. Wala akong pakialam kung police ka pa."

Billie laughed hard. Hindi man lang ito natakot sa banta ni Vaughn. Sa halip ay kumindat lang ito sakin. "Don't worry, miss ma'am. Ganito ang bonding namin ng pinsan ko. Sa ganitong paraan niya ipinakita ang pagmamahal niya sakin."

Binitawan ni Vaughn si Billie at hinila ang kamay ko. "Let's go baby, pabayaan mo yang abnormal na police na yan." sumakay ulit kami sa Ducati at iniwan si Billie na tawang-tawa. Pagdating namin sa dorm, hinatid niya ako hanggang sa pinto.

"Thank you." pasalamat ko.

"You're welcome." nakangiwing sagot niya sabay tingin sa paligid. "How are you able to sleep at night knowing that this place is.............disgusting."

Umangat isang kilay ko. "Mayaman ka lang at hindi sanay sa ganitong lugar pero para samin, okay lang naman."

"No it's not okay. I have an un-used Town house in R.Homes. Gusto mo bang lumipat 'don?"

"Ayoko. Masyadong malayo 'yon."

"How about at my house? Madami akong bakanteng kwarto 'don. You can stay there if you want."

"Ayoko rin. Bakit naman ako lilipat?"

Vaughn wrinkled her nose. "I just can't stand that you live here."

"Kung talagang seryoso ka sakin, dapat tanggapin mo kung ano ako at kung anong status ko."

Vaughn sighed. Hindi na siya pumalag. Instead, she hug my waist tight. "Are you busy tomorrow?"

"End of the semester na. Maliban sa duty ko sa Café, wala na."

"Great. Pwede ba kitang isama bukas sa bahay? Turoan mo 'kong gumawa ng cakes."

"Bakit sa bahay mo pa kung pwede naman sa Café mismo?"

"E sa bahay ang gusto ko?" bigla siyang ngumisi.

"S-sige."

Vaughn kissed my forehead. "Susundoin kita bukas ng gabi."

Masama ko siyang tinignan. "Hapon."

"Gabi."

"Hapon." mahina ko siyang sinapak sa braso.

"Fine, afternoon. I'll be here after my duty at V's Palace."

"Okay noted."

Muli niyang dinampian ng halik ang noo ko. "Good night, baby."

"Good night din. Ingat ka pauwi ha?"

"For you, I will." tumalikod na siya at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasay siya sa Ducati niya.

Patili akong pumasok sa dorm at sumandal sa likod ng pinto. Sapo ko ang mukha ko dahil sa matinding kilig na naramdaman.

Dream come true!

•••••••🌈••••••

Continue Reading

You'll Also Like

953K 26K 32
Started writing on July/August, 2014 Story completed on March, 2015 Manuscript revised on August 18, 2020 ** Zekhaila Abraham unexpectedly fell in lo...
6.2M 113K 106
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Normal na kay Jean Kaye ang magpapalit-palit ng girlfriend, minsan pinagsasabay-sabay pa niya ang...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...