Loving My Brother #2: Who's T...

Por ziryanggg

58.5K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... Mais

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 99:

755 65 17
Por ziryanggg

Thrizel’s POV

Tahimik akong nakaupo sa malaking bato, nakahiwalay sa aking mga kasama. Kakatapos lang ng aming laro, humiwalay agad ako sa kanila. Umiinom lang ako ng beer habang dinadama ang malamig sa hangin. Gusto ko sanang magpainit sa bonfire ngunit naiilang ako sa pagtitig ni Thrale. Simula nang makita niya ulit ako, ganiyan na siya.

Tumunog ang aking telepeno kaya kinuha ko ‘to sa bulsa. Bahagya pang nangunot ang aking noo dahil si Dominic ang tumawag. Ngayon nalang muli siya tumawag sa akin. Hindi ko mawari kung may dapat  pa ba siyang alamin sa akin. Hindi niya naman na ako binabantayan, paraa saan pa ang pagtawag niya ngayon?

“Bakit?” Kaswal kong pagtatanong.

“Nagtetext sa ‘yo si Mr. X, hindi ba?” Kay Mr. X naman siya ngayon interesado.

“Yes.”

“Anong mga text niya?”

Agad kong sinabi ang kaniyang hinihingi. “Noong nakaraang araw, nagbigay ng bulaklak. Sa birthday ni Aevie, maayos naman, pinag-iingat ako. Pagkatapos n’on, siya raw ang panganib ko. Anong mayroon?”

“Nakakapagtaka lang, hindi ko alam kung may sakit ba ‘yang bipolar disorder. May hinala ako kung sino siya pero base sa nalaman ko sa ‘yo, tumataliwas.”

“Bakit?”

“Ang gulo ng mga clue niya. Baka ayaw niyang magpahuli.” Rinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. “Kapag tungkol kay Mr. X, sabihin mo sa akin bawatl minemensahe sa ‘yo. Mukhang magkakamali ako.”

“Sure.”

Pinatay ko na ang tawag, muli na namang tumahimik sa aking p’westo. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, nakita kong nakatayo si ate Anissa malapit sa tubig. Huminga ako nang malalim bago maglakad para puntahan siya.

“Ako naman ang magtatanong, are you okay?” Panimula ko. Pum’westo ako sa kaniyang gilid. Pansin ko pang napatingin siya sa akin.

“Bakit nandidito ka, Thrizel? Pagpapahangin lang naman ako.” Sabay lihis ng tingin. Malayo ang kaniyang tinginan halatang malalim ang iniisip.

“Mukhang tungkol kay Thrale ang iniisip mo.” Napabuntong hininga siya sa aking sinabi.

“May pagbabago si Thrale, ibang-iba siya dati kumpara ngayon. Hindi ko na maintindihan ang kaniyang kinikilos, tinatanong ko siya kung anong problema, lagi naman siyang umiiling sa akin. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama sa kwarto, malalim pa rin ang kaniyang iniisip.” Pakiramdam ko, sa bawat sinasabi niya ay nasasaktan siya. Nagpatuloy siya. “Naalala ko—” Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang naging barag ang kaniyang boses. Kumikibot ang labi. “Naalala ko pa kung paano niya ako pagtuonan ng pansin. Alagang-alaga ako. Ang sigla-sigla niya. Araw-araw niyang pinaparamdam sa aking mahal niya ako.”

Kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan. Dapat ba ay yakapin ko? Hays. Paano ba magpagaan ng loob sa mga ganitong may problema?

“Nagtatampo ako minsan pero alam mo ‘yon? Kapag mahal mo ang tao, mas pipiliin mong intindihin siya. Iniisip ko minsan na kaya kami ganito dahil isa lang na pagsubok sa relasyon.” Nagpunas siya ng kaniyang luha. “Gustong-gusto kong sumbatan si Thrale. Gustong-gusto ko siyang awayin para mailabas ‘tong sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil ayokong dumagdag sa kaniyang problema. Mas iniisip ko pa siya kaysa sa sarili ko. Ayokong dumating sa punto na lalala pa ang ganito.”

“E, ano nang gagawin mo?”

Nagpunas muli siya ng luha at humarap sa akin. Mugto ang kaniyang mata. Mahinang babae ang nobya ng aking kuya. “Wala. Kung ano ang ginagawa ko sa kaniya dati, gano’n pa rin. Hindi ko kailangang magbago sa kadahilanang nagbago siya. I will stay no matter what happens. I will love him more even if he treats me differently.”

“Parang dati lang kung tumitig sa ‘yo si Thrale, halatang mahal na mahal ka.” Napailing-iling ako. Hindi ba alam ni Thrale ang kaniyang kinikilos?

“Huwag mo sanang sabihin sa kuya mo ang napag-usapan natin. Kaya ko pa naman. Bukas na bukas ay ayos na rin ako, ngayong gabi lang ‘to.”

Napatitig ako sa kaniya. Ang swerte ni kuya sa nobya niya ngayon. Kung hindi niya malalaman ang kaniyang kinikilos o kung hindi niya malalamang nagbago siya. Sigurado akong sasayangin  niya ‘to. Tsk. Thrale, manhid ka pa rin ba? Pati nararamdaman ng girlfriend mo, hindi mo pa naaalam.

Iniwan ko na si Ate Anissa roon dahil alam kong kailangan niya munang mapag-isa. Wala naman na siyang sinasabi sa akin at saka, hindi ko alam ang gagawin ko para pagaan ang kaniyang loob. Ganito na ba talaga ako? Sobra na yata ako sa pagiging walang pakialam. Hindi man lang ako nakaramdam ng lungkot o sakit sa kwento ni Ate Anissa.

Umupo ako sa buhangin kung saan nakaupo si Link. Nakikipagkwentuhan lang naman siya kay Gio, hindi ko maintindihan ang kanilang pinagsasabi kaya nilibot ko nalang ang aking paningin. Kita ko si Blue na lasing, pagaywang-gaywang itong naglalakad palapit kay Brooks. Inaasar pa nito si Brooks. Halatang lasing na rin ang isa.

Napatingin ako kay Arella, nakaupo ito sa loob ng tent. Halatang lasing na rin ito, mukhang pinaupo siya roon ni Thrale dahil nakabantay sa kaniya ang aking kuya. Tiningnan ko ang mukha ni Thrale, nakatingin kila Ryke at Elkhurt na natatawanan pero halata sa kaniyang malalim ang iniisip.

Halos lahat sila ay lasing na. Tumayo si Elkhurt para kunin ang speaker, nagpatugtog siya dahilan para sumayaw si Blue. Tawa nang tawa ang lahat, pati ako ay hindi napigilang hindi tumawa. Para kasi siyang baliw. Naglabas sila ng selpon para kunan ng video si Blue.

“Nandiyan ka pala, Thrizel.” Pansin sa akin ni Gio. Nginitian ko siya ng pilit. “Nag-eenjoy ka ba? You can dance with Blue para kasing buryo ka sa p’westo mo.”

“Hindi na, ayos naman na ako rito.” Naglapag siya ng beer sa akin. Hindi ko matanggihan kaya ininom ko na iyon. Humangin na naman nang malakas, napunta lahat ang buhok ko sa aking mukha. Agad ko itong inayos.

Nakailang inom na ako ng beer dahil sa pagbibigay ni Gio. Ako naman ay panay inom dahil wala namang reklamo si Link. Pinapanood niya pa nga ako e. Ramdam ko na rin ang aking hilo.

Si Blue na sumasayaw, bigla siyang pumunta sa aking harapan. Kung ano-anong sayaw ang ginawa nito sa akin, napangiti ako dahil doon. Tawa nang tawa ang aking mga kasama. Nagulat ako nang hawakan ako nito sa kamay, pinapatayo. Sinunod ko ang gusto niya, pinasayaw ako nito.

I can’t dance, hindi ko kaya sumayaw pero dala ng kalasingan. Dinamayan ko si Blue. Kung ano-ano ang aking pinagagawa, kita ko pa ngang kinukuhaan nila ako ng video, kaming dalawa ng aking kasama.

“A-Ang galing mo palang sumayaw, Thrizel.” Bulong sa akin ni Blue. Hindi nakaligtas sa akin ang hininga niyang amoy alak.

“Siguro. HAHAHAHAHAHAHAHA!” Kusa akong natawa.

Binangga ako ni Blue dahilan para mapaupo ako sa buhangin. Wala naman iyon sa akin dahil hindi masakit. Tumayo ako para gumanti, binangga ko rin si Blue. Nagtawanan kaming lahat dahil tumalsik ito. Mukhang sobra na ito sa pag-inom, hindi na maibalanse ang sarili.

Dahil nga sobra na sa kalasingan si Blue. Tumayo ito at tumakbo papalapit sa akin para dambahan ako. Umiwas ako sa kaniya pero bonfire ang aking nasa harapan kaya nawalan ako ng balanse. Napaupo ako sa isang kasamahan namin. Tiningnan ko kung sino ‘to, si Brooks na nakatitig sa akin ng seryoso.

“Hi.” Ngiti kong kaway. Hindi ko na hinintay ang kaniyang tugon. Muli akong tumayo para sakalin si Blue. Sinakal ko ito ng tatlong beses, agad na natapos dahil gumitna sa amin si Elkhurt.

“Patayan yata ang ginagawa niyo e.” Mapupungay ang kaniyang mata habang nagsasalita. Pinagtitripan niya na rin ang aming mga kaibigan. Sinasayawan niya ito sa harapan. Tawa naman sila nang tawa sa kalokohan ni Elkhurt.

Napahilamos ako ng mukha dahil lumalabo ang aking paningin. Sobra na ang aking hilo, kasalanan ito ni Gio. Muli kaming bumalik ni Blue sa pagsasayaw. Nakisali na rin si Arella, ang rason niya ay gusto niyang subukan. Nasa gano’n kaming kasiyahan nang biglang may humawak sa aking pulsuhan.

Hinayaan ko ito kung saan ako dadalhin. Nilayo niya ako ng kaunti sa aming mga kasama. Medyo madilim sa aming p’westo. Wala akong balak magsalita, hinihintay ko lang siya.

“Sino bang nagsabing maglasing ka?” Napatingin ako sa kaniyang mukha dahil kung magtanong ay parang si Thrale. Nagulat pa ako dahil si Brooks ito, siya ang humatak sa akin.

“Wala pero p’wede naman akong makisali sa kanila! Let‘s enjoy!” Humyaw ko na agad tumalikod pero muli niya na naman akong hinarap sa kaniya.

“Ano ba, Thrizel? Umayos ka nga ng kilo—”

“I’m enjoying, Kein. Please, release me.” Mapupungay ang mata habang nagsusumamo. “Ang sarap kasama ni Blue. Sasayaw pa kami, okay? Pagkatapos nito, balik na tayong resort.” Ngumiti ako sa kaniya nang matamis at pagaywang-gaywang na naglakad pabalik doon.

“Let’s continueeee!” Humyaw ko pa. Hagip ng paningin ko ang pagngiti sa akin ni Link. Natatawa siya sa aking ginagawa. “Hi, Link, join with me.” Umiling-iling siya. Napanguso ako dahil doon.

“WAHHHHHH! THIS IS FREEDOM!” Malakas na sigaw ni Blue sa harapan ng dagat. Napatingin kaming lahat sa kaniya, hindi ko namalayang nandodoon na pala siya.

“Hey, Silas!” Pagbanggit ni Ryke sa totoong pangalan ni Blue. Nakaupo ito habang tinitingnan ang loko-lokong lalaki.

Humarap sa amin si Blue. Hinanap ako ng kaniyang paningin. Nang matunton niya ay ngumiti siya. “Come here, Thrizel. Let’s swimmmm!”

Huh? Anong oras na kaya. Alam kong mainit ang tubig ng dagat pero sobra na kami sa kalasingan ‘no. Malakas pa ang ihip ng hangin.

Tumayo na si Ryke para puntahan si Blue. Lumapit kami sa kanila, lalo na si Brooks dahil alagad niya iyang si Asul. Base sa kilos ni Ryke, pinipigilan niyang lumangoy si Blue. Si Blue naman ay panay piglas.

“Bitawan mo nga ako!” Inis na piglas dito ni Blue. “Lalangoy ako dahil gusto ko. Ano ba, Ryke?!”

“Hindi ka marunong lumangoy tapos lalangoy ka. Siraulo ka ba?” Kaya pala kaninang maliwanag. Hindi ko nakitang lumangoy si Blue sa dagat.

“E, ano naman sa ‘yo? Buhay ko ‘to.” Natigilan si Ryke sa sinabi nito. “Huwag ka ngang mangialam.”

Mukhang sa away mapupunta ang pag-uusap ng dalawang ‘to kaya nagsalita na ako. “Tama na ‘yan. Lasing lang kayo pareho.” Dahil sa ganitong eksena, parang nawala ang kalasingan ko.

“Nakakatandang kapatid mo ako. Ano ba? Makinig ka naman.” Nagulat silang lahat sa nalaman p’wera lang sa amin ni Brooks.

“May kapatid pala ako. Huwag ka ngang gumawa ng kwento riyan. Way mo ba ‘to para may rason ka sa pagpapatigil sa akin? Hindi kita kilala. Nakilala nga lang kita because of Thrizel, isa sa mga kaibigan ni Thrale. Kaya pakibitawan ako, kaibigan ni Thrale.”

Ngayon ko lang nakita na ganiyan umasta si Blue. Nagseseryoso siya minsan pero hindi kaganito kaseryoso. Parang may hinanakit siyang nilalabas.

“Bakit ganiyan ka umasta sa akin? Ano bang problem—”

“Ikaw.” Agad na sagot ni Blue. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Ryke. “Ikaw lang naman ang may problema rito. Mayroon pa ba?”

“Let’s fix this. Huwag kang magganiyan sa harap ng mga kaibiga—”

“Bakit? Nahihiya kang malaman nilang wala kang kwentang kuya?”

“Silas. Ano ba? Stop.” Nakikiusap na ang boses ni Ryke.

“Why don’t you accept it, Ryke Marquez? Mas pinili mo pa ngang unahin ‘yong ibang tao kaysa sa akin. Sino ba ang dapat magalit? Ako o ikaw? Nagtatanong ka kanina kung bakit gano’n ako umasta sa ‘yo? Sa tingin mo bakit?” Nakikinig lang kaming lahat sa kanilang pinag-uusapan. “Malaki galit mo sa akin, hindi ba? Halos ikaila mo nga sa lahat na kapatid mo ako dahil sa pagrerebelde, hindi ba? No’ng makilala ko iyang mga kaibigan mo, pinakilala mo ba akong kapatid mo? Gulat sila sa nalaman dahil lahat sila, ang alam ay alagad ako ni Kein.” Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang galit. “Nagagalit ka dahil iyong dapat na ginagawa ko kay Kein ay dapat sa ‘yo ko ginagawa dahil ikaw ang kapatid ko? Alam kong palihim kang nagseselos sa aming dalawa kaya minsan galit na galit ka sa akin. Nakikipag-ayos ako sa ‘yo dati pero dahil mataas ‘yang pagmamalaki mo, hinayaan mo ako.”

“Silas.” Matigas ang pagkakabanggit ni Ryke sa kaniyang pangalan. “Matagal na ‘yon. Iba ‘yong ngayo—”

“Kahit matagal na ‘yon, big deal pa rin sa akin ngayon!” Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. “Bakit nga ba ako ganito, Ryke? Magkaiba tayo ng ugali. Seryoso ka pero ako halos nakukumpleto ko ang isang buwan na puro ngiti at tawa pero may hinanakit ako sa ‘yo. Nakakatampo ka e.”

“I’m sorry.”

Napunas ng luha si Blue. “Sobra tayong malapit noong mga bata, halos iniidolo kita. Nang maghiwalay ang mga magulang natin, napunta ako kay mom at ikaw ay kay dad. Ilang beses akong humingi sa ‘yo ng tulong na kunin mo ako sa kaniya. Hinintay kita, halos araw-araw akong nag-aasam na pupunta ka pero ano? Mas pinili mo ‘yong dati mong nililigawan. Priority mo ‘yan kaya nakalimutan mo ‘ko?”

Bumuhos ang luha ni Blue. Kumikibot ang kaniyang labi. “Alam mong may bagong asawa si mom. Araw-araw niya ‘kong sinasaktan, si mom hindi masuway ‘yong gagong lalaking ‘yon kesyo mahal niya. Alam mo ba kung ilang taon akong nagtiis doon?” Umiling si Ryke. “See? Hindi mo alam kasi ni hindi mo ‘ko nakuhang dalawin sa bahay. Hindi mo makita ang itsura ko kung gaano karami ang aking pasa.” Nagpunas siya ng luha. “Ito, ayos na ako. Nagrerebelde, kung saan-saan pumupunta. Lahat ng kalokohan ginagawa. Binubuhay ang sarili mag-isa. Nakaraang taon lang ako nakalaya. Kaya huwag mo akong tanongin kung bakit ako ganiyan umasta sa ‘yo. Hindi na kita kailangan. Ako mismo ang gumawa para makaalis doon. I don’t need your help anymore so don’t act now that you care about me because that's what I asked you before. Dahil sapat na sa akin na si Kein ang kasama ko, lahat ng pagkukulang mo siya ang gumagawa. Ni hindi niya ako napabayaan, ilang beses akong may nakaaway. Ilang beses na may bumugbog sa akin, sa lahat ng ‘yan, nandiyadiyan siya. Ni hindi siya pumalya sa pagtatanggol. Sa kaniya ko naramdaman ‘yong dapat nasa sa ‘yo.” Matapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang nagdive sa dagat. Gano’n pala talaga si Brooks, siya ang nagpaparamdam ng mga hindi naramdaman.

Sa huling sinabi ni Blue, parang sa akin lang. Kung ano ‘yong hindi nagagawa at napaparamdam sa akin ni Thrale, siya ang gumawa no’n para sa akin. Pero may iba sa akin, nasasaktan ako para kay Blue. Parang ang sakit na makita siyang umiiyak.

Itutuloy...

Continuar a ler

Também vai Gostar

94.9K 4.8K 60
Shimizu Yuto possesses the extraordinary power to read the minds of others! Joined by his childhood friend, Sakura Airi, Yuto enters the prestigious...
517K 28.1K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
11.6K 412 11
"losing someone close to you makes you not want to get close to anybody, but what if there was somebody who changed that? "
185K 7K 87
Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So over acting and what a stupid, Thrizel? Ta...