TGIWS: Phoenix Ryler Velasque...

Od whixley

397K 7.2K 2.6K

She's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Mic... Více

Disclaimer
Prologue
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Final Part

Part 14

7.3K 163 16
Od whixley

Part 14

"Tigilan mo nga ako, Phoenix! Ang lakas talaga ng trip mo! Hinulog ka lang ng langit para lang bwisitin ako!"

Kanina ko pa siya inaasar at halata namang pikon na siya.

I raised my brow. "Ang akala ko ba, hinulog ako ng langit para sa 'yo?" I asked as I remembered her message to me.

Namula naman ang pisngi niya. "Huwag kang lalapit sa akin! Hahampasin kita!" pikon niyang sinabi.

I laughed. Sumandal ako sa wall, beside the elevator door. Tinatawanan ko ang itsura niya. Her face was red, blushing. She was avoiding my eyes too.

"Isusumbong kita kay Kuya Drake o kaya kay Papa," banta niya.

Wala naman akong pakialam kahit magsumbong siya kay Drake, well sa Papa niya, meron. Of course, I'll be scared! Iyong biru-biruin nga lang siya kahapon ay ikinakaba ko na.

I rolled my eyes. "As if I'm scared." Hindi ako takot kay Drake, ano. Why would I be? Mas matanda lang siya sa akin pero hindi siya nakakatakot.

"Hindi ka takot kay papa?" Hey eyes narrowed.

"Of course not! Why should I be afraid of your father who will also be my father one day?" I smirked.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Once we get married, Miss, he's gonna be my father too," mas lalong lumapad ang ngiti ko

"Letche ka talaga," pagmumura niya.

Mga mura niya lang talaga ang kaya kong tanggapin. I love it. Willing talaga ako basta siya.

Pinagmasdan ko ang ginagawa niya. Sinisiksik niya ang sarili sa pader kung pwede naman siya sa tabi ko. Ang layo niya at talagang iniiwasan niya ako.

Bumukas ang elevator. Tumayo siya nang maayos. I let her go inside first at sumunod naman ako. Nasa tabi ko siya. Nalipat ang tingin ko sa lalaking kasabay namin.

The guy winked. Masama akong tumingin sa lalaking kumindat kaya tinuon niya ang paningin sa harap. This guy wants his eyes to be gone.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Darlene. I squeezed her hands before doing the holding hands with her.

"What floor?" Someone asked.

"Seventeenth floor." Darlene answered.

Masama akong tumingin sa lalaki nang makita kung paano niya pasadahin ng tingin si Darlene, from her toe to head. He even grinned, huh? Until I saw the guy behind Darlene, he's touching Darlene's legs as he whistles while doing it.

My jaw clenched while watching their shits from the reflection of the elevator.

Darlene held my hand tightly. "'Uy..." She mumbled. She pointed at the man using her lips.

I know.

"Dito ka sa harap ko." She did what I said. I glanced at her back. "Do you want to die?" I took my gun from my back. "I saw you. You touch my girl, you touch her legs using your one foot." Kinasa ko ang baril at tinutok sa kanya.

Nabigla silang lahat sa ginawa ko. Napaatras pa sila, hindi alam ang gagawin.

"S-sorry! Pare!" the other man raised his hand.

"Sorry? You touched her. That's harassment. You touched her without her permission."

I could see the fear in their eyes. Nang bumukas ang elevator ay agad rin sila lumabas. Hindi ko na napigilan ang matawa habang sinusundan sila ng tingin.

"They all scared for fucking sake!" I laughed more, thinking about their reactions.

Nabigla rin naman si Darlene dahil sa ginawa ko.

"Para kang baliw." I pointed the fake gun at her. "H-Hoy joke lang. Ibaba mo 'yan, baka pumutok 'yan bigla!"

I can't point a real gun at her.

"It's just a toy, Miranda. Relax. This is just a pellet gun." I shot the CCTV, nagkaroon naman ng scratched ang camera.

"Mukha siyang totoo." Kinuha niya sa kamay ko ang laruan. "Kahit ako natakot rito."

"Pinasadya ko kasi 'to sa ibang bansa just like your necklace."

Gusto ko lang ipaalala sa kaniya ang kwintas na bigay ko. Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang kwintas dahil gusto ko siya mismo ang magsasabi kung nawala o hindi.

"By the way, where is it?" I asked.

She stopped a bit before scratching her head. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ano kasi... nawawala."

Oh, right! She said the magic word. But I didn't say anything since I know she has an explanation.

"Sinuot ko kasi 'yon noong nag-anniversary ang kumpanya ni Papa. Nagkagulo noon, 'di ba? Pinagtutulak kasi nila ako tapos napigtal, sumabit yata siya sa kung ano," she explained. "Hoy, pero pinahanap ko 'yon, ah! Hanggang ngayon nga hinahanap ko pa rin 'yon, e."

I licked my lower lip before raising my brow. "Hindi ka marunong magpahalaga ng bagay na binibigay sa 'yo?"

"Luh? Syempre marunong ako magpahalaga! Nasa akin pa nga ang bracelet, e, pero 'yong kwintas..." She shook her head. "Hindi ko makita."

I rolled my eyes without any reason. Lumabas na ako sa elevator at sumunod naman siya sa'kin.

"Mahahanap din naman 'yon," aniya sabay baril sa mga base na nadadaanan naming dalawa.

"Tss... do you know how much that necklace is?" Lumingon ako sa kaniya.

She bit her lower lip. "Magkano ba 'yon?"

"Nearly half a billion." Dude, that was so expensive. It's just one necklace but it's pretty! It has a tracking device too, kaya mas lalong nagmahal.

She coughed. "Putanginang 'yan. Ang mahal naman niyan!"

"Yeah." I nodded. "That's expensive."

"Kahit yata isangla ko ang buhay ko, hindi ko mababayaran 'yon," aniya. "Dapat kasi 'yong ibibigay mo mga nasa thousands lang, hindi 'yong milyon-milyon! Grabe!"

"Ikaw na nga ang binigyan." You're special to me that's why I gave you that, Darlene. Ikaw pa lang ang unang babae na niregaluhan ko ng gano'n na sobrang kamahal na bagay.

Expensive necklace because you're too expensive to give you a cheap one.

"Oo nga pero hindi ka ba marunong manage ng pera? I mean, dapat sa mas katuturang bagay. Grabe, isang kwintas lang 'yon tapos nasa milyon na?"

"Marami akong pera, Miranda. I can buy a lot of things." But not my happiness. However, when Darlene came into my life, she became my happiness. She's the reason for my happiness.

"But, money can't buy happiness." She turned her head on me. "Teka, ano, thank you nga pala kanina." She smiled.

I gave her a smile. "It's nothing, Miranda, and I just don't want them to touch you."

"Kahit na thank you pa rin."

"If you weren't there I might have killed them. Especially, when that fucker started to touched your damn sexy legs."

She glared. I smirked.

"Ikaw na Velasquez ka! Ihahampas ko sa 'yo 'to."

"What? I'm just stating facts," I said. "But, I appreciated your thank you."

In fact, she doesn't need to say thank you. Ayokong may bumabastos kay Darlene, si Phoebe at Lala nga hindi ko hinayaan na mangyari ʼyon sa kanila. Si Darlene pa kaya? I can't just stand while my girls are being harassed by someone.

Muntik ko na ngang mapatay ang lalaking pinipilit si Lala na makipagbalikan sa ex niya, but Lala doesn't want to. Her ex even forced her to do the things she didn't want to do. Lala is my cousin and for me she is important. Silang dalawa ni Phoebe pati na rin si Tita Grace at Preston.

Tumigil kami sa isang pinto. I took my card then swiped it on the door. The door opened, unang pumasok si Darlene at sa junk foods agad ang kinuha niya. Pinitik ko ang kamay niya pero sa huli ay pumayag rin ako na kumuha siya. Ang hirap niyang tanggihan.

Tumigil ako sa kama ni Dash. He's still the same, sleeping. May mga flowers pa sa tabi niya. For sure, kagagawan na naman 'to nila Trevor.

Speaking of, Trevor messaged me. May message rin si Harris sa akin.

From: Harris
Dude, we found them. Sila nga ang gumawa kay Darlene.

I knew it... just wait and I'll give back what they did to Darlene.

From: Trevor
Bro, they were clueless. Punta ka na kaya sa underground?

Ayoko man iwan si Darlene pero kailangan. Hinding-hindi ko palalampasin ang nangyari. Nilingon ko siya, panay pa rin ang kain. I looked down at my phone and Trevor's name appeared on the screen.

"Trevor," sagot ko sa tawag.

"[Go here, alright, Nix? They want their faces to be broken.]"

"What?"

"[Don't tell me what tinatamad ka? Tss... you need to go here. Tsaka, gustong-gusto na nila masiraan ng mukha.]"

"I said—" He cut me off.

"[Baka sumugod na sila kaya pumunta ka na dito. Baka may sumunod kay Dash kung sakali. Sumunod ka na sa underground.]"

"Fuck. Fine, susunod ako." I ended the call.

Babalikan ko naman si Darlene mamaya, may tatapusin lang ako.

"Stay here for a while." I said while getting my things from my pocket. I took my black card. "That's my credit card. If you want to buy something, use my card. Babalik din ako kaagad." Hindi ko na hinihintay siyang makasagot, lumabas na ako.

Nasa elevator na ako nang maalalang hindi ko nasabi ang pin.

To: Hot-Gorgeous Darlene
The pin is 0217.

It's her birthday. February 17. I changed my pin when I saw her birthdate. Even in my bank accounts, vaults. Lahat ng accounts ko... but not on social media!

Dumiretso agad ako sa underground para matapos na. Diretso lang ang pasok ko sa loob. Napatingin pa sa akin ang iba.

"What the hell are you doing here?" tanong ko kay Gavin nang makita siya.

"Nix, sinampal ako ni Laureen kagab," sumbong niya. Nang makitang seryoso ako ay umayos siya. "Nandito ako para tulungan ka! Alam mo naman na lablab ni Darius ang bebe sister niya kaya ang sabi niya kami na raw ang bahala."

Oh, that's good then.

"Good." I said.

"Huh? Anong good?" He asked.

"You'll help Trevor and others. Ayokong mapaaway, lagot ako kay Darlene kapag may nakita siyang pasa sa mukha ko kaya kayo na ang gumawa ng gusto ko."

"Nix naman. Para-paraan ka rin, e! Pero sige na nga, but it has payment! Pakisabi naman kay Laureen-."

"Text her and stop using me." I went to the main ground.

I'm not shocked to see a lot of people. They were looking at me, like it was a big deal to see me here. Some of them avoided my eyes before drinking their beer.

Nakita ko naman ang iba, nasa second floor. Dumiretso ako sa taas at nandoon din pala silang lahat. They were all sitting on the couch while holding... water? Wow, nakakapanibago.

"Listen, I am not here to fight. I am just here because Trevor said so," panimula ko bago pa sila mag-ingay.

"Huh?" Arvin asked, shocked. "E, ikaw ang hinahanap nila. Ready na nga mabangasan."

"Then kayo nalang ang gumawa, you know, I am not in the mood right now. Besides magagalit si Darlene sa akin, I don't want that to happen." I insisted, umiling-iling pa.

"Kailan ka pa nagkaroon ng takot sa babae?" Owen laughed so hard, holding his tummy.

"Tuwing tumitingin ng masama si Darlene sa akin. That means, she's upset and ready to curse me." I drank my drink. "And I don't want her to ignore me, gusto ko laging pinapansin niya ako."

Bigla naman silang nagtawanan sa sinabi ko. My forehead creased because of their reaction.

"Why are you guys laughing?" I asked, confused.

"Well, we just realized, na iyong kinatatakutan dito sa underground at organization ay nagiging clingy sa isang babae," malakas na tawa ni Rafael habang sinasabi iyon. "Don't tell me, pa-baby ka kay Darlene?"

"What kind of question is that, Rafael? Of course not. I am not doing that! That's a fucking ridiculous," I denied because it wasn't really true.

"Oh, talaga ba..." parinig ni Gael.

"Stop it, can you just do what I've said? Kayo nalang ang gumawa, I am not really in the mood right now." I shook my head.

Nahagip ng mga mata ko sina Mico na paakyat. Tumigil sila sa harap namin.

"Nix, may nakaaway ka, ano? May galit na galit sa 'yo, actually pumusta akong mananalo ka." Nilingon ako ni JP. "Teka, ano ba ang nangyari at bakit galit sa 'yo iyon?"

"Something just happened," sagot ko naman. "At hindi sila ang pinunta ko dito. I am here because of what happened to Miranda."

"Teka, nasaan ba si Miranda?" tanong naman ni Mico.

My forehead creased. "Hey, stop calling her that way."

Mico got confused. He was about to say something but Harvey laughed which made him stop, confused.

"Hanggang first name basis lang tayo, Mico. Call sign nila 'yon." Harvey smirked then shifted his eyes on me. "''Di ba, Nix?"

I scoffed, ignoring his question. Tinuon ko ang paningin sa harap.

"Hay nako, Nix, binabaliw ka ng isang Darlene Miranda."

"Hindi lang binabaliw, unti-unti pa siyang nahuhulog."

Oh, they are late in the news. I already fell. At first, I knew to myself that it would go here, indenial lang talaga ako noon kaya panay ang tanggi ko. Bakit, malay ko bang mahuhulog talaga ako sa kaniya? I just can't stop myself from falling to her.

"Baka sa susunod, hindi mo na kaya na mawala siya sa 'yo," Mavis said meaningfully.

I ignored their side comments. Agad nahanap ng mata ko si Rico. So, wala na pala siya sa Hospital. Masama na agad ang tingin niya nang makita ako. Hanggang sa makaupo siya, masama ang tingin niya sa akin.

I smirked before drinking my last shot. Minutes after he stood up. Tumigil siya sa harap ko. Gavin and the others went on my back to see Rico's face.

"Good thing you're here. How's life in the Hospital?" I asked, smirking.

"E, ang babae mo, kumusta sa Ospital?"

My jaw clenched. Uminit ang ulo ko nang maalala ang nangyari kay Darlene.

"Bakit parang nagagalit ka yata?"

"Who wouldn't be mad? Your stupid dogs are the reason why Darlene is in the Hospital. You, actually. And I will never let that happen again. By the way, we are here for what happened to her."

"Masyado ka namang protective, Velasquez. Bakit isa ba siya sa babaeng mahalaga sa 'yo pagdating sa kama?"

I clenched my fist. I wanted to calm down but I couldn't. Fuck you.

"Gago 'to, ha!" Mico hissed.

Because of the irritation I felt, I grabbed his collar. "Fuck you. She's not like that."

"Nix, akala ko ba ayaw-." I cut Gael's words.

"This fucker hit my irritation! I can accept any word, kahit anong insulto tungkol sa akin pero kung si Darlene, I won't let that happen!" I pushed Rico hard on the wall before kicking hard on his stomach. I saw the pain on his face.

I loosen my uniform necktie. I breathed heavily as I smirked. "One more bad word to Darlene, I'll make sure you're back to the Hospital."

"Huwag kasi ang bebe niya." Gavin said.

"Hoy! Bakit mo ginawa 'yon kay Rico?!"

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang mga kasama ni Rico. Sinugod lang naman nila ako. But of course, Trevor and Harris will never let that happen.

Harris held Carion's shoulder and kicked him using his knee. Seconds after, they had a fight here on the second floor. Walang nangingialam at nanonood lang.

"You." I said to the man who caused pain to Darlene. "How dare you hurt, Darlene." Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin dahil sinuntok ko na siya ng diretso. Balak pa niya akong hawak pero naunahan ko siya. I pushed him at the table which caused a broken glass.

Lumapit ako sa kanya at pwersa siyang tinayo. "What did you do to her?"

"Tangina, maraming atraso sa amin ang babaeng 'yon! Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami napapatalsik sa eskwelahan na pinapasukan namin! At alam mo ba kung ano-ano ang ginawa n'on?! Siya lang naman ang babaeng muntik ng magwakas ng buhay namin dahil lang sa mga atake niya!"

"Damn, how badass. That's my girl." I smirked.

I'm so proud of you, Darlene.

"Gago, magsama kayo!" Fuck! He punched the side of my lips!

Pero tangina hindi ko 'yon hahayaan. Mas malakas na suntok ang ginawa ko sa kanya. But not just one, two but three. Bumagsak siya sa sahig dahil sa ginawa ko. And this time I was holding his neck now, he was losing a breath but I don't fucking care! He was starting to became pale. I smirked.

"Shit, Nix, tama na. Baka mapatay mo!"

Hinila ako ni Trevor palayo. I removed his hands from me. I removed the blood using my thumb. "This is the last. Once you involve Darlene here, I'll make sure... you all are not waking up again."

I fixed my uniform before looking at them. I rolled my eyes when I saw Rico's Gang mates, I told you... they are all weak.

I put my hand in my pocket before walking in Rico's direction. "You heard me?" I kicked Rico's face that made him unconscious. "I guess not."

I saw in the reflection that Lester almost hit me with the broken glass but Mavis held his arm.

"Dude, that's bad." Mavis said as he punched the man with his elbow.

"Velasquez!"

Tumingin ako sa likod. I saw Aeron, the main boss of Underground. Salubong ang kilay niya nang makita ang buong nangyari.

"What do you want?" I asked.

"Anak ng... nagpatulog ka na naman dito. Tsaka, ang sabi ko 'wag kayong pupunta dito ng naka-uniporme! Dahil kapag ito nakarating sa School niyo, posibleng magsara ʼto!"

I rolled my eyes before getting ten thousand to my wallet. "Here. For the mess." Umalis na ako matapos magbayad sa kanya. Iyon lang naman ang hinihintay niya.

Binangga ko ang isang kasama ni Rico dahil nakaharang sa daan. Sa kotse agad ang diretso ko para balikan na si Darlene.

Nakita kong nakasunod na sina Trevor nang tumingin ako sa side view mirror. It's no traffic, so I arrived at the Hospital. Gavin texted me about Laureen! What the damn on earth I'm dragged in... uh, I don't want to call that!

Bumaba agad ako ng kotse para puntahan na si Darlene. Baka kung ano na ang ginagawa n'on.

"Pucha, ang sakit ng labi ko." Renz complained.

Pagpasok ko sa kwarto ni Dash, naabutan kong natutulog si Darlene. Nakayuko siya habang nakapatong ang ulo sa kamay ni Dash.

"Kawawa naman ang bebe. Naiwang mag-isa."

Tinapik ko rin siya para gumising. Nalaglag na ang bag niya sa sahig kaya kinuha ko muna at nilagay sa sofa.

Nagising naman si Darlene. Kaagad niyang napuno ang pagmumukha ng mga 'to. She looked at everyone with her brows furrowed. I leaned on the door, crossing my arm over my chest. Nag-angat ako ng tingin at masamang tingin niya agad ang nakita ko mula sa kaniya. Damn, sabi na, e... she'll be mad.

"Sabi sa inyo nakakatakot siya, e..." Gael whispered. Iyong hinding-hindi talaga maririnig ni Darlene.

"Because of you," ako na ang sumagot nang tanungin niya kami kung bakit ganito ang nangyari.

Nagulat naman siya. "Huh?! Bakit ako nadamay diyan?!"

"Hindi ikaw! Nakipag-away kami dahil sa 'yo kasi 'di ba sa nangyari sa 'yo? Alangan namang palagpasin namin ʼyon?! Syempre hindi, 'no!" Owen said.

She stopped and looked at Owen. Nagtagal ang paningin niya kay Owen kaya tumingin ako sa kaniya. What's wrong? Bakit siya nakatingin kay Owen?

"May problema ba sa mukha ko?" Owen blushed.

Binalik ko ang tingin kay Owen. He was looking at Darlene too, namumula pa ang tainga niya sa hindi malaman na dahilan.

Darlene shook her head. "Wala naman. So, bakit nga?"

"We heard about what happened to you. We just can't let that happen, you know?" Sagot ni Harris.

"Hinayaan niyo na lang dapat."

Of course not. Hinding-hindi ko 'yon hahayaan. Walang ibang pwedeng manakit sa kaniya. No one has the right to do that to her.

Napunta ang buong atensyon ko sa kaniya nang marinig ang lahat ng sinabi niya para sa amin.

Tama naman siya. Parang gantihan lang ang nangyayari. Gumaganti kami at gano'n rin ang kalaban. There is no peace between us... but I can't just lower my pride. I can't say sorry for the mistakes I made. I know my mistakes and I regretted all those mistakes but one thing is really a problem. Hindi ko kayang humingi ng sorry. I can't say sorry because of my pride. Pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon parang... sobrang baba na ng pride ko.

I'm aware of my mistakes back then. I used a person just to get what I want because of my wrong thoughts. My friendship between Darius broke because I didn't listen to his explanation.

He was right... if he is my friend, I'll listen to him but I didn't. I was so damn blind by my hatred and madness because of my parents death. All I felt was pain and hatred when I was young. Pain for my parents death and hatred because I thought Darius killed them. Right... mali talaga ang umasa sa maling akala. Maraming mawawala kapag naniwala ka sa maling akala.

Tinuon ko ang tingin sa harap.

Lahat naman ay kaya kong itigil. If Darlene wants us to stop from what we're doing just like this fight, fine, we can do it. Hindi ako makasagot sa pinagsasabi ni Darlene. Hindi ko magawa dahil panigurado tatanungin na naman nila ako. Iisipin na naman ng mga 'to na nakadepende ang desisyon ko kay Darlene.

I could feel their eyes at me. I think they knew. Based on my words and actions, I am so obvious... they're thinking na gusto ko si Darlene! Am I too showy? Do I need to hide my feelings towards this pretty girl in front of us?

Mavis' eyes narrowed, shaking his head.

"Ano bang ginagawa niyong lahat? Nagmumukha kayong tanga, e," she commented.

I rolled my eyes. Wala na akong balak sumabat sa usapan nila pero nabanggit pa ni Finn ang mangyayari next Friday. Hindi naman na kami kasali sa gang war, e, sila sila lang 'yon. Ewan ko ba, iyong ginagawa ko noon, hindi ko na nagagawa ngayon.

"Ayan, ah. May illegal kayong ginagawa!" Pag-aakusa niya sa amin habang nakaturo ang index finger.

"It's not illegal. Stop dreaming." Baka mamaya kung ano na ang iniisip niya, ibang klase pa naman 'to mag-isip.

"Gang war pala, ah?" She raised a brow.

"Sige na nga! Promise! Hindi ako makikipag-away! One week! At kapag nagawa ko 'yon, sasabihin mo sa akin kung sino ang mas nakikita mong magiging bebe mo, crush mo o 'yong i-kikiss mo."

Nabigla ako sa kundisyon ni Finn. Kusang tumalim ang tingin ko sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya. At para namang nabuhayan ng dugo ang mga bwisit na 'to dahil alam na nila kung sino ang magugustuhan ni Darlene. I made a face, I already kissed her multiple times! Hindi pwedeng humalik siya sa iba... iniisip ko palang na gagawin niya, may iba na akong nararamdaman.

"Tangina mo talaga, e, 'no?! Mag-away away na lang kayo. Damay niyo pa ako," iritang sambit ni Darlene.

"O, sige, para fair... kaming lahat na lang."

"Dali na kasi!" Finn trying to convinced Darlene on his condition. "Ayaw niyo bang malaman na may gusto siya sa atin? I mean, isa sa atin! O kaya ikikiss niya."

I don't need to do that. I kissed her several times. Pero ang hindi ko matatanggap ay may hahalik sa kaniya na iba.

"Tangina ka, Marquez. Namumuro ka na, ah!" Darlene pointed at Finn.

Tumawa lang si Finn. "Dali na, pumayag na kayo. Ayaw niyo bang-."

"I already-." I was about yo tell them about Darlene and I kissed but she glared at me. "Nothing."

Masama ang tingin niya sa akin na para bang ayaw niyang ipaalam. Panay pa ang sulsol ni Finn  para lang pumayag kami. However, he has a point. I badly want to know kung sino ang nagugustuhan ni Darlene. But looking at her... halatang wala siyang gusto sa mga taong 'to. Well, pakiramdam ko lang... tsaka, 'di ba she confessed to me that she has a crush on me?

Alam niyo bang first time kong kiligin. Fuck it, this is not me. Seriously... kinikilig ka sa isang Darlene Miranda, Nix? Fuck it. Pero lasing siya no'n kaya hindi ko sigurado kung totoo nga ba 'yon or maybe because of her drunkenness kaya niya nasabi 'yon.

Pumayag naman kami sa gusto ni Finn. Kaagad naman kaminh nakatanggap ng makamandag na Darlene's curses. I smirked, what a cursed baby.

"We all agreed, how about you? You're so damn unfair, Miranda." She needs to agree too!

"Don't worry, it's a promise. We'll never fight again. Like what you want. Hindi na kami gaganti or something and to be fair with you, hindi na kami sasali sa Gang War or underground-whatever." I smirked.

Para sa 'yo, gagawin ko lahat para lang magawa ang gusto mo.

"'Di nga?" Tinaas niya ang isang kilay.

The others nodded their heads. "Oo nga! Promise!"

"Hindi na ba kasama ang unang sinabi ni Finn kanina?"

I rolled my eyes. "Of course not. That's a deal not a promise. One week kaming hindi makikipag-away bukod pa 'yong sa gagawin namin. At kapag sumuway kami sa deal na ʼyon, then we all lost but if we all win, you know what will happen."

She let out a sigh.

"Mira-Darlene, ano na? Deal ka ba?" Renz asked.

"I'm waiting..."

"S-Sige na nga kahit parang isasangla ko ang buhay ko sa impyerno." Papayag rin naman pala.

Tsaka, hindi naman halik ang habol ko. And besides, I know who her crush is... and that's me. Inamin niya nga 'di ba? Pero sigurado ako... hindi niya maalala lahat ng ginawa niya. Dahil kung alam niya dapat mahihiya siyang humarap sa akin. Pero hindi, e. She can face me, so I guess... she can't remember what she did.

"Grabe naman, anghel ka?" Rafael said.

Napailing nalang ako sa mga pang-aasar nila. No wonder, hindi na natapos ang mga araw namin nang hindi nabi-bwisit ang magandang babae na 'to.

Napatingin ako kay Dash. Nasa mga kamay niya ang paningin ko, natigilan pa ako dahil parang gumalaw yata ang isang daliri niya. Darlene noticed it too.

"Nakita niyo ba 'yon?" She asked.

"Ang alin?

"Si Dash!" Turo niya kay Dash. "Gumalaw siya!"

"Hindi naman, ah?"

Umiling si Darlene. "Tanga! Gumalaw siya! 'Yong daliri niyang isa, bobo!"

I blinked to make sure. Baka namamalikmata lang yata ako or maybe totoo na?  Lumapit ako para lang makasigurado na gumalaw siya.

"Dash! Gumalaw ka! Isa, Dash! Gumalaw ka sinabi," utos ni Darlene.

Balak ko sanang tumabi sa kaniya kaso naunahan ako ni Trevor. "You can't wake him up like that," he said.

"Sa bagay..." Darlene whispered. "Pero gumalaw nga kasi talaga siya."

Lumingon ako sa dalawa. I couldn't help but roll my eyes when Trevor looked at me with teasing eyes.  Tinuon ko ang paningin kay Dash. I was shocked when Dash moved his finger. Kaagad kong inutusan si Harvey na tawagan si Tita Dahlia para matingnan ang kalagayan ng anak niya.

"Hala, Dash!" Hinampas ni Darlene si Trevor. "Tangina, gising na si Dash!" She was holding her mouth, still shocked.

Binalik ko ang tingin ko sa kaibigan. Finally, he's really awake. Tita Dahlia arrived. Her eyes were happy seeing Dash to be finally awake. She hugged her son before checking it. While Dash was looking straight. Parang wala pa siyang balak na magsalita.

Tita Dahlia informed us that he's okay but need more monitor para maging ayos na talaga ang kalagayan niya. She excused herself after checking her son dahil tatawagan pa rin daw niya ang isang Doctor para matingnan si Dash, which is 'yong Doctor talaga ni Dash.

Lahat ay nagtataka kung bakit hindi nagsasalita si Dash. Lahat ay nagtanong para lang malaman kung may gusto ba siya. Napintig ang tainga ko nang marinig ang tanong ni Gael.

Mabuti nalang talaga hindi alam ni Darlene kung ano ang pinagsasabi ni Gael. Nadudumihan talaga ang utak niya sa mga tao na 'to.

"Alam mong may babae tapos salita-salita ka pa ng ganyan. Saka na lang kapag wala siya."

"Hindi naman babae si Darlene, huh?"

I kicked Rafael's feet. Binato naman siya ni Darlene ng sapatos.

"Do you want to—" Darlene cut Owen off.

"Tanginang do you want 'yan, hindi na natapos," sabi ni Darlene. "Halata namang ayaw niya mag-salita."

"Magsasalita yan, Darlene. Bigyan mo ng isang babaeng maganda, magsasalita ʼyan." Gael smirked.

Oh, I think he was wrong. This guy is damn loyal and faithful to his one and only, hindi ko lang alam ngayon. I am curious, after his ex... may nagugustuhan kaya ngayon si Dash? Wait, am I thinking this? Wala naman akong pakialam kung may magustuhan si Dash.

"Yown! Magaling ka na nga talaga!" sambit nila nang magtaas ng middle finger si Dash.

"I want to rest," Dash was looking at Darlen without her noticing. Kaagad rin siyang umiwas nang mapansin nakatingin rin ako sa ginagawa niya.

"Hindi pa ba sapat ang ilang linggo na nakahiga ka diyan? Gusto mo pa rin mag-rest?" Nahiga si Darlene sa sofa. "Grabe, ah, buti 'di ka nababagot diyan. Ako nga, nakahiga lang sa bahay, boring na boring na."

Nakatingin ako sa skirt niyang napaka-ikli. Hindi niya man lang napapansin na kita na ang cycling shorts niya inside.

"Kaya ka nga tumakas sa bahay niyo, di ba?" Trevor said sarcastically.

"Yeah, dinala mo pa nga siya sa Rax, 'di ba?" I faked a smirk.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hindi, ah," tanggi ni Darlene sabay ayos ng uniform niya. "Wala kasi akong kausap doon. Nakakasawa ang pagmumukha ni Darius kaya ayoko siyang makita."

Damn, hinfi8 ba siya marunong maupo ng maayos? O kaya bakit ayaw niyang takpan ang thighs niya? I could see it here. Kaya naman pala humarap sina Harvey sa pwesto ko para hindi nila makita 'yon.

"Edi magpagawa ka ng kalaro."

Masama akong tumingin kay Gael nang marinig ang sinabi niya. Sometimes I'll put a duct tape on Gael's mouth. Napaka-dumi.

"Ha?" Darlene asked, confused.

"Tangina talaga yang bibig mo. Tatapalan ko talaga ng tape yan." Harris said in an irritated tone, he was looking at Gael.

"Kasalanan ko bang malawak ang nagiging imahinasyon ko tungkol sa-."

"Shut your fucking mouth, Gael." I cut him off.

"Tanga, syempre kailangan mag-pahinga ni Torres, ikaw kaya mabaril," si Dice at tumingin kay Dash. "Sige, Dash, magpahinga ka na. Tanggap na namin. Huwag kang mag-alala, hinding hindi ka namin makakalimutan. Mananatili ka sa puso nam—"

This shit, pinatay ba naman ang kaibigan namin. Napailing ako dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit mayroon akong kaibigan na katulad nila.

"Apat na baril ang bumaon kay Darlene pero two days lang siyang tulog tapos ikaw isa lang grabe ilang linggo kang nakaratay diyan," sambit ni Arvin.

Tumingin ako kay Darlene. She's looking at the ceiling. Bumaba ang tingin ko sa hita niya. Damn, her cycling shorts are really showing. I picked up my phone to message her.

To: Hot-Gorgeous Darlene
Umayos ka nang higa mo. O kaya takpan mo ng kumot ang hita mo para hindi makita ang ilalim. May unan at kumot diyan na pwedeng ipangtakip. I can see your cycling shorts here, Miranda.

Kaagad naman niyang natanggap ang mensahe ko. Nag-angat ako ng tingin. Nagulat pa siya nang makitang nasa kaniya ang paningin ko. Umayos siya ng upo bago iniwas ang tingin sa akin.

"What do you mean by that, Arvin?" Tanong ni Dash.

"Something happened. Nasundan pala ng mga lalaking 'yon sila Kier and sadly she was shot. Buy, you see? She's fine now. Gumawa pa ng katarantaduhan."

Yeah, right, I won't forget that day kung kailan nag-patay patay ang magandang babae na 'to. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang panti-trip sa lahat.

"Sayang ang luha ko." Finn rolled his eyes.

"Bakit?" Si Dash.

"Ito kasi! Mag patay-patayan ba naman?!"

"Ang pangit niyong umiyak gago!" Darlene laughed so hard. "Naalala ko 'yong mukha niyong umiiyak! Tangina, hindi bagay sa inyo."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya.

"Pero, Dash, kailangan mo ng tumayo diyan dahil may pagmemeetingan pa tayo tungkol sa magiging temporary school natin." Tinapik ni Harvey ang balikat ni Dash.

"Para saan?" Darlene asked.

Oh, right. They want to renovate the whole School. I suggested that maybe next year since naroon pa kaming lahay but they disagree . They want to do it as soon as possible, para next year maganda na ang School. The decision was on my hand but because they wanted it, mapipilitan yata akong pumayag. And you know what, one more move and that School will be mine.

Pinaalam ko kay Darlene ang mangyayari about the school renovation. It will take a year, I guess, since the School is huge.

"Wow, yaman," komento niya naman.

"Mayaman talaga si Nix." Finn smirked. "Syempre kami rin. I handle the Marquez Inc. So are they, may hinahawakan rin silang kumpanya na nagmula sa mga magulang namin dahil masyado silang abala."

Her eyes became shocked as her jaw dropped by that confession.

"Yeah, Nix has own company which is the Velasquez Estate Companies," Mavis said.

Hindi nga pala siya ang naghahawak ng company nila. It's Tito Dylan pero mapupunta rin kay Drake, dahil ang alam ko, kung sino ang first born ng pamilya nila, iyon ang maghahawak. Edi ang swerte pala ng first born ni Drake, right.

"Tangina, sana all may kumpanya."

"Edi asawahin mo si Nix para maging sa 'yo na rin ang kumpanya niya."

What a nice suggestion.

Darlene raised her middle finger. "Pakyu."

I chuckled. Ang arte pa niya. Kung siya ang asawa ko lahat ng yaman ko ay sa kaniya mapupunta. All of my properties will be in her name. Lahat ng ari-arian ko, pangalan niya ang ilalagay ko. Willing naman ako, basta siya.

Tinuon ko ang paningin sa kanya at diretso lang ang tingin niya sa labas. The sunset is beautiful and it was reflecting, kita rin ang pagkulay ng mata niya dahil sa araw na tumatama sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Our GC popped up on my screen. Kasama sa GC sina Gavin except kay Darius at Darlene.

Renz Cortez: ganda ni Darlene.

Harvey Quintos: tangos ng ilong niya kapag naka side view.

Gianna Amethyst: ulol na ulol nnman kayo kay Darlene. partida ganyan lang yan, ah? What more kung naka swimsuit.

Gael Castillo: ay puta baka himatayin si Nix HAHAHAHA salo ko na yelo

Finn Marquez: ice ice baby

I send a middle finger emoji before turning off my phone.

"Hindi ba kayo nagugutom?" I heard Darlene asked, but no one answered. "Anong ginagawa niyo?" She asked again. "Anyari sa kanila?" si Dash ang tinatanong niya.

"Hindi ko alam sa mga 'yan. Nababaliw na yata lalo na si Phoenix, kanina pa yata nakatingin sa 'yo."

Iniwas ko ang tingin ko bago tumayo ng maayos.

"Pabayaan mo siya. Baliw talaga 'yan." Me?! Crazy?! Well, yeah! Because of you. That's why!

May kumatok sa labas. Binuksan ko ang pinto at si Tita Serine ang bumungad. Kasama niya si Darius at ang kapatid ni Dash. Tumabi ako para makapasok sila. Napabaling ako sa pwesto ni Darlene. She's glaring at some point. Sino ang sinasamaan niya ng tingin? Sinundan ko ang tinitingnan niya. She's looking at Daisy, Dash's sister.

Ano na naman kaya ang nasa isip nito? Daisy introduced herself to Darlene dahil gulong-gulo na. Ipinakilala niya rin ang sarili. Tahimik naman ako sa gilid habang nagbabardagulan si Darius at ang kapatid niya. I think... This is their love language.

"Nasaan na ang crinkles ko?"

"Seriously, Lin? 'Yan talaga ang nasa isip mo?"

I scoffed. Sa pagkakaalam ko, silang dalawa ni Drake ang umubos noong crinkles na inorder ko para kay Darlene, ah?

"Minsan talaga gusto ko ng maniwalang buntis ka, e."

Natawa naman ako. "She's really pregnant and I am the father."

"Hala! Ninong ako!"

"Make sure you have a gift for my son." I smirked.

As expected, masama na naman ang tingin sa akin ni Darlene. "Ikaw, letche ka! Hindi naman ʼyon totoo. Huwag kayong maniwala sa putanginang 'to! Malakas lang talaga ʼto manggago!"

Ah, I love her curses. Nacu-cute-an lang ako sa mga sinasabi niya. Especially, sa mukha niya lalo na kapag bwisit na bwisit na siya. I really love her pretty face, especially her fluffy cheeks.

Natuon ang paningin ng lahat kay Dash nang magsalita. Nagulat pa siya nang makita si Tita Serine, hindi pa siya nakaka-get over, I guess?

"Hala, kilala mo ang Mama ko?" si Darlene sa gulat na boses.

Tumango si Dash. "Yeah."

Tss, lahat ay kilala nila Tita Serine. Lahat ng mga magulang namin ay kilala nila kaya wala nang nakakagulat doon.

"Angas mo pala, Ma. Daming nakakakilala sa 'yo. Daig mo pa artista. 'Yong mama ni Arvin kilala ka, tapos ʼyong parents ni Tricia. Tapos kapag may nakakasalubong akong kakilala mo, napapagkamalan akong ikaw. Hindi ba nila alam na mas maganda ako sa 'yo?"

I won't disagree by that statement. It's a fact. Tita Serine's pretty, yes, but her daughter is better and prettier. From her eyes to lips, she's pretty. She has this soft feature that came from her Mom, then a black aura and a dark presence. Pero mas lamang ang soft features niya, whenever she's smiling, laughing, and pouting like a baby.

"Grabe naman sa pag-ubo! Totoo namang maganda ako, dami nga nagkakagusto sa akin."

Nawala sa pag-iisip ko ang tungkol sa kanya nang marinig ang huli niyang sinabi. Maraming nagkakagusto sa kaniya? Sino?

"Hindi na ako magtataka kung pati magulang nitong si Ib- si Velasquez, e, kilala mo," dagdag pa niya.

Kilalang-kilala, Darlene.

"Of course, I know his mom." Tita Serine replied. "Right, Phoenix?"

"Yeah." I nodded.

"Madami talagang nakakakilala kay Mama." Nabigla ako sa sinabi ni Arvin.

Mama?! Ako nga 'Tita' lang ang tawag kay Tita Serine tapos sa kaniya Mama? Anyway, maybe in the future ay iyon na rin ang itawag ko kay Tita Serine?

Nanahimik naman ang lahat nang magsalita si Tita Serine para pormal na magpasalamat kay Dash. Hindi na ako nagulat nang malaman na may siblings si Tita Serine at worst ay kaaway niya. Pero hanggang doon lang ang alam ko, reading Tita's information is prohibited. Hindi ko alam kung sino ang mga kapatid niya but hearing the surname Morriston giving me a hint of their personalities.

"Akala ko ba nag-iisang anak ka lang, Ma?"

Hindi rin alam ni Darlene na may kapatid si Tita Serine?

Biglang humarap si Darlene sa pwesto niya. I signed my hands to fix her seat but she didn't get me. Hindi niya ako makuha. Tumingin lang siya kay Tita Serine at hindi ako pinansin. Gusto ko lang naman iparating na sana umayos siya ng upo.

"Your grandfather had a mistress and they had a child. Your grandfather was a womanizer back then," Tita Serine replied at her daughter's question."He doesn't know that he had a child with his mistress and it's worse it's twins."

Oh, so maybe, nasa bloodline rin nila ang pagkakaroon ni twins? Wow, Nix, iyon talaga ang naisip mo.

"Ay sus, hindi na ako magtataka kung babaero rin si Darius." Darlene said, while Darius glared at her. "Namana niya doon 'yon."

"Bakit ba ako nalang lagi nakikita mo?" Darius asked, irritated.

"Alangan namang sila? Eh, hindi ko naman sila kamag-anak o kapatid." Ang sarap niyang panoorin habang inaasar si Darius. "Kunyari ka pa baka mamaya jowabels ka tapos hindi mo sinasabi sa amin. Oh, baka mamaya may tinatago ka sa condo mo? Lagot ka kay mama."

Kaagad silang sinaway para tumigil pero ginatungan ko pa.

"Darius is really a womanizer," ngumisi ako. 

"Look who's talking," ganti naman niya ."Sino nga sa ating dalawa ang nagkakaroon ng ilang babae sa isang araw."

That's a lie. Ilang babae sa isang araw?! Seriously, wala akong ganoon, ano.

"Wow, ungkatan ng past..." Darlene said.

"Nakakailang babae ka sa isang araw, Nix?" Tanong ni Gael.

I don't have a lot of girls in just one day! Hindi ako nambabae sa isang araw! Tinuon ko ang atensyon ko sa mga kapatid ko at sa personal kong gawin kaya wala akong panahon sa mga ganoon.

"Huwag na kayong mag-away. Lahat tayo may mga babae rito."

"At talagang proud ka don?"  Si Darlene, nakatingin kay Finn.

"Hindi, 'no! Tumigil na nga ako, e. Kasi baka ang anak ko ang makarma kung sakaling magkaanak ako ng babae." Finn said, nodding. "Ayokong masaktan ang anak ko, baka mapatay ko kung sakali."

I feel the same too. What if I had a daughter then a man cheated on her? Or what if that man hasn't moved on his first girlfriend? I don't want my daughter to get hurt or feel like a broken heart. I can kill the person who will try to hurt my daughter. You know, I can afford seeing my daughter to be miserable and broken. But wait... why am I thinking this? Hindi ko nga alam kung magkakaroon ako ng anak na babae.

Nagpatuloy si Tita Serine kaya nahinto sila sa mga pinagsasabi

"Iyon nga, he had a child with his mistress and my mother was so mad at him, to the point that she wanted to shoot my father and die. But, they fixed their marriage for me." 

"Hindi na ako magtataka kung marupok rin si Darlene." Ganti ni Darius sa sinabi ni Darlene sa kaniya kanina.

"Pakyu, ka ba?! Baka ikaw!" Darlene fired back "Gagong 'to. Dadamay pa ako."

Darius mocked her.

"I want to ask something." Lumapit ako kay Darlene dahil hindi ko na natiis, kitang-kita na ang cycling shorts niya. "Do you know why she's the target?" I sat beside Darlene.

Nilingon niya ako sabay bulong,"Basta basta umuupo, amp."

"Subukan mo kayang ayusin ang higa mo." I whispered with a bit of an irritating tone. "I already told you, I can see your cycling shorts."

Her cheeks flushed.

"Hook na hook yata silang patayin si Darlene."

"Because they see Darlene as a hindrance." Tita Serine answered.

Hindrance for what?

"For what?" Tanong ni Trevor.

Damn it! Malapit na namin malaman ang dahilan pero bakit may kumatok? Damn, kung hindi lang sana kunatok ang lalaki na 'to, edi sana, alam na namin ang sagot, right?

"Pogi naman nito." Narinig ko ang bulong ni Darlene.

Tiningnan naman ko ang lalaki.  "Parang hindi naman." I rolled my eyes.

I'm still handsome. Dapat sa akin lang siya napopogian.

"Hindi ka ba marunong tumingin ng gwapo sa hindi? O hindi mo alam ang ibig-sabihin ng gwapo."

"No."

"Tingin ka sa salamin para makita mo kung ano ang tunay na ibig-sabihin ng gwapo."

I stopped as I realized her words. Natigilan ako. Napahilamos pa ako sa sinabi niya. I felt my ears getting red. The hell, it's just a simple word but look, nagagawa ni Darlene 'to sa akin.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam si Tita Serine na aalis. Pilit akong umayos sabay baling kay Darlene nang tumayo siya. Right, nagbabardagulan pa rin silang dalawa ng kapatid niya at nakisali naman ang mga 'to, mga nang-aasar pa.

"Bye! Dash!" Kaway niya habang nasa pinto.

I rolled my eyes when she smiled at Dash, ni hindi man lang siya tumingin sa amin at tanging kay Dash lang talaga. Lumabas na siya ng tuluyan kaya nanatili ako sa sofa.

"Damn, I can't believe you agreed on that condition." Trevor said. He closed the door before sitting on the couch.

"Wait, what condition?" Dash asked, confused.

"Finn has a shit and he involves us. We can't have a fight in one week. Actually, we have a gang war next week pero hindi na mangyayari dahil may deal kami kay Darlene. Kapag nagawa natin na 'no fight for this week', sasabihin ni Darlene kung sino sa atin ang possible or maybe she likes? I don't know." Mavis shrugged.

Dash leaned on his bed. "Matic.... Si Nix na," he laughed, but it was too fake. I could sense it. "Ikaw ang gusto no'n, Nix, halata naman na kanina."

Nakatingin ako kay Dash, getting confused why he's suddenly saying this kind of words.

"Oo nga, sure si Nix na. Halata naman, e," Dice agreed.

"Olats tayo d'yan, lods."

"Really lost," napailing si Harris

I don't know why they saying those words.

"Anyway, Nix, kinikilig ka pa rin ba sa sinabi ni Darlene? Tingin ka raw sa sa salamin." Arvin teased me.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Darlene? It wasn't a big deal at all.

"Shut up," pikon kong sinabi at tinawanan lang nila ako.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
89.6K 320 13
As the title says
525K 15K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
200K 17.8K 19
[Wang Yibo & Xiao Zhan] [boy×boy] [Zawgyi+Unicode] Bunny is mine. He call me my nickname is 'Bo' .