The Billionaire's Fiance (Com...

By Aiahanie

8.1K 203 16

THE BILLIONAIRE'S SERIES #3 Euphoria Skye De Vega, is the daughter of province's Governor. Euphoria admits th... More

The Billionaire's Fiance
Prologue
Chapter 1: Mistress
Chapter 2: Engaged
Chapter 3: Fulfill
Chapter 5: Hickey
Chapter 6: Fall
Chapter 7: Stay
Chapter 8: Room
Chapter 9: Seriously
Chapter 10: Time
Chapter 11: Court
Chapter 12: Home
Chapter 13: Own
Chapter 14: Priority
Chapter 15: Gap
Chapter 16: Faint
Chapter 17: Call
Chapter 18: Propose
Chapter 19: Effort
Chapter 20: Fear
Chapter 21: Isla Asul
Chapter 22: Leave
Chapter 23: Pregnant
Chapter 24: Desperate
Chapter 25: Bambi
Chapter 26: Ursula
Chapter 27: Team
Chapter 28: Mascara
Chapter 29: Revelation
Chapter 30: Blue Eyes
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4: Coffee

253 6 0
By Aiahanie

Nang makapasok ako sa kompanya na pinagtratrabauhan ko ay kaagad akong nag-ayos ng aking lamesa, ganoon din ang aking mga office mates na nagkanya-kanyang ayos ng mesa.

"Bakit naman mukhang hindi ka na naka-earphones this time?" Sanay na sanay kasi silang nakikita akong laging naka-earphones. Nagulantang ako nang umupo si miss Aile sa tabi ko saka nag-aalalang tumingin sa akin. "Bakit para kang pinagbagsakan ng langit at lupa? Okay lang ikaw?"

Napansin kong napatingin narin sa akin ang dapawang lalaking kasamahan ko sa trabaho na para bang nag-aalala sila sa akin. I smiled at miss Aile and to the guys. Miss Aile was way older than me for more than 10 years, unang pasok ko palang dito ay sobrang gaan ng loob niya sa akin at ganoon din naman ako sakanya. Akala ko rin na aayawan ako ng mga kasama ko rito pero hindi naman, I just never expected that they're too kind for me like I am very fragile.

Tumango nalang ako saka ngumiti kahit hindi naman totoong ngiti iyon. "Pagod lang kasi ako kakagala kahapon tapos hindi agad ako nakatulog tsaka nakalimutan kong kinuha ang earphones ko."

Sabi ko nalang. Lahat naman ng sinabi ko ay totoo. Hindi ko kinuha ang earphones ko kasi nakalimutan ko talaga tsaka hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa offer ng Senator na iyon.

Marahang tinapik ni miss Aile ang balikat ko saka ngumiti. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako, hmm?"

Doon na lumabas ang mataos kong ngiti. Kahit papaano ay lumuwag ang damdamin ko sa sinabi niya. "Salamat Miss Aile."

"Nako, ikaw talagang bata ka, tinatawag mo pa talaga akong Miss samantalang matagal na tayong magkakilala. Kahit ate nalang para mukha akong kapatid mo, ganda mo eh." Aniya saka kinurot ang pisngi ko. "Kung lalaki ako baka niligawan na kita."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. "Si ate talaga, pambihira."

"Oh ayan, napangiti na kita."

"Huy, 'wag na kayong mag-marites diyan mga marisol!" Tila nagmamadaling sabi ni kuya Kyle na kakapasok lang sa office. "Paparating na ang ating boss. Umayos kayo." Aniya saka dumiretso sa kanyang mesa at nag-ayos. Kaagad narin kaming nag-ayos at tumayo para salubungin ang nagmamay-ari ng YSIA Group Company.

Balita ko na sobrang strict ng aming boss at totoo nga, pero hindi naman totoo ang sabi-sabi na matanda siya kasi mukhang nasa early twenty's na.

Enzo Ivan Gile, that's our boss' full name. Bagay na bagay sakanya. Balit ko na kada taon siyang bumabalik dito sa Pilipinas para magtrabaho tapos babalik narin kaagad sa ibang bansa. Kanina lang nasabi na dito na daw mag-i-stay si boss dito kaya kabahan na kaming lahat. Napapatakbo naman ng maayos ang kompanya niyang ito kahit hindi pa siya pumasok dahil narin madalas pumunta rito ang nanay ni boss.

Hindi talaga kasi ako matagal dito. Kakapasok ko lang nine months ago bilang intern dito kaya ngayon ko lang nakita si boss.

"Nakakainis naman, akala ko magiging akin na 'yong posisyon na iyon, eh." Sabi ni ate Aile, halata ang lungkot sa tuno ng boses niya. Ilang taon nalang kasi si ate Aile na naghihintay sa posisyong chief secretary ni Mister Gile.

"Kape mo ate." Ibinigay ko sakanya ang tinimpla kong kape niya na agad naman niyang hinigop pero mukhang lutang parin dahil nainitan talaga ang dila niya, agad ko naman siyang binigyan ng malamig na tubig.

"Salamat."

Pinanuod ko siyang uminom ng tubig. Hindi ko man nakikilala ang bagong chief secretary ni Mr. Gile. Mukha naman siyang mabait at sincere pero naaawa narin ako kay ate Aile, hinintay niya talaga na mapasakanya ang posisyon na iyon para lumaki ang sahod kasi siya ang bread winner sa pamilya nila. May mga kamag-anak narin siyang pinapaaral.

"Baka hindi na talaga iyon ang para sa'yo ate." Napatingin siya sa akin ng seryoso. "I mean mukha kasing desidido talaga si boss na si Miss Rivera ang magiging chief secretary. Nakapagtataka nga kasi wala naman silang nasabi sa atin dito sa kompanya na kahit makapag-interview man lang sila ng suitable chief secretary. Mukha naman mabait si Miss McKenzie eh baka kakilala na siya ni boss kaya siya agad nakuha sa posisyong iyon."

"Tama, kaya tingnan natin mamaya kung mabait siya at tama lang na doon siya sa posisyon na iyon." Kahit nakokonsensya ako kay Miss McKenzie ay gusto ko rin namang makita kong anong magiging reaksyon niya pagkatapos niyang malaman na hindi totoo ang oras na ibinigay sakanya ni ate Aile para sa lunch time.

At tama nga ang hinala ng mga kasamahan ko dahil ala una palang ay wala na si Rivera at nang mapansin iyon ni boss ay nagalit, pinagalitan pa nga siya ni boss noong dumating.

Naawa ako sakanya pero mukha namang wala sakanya ang mapagalitan. Para pang buong puso na tinanggap ang galit sakanya ni boss.

She is amazing, I can see how strong she is. I wish I could be as strong as her. I wish I could smile and say I'm really-really fine infront of so many people but I am not, emotionally stable. I can just smile, laugh, and can tell the people I am fine, but in the inside? I am not.

~~~~

"Nako, Euphoria, sinabi mo pa, talagang nakaka-stress si E— boss. Magkape na nga!" Sabi niya sa akin bago nagtimpla ng kape niya. Halata sakanya na talagang pagod siya pero nagagawa naman niya ang trabaho niya ng walang kaartehan sa katawan.

"Ate McKenzie."

"Hmm?" Marahan niyang ibinaba ang cup niya saka tumingin sa akin. Isang linggo na simula noong dumating siya dito at masaya naman kami, tsaka ang friendly niya kahit unang tingin ko sakanya noon ay strikto at tahimik pero hindi pala.

"How can you be so strong even though our boss is so tough when it comes to you?" I noticed it the past few days, boss was way colder and tough when it comes to his chief secretary. He's also like that to us, to his employee, but he's different when it comes to her.

Kulang nalang kasi ay isipin ko nalang na may past sila pero sabi naman ni ate McKenzie na kakakilala lang nila last week.

She was shocked at my question, I saw it. She shrugged while looking at the plant infront of her. She sat on the chair before talking. "I guessed I shouldn't show infront of him how weak I am, he doesn't like lazy people, he's too strict when it comes to job and I understand that, also this is just a job." Diniinan niya ang salitang just.

"Sabagay, baka ganoon nalang talaga kaseryoso si boss sa lahat ng bagay."

"Oo," napatango-tango siya saka humigop ng kape.

Napatingin tuloy ako doon sa kape niya, naalala ko na naman iyong ano, iyong kasama kong lalaki kahapon! Niyaya akong magkape pagkatapos niya akong tanungin, he acted normal na parang hindi naman siya seryoso sa tanong niya.

"Ikaw?"

Nangunot ang noo ko bago ibinaling sakanya ang tingin ko. "Ha?"

"Silly..." She smiled. "May iniisip ka ba? You seem bothered? Kanina pa kasi kita pinapansin." She sincerely said.

Napakamot nalang ako sa kilay ko dahil nahiya ako, nalutang na naman ako, ni hindi ko mabilang kung ilang beses akong nalutang dahil sa senator na iyon.

"Ah wala ate, k-kulang lang po talaga sa tulog." Nasabi ko nalang.

"We just met week ago but you know I can be your chat mate, friend, elder sister... You can tell..."

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang agad ko siyang niyakap, I felt her stiffened. I thought she would push me away from her but she did the otherwise.

Inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya bago siya hinawakan sa magkabilang balikat.

"I know what will I say will be too much and we're not blood related...but can you be my elder sister?"

Tears of joy started flowing from my eyes when she smiled amd nodded thrice. I don't care if she saw me cried like a baby. I was just too overwhelmed. Parang kahit na hindi ko siya kapatid ay ang bait niya sa akin. I'm so happy that I met her, I met my office mates, they're too kind that I can't help but to wish that my family are them.

"Thank you, ate." I muttered and then she tapped my shoulder.

We talked, she comforted me, we just stopped when her phone rang.

"Excuse me, I'll take this call." Aniya, tumango nalang ako habang nakatitig sakanya. "Two coffees? It's too much for you, sir." Kapagkuwan ay natahimik siya. Mukhang si boss namin ang kausap niya. "Oh sure, sir. We'll bring it there in any minute." Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa akin. "You know how to make a coffee, right?"

"Oo naman." Sabi ko. "Bakit?"

She snapped her hand then she went down from her sitting chair. "Let's make coffee, I'll make sir Enzo's coffee but you'll make his friend's coffee. One for sir Enzo and on for his friend."

"Talaga? Pero hindi ako sure sa timpla ng asukal? Paano kung masobrahan?" Nag-aalalang tanong ko.

"Don't worry too much, we can make another one again. Hmm? Ako na ang bahalang mangtulong sa'yo." Wala na akong nagawa kundi tumango.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng mainit na kape sa tasa nang tumunog na naman ang phone ni ate McKenzie na hinihintay lang akong matapos dahil tapos na iyong timpla niyang kape para kay sir. Napabuga siya bago iyon sinagot. "Okay." Rinig ko ang buntong-hininga niya sa tabi ko. "Yes sir." Binalingan ko siya. "I'm sorry, kailangan ko na munang mauna, Euphoria. Kakatawag lang ni sir at kailangan daw niya ng tulong sa opisina niya para ayusin ang mga kalat doon, saka mo nalang iyan pakihatid sa opisina ni sir, ha?"

"Oo ate, ako na ang bahala dito." Sabi ko bago niya ako iniwan saka naglagay ng teaspoon na sugar doon. Dumaan sa isip ko ang nakita ko kahapon kung ilan ang inilagay ni senator na sugar sa kape niya. Isang teaspoon iyon, sigurado ako.

Pagkatapos niyon ay sinigurado ko munang hindi maalat at hindi gaanong matamis bago kinuha ang cup at lumapas sa pantry. Ilang hakbang nalang bago ako makapasok sa opisina ng boss namin ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang may binangga ako.

Napasinghap ako at sunod-sunod din akong nakarinig ng maririing mura mula sa taong nakabangga ko.

"What the fck!"

Doon nalang ako natauhan sa mura niya at dali-dali kong kinuha ang tissue sa pantry at bumalik sa kinatatayuan ng nakabangga ko saka pinunasan ang suot niyang white polo. "Sorry po sir. Sorry po, hindi ko po..." Natigilan ako sa sasabihin ko nang tuluyan nang umaangat ang tingin ko sa mukha niya.

My breath hitched, my heart quickened its beat and even my hands starting to tremble. He's glaring at me as if he is ready to throw me away from this company building.

"S-Senator..."

Continue Reading

You'll Also Like

63.2K 2.3K 9
Warning: Mature Content | SPG | Her first (Monteverde Series#1) Almost perfect boss of Monteverde Buildings Company that every woman dreaming , pero...
64.4K 1.3K 22
Our relationship ended, 5 years ago. I am a filthy woman to his eyes. He's willing to forgive me and set aside all, but, isn't it he who needs forgiv...
158K 6K 55
Ace was deeply in love with Adon Montemayor, at gagawin nya ang lahat para mapansin at mahali din sya ng binata gaya ng pag mamahal na binigay nya sa...
418K 621 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞