His Crazy Mistake (Finished)

By Eurekaa

854K 20.2K 1.2K

(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally cr... More

His Crazy Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
EPILOGUE

FIVE

36.8K 880 53
By Eurekaa


Typo errors are alot.

FIVE


"Ako na lang patayin niyo! Huwag na siya!"

"Parang awa niyo na, h'wag niyo ng isali ang bata!"

"Yaya.." Mas lalong umiyak si Julia nang nakaharang sa harapan niya ang Yaya Lydia niya. Pinaliligiran sila ngayon ng limang mga armadong lalake. Ang lahat ng ito ay may dala-dalang mga baril at ang isa ay nakatutok ang baril sa Yaya niya.

"Walang kaming pakialam tanda!" Bigla nitong binaril sa harapan niya ang yaya niya sa ulo. Nagtalsikan kaagad ang mga dugo nito sa mukha niya. Kaagad bumagsak ang katawan nito sa sahig.

"Yaya!!"



"Yaya!!" Kaagad nagising at napabangon si Julia mula sa pagkakatulog niya. She was sweating a lot. Binangungot na naman siya. Her nightmares were attacking her again.

Napasapo na lang si Julia sa sentido niya. She was having another bad dreams. Kaagad namang napatingin si Julia sa digital clock, it was already 6:30 in the morning.

She immediately got up from her bed at isinuot ang silk bathrobe na nakasabit sa closet niya. She really needs to calm herself. She was feeling uneasy. Those things were still haunting her.

Pupuntahan na lang siguro niya ng maaga ang orphanage. Maybe it would help her to forget things.

--

"Ms. Julia, okay lang kayo?" Tanong ni Mr. Tiongzon kay Julia nang mapansin siya nitong tahimik lang sa biyahe. Napansin naman niyang dumating na pala sila sa orphanage.

"Ah, o-okay lang ako." She gave her bodyguard a tight smile. Tahimik lang kasi siya sa umagang iyon. Sana kasi ang mga ito na nagkukwentuhan silang lahat tuwing bumibiyahe sila. Telling stories about her bodyguards' family and others.

"May nangyari ba?" Pag-aalalang tanong nito sa kanya. Hindi naman maiwasan mapangiti rito ni Julia. Mr. Tiongzon was like a second father to him.

"Nanaginip na naman kasi ako." Simpleng sagot niya lang dito at halata sa itsura nitong nakuha nito ang ibig sabihin 'non. Minsan na niya kasi itong nakukwentuhan ng mga masasamang panaginip niya. Alam nitong it was still haunting her up to this day.

"Kaya pala pumunta tayo rito ng maaga," nakangiting sabi naman nito sa kanya, "Di bale, tama naman ang desisyon mo, medyo makakatulong nga ang mga makukulit na bata. Basta, Ms. Julia, kapag nangyari na naman ito sayo, tawagan mo lang ako at kaagad rerescue ang mga makukulit naming chikiting ni Misis." Biro nito sa kanya. Natawa naman si Julia sa sinabi nito. Close na close kasi sila sa mga anak nito. She considers Mr. Tiongzon's family a second family too. Parang na rin niyang mga pamangkin ang mga makukulit nitong mga anak.



"Naku, namimiss ko na ang dalawang iyon," She smiled, "Maraming salamat talaga, Mr. Tiongzon, I really appreciate everything."

Ngumiti rin naman sa kanya ito, "You're welcome, Ms. Julia. Sa katunayan nga, ang laki ng loob ko sa inyo-ni Sir Eduardo."

"Haha," Natawa na lang siya rito, "Sige na, ang dradrama na natin. Bababa na ako." Bumaba kaagad si Julia mula sa van. Napahinto naman siya sa mga yapak niya nang may makita siyang may nakapark din sa gilid na isang itim na kotse-a convertible Ford car to be exact.

"Kaninong kotse yan?" She asked Mr. Tiongzon. Ngayon niya lang nakita ang kotse na iyon doon.

"Hindi naman siguro mga media?" Mr. Tiongzon replied back.

Napailing naman si Julia. Imposibleng mga media. Hindi naman kasi ito gumagamit ng isang convertible car. Saka most of the reporters use van. Hindi lang naman kasi ang reporter mismo ang pupunta kapag may mga balita o kailangang i-report, siyempre, kasama na doon ang mga cameraman, mga iba pang crew at mga kagamitan.

"Sasamahan ko na lang po kayo Ms. Julia papunta sa loob." Sabi sa kanya ni Mr. Tiongzon at sumang-ayon naman si Julia rito. Mabuti na't maingat sila. She cannot be that sure enough. Baka mamaya media nga and then they will broadcast everything-especially about her helping different charity foundations. Tapos it will come out publicly and people will eventually criticize her-and would consider her act as fake as well as only for publicity issues, na ang totoo, she was really genuinely helping with no return.

Naglakad na sila papunta sa loob ng orphanage at nagulat nang makarinig siyang may kumakanta-specifically the children singing a church song.

Nang makapasok na silang dalawa ni Mr. Tiongzon sa loob, she was surprised.

She saw Zach and three other guys who were currently teaching the kids the 'Our Father' song.

"Sige, kids, everybody. Start." Sabi ni Zach dito at ang isa nitong kasamahan ay nagsimula na ring itugtog ang dala-dala nitong guitar.

Bakit ito nandoon ng ganun kaaga? Julia thought to herself.

"Our Father who art in heaven, hallowed be thy name..." The children started singing.

"Girls," Zachary commanded at kumanta kaagad ang mga batang babae.

"Thy kingdom, thy will be done.."

"Everybody!"

"On earth, as it is in heaven..."

Then the girls sang again, "Give us this day our daily bread.."

"And forgive us.." It was now the boys' turn.

"And forgive us our trespasses.." It was the girls'.

"As we forgive.."

"As we forgive those who trespass against us.."

"Hmmm.." Then everybody was humming.

"And lead us not into temptation.. But deliver us.. Deliver us from evil, hmm.."

"Yehey!" Nagpalakpakan kaagad ang mga bata pagkatapos nitong kumanta. Napatingin naman kaagad si Zach kay Julia. Ningitian pa siya ng lalake na parang masayang-masaya itong makita na nandun siya.

"Mga kids, nandiyan na pala si Ms. Julia." The guy said at kaagad namang nagsilapitan ang mga bata sa kanya saka niyakap siya bigla.

"Ms. Julia, good morning po!" Sabi ng mga bata sa kanya kaya 'di na rin niya maiwasang mapangiti.. Although she really didn't feel that good on that day, parang nakakagood mood ang mga bata.

"Nagpractice na po kami ng maayos p-para po 'di na kayo magalit sa min." Sabi pa 'nung isang batang babae sa kanya.

She was about to reply when Buboy suddenly interrupted, "Ms. Julia, totoo po ba na kapag di po kami magprapractice ng maayos, lelechunin niyo po kami?" Inosenteng tanong nito sa kanya.

"Sino naman nagsabi niyan?" Nakakunot-noong sabi ni Julia rito.

"Si kuya Zach po." The child attentively responded.

"What?" Good mood na good mood na sana siya pero dahil sa mga laging pinagsasabi nito sa bata, malapit na talaga siya maubusan ng pasensya sa lalake.

Napansin naman ni Julia na natawa si Mr. Tiongzon matapos marinig ang sinabi ng bata. Nilingon naman niya ito at pinandilatan. Natahimik naman kaagad ito.

She then looked sharply at Zach who was currently talking to the group of guys earlier who helped him in teaching the kids.

"Mr. Knight!" Tawag niya rito. Narinig naman siya nito at napatingin sa kanya. Zachary then smiled at her as if nothing happened.

"Ms. Silva, ang aga niyo yata." He asked in amusement. Pati ang mga kasamahan nitong lalake doon ay namamanghang pinagmamasdan siya.

"She's hot pala, Zach." The other guy who was sitting beside Zach and who was also holding a guitar suddenly said.

"Eli, she's the first daughter, be careful with your words." Anito ng isa pa nitong kasamahan na may piercing sa tenga nito. For Julia, they all really looked like hoodlums.

But Julia just didn't mind their comments at kaagad nagsalita, "Ano bang ginagawa mo rito, Mr. Knight? I told you yesterday na maghahanap na ako ng bagong instructor para sa mga bata. Hindi ka ba marunong umintindi? It obviously means na hindi mo na kailangang pumunta rito!" She was enraged. Ayaw na niya talaga itong makita pa ito doon. The mass this coming Sunday is very solemn at ayaw niyang sirain lang ito ng lalake.

"Totoo nga sinasabi mo sa min, Zach. She's quite aggressive." Sabi pa 'nung nakapiercing sa kanya.

"But she's still hot," The guy whom was called Eli seconded. Nagkatawanan naman kaagad ang mga lalake.

"Tama na yan, baka mamaya ipabaril tayo sa mga bodyguards niya." Sita naman ni Zach sa mga ito at napatingin ulit sa kanya, "Ano nga yung sabi mo, Ms. Silva?"

"Leave. NOW." She said sternly. Wala siyang pakialam sa mga komento ng mga ito sa kanya.

"Why? Seryoso na ako sa pagtuturo sa kanila Ms. Silva, 'di mo na kailangang maghanap ng iba pa at paalisin kami." Zach reasoned out.

"Aalis si kuya Zach?" React kaagad ng mga bata nang marinig ng mga ito ang usapan nila.

Kaagad namang bumaling si Zachary sa mga bata, "Sadly, kids. Yes, pinapaalis na kasi ako ni Ms. Julia niyo." Anito para lang makakuha ng simpatya sa mga bata. Naikuyom na lang ni Julia ang mga kamay niya. This guy is really infuriating.

"Ms. Julia.. H'wag niyo pong paalisin si kuya Zach.."

"Promise po Ms. Julia, magiging mabait na po kami.."

"Kuya Zach.. H'wag ka pong umalis!"

The children pleaded. Julia noticed the sly and victory grin that Zach was giving to her. How she wants to strangle him now. Talagang hindi pa niya ito mapapaalis dahil sa mga bata.

Ano bang meron dito kung bakit ayaw ng mga bata itong umalis? Wala naman itong naiturong matino sa kanila.

"Fine!" She said in defeat. She was now looking daggers at Zach, "Siguraduhin niyong magiging maayos ang practice nila, Mr. Knight. I'll be observing." She commanded. Napansin naman niya tumawa ang mga kasamahan nito.

"Chill, Ms. Silva," Zachary cockily replied. Talagang ang yabang ng dating nito sa kanya, "Just watch." He winked.

Julia just rolled her eyes.

--

Tapos na rin ang practice ng mga bata. Maghapon din sila nagpractice doon sa orphanage. She wasn't even expecting na magiging ganoon kapreparado sina Zachary at ang mga kasamahan nito sa pagtuturo. And Zachary's men also looked familiar to her. Parang ito yung mga kasamahan nito sa banda.

She gonna admit, the practice was good.

Kinuha na niya ang bag niya na nilagay niya sa table sa gilid kung saan siya nakaupo. Kailangan na niyang umalis.

Pero bago pa man siya makatayo mula sa pagkakaupo niya ay bigla na lang may nagsalita.

"Ms. Silva, aalis ka na?" It was Zachary.

Napalingon naman siya rito at inirapan lang ito, "I'm going." She still didn't really like the guts of the guy.

"Bakit ba ang sungit mo talaga sa kin?" Zach asked instead-rather looking amazed.

"You're good for nothing," She answered stiffly, "Tayo na, Mr. Tiongzon." Pagkatapos ay kaagad na silang lumabas mula sa orphanage. It was already going to 6pm though.

"She's tough." Eli suddenly commented. Natawa na lang din si Zach sa sinabi ng kaibigan.

"I know, she's really a hard woman." Napailing na lang siya. Talagang sinadya niya kasi na pumunta ng maaga sa orphanage para turuan ang mga bata, katulong ang mga kasamahan niya sa banda. He knew Julia was already so pissed off because of him yesterday at ayaw na niyang madagdagan pa iyon. Baka kasi mamaya, ipapatay pa siya nito. He couldn't be so sure. Julia Marie Silva is the first daughter and part of the politics. Although that may sounds ridiculous, masyado pang maaga para mamatay siya.

"And I'm really curious kung bakit 'di natuloy yung kasal niya," Eli replied back.

Zach was thinking the same too. He was even curious himself kung anong nangyari rito pagkatapos ang kasal.

--

"Isang tempura nga ho." Sabi ni Zach sa tindero ng tempura. Nasa plaza na kasi siya. Pagkatapos kasi ng practice nila kanina, pinauna niya muna ang mga kasamahan niya na umuwi. Dala rin kasi niya ang Ducati niya kaya pwede siyang makapaglibot at nang makita niya ang plaza, naisipan niya munang tsumibog ng mga street foods. 'Nung bata kasi siya, naging kahiligan na niya ang pagkain ng mga ito. At saka kapag may break time siya sa pagbabanda niya, pumupunta siya sa mga street food stalls para kumain.

"Ito na hijo," Sabi 'nung matanda pero bigla na lang itong napatigil at napatitig sa kanya.

"Bakit ho?" Nakakunot-noo na tanong niya sa matanda. Parang kasi nakakita ito ng multo.

"May kamukha ka yata ah.. Teka, ikaw.. Ikaw si Zachary Knight! Yung Amerikanong bokalista!"

Kaagad namang napalinga-linga sa Zach sa paligid at napansin naman niyang walang nakarinig sa sinabi ng matanda. Buti na lang ay gabi na sa mga oras na iyon.

Tinawanan lang niya ang matanda. Pati ba naman doon ay makikilala siya, "Hindi manong. Hindi ako yun. Baka nagmamalikmata ka lang." Sabi niya sa matanda. Kinain niya kaagad ang binili niyang tempura rito.

Naguluhan naman ito sa sinabi niya,"Ha? Pero.. Magkamukha talaga kayo e." Napakamot pa ito sa batok nito.

Nagkibit-balikat lang si Zach, "Sabi nga nila, kamukha ko raw. Pero nah, maputi lang parehas mga magulang ko kaya maputi rin ako. Pure Pinoy ako e." Natatawang sabi niya rito, "Saka hindi naman yun bibili ng mga ganitong pagkain. Kung ako siya, 'dun ako sa mamahalin." Aniya pa rito at parang kumbinsido naman ito sa mga nasabi niya.

"Isa pa nga, manong." Inabot kaagad ni Jack ang barya rito at kumuha pa ng isang tempura.

"Sa bagay. Kung ako rin, 'dun ako sa mga restaurant." The old man was really convinced. Buti na lang sinuot niya ang black leather jacket niya kaya natatabunan ang mga tattoo niya sa braso. Baka kasi mas lalo siya nitong makilala dahil doon. Naging trademark na niya kasi sa publiko ang mga tattoo niya.

May napansin naman si Zach na mga bata na nakaupo sa gilid na may sinisinghot pa sa isang maliit na plastic.

Nilapitan naman niya kaagad ang mga ito, "Hoy, anong sinisinghot-singhot niyo diyan?" Aniya sa mga ito. It was obviously rugby.

"Akin na nga mga yan!" Kinuha kaagad ni Zach ang mga plastic sa mga ito, "Ang bata-bata, nagrurugby. Umuwi na kayo." Sita niya sa mga ito at kaagad naman nagsialisan ang mga bata.

"Hmm," Zachary slyly grinned the moment he got the plastic. At gaya rin ng ginawa ng mga bata kanina, sininghot niya rin ang rugby na laman ng plastic. He breathed hard, "The old times, wow. Tagal na pala." He chuckled.

"What the hell."

Napatigil naman siya nang may nagsalita. Then he turned around to see Julia was looking at him incredulously. Parang 'di ito makapaniwala sa nakita nito sa kanya. And yes, he wasn't expecting to see her there.

"Nagrurugby ka?" Parang nandidiri pa ito.

"Huh?" Natawa na lang siya sa reaksyon nito, "Sinita ko lang yung mga bata. Sila yung may-ari ng mga ito." Sabi naman niya rito.

"As if I would believe you. I saw you-you were doing it too, Mr. Knight." Sa boses pa lang nito, parang itong pulis na nakahuli ng isang suspek.

"Well? Yeah, I did drugs too before," He shrugged, "I mean, it's part of teenage years. Drugs, shits. Pero don't worry, drug free na ako. Siguro kung if I'm not in the spotlight, I would still do drugs." He answered her dryly.

When he was a teen, he got used to drugs. Napasali-sali rin kasi siya ng iba't-ibang mga street gangs sa kalye 'nung kabataan niya kaya 'di maiwasang maexpose siya sa ganito. Maaga siyang namulat sa mga ganoong bagay but he didn't regret doing any of it. He really enjoyed his teenage years bago siya tumino ng konti ng maporma ang banda nila.

"You're sick." Julia was disgusted.

"Chill, bakit ba ganyan ka? You're so uptight, Ms. Silva." Ewan ba niya kung naeenjoy ba nito ang buhay nito. Palagi kasi seryoso ang babae.

"Saka bakit ka nandito?" Tanong niya rito at napatingin sa hawak-hawak nitong plastic. Bumili rin pala ito ng mga street foods doon.

Napansin naman siya ni Julia na tinitignan niya ang hawak-hawak nitong plastic. Tinago nito kaagad iyon sa likod nito, "It's.. It's none of your business."

"Wow," Zachary was amazed, "Kumakain din pala ang prinsesa ng Pilipinas ng mga street foods," He amusingly said. Hindi siya makapaniwala na kumakain din pala ito ng mga ganun. Sa ayos at porma kasi nito, mukha itong maarte. "Hindi ka rin pala maarte." He added.

Nagkasalubong naman ang mga kilay nito, "Hindi ako maarte no. Goodbye, Mr. Knight!" Inirapan lang siya nito at tinalikuran.

"Zach na lang Ms. Silva. Call me Zach," Aniya rito at napalingon naman ito sa kanya pero gaya rin kanina, inirapan lang siya nito ulit at sinalubong na ito ng maputing van na sasakyan nito. Nakaalis na rin ito sa plaza.

"Kanina pa kita nakikita." Zach suddenly said. Napansin naman niya na kaagad tumakbo ang lalake na nagtatago sa malaking puno na nasa unahan at umalis.

Kanina pa niya kasi ito napapansin-kaninang umaga pa. Nakita niya ito kanina sa orphanage na parang nagmamasid kay Julia. Parang sinusundan nito ang bawat kilos ng babae. At kanina lang, napansin na naman niya ito na nakamasid sa kanila. The man was like stalking her.

Kailangan niyang pagsabihan ang anak ng presidente. Julia Marie Silva needs to be careful.



//



Continue Reading

You'll Also Like

876K 22.2K 33
Formerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the u...
4.5K 232 11
"Little things would turn out to be the best things with the one you love." Dear Diary, Once upon a time, I became a stupid bitch for almost ruining...
4.7M 80.9K 60
"Why can't you accept it? Hindi kita magagawang mahalin. It's always been Katrina."
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]