Blood Menace

By fbbryant

14.2K 931 217

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... More

Foreword
Part I
1- Kam
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

2- First Day

425 28 3
By fbbryant

Two weeks later.

"Kamdyn Siobhán Caedis."

"Here," masiglang itinaas ni Kam ang kanang kamay nang tawagin siya ng kanilang professor.

"How do you say your name? Siobhán?"

"Shi is pronounced like duh. Bhán is pronounced like gone with a v. Shi-vawn. Something like that," nakangiting sagot ni Kam.

Today was her first day of school at Senty Academy. Sobrang excited niya dahil ten years niyang pinangarap na makapasok dito. Siempre, ngayon lang siya pinayagan ng parents niya. Well, pinayagan s'ya almost one year ago pero dahil kinailangan niyang magbyahe ng eleven months, naka-skip na siya ng isang school year.

"Welcome to Sentry Academy, Ms. Caedis," nakangiting bati ng kanilang babaeng prof. Mukha itong terror dahil sa arko ng kilay nitong kasingtaas ng langit pero malambing namang magsalita.

"Thank you po," nakangiti ring sagot ni Kam. Alam ba nito kung sino s'ya kaya mabait ito sa kanya?

Nevertheless, hindi niya hahayaang ma-influence ng pamilya niya ang pag-aaral n'ya rito sa dream school niya.

"Hi. I'm Nova," pagpapakilala ng babaeng katabi n'ya. Ang cute nito lalo na at naka-pigtail ang wavy at pula nitong buhok. As in pula!

"Kam," nakangiti niyang sagot. Ang laki pa ng ngisi niya.

"Caedis? Taga- Chilakest?" tanong pa ni Nova kaya dahan-dahang nawala ang ngiti n'ya.

Hanggang dito ba naman sa Vergaemonth ay kilala ang apelyedo nila? Kaya nga nagpunta s'ya rito para malayo sa kanila.

"Kam?" untag ni Nova.

Kam plastered a smile. "No. I'm from Athenun."

"Really," Nova looked at her suspiciously but smiled afterwards. Hindi n'ya tuloy sigurado kung katulad 'yun ng ngiti n'ya. Fake.

Hindi na muling nakapag-usap sina Kam at Nova dahil nagsimula nang mag-discuss ng syllabus ang kanilang professor.

Kakayanin naman niya ang klase. Nakaka-excite nga kasi may bago nanaman siyang matututunan.

The day went by smoothly. Kaklase niya si Nova sa lahat ng klase n'ya kaya instant na may kasama at kaibigan siya. This was new for her. Sa Chilakest kasi, walang nakikipagkaibigan sa kanya dahil sa reputasyon ng pamilya n'ya.

This really was a new beginning for her.

Last class, nang mag-ring ang bell ay mabilis na nagtayuan ang mga estudyante lalo na ang mga babae kaya nagtatakang napatingin si Kam sa mga ito habang inilalagay n'ya ang kanyang mga gamit sa kanyang backpack.

"Bilis na, Kam," ani Nova. Handang-handa na itong lumabas. Panay pa ang tingin nito sa may pintuan kung saan nag-uunahang lumabas ang kanilang classmates.

"What's going on?" lito niyang sabi saka isinukbit na sa balikat ang kanyang mumurahing tote bag.

"We have to see them. Ngayon daw ang dating nila," anito saka hinila na siya palabas ng classroom hanggang sa narating nila ang Dormire. Talagang tinakbo nila iyun at napilitan pa siyang gumamit ng kanyang vampire speed para lang makahabol sa kanyang bagong kaibigan.

"Sino ba ang kailangan mong makita?"

Ang daming mga estudyante sa labas ng Dormire. May pakulo ba ang dorm nila na wala sa student handbook? Akala n'ya nabasa na niya iyun from cover to cover. Wala namang nabanggit na may gathering sa labas ng kanilang dormitory sa first day of school.

Nadagdagan pa ang mga estudyante. This time, may mga lalaki na rin sa kumpol nila.

"What's happening?" tanong niya kay Nova pero ngumiti lang ito saka sila pumosisyon sa kaliwang side ng main door ng Dormire, ang kanilang dormitory.

"Ayan na sila," mahinang tili ni Nova na sinapak pa si Kam.

"Oh my god! What's going on?" litung-lito niyang bulong habang hinihimas ang kanyang balikat. Hindi lang si Nova ang may gan'ong reaksyon. Gan'on din ang ibang mga estudyante.

Nakita ni Kam ang isang itim na mamahalin at mahabang kotse na pumarada sa harapan ng dorm. Lumabas ang unipormadong driver na lalaki at binuksan nito ang pinto na nakaharap sa direksyon nilang mga estudyanteng naghihintay.

Well, hindi alam ni Kam kung ano ang hinihintay nila. Basta nakatayo lang siya roon at makiki-tsismis.

Unang nakita ng dalaga ang itim na high-heeled boots na lumabas mula sa sasakyan na sinundan ng tilian ng mga lalaki. Yes, tilian. Hindi makapaniwala si Kam sa nasaksihan.

"Wow," 'yun lang ang nasambit niya nang makita ang isang matangkad na babaeng may itim na buhok.

"Ang ganda n'ya 'di ba?" kinikilig na sambit ni Nova.

Tumango lang si Kam. Totoo naman kasi. Itim ang buhok nito at blue ang mga mata.

"That's Tatiana Bloodworth. Junior."

Bloodworth? Parang pamilyar.

Magkasunod na bumaba ang tatlong lalaking sobrang tangkad.

"'Yang may dirty blond hair ay si Thaddeus, kakambal ni Tiana. 'Yang isa ay si Gaius Kühn, bestfriend nila at anak ng mayor dito sa Morland. Juniors din. 'Yang blond ay si Malik Brigham, sophomore. Mag-ingat ka. He can read your thoughts."

"What?" gulat niyang lingon kay Nova pero hindi na siya sinagot nito dahil muli itong lumingon sa kotse.

Another young woman got out of the car. Inalalayan ito n'ong Thaddeus. She was beautiful as heck. Red orange ang buhok.

"That's Thaddeus' girlfriend, Auberon. Adoptive sister ni Gaius."

Ewan ni Kam kung bakit nagtatyaga s'ya rito. Wala naman siyang pakialam sa mga estudyanteng ito. Well, the twins looked interesting. They were not Purebloods. Kakaiba ang beauty nila. Kung medyo ethereal ang beauty ng Purebloods, itong dalawa, exotic. They had more prominent facial structure.

May naalala tuloy siyang lalaki. 'Yung sa shuttle two weeks ago. She shook her head. Hindi na siguro niya makikita pa 'yun.

At ngayong nagsimula na ang klase, wala na siyang ibang iisipin kundi ang kanyang pag-aaral.

Besides, nag-aaksaya lang siya ng oras dito. Para lang silang nanonood ng mga naggagwapuhan at gagandahang mga nilalang. Naka-uniform lang naman ang mga ito ng black button down shirt, pants for boys and skirt for girls, shoes at maroon blazer and necktie katulad nila.

They were super good looking even for vampire standards, hindi maikakaila 'yan pero estudyante lang din ang mga ito.

What was so special about them?

"Papasok na ako sa loob," bulong ni Kam kay Nova pero hindi siya pinansin nito. This time, may kalakasan na ang tili nito kaya napapailing na lumayo na lang siya.

"Cole," halos maihi sa kilig na sambit ni Nova.

Hindi na muling lumingon si Kam. Mabilis na siyang pumasok ng dorm at nagtungo sa third floor kung saan naroon ang kwarto niya, ang Room 301.

"Nasa labas na ang mga sikat?" salubong sa kanya ng kanyang roommate na si Tryx. Kasalukuyan itong nagbabasa ng textbook sa living room habang may suot na reading glasses. Pang-fashion-fashion lang 'yun for sure. It wasn't like they needed it.

"Yeah. Ang daming naghintay," aniya saka pabagsak na umupo sa couch na nasa kanan ni Tryx.

"Hmm..." 'yun lang ang sagot ng roommate niya. Naka-pixie cut ang buhok nitong puti na may naiwang may kataasang bangs sa kanang side at green ang mga mata nito. She had a button nose and pouty lips.

"Hindi ka nila fan?" tanong niya. Senior na itong roommate n'ya kaya paniguradong kilala na nito ang mga sikat na estudyante sa baba. They met last week when Tryx arrived. Mabait ito at naging komportable s'ya agad.

"No," tanging sagot nito at akala ni Kam ay hindi na ito magsasalita pa pero mukhang napaisip ito. Tryx took her glasses off and bit one temple tip. "I used to fangirl over them. Last year lang ako tumigil. Naiinis kasi ako kapag naalala ko ang kabaliwan ko."

"Why? What did you do?" curious na tanong ni Kam.

"I proposed to Malik," nakasimangot nitong sagot at mukhang naiinis nga ito.

Malik, that was the blond one. 'Yung nakakabasa ng isip.

"I mean, wala naman siyang kasalanan. He made sure that there was nothing serious going on between us. Simula pa lang. Ako pa 'yung nag-volunteer na maging laruan n'ya. 'Coz you know, s'ya naman talaga ang hinahabol. Then the stupid me fell for him. Mabait eh. Funny pa."

Napatango naman si Kam. Nangyayari talaga ang gan'on lalo na kung mabait ang isa.

"I gave him my father's wedding ring. Ninakaw ko pa 'yun. Can you imagine that? Ang stupid," anito saka natawa na.

Napangiti na rin si Kam. Gusto niya sanang kiligin. Ang lakas ng fighting spirit nitong si Tryx. Kaso alam niya na kung ano ang sunod na nangyari. It was not a fairytale ending.

"Of course, he rejected me politely. Buong summer akong nagkulong sa bahay. And now, here I am," anito saka muling isinuot ang glasses.

"Okay ka na?"

"Oo naman. Buti na lang mabait si Malik. Hindi ipinagkalat ang kagagahan ko," natatawa nitong sagot. "It was fleeting. Ang bilis nawala ng feelings ko sa kanya. Hindi naman yata talaga ako na-in love sa kanya."

"Lahat sila mabait?" Okay, now she was curious. Mabait daw kasi ang isa sa kanila. 'Di ba, birds with the same feather flock together?

"Si Deus ang pinakamabait. Si Gaius, okay lang. Basagulero pero dinig ko, he only beats those who make trouble first. Si Auberon, okay lang din. Ang pinakapangit ang ugali ay 'yung si Tatiana. Naku, 'wag kang lalapit d'on. Baka ihawin ka at gawing dinner just for existing."

Okay. May hindi mabait sa grupong 'yun. 'Yung hindi Pureblood na may itim na buhok.

Note to self, hindi lalapit sa grupong 'yun kung may kasamang Tatiana, ani Kam sa sarili.

"Mabait din si Cole," dagdag pa nito bago muling bumalik sa pagbabasa.

Cole. Iyung tinilian ni Nova kanina. Hindi na niya nakita 'yun kasi umalis na s'ya.

"Oh well, maliligo na ako. Kakain tayo sa Emporium ngayong gabi o magluluto tayo ng dinner? May beef pa naman sa fridge," ani Kam na tumayo na.

"Nah. Sa Emporium na tayo. I'm craving for chicken wings. Bibili na rin ako ng dugo."

"Okay," aniya saka pumasok na sa kanyang silid sa right side.

Her room was not that big but it was enough. Mas malaki pa yata ang banyo niya sa mansyon nila kaysa sa rito. But because this was a dorm, she got what everyone else got.

The walls were white, may single bed sa right wall, may isang light brown na wood nightstand, yellow ang kanyang pillow cases, bedsheets at comforter. Hindi n'ya favorite ang yellow pero 'yun lang ang naiwang kulay nang mamili s'ya ng gamit sa Emporium two weeks ago. Wala pa raw kasing stock dahil wala pa namang masyadong estudyante.

Red. Red was her favorite color.

Naligo na muna s'ya at nagsuot ng black na long-sleeved fitted shirt na off-shoulder. She tucked it in her white denim shorts at pinaresan n'ya ng white sneakers. Inilugay lang niya ang kanyang mahabang kulay gold na buhok na may natural na waves.

"Saan ang punta? Kakain lang naman tayo," taas-kilay na tanong ni Tryx nang makalabas siya ng kwarto n'ya.

Pinasadahan n'ya ng tingin ang kanyang matangkad na roommate. Nakasuot lang ito ng pajama set na may print na bumblebees. Nakasuot pa rin ito ng glasses at magulong naka-bun ang buhok.

"Mukha kang matutulog sa Emporium," komento naman niya at sabay pa silang napangisi.

"Tara na nga," anito saka nauna nang lumabas.

Wallet at phone lang ang bitbit ni Kam.

Medyo marami-rami na rin ang mga estudyanteng nakakasabayan nila pababa. Maghahapunan na rin siguro ang mga ito. O baka naman gagala. Para kasing mall ang Emporium. May mga restaurants, boutiques, bookstore, grocery store at kung anu-ano pang posibleng kakailanganin nila. They didn't need to go out of the campus if they needed anything.

"So, ayaw mong malaman ng school kung saan ka galing?" tanong ni Tryx habang kumakain na sila ng chicken wings sa sulok ng wing restaurant na 'yun.

"Well, hindi naman sa gan'on. Ayaw ko lang na malaman nila na konektado ako sa mga Caedis sa Chilakest," sagot ni Kam na nilalantakan din ang manok. Ang dungis tuloy ng mga kamay n'ya. Ayaw n'ya n'ong plastic gloves. Mas masarap kapag nadidilaan n'ya ang sauce sa mga daliri n'ya. Seasoning din 'yung pawis n'ya.

"Girl, ang layo ng Chilakest dito. Kung kilala ang pamilya mo roon, dito hindi. Ang daming sikat na mga pamilya rito sa Vergaemonth. Bloodworth, Brigham, Horton, Gerhardt, Simmons, Kühn."

Tumaas ang kilay ni Kam. "Sila-sila pa rin ang sikat sa buong continent?"

"Well, sa supernatural community lalo na sa mga vampires. Tanging Simmons lang ang sikat na witch family."

"Huh," sabi na lang niya. Nang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng tiyan.

Geez! Ang sama ng timing. Mabilis siyang tumayo.

"What?" takang tanong ni Tryx.

"Emergency!" aniya saka walang paalam na tumakbo papuntang banyo. But to her horror, ang haba ng pila.

Wala na! Lalabas na talaga!

She squeezed her legs together. Pinagpawisan na siya kahit na ang lakas ng aircon.

She could feel it coming.

Napahawak siya sa dingding habang napapangiwi. Pinagtitinginan pa siya ng mga babaeng nakapila.

Hindi na talaga niya kaya.

Gamit ang vampire speed, tinakbo niya ang Men's bathroom dahil wala man lang kahit na isang nilalang na papasok doon.

"Whew!" relieved na sambit niya nang makitang bukas ang tatlong cubicles doon.

Mabilis pa sa kidlat na pumasok siya sa unang cubicle at naupo sa toilet.

Ang sakit ng tiyan n'ya. Ano ba'ng meron sa manok na kinain n'ya?

And then it came out. A long, deep sounding fart. Nag-echo pa 'yun sa buong bathroom na sinundan ng matubig na jebs.

Relief! "Whew," bulong niya.

"Wow."

Literal na nag-freeze si Kam nang marinig ang baritonong boses na 'yun sa labas ng kanyang cubicle.

"What the hell?" bulong niya sa sarili. Someone entered?

Hindi sumagot ang dalaga. Hinintay na lang niya na pumasok sa cubicle ang lalaking ito o kaya ay lumabas ng banyo.

Walang ingay na naglinis siya habang nakikinig ng kaluskos sa labas. Nang makarinig ng pagsara ng pinto ay mabilis siyang tumayo at lumabas.

Wala na ngang tao.

"Whew!" relieved niyang sambit saka naghugas ng kamay.

Hindi na n'ya tatapusin ang pagkain. Walang-hiya naman kasi. Bakit ngayon pa 'to nangyari?

Saktong natapos siya sa kanyang paghuhugas ng kamay nang bumukas ang pangalawang cubicle at iniluwa roon ang isang matangkad na lalaking may itim na buhok at kulay asul na mga mata.

Nagulat din ang lalaki kaya nagkatitigan sila sa reflection sa salamin.

"What the...?" pabulong na sambit ng dalaga.

It was him!

Binaha ng pagkalito ang gwapo nitong mukha saka tumingin sa cubicle na ginamit n'ya saka muling bumalik sa kanya.

"What the...?" 'yun lang din ang nasambit nito bago siya mabilis na tumakbo palabas ng banyo.

Of all people, bakit si shuttle guy pa ang nakakita sa kanya r'on?

"Saan ka galing?" nagtatakang tanong ni Tryx nang bumalik siya sa mesa nila. Um-order pa pala ito ng walo pang sweet and spicy chicken at paubos na rin.

Agad na binaha ng hiya ang buong sistema ni Kam. Nakakahiya talaga.

Narinig kaya nito ang pag-utot n'ya?

Naamoy kaya nito...?

Naihilamos ng dalaga ang kanyang dalawang palad. Nakakahiya talaga. Agad niyang sinamaan ng tingin ang chicken wings na iniwan niya. Tila nandidiring inilayo n'ya 'yun sa kanya.

"Ayaw mo? Akin na lang?" ani Tryx na hindi na hinintay ang sagot n'ya. Agad na nitong nilantakan ang manok.

"I think that's the reason why I got upset belly," aniyang nakangiwi.

Nagkibit lang ng balikat ang roommate n'ya saka nagpatuloy sa pagkain.

Walang nagawa si Kam kundi ang manahimik. Nag-browse na lang siya ng bagong release na novels sa online bookstore ng Sentry Academy habang naghihintay sa kanyang roommate na parang patay-gutom. Nakailang orders na ba ito?

Nang biglang umingay ang paligid kaya napatingin sila ni Tryx sa entrance ng restaurant. Agad namang napailing ang roommate niya nang mapagsino ang pumasok.

"Palapit pa yata rito," mahinang bulong ni Kam.

"Tryxia Marie Kadang-Kadang!" bulalas ni Malik nang mapansin ang babae. Kung bakit kasi lumingon pa ito sa mesa nila. Bakit hindi kasi dumaan na lang?

Gustong matawa ni Kam sa pangalang sinambit ni Malik. Mukhang proud na proud pa ito.

"Caran, Malik. That's my family name," ani Tryx saka tinanggal ang suot na plastic gloves.

Ngumisi si Malik. "Mas maganda pa rin ang kadang-kadang. Ang ganda ng ayusan natin ngayon ah. Latest fashionable OOTD."

Natawa na lang si Tryx saka tumayo para bigyan ng friendly hug si Malik. Buti na lang magkaibigan pa rin ang dalawang 'to.

"Kumusta ang summer? Hindi ka man lang nag-text," nakalabing sabi ni Malik. Napatitig pa si Kam dito.

He was gorgeous. Pwedeng artista. He looked so friendly and kind too. Napaka-approachable ng dating.

"I was mending my broken heart," natatawang sagot ni Tryx. "By the way, this is my roommate. Freshman. Kam. Kam, si Malik."

Isang malaking ngisi ang ibinigay ni Malik sa kanya saka ito nag-offer ng kamay na agad tinanggap ni Kam.

"Nice to meet you, Kam. Eighteen ka na?" agad na nakatanggap ng sapak sa balikat si Malik mula kay Tryx.

"Leave my roommate alone," anang babae na nakataas-kilay.

"Oo naman. Nagtatanong lang eh," naka-pout na sabi ni Malik na hinihimas ang sariling balikat. Napalakas yata ang sapak ni Tryx.

"Mabuti na 'yung malinaw."

Hindi na lang umimik si Kam kahit na siya ang pinag-uusapan ng dalawa. Nineteen na siya. She spent almost a year on the ship while coming here. Late tuloy siya ng isang taon.

"Malik, dude, kanina pa ako naghihintay dito," agad na nanlaki ang mga mata ni Kam nang mapagsino ang lalaking biglang lumapit kay Malik. Napakakaswal lang ng kilos nito na para bang walang nangyari kanina sa banyo.

Kam was about to run away, or hide under the table, when the young man looked at her direction.

Kam froze. Ano'ng gagawin n'ya? 'Di ba tumakas s'ya kanina dahil sa hiya? Bakit ba kasi bumalik pa s'ya rito sa mesa nila?

Ibubuking ba s'ya nito?

The guy was not showing any sign of indication that could embarrass her. Bahagya lang itong ngumiti sa kanya saka ibinalik kay Malik ang atensyon.

"I don't want to eat here anymore," anito.

Kumunot naman ang noo ni Malik. "Dude, ikaw 'tong sobrang interesado kanina na kumain dito tapos ngayon na nandito na ako, aayaw ka na? Hustisya naman. I had to leave three beautiful ladies in my dorm room just to come here. For you!"

Umikot ang mga mata ni Tryx pero natatawa naman.

"You see that?" itinuro n'ong lalaki ang mahabang pila sa banyo. Pati sa Men's Room ay may pila na. "Something's wrong with their food," kaswal nitong sabi. He was not hinting anything na pati si Kam ay nabiktima.

"But I'm fine naman ah," ani Tryx.

"Oh no. Please don't look at me," usal ni Kam sa kanyang sarili. But like she said awhile ago, nananadya talaga ang tadhana.

"Okay ka lang, Kam? Kumain ka rin ah," may concern sa mukha ni Tryx kaya nawala ang kagustuhan ni Kam na batukan ito.

"A-Ah..." she didn't know what to say. Kusa na lang lumipad sa lalaking kaibigan ni Malik ang tingin n'ya. "Uhm..."

Kitang-kita n'ya ang pagpipigil nito ng tawa, at ang kumag, tumalikod pa para ilagay sa harap ng bibig nito ang nakasarang kamao.

He really thought this was funny huh?

"Sabi ko nga sa'yo baka may something sa chicken 'di ba? Kaya ako nagbanyo kanina," well, might as well let it out.

Malik's friend started coughing. Nasamid ba sa sariling laway?

"Okay ka lang, Cole?" agad na tinapik ni Malik ang likod nito.

So, ito pala ang Cole Bloodworth?

Cole didn't answer. Nakatalikod pa rin ito at patuloy sa pag-ubo.

"Tayo na nga. Kanina ka pa kumakain eh. I'm sure busog ka na," ani Kam saka tumayo na. Ni hindi na niya hinintay si Tryx.

Nakita n'ya pa ang pagpihit ni Cole nang dumaan s'ya. Ang loko, ngumisi sa kanya.

Inis na inirapan n'ya ito saka tuluyan nang tumalikod. 'Yung kabaitan nito sa shuttle two weeks ago, nawala na 'yun sa isip ni Kam. Kakalimutan iyun ng dalaga.

Tsaka mukhang hindi naman siya nito naalala. There was no hint of recognition in his eyes.

"Ang taray ng roommate mo, Tryxia Marie Kadang-Kadang," narinig n'ya pang komento ni Malik.

Hindi naman talaga siya mataray in nature. Ang bait n'ya kaya. She made extra effort to be friendly before because she wanted friends. Pero siempre, walang nakikipagkaibigan sa kanya. Hindi n'ya naranasang mag-sleepover, shopping and movie watching with BFFs. She was desperate for friends before.

Well, sorry na lang kay Cole Bloodworth. Hindi maganda ang pagkikita nila kanina. Nakakahiya as a matter of fact kaya nauna nang tumatak sa kanyang defense mechanism system na kainisan ito para mabawasan ang nararamdaman niyang hiya.

"Hintay naman. Nagmamadali? Tatae ka uli?" habol ni Tryx kaya nakatanggap din ito ng irap.

—-
"Close pa rin pala kayo despite what happened," sabi ni Kam nang makabalik sila sa dorm room nila.

Pareho na silang naka-pajama at nakaupo sa couch habang nanonood ng cheesy rom-com sa TV. Nakadalawang balik pa siya sa banyo habang nakalima si Tryx.

Kasalukuyan silang umiinom ng tubig to rehydrate. Pakiramdam kasi nila ay natuyot ang katawan nila dahil sa diarrhea.

Naku, bukas, paniguradong uulanin ng reklamo iyung restaurant. Dapat kasi ayusin ang service lalo na at pagkain ang product. Buti na lang madali lang silang maka-recover. Mabilis kasi ang healing process nila.

"Who? Malik? Oo naman. Like I said, mabait s'ya at ako ang may kasalanan. A deal is a deal," sagot naman ni Tryx. "Wait a minute. May bagong movie si Kray Hayes?"

Napangiwi si Kam nang biglang tumili si Tryx. Ang saya-saya nito habang nanonood ng trailer ng bagong action movie. May lalaki roong mukhang nasa late twenties, he had dark brown skin, shaved head and light brown eyes.

Kray Hayes.

Napangiti si Kam habang pinapanood ang lalaking ekspertong tumalon mula sa mataas na tulay at safe na nag-landing sa dumaang cruise ship.

"Oh my gosh! Kray Hayes, anakan mo ako kahit sampu pa sa isang ire lang," talak ni Tryx kaya gulat na napaubo si Kam.

What the hell?

"You okay?" kunwari ay concerned sa kanya pero ang totoo ay hindi naman. Nasa TV pa rin kasi ang mga mata ni Tryx habang tinatapik siya nito sa balikat.

"Ang weird mo," komento niya pero tinawanan lang siya nito.

"Ang gwapo talaga ng future husband ko," wala na. Naglupasay na ang katabi n'ya.

"I heard he's one thousand plus years old," aniya na may pagngiwi pa.

"I don't care. He's my husband. Period!"

Napailing na lang si Kam.

Hindi naman niya masisisi si Tryx. Talagang habulin ng babae si Kray.

"Kray Hayes," sambit niya sa kanyang isip habang nakatingin sa lalaking tumalon mula sa pagsabog ng bomba.

***
@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

509K 1.7K 6
You cannot be happy if you cannot accept reality that pain and problems are part of us, part of who we are and part of what we become.
880K 34.7K 49
After abusing her power in the realms of mortals, Cassy Aguilar, a child born out of darkness, was sent back to Phantasm, the kingdom she grew up in...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
42.6K 1.6K 18
Kate Maldison has a crush on a popular jock back in her high school days and she had no chances of getting into his pants. He's out of her reach. Too...