Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 61:

445 17 0
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkaalis ni Sir, saka naman tumayo sa pagkakahiga sa sofa si Ros at inayos ang hihigaan ko doon. Tumayo rin sa pagkakaupo sa lapag si Anthony at naupo sa sofang pang-isahan. Inalalayan pa ko ni Ros makaupo sa sofa at dahan-dahan rin niya ako inalalayan pahiga halos sobrang ingat pa siya sa akin.

Pagkahiga, kinumutan niya kaagad ako.

"Salamat." Namamaos na sabi ko sa kanya.

"Lulutuan kita ng lugaw ah? Pahinga kana muna." Napaka-sweet na sabi nito habang nasa taas ng ulo ko ang isang kamay niya.

Nakangiting natural na tumango ako bilang sagot dito.

"Wag kang mag-alala, Elizabeth. Kami na bahala ni Ros sa gawaing bahay." Nakangiting sulpot ni Anthony habang ngumunguya. Kumuha ulit siya ng pizza na iyon na lamang nag-iisa. Pansin ko, siya nakaubos lahat ng pizza na dala ni Sir Johnser.

"Salamat." Nakangiting pasalamat ko sabay umubo. Mukhang malakas ang tama sakin ng lagnat. Baka matagal ako makapasok nito sa trabaho. Paano na pang-araw-araw namin ni Ros? Kaunti sasahurin ko nyan pag one week akong absent.

"Kuha ako ng tubig," Kumaripas naman ng takbo si Ros papuntang kusina. Di pa nag-sasampung segundo, nakarating naman kaagad siya. Nilapag muna niya sa maliit na mesa ang baso at inalalayan ako nitong bumangon."Deretsyo kana uminom ng gamot." Sabi nito sabay bigay ng gamot.

"Salamat." Kinuha ko iyon sa kanya at ininom.

Nakatingin lamang si Ros sa akin habang ginagawa ko iyon. Sa sobrang pag-aalala sa akin, pagkainom ko ng gamot mabilis na hinagod-hagod niya ang likod ko nang umubo ako.

Kahit masama ang pakiramdam ko, kinikilig pa rin ako sa pinaggagawa ni Ros. Napaka-caring niya sa akin at sobra niya akong bini-baby. Kahit sinong babae, maiinlove sa pinaggagawa niya. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"Hay naku! Ang sweet na nga ng pinapanood kong teleserye, pati yung kasama ko ganon rin." Parinig sa amin ni Bossbrad.

Napatingin naman kami ni Ros dito. Nakita naming nagkakamot ito sa ulo habang hawak ang remote halos nilipat niya ang channel. Napansin pa naming napa-pout ito dahil sa channel na hinintuan niya ay isang pelikula na sweet na sweet ang bida.

Napa-pout naman ito."Hustisya naman sa amin na single." Naiiyak nang sabi nito at nilipat ulit ang channel.

Nagtinginan kami ni Ros at maya-maya nagtawanan kaming dalawa dahil sa nakitang reaksyon ni Anthony.

MANDY YU POV:)

Kakatapos lang ng meeting namin. Tungkol lang naman ito sa anniversary ng All Day Shop. Dahil business partner na ng Uphone at Sumex. Iyon na nga, Reach Out Program ang gusto ni Mr. Kailes ang tema at kaming tatlo nila Johnser at Dylan ang naatasan na mag-aasikaso at pupunta sa lugar na napili nito.

Mukhang hindi matutuloy ang punta ko next week sa Dubai para i-meet ang isang negosyanteng kilala ni Daddy.

Nagsilabasan na ang ibang shareholder member sa Conference Room habang ako ay nilalagay ko sa folder ang mga papeles. Pagkatayo ko, nagulat ako nang may humawak sa braso ko.

Takang napatingin naman ako sa taong iyon.

"Tumawag ba sayo ang mama mo?"

"Hindi, Dad. Why?" I asked. Siya lang naman pala ang lumapit sa akin. Ini-expect ko si Dylan iyon, hindi pala.

"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko." Sagot ni Papa.

"Nag-away na naman ba kayo?" Napa-pout na tanong ko. Kailan ba sila naging bati? Araw-araw bangayan sila ni Mommy kaya immune na sa akin ang kaingayan nila sa bahay.

Di naman umimik si Papa.

Maya-maya nagpaalam na din ito."Pag tumawag ang mama mo, sabihan mo na tumawag o pumunta sa office ko." Sabi ni Papa at umalis na rin ito.

Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko. Napakibit-balikat na tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha na ang folder na nakalapag sa harapan ko. Lalabas na sana ko nang pinto nang natigilan ako dahil lalabas rin si Dylan. Nagtinginan pa kaming dalawa at pareho kami nahinto sa binabalak para lumabas ng Conference Room.

Naalala ko nalang ang nangyari kahapon, ang kahapong ginawa kong kabaliwan at kahihiyan. Hindi ko alam bakit ginawa ko iyon. Ang kapal talaga ng mukha ko. Ako nagpumilit gawin iyon tapos pag ginawa, nagsisisi ako sa huli. Kapal talaga mukha ko.

Namumula ang pisngi na napaiwas naman ako ng tingin dito.

Ako na nga naunang lumabas sa amin dalawa at saka rin siya lumabas kasunod ko.

RYAN REYES POV:)

Nakaupo lamang si Ryan sa isang upuan habang nakagabos ang paa at kamay nito, puno ng pasa ang katawan niya. Mahimbing lamang siyang natutulog nang magising siyang makarinig ng isang tunog. Tunog ng...

Dahan-dahan niya minulat ang mata at tumingin sa paligid. Nakita naman niyang nagkakagulo ang mga lalaking nagbabantay sa kanya. Kanya-kanya ito ng kuha ng baril sa isang lumang baul.

"May pulis! Bilisan nyo!" Sabi ng lalaki sa mga kasamahan nito.

Rinig niya ang wang-wang ng pulis sa ibaba. Sa awa ng diyos, maliligtas na rin siya.

Napatingin na lamang ako sa isang bagay na tila galing sa labas ng bintana at gumulong-gulong sa sahig. Naglabas na lamang ito ng malaking uso na dahilan napaubo ang mga lalaki pati siya.

"Anak ng! Inaatake na tayo---ah!" Tila may nangyari ito dito.

Isa-isa naman inatake ng misteryosong lalaki ang mga armado at isa-isa niya ito pinatumba. Nang mawala ang uso, dahan-dahan niya iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki na lamang siya ng mata ng makita na nakahandusay na sa sahig ang mga lalaki.

Nakita naman ni Ryan na may isang taong naka-jacket na itim ang lumalapit sa kinaroroonan niya. Nang nasa tapat na niya ito, binaba nito ang hood at tumambad sa kanya ang isang di kilalang lalaki.

"Ako si Zero, pinadala ako ni Sir Dylan para iligtas ka." Sabi nito.

"Sir Dylan?" Takang tanong niya dito.

"Ang boss ng kaibigan mo, si Rose."

Nanlaki naman ang mata niya sa nalaman. Akala niya ang taong kumidnap sa kanya ay iyon ang Boss ni Rose pero hindi pala. Siguro naunahan ito ng kalaban makuha siya.

Hindi ko alam kung ano nangyayari. Kung sino ang lalaking napagkamalan kong Boss ni Rose. Bakit hinahanap nila si Kuya? Kung nagnakaw si Kuya, hindi niya iyon magagawa. Kahit masamang tao si Kuya, di sya gagawa ng masama hangga't walang kapalit na pera. Ano posibilidad na nagawa ni Kuya para hanapin siya?

Pinakawalan naman ako nito halos pinutol niya ang lubid gamit ang kutsilyong maliit na dala niya. Nang makawala ako, nahihirapang tumayo ako at pinaikot ang leeg kong ramdam kong pagod na pagod halos tumunog pa iyon. Medyo nangangalay ang lahat ng katawan ko dahil 2 days akong pinahirapan nila.

"Bilisan natin at baka mapansin ng mga kalaban na niloko ko sila." Sabi nito at inalalayan na ako nito para umalis."Wala naman talagang pulis. Wang-wang ang ginamit ko para magkagulo sila."

Di pa kami nakakarating sa pintuan may nagsipasok na lamang na mga lalaki.

"Oops! Hanggang diyan lang kayo." Nakangiting demonyo sabi ng nasa gitna kung titingnan parang leader siya.

"Sh*t." Mahinang sambit ng lalaki.

Napapaatras kami dahil unti-unting lumalapit ang mga ito. Wala kaming kawala dahil marami sila at pinapalibutan kami. Marami ang pinsala ko at hindi ko kayang makipaglaban. Sa tingin ko, katapusan na namin.

"Walang lalabas na buhay." Dagdag pa ng lalaki habang may nakakatakot na ngiti.

"Kaya mo ba?" Mahinang turan nito.

"Ah?"

"Kaya mo bang makatakas?" Mahinang turan nito habang nasa likod niya ako.

"Bakit?" Di pa rin ma-gets na tanong ko kay Zero.

"Kailangan mong tumakas. Ako na bahala dito." Nakatingin pa rin sa kalaban mahinang sabi nito.

"P-pero---" di ko napatuloy pa ang sasabihin ko nang may kinuha ito sa kanyang likod at may tinapon siyang bagay sa mga dito. Lumabas naman dito ang makapal na usok.

Napaubo naman ang mga kalaban.

"Dakpin sila!" Sabi ng leader at umuubo.

"Takbo!" Sigaw ni Zero.

Tarantang tumakbo naman ako halos may mabangga pa ako dahil hindi ko makita ang daan dahil sa kapal ng uso. Matagumpay naman akong nakarating sa pinto. Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ang ibang armadong lalaki na paakyat palang rito.

Tarantang napabalik ako sa isang kwarto na kinaroroonan ko kanina. Nakita ko namang nakikipaglaban na si Zero sa mga kalaban. Sumilip-silip ako sa paligid kung saan pwede lumabas. Napatingin na lamang ako sa bintana at tumakbo papunta dito. Nalula naman ako sa takot nang makitang mataas ang bababaan ko.

"Tatakas siya!" Sabi ng lalaki at tinuro ako.

Nataranta naman ako. May nagsitakbo naman papunta sa kinaroroonan ko para dakpin ako. Dahil wala na kong choice, tumalon ako sa labas ng bintana. Matagumpay naman akong nakababa halos gumulong-gulong ako sa lupa.

"Nasa labas na siya!" Narinig kong sigaw.

Takot na takot na tumayo kaagad ako at tumakbo halos natumba-tumba pa ako. Tumakbo ako para iligtas ang sarili ko. Napagtanto ko na nasa isang construction site kami. Hindi maririnig sa labas dahil sa malayo ito sa daan.

Matagumpay naman akong nakalabas at taranta kung saan akong daan na dadaan. Kumaliwa ako at doon tumakbo.

May nakita naman akong lumang truck na nakapara sa harap ng isang kainan. Mabilis na sumakay ako doon at nagtago. Nakita mong ang puro sakay nito ay mga basket na naglalaman ng gulay at prutas. Siniksik ko ang sarili ko para hindi makita ng mga armadong lalaki.

"Asan na siya?" Narinig kong boses lalaki."Hanapin nyo, hindi pa iyon nakakalayo."

Narinig kong bumukas na lamang ang pinto ng truck sa driver seat at tila may kausap ang may-ari nitong truck sa kabilang linya.

"Oo, anak. Nabigay ko na nga talaga yung regalo mo. Wag kang mag-alala pag makita ko ulit si Elizabeth sabihin kong umuwi siya fiesta sa atin." Boses lalaki."Ikaw, Limuel, kung gusto mo manalo sa puso ni Elizabeth pagbutihin mo pag-aaral mo. Oh sya! Aalis na ko!" Sabi nito at sumakay na sa loob.

"Mang Trino!" Narinig ko pang boses babae."Yung sukli nyo, naiwan nyo."

"Ay! Salamat, Martha. Makakalimutin na talaga ako." At tumawa ang lalaki.

"Paki-kumusta nalang ako sa mga kasamahan natin ah? Try ko umuwi bukas doon."

"Umuwi ka dahil miss kana nila. Gusto nila makita ang anak nyo ni Celio."

Tumawa naman ang babae."Nakakamiss pala sa atin. Di ko naman alam na taga-maynila si Celio."

"Naku! Swerte mo nga dahil asensado na ang buhay mo. Oh sya! Alis na ko! Ide-deliver ko pa itong mga gulay at prutas namin." Paalam na ng lalaki.

"Ingat kayo."

Naramdaman kong nagsimula na ang engine ng truck at umalis. Di ko namalayan, nakatulog na pala ako sa loob.

THIRD PERSON POV:)

Nagising na lamang si Ros nang makitang wala sa tabi niya sa kama si Elizabeth. Tarantang napabangon siya sa pagkakahiga at tumayo para tumungo sa labas. Paglabas niya sa sala, wala siyang nakitang Elizabeth. Mabilis tumungo siya sa kusina na nagbabasakaling andoon iyon.

Pagkarating niya roon, wala rin siyang Elizabeth na nandoon.

Mabilis na tumungo siya sa kwarto para kunit sa night table ang kanyang cellphone. Alas kwatro palang ng umaga at mukhang pumasok ngayon ito sa trabaho. Mabilis niyang tinawagan si Elizabeth.

"Where are you? Di ka pa magaling." Sabi niya dito nang sinagot ang kanyang tawag.

"Okay na ako." Sabi nito.

"Asan ka?" Imbes tanong niya rito.

"Papunta palang sa waiting shed." Medyo namamaos na sabi nito.

"Papunta na ko diyan." Pagkasabi mabilis lumabas na siya ng kwarto para sundan ito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Binaba ko na ang tawag nang di ko na marinig na nagsasalita si Ros. Malumbay na nagpatuloy ang sa paglalakad. Papasok ako sa trabaho at sayang ang araw kung hindi ako papasok ngayon. Sayang ang sahod at makakabili pa kami ng mga kailangan namin ni Ros.

Mabilis pa sa alas singko, narinig ko na lamang ang boses ni Ros.

"Lady Beth!"

Napalingon naman ako. Natawan naman akong bahagya dahil ang bilis niya nakarating at abutan akom tumakbo ito palabit sa amin.

"Wag kana muna pumasok. Hindi ka pa okay." Humihingal na sabi nito pagkalapit.

"Baka mas lalong bumagsak ang katawan ko pag ibi-baby ko lang ang sakit ko." Napa-pout na sabi ko.

Magsasalita pa sana si Ros na bahagyang may nakita ito mula sa aking likuran na nagpakunot sa kanyang noo.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Lumingon naman ako para makita ang tinitingnan ni Ros. Napatigil na lamang ako nang makita iyon. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makakita ng taong walang malay sa gilid ng kalsada.

To be continued...

Sorry sa typos at grammar.
Aayusin ko nalang ito.😁
Yan muna guys. Sorry ngayon lang nakapag-update.😘
Don't forget to like, comment and follow me.💖

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
155K 3.5K 35
Tyra Yuri Velasco, isang simpleng babae na nangangarap na makapasok sa Wilstone Academy. Isang paaralan kung saan lahat ng nag aaral ay mayayaman at...