Same Place

By g4ilvvx_

1.3M 40.8K 56.3K

ProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : March 25, 2022 Completed : May 31, 2022 More

Author's Note
Casts
CHAPTER - 1
CHAPTER - 3
CHAPTER - 4
CHAPTER - 5
CHAPTER - 6
CHAPTER - 7 [Instagram update only]
CHAPTER - 8
CHAPTER - 9
CHAPTER - 10
CHAPTER - 11
CHAPTER -12
CHAPTER - 13
CHAPTER - 14 [Instagram update only]
CHAPTER - 15 [Instagram update only]
CHAPTER -16
CHAPTER - 17
CHAPTER - 18
CHAPTER - 19
CHAPTER - 20
CHAPTER - 21
CHAPTER - 22 [Instagram update only]
CHAPTER - 23
CHAPTER - 24
CHAPTER - 25
CHAPTER - 26
CHAPTER - 27
CHAPTER - 28
CHAPTER - 29
CHAPTER - 30
CHAPTER - 31
CHAPTER - 32
CHAPTER - 33
CHAPTER - 34 [Instagram update only]
CHAPTER - 35
CHAPTER - 36
CHAPTER - 37
CHAPTER - 38
CHAPTER - 39
CHAPTER - 40
CHAPTER - 41
CHAPTER - 42
CHAPTER - 43
CHAPTER - 44
CHAPTER - 45
CHAPTER - 46
CHAPTER - 47
CHAPTER - 48
CHAPTER - 49
CHAPTER - 50 [FINALLY]
Author's Note
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3

CHAPTER - 2

41.3K 1.2K 1.9K
By g4ilvvx_

Ellie's

"Sino na nga ulit yung Prof natin ngayon?", tanong ni Kate sa tabi ko habang nagdodoodle sa likod ng notebook nya.

7:30am kasi yung start ng klase pero 7:35am na ay wala pa rin sya.

"Professor Knite Delos Reyes", sagot ko nang hindi sya nililingon.

"Ang gwapo ng pangalan nya, for sure ang pogi non", kinikilig pa ang gaga.

"Gwapo nga, late naman", siniko nya tuloy ako.

"Umayos ka nga, lahat ng tao nalalate"

"Pwes, hindi ako", inirapan ko pa sya na ikinailing nya lang.

"Good morning class!", lahat kami ay napatingin sa lalakeng iniluwa ng pinto, agad kong nilingon si Kate na ngayon kay nakanganga na.

Pigil na pigil ako sa sarili kong wag matawa dahil sa reaction nya

"Pogi pala ha", pang aasar ko na ikinairap nya

"Good morning po Sir!", sabay na bati naming lahat sakanya.

"Pasensya na at nalate ako ng ilang minuto, nagkaroon lang ng emergency"

"Okay lang po Sir!"

"Ayos lang Sir!"

"Okay lang po kahit di na kayo pumasok Sir!"

Hoy ang gago nung huling nagsalita, buti di sya narinig ni Sir HAHAHAHAHA

"Huy Kate? Ano? Pogi ba si Sir?", pang aasar ko ulit sa katabi ko na ngayon ay nakabusangot na

Pano ba naman, panot si Sir, maliit at may kalakihan pa yung tyan HAHAHAHA hindi ako nangbabalaw ha, dinidescribe ko lang.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong sundutin ko ng ballpen 'yang eyeballs m--"

"Ellie Reiz Raven?", agad akong napalingon kay Sir na ngayon ay nakatingin sa kinaroroonan ko.

"Y-yes Sir?", tumayo ako at nagtinginan sakin yung mga kablockmates ko.

Nakangiti yung iba, yung iba naman ay may binubulong sa mga katabi nila at yung iba ay mukhang kinikilig na ewan.

"Come here iha and introduce yourself, sunod sayo si Miss Kate Collins", tumango ako at naglakad na sa harap.

Ganito nga pala lagi kapag bago ka lang, kailangan ng introduce-yourself-portion.

"Good day everyone, I'm Ellie Reiz Raven, 19 years old. I was born in New York but decided to live here in the Philippines because of our business"

"Tell us about your hobbies and likes iha", dagdag ni Sir.

"Uhm my hobbies are playing instrument, I also love to sing, to draw, paint, uhm I love cars actually and my dream is to become a Hotelier, that's all thank you "

"Okay, thank you Miss Raven, class be kind to your new classmate", saad niya bago ako pabalikin sa upuan ko at sumunod naman si Kate na nagpakilala.

Pagkatapos nya ay nagsimula ng mag discuss si Sir, nakinig ako ng mabuti dahil magaling rin syang mag turo.

Wala sa hitsura nya na ganyan sa kahusay pero expect the unexpected.

"Bring out a piece of paper and answer this equations", nagsimula na syang mag sulat sa white board.

"Do this quiz until the bell rings", dagdag nya.

At dahil nakinig ako kanina ay madali ko lang nasagutan yung 10 equations na nasa board.

Nilibot ko ang pangingin ko at may ilang mga napapakamot nalang sa ulo, may mga pasimpleng sumisilip sa paper ng katabi nila.

I shook my head, mga nagdadaldalan kasi kanina e.

Pansin ko na hindi nanunuway si Sir kanina kahit na medyo maingay yung mga kaklase ko habang nagdidiscuss sya.

Sabagay, hindi naman sya yung mahihirapan, kagaya ngayon, mga nakinig lang talaga kanina yung makakayang sagutan yung ibinigay nyang quiz.

Nilingon ko si Kate na busy pa rin magsagot.

"What? Are you done?", tanong nito nang mapansing nakatingin ako sakanya.

"Yes and bilisan mo na mag answer dyan, malapit na yung time"

"Edi wag mo'kong kausapin"

"Really? Ikaw kaya unang nagsalita satin"

"Manahimik ka"

Hindi nalang ako nagsalita para matapos nya na, number 10 naman na sya e.

Kahit kahapon lang kami nagkakilala nito, sobrang gaan na ng loob ko sakanya.

Nang magising ako kahapon ay nakaramdam ako ng gutom, nagpunta pa ako sa Cafeteria at nakita ko ulit si Kate doon na kumakain.

At syempre, kumain kaming dalawa at naglakad lakad hanggang sa dumilim na.

Sabay na din kaming nagdinner doon sa dorm nya.

Sya yung nagluto, marami syang grocery sa room nya. Hindi pa kasi ako nakakapag grocery eh, saka nalang siguro.

Yung refrigerator ko nga puro tubig yung laman.

"Okay pass your papers!", sambit ni Sir kasabay ng pag tunog ng bell.

After nitong math ay mamaya na ulit 1pm yung klase namin sa Philippine History.

Nagpunta nalang muna kami sa Cafeteria para kumain. Di ako nakapag umagahan kanina, wala kasi makain e. Hindi din ako makapag luto kasi wala pa akong stocks.

Nag order ako ngayon ng heavy meal kasi nagugutom talaga ako.

"Hindi ka naman siguro nagutom dahil sa quiz kanina?", natatawang sambit ni Kate na ngayon ay umiinom ng orange juice nya.

"Hindi, nagugutom ako e, hindi kaya ako nag umagahan"

"Why? Alam mo bang sobrang importane ng breakfast"

"I know, wala pa kaya akong stocks na foods sa dorm ko, kakadating ko lang kahapon no", nagpatango tango lamang sya.

"Hinatid lang kahapon nila Dad yung mga grocery ko don sa dorm ko, balak ko nga sana maggrocery sa Sabado e, pero ikaw nalang samahan kita", sagot nya na ikinangiti ko at nagsimula ng kumain.

"San mo balak tumambay? Dito lang?", tanong nya.

"Sa Library, kailangan nating magreview ng mga last topics diba, magtatake tayo ng midterm exams", pag papaalala ko dahil mukhang nakalimutan nya.

"Okay chill, sama ako", tumayo na kami at nagpunta sa Library, 3rd floor.

Pagpasok namin sa elevator ay may biglang nagpigil sa pagsasara ng pinto.

"Hey Ellie!", he's still wearing those beautiful smiles, gosh.

"Chris", nakangiti kong bati.

"San punta nyo?", tanong nito.

"Sa library"

"Sakto pala dun din punta ko, may pinapakuha saking libro si Miss Addison", napatingin sya sa kasama ko at nang lingunin ko si Kate ay nakatitig lang ito kay Levi na akala mo ay nakakita ng artista.

"Uhm, Chris this is Kate and Kate this is Chris", pagpapakilala ko sakanila.

"Hi Kate, nice to meet you", inilahad ni Chris yung kamay nya pero itong gagang kasama ko ay nakatitig lang dito kaya siniko ko sya.

"H-hi, nice to meet you C-chris", nauutal pa ang gaga HAHAHAHAHA

Sabagay, I can't blame her, ang gwapo kaya ni Levi.

He looks kind and pansin ko na jolly person sya.

"A-ahm my hand", sambit ni Levi kaya muli kong siniko si Kate kasi hindi nya pa pala binibitawan yung kamay ni Levi.

Anyare sa babaeng 'to.

"S-sorry"

"Let's go", pinauna nya na kaming lumabas ng elevator at agad na nagtungo sa Library, after namin nag log in ay kanya-kanyang hanap na kami ng mga books na hahanapin namin.

"I'll go now, kailangan na kasi ni Miss Addison 'tong mga books", paalam ni Levi bago sya tuluyang umalis.

Ang dami nyang dalang books, nag offer kami ni Kate na tulungan na sya pero tumanggi sya.

Aanhin kaya ni Miss Addison yung ganong karaming libro.

"What are you thinking Reiz?", tanong ng babaeng prenteng nakaupo sa harap ko ngayon habang nag tatake note.

"Nothing"

"Ang gwapo nya", kinikilig pa rin hanggang ngayon

"He is"

"Na love at first sight ata ako Reiz"

"Anong love at first sight, walang ganon, gumising ka sa reality"

Inirapan nya lang ako

"Anong walang ganon, eh nangyari na nga sakin kani-kanina lang"

"Love agad? Di ba pwedeng crush muna? Ganun?", she giggled from what I said.

"Sige na nga, crush muna", naiiling nalang ako.

"Ellie?", napaangat ako ng tingin sa babaeng tumawag sakin.

"Hey Nica", bati ko sakanya nang nakangiti at ganon din sya.

Napansin kong napatingin sya sa kasama ko kaya ipinakilala ko sila sa isa't isa.

"Uhm are you free?", tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Y-yeah? Mamaya pang 1pm next class ko, why?", tanong ko.

"Do you wanna go somewhere? Let's eat", nakangiting pagyayaya nito.

Nilingon ko si Kate but she just shrugged her shoulders and continue writing some notes.

"Ahm kasi nagrereview kami dahil need namin humabol para makapagtake kami ng midterm exams"

"Ganon ba, sige okay lang, sa susunod nalang", ngumiti naman ito pero agad ding nagsalita.

"How about later? Lunch? Are you free?"

"Ahm hindi ko lang sigurado kasi kasama ko si Kate e", nagpatango tango naman ito.

May kailangan ba sya? Bakit parang gustong gusto nya ako makasama?

"May gusto ka bang sabihin, Nica?", di'ko na maiwasang hindi magtanong.

Ganon talaga ako e, when I got curious, I ask.

"Wala naman, I just want to have some time with you to get to know you more, that's it", she smiled widely.

"That's it? Yun lang naman pala, sige if wala talaga akong gagawin, ako na mismo mag iinvite sayo", sagot ko na mas lalong ikinalawak ng ngiti nya.

"Talaga? Asahan ko yan ha"

"When I say it, I'll do it", ngumiti ako.

Nagpaalam naman na din kaagad sya at umalis.

"Dami mo na agad kakilala ha", sambit ng kasama ko kaya napatingin ako sakanya.

"Mga naencounter ko sila kahapon habang naglilibot ako"

"Sila? Meron pa?"

"Yeah? Si Love and Hope", this time ay nilingon nya na ako.

"You mean Love Kim and Hope Kim?", I frowned.

"I don't know, I just know their names but not their surnames, I met them here in the Library yesterday together with Nica. And what if they are Kim, what about them?"

"Anak sila ni Kuya Kim"

"What?"

"It's a joke, okay? Kung sila nga yung mga Kim na kilala ko, sila yung anak ng kaibigan ni Dad sa Korea, nakakalaro ko kasi sila dati nung nasa Korea pa kami. Matagal na yun, 6 years old pa siguro ako, hindi ko lang sila makalimutan nun kasi sila lang talaga yung una kong naging mga kaibigan"

"Kaya lang hindi ko na ulit sila nakita nung pumunta na kami dito sa Philippines, wala na din ako naging balita sakanila"

Nagpatango-tango naman ako sa kwento nya.

Tama, Love and Hope looks like korean at medyo hawig sila kaya mukhang magkapatid nga sila.

"Ganon ba, for sure makikita natin sila dito somewhere and I think naalala ka din nila yun", ngumiti sya sa sinabi ko.

Tahimik nalang kaming nagreview ng halos 2 hours.

Nagpaalam na muna akong babalik sa dorm ko dahil inaantok ako.

Susunod nalang daw si Kate kasi may kailangan syang puntahan sa Dean's Office.

Nasa tapat na ako ng elevator nang may mahagip yung dalawang mata ko.

Babaeng naka gray high-waisted trousers and I think nakasando sya dahil naka navy blue long blazers sya.

Ang dami nyang dalang libro at mukhang hindi nya alam paano nya bubuksan yung pintong nasa harapan nya na sa tingin ko ay kailangan ng key card.

Naiiling akong lumapit sakanya.

"Let me help you Ma'am", sambit ko at kaagad na kinuha yung mga dala nyang libro.

Pansin ko na nagulat pa sya sa pagsulpot ko pero agad din syang ngumiti.

Wait! What?! She smiled??

"Thank you, give me a second"

Hindi ko alam pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at pinanood lang syang buksan yung pinto.

Nakakahiya naman kung ibibigay ko ulit sakanya yung mga libro kaya naman pumasok na ako sa loob.

Is this her office? Ang ganda.

"Just put the books in there", turo nya sa may table, kasalukuyan nya ng isinasabit sa coat stand yung blazer nya and shit!

She's wearing a white sando now.

Nang mailapag ko na ang mga libro ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin sa loob ng office nya.

Lumapit ako sa isang area kung saan mukhang mga antique ang nakalagay doon, marami ding mga Renaissance Paintings ang nakasabit sa walls.

Plus yung arrangement ng mga gamit nya dito, sobrang organized lahat.

"Seems like you love art", napabaling ako sakanya na ngayon ay nakaupo na sa swivel chair nya.

Nasa mga papel na hawak nya ang attention nya kaya natitigan ko sya, she's wearing a glasses now and that screams her Professor aura.

Ewan ko ba pero biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nila Hope at Love kahapon tungkol kay Miss Addison.

Nilalandi nya mga trip nyang students then bigla silang nawawala, tapos bampira si Ma'am?

Alis na kaya ako?

"Done checking on me?", I gulped from what she just said.

This time ay tumingin na sya saakin nang may ngiti sa labi.

Why is she smiling like that? I admit she's more prettier when she's smiling.

Pero bakit parang iba sya ngayon? Hindi ito yung ineexpect ko sakanya.

"Are you okay? You look so nervous"

Bakit hindi ako makapag salita? Nanunuyo't yung lalamunan ko!

"I-i'm fine Ma'am", shit why am I shattering???

"Are you sure? You're sweating. Okay naman yung aircon", this time ay tumayo na sya at naglakad palapit sakin, napaatras lang ako nang napaatras hanggang sa maramdaman ko na ang bookshelf sa likod ko, damn!

"Tell me your name", she asked not breaking our eye contact.

Her eyes

They're beautiful.

"I'm Ellie Reiz Raven po Ma'am"

She stepped backwards, crossed her arms and look at me from head to toe and back to my head.

"The famous Ellie Reiz Raven, huh?", she's smiling again!

She knows me?

She was about to walk closer to me again when someone knocked on the door.

"Stay here", she said in authority kaya tumango lang ako.

Ngayon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Muntik na ako mamatay don ah.

Pumunta ako sa isang couch at naupo doon.

Napatingin ako kay Ma'am na ngayon ay may kinakausap sa labas, hindi gaanong nakabukas yung pinto kaya naman hindi ako nakikita dito ng kung sinumang nasa labas ngayon.

Kaboses nya nga si Sir Delos Reyes, baka si Sir talaga yung kausap nya ngayon.

Bakit hindi nya papasukin dito sa loob?

I shook my head.

Gusto kong malaman at makilala si Ma'am, kung totoo man yung mga sinasabi ni Love and Hope tungkol sakanya.

I took my phone nang marinig kong nag notif yon and it's Kate.

[Message]

KK
....

Where are you? Akala ko
babalik ka na dito sa
dorm mo?
Sent 12:02 pm.

Kanina pa ako katok ng
katok dito, hoy!
Sent 12:03 pm.

Nagluto ako, may dala akong
pagkain buksan mo na
'tong pinto, lalamig na 'to!!!
Sent 12:03 pm.

Sorry Kate, papunta na'ko
dyan, sandali lang.
Sent 12:03 pm.

Tumayo na ako at sakto namang pag sara ni Ma'am ng pinto, tapos na silang mag usap ni Sir Delos Reyes.

"Aalis kana?", nakakunot noo pa sya.

Ay hindi pa pwede? Ano yun? Dito lang ako ganon?

"Y-yes po Ma'am, hinihintay na po kasi ako ng kaibigan ko", kumalma ka nga Ellie! Guro lang 'yan, ano ka ba!

Bampira sya.

Wala sa sariling iniling iling ko yung ulo ko dahil sa naisip ko, hindi yon totoo, okay?

"Oh what's wrong? Are you okay?", napasinghap ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabila kong balikat.

I looked at her and I can clearly see her worried eyes.

Seriously? Anong meron sa babaeng 'to?

Bakit may kakaiba syang epekto sakin?

"Kanina ka pa hindi mapakali, hindi naman ako nangangain ng tao", then she laughed.

Gosh, ang sarap pakinggan ng tawa nya.

"Just relax, okay?"

D-did she just used her bedroom voice???

Fuck.

"A-ahm ma'am, I really need to go", umiwas na ako ng tingin at inalis ang mga kamay nya sa balikat ko.

Grabe yung epekto ng mga titig nya, hindi ko kinakaya.

I heard her sighed.

"Okay, I just want you to feel comfortable around me, wag kang kabahan, okay?", muli akong tumingin sakanya na ngayon ay nakahalukipkip na at nakangiti ng matamis.

"Yes po Ma'am", ngumiti ako sakanya at nag iwas na ulit ng tingin.

"Una na po ako", tumango naman na sya at naglakad na pabalik sa office table nya.

Muli ko syang tinignan bago lumabas pero busy na sya sa mga papers na hawak nya kaya umalis na ako.

....

"Hoy babae! Saan ka ba nagsususulpot ha?", bungad agad sakin ni Kate.

"Can you lower down your voice?", iritadong sambit ko habang binubuksan yung dorm ko.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko", she said habang inaayos yung dala nyang mga pagkain para makakain na kaming dalawa.

"Ma'am Addison's office", walang tonong sagot ko.

"Ma'am Addison? Sino yun? Sa pagkakaalam ko wala tayong Professor na ganon yung pangalan", naupo na sya at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato nya.

Naupo na rin muna ako bago muling nagsalita.

"Sya yung President ng Department of Tourism dito sa campus, hindi nga natin sya guro"

"So pano mo sya nakilala?"

"Nakwento lang sya sakin nila Hope and Love"

"So anong ginawa mo sa office nya?"

"Tinulungan ko lang sya sa mga dala nyang libro, ang dami kasi"

"Oh? So sya yung sinasabi ni Levi kanina na nagpakuha ng mga libro sakanya"

Tumango lamang ako at mabilis na inubos ang pagkain ko.

Ang sarap talaga ng luto nya.

Future Chef yang si Kate, nabanggit nya sakin na yun yung dream job nya kaya ito yung course na kinuha nya.

"Yung Nica kanina, ano kayang kailangan non sayo?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Di'mo ba sya narinig? Gusto nya ako maging kaibigan", tumayo na ako ay kumuha ng tubig

"Di'mo sure", nakangisi pa ang gaga

"Anong di'mo sure, eh kung sampalin kaya kita", natawa sya sa sinabi at nabulunan pa HAHAHAHAHA.

Agad ko syang inabutan ng tubig na ininom nya naman kaagad.

"Seriously Reiz? Muntik na ako mamatay pero inuna mo pa akong tawanan?", hinihingal syang nakahawak sa dibdib nya.

"Ang daldal mo kasi, di ka nalang kumain ng kumain dyan", nakatanggap lang ako ng irap at nagpatuloy na sya sa pagkain.

Nagphone nalang muna ako.

[Instagram]

Liked by urNics, chrisLV and 53,000 others
_collinskate Tuesday morning 🌄

Nakapagselfie pa talaga, alam kong kanina lang 'to kasi ito yung suot nya ngayon e.

Well, she's pretty. Syempre nilike ko and nagscroll ulit.

Liked by chrisLV and 365,780 others
urNics What are u doin' there young lady lovelyxx

Finollow back ko na kasi kagabi lang si Nica, Levi at Kate. Di kasi ako nagfofollow kapag di'ko kilala pero dahil nga nakilala ko na sila ay finollow ko na.

Liked by _collinskate, urNics and 563,678 others
chrisLV Something unexpected happened today 😁

Gosh, yung smile nya nanaman.

Nailing ako nang makitang nakalike na kaagad si Kate.

Crush nya na nga talaga si Levi hahahaha.

I admit na nagagwapuhan talaga ako kay Levi pero di ako totally attracted sakanya.

Never pa talaga akong naattached sa isang tao.

Focus lang talaga kasi ako sa studies ko non, may mga nagcoconfess naman sakin pero wala talaga akong time mag entertain.

...

"Gustong gusto ko talaga yung History", nandito na kami ngayon ni Kate sa Cafeteria.

Tapos na yung class namin sa History kaya tumambay nalang muna kami dito.

"Pareho tayo, ang interesting masyado ng mga nangyari sa past", dagdag ko

Tumango-tango naman sya bago kinuha yung phone nya.

Wala naman din akong gagawin kaya nag phone nalang din ako.

"Hey there pretty ladies", sabay kaming napaangat ng tingin kay Levi na ngayon ay nakangiti sa gilid namin.

"Hi again Chris", bati ko at naupo na sya sa tabi ni Kate.

Namumula naman na sa kilig yung huli.

"Wala na kayong class?", tanong nya.

"Katatapos lang, wala na kaming schedule ngayon", ako na ang sumagot dahil mukhang hindi na magsasalita 'tong si Kate

"Sana all, ako kasi may class mamayang 3pm"

"Anong year ka na pala?", tanong ko sakanya.

"3rd year, Architecture", agad nyang sagot.

Tumango ako at inilibot ang paningin sa Cafeteria

Hindi ko pa nakikita si Hope and Love, hindi din sila kasama ni Nica kanina.

Baka nasa klase yung mga yon, Tourism students yung tatlong yon, ang gaganda at ang tatangkad.

Pero magkasingtangkad lang kami ni Nica, pareho kaming 180cm.

Ito namang si Kate, mas matangkad pa sakin. 181cm naman sya.

"May gusto ba kayong kainin? Treat ko na", muli ako napatingin kay Levi na ngayon ay nakangiti nanaman.

"Thank you Chris, pero busog pa kasi ako, iyang si Kate oh, tanungin mo", napangisi ako nang pandilatan ako ng mata ni Kate.

"What do you want, Kate?", baling sakanya ng lalake.

"Ikaw"

Lah gago talaga HAHAHAHAHA

"Me?", kunot noong tanong ng lalake

"I mean, you? I'm asking you", naiiling nalang ako at bumaling nalang sa phone ko, nakita kong may nagnotif kaya inopen ko yon kaagad.

[Instagram]

Nica June Jacobs
Active now

02:23 pm

Hi hi Ellie!

Hello Nica :)

Where are you?

Cafeteria, why?

Wait me there ;)

Hmm, okay!
seen 2:24 pm

Inilapag ko na yung phone ko sa table and look around.

Baka may sasabihin yon.

"Where's Chris?", tanong ko sa kasama ko.

"Ayun oh sa counter", nilingon ko sya at nakitang nakapila ito.

"Sinasamaan mo pa ako ng tingin kanina, magpapalibre ka din naman pala", pang aasar ko kaya inirapan nya lang ako.

"Ellie! Hi Kate", sabay nanaman kaming napatingin kay Nica na ngayon ay umupo na sa tabi ko.

"Hi", bati ni Kate sakanya at kasabay ng pagngiti nito ng makabuluhan kaya inirapan ko sya.

Pinagpipilitan kasi nya na may gusto sakin 'tong si Nica, sobrang labo naman ata na mangyari yon.

Sa gandang yan ni Nica, napakaimpossible talaga.

"Dito na kayo nakatambay ngayon ha, hindi na sa Library", inilapag nya sa table yung mga dala nyang books at mga notes na puro about sa Math.

Mukhang nagrereview pa nga sya.

"How about you? Dito ka magreview?", nabaling ang tingin nya sakin saka sya ngumiti.

"Andito ka e"

Wait? what?

Sabay kaming napalingon kay Kate na naubo bigla habang umiinom ng tubig.

"Hey, are you alright?", tanong ni Levi na nakabalik na pala, inilapag nya muna yung dala nyang tray sa table bago nya haplusin yung likod ng tanga kong kaibigan.

"Y-yes, I'm okay", pilit inaayos ni Kate yung sarili nya.

"Kasama nyo pala si Levi", napatingin ako kay Nica na ngayon ay diretsong nakatingin sa lalake.

"Nica, you're here", ngayon ko lang nakita yung seryosong mukha ni Levi.

Biglang nawala yung mga ngiti nito sa labi, anong problema nila?

"A-ahm hindi namin sya totally na kasama, nagkataon lang na nandito rin sya sa Cafeteria", singit ko sakanilang dalawa kasi nakatitig lang sila sa isa't isa.

May something sakanila.

Bumaling naman sakin si Nica, ngumiti ito at tumango.

"Here's your food, Kate. Ubusin mo yan, I have to go. Ellie, una na ako", paalam samin ni Levi at agad naman syang umalis.

Yung totoo? Anong nangyayari?

"Anong nangyari don?", tanong ni Kate na nakabusangot ngayon

"Malay ko ba"

"Baka may klase na sya", nagpatango tango ako sa isinagot ni Nica.

"Nasan si Love and Hope? Hindi mo sila kasama kahit nung nasa Library"

"Hindi sila pumasok, nagkaroon ng emergency yung Mom nila sa Korea kaya kailangan nilang pumunta doon", pansin ko na napaangat ng tingin si Kate kay Nica.

"Are they Lovely Kim and Hope Kim?", tanong na nga nito na tinanguhan ng huli.

"Why? Do you know them?"

"Yes, nakakalaro ko sila dati nung nasa Korea pa kami", agad na sagot ni Kate.

"Wait, don't tell me ikaw yung Katkat na kinukwento nila?", kita ko ang biglang pagliwanag ng mukha ni Kate.

"Yes, that's me! That's the name they used to call me"

"Oh shit! Matagal ka na nilang nakukwento sakin, gustong gusto kana nga nila ulit makita, bigla daw kasi kayong umalis non sa Korea, hindi man lang kayo nakapag paalam sakanila"

Palipat lipat lang ang tingin ko sa dalawang babaeng kasama ko, di'ko rin maiwasang hindi mangiti dahil sa usapan nila.

Marami pa silang napag usapan at nakikinig lang naman ako.

"Kailan sila babalik? And anong emergency about sa Mom nila yung nangyari?", tanong ko.

"Next week pa siguro, hindi ko sure e. Inatake kasi sa puso yung Mom nila and until now, wala pa akong balita. Hindi pa nila ako minimessage"

Marami pa kaming napag kwentuhan hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't isa.

Bumalik na ako sa dorm at nagbihis.

Narinig ko namang kumakatok si Kate sa labas kaya pinapasok ko na.

As usual, may dala itong pagkain kaya sabay na kaming nagdinner, balak pa nga nyang maghugas ng plates na ginamit namin pero sabi ko ako nalang.

Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na ako sa CR para maghilamos at toothbrush.

Napatingin ako sa salamin sa harap ko, gosh ang ganda ko ata ngayon.

Syempre nagselfie ako.

[Instagram]

Liked by _collinskate, urNics, chrisLV and 765, 682 others
_reizellie  goodnight 🦋

...

Kakaupload ko lang kanina, ang dami na agad ng likes.

Nakahiga na ako ngayon at nakatitig lang sa kisame.

I closed my eyes and suddenly I saw a woman figure wearing her beautiful smile.

I sighed and pumunta sa kusina para uminom ng water.

Bigla tumunog yung phone ko kaya chineck ko yon kaagad.

[Instagram]

jadieAadisson followed you.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

174K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
709K 20.3K 46
Masyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang ta...
1.3M 44.9K 41
Story Description: Professor x Student | Girl x Girl | Age gap Story language: Taglish Miss Evelyn Anderson is a well known professor at the Amherst...