Allejo Series 2 | Will You Un...

By veniixx

364K 6.8K 2.9K

In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspi... More

DISCLAIMER
.....
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 14
WAKAS
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
HI, AGAIN!
PROMOTION
NEW STORY ALERT!

KABANATA 13

16.7K 274 136
By veniixx

Agad akong napatingin sa salamin pagkagising ko. Namumugto na ang aking mata sa kakaiyak kagabi. Bilib rin ako sa sarili ko. Hindi talaga nauubos ang aking luha.

Mabilis akong nagshower at agad lumabas dahil nagugutom na ako. Hindi ko namalayang alas dose na pala.

I just wore a simple floral dress and partnered it with a flat sandal.

Luminga-linga ako sa paligid na para bang may hinahanap. Nang mapansing wala siya ay pumasok na ako sa loob ng restaurant at umorder ng pagkain.

Napapikit ako sa sobrang sarap ng kinakain ko. Shrimps. Crabs.

Susubo na sana ulit ako ng pagkain ngunit napatigil sa ere ang kamay ko nang pumasok si Caspian na may kasamang babae.

Malawak ang kanilang ngiti habang nag-uusap. Umupo pa talaga sila malapit lang sa akin at hindi ko alam kung hindi ba ako nakita ni Caspian o sinadya niya lang na huwag akong pansinin.

Napasimangot tuloy ako at nawalan na ng ganang kumain. Mas lalo pa nang marinig ko ang mahinhing tawa ng babae na parang si Maria Clara!

Padabog kong inilapag ang kutsara ngunit agad ko ring pinagsisihan dahil nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa.

Pinasadahan ako ng babae at nagngising aso.
Hindi ko alam kung bakit pero umirap lamang ako sa kaniya at lumabas na roon.

Inis kong binuksan ang pintuan ng room ko at hindi na ako nag-abalang isara iyon. Nagtungo ako sa aking kwarto at inilabas ang maleta upang mag-impake.

Kung hindi siya aalis, ako na lang ang aalis. Parang kahapon lang ay habol siya nang habol tapos ngayon ay may ibang babae na agad?

" Aalis ka na naman? " Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses.

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at tama nga ako. Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya dito. Bakit kasi hindi ko isinarado ang pintuan?!

" Wala ka na dun, " masungit kong sagot at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

" Bukas na tayo umalis " kalmado niyang saad.

I glared at him. " At sino bang nagsabi na sasama ako sa'yo? " Inis kong isinara ang maleta at tumayo. " Aalis na ako. "

Nakaharang siya sa pintuan kaya hindi ako makaalis. Nagsukatan lang kami ng titig . Nang mapansing wala akong balak bumitaw sa titigan ay ipinikit niya ang kaniyang mata at humugot ng malalim na hininga.

" Alis, " utos ko.

" Stay here just for one day " pakiusap niya.

" Alis, " pag-ulit ko.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Marahil ay nawawalan na siya ng pasensya. But I don't care at all. Wala naman siyang karapatan na pigilan ako sa pag-alis ko.

" I'll come with you. "

Agad akong tumutol. " What?! No!"

Binalewala niya lamang ako.

" Let's go, " agad niyang hinila ang palapulsuhan ko at wala akong magawa dahil masyado siyang malakas. Sinubukan kong kumawala ngunit nasasayang lang ang pagod ko.

" Ano ba?! " I hissed. Pinipilit niya kasi akong pumasok sa sasakyan niya .

" Get in, " he commanded.

Sino ba siya para utusan ako? Wala kami sa trabaho kaya hindi ko siya boss!

Nakabukas na ang pintuan ngunit hindi pa rin ako pumapasok. I will never be in the same car with him again!

Kapag hindi talaga siya titigil ay babawiin ko itong sasakyan na regalo ko sa kaniya!

" Ayoko. Ano bang karapatan mo para pilitin ako sa kung anong - "

Hindi pa ako natatapos magsalita ay pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghalik sa labi ko.

It was just a peck but it was enough to shake my entire system.

Bigla akong natameme. Pansin ko rin ang mga taong nakatingin sa amin kaya dahil sa sobrang hiya ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

Pumasok na rin siya sa loob at umupo sa driver's seat. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nanatili lamang akong nakatingin sa harap habang pinapakalma ang sarili.

Ilang minuto pa bago rumehistro sa utak ko ang ginawa niya. Bumaling ako sa kaniya nang may masamang tingin. Samantalang siya ay abot langit ang ngiti na para bang nanalo siya sa loto.

Pinaandar na niya ang sasakyan nang hindi parin nawawala ang ngiti sa labi. Samantalang ako ay todo irap sa kaniya kahit wala naman siyang pakealam.

Pinaningkitan ko ng mata ang kalsada. Halos hindi na makita dahil sa mga fogs . Hindi pa nakatulong ang malakas na ulan.

I can't help but feel scared. This is too dangerous lalo na't walang masyadong sasakyan .

Napansin ko rin na nahihirapan na si Caspian sa pagmamaneho at halos magsalubong na ang kaniyang kilay habang nakatingin sa harapan.

" This is too dangerous..." I unconsciously said.

He glanced at me. " Don't worry. We'll be safe, " he assured me. But it wasn't enough .

Muli akong sumulyap sa dinadaanan namin at humugot ng malalim na hininga.

God, please keep us safe.

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cell phone ni Caspian. Sinubukan kong basahin kung sino ang tumatawag ngunit bago ko pa man mabasa ay aksidente niyang nahulog ang cell phone.

Nanlalaki ang mata ko nang yumuko siya upang abutin ang nahulog na cell phone. Pero bago pa man niya maabot iyon ay naramdaman kong may malaking bagay ang bumangga sa amin.

Hindi ko na nasundan ang ibang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.....

I shouldn't have force him to go back to Manila

I should have said I love him.

I should have forgiven him.

I should've said all the things I couldn't say.

Because that was the last time I saw him.

I guess they were right. Regret is the most painful thing in life.

                                       * * *

Unti -unti kong iminulat ang aking mata. Ilang segundo pa bago ko ito maimulat nang husto. Ang sakit sakit ng mata ko. Tila ba natulog ako sa mahabang panahon.

Maputing kisame ang unang bumungad sa akin. Naramdaman ko ang isang kamay na humahawak sa akin.

Lumingon ako sa taong iyon . Hindi ko siya namukhaan ngunit base sa damit niya, isa siyang nurse.

Wait...

Nasa ospital ako?

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pananakit roon. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari bago ako magising.

Pumunta ako ng Palawan. Sinundan ako ni Caspian. Pauwi kami sa Maynila nang.... may bumanggang sasakyan sa amin.

Ilang sandali pa bago rumehistro sa utak ko kung ano ang nangyari.

"C-caspian.."

The nurse's eyes widened when she realized that I'm awake. She immediately went out, calling the doctor.

Hindi pa nakakatatlong minuto ay may pumasok ulit.

The doctor checked my vitals.

" Kamusta na ang pakiramdam mo? " tanong niya.

I blinked twice. " C-caspian.. where's Caspian? " I asked instead.

Ngunit wala sa kanila ang sumagot. They just looked at me with worried eyes..and pity.

I'm worried. Paano kung mas malala ang natamo niyang sugat kaysa sa akin? At hindi ko pa alam kung ilang oras ba akong nakatulog dito.

Agad akong napaupo.

" How many hours have I slept?" I asked, getting impatient. Bakit ba hindi sila sumasagot sa tanong ko kanina.

" 3 hours .." she said.

" Where's Caspian?" , I asked again, hoping they'd answer me.

" H-he..."

" What?!" I asked, getting impatient. Seriously, why are they acting like this. Kita naman nilang nag-aalala na ako ah?

" H-he passed away..."

I froze.

Hindi ko na nakayanan ang sumunod niyang sabi kaya napaupo na ako sa sahig. Sobrang nanghihina ako at hindi makapag-isip ng maayos.

He passed away...

" You're joking, " I smiled nervously.

Iginala ko ang paningin sa kanila at nang mapansing puro seryoso ang kanilang mukha ay saka ako napahagulgol.

" P-paano... Kailan? N-nasaan siya? " sunod-sunod kong tanong.

The doctor shifted her gaze away from me. " He was dead on arrival."

                                       V.E.N.I.C.X.X.E
*/ evil smirks

Di ba sabi niyo mamatay na si Caspian? Wish granted po. Djk.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 93 17
Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suffering, fear, and trauma? How can I make...
535K 57.8K 24
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
542K 7.3K 51
"You're.....the ninja?" "In the flesh." The one in the red commented. "But, I cannot be flesh." The one in silver poked. "I guess you have a point...
1.5M 91.5K 38
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...