Season 2: The Truth To Be Tol...

By ynaxiah

5.3K 115 0

#The Truth To Be Told Season 2 There is no longer an Aubrielle Aria Sullivan who is weak and unable to protec... More

DISCLAIMER
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49

CHAPTER 50

188 5 0
By ynaxiah

SOMEONE'S POV

"Excel nasa kanila na si Ms. Addison." sabi ni Grace sa kan'ya dahil nakita na niya ba kinuha na siya ni Miller.

"Simula na ang plano, bumaba na tayo." savi ni Excel kaya tumango naman si Grace.

Tumayo na silang dalawa at pupunta na sanang bumaba pero may isang lalaki at isang babae ang humarang sa kanila at nakatutok sa kanila ang baril.

Tinaas ni Excel at Grace ang kanilang kamay at hindi nag salita.

"Kayo pala ang pumipigil sa mga kasama namin pumasok." sabi ni Byran.

"At sino ka naman?" tanong ni Excel.

"Hindi niyo na kailangan pang malaman ang pangalan namin sumama na lng kayo sa'min para hindi na kayo mapahamak." sabi naman ni Janine.

Pasimpleng kinukuha ni Excel ang baril niyang nasa likod pero tinutukan siya na Janine ng baril.

"Subukan mo lang sasabog bungo mo dito." sabi niya.

Walang nagawa sila Grace at Excel kun'di itaas ang kamay nila kaya naman lumapit sa kanila sila Janine at Bryan para itali ang mga kamay nila.

Sa kabilang dako.

"Karl sabi ni Ms. Addison dito lang tayo sa back door bakit kung saan saan mo pa kami pinapunta?" reklamo ni Joseph.

"Parang may napansin kasi ako." sabi niya at tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad sa madilim na lugar.

"At kailangan pang kasama kami? Hello ang dilim kaya rito lagot tayo kay Ms. Addison kapag nalaman niyang umalis tayo sa backdoor." sabi ni Najifah.

"Ang daldal niyong dalawa, nakakarindi kayo!" sigaw niya kaya napa-atras si Najifah at Joseph dahil sa sigaw niya.

Para siyang wala sa sarili at parang hindi siya si Karl na lagi nilang nakakabiruan.

"K-karl ayos ka lang?" nanginginig na tanong ni Najifah.

Hindi siya sinagot ni Karl dahil tinutukan lang sila ni Karl ng baril.

Agad na napataas ng kamay silang dalawa.

"K-karl ibaba mo 'yang baril." pakiusap ni Najifah.

"Tumahimik ka!" sigaw niya pa.

"Karl bakit mo ba ginagawa 'to?" seryosong tanong ni Joseph.

"Wala kang pakialam." sabi niya at gigil na tinutok nanaman sa kanila ang baril kaya napa-atras nanaman silang dalawa.

"May pakialam kami dahil kaibigan ka namin." malumanay na sabi ni Najifah pero natatakot pa rin siya dahil baka kung ano ang gawin ni Karl sa kanila.

"Wow, kaibigan niyo pala ako?" sabi niya at tumawa ng malakas dahil sa tawa niya na 'yon natakot silang dalawa dahil para siyang iba at hindi nila kilala ang nasa harap nila.

"Oo kaibigan ka namin kaya parang-awa h'wag mo na 'to gawin." sabi ni Najifah pero napailing lang si Karl.

"Hindi! Hindi niyo ako kaibigan!" sigaw niya at nagpaputok ng baril, mabuti na lang nasa malayo sila kaya walang nakakarinig at isa pa malakas ang alon ng tubig kaya wala talaga ang makakarinig.

"Kaibigan ka namin Karl." sabat ni Joseph kaya galit na na napatingin ito sa kan'ya.

"Kung kaibigan niyo ako bakit pinabayaan niyo ako nung mga kailangan ko kayo at hinayaan niyo akong magkanda-kuba sa hirap para pagamutin ang kapatid ko bakit?!" sigaw niya kaya natigilan silang dalawa.

Ang alam lang nila kay Karl ay may kapatid siya pero wala siyang alam na may sakit ito.

"K-karl wala kaming alam na may s-sakit ang kapatid mo." sabi ni Najifah.

"Dahil wala naman talaga kayong pakialam sa'kin!" sigaw niya pa.

"Hindi totoo 'yan kaibigan ka namin kaya may pakialam kami sa'yo, nagkataon lang na busy rin kami at hindi ka nagsasabi ng problema mo ." sabi ni Joseph.

"Tumahimik kayo, sumama na lang kayo sa'kin pinapahaba niyo pa ang usapan." sabi niya at lumapit sa dalawa at tinutukan ng baril.

Nanatiling nakataas ang mga kamay nila kaya naman lumapit pa si Karl at tinali ang mga kamay nila.

"Sana naiisip mo ang ginagawa mo," bulong sa kan'ya ni Joseph. "Alalahanin mo kung magugustuhan ba ito ng kapatid mo ang ginagawa mo." sabi niya pa.

Sa kabilang dako.

"Simula na raw ang plano sabi sa'kin ni Shaina." sabi ni Julian kila Nicole at Oliver.

"Tapos na ba ang party?" tanong ni Nicole.

"Matatapos na raw at pagkayaring sa hotel lang muna ang mga bisita dahil gabi na, aalis din sila kapag umaga na." sabi naman ni Julian.

"Puntahan na ba natin sila Timothy?" tanong ni Oliver.

"Tara na para masimulan na." sabi naman ni Nicole.

Papasok na sana sila pero merong tumutok na baril sa likod nila kaya huminto sila.

"Sumama na lang kayo ng tahimik." bulong ni Lorie kay Nicole.

"Sino kayo?" tanong ni Nicole.

"Hindi niyo na kailangan pang malaman sumama na lang kayo." sabi naman ni Emmanuel.

"Angel talian mo na sila." utos ni Lorie kay Angel kaya naman sumunod naman agad siya.

"Angel nga ang pangalan demonyo naman." bulong ni Nicole perp narinig pa rin siya ni Angel kaya lumapit ito sa kan'ya at sinampal siya.

"Wala kang alam kaya tumahimik ka na lang." sabi niya at binitawan na siya.

Sa kabilang dako.

"Timothy kanina ko pa sinabihan sila Julian na pumunta rito pero wala pa rin sila." sabi ni Shaina kay Timothy na nakatutok sa Laptop at ina-access ang location ngayon ni Aubrielle.

"Wala pa rin ba? Tawagan mo nga ulit." sabi naman niya kaya sumunod na lang si Shaina at tinawagan sila pero walang sumasagot.

"Anak may problema ba?" tanong ni Anthony sa kan'yang anak.

"Wala Dad." pagsisinungaling niya.

"H'wag kang magalala magiging maayos din ang lahat, at saka matapang ang Ate mo okay? Kaya kaya niya 'yon hindi naman siya papabayaan ni Miller." sabi niya.

"Sana nga Dad, pero parang may mali." sabi niya.

"Bakit naman? Ano ang mali?" tanong ni Anthony.

"Kasi parang hindi uma-ayon sa plano ang nangyayari ngayon, katulad ngayon wala pa sila Excel dapat nandito na 'yon, eh." sabi niya pa.

"Nahanap mo na ba ang Ate mo?" tanong niya.

"Opo, pero kuha sa kamera ay madilim kaya walang makita pero na-locate ko na siya ang pinoproblema ko na lang ay sila Excel." sabi niya dahil dapat ay kanina pa nakarating sila Excel pero kanina pa rin sila naghihintay at wala pa rim sila.

"Shaina may sumagot na ba sa mga tawag mo?" tanong ni Timothy kay Shaina.

"Wala, eh lahat na sila tinawagan ko na pero walang sumasagot at 'yung iba naman, eh nakapatay ang mga cellphone." sabi niya kaya tumayo na si Timothy dahil hindi na niya alam ang gagawin niya dahil sa gulo.

"Hindi, hindi ito maaari." sabi niya at palakad-lakad lng siya habang ginugulo ang buhok.

"Papasukin niyo ako! Hindi ako kalaban!" sigaw ng kung sino na nas pinto.

"Ano ba? Sinabing hindi ako kalaban, eh sa pogi kong ito? Mukha akong kalaban?" sabi niya pa kaya lumapit na si Timothy sa pintuan dahil mukhang nagkakagulo na.

"Ikaw ba si Timothy?" sabi niya nung nakita niya si Timothy na lumabas, tumango si Timothy sa tanong niya.

"Sabihin mo nga sa kanila na bitawan na ako dahil hindi nga ako kalaban, juice colored Alexander kung ano-ano pinapagawa mo sa'kin." sabi niya.

"Bitawan niyo na siya." utos naman ni Timothy kaya naman binitawan na siya ng mga tauhan.

"Ayan salamat naman." sabi niya.

"Sino ka? At anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Timothy.

"Ako si Jett pinsan ako ni Alexander." sabi niya kay naman agad sumalubong ang kilay nito at uupakan na sana siya ni Timothy pero agad niyang tinaas ang kamay niya para pigilan siya sa gagawin niya.

"H'wag, h'wag mong bibirahin ang pogi kong mukha," sabi niya. "At sinabi ko na kanina na hindi nga ako kalaban ang kulit naman." sabi niya at napapakamot pa sa ulo.

Nauubusan na ng pasensya si Timothy sa pagkakausap kay Jett.

"Ano nga ang kailangan mo?" nagpipigil na sabi ni Timothy.

"Pinapasabi sa'kin ni Alexander puntahan niyo na Ate niyo at mga kaibigan niyo." sabi niya.

"Teka ando'n din mf kaibigan namin?" tanong niya.

"Oo, nalaman nila ang plano dahil may traydor sa inyo, kaya kumilos na kayo kung gusto niyo pang mabuhay sila, at tutulong ako sa inyo." sabi niya kaya naman hinawakan siya ni Timothy sa balikat pero umalis rin agad para sabihin sa iba pang tauhan na kailangan na nilang kumilos.

Sa kabilang dako.

"Dad, tagumpay nasa satin na silang lahat. Nakuha na namin si Aubrey at nandito na rin si Aubrielle." sabi ni Casper kay Cooper.

"Ang mga tauhan ng mga Davis?" tanong Cooper.

"Nasa basement na po silang lahat." sabi niya.

"Mahusay at hindi niyo ako nabigo ngayon." sabi niya.

"Maipaghihiganti na rin natin ang Mommy mo." sabi niya kaya naalala ni Casper anc Mommy niya.

"Dahil sa kanila namatay si Mommy." sabi ni Casper.

"Nasan nga pala si Miller at Jett?" tanong ni Cooper sa kan'yang anak.

"Si Miller nand'yan na at si Jett ay nawawala nanaman." sabi niya kaya napatampal sa noo si Cooper dahil hanggang ngayon ay sakit sa ulo si Jett.

"Hindi na ako magtataka kung traydor si Jett." sabi ni Cooper.

"At hindi ko rin naman siya hahayaan na mabuhay pa dahil sa pagtatraydor niya." sabi niya pa.

Sa kabilang dako.

"Elle anak." gising ni Aubrey kay Aubrielle na hanggang ngayon at tulog pa rin.

"Mrs. Ria ano pong ginagawa niyo rito?" tanong nila Excel dahil nagtataka sila kung bakit ay kasama siya sa mga kinuha.

"Ako si Aubrey ang nanay ni Aubrielle." sabi niya kay lahat sila nagulat dahil sa sinabi niya.

"Si Ms. Addison anak niyo po?" tanong ni Nicole kaya tumango naman siya.

Hindi na lang ginising ni Aubrey si Aubrielle at hinayaan siyang matulog.

Tumingin si Aubrey kila Excel.

"Kailangan nating makatakas dito." sabi niya at tumingin sa paligid.

"Mrs. Ria paano po?" tanong naman ni Najifah.

"Tita Aubrey na lang," sabi niya. "Ganito kapag may lunapit dito at isa o dalawa lang ang gawin niyo ay ikaw na nasa unahan patirin mo ng paa mo ang papasok at kapag nadapa na sila kayo ng bahala sa kanila." sabi niya kaya lahat sila sumang-ayon sa sinabi niya.

May dalawang tauhan ang pumasok sa basement at hindi nila masyadong makikita sila Aubrey dahil hindi nila sinindihan ang ilaw kaya madilim.

Nang sisindihan na ng isang tauhan ang ilaw pinatid na sila ni Joseph kaya naman nadapa ito kaya 'yung iba ay dinaganan o sinipa lang sila.

Agad na lumapit si Aubrey sa tauhan at kumuha ng susi para kalagan ang sarili dahil siya lang ang naka posas at ang iba at nakatali lang.

Bago niya pa mabuksan ang posas niya ay agad na sumindi ang ilaw kaya lumiwanag na ito at nakita nila ang nagsindi nito kun'di si Cooper.

"Do you really think na makakatakas kayo rito?" tanong sa kan'ya ni Cooper at tumawa ng mala-demonyo.

Nahulog ni Aubrey ang susi at napaupo na siya dahil sa pagkawala ng balanse niya.

"Cooper ano ba ang kasalanan namin para ganituhin mo ulit kami?" sabi ni Aubrey dahil parang ang babaw na ng dahilan niya para mandamay pa at kailangan pang umabot nanaman dito.

"Wow Aubrey nagka-amnesia ka ba?" sabi niya at sumeryoso ang kan'yang mukha.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko." sabi niya kaya namab nangunot ang noo ni Aubrey dahil sa sinabi niya.

"Wait kang huh? Baka nakakalimutan mo rin na kaya namatay ang asawa mo dahil hindi na niya kinaya ang kasamaan mo!" sigaw naman niya.

"Tumahimik ka!" sigaw ni Cooper.

"Kung ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng asawa mo bakit kailangan mo pang mandamay?!" sigaw niya.

"Dahil kulang ang buhay mo sa buhay ng asawa ko kaya kailangan niyong pagbayaran ang buhay na kinuha niyo sakin." sabi niya.

"Tandaan mo Cooper hindi buhay ang kabayaran sa lahat ng bagay." sabi niya.

Dahil sa sigawan nagising na rin si Aubrielle at agad na tumingin siya ng masama kay Cooper pero napalitan ito ng pagtataka dahil nakita ni ang mga kaibigan nila at si... Mrs Ria?

"Mrs. Ria why are you here?" tanong nito dahil nagtataka na rin siya.

"Wow gising na rin si sleeping beauty, kamusta ang tulog mo mahal na prinsesa?" nakakainsultong tanong sa kan'ya ni Cooper.

"Fuck you." sabi niya kaya agad siyang tinutukan ng baril ni Cooper dahil sa galit.

Agad na hinarang ni Aubrey ang kan'yang katawan kay Aubrielle para kung sakaling barilin si Aubrielle ay siya na lamang.

"Don't you dare touch my daughter again!" sabi ni Aubrey kaya napatigil si Aubrielle dahil sa narinig niya.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka Aubrielle? Hindi mo alam na nanay mo 'to? Wow lahat ng tao kilala na siya tapos ikaw hindi? Nakakatawa kayo." sabi pa ni Cooper.

"M-Mama?" nanginginig na tanong ni Aubrielle kaya napatingin si Aubrey sa kan'ya.

"Ako nga Anak." sabi niya kaya napaiyak na si Aubrielle at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Tama na ang drama, Dad ano na ang gagawin natin sa mga ito?" tanong ni Casper sa kan'yang Tatay.

Bago pa makasagot si Cooper may pumasok na pintuan ng basement at agad na tinutukan si Cooper ng baril.

"Tama na ang paghari-harian mo Cooper." sabi ni Lilibeth na hawak ang baril at nakatutok ang baril.

"Anong ginagawa mo dito Beth?" sabi ni Cooper.

"Andito ako para bawiin na matagal naman na akin." sabi niya kaya naman natawa si Cooper dahil nakuha niya na ang gustong iparating ni Lilibeth sa kan'ya.

"Ate, wala kang pagmamay-ari dahil sa'kin binigay no Dad sa'kin ito dahil may silbi ako hindi katulad mo puro katangahan na lang." sabi niya kaya lumapit sa kan'ya si Lilibeth at nilagay ang baril sa sintudo nito.

"Subukan mo ulit sabihin 'yan kung hindi sabog ang ulo mo at kasama na ang Anak mo." gigil na sabi ni Lilibeth.

Habang abala sila at walang nakatingin kila Aubrey ay sinenyasan niya ang mga kaibigan nila Timothy na kailangan na nilang makatakas kaya nagtulong-tulungan sila.

Nang makita ni Casper ang nangyayari agad niyang nilabas ang baril niya at babarilin na sana si Najifah pero napigilan ito dahil binaril ng kung sino ang kamay ni Caper kaya nabitawan ang baril nito.

Lahat sila ay tumingin sa taong bumaril kay Casper.

Pero huli na ang lahat dahil binaril na ito ni Cooper.

"Karl!!" sigaw ni Najifah dahil binaril ito ni Cooper.

Agad na hinawakan sa leeg ni Lilibeth si Cooper para hindi na ito makawala.

"Traydor ka." sabi ni Cooper kay Karl.

"Hindi ko kayang mapatay ang mga kaibigan ko." nanghihinang sabi niya.

Bago pa magsikilos silang lahat isang malakas na pagsabog ang narinig nila.

Agad na nakawala si Cooper sa pagkakahawak sa kan'ya ni Lilibeth kaya naman si Cooper na ang nakatutok ang baril kay Lilibeth.

Agad na kinuha ni Aubrey ang baril sa sahig na nailaglag ni Casper.

Tinutok niya ito sa mga tauhan at tinulungang makatayo si Aubrielle at ang ibang kaibigan naman nila ay tumayo na rin para makipaglaban.

Kinuha ni Aubrielle ang baril na nasa binti niya na natataguan ng gown niya.

Nagsi-pasukan na rin sila Angel, Janine, Lorie, Emmanuel, Bryan, at Ashley.

Agad na nakipaglabad sila Excel, Oliver, Joseph, Julian, Grace, Nicole, at Najifah kila Ashley.

Ang magkalaban ay si Angel at Nicole, Grace at Janine, Najifah at Lorie, Excel at Casper, Emmanuel at Julian, Bryan at Joseph, Oliver at Ashley.

Ang magkalaban naman ay sila Lilibeth at Aubrey laban kay Cooper.

Isang barilan sa labas ang narinig nila pero hindi nila pinansin iyon at patuloy sila sa pakikipaglaban.

"Hindi na sana gan'to ang inabot Cooper kung tinanggap mo lang na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng asawa mo." sabi ni Aubrey.

"Ikaw ang dahilan Aubrey kaya hindi ako matatahimik." sabi niya.

Agad na bumukas ang pinto ng basement at pumasok sila Timothy, Shaina, Jett, at Miller.

"Parating na ang pulis kaya sumuko ka na Mr. Cooper." sabi ni Timothy.

Napunta ang atensyon nila Cooper Lilibeth at Aubrey kila Timothy samantalang ang iba ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Nang nasa kanila ang atensyon ang lahat agad na nilabas ni Cooper ang baril para barilin si Aubrey pero agad na humarang si Aubrielle dito at siya ang natamaan dahil sa pagtama ng baril sa kan'ya bumagsak siya sa pader at nauntog ang ulo niya ng malakas sa pader.

"Aria!!" sigaw ni Miller.

"Ate!!" sigaw naman ni Timothy.

"Anak!!" sigaw rin ni Aubrey.

Sunod-sunod na baril ang mga narinig sa loob mt basement.

Sunod na sunod na binaril ni Miller si Cooper pero daplis lang ito.

Kitang kita ni Casper kung paano barilin ito ni Miller kaya dahil sa takot ay tumakbo siya palabas ng basement kaya hinabol siya ng ibang tauhan.

Nang tapos na paputukan ni Miller si Cooper lumapit siya.

"Sinabi kong h'wag niyong sasaktan si Aria dahil malalaman niyo kung saan talaga ang impyerno." sabi niya.

"Pasalamat ka at binuhay pa kita dahil Tito pa rin kita." sabi niya at tumalikod na para puntahan si Aubrielle.

"Aria, gising." sabi ni Miller.

"A-Ate gising Ate ko." umiiyak na sabi ni Timothy.

"A-anak, anak ko." umiiyak rin na sabi ni Aubrey.

May pumasok nanaman sa pintuan ng basement at ito ay si Anthony at Stella kasama ang mga pulis.

Agad na nagsitaasan ang mga kamay ng mga tauhan ni Cooper pero hindi kasama sila Ashley.

"Oh, bakit ito? Hindi niyo hinuhuli?" tanong ni Nicole.

"Dahil kakampi sila." sabi ni Miller.

"Ano? Paano?" naguguluhang sabi nila.

"Paandar lang nila na kalabanin kayo pero kakampi sila, saka na ako magpapaliwanag, unahin na muna natin lumabas dito." sabi niya kaya naman nagsi-sunuran na sila.

Agad na lumapit si Najifah kay Karl na nakahiga sa lapag na puro dugo na.

"T-tulungan niyo kong buhatin si Karl." naiiyak na sabi niya kaya lumapit na ang mga kasama niya.

Hinuli ng mga pulis si Cooper na nakaupo sa lapag at hindi na makatayo dahil sa dalawang paa lang siya pinatamaan ni Miller kaya buhay pa siya.

Nang makalabas na sila sa warehouse ay ang daming pulis at ambulansya na nakapaligid.

Agad na dinala si Karl at Aubrielle sa Hospital.

Naiwan sila Jett, Excel at ang iba pa para sa mga katanungan ng mga pulis.

"Pakihanap po si Casper dahil nakatakas." sabi ni Ashley dahil nakatakas ito at hindi na nila alam kung saan pumunta.

"Ma'am, hinahanap na po siya pero ilang tauhan na ang bumabalik dito at nagsasabing hindi na siya maganap pero ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para hanapin siya." sabi ng pulis.

Sa kabilang dako.

"A-ate lumaban ka okay?" sabi ni Timothy habang hawak ang isang kamay ni Aubrielle.

"A-anak l-laban lang huh? Andito na si Mama." sabi niya at siya naman ang nakahawak sa isa pang kamay.

Samantalang si Miller ay nakatingin lang sa kan'ya at umiiyak ng tahimik.

'I'm sorry Aria, nangako ako na poptotektahan kita pero hindi ko nagawa sana patawarin mo ako.'

Nang makarating na sa hospital agad na siyang pinasok sa ER.

"Ma'am, and Sir hanggang dito na lang po kayo." sabi ng doctor kaya huminto na sila at nag hintay sa labas.

Naidala na rin sa ER si Karl kaya nasa labas lang sila at naghihintay.

Ilang oras na sila naghihintay at hindi na mapakali sila dahil sa bawat minutong tinatagal sa loob ay ganon naman kabilis ang kabang nararamdaman nila.

Sa ilang oras na paghihintay ay lumabas na rin ang doctor.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasiyente?" tanong ng doctor.

"Opo kami po." sagot nila.

"Maayos naman ang tama ng baril sa braso niya," sabi ng doctor kaya naman nakahinga ng maluwag sila. "Pero ang ulo ng pasiyente ay hindi, masyadong malakas ang kan'yang pagkakatama kaya sa tingin ko ay kailangan ng operahan sa ulo ang pasiyente." sabi niya kaya napaluha na sila.

"D-Doc ano po ang mangyayari kung natapos na ang operasyon?" tanong ni Timothy.

"Maari siyang comatose o magkaroon ng amnesia." sabi niya at lahat sila ay napaupo sa panghihina.

C-Comatose? A-Amnesia?...

Continue Reading

You'll Also Like

769 93 27
Secrets, don't stay hidden forever. They will come out even if they are buried. Sometimes it's better to tell the even if it is going to hurt you or...
768K 34.8K 90
Sire Sekhani Sutherland a.k.a "Cube" Sibyl Esteri Chambers a.k.a "Star" Read and find out. Began: 11/16/21
1K 57 18
Have you ever experienced an event in your lifetime where you get hurt not physically, but mentally? then when somebody offers to help you, tells you...
226K 4.5K 17
➤ STARTED SEPTEMBER 2021 ➤FINISHED FEBRUARY 2022 adriana hernandez , didn't have the best upbringing of life, her life was always secretive, her fam...