AMARI (MIKHAIAH)

By chasingserenityyy

79K 2.9K 382

Sabi ng matatanda, matuto raw tayo sa pagkakamali ng iba, kapag mali, wag na raw gagayahin at kung minsan sin... More

INTRODUCTION/CHARACTER
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER I

CHAPTER XXXI

1.2K 51 5
By chasingserenityyy

"Hindi" Nasagot na lang ng doktora at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Hindi naman napigilan ng tenyente na mapangiti habang nakatingin sa doktorang nagmamadaling maglakad palayo sa kanya.

"Ibang klase talaga" Napapailing na aniya na lang ng tenyente at agad na lang din sumunod sa doktora.

Ilang saglit pa ay nakarating na rin sila sa bahay ni Aling Kosing at laking tuwa naman ng matanda na makita na ang doktora.

"Nako! Amari! Doktora!" Maluha-luhang usap nito at napayakap pa sa doktora.

"Mabuti naman at napasyalan mo kami ng apo ko" Nakangiting aniya pa ni Aling Kosing sa doktora.

"Opo naman po, hindi naman ho pwedeng makalimutan ko kayo" Nakangiti rin sagot ng doktora.

Napansin naman ng matanda ang tenyente na tahimik lang na nilalaro ang maliit nitong motor na laruan na kasama ng mga susi niya.

"Nobya mo ba siya, Hija?" Nakangiting tanong ng matanda, nanlaki naman ang mata ng doktora at napalingon pa sa tenyente na ngayo'y nagpipigil na ng tawa.

"Mano po" Aniya na na lang ng tenyente

"Kaawaan ka ng diyos" Nasabi na lang ng matanda ng magmano sa kaniya ang tenyente.

Hindi naman maiwasan mapangiti ng doktora dahil sa pag galang na pinakita ng tenyente.

"Lagi hong galit sa akin tong si Doktora kaya malabo hong sagutin ako niyan kung sakaling ligawan ko ho yan" Natatawang usap pa ng tenyente kaya natawa na lang din ang matanda.

Sa inis ay nasiko naman siya ni Amari kaya natahimik naman na ito.

Awit! Under na agad kay Commander.

"Si Tenyente Mickenzie Gabrielle Santiago po, anak ni General Santiago" Pakilala na ni Amari sa Tenyente

"Mickenzie, si Aling Kosing"

"Matagal na sila rito sa Isla, wala pa tayo, nandito na sila" Usap na ng doktora sa tenyente kaya napatango na lang naman ito.

Habang gulat at natutuwa pa rin naman nakatingin ang matanda kay Mickenzie at napahawak na lang naman ito sa mukha ng tenyente.

"Ikaw pala si Gab-Gab, ang laki mo na, apo" Tuwang-tuwa na sabi ng matanda kaya napangiti na lang din naman ang tenyente.

"Ang tagal na nung huling beses na dalhin ka rito ng daddy mo kaya hindi mo na siguro ako naaalala" Aniya pa ng matanda.

"Pasensya na ho kayo" Paghingi na lang ng paumanhin ng tenyente.

"Tenyente ka na pala, mana ka talaga sa daddy mo" Tuwang-tuwa na sabi pa ng matanda

"Nasa lahi na rin ho siguro namin talaga ang pagpupulis" Nasagot na lang ng tenyente.

Ilan saglit pa ay may bata ng nagsalita kaya sabay-sabay naman silang napalingon doon.

"Ako rin po, pangarap ko rin po maging pulis"

"Sixto!!" Masayang bati ng doktora at pumasok na sa loob ng bahay, agad naman sumunod si Aling Kosing at Mickenzie sa kaniya.

"Doktora Ganda!" Nakangiting bati na rin ng pitong taong gulang na apo ni Aling Kosing na si Sixto.

"Kamusta na pakiramdam mo? Sandali, icheck ka na ni Doktora Ganda" Nakangiting usap na ni Amari habang nilalabas na ang mga gamit niya.

"Gaya ng dati, hingang malalim ah tas dahan dahan na buga, okay?" Nakangiting usap pa ni Amari sa bata at nakangiti rin naman itong tumango.

Napapatitig na lang naman ang tenyente sa doktora habang hindi na niya maiwasan na bumilib pa lalo rito dahil sa kabutihan pinapakita nito at sa kung paano nito tratuhin ang bata at ang matanda na kasama nila ngayon.

"Malapit talaga yang si Amari sa apo ko, lagi rin siya pumupunta rito sa bahay sa tuwing nauuwi siya rito sa isla" Kwento na ng matanda sa tenyente.

"Nasan po pala yung mga magulang Sixto?" Natanong na lang ni Mickenzie.

"Anak ko ang ina ni Sixto, namatay siya dahil sa leukemia na siyang namana ng apo ko" Sagot ni Aling Kosing na kinagulat talaga ni Mickenzie.

"May Leukemia po si Sixto?" Gulat ngunit pabulong pa na tanong ni Mickenzie sa matanda

"Oo, apo, mabuti na lamang at tinutulungan kami ng daddy mo at ni doktora" Nakangiting sagot ng matanda

"Si Daddy?" Tumango naman ang matanda

"Linggo linggo niya kami pinapadalhan ng grocery at mga gamot dito sa bahay at kung minsan pa nga ay siya rin mismo ang nagdadala ng mga yon para bisitahin din kami ni Sixto" Nakangiti pang aniya ng matanda.

"Siya rin nagpagawa at nagpaganda nitong bahay namin"

Marami pa palang hindi nakwekwento sa akin si Daddy.

"Pulis po kayo?" Biglang tanong ni Sixto kaya nakangiti naman tumango sa kaniya si Mickenzie bago tumabi rin sa kaniya sa sofa.

"Opo parehas kami ng sir dad ko" Nakangiting aniya ng tenyente

"Sir dad mo po?" Takang tanong pa ni Sixto

"Daddy niya si General Santiago, Sixto" Biglang usap ni Amari kaya napatango na lang naman si Mickenzie bilang pang sang ayon.

"Ikaw po pala si Tenyente Gab-Gab" Todo ngiti pang usap ng bata kaya natatawa naman tumango ang tenyente

"Sir Gab-Gab!" Masiglang aniya pa ng bata ng tumayo ito at sumaludo pa sa tenyente

"Ako nga si Gab-Gab" Natatawang sagot pa nito at sumaludo na rin sa bata.

"Ako po si Sixto, gusto ko rin po maging pulis kagaya niyo"

"Ganyan po ba yung motor na binigay sa inyo ni General?" Tanong pa ni Sixto ng makita na niya ang motor na nasa susian ni Mickenzie.

"Ah ito? opo, gantong motor nga binigay sa akin ng sir dad ko" Nakangiting sagot ni Mickenzie

"Gusto mo sayo na lang?" Nakangiting tanong pa ni Mickenzie kaya agad naman tumango ang bata.

"Sana po makasakay din po ako sa motor niyo po" Usap pa ng bata ng makuha na niya ang motor na laruan ni Mickenzie.

Nagkatinginan naman na ang doktora at tenyente ng hindi nila malaman ang sasabihin.

"Sixto, alam mo naman na bawal kang mapagod diba? Tsaka nasa kabilang pampang pa ang motor ni Sir Gab-Gab mo, busy rin siya kaya baka hindi ka makasakay sa motor niya" Pagpapaliwanag ni Doktora Amari sa bata.

Halata naman nalungkot ang bata kaya agad din naman inayos ni Mickenzie ang buhok ng bata.

"Isasakay kita sa motor ko" Aniya pa ni Mickenzie kaya sabay naman napalingon sa kaniya ang dalawa.

"Basta ipapangako mo sa amin ni Doktora Ganda na iinumin mo ang mga gamot mo at susunod ka lagi kay Lola Kosing" Nakangiting usap pa ng tenyente kaya agad naman napatango ang bata at napayakap pa sa tenyente.

"Promise po, sir Gab-Gab" Tuwang-tuwang usap pa ni Sixto.

"Promise yan ah, pag sinabi sa akin ni Aling Kosing na hindi ka umiinom ng gamot at hindi ka sumusunod sa kaniya, hindi kita susunduin dito" Pananakot pa ng tenyente kaya umiling naman ang bata.

Ilang saglit pa ay ng matapos na ng Doktora icheck ang kalagayan ng kalusugan ng matanda at ng bata ay agad na rin sila nagpaalam sa mga ito para umuwi na sa bahay ng mga Asuncion. Sumaludo pa naman na muna ang bata sa tenyente at ganon din naman ang tenyente.

"Salamat" Biglang usap ng doktora ng makalabas na sila sa bahay nila Aling Kosing at Sixto

Taka naman napatingin ang tenyente sa doktora.

"Para saan?" Takang tanong pa ni Mickenzie

"Sa pagpapasaya kay Sixto" Sagot nito kaya napatango na lang naman ang tenyente.



















"Sa pagpapasaya sa akin"

Continue Reading

You'll Also Like

213K 4.4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
16.3K 595 25
"Kakaiba ang tama ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi, o sa'n ba 'ko dinadala?" banggit ko sa kaniya nang may tono. "Hindi ba't kanta 'yan?" tanong...
643K 13.2K 55
" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Warning : R-18 | GP Mature co...
275K 7.5K 80
"kahit sino pa ang dumating, ikaw at ikaw lang ang pipiliin" "ikaw lang mula noon, hanggang ngayon, at hanggang dulo" From the title itself, mageget...