I'm His Wendy

By Rxxnnx

3.8K 113 24

He's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just... More

PROLOGUE
Chapter 1: Peterpan
Chapter 2: Bestfriends
Chapter 3: Misterious Suitor
Chapter 4: Time Zone
Chapter 5:Girlfriend?!
Chapter 6:Asdfghjkl
Chapter 7: I've Started Liking You
Chapter 8: Stacey Miracle Aragon
Teaser is Out!!!
Chapter 9: Only His Tinkerbell
Chapter 10: The Sibbling's Side 1
Chapter 11: The Sibbling's Side 2
Chapter 12: Wendy
Chapter 13: She is...
Chapter 14: Date?
Chapter 16: Jealousy
Chapter 17: Avoid
Chapter 18: I'm Sorry, we're both hurt
Chapter 19: Hurt
CHAPTER 20: Changes
Chapter 21: I Love You... C
Chapter 22: Partner
CHAPTER 23: Bestfriend Zoned

Chapter 15: Enchanted Date

88 4 0
By Rxxnnx

STACEY

Okay. Saturday ngayon, at tulad ng napag-usapan, we were going to Enchanted kingdom. Sana mag-enjoy ako.

"Hey guys! I'm so excited na! Hop in the van na! Daliiiiii!" Grabe tong si Yana. Nung isang araw pa yan excited. Ba naman, ngayon daw yung second date nila ni Francis, kasi yung first date daw eh yung sinet up ko sila.

So ayun, bumiyahe kami papuntang Enchanted. Si Allen ang nagdrive. Nasabi ko na ba na mas matanda sila ni Yana at Allen ng one year samin ni Cha? Oh ngayon, alam niyo na.

Nasa tabi ako ng driver's seat, sabi ni Yana yun eh. Date ko nga daw kasi yung twin niya. Iniisip ko tuloy... Kamusta kaya yung date ni Brent with Miracle? Siguro enjoy na enjoy sila.

"Hoy! Ano ba! Wag ka ngang sumiksik dito. Ang luwag luwag ng pwesto dyan oh!"

"Ano ka ba? Ganyan mo ba itrato ang date mo? Sige ka, tatalon ako palabas ng van na to!"

"Edi tumalon ka! Who cares?!"

Sino pa nga ba ang laging bangayan ng bangayan? Edi ang Milk and Coffee couple. Haha, sa huli si Alex padin ang date ni Cha. Hahaha.

"Ano ba yan Unnie, ang ingay niyo." Sabi ni Sam na naalimpungatan ata, nakatulog kasi habang bumabiyahe kami. Yung kasama niya nga tulog din eh. Sino pa ba? Edi si Stephen. I wonder kung nagka-aminan na yang dalawang yan. Mukhang okay na naman sila eh.

And si Yana at Francis? ayun, Lovey-dovey. Naka-share sa earphones.

2hours yata yung biyahe namin and finally, nakarating na kami.

"Ikaw lang ata ang hindi excited sa barkada ah." Allen tapped my shoulder. Kami nalang kasi ang natira sa van, wala pa kasi akong balak bumaba. Well, nae-excite naman ako kasi first time ko to. Yeah, first time. My parents didn't allow me to go on places like this when I was a kid. Pero parang may pumipigil talaga sakin eh. Yun namang mga kasama namin, pagbaba na pagbaba ng sasakyan nagmamadaling makapasok. Haaaay, parang mga bata.

"Wala lang ako sa mood." Sabi ko kay Allen saka niyaya siya na bumaba na.

===

BRENT

This was the happiest thing happened in my life! I'm officially courting her, and this day is our first date ever.

"I'm so excited to meet your friends na. Sana mameet ko na sila." Masayang sabi ni Stacey (Miracle).

Oo nga pala, ngayong araw nga din pala mamamasyal sila C at ang barkada. Tamang-tama ang timing.

"Mamaya, you're going to meet them." I said while smiling on her.

"Really? Great!" She clapped her hands. Ginulo ko naman ang buhok niya, ang cute niya kasi.

Naglakad lakad kami at nakita ko ang ice cream parlor.

"Want some ice cream?" Alok ko then she nodded.

Pumasok na kami sa ice cream parlor saka umorder ng ice cream.

"Anong flavor gusto mo?" I asked her while still looking at the flavors list.

"Strawberry please." Napatingin ako bigla sa kaniya habang siya ay busy sa pagkutingting sa cellphone niya.

"Strawberry?" Tanong ko, baka kasi nabingi lang ako o na-missheard ko lang. Tumingala siya sakin at nagbigay ng 'clueless expression'.

"Yup. Why?"

"Di ba ayaw mo sa stawberry?" Dahan dahan siyang ngumiti.

"Ano ka ba! People change. Tsaka bata pa tayo noon no! Tapos na-realize ko na masarap naman pala talaga ang strawberry, iba lang siguro ang panglasa ko when we were young." She said.

Tama siya. Sa tagal naming di nagkasama, siguro nga ang daming nagbago sa kaniya. Umorder na ako at inantay namin, maya-maya pa ay dumating na ang inorder namin.

Saka ko lang narealize, ibang-iba na siya. Yung batang kalaro ko dati, ngayon nililigawan ko na. She grown a lot. Andami niyang pinagbago. Hindi narin siya yung kababata ko na bigla-bigla nalang nanununtok kapag inaagaw ko ang favorite book niya. Ngayon, malambing siya, palangiti. Nakakatuwa rin ang pagbabago niya. I didn't noticed na 12years rin pala kaming nawalay sa isa't isa.

Napuna niya siguro na nakatitig ako sa kaniya.

"Hmm. May dumi ba ko sa mukha?"

Umiling naman ako at ngumiti.

"Wendy..."

"Hmm?"

"Bakit bigla kang nawala? Sa ibang lugar kayo nagparty?" Napatigil siya sa pagsubo niya ng ice cream.

"Brent, parang gusto kong mag-roller coaster. Tara?" Aya niya sakin saka tumayo. Sumunod nalang din ako. Mukhang ayaw niyang pag-usapan namin.

===

STACEY

Nasan na ba yung mga yun? Di namin mahagilap ni Allen.

"Hayaan nalang kaya natin sila? Sigurado nagdedate na yung mga yun. Baka maka-istorbo pa tayo. Haha." Sabi ni Allen. Kunsabagay, moment nila 'to.

"Sige na nga! So ano? Rides tayo?" Yaya ko sa kaniya.

"Sige ba! San mo gustong mauna?" Aba, matapang ah. Tingnan nga natin.

"Hmmm. Let's see... Space shuttle? What do you think?" I said while grinning.

"HA?! Ah eh... Sa iba nalang muna t-tayo. Rio Grande gusto mo?" Allen's reaction is kinda funny. May fear of heights kasi 'tong lalaking 'to. Pinipigilan kong wag matawa.

"Ayoko nga. Wala akong extrang damit. Mababasa ako." I faked rolled my eyes. Kung tutuusin pwede namang bumili nalang ng shirt. Wala lang, gusto ko lang siyang asarin. Tahimik nalang siya eh, habang nakatingin sa space shuttle.

"Allen? Namumutla ka? Hahahaha I can't believe na takot ka sa heights. Hahahaha." Di ko na napigilan. I burst out laughing.

"Hala? P-pano mo nalaman?" Nahihiya niyang tanong. Juskooo mala-kapre sa laki, takot naman sa heights.

"Para san pa ang kadaldalan ni Yana diba!"

"Argh! Talagang yung babaeng yun!"

I tapped his shoulders.

"Face your fears! Lika na dali!" Hinila ko siya. Aba! Full force na ako nito ha! Nagpupumiglas pa nga eh! Na-iimagine niyo?

Habang hila-hila ko siya, patuloy parin siyang nagpupumiglas, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Ouch!" May nabangga ako.

Ba naman kasi nasa likuran ko si Allen kaya kailangan kong humarap sa kanya para mahila ko siya. Inaasar ko kasi.

Napatingin kami ni Allen sa nabangga ko.

"Tanga tanga naman kasi eh!" M-miracle?

"Wait.. You?" turo niya sakin.

"Ah. Hi Miracle!" Bati ko.

"We're not close. Tsk." Tss. Kainin ka sana ng katarayan mo!

Bigla naman akong hinawakan ni Allen sa wrist ko. Nasa likod ko lang kasi siya, di siguro siya napansin ni Miracle dahil busy sa pag aalburoto niya.

"Let's go C, sa ibang rides nalang kasi tayo sumakay."

"A-allen?" Napalingon ulit ako kay Miracle. Magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?" I asked.

"Of course!"

"No."

Hala? Bat nag-iba ang mood ni Allen? Bigla namang sumulpot si Brent na ewan ko kung sang lupalop galing.

"C! Allen! Bat kayo magkasama? Nasan yung iba?" Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Miracle.

"Friends mo sila? How nice!" Tsk. PLASTIK.

"C, let's go." Yaya sakin ni Allen.

"H-ha?" Ano ba?! Bat parang nabato ako dito? Di ako makahakbang palayo sa kanila. Kumikirot na naman ang puso ko. Kainis! Ayokong nararamdaman 'to. Ang pakiramdam ng nagseselos.

Hihilain na sana ako ni Allen kaso pinigilan siya ni Brent.

"Teka, wag muna kayong umalis. Mukhang enjoy ata kung magkakasama tayong apat." Hala, ano ba yan? Kung dark ang aura ni Allen, mas dark naman ang kay Brent ngayon.

Teka? Anong nangyayari?

"What's the matter?" Tanong ni Miracle kaya napa-ayos si Brent at umiling.

"By the way Wendy, this is C and this is Allen." Pakilala samin ni Brent.

"Hi! Nice too meet you!" Sabi niya saka naglahad ng kamay.

Tiningnan ko lang 'yon. Kanina sinigaw sigawan niya ko eh!

"Tss." Narinig kong napa-cuss si Allen.

Napahiya siguro si Miracle kaya dahan dahan nalang niyang binawi ang kamay niya saka ngumiti ng pilit. Oo pilit yun, halata naman. Tsk.

"So ano? Sama-sama nalang tayong apat ha?" Sabi ni Brent.

"I think, it is not a good idea..." Tumingin samin si Miracle.

"Baka maistorbo natin ang date nila." I saw it, she smirked.

"Hin---" Proprotesta sana ako kaso naunahan ako ni Brent.

"Date?" Tanong ni Brent.

"Kung nagde-date nga kami, ano naman sa'yo yun ha?" Galit si Allen. Halata sa kaniya.

Di naman siya pinansin ni Brent at tumingin sakin.

"Nagde-date nga kayo?"

"Ah... eh... Oo." Lumabas sa mga bibig ko yun, kasi NAGSESELOS ako.


Tama ba yung nakita ko? O naghahallucinate lang ako? Sumimangot si Brent?

"Sige, enjoy. Let's go Stacey."

Let's go daw. Tawag niya ko.

Ay... Hindi pala ako, si Miracle pala.

Bigla niyang hinila si Miracle saka dali-daling umalis. Ano kayang problema nun?

Sana ako nalang yung hinila niya. Haays.

Continue Reading

You'll Also Like

167 1 15
"I know I have loved you but I realized it way too late."
70.6K 668 6
R18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment
69.7K 1.5K 55
"i want to love you till you can no longer open your eyes,till you can no longer breath..I will love you till the END"
Wattpad App - Unlock exclusive features