Reincarnated as a Stupid Daug...

由 DemLux_Pain

6.4M 327K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... 更多

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 67

63K 3.2K 2.9K
由 DemLux_Pain

Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman nila Neri nang makita ang lalaking nasa harap nila ngayon. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita at hindi nila matanggap na ang lalaking minamaliit nila ay siyang tinatawag na boss ng mga naka-itim na lalaki.





"Tr–Trider? I–ikaw?!" Nanlalaking matang tanong ni Neri sa lalaki nang maaninag ang nakangising mukha nito.





"Surprised?" tanong nito sa sarkastikong tono.





Hindi pinansin ni Trider ang mga reaksyon nila at tumungo sa swivel chair na inupuan ng isang lalaki kanina. Mabilis naman na nagbigay galang ang mga ito at yumuko sa boss nila.





Ngayon na nasa harap na nila ang kanilang boss ay hindi nila maiwasan na kabahan. Bihira lang kasing lumabas ang kanilang Young lord na si Trider, kaya alam nila na kapag nagpakita ito ay siguradong may problema silang dapat solusyunan.





Bilang parte ng mga tauhan ng dating noble na pamilyang Pierce ay tapat sila sa kanilang amo. Kahit pa na ngayon ay si Trider na lang ang natitira sa mga Pierce ay naniniwala pa rin sila sa kakayahan nito.





Ang hindi lang nila maintindihan ngayon ay kung bakit may galit ang kanilang young master sa tatlong babae na 'to. Hindi naman nila magawang magtanong lalo pa't ganitong nararamdaman nila ang masamang aura ang lumalabas sa amo nila.





"Ayaw pa naming mamatay!", isip-isip ng mga tauhan sa nakikitang itsura ni Trider.





Kalmado itong nakaupo sa upuan habang nakatingin sa tatlong babae na nakaluhod pa rin hanggang ngayon. Sa Nakita nila ay hindi nila maiwasan na mapalunok.





"S–shit! Kapag ganito ang itsura ni boss ay siguradong walang bukas na makikita ang tatlong babaeng 'to!" Naiiling na isip ng lalaking kulay sky blue ang buhok habang nakasandal sa 'di kalayuang pader.





"Boss is ready to kill! Tsk! Tsk!" isip-isip naman ng lalaking kulay green ang buhok.





"Sa itsura pa lang ni Trider ay halatang pinag-iisipan niya na kung paano niya pahihirapan ang tatlong babae. Hayys! Kawawang mga babae at mukhang hindi man lang sila nakaabot sa bar. Hehehe!" Natatawang sabi na lang ng lalaking may kulay pink na buhok sa kaniyang isip.





Naguguluhan man ang tatlo sa biglaang pagtawag ng boss nila sa buong guild ay hindi naman sila nagbigay ng reaksyon na tumututol sila dito. Basta nagulat na lang sila nang bigla silang tawagin isa-isa at pagawa sa kanila ang planong pagpatay sa tatlo.





Ang dahilan kung bakit nasa lungga nila ngayon sila Neri ay dahil sa pagpalit nila ng guild address sa papel na binigay ni Lady Mitchel. Kaya nang makita nila na gumana ang plano ay tsaka lang sila nakahinga ng maluwag.





"Hayys! Mabuti na lang at hindi kami pumalpak sa plano dahil kung nagkataon ay sabay-sabay kaming malilintikan kay boss! Alam niyo ba kung gaano kahirap na pasukin ang teritoryo ng mga Caventry para lang mapalitan ang note?! Ayoko na lang isipin!" Nakasimangot na reklamo ng lalaking kulay pink ang buhok.






"Bakit ang tahimik?! Ito na ba ang oras para mag-joke ako? *sigh* Ayy naku! Kung ayaw ko pang mamatay ay mas mabuti na pigilan ko na lang magsalita. Pero kasi hanggang ngayon ay nalilito pa rin kaming lahat kung anong meron sa mga Caventry at kay boss? Paano pa nagkaroon ng pakialam sa mga nobles itong si boss Trider? Da–damn! Bakit naman kasi hindi siya pala-kwento ehh!" Nanggigigil na isip-isip ng lalaking kulay sky blue ang buhok habang madiin na tinikom ang bibig.





"T–Trider! Pa–pakawalan mo kami! Human––" Hindi na natapos ni Neri ang sasabihin nang malakas siyang sampalin ng lalaking bigla na lang lumitaw sa tabi niya. Sa lakas ng impact ay agad siyang napahinga sa sahig habang dumudugo ang ibabang labi nito.





"Bitch!" Seryosong sabi ng lalaking may buhok na green nang marinig ang walang galang nitong pananalita.





"H–how dare you! Jer––"





*PAAKKK* (Capslack yan with extra letters kasi full power ang ginamit. Kumbaga, "Malutong na sampal para sa mukhang makapal." HAHAHA!)




 
"Ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo." banta nito.






"That's enough, Butch." Pag-aawat na ni Trider sa tauhang si Butch.






Nang marinig na ang boses ni Trider ay sabay-sabay na tumayo ng maayos ang mga tauhan nito at tinuon ang atensyon sa mangyayari. Katahimikan ang bumalot sa buong lugar dahil kasalukuyang pinagmamasdan ng kanilang boss ang tatlong babae na pawa bang nasisiyahan siyang nakikita na nahihirapan ang mga 'to.






Nang mapansin nila Neri ang klase ng titig ni Trider ay hindi nila maiwasang makaramdam ng kaba. Ngayon ay seryoso itong nakaupo sa upuan habang nakapangalumbaba. Nakasuot lang ito ng simpleng jeans at shirt pero kapansin-pansin pa rin ang kagwapuhan nito.






Kahit nga na nasa gitna ng panganib ang tatlo ay hindi pa rin nila maiwasan na mapalunok sa itsura nito.





"He–He's so damn handsome!"

 
Makalipas ang ilang segundo ay napailing din agad si Neri. Alam niya kasi na hindi ito ang oras para mag-isip ng kakaiba dahil sa ngayon ay nasa gitna pa rin sila ng kapahamakan.
 





"Let us go, Trider. Please!" pilit na pagmamakaawa na sabi ni Neri. Sa itsura niya ngayon ay mahahalata mo na hindi siya sinsero sa kaniyang mga sinasabi.




 
 
"What if I don't want to? What are you going to do?" Nakangisi na tanong ni Trider.





"Oh! The boss looks so cool!" nakangiti na isip-isip ng lalaking kulay pink ang buhok. Napatingin naman siya sa tatlong babae na mukhang hindi makapaniwala sa narinig mula kay Trider.




 
"Y—you! Why are you doing this to us? We just met two times, and I didn't even insult you so much that you would kill me!" sigaw ni Neri.






Nanlaki ang mata ng mga lalaki nang marinig ang sinabi ng babae. Hindi sila makapaniwala na may taong nagawang sigawan ang boss nila. Isa ring himala na nakapagtimpi ito na hindi sila patayin.



 
 
"Heh! I don't care whether you insult me or not, but insulting my lady is different."





BRICK'S POV (Pink haired guy)





"Heh! I don't care whether you insult me or not, but insulting my lady is different."





Sabay-sabay kaming nagtinginan nila Boomer at Butch nang marinig ang sinabi ni boss.





'Ano raw? Sinong milady ang tinutukoy niya? Bakit naman kasi hindi nagkukwento itong si Boss Trider?!'





Teka... Ang huling inutos niya sa'min ay pasukin ang training ground sa Caventry Palace para palitan yung note sa kwarto nitong si Neri. Pagkatapos naming magawa ang lahat ay hindi naman siya nagpaliwanag sa'min, kaya hanggang ngayon ay nalilito pa rin kami sa nangyayari.






Pero posible na ang milady na tinutukoy nitong si boss ay galing sa mga Caventry. Ang tanong lang doon ay kung sino sa mga young lady ang sinasabi nito?






Hmm... Let's make a guess! Kilala naman ng lahat ang mga anak ni Lord Andrin at Madam Abella. Nandiyan sina Harry, Henry, Mitchel, Heleina at ang pinakasikat sa lahat na si Heavenhell.






Kaya sa tatlong young lady ng pamilyang Caventry, sina Lady Mitchel at Lady Heleina lang ang maaaring 'milady' na tinutukoy ni boss.





'Hmm... That's right! That's right!'






Imposible naman kasi na magkaroon ng interaksyon si boss kay Lady Heavenhell, dahil alam ng lahat kung gaano nito kamahal ang second young master ng pamilyang Lucretius. Atsaka giyera ang mangyayari kapag nagkatapat si boss at si young master Eli.






Kaya laking pasasalamat na lang namin nila Butch na wala pang banggaan na nangyayari sa pagitan ni boss at ng kinilalang demon king ng Atlante na si Eli.






'Hayys! Mabuti na lang at hindi si Lady Heavenhell ang tinutukoy ni–––'






Hindi ko na natapos ang iniisip ko nang marinig ang sinabi ng isa sa mga babae na siyang kinagulat naming lahat.





"I–is this about Lady Heavenhell?"





O_O





'Ta–tama ba 'tong rinig namin?! Si lady Heavenhell na ex-fiancé ni young master Eli ang tinutukoy ni boss na "milady"?!'





"Why are you protecting her? She's useless, stupid––"





 
Napailing na lang ako sa narinig. Tulad nga ng iniisip ko ay hindi pa niya natapos ang sasabihin ay agad na siyang pinatahimik ni boss.





*BANG!*
 




Neri & Marie: "(O_O)"






Bumagsak ang katawan ng babaeng wala ng buhay sa sahig. May tama ito ng bala sa kaniyang bibig na tumagos sa kabilang parte ng kaniyang ulo na naging dahilan ng sobrang pag-agos ng dugo mula dito.





'That's a cruel view!'

 
"W–what did you do?! W–why?!" Gulat na gulat na tanong nung Neri habang nakatakip pa sa kaniyang bibig. Hindi siguro siya makapaniwala na ang babaeng mukhang prostitute sa tabi niya ay malamig na bangkay na ngayon. Hayys!




 
 
"S—she's not dead, right?" naiiyak din na sabi ng Isa na Marie ang pangalan.






'Bobo neto! Mukha bang buhay pa ang kaibigan niya?! Siya kaya barilin ko tapos tanungin ko kung hindi pa siya patay! Tsk!'
 




 
"K–kyahh! You killed her! This is a crime!" biglang sigaw ng bobo na mukhang ngayon niya lang napagtanto ang lahat.
 



"Heh? Crime always happens in our country, bitch. Isn't that what you always did whenever a commoner came up to you?" naiiling na sabi ni boss sa dalawa.






Napangiti naman ako at tumango-tango pa. Mabuti na lang at hindi bobo ang boss namin. Hahahaha! *Coughs*






Nagseryoso na lang ako nang marinig na magsalita ulit ang lider ng mga bobo. Ehem! Bobo din naman ako kung ikukumpara kina Boomer at Butch. Pero ngayon nakaka-proud sabihin na mas bobo pa sila sa pinakabobo. Tsk! Tsk!


"N–no! Let us leave, and we will never tell anyone about this."






Bored akong napaupo sa upuan nang makita ang future ng mga 'to. Sa pinagsasabi kasi ng mga babaeng 'to ay mukhang handa na silang mapunta sa impyerno.





'For everyone's information, our boss is not someone who will let his target leave without suffering, or worse, dying.'
 




 
Napangisi lang si boss atsaka tinignan ang dalawang natitira. "Do you think I'm scared? Heh! Nobles are trash, and I'm not scared of who they are."
 





'Tama! Tama! Si boss Trider ay hindi natatakot kahit kanino kaya kami na lang mga tauhan niya ang natatakot para sa kaniya. Shit!'






"La–lady Heavenhell is our boss, so you shouldn't do this to us!"






Napakunot noo na lang ako sa sobrang curious sa kung anong meron kay boss at kay Lady Heavenhell. Kanina pa kasi siya nababanggit at kapag naririnig ko ang pangalan niya ay naaalala ko ang nakakatakot na pangalan ni young master Eli. Da–damn! That guy is so scary!






Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang pagsiko sa'kin ni Boomer na nasa tabi ko na ngayon.






"Ano?" bulong ko sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasan matawa sa tuwing nakikita ko ang sky blue niyang buhok.






Mukha kasi siya malaking bubblegum na nadikit lang sa ulo niya. Idagdag mo pa na patayo ang hairstyle ng abno kaya hindi mo malaman kung nakuryente ba siya o kung ano.





"An–anong meron kay Lady Heavenhell?" Nagtataka nitong tanong habang tinataas-taas pa ang kilay. Tsk! Tsismoso talaga 'to!






"Malay ko. Wala akong ideya. Hindi ko alam. Kaya huwag mo kong kausapin!" naka-poker face kong sabi bago lumayo ng konti sa puwesto niya.






Ang ingay pa naman ng bibig non kaya kapag kami nahuli ni boss na nagtsitsismisan ay baka makatanggap kami ng tig-iisang bola. Oo, bola sa ulo! Dahil siguradong babatukan kami ng malakas ni Butch mamaya. Tsk!





 
"So you know that Athy is your boss now, huh? Well, it's too late since I will never let you escape from here." malamig na sabi nito na kinalunok ko na lang.






'Mukhang kakaiba na ang nararamdaman ko dito ahh. Kanina milady lang ehh, bakit ngayon with nickname na?!'



 
 
"N–no! We're sorry, o–okay? We deeply regret any offense we may have caused you or Lady Heavenhell B–but please, let us live!" Pagmamakaawa na nung Neri habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mata.
 




 
"I want you to remember that doing something that I don't like is a death sentence. This will be your nightmare, so brace yourself for your remaining days."






Sabay-sabay na napangisi ang lahat samin nang marinig na ang huling pangungusap ni boss. Doon pa lang ay sigurado na kami na ipapatapos niya sa'min ang dalawang 'to.
 



 
"N—no! You can't do this to us!"






Hindi na namin pinansin ang pagsigaw ng dalawa dahil mabilis kaming humilera nang makita na tumayo na si boss.



 
 
"Butch, take care of them. Put them in jail without feeding them for two days, and then make sure to flay them. Do you understand?" malamig na utos nito na kinatango na lang ni Butch.
 



 
"Yes, boss!" 
 
 



'Oh! This is so ruthless! Did you know that being "flayed" is a form of torture and that another way to describe flaying is being "skinned alive?" This makes me shiver thinking about what would happen to me if I angered the boss.'





Makalipas ang ilang segundo ay agad na nanlaki ang mga mata ng dalawa nang mapagtanto ang sinabi ni boss. Mukhang naramdaman na nila ang kanilang katapusan. *Evil laughs*



"N–no, no, no! Please, please forgive us!"
 



 
"I don't want to die!"
 



 
"W–we won't do it again, so I beg you, don't kill us!" pagmamakaawa ni Neri na sa tingin ko ay natanggalan na ng
yabang sa katawan.





 
'But knowing boss? No, impossible!'





 
"This will never happen in the first place if you just keep quiet." malamig na tugon nito.





Yumuko na kami kay boss nang magsimula na siyang maglakad papunta sa pinto na hindi mabuksan ng tatlong babae kanina.
 




"N–no way! Trider, don't leave us here!" Sigaw nung Marie na kasalukuyang hinahawakan ng ibang kasamahan namin.






Ngunit ang pigura ni boss na papaalis na ay biglang huminto nang marinig ang sinabi nung Neri.

"D–do you think Lady Heavenhell will stick by you if she knows you're a murderer? Keep dreaming, Trider! She'll abandon you!" sigaw nito na kinagulat namin.





'W–what the fuck?! Our boss and Lady Heavenhell... N–no! Impossible!'






Pinilit kong tanggalin ang mga ideyang 'yon sa isip ko dahil ayokong maniwala. Pero wala pang isang segundo ay agad na sinira ni boss ang lahat na nakapagpagulat sa'ming lahat.

"Heh? Do you think I will allow that to happen? Since you'll all die soon, no one will tell her." malamig na sabi nito bago tuluyan ng lumabas ng pinto.
 




 
"Y—you're crazy!" Nagwawala nitong sabi habang pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa kaniya.






Seryoso namang nagsalita si Butch na bumasag sa katahimikan ng lahat at agad-agad na nagbigay ng utos.






"Dalhin niyo na ang mga 'yan sa basement. Boomer at Brick sumunod kayo sa'kin."






Mabilis na kumilos ang lahat at pinatulog ang dalawang babaeng kanina pa sumisigaw. Nang makita na ayos na naman ang lahat ay tsaka ako sumabay kay Boomer na maglakad papunta sa meeting room ng guild.






"Anong pag-uusapan natin, Butch?" Naiinip na tanong ni Boomer nang makaupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan.






"Nagtataka kayo sa nangyayari diba?" malamig nitong tanong na agad naman naming kinatango.






Sinong hindi magtataka kung bigla ka na lang binigyan ng misyon nang walang paliwanag kung para saan at para kanino 'tong gagawin namin diba?






"Bakit may nalalaman ka ba?" excited na tanong ni Boomer na mukhang handang-handa nang makinig ng tsismis. Tsk! Tsismoso talaga 'to at wala ng pag-asang magbago.
 




"Huwag kayong mag-alala..."






Seryoso kaming napatingin kay Butch nang marinig ang sinabi niya. Sa itsura namin ni Boomer at mahahalata mo na handa na kaming makinig ng tsismis dahil talagang lumapit pa kami sa kaniya ng konti.





"Huwag kaming mag-aalala, bakit?" tanong ko.





"Dahil wala rin akong nalalaman." seryoso niyang sabi na kinanganga naming dalawa ni Boomer.





'W–what the fuck?!'






"Gago! Bakit mo pa kami pinatawag kung wala ka rin naman palang nalalaman?!" Inis na tanong ni Boomer na mukhang disappointed na wala siyang tsismis na nasagap.





'Hayy! Ako na lang yata ang pinakamatino sa'ming tatlo!'





"Syempre para mapag-usapan ang isyu ngayon." seryoso niya pang sagot na kinailing ko na lang. Isyu? What the?!






"Tama! Tama! Grabe Ikaw talaga ang pinakamatalino sa ating tatlo!" Namamangha pang sabi ni Boomer.






'Fuck! Mukhang hindi ko yata kayang tanggapin na ako ang pinakabobo sa aming tatlo!'






HEAVENHELL'S POV





"Pira, bakit ba hindi ka mapakali?" tanong ko sa bruha na pabalik-balik kung maglakad sa harap ko.





"Ano ka ba naman, milady? Bukas na ang uwi nila Madam kaya siguradong ipapatawag ka na naman ni Lord Caventry para tanungin sa nangyari sa'yo." nag-aalalang sabi niya.
 
 



"Oh, really?" Inaantok kong sabi. Kagigising ko lang kasi tapos itong babae na agad ang bubungad sa'kin. Aiya! Kung si Vile lang 'tong aabutan ko sa umaga ay matutuwa pa ako at baka mawala ang antok ko.






Napailing na lang ako sa naisip at minabuti na lang na tumayo. Dumiretso ako ng banyo at hindi na pinansin ang nagmo-monologue na si Pira. Masiyado kasi siyang nag-aalala na baka raw pagalitan ako nila Lord Caventry dahil hindi ako nanatili sa Eckheart Palace.






Ako naman ay hindi na pinansin ang nangyayari sa bruha. Kung alam niya lang kung gaano natuwa ang mga 'yon nang malaman na si Vile ang kumuha sa'kin mula sa teritoryo ng mga Eckheart. Tsk!






"Milady, saan ka ba pupunta at mukhang may balak kang umalis ngayon?" tanong ni Pira nang mapansin ang nakahandang damit sa kama.






"Yeah! Pupunta ako ngayon sa main branch ng orphanage sa Atlante." Sagot ko nalang atsaka mabilis na sinuot ang puting dress na isa sa mga customize designs na pinagawa ko kay Chiara.






"Anong gagawin niyo don, milady?" nagtatakang tanong niya. Ngayon niya lang kasi makikita na aalis itong si Heavenhell para pumunta sa kahit na anong may kinalaman sa charity.






"Makikipag-usap lang ako sa mga tagapamahala doon atsaka titignan na rin ang kalagayan ng mga bata. Pero yung pinaka-rason ko kung bakit ako pupunta doon ay secret na lang muna." nakangiti kong sabi atsaka kumindat sa kaniya. Hehe! This is gonna be great!






Nagtataka man siya ay hindi niya na nagawang magtanong pa dahil mabilis ko na siyang pinalayas sa kwarto ko. Kailangan ko munang pag-isipan kung anong magandang gawin sa darating na Annual Charity event.






Well, as you can see, I'm still alive! Whohooo!!! Akalain mong naka-survive ako sa loob ng teritoryo ni Vile. Kahit na nakakakaba talaga kapag nasa malapit ang animal na 'yon ay nakakaya ko namang daanin sa landi para hindi ako masiyadong kabahan.






At salamat sa diyos dahil nakauwi na rin ako sa wakas makalipas ang halos isang linggo sa lungga ng demonyo. Ang naghatid sa'kin pauwi ay sina Fred at Velma dahil may business trip daw ulit itong si Vile kaya maaga na namang umalis.






'Tsk! Tsk! Sinasabi ko na nga ba at umuwi lang siya nung hapong 'yon dahil gusto niya akong makita. Hahahaha! P–pfft! Ehem! Ehem! Kabahan ka Carnelia sa mga kalokohang sinasabi mo!'






Inalis ko ang kalokohang naiisip at minabuting ayusin ang itsura ko. Syempre kailangan ay magmukha akong anghel para hindi matakot sa'kin ang mga bata. Ngayon kasi ay balak kong lumabas para pumunta sa main branch ng orphanage sa Atlante.






Base sa memorya ni Heavenhell ay napakalaki ng espasyo na nilaan para sa bahay ampunan na 'yon dahil napakaraming bata ang nandodoon. Sa main branch kasi ay halo-halo ang mga bata. Kumbaga may mga batang galing sa commoner class, middle class at maging sa noble class ay meron din.






May mga bata kasing galing sa mayayamang pamilya na namatayan o 'di kaya'y nakulong ang magulang kaya sila napunta doon. Iba-iba ang rason at kwento ng mga bata kaya excited akong makakilala na kasing cute ni Cabell sa orphanage.







Tinignan ko ang sarili sa salamin at nang makita na ayos na ang itsura ko ay mabilis kong nilagay sa paperbag ang mga daldalhin ko mamaya. Ngayon ay nakasuot ako white dress na siguradong magmumukha akong anghel dahil sa desenyo. It was like a lacy ruffled mesh dress. 



Simpleng puting flat shoes lang ang sinuot ko at white shoulder bag. Samantalang, hinayaan ko na lang na nakalugay ang medyo curly kong buhok para dama ang feeling anghel kong itsura. Yikes!





Nang masiguro na maayos na ang lahat ay tsaka lang ako naglakad palabas ng kwarto. Taas-noo akong naglakad sa mahabang pasilyo habang hindi na pinapansin ang mga gulat na reaksyon ng mga katulong at elite guards na nadadaanan ko.





'Mukha bang wala talagang alam si Heavenhell sa fashion noon kung kaya't ganiyan ang mga reaksyon nila? Kung makatingin kasi sila para bang nakakita sila ng himala! Geez!'
 




"Mi–milady, napakaganda mo!" Biglang sulpot ni Pira sa tabi ko habang pumapalakpak pa sa gilid. My gosh! Iba na talaga ang mga may lahing kabute ngayon.






"Thank you, Pira! By the way, kamusta na ang pinapagawa ko kay Ernel? Nakausap mo na ba siya?" tanong ko sa kaniya habang nasa harap pa rin ang tingin.






'Aba'y mahirap na at baka bigla akong matapilok dito edi napahiya ang lola niyo! Mabuti na ang sigurado para hindi na madagdagan pa ang kahihiyan ni Heavenhell sa media.'



 
 "Yes, milady. Binigay ko na sa kaniya ang note at recommendation letter na pinapabigay mo kaya wala nang problema." nakangiting sabi niya mahahalata mo na proud siya sa kaniyang nagawa.






"Good job, Pira. Makakaasa kang doble ang sahod ko sa'kin ngayon buwan." nakangiti kong sabi na kinalaki ng mata niya.





"Thank you, milady! I will do my job well so be at ease." Determinado niyang sabi na kinangiti ko na lang din.






"A–ang ganda ni Lady Heavenhell!!!"



"Nakita mo rin? Ang ganda pa ng smile niya!"




"Sinabi mo pa! Hindi ko alam na ganito pala siya kaganda lalo kapag nabibihisan ng maayos."




"Oo nga eh! Dinig ko pa naman na si Lady Mitchel daw noon ang nagsasabi ng susuotin ni Lady Heavenhell..."




"S–shh! Huwag kang maingay baka marinig ka ng personal maid ni Lady Mitchel!"




"Ahh basta! Si Lady Heavenhell ang pinakamaganda sa mga Caventry."




"Shh! Tahimik! Nandiyan ang maid ni Lady Mitchel baka marinig ka."




 "S–si lady Heavenhell pre!"




"Ahh! W–wow! She looks so kind with her outfit!"





"Anong kind? Angel kamo!"




"C–crush ko na yata siya, bro!"





"Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa dahil crush siya ng lahat. Sad reality!"





Napailing na lang ako sa mga bulungan atsaka mabilis na nagpaalam kay Pira. Hindi ko na kasi siya pinagsama at maging ang driver ay pinaiwan ko na dahil mas trip kong bumiyahe mag-isa. Mahirap na at baka may ambush na naman na mangyari sa'kin edi nagdagdag pa ako ng aalalahanin diba?





"Take care, milady!"





Tinanguan ko na lang ang kumakaway na si Pira at mabilis na pinaandar ang kotse papunta sa capital.





Makalipas ang halos isa't-kalahating oras na pagmamaneho ay narating ko na rin ang napakalaking gate na may nakasulat na, "Welcome to Atlante's main orphanage!"





'Oh diba? Ang creative ng pangalan niya. Tsk!'






Hinarang ako ng limang gwardiya ng gate at mahinang kinatok ang bintana ng kotse ko. Agad ko namang binuksan ang bintana at inabot ang letter na galing pa kay Madam Eckheart. Nasabi ko na kasi na dadalaw ako sa orphanage kaya agad niya akong pinadalhan ng invitation letter.






"Welcome Ms. Caventry." sabay-sabay nilang sabi na kinangiti ko na lang. Syempre kunwari nga ay anghel tayo kaya tamang acting lang para masaya. Hehe!





"Thank you!" mala-inosente kong sabi na kinagulat at kinapula ng mga gwardiya. Aiya! Nasobrahan yata ang pagiging mukhang anghel ko kaya ganiyan sila mag-react!






Binilisan ko na lang ang pagmamaneho nang makapasok sa gate. Ngayong nasa loob na ako ay masasabi ko na mukhang paraiso ang buong lugar. Maraming mga puno, bulaklak, mga Bermuda grass na pwedeng higaan ng mga bata. May nakita din akong malaking play ground sa 'di kalayuan kaya hindi ko maiwasang ma-excite sa nakikita.





'I want to play! Of course with kids para hindi tayo napaghahalataang hindi nakapunta ng playground noong bata pa. Bwahahaha! Well, that's my life so I'm used to it. Yikes!'






Napailing na lang ako hanggang sa makita ang grupo ng mga bata sa playground na naglalaro. Actually, hindi siya laro na habul-habulan katulad ng ibang bata. Sila lang naman ay nagdudula-dulaan na may kasamang hari at reyna!






Dahil sa kyuryosidad ay naisipan ko na lang na ihinto muna ang kotse sa gilid. Dumiretso ako sa parte ng playground kung saan umaarte ang mga bata na sa tingin ko ay nasa six to ten years old ang edad.






Nang makalapit doon ay marahan akong umupo sa swing kung saan ito ay malapit sa punong ginagawa nilang kaharian kuno. Tahimik lang akong umupo at sinimulang makinig sa kanilang dialogue.






"M–mahal na hari ito na ang lalaking pinapahanap niyo sa'kin." sabi ng batang lalaki na sa tingin ko ay ten years old na dahil sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita.





"Shalamat pwede ka ng umalish! I–ikaw! Ikaw ba ang bwagong lalaki ng ashawa ko?! Shumagot ka!" bulol-bulol nitong sabi na muntik ko ng ikaubo.






'Damn! Anong bagong lalaki ang tinutukoy nitong mahal na hari na'to?!'






"Akow nga! H–hindi ka na niya mahal! Ako na ang gwusto niya!" sagot naman ng isa lang bata na sa tingin ko ay ka-edad lang Nung mahal na hari. Hula ko ay nasa 7 years old 'tong dalawa.





"Oy! Mwahal na Reyna pashok ka na!" nakangusong sabi ng cute na batang babae.






"Aww! A–ako na ba? Okiee! Tok! Tok! Papashok na ako ahh! Mhwahal na hari, huwag mo shiyang shasaktan! Mhwahal ko siya!" nagkukunwaring umiiyak na sabi naman nung mahal na reyna daw.






Napatakip na lang ako ng bibig nang muntik na akong matawa sa sinasabi nila. What the heck? Ibang klase pala mag-isip ng script ang mga bata mala-adult kung umasta. Ibawas mo lang yung mga bulol-bulol nilang pagsasalita.





"Hah! Pwaanong nangyarwi ito? Siya ba ang kabeth mo?! Mga kwawal patwayin niyo na ang twaydor na 'yan!" Utos ng bata na agad naman sinundan ng ibang bata.





"Pwatayin!!!"





"Twaydor ka!!!"





"Hindwi!!!"





"P–pfftt!" Agad kong natakpan ang bibig nang mapalakas yata ang tawa ko. Hindi nga ako nagkamali dahil ngayon ay nakatingin na sa'kin ang mga bata na para bang nakakita ng multo sa gulat.





"Atwe! Ate! Fwairy ka ba?"





"O–oo nga! Ang gwanda niyo ate!"





Napaubo naman ako sa narinig. Ehem! Sinasabi ko na nga ba at tama ang desisyon kong magsuot ng ganitong damit ehh. Ayan tuloy nasasabihan tayo ng fairy! P–pfft! Ehem!



"No, hindi ako fairy mukha lang. Ehem!" nakangiti kong sabi na agad na kinalito ng iba sa kanila.





"So, vwisitor lang kayo?"





'Aiya! Kung hindi lang 'to bata iisipin ko talaga na sinadya niya yung bwisitor.'





"Yes, bumisita lang si big sis niyo! Atsaka sino pala ang gumawa ng script niyo? Ang gagaling ahh!" nakangiti ko pa ring sabi.





"Ahh! Gawa po 'yon ng pinakamagaling na bata sa'min kaya lang masama ang ugali non!" sumbong na sabi ng ten year old na bata.





"Opwo ate! She's scwary!"





"Hmm! Hmm!"





"But she's intelligent and talented!"





Bigla naman akong na-curious sa batang tinutukoy nila kaya mas maigi na mahanap ko siya nang masama ko sa gagawin ko sa event.





"Alam niyo ba kung anong pangalan?"  tanong ko sa kanila.





"Swi kwontrabwida 'yon!"





"Hmm! Kontwrabida!"





"Masamang magsalita ng masama sa kapwa, kids." sabi ko pa na mala-guardian na akala mo talaga matino. Hehe!






"She's villain so you don't have to  talk to her, ate!" sabay naman ng isa. Sabay-sabay naman na nagtanguan ang mga bata na para bang ayaw nila sa batang sinasabi nila.






"Kids, don't call her villain. It's bad and––"






Hindi ko na natapos ang dapat sabihin nang may batang babaeng biglang sumulpot sa harap ko at masama akong tinignan.





"They are right. I'm Villain." masungit na sabi ng batang itim na itim ang buhok.





"Don't call yourself a villain 'cause you're not." Lalong kumunot ang noo niya na mukhang naiinis na sa'kin.





'Inaano ko ba ang batang 'to? Siya na nga pinagtatanggol siya pa ang gali––'





"No, I'm Villain. Villain is my name."





'W–what?!'




________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

继续阅读

You'll Also Like

263K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...