Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 20

317 91 20
By isipatsalita

Dahil mukha akong pera, sinubukan kong makipagsosyo sa negosyo sa isa kong kakilalang mahilig din sa pera at oto.

Nag-invest ako sa kaniya para sa isang medyo sosyaling talyer naman. Nagpundar talaga kami para sa mga lifter at ibang equipment na kailangan.

Inaral ko pa iyong nang mabuti at nagpaturo pa ako sa mga kakilala kong mekaniko para mas lumawak ang kaalaman ko sa pinasok kong negosyo.

Maayos namang siyang kausap, eh. Kumita rin naman ako ng mga ilang buwan mula roon pero maliit pa nga lang dahil nagpapakilala pa lang kami. Hindi pa kami sikat sa lugar.

Pero pagkatapos ng Holy Week, hindi na nagbukas ng talyer ang gago. Kesyo nasa Canada raw at umuwi muna siya kaniyang pamilya.

Mag-o-operate na lang daw kami pagbalik niya. Magpahinga lang daw muna ako kasama ang misis ko.

Ayos lang naman sa akin no'ng una pero pagpasok ng June at napagtanto kong wala pa rin siya, doon na ako nakapag-isip-isip.

May duplicate naman ako sa shop kaya ako na lang sana ang magbubukas, pero putangina talaga. Pinalitan na ang padlock kaya wala na akong access doon. Naka-triple lock pa!

Tinawagan ko siya sa Messenger pero hindi niya sinasagot. Sunod kong tinawagan si Adria para magsumbong sa mga nangyayari sa akin.

Panay ang mura ko kasi pakiramdam ko'y sinabotahe talaga ako.

Akin din ang negosyong iyon pero bakit naman kinatalo ako? Nag-invest ako nang malaki roon pero ano'ng nangyari?

Boy, hindi naman wantawsan o payb tawsan ang pinag-uusapan doon.

Milyon iyon. Galing pa sa ipon ko. Galing sa dugo't pawis ko. LITERAL.

Nagpaka-propesyonal pa rin ako. Marespeto pa rin ako sa chat. Sinubukan ko pa ring intindihin kahit masama na talaga ang kutob ko.

Galit na galit na rin si Adria pero sinabihan niya akong maghintay pa ng mga ilang linggo at baka talagang busy lang iyong tao.

Sumagot naman kinabukasan. Humingi ng pasensya. Uuwi na raw siya sa susunod na linggo. Marami pa siyang excuses na hindi ko naman kailangan pero sige, pinagbigyan ko pa rin.

Tao naman kasi akong kausap.

Aba't mag-ju-July na pero wala pa rin. Utang na labas naman. Nasaan ang hustisya roon?

Kinausap ko na rin ang mga tauhan na kinuha niya (dahil gusto niya raw 'yong subok na), at sinabi ngang wala pa raw tawag si "bossing" nila sa kanila.

Walang mga trabaho ang mga iyon kaya wala ring suweldo. Ang iba pa sa kanila'y may binubuhay na pamilya kaya inabonohan ko muna ang sahod nila sa loob ng isang buwan kasi naaawa nga ako.

Sa tuwing uuwi ako, para akong may regla. Puta talaga.

Lalo na no'ng b-in-lock ako ng kupal sa Facebook. Doon na lumabas ang pagkademonyo ko. Sinabi kong mag-fa-file ako ng kaso laban sa kaniya kapag hindi niya ibinalik ang pera ko gamit ang Peysbuk account ng isang katropa.

Kinontak ko na rin ang abogado kong kaibigan para tulungan ako.

Nagdoble-doble ang sakit ng ulo ko no'ng sumagot iyon at nang-blackmail pa.

Huwag ko raw siya hamunin kasi kilala rin daw niya ako at ang pamilya ko. Ibabalik daw niya ang pera ko pero hindi pa sa ngayon. Iyon ang sabi n'on.

Eh 'di sinabi kong ibalik nang buo sa akin kasi hindi naman ako mayaman na tao na tipong handang waldasin ang ganoong kalaking halaga ng pera.

Sa pagkakaalam ko'y rich kid iyon pero bakit naman ganoon? Bakit naman nagpasilaw sa pera? Bakit kinatalo ako?

Binato niya ako ng mga kadahilanang nagkasakit daw ang nanay niya at kung ano-ano pang dahilan na hindi ko naman kinagat kasi alam kong hindi totoo.

May kakilala kasi akong kakilala rin iyon at minsan na raw siyang naloko nito sa halagang 25k.

Lalong kumulo ang dugo ko. Alam ninyo kung bakit?

Tumigil ako sa pagtatrabaho sa kumpanya kasi magpu-full-time na sana ako sa negosyo. Malaking sakripisyo at sugal iyon para sa akin kaya talagang nalugmok ako.

Milyon iyon. Mahigit isang milyon pa. May loan pa akong binabayaran.

Wala na akong savings bukod doon. Pinaiikot ko na lang kasi ang perang nakukuha ko mula roon sa maliliit kong negosyo. Minsa'y balik puhunan na nga lang lalo na kapag matumal.

Isang gabing umuwi ako sa bahay, napaluhod ako sa harapan ni Adria.

Niyakap ko siya. Subsob talaga ako sa kaniya.

"I'm sorry. Mauurong ang kasal natin," nanlalata kong salita no'n.

Ang lalim pa ng hininga ko. Sinabi niyang naiintindihan niya at mas kailangan talagang unahing asikasuhin ang problema ko sa negosyo.

Makapaghihintay naman daw siya. Kahit gaano katagal pa basta ba huwag lang daw "Lola levels".

Humiling ako sa kaniya. Na huwag akong pababayaan kasi nasa punto na naman ako ng buhay na hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi madaling maghanap ng trabaho na malaki agad ang suweldo para lang may maibayad ako sa ni-loan ko at para may ipantustos ako sa araw-araw.

Pinatigil ko rin kasi siyang magtrabaho no'n, eh. Kasi nga kumpiyansa akong kaya ko siyang buhayin. Ang yabang ko pa sa parteng, "Buhay prinsesa ka sa akin, mahal!"

Nang sinabi naman niyang magtatrabaho ulit siya para makatulong sa akin, tinanggihan ko. Bukod sa ma-pride ako, obligasyon ko iyon, eh.

Hindi naman siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari iyon. Ayaw ko pating ipasa sa kaniya ang pinoproblema ko.

Basta ang bilin ko lang no'n sa kaniya'y huwag akong pababayaan. At alam na niya ang ibig kong sabihin doon.

Hindi ko sinabi sa erpats ko ang mga nangyayari sa akin. Bukod sa marami rin siyang inaasikaso, ayaw ko lang maipamukha sa aking nagkamali ako ng desisyon.

Ayaw kong malubog sa kahihiyan. Kaya si Adria at iba kong mga katropa lang ang nakaaalam nang totoo.

Ilang buwan na rin at wala pa ring naibalik na pera sa akin ang tarantado. Ako tuloy ang nag-a-adjust.

Hindi na ako nagko-kotse kapag malapit lang ang pupuntahan ko. Wala na akong ibang binibiling hindi naman talaga kailangan sa bahay. Minsan nagtitipid na rin kami sa pagkain.

Minsan kumukuha ako sa bahay nina Dadde ng stocks para mas makatipid pa.

Hindi na kami nagde-date ni Adria. Kadalasan nga'y tuhog date na lang ang nangyayari.

Lumiit ang tingin ko sa sarili ko. Kasi 'yong mga kakilalang kong kasing edad ko lang halos, medyo umangat na sa buhay. May enggrande pang kasal at may anak na nga ang ibatatlo-tatlo pa.

May naipundar naman ako para sa sarili at para sa amin ni Adria pero pakiramdam ko'y kulang pa rin. Hindi iyon ang goal ko. Hindi iyon ang gusto kong maranasan na buhay.

Iyong perang nahahawakan ko'y pinagkakasya ko na lang.

Hindi na rin kami gumagamit ng air con kasi nga nagtitipid na kami. Nakaranas kaming kumain ng itlog at dilis lang.

Minsan nga naninikip ang dibdib ko kapag pinagmamasdan ko si Adria. Para bang kinukuwestiyon ko ang sarili kung ganoon ba ang deserb niyang buhay kasama ako?

Lalo na no'ng nagsimula siyang mag-buy and sell ulit galing sa savings niya. Ibinenta na rin niya ang kotse niya para makatulong sa akin (hindi niya sinabi sa Mama niya). Mas kumikita pa yata siya no'n kumpara sa akin.

Putangina, lalo akong nanlumo.

Nag-away pa nga kami kasi kasasabi ko lang na kakayanin kong solusyunan iyon kaya huwag niyang iparamdam sa aking wala akong silbi.

Natanong ko pa, "Wala ka bang tiwala sa akin? Wala kang tiwala sa aasawahin mo?"

Umiiyak na siya no'n pero naapakan din kasi ang ego ko no'n lalo na nang sinabi niyang, "Tumutulong ako kasi kung hindi ko gagawin 'to, pareho tayong dilat ang mga mata." (non-verbatim)

Umalis ako. Pero bumalik din agad ako kasi naka-boxers at shirt lang pala ako. Mukha akong tanga kaya umakyat ako sa kuwarto para magpalit nang matinong shorts.

Mayamaya'y biglang yumakap sa akin ang bata. Nag-sorry siya at kung ano-ano pang sinabing magpapakalma sa diwa ko.

Pinaupo ko siya sa kama. Lumuhod na naman ako sa harap niya habang hinalik-halikan ko ang ibabaw ng kamay niya.

Humingi ako ng sorry para sa mga kapalpakang nangyayari sa buhay ko/namin.

Pinakalma niya ako't sinabing hindi ko kasalanan ang lahat. Huwag ko masyadong sisihin ang sarili. Huwag ko raw masyadong pressure-in ang sarili at baka magkasakit na raw ako.

"Mahal mo pa rin ba ako kahit hindi ko na naibibigay ang mga kailangan at gusto mo?" (non-verbatim)

Tanong ko iyan sa kaniya. Sa unang beses, hindi ako nakaramdam ng kilabot pagkasabi ko niyan. Sa sobrang seryoso ko sa buhay no'n, ni hindi ko na magawang magbiro.

Wala raw makapagpapabago roon, sabi niya. Proud pa nga raw siya sa akin kasi palagi kong iniisip ang welfare niya.

Na lahat ng mga ginagawa ko'y alam niyang para sa ikabubuti namin.

Binigyan niya rin ako ng assurance na hindi iyon dahilan para masira ang tiwala niya sa akin at hindi rin daw iyon ang dahilan para iwan niya ako.

At ayos lang daw na maging mahina ako. Ayos lang na ipakita ko sa kaniya kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Na hindi ko kailangang magpanggap na malakas at makisig palagi. Na okay lang maging baby boy ako paminsan-minsan. Na okay lang na kailanganin ko rin daw minsan ang tulong niya.

Ni-remind din niya akong wala kami sa kompetisyon at hindi kami nagpapataasan ng achievement sa buhay, dahil siya mismo'y wala pa rin daw nararating sa buhay.

"Kaya nga nandito ako, eh. Kaya nga partners tayo. Sa hirap man o hirap ulit," sabi niya. (non-verbatim)

No'ng mga oras na iyon, wala akong masabi. Literal na tinitigan ko lang siya habang hinihimas-himas ko ang mga braso niya.

Ang suwerte ko, gago.

Minalas lang ako sa negosyo at pera no'n pero taragis, biniyayaan naman ako nang matindi pagdating sa mapapangasawa.

Kaya pagkatapos ng araw na iyon, umorder talaga ako sa Siyapee ng singsing.

Sorry naman, iyon lang ang kinayanan ko. Magagalit din ang bata sa akin kung sakaling nabalitaan niyang gumastos ako nang malaki para sa singsing.

Nagtaka pa nga siya kung ano raw 'yong inorder ko sa Shopee pero idinahilan ko na lang na, "May pinabili sa akin si Gino (katropa ko no'ng kolehiyo pa)."

Mukha namang totoo sa malayuan 'yong singsing, eh.

Habang kumakain kami ng hapunan, hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko.

Tinablan ako ng hiya, mga p're.

Dati, nag-propose ako sa banyo. Nang sandaling iyon, japeyks naman ang singsing na binili ko.

Ano ba naman iyang mga ginagawa mo sa buhay mo, Palakol?

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya, ngumiti ako. Pekeng ngiti pa nga yata iyon pero natawa ako nang bigla niyang itinanong, "Ano'ng kasalanan mo? Umamin ka na."

Kilalang-kilala na niya ako, eh. Kapag hindi ako mapakali, alam niyang may sasabihin ako sa kaniya o may ginawa akong katangahan.

Pero mali siya no'n dahil wala akong kasalanan at wala rin akong ginagawang katangahan.

Nagkamot ako ng batok, "Mahal, kasi..."

Aruy, nagsungit na nga ang boses. Para bang kailangan ko na talagang sabihin kung ayaw kong matarayan buong gabi.

Kinuha ko 'yong singsing mula sa bulsa ng shorts ko. Ipinatong ko lang iyon sa mesa, katabi ng pinggan niya.

"Sorry, pipti pesos lang iyan sa Siyapee pero galing iyan sa puso ko," patawa-tawa kong salita kahit hiyang-hiya na ako.

"Gago ka, Axe. Gago ka talaga."

Tinakpan pa niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay bago nagpapadyak sa sahig. Narinig ko na ring sumisinghot-singhot na siya.

Inasar ko pa. Bakit 'ka ko siya umiiyak? Dahil ba peyk ang bigay ko sa kaniya?

Kinuha ko na lang ang kamay niya para ako ang magsuot no'n. Para naman sweet ako kahit kaunti. Eh shoot na shoot sa daliri, mga kaibigan.

Tiningnan niya ang singsing na para bang iyon ang pinakamagandang singsing na nakita niya sa buong buhay niya.

Umiyak na naman siya na parang bata. Bakit ko raw siya pinaiiyak eh hindi pa raw siya tapos kumain?

Hindi ko na rin natapos ang kinakain ko kasi siya na 'yong kinain ko.

Para bang tinanggal niya lahat ng stress at pagod ko no'n hanggang sa masaya kaming nakatulog nang magkalingkis sa bawat isa.

Hindi pa rin naging maayos ang problema ko. Naghirap pa rin kami halos buong taon hanggang sa mukhang umurong ang betlog ng gagong kasosyo ko sa negosyo at sinabing uutay-utayin niya raw ang pagbabayad sa akin basta huwag na raw ako magsampa ng kaso.

Nakahanap din naman ako nang matino-tinong work from home opportunity. Kumbaga, puwede na rin kaysa walang stable income.

Literal na tulungan kaming dalawa ni Adria. Imbis na magpokus kami roon sa mga utang at bayarin, naghanap kami ng paraan para makaalpas doon sa problemang ibinigay sa amin.

Tuwing gabi, sabay na kaming nagdarasal. Minsan siya ang nagli-lead, may oras namang ako.

Bumili rin ako ng alkansya para makapag-ipon kami sa old school na paraan. Kahit limang piso at sampung piso kada araw, ayos na iyon.

Para sa Pasko, may madudukot kami. May ipang-de-date kami o mabibili namin ang mga gusto namin.

Natutuhan naming mas mag-badyet na tipong kung hindi naman kailangan ng bagong damit, eh 'di huwag bumili. Kung puwede pa namang gamitin nang paulit-ulit ang isang bagay, eh 'di pagtiyagaan na iyon.

Mahirap ang sitwasyong kinabilangan ko pero hindi ipinararamdam ni Adria na nahihirapan siya. Ni hindi ko nga siya narinig na magreklamo kapag itlog na naman ang kinakain namin.

Tama ngang go with the flow siya. At naniniwala naman akong makababawi ako sa kaniya balang araw. Hindi man ASAP, pero bullet sun, mga tsongs.

Bakit? Kasi matindi ang backup namin sa itaas. Alam naming hindi Niya kami pababayaan.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 2.5K 17
Ito na ba ang hangganan? © 2021 isipatsalita.
907K 27.2K 43
She's a rare shattered jar with a golden lid. The jar refers to her heart and once it shattered, she has nothing but the golden lid that is not reall...
7.6K 392 34
Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never f...
7.5K 545 20
Zoe meets Nori in an unexpected event where he saves Nori from trouble. But becoming friends with her wasn't part of his plan. He's supposed to be fo...