Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 21

39 12 0
By love_dine

Chapter 21

Napanguso siya at halata ang pagpipigil ng ngiti. Nawala ang gulat sa mukha ko at napalitan ng malamig na ekspresyon.

"Pwede bang tumabi ka diyan?" Masungit kong pahayag. Actually, naka open ang door pero nakaharang naman siya.

"Opps, sorry." Napalabi siya at sinusubukan ang hindi mangisi. Tumabi siya at pinadaan ako.

"Akala mo ay palaging nakikipagbiruan, hindi naman." Bulong ko. I made sure that he heard it right. I walked towards my friends in straight face who's now in very shocked face.

Panay ang bulungan ng dalawa, si Albie at Kaye. Tapos ay tumitingin sa dulong parte ng coffee shop. Paniguradong naroon ang lalaki.

Saglit lang ako dahil break time ko lang naman at uwian na nila. Wala akong nilingon nang lumabas pero base sa tingin ng mga kaibigan ko, may agad na sumunod sa likuran ko.

It happened a lot of times. He would go in our hospital where I work para dalhin ang empleyado o ano. Pero madalas, tuwing break ko ay nasa mesa na talaga siya. Sa dulo kung saan siya nung nakaraan. Kung minsan ay nauuna saakin, kung minsan ay sumusunod.

Still, hindi ko iniisip na para iyon saakin. He can do whatever he wants.

Pumasok ako kasama si Trevor para sa break namin. Sumabay na siya dahil nauna na ang mga kaibigan niya at nang bumalik para pumalit sa duty ay kami naman ang sumunod.

"Anong gusto mo, Jude?"

"Sama na ako." He nodded.

I ordered their best selling cake and coffee since kanina pa ako nagke-crave dito.

"You like that?" I nodded.

"Crave," Tipid kong sagot. Ngumisi siya at tumango. Sinagot niya ang food ko kaya nag-thank nalang ako.

Sa usual spot namin nina Kaye kami naupo. We're just casually talking when I saw someone holding a tray with the same order that I have.

Kai looked at me with a serious expression and when he looked at Trevor, umirap siya. Napamaang ako.

Dumiretso siya sa mesa ng mag-isa lang siya. Napasunod tuloy ang tingin ko at pagkaupong pagkaupo niya palang ay tinaliman na ako ng tingin. Tapos ay umirap ulit. Bumaling ako kay Trevor na walang kamalay malay.

Kinunutan ko si Kai ng noo nang bumaling saakin. Umismid siya at tumagilid ng upo na animo'y tinatalikuran ako.

"What the fuck?" Bulong ko sa sarili.

"You okay?" Si Trevor. He looked at me with curious eyes. I sighed before nodding my head. Hindi mapakali sa kung anong problema ni Kai.

Kating kati ako na lapitan siya at tanungin pero mas nangibabaw ang pride ko kaya nanatili ako sa kinauupuan. Ngayon ay mas lumilinaw saakin ang intensyon niya kung bakit halos tuwing gabi ay nandito siya. Tuwing magdidilim ay may lagnat ang ilang empleyado niya. O, tuwing gabi ay nandito siya at halos gawing dinner ang cake and pastry.

Lumipas ang araw na si Trevor ang madalas kong kasabay dahil magkaiba kami ng duty nina Kaye. Kaming dalawa kasi ang naiiwan ni Trevor kapag saglit na nag-bebreak ang ilang mga kasama. Hindi kasi pwedeng sabay sabay kami dahil baka mamaya ay kailanganin bigla.

I ordered my usual coffee at iba lang ang sa pastry.

"Ikaw? Libre ko naman." Saad ko. Napanguso siya at napakamot sa noo.

"Wait, na-pressure ata ako. Ang mahal kasi ng usual order ko at ililibre mo pa!" Halakhak niya. I smirked.

"Mauubos ang pera mo saakin." Humalukipkip ako at humilig sa counter habang inaantay siyang mamili.

"Ano, the usual? Or may iba?"

"Hmm, parang gusto kong tumikim ng ibang pastry." I nodded and waited for him. Nagtagal kami sa counter at namimili pa siya.

"Can I order first?" Masungit na wika ng lalaki sa likod.

"Oh, sorry." Napagilid si Trevor at nahihiyang tumango. Napakunot ang noo ko nang makilala si Kai.

"I'll order the usual coffee, and--" Bumaling siya saakin. "Anong pastry ang in-order mo?" He asked. Nalilitong napatingin si Trevor sakaniya.

"Uhm, she ordered croissants, sir." Ang babae sa counter nang hindi ako nakapagsalita.

"Okay, I'll get that, too." Bago ay tumabi at nag-antay din sa gilid ko. May nauna pa ulit kay Trevor kaya napalabi siyang tumingin saakin.

"Una kana." I shook my head.

"I'll wait for you. Ako ang magbabayad diba?" Muli siyang nahihiyang napahawak sa noo bago tumango.

"Tss..." Napalingon ako sa katabi kong nakahilig sa counter.

I rolled my eyes on him. Papansin.

"Are you dating that guy? Tss, malabo. Hindi kayo bagay." Hindi ko na kinaya ang attitude niya. Humarap ako at irita siyang tinignan.

"Ako ba ang kausap mo?" I asked.

"Yup." He said with confidence.

"May problema kaba saakin? Napapansin kong palagi kang irita at hindi ko na gusto ang attitude mo saakin." Bulong ko. Siniguradong hindi maririnig ng kung sino.

"Tss..." Mariin akong napapikit.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo. Meron ba?" I asked.

"Jude?" Si Trevor. Napasinghap ako nang tapos na agad siya.

"I'll talk to you later." Mariin kong ani. Ngumisi siya at mayabang na tumango. "Sure." I shook my head in disappointment. Hindi siya nagpatalo at nagkibit balikat lang. May ngisi at animo'y nag-eenjoy.

"Emergency." Si Trevor. I nodded. Hindi na namin nayari ang kinakain at agad na tumayo. Mabilis kong nahagip ng tingin ang pag sunod ng tingin ni Kai pero hindi ko na ito pinansin.

Trevor opened the door for me at nauna na ako sa paglabas. Buong hapon hanggang gabi ay nag-aid kami ng magkakaibigan na na-aksidente. May mga na-confine at dumagsa ang tao at pasyente hanggang alas otso. Tuloy ay hindi na ako makakauwi kahit na off ko na ng ten pm.

I just change my clothes kasi sobrang pawis na pero kailangan pa rin kami ng magdamag. Diretso na hanggang umaga.

"I'll buy you some food, Jude. Ako ang susundo sa'yo sa umaga at huwag ka ng umuwi sa apartment mo."

"Yeah, don't worry about me. May twenty minutes break ako. Idlip lang saglit."

"Do that, please. I'll just leave your food sa guard. Get it from him after your nap."

"Okay, bye."

Leroy sighed. "Bye, I love you."

"Okay, I love you too."

Ganoon ang ginawa ko. I napped for just fifteen minutes and ate for five. Then, sumama na ako sa rounds. May emergency patients ng madaling araw kaya mas naging busy kami.

"Mag-didiretso ka?" Si Kaye na kadadating lang.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ah, yeah. Pero idlip muna ako ng isang oras." She nodded before she kissed my cheek and proceed to her work.

Mas naging maganda ang tulog ko after an hour nap. Tapos ay diretso na ulit sa trabaho. Mabuti at may coffee sa pantry at may pagkain pang pinadala si Leroy kaya nakakain ako ng maayos kahit na hindi na lumabas pa.

Nang magtanghali ay hinayaan kaming umuwi para makapagpahinga ng kaonti pero papasok pa rin ako mamaya at lalabas ulit ng ten.

That's what happened. Kaya kahit papaano ay may lakas na ako nang muling pumasok. Dumaan ang buong hapon at ramdam ko na ang pagod ng mga paa at binti. Kahit ang mga kamay at braso.

"Kain muna tayo," Aya ni Kaye.

"Sunod ako." She nodded. Nauna na sila nina Lyle at Albie. Pare-parehas naming out. Nag-extend din sila kaya ito at magkakasabay kami.

To: Leroy

I'll just eat with my friends.

From: Leroy

Okay, text me once you're done.

To: Leroy

Okay.

Nakapamulsa ako habang papasok sa coffee shop. Gusto kasi nilang kainin 'yung bagong labas na pastry. Ako rin naman. Pero kaonti lang kakainin ko dahil balak kong matulog agad pagkauwi at hindi magandang sobrang busog ko bago matulog.

"Cravings satisfied!" Si Kaye at Albie. Katabi ko si Albie at sina Kaye at Lyle ay sa harap ko.

Nakatalikod ako mula sa pinto at matipid ang bawat kilos habang sumisimsim ng juice.

"Grabe si mommy, hindi ako pinayagan sa dubai expo! I've been waiting for that event for so long!" Si Albie.

"Maganda doon." Tipid kong ani. Napalabi si Kaye at tumango.

"Kainis! Ako nalang ata ang hindi nakapunta doon!"

"We can go next time." Malalim siyang bumuntong hininga.

"Mag-iipon ako ng day off." Aniya. Pero for sure ay hindi mangyayari iyon.

"Magpunta tayo, ha? Ano, next year?" Nagkibit balikat lang ako.

Tumikhim si Lyle at napaayos ng upo kaya napabaling ako sakaniya. Ipinilig niya ang ulo niya kaya napabaling ako sa likod at nakita ko ang mag-isang pagpasok ni Kai sa loob. Agad na dumiretso sa counter. Nang mayaring mag-order ay ni isang beses ay hindi man lang bumaling sa pwesto ko.

Natabunan ang pagsunod ko ng tingin nang may isang barkada, apat na lalaki at tatlong babae. Pumwesto sila sa gilid namin at sa dami nila ay agad natakpan ng paningin ko si Kai.

I cleared my throat before I looked away. Umakbay si Lyle sa inuupuan ni Kaye at makahulugang ipinilig ang ulo. I just raised my brow.

Napatingin si Kaye sakaniya at inosenteng gumilid at sinandal ang likuran sa dibdib ni Lyle. Agad namang lumapat ang kamay ni Lyle sa buhok nito at bumulong. Kaye nodded and whispered back.

I sighed.

Tumayo ang magbabarkada para umorder at naiwan ang ilan nilang kaibigan na mostly ay lalaki. Pumangalumbaba ako at pasimpleng tumingin sa gilid para sulyapan si Kai. Napakunot ang noo ko nang mapansin na may kaharap na siyang babae roon. They are not talking and were both busy with their coffee.

Tumikhim ako at umayos ng upo. Natulala saglit bago muling tumingin sa side nila at ngayon ay kausap niya na ang babae. Hindi man lang sumusulyaps a side ko. He was just busy and that's all.

Hindi na ako muling sumulyap nang muling napuno ang kabilang table. Medyo maingay sila at nagtatawanan.

"Gaganda nga, e."

"Kanina pa nga tumitingin dito."

Sumulyap ako sa phone ko nang makita ang bagong text ni Leroy.

From: Leroy

Done?

To: Leroy

Not yet.

Binaba ko ang cellphone at tuluyan nang napabaling sa kabilang pwesto dahil malakas na ang tawanan at biruan nila.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kababang cellphone nung lalaki na parang nakatutok sa pwesto namin kanina.

"Ang ingay naman." Si Albie. Napansin din pala iyon pero hindi napuna ang kabababang cellphone na parang pinang-picture.

"Halika na nga," Aya ni Kaye. Akmang tatayo palang ako nang mahagip ng tingin ko si Kai na patungon sa pwesto namin. Pero hindi kalaunan ay huminto ito sa isa sa mga lalaking nasa pwesto.

"Si Kai ba 'yan?" Si Albie.

"Oh, shit!" Nagtayuan ang magbabarkada at agad na hinatak ang kaibigan nila sa galit na galit kay Kai.

"Mauna na kayo sa labas," Mahinahong saad ni Lyle. Pilit kaming tinutulak palabas pero nanatili lang ako sa pwesto at tinitignan si Kai. He was pointing his finger doon sa cellphone nung lalaki pero pilit itong nilalayo ng lalaki.

Ang ibang lalaki sa grupo nila ay lumapit at tila naghahamon kahit na pilit silang hinahatak palabas ng mga kasamang babae.

"Siya ang nauna!"

"Show me your fucking phone! Nakita ko ang ginawa mo!" Hindi sinasadyang natulak nung lalaki si Kai kakapigil na lumapit kaya mas malakas itong tinulak ni Kai at agresibong kinwelyuhan ang lalaking may hawak ng cellphone. Napatili ang mga babae.

"Jude!"

Nagmartsa ako palapit pero mabilis na hinatak ni Albie nang sinuntok ni Kai ang lalaki sa mukha.

"Kai!" Sigaw ko.

Hindi ko na halos marinig ang sigaw nung lalaki dahil nakapokus na ako sa galit na galit na si Kai.

"That's enough!" Hinawi ko ang kamay niya sa kwelyo nung lalaki pero madiin ang kapit niya dito. Ang lalaki ang may dugo na agad sa labi sa isang suntok palang.

"No, he's taking pictures of you secretly!" Halos mabato ako nang marinig iyon. It sounds like stalking to me. Natauhan ako nang may gwardyang lumapit. Hindi nagpatinag si Kai at hinablot ang cellphone sa kamay ng lalaki.

"Jude, halika na." Si Lyle.

Hinablot ko rin ito mula sakaniya. "Give it-" Agad siyang napahinto nang makita ako.

"Go home now, Kai." Bago pabato kong binalik ang cellphone sa lalaki at tumalikod na. Histerikal ang kalabog ng dibdib ko. Mabilis ang bawat paghinga at nanginginig sa inis at galit.

"Get the fucking phone from him!" Sigaw nito. Nakalabas na ako nang nahuli niya ang siko ko at dinala sa gilid ng kaniyang sasakyan.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa sobrang inis. Halo halong inis na naipon na simula pa nung sunod sunod niyang pagpapakita saakin na parang normal lang ang lahat sakaniya!

"Ano bang problema mo at nakipag-away ka doon?!" Irita kong sigaw. Marahas niyang ginulo ang buhok at may bahid pa rin ng galit sa mga mata.

"That fucking pervert was taking pictures of you!" Nakaramdam nanaman ako ng pandidiri nang marinig iyon. Taking pictures secretly is just the same as having someone following you around secretly. Like watching you.

"Can you stop doing that?! Ha? Pwede ba! Akala mo ba ay hindi ko napapansin? Since, I got here palagi kang nagpapakita saakin! Palaging magpapakita ng may sugat o galos! Duguan! Ngayon naman ay naghahanap ka pa ng gulo!" Halos maiyak ako sa sobrang frustration!

"Hindi mo kasi nakita, e. They were making fun of your innocence there! Ako, nakikita at naririnig ko!"

"Shut up! You're just making an excuses again!" Tinulak ko siya nang umaamba siyang lalapit. Nanghihina siyang umatras at umiling.

"I'm not..." I chuckled sarcastically.

"Akala mo ba... na natutuwa ako sa presensya mo? Every time I see you! I have to remind myself to be professional! It's making me sick! You always pretend that nothing happened to us before! Na ayos lang ang lahat dahil maganda ang pakikitungo ko sa'yo!" Napahikbi ako matapos sabihin ang inis ko sakaniya. Pinilit kong hindi manginig ang labi dahil gustong gusto kong sabihin ang galit ko sakaniya!

Nanghihina siyang sumandal sa sasakyan. Ang sakit ay kitang kita sa mga mata. Nagtagal iyon sakaniya kaya umiwas ako ng tingin at marahas na pinunasan ang luha.

"I'm sorry for making you cry... again." I shook my head.

"S-Sorry, Jude. I wanted to talk to you so bad. Pero nahihirapan ako dahil baka masaktan ka nanaman. I wanted to see you, to touch you, to feel you again. Dahil sising sisi ako noon." Nanunuyo niyang wika.

"I wanted to bring back--"

"Hindi... ayoko." Iling ko. Hindi lang dumaan ang sakit sa mga mata niya, nanatili iyon bago bumagsak sa sahig ang tingin niya.

"So, stop pretending that we're okay. Maayos ako sa'yo dahil sa trabaho ko. But aside from that, huwag na tayong maglokohan pa dito. Alam mong malabo 'yang sinasabi mo. You fooled me once, pero wala akong balak na dalawahin iyon. Hindi na ako magpapakatanga sa'yo. " Nanghihina siyang yumuko at hindi nakatakas saakin ang pamumula ng mga mata.

"Jude..." Kinakalma ko ang sarili ko bago pa ako makita ni Leroy ng ganito.

Umayos siya ng tayo at nanlulumo akong tinignan. Nangingilid ang luha at napapalabi.

"Magiging okay din tayo, please. Kung mag-uusap lang ng maayos, I'll explain everything to you." Pakiusap niya.

"H-Hindi na ako magsisinungaling. I'll do whatever you want me to do. G-Gagawin ko kung anong gusto mong mangyari. Basta huwag lang ang ganito..." Malamig ang titig ko sakaniya.

"Sinasadya mo ba ang mga aksidente mo?" That's too shallow, then.

Nanlaki ang mga mata niya at umiling. "'Y-Yung iba," Pag-amin niya. "I was just t-trying my luck to see you." I laughed sarcastically. Nailing at walang masabi.

Pero ganon pa man ay tumango ako. Buo ang desisyon sa sasabihin. "Huwag mong ibalik ang mga ibinabayad ko sa'yo." Kahit anong bayad ko, sinasabi lang ni Leroy na binabalik lang din naman.

"Alam kong utang na loob ko na pinaaral mo ako at nandito ako sa profession na gusto ko. Pero sana ay hayaan mo akong ibalik ang mga nagastos ko." His face darkened. Tumiim ang panga at parang may hindi nagustuhan.

"Anong ibig mong sabihin, Jude?" May halong galit ang boses niyang iyon. Napaayos ako ng tayo at pinantayan iyon.

"I list down all the expenses you pay for me before. Ngayong may trabaho na ako ay gustong kong mabayaran iyon."

"You can't pay for that." Iling niya.

"Alam ko. Pero may sariling pera na ako at ipon para doon. Hindi ko man mabayaran ng buo pero mababayaran ko rin kalaunan." He chuckled dangerously.

"I'm not asking for your money, Jude. You don't bring up that topic to make me feel insulted.  Hindi ako nanghihingi ng kapalit at kailanman ay hindi ko sinabing utang iyan. Wala kang utang saakin. Nandito ako para magpaliwanag at humingi ng tawad, hindi ang maningil."

"I wanted to ask for your forgiveness." I shook my head.

"Really? Kung papatawarin ba kita ay hindi mo na akong sisingilin?"

"Hindi kita sinisingil!" Irita niyang ani.

"Kung papatawarin mo ako ay hindi dahil sa tingin mo ay may utang ka saakin! You'll forgive me because you heart wants to!"

"I'd rather pay my debt, then." Nawala ang tapang sa mukha niya at napalitan ng panlulumo.

"Jude." Mabilis na lumipat ang tingin ni Kai galing saakin patungo sa lalaking tumawag saakin. Si Leroy.

"Let's go." Mabilis akong pumihit patalikod at sumunod na sa kapatid ko.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 1.4K 36
Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng...
12.5K 698 65
[NIKA SERIES #1] Veronika Azusa Ficarro, isa sa mga kilalang fashion designer sa bansa at sadyang tinitingala ng lahat. Ang lahat ay kaniyang nakukuh...
103K 4.3K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
13.5K 1.4K 22
๐ƒ๐˜๐๐€๐’๐“๐˜ ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ #๐Ÿ‘ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐˜€, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ, ๐—ฉ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ก๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ฆ๐—ฒ๐˜… Unedited ๐“๐ก๐ž ๐๐ฒ๐ง๐š๏ฟฝ...