Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

donnionsxx04 द्वारा

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... अधिक

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 60:

473 21 1
donnionsxx04 द्वारा

JOHNSER SY POV:)

"Si Elizabeth?" Tanong ko kaagad sa pagtataka.

Bakit si Aling Doya maglilinis sa office ko? Absent ba si Elizabeth? Di naman sya nagpaalam na mag-aabsent siya ngayon. Wala akong na-receive na text niya.

"Sir, ako muna po papalit kay Miss Villatorte. May sakit po siya ngayon e. Pinauwi ko po siya ngayon kasi ang taas ng lagnat niya baka kasi mahimatay siya dito." Paliwanag nito.

Natigilan naman ako sa nalaman dito.

"Uso po kasi, Sir, ang sakit." Dagdag pa nito.

Tumayo ako sa pagkakaupo at mabilis na hinablot ko ang cellphone ko na nakalapag sa table at naglakad patungo sa pintuan.

Lalabas na sana ako ng office, pagbukas ko pa lamang ng pinto tumambad na lamang sa harapan ko si Tito Andrew kasama ang assistant niya.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong nito. Gumilid ako para bigyan ito ng daan ng pumasok ito sa loob ng office ko.

"W-wala naman." Pagsisinungaling ko nang sundan ko ito.

Naupo ito sa sofa at ako naman ay naupo rin sa kabilang sofa ka-harap niya habang kanyang assistant ay nakatayo lamang malayo sa kinauupuan namin.

"Balita ko may meeting kayo mamaya tungkol sa Anniversary ng All Day Shop ni Mr. Kailes?" Panimulang topic na lamang nito.

"O-oo." Nautal na sagot ko."A-ano yang dala mo, Tito?" Tanong ko nang may hawak siyang folder na itim na tila naglalaman ng mga papeles.

"May pinapagawa sa akin ang lola mo."Sagot nito.

"Ahh." Patango-tango na sabi ko lang sabay tingin sa wrist watch ko. Alas 9 na ng umaga, kailangan ko pa pumunta sa bahay ni Elizabeth. Dadalhan ko siya ng gamot niya. Base sa resume niya, mag-isa na lamang siya. Kailangan nya ako ngayon.

"May pupuntahan ka ba?"

Naiangat ko kaagad ang ulo ko."Oo. M-may ime-meet lang akong kakilala ko." Pagsisinungaling ko.

"Okay." Tumayo na ito sa pagkakaupo."Aalis na rin ako dahil pupunta pa ako sa ****Hospital." Sabi nito.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at nag-bow dito bilang paggalang."Mag-iingat kayo, Tito."

Nakangiting tumango lamang ito at naglakad na ito papuntang pintuan. Sumunod naman ang assistant nito. Nang makaalis ito, kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa at mabilis na dinial ang number ni Ramon.

"Paki-handa ang kotse ko. Aalis ako ngayon." Sabi ko dito at binaba rin kaagad ang tawag. Pagkabalik ulit sa bulsa ang cellphone ko, naglakad na ako para lumabas ng office ko.

****

Pinarada ko naman ang kotse ko sa harap ng apartment ni Elizabeth. Pagkalabas ko, nakita ko naman lahat ng tao dito ay nakatingin sa akin pati sa kotse ko.

May lumabas naman na lalaki sa gate mula sa loob ng apartment na tinutuliyan ni Elizabeth. Mabilis ko naman pinagtanungan ito.

"Excuse? Pwede magtanong?"

Nagkukulangot na tumigil naman ito sa paglalakad habang ang isang kamay nito sa short na kupas.

"Ano 'yon?" Parang wala sa mood sagot nito. Pinunas naman niya ang kamay sa damit nito na pinagkulangutan nito.

"Andyan ba si Elizabeth?" Tanong ko sa pormal pa ring boses.

"Sinong Elizabeth?" Napakunot-noong tanong niyo.

"Elizabeth Villatorte---"

"Ano kailangan mo sa prinsesa ng kaibigan ko?" Naging agrisibong tanong nito. Medyo naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin dahil mas lalong kumunot ang noo nito.

"Ako si Johnser Sy. Kaibigan ako ni Elizabeth." Pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Sy? Wait!" Turan na lamang nito at napatingin sa ibaba na tila may inaalala. Nanlalaki ang mata na napatingin ito sa akin halos umawang pa ang bibig nito at tila gulat na naituro-turo ako."A-anak ka ng may-ari ng Uphone?!" Di makapaniwala bulalas nito.

"Yes---"

Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang makarinig ng boses na tila galit na nagsisigaw.

"Bakit ang tagal mo?! Masusunog na yung niluluto ko?!" Sigaw ng babaeng kakalabas lang ng apartment. Mabilis nito nilapitan ang lalaki na nalaman ko naman na nanay niya ito.

"Ma!" Mabilis na hinila ito at may binulong. Tinuturo-turo naman ako.

Nanlalaki mata na tila nagulat sa nalaman halos napahawak pa ito sa bibig.

"Totoo? Anak siya nagmamay-ari ng Uphone? Boss siya ni Elizabeth?" Mahinang bulong nito ng babae sa anak nito.

"Oo, Ma." Patango-tango sagot nito dito.

Mabilis naman pumalit ang eskpresyon sa mukha nito ng humarap sa akin. Nakangiting tumingin ito sa akin. Nagulat na lamang ako ng kinamayan ako kito.

"Hello, Sir. Ako pala si Martha at ito naman ang anak ko." Sabay hakbay kaagad sa anak niya."Siya si Anthony, wala pa siyang trabaho at naghahanap pa siya. Magaling siya sa mga kalikot ng nga gadget. Baka pwede nyo siya ipasok sa Uphone." Nakangiting sabi nito.

"Ma." Suway ng nangangalang Anthony sa ina niya. Kinurot naman nito ng palihim ang anak."Ouch!" Mahinang saad nito.

Nakangiting bumaling pa rin ang ginang sa akin.

"B-boss ka ni Elizabeth?" Tanong nito.

"Yes. Nandito ba siya ngayon?"

****

"Nasa 2nd Floor ang kwarto niya. Kung may nakita kang pintong kulay green, iyon ang kwarto niya." Naalala kong sabi ng ginang.

Tumigil naman ako sa tapat ng pintuang sinabi ng babae. Kulay green, ito lang ang pintong kulay green dito. Ito na ata ang kwarto ni Elizabeth.

Kumatok naman ako sa pinto. Di nagtagal, bumukas iyon at nakita ko naman si Elizabeth. Namumutla siya at bakas sa mukha nito na masama nga ang pakiramdam niya.

"Sir Johnser." Gulat na sambit nito nang makita ko.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. Magsasalita na sana ako nang di ko napatuloy nang makarinig ng boses na tila kilala ko at pamilyar sa akin.

"Sino ka?"

Sabay naman na napalingon kami ni Elizabeth sa nagsalitang iyon. Natigilan na lamang ako ng makita ang mukha ng kapatid ko na tila nakakita ako ng multo sa harapan ko na muling nabuhay.

**FLASHBACKS**

"Tito." Tawag ko.

Napatigil naman ito sa paglabas ng office ko. Dahan-dahan tumalikod ito at humarap sa akin.

"Ayaw kong patayin ang kapatid ko." Pag-aamin ko dito at nakaupo pa rin ako sa sofa.

Tahimik lamang itong nakatingin sa akin.

Di nagtagal, nagsalita rin ito.

"Hahayaan mo bang kunin lahat ni Clive ang lahat saiyo?" Tanong nito na natigilan naman ako.

Napayuko naman ako sa sobrang lunkot. Oo, kaagaw ko sa lahat si Clive pero kapatid ko siya. Hindi ko kayang patayin ang kapatid ko. Kaya kong patayin ang ibang tao pero hindi ko kayang gawin ko iyon sa kapatid ko.

Lumapit si Tito Andrew sa kinaroroonan ko. Pinatong nito ang kamay sa kaliwang balikat ko.

"Ako nalang gagawa." Sabi nito.

Napatingin naman ako dito sa pagkagulat."Anong gagawin mo kay Clive, Tito?" Tanong ko.

"May naisip na ako. Ako na gagawa para hindi ka madamay. Itikom mo lang ang bibig mo." Makahulugang turan nito.

Natahimik na nakatingin lamang ako dito.

****

Abala ako sa pagpi-pirma ng mga papeles nang tumunog na lamang ang cellphone ko. Nakita ko namang may sinend na video si Tito Andrew.

Nakita ko namang balita iyon mula sa T.V. Na-aksidente ang kapatid ko at kasama ang katawan niya sa pagsabog ng kotse. Napangiti na lamang ako dahil ito pala ang plinano ni Tito Andrew.

Nasa isip ko ay mapapasaakin na rin ang dapat sa akin. Kampante ako sa sarili ko na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng kapatid ko kaya wala ako nararamdaman na konsensya. Pero nakakaramdam ako ng pagkalungkot. Kapatid ko siya at may pinagsamahan rin kami.

Tama si Tito. Kailangan masaya ako dahil wala na ang taong kaagaw ko sa lahat.

Kaya pala pinauwi niya ng maaga si Dylan dahil dito niya pinatrabaho ang pagligpit sa kapatid ko.

**End of Flashbacks**

Di ako makapaniwala na makikita ko ulit si Clibe Hindi ko alam paano siya nabuhay o ang kapatid ko ba ang nakikita ko ngayon.

Kunot-noong nakatingin ito sa akin habang may dala itong sapot na naglalaman ng gamot at biscuit. Dahan-dahang lumapit ito sa kinaroroonan namin at kunot-noo pa ring nakatingin sa akin habang ako naman ay bahagyang nanlaki matang nakatingin dito.

Paano nangyari ito? Bakit si Clive ang nakikita ko? Buhay siya?

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sino ka?" Tanong ulit ni Ros kay Sir Johnser nang kaharap niya ito. Salubong ang kilay na nakatingin dito.

"R-ros." Nautal na sabi ko. Lagot! Anong gagawin ko?

"Sir!"

Nagulat na lamang kami nang may sumulpot sa likuran ni Ros. Binangga pa nito si Ros na dahilan natumba ito. Nakita ko naman ang Landlord namin na may dalawang ng mga grocery na nasa paper bag pa.

"Ipasok na namin ito sa loob?" Nakangiting sabi ni Aling Martha kay Sir Johnser.

"Aray." Sambit ni Ros habang sapo ang likod nito pagkatayo.

Nakita ko naman si Bossbrad na may dalang maraming pizza na tila galing rin ito kay Sir Johnser. Wag mong sabihin, para sakin lahat yan?!

"Kanino yan?" Palihim na tanong ni Ros sa kaibigan sabay turo sa apat na pizza na nasa lagayan nito.

Mabilis siniko nito si Ros."Tanga! Boss yan ni Elizabeth." Sabi ni Bossbrad kay Ros.

"Ah? Boss?"

"Kaya umayos ka. Nakasalalay sa lalaking iyan ang trabaho ni Elizabeth." Sabi pa rin ni Anthony dito.

"Oo." Sagot rin ni Sir Johnser kay Aling Martha.

Nakangiting pumasok naman si Aling Martha sa loob ng kwarto namin ni Ros. Halos gumilid pa ako para bigyan ito ng daan. Ako tuloy nahihiya kay Sir Johnser. Di ko alam bakit pumunta pa siya dito. Paano kung malaman ito ng mga katrabaho ko? Malaking chismis ito kung ganun.

"S-sir Johnser, juice po." Sabi ko sabay lapag ng juice sa harap nito.

"Thank you." Seryoso lamang ang mukha sabi nito.

Naupo na ako katabi ni Ros. Nakaupo si Sir Johnser sa pang-isahang sofa habanh kami ni Ros dito sa mahaba. Nandito kami sa sala, tila nawala ang lagnat ko nang nandito si Sir Johnser. Nakakahiya naman talaga kasi nandito yung boss ko sa pamamahay ko.

Di pa kami nakakalinis ng bahay, nakakahiya tuloy.

"Elizabeth, wag kana gumalaw. Ako na bahala dito." Nakangiting sabi ni Aling Martha pagkalabas sa kusina."Pasensya na, Sir. Maliit lang apartment namin. Pag may trabaho na anak ko, papagandahan ko ito." Nakatayo lamang na sabi nito. Nawala yung pagiging maldita ni Aling Martha. Anyare?

"Ma." Palihim na suway ni Bossbrad dito habang nakaupo rin ito sa sofa katabi naman ni Ros.

Palihim na tiningnan ng pagalit nito si Anthony. Natahimik naman ito. Kumuha na lamang ng pizza ito na nakapag sa maliit na mesa sa harap namin. Sarap na sarap naman ito habang kumakain.

"Okay lang." Seryoso pa rin na sagot nito. Di nagtagal, bumalik ito sa akin."May dala akong gamot. Inumin mo iyon ah?" Sabi nito sa akin.

"Ah?" Naituran ko lamang.

"Di kailangan yun ni Lady Beth. May binili na ako." Supladong sulpot ni Ros.

Napatingin naman kaming lahat dito. Naka-cross arms ito at ang talim na nakatingin kay Sir Johnser. Palihim naman na hinawakan ko ang manggas ng damit niya para ipahiwatig na hindi kaaway si Sir. Nahihiya tuloy ako kay Sir sa pinaggagawa ni Ros.

"K-kaano-ano mo siya?" Tanong na lamang ni Sir.

"Boyfrie---"

Natigil na lamang sasabihin ni Ros nang nagsalita ng malakas si Aling Martha.

"Kapatid niya, Sir. Kapatid sa ama. Anak kasi yan sa labas." Sabi nito sabay tawa ng pilit.

Napakunot-noo na napatingin naman si Ros dito. Palihim na pinandilatan naman ito ng mata si Aling Martha. Natakot naman ito kaya tumingin na lamang ito sa ibang direksyon.

"O-oo, Sir." Pagsisinungaling ko nalang. Yun na kasi sinabi ni Aling Martha, ano pa magagawa ko. Sasakyan nalang. Hayy!

"Kapatid." Saad ni Sir."May kamukha kasi siya." Sabi nito habang nakatingin kay Ros na nakatingin pa rin sa ibang direksyon.

****

"Aalis na ako." Sabi nito makalabas ng kwarto."Pagaling ka ah? Pasok ka nalang pag okay kana." Sabi ni Sir Johnser sa akin.

"Opo. Salamat, Sir." Sabi ko sabay bow dito.

"Pahinga kana." Nakangiting sabi nito.

"Sige po." Sabi ko sabay tango.

"Ihahatid na kita sa labas, Sir." Prisinta ni Aling Martha pagkalabas ng kwarto.

"Sure." Payag ni Sir Johnser.

Bago paman umalis, sumulyap pa ito sa loob. Tiningnan pa nito si Ros na nakahiga sa sofa habang nanonood ng T.V habang kumakain ng titserya kasama si Bossbrad na kumakain ng pizza habang nakaupo sa sahig at nanonood rin ng T.V.

Umalis na rin ito at sumunod kay Aling Martha.

JOHNSER SY POV:)

"Salamat." Pasalamat ko kay Aling Martha nang ihatid ako sa labas.

"Ingat kayo, Sir." Nakangiting paalam nito.

Nakangiting tumango ako. Pumasok na ako sa loob ng kotse. Bago paman i-start ang engine, mabilis na kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at dinial ang number ni Dylan.

"Dylan, icheck mo kung katawan ba ni Clive ang bangkay na nakalibing. Salamat." Utos ko at binaba rin kaagad ang tawag.

Hindi ako mapakali. Parang hindi naman si Clive iyon dahil nagtatagalog siya. Englishero ang kapatid ko at malabong si Clive nga iyon. Kamukhang-kamukha lang ng kapatid ni Elizabeth ang kapatid ko.

Gusto ko makasiguro na patay na nga si Clive kaya kailangan ko ipa-check kay Dylan para makasiguro.

Umalis na nga ako para bumalik sa Uphone.

DYLAN LORENZO POV:)

Pagkababa ng tawag, binalik ko ulit sa aking bulsa ang cellphone ko. Tiningnan ko ulit ang kotse ni Johnser. Di naman nagtagal, umalis na rin ito at naiwan akong nakatingin dito paalis.

Nasa loob lamang ako ng kotse habang nakahawak sa manibela.

"Sir, ano gagawin natin?" Tanong ng tauhan ko habang nakaupo ito sa driver's seat katabi ko.

"Ako na bahala. Ipe-peke ko ang DNA." Sabi ko sabay tingin sa bintana kung saan naka-pwesto ang kwarto nila Ros at Elizabeth.

To be continued...

Sorry sa mga typos. Aayusin ko nalang ito.🥰
Ano masasabi nyo sa update ko?
Paghaharap ng magkapatid ?😍
Comment naman dyan!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

15.2K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
45.6K 1.2K 30
Dahil sa isang misyon na kailangan mong gawin ay doon mo rin pala makikilala ang taong magpapatibok ng iyong puso. Aria Bailey at Creed Nicholson ay...
113K 2.7K 36
She's simple, a typical nerd. Pero sa unang pagkikita pa lang namin na inlove na kakagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagkagus...