𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂�...

By _vglntsht

2K 173 88

LOVE X LIES TRILOGY: BOOK 1 Darkest secrets lie in the shadows, covered from prying eyes by a cloak of silenc... More

𝐃𝐈𝐒𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐑
𝐒𝐄𝐄𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐔𝐓𝐇
𝐄𝐒𝐂𝐀𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐓
𝐋𝐎𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑

𝐃𝐄𝐒𝐓𝐈𝐍𝐄𝐃 𝐓𝐎 𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔

239 29 13
By _vglntsht

❝Destiny will decide
whoever will come to us.

- Eunice Santana

---

     The sky was aglow with bright fiery sun peeked from behind the tallest mountains loomed in the distance. Eunice sigh as she saw the beautiful sky turning it's color into red and slowly turning into bright yellow. She closed her eyes breathing the fresh air coming from the window of the restaurant.

"It's beautiful, isn't it?" she could hear Tyrone's murmurs from her back. Dahan-dahang minulat ng dalaga ang mata nito upang lingunin ang pamilyar na tinig, nang dalhin ng malamig na hangin ang atensyon nito sa lalaking nakatayo sa likod n'ya ngayon, wearing a white decent shirt. Napatitig pa muna dito ang dalaga habang piniilit alalahanin kungsino ang binatang nasa harap n'ya na tila pamilyar sa kan'ya.

"S-sir, kanina pa ho kayo d'yan?" Nauutal nitong sambit ng makilala ang itsura ng lalaki. Mabilis nitong nilapag ang hawak na basahan sa balde, pagkatapos ay pinunasan ang kamay nap uno ng bula sa suot na apron. Realizing na nagpupunas pa pala s'ya ng bintana dahil maaga silang magsasara ngayon, darating ang kaibigan ng resto at nagrequest itong sila lang dapat ma-accommodate ng resto.

"I love sunset," dagdag n'ya saka nagsimulang maglakad palapit sa bintana upang panoorin ang tuluyang paglubog ng araw. "Actually, hindi lang sunset. The sunrise, the sky, the moons, all makes me feel so comfortable." He added, habang kalmadong nakadungaw sa malaking bintana. Naglakad naman palapit ang dalaga sa bintana at saka sinamahan dumungaw ang binata.

"Usually, kapag nakakakita ako ng sunset naaalala ko 'yong mga memories namin ng family ko together." Panimula n'ya. "Nakaupo lang kami sa tabing dagat habang pinapanood ang unti-unting paglubog ng araw na nagre-reflect sa malinaw na tubig ng dagat." Seryoso n'yang dagdag ng dalaga na tila napalagay na agad ang loob sa binatang kausap n'ya ngayon, kahit pa ito pa lang ang pangalawa nilang pagkikita. "Bakit nga pala kayo narito?" baling n'yang tanong sa binata. "I-I mean, employees lang dapat 'yong narito." pagbawi n'ya sa nauna n'yang tanong nang mapagtanto na tila tinataboy n'ya ang binata sa pagkakatanong.

"Ah, actually, na-curious lang ako dito sa place n'yo." Panimula ng binata. "Parang ang relaxing masyado dahil napapalibutan ng magagandang tanawin. Besides nakakainip maghintay kay Dad sa baba." Maikli n'yang paliwanag. When suddenly a dark clouds appeared in the sky, foreshadowing the rains to come.

"Sabi sa forecast maaaring umulan sa bandang hapon," sabi ng habang nakatitig sa maitim na kalangitan.

"Ilang araw na rin ang pag-ulan, kadalasan gabi kung bumuhos ang. Hindi ko na nga rin maalala kung kailan ko huling nasilayan ang nagkikislapan na mga bituin na kasabay na nagliliwanag ang buwan." Sambit ng binata na tila nagmistulang makata dahil sa winika.

"Kung sakaling magpatuloy ang buhos nang ulan hanggang sa mga susunod na linggo, maaaring hindi natin masilayan ang meteor shower sa kalagitnaan ng buwan." Nanghihinayang na tono ng dalaga.

"Wala naman tayong magagawa, sa mga ganitong buwan talaga dumadalas ang pag-ulan. 'Di bale, bago naman matapos ang taon siguradong magkakaroon pa ng meteor showers." Bahagyang lumingon si Eunice sa binata saka matipid na ngumiti.

"Eunice!" tawag ni Yhuri sa dalaga habang paakyat sa dereksyon nilang dalawa ng binata.

"Hi Sir Tyrone," bati n'ya sa lalaking ng kaibigan habang nakayuko ng bahagya, ngumiti naman ang binata at marahan din na yumuko. "Kanina ka pa d'yan, 'di ka pa ba tapos? Nariyan na 'yong mga bisita," Baling naman kay Eunice ni Yhuri.

"Ah, sige susunod na lang ako, mauna ka na doon para may mag-asikaso sa kanila." Eunice responded, tinanguan naman ito ni Yhuri bago magsimulang bumaba ng hagdan.

"Mauna na rin ako, see you later." Paalam rin ng binatang tinawag ni Yhuri kanina na Tyrone saka sumunod na rin kay Yhuri na bumaba.

Pagtapos iligpit ni Eunice ang mga ginamit nito sa paglilinis ay agad na rin siyang sumunod. Naabutan nito sila Denver at Yhuri na nakatayo malapit sa pintuan ng resto kasama si Mr. Enrico, ang manager ng restaurant kausap ang kumpare nito na tinutukoy kanina.

"Everyone," pagtawag ng manager namin sa atensyon nilang tatlo. "I want you to meet our special guest for tonight, the CEO of Dela Fuentes Group of Companies Fernand Dela Fuentes and Chairman of Westeria Fashion Kendrick Del Fierro." Pagpapakilala n'ya sa mga ito kasabay ng palakpakan nila Yhuri.

"T-teka, Chairman ng Westeria Fashion? S-s'ya?" tanong nito sa isip habang nakatingin sa lalaking ipinakilala ng manager nila na si Kendrick Del Fierro, ang binatang lasing na lasing sa resto noong isang gabi. Agad naman umiwas ng tingin si Eunice ng mabaling sa kan'ya ang mapupungay na mata ng binata. Ngunit nadako ang pansin nito sa babaeng mahigpit na nakakapit sa braso ng binata.

"Nakausap ko kanina si dad, sabi n'ya susunod na lang s'ya as soon as they finished their meeting with Taiwanese Investor." Singit ni Tyrone sa mga ito. Muling nadako ang atensyon ni Eunice sa babaeng mahigpit pa rin ang kapit kay Kendrick at matipid na nakangiti. She has a blonde wispy curled shoulder length hair, na bumabagay sa hulma ng mukha nito. She look so perfect with her vintage elegant pink puff sleeves match to her bright red lips and golden light skin.

"Masyado talagang workaholic si Uncle Agustin, right Kendrick?" sabat ng dalaga na ikinangisi ng mga ito sabay hawi ng buhok patalikod.

"Ihahatid ko na kayo sa VIP Room, at ipapahanda ko na sa mga staff ko ang lahat ng bilin n'yo." Saad ng manager. "This way sir." Magalang na turo nito habang nakalahad ang kamay pataas ng hagdan kung nasaan ang VIP Room ng resto. She started to walk upstairs with perfect poise on her ankle strap high heels, na animo'y hindi man lang nahihirapan kahit kaunti, tila isang model na sanay na sanay sa paglakad sa entablado.

"Lakas ng dating ni Ms. Maxine," sambit ni Denver na nakasunod pa rin ng tingin sa babaeng tinawag n'yang Maxine.

"Usap-usapan, kakauwi lang n'ya galing Australia. Napakaganda n'ya 'di ba Eunice?" Gatong pa ni Yhuri sabay baling kay Eunice.

"Hmm, bakit ako?" gulat na responde nito.

"We're just asking your opinion, ito naman." Sambit pa ni Yhuri sabay tapik sa balikat ng dalaga. "So what do you think?" ulit nito.

"Ewan," matipid na sambit ni Eunice.

"Anong ewan? Ang ganda kaya." Saad ni Denver sa dalaga.

"Kung ako ang tatanungin n'yo, mas maganda pa rin 'yong babaeng hindi lang puro ganda, dapat 'yong mabait din at marunong rumespeto sa kapwa." Umalingaw-ngaw sa loob ng resto ang malakas na palakpakan ng dalawa habang natatawang nakatingin kay Eunice.

"Puwede ka na sa question and answer Eunie!" sarkastikong sambit ni Denver habang patuloy sa pagpalakpak.

"Tigilan n'yo nga 'yan, mabuti pa asikasuhin na natin 'yong mga bisita bago pa mainip." Natatawang tugon ng dalaga sabay tabig sa kamay ng dalawa at dumeretso sa kusina.

"Eunie, ikaw na magdala no'ng champagne sa taas. Ako na bahala mag-isa-isa ng mga dish." Paalala ni Denver na agad lang tinanguan ng binata.

Kaagad kinuha ni Eunice mula sa cabinet ang dalawang bote ng champagne at agad tumungo sa second floor upang dalhin iyon sa mga bisita. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaakyat ng hagdan ay isang hindi gaanong katandaang lalaki ang sumalubong sa daraanan n'ya. Eunice halted as she ascended the steps and met eyes with a man who appeared to be a familiar face. Her heart beat faster nang lumingon din sa kan'ya ang lalaki habang inaayos ang suot nitong suit. Her gaze was fixed on the man, habang mabilis itong palabas ng resto, her mind flooded of memories she was trying to escape. Shivers down her spine as she remembered the night her parents tragically torn away from her. Hindi mamukhaan ng husto ng dalagaang lalaking sumira ng buhay n'ya noong gabing iyon, ngunit natatandaan pa rin nito ang iilang detalye sa wangis ng lalaki. At ang lahat ng detalyeng iyon, nagtutugma sa lalaking nakasalubong n'ya.

"H-hindi kaya, s'ya iyon?" bulong ko n'ya sarili habang naluluhang napayuko.

"Oh Eunice, bakit para kang nakakita ng multo? Kanina pa nila hinihintay 'yang champagne bilisan mo na d'yan." Salubong ni Yhuri habang pababa ito sa hagdan galing sa second floor.

"Yhuri, kilala mo ba iyon?" saad ko sabay turo sa lalaking naghihintay na pagbuksan s'ya ng pinto ng driver nito.

"Hmm, hindi ko sure. Kasama s'ya no'ng mga bisita eh, bakit?" Pagbaling na tanong ni Yhuri.

"Tingin ko, s'ya 'yong pumatay kila mommy. 'Yong lalaking may hawak nang baril noong gabing iyon." Garalgal na saad ni Eunice ng magbadyang tumulo ang mga luha nito.

"Teka ano? Seryoso ka ba?" panimula ni Yhuri na lumapit pa ng husto sa kaibigan. "Baka naman nagkakamali ka lang Eunice. Hindi ba sabi mo madilim noong gabing iyon, kaya paano?" sambit ni Yhuri sabay hawak sa kamay ng dalaga na nanginginig na ngayon.

"H-hindi ko rin alam, pero malakas kutob ko." Muling pagpipilit ng dalaga na tanging kutob lamang ang pinanghahawakan.

"Kung hindi mo gaanong namukhaan 'yong killer, hindi natin masisigurado 'yang hinala mo." napayuko na lang ang dalaga sa pagkadismaya. "So ganito, sa ngayon magtrabaho muna tayo. Tapos pag-usapan natin lahat after work, okay?" She nodded saka tinapik ni Yhuri ang balikat n'ya.

"Gusto mo bang ako na ang magdala n'yan?" alok ni Yhuri sabay turo sa hawak na champagne ni Eunice. Mabilis na umiling sa Eunice sa matipid na ngumiti.

"Kaya ko na, salamat." Agad n'yang pinahid ang luha at nagpatuloy nang tumungo sa second floor.

"Masyadong workaholic ang uncle mo like you Ken." Rinig ni Eunice na wika ni Fernand sa kausap nitong binata. "Look, kakarating lang n'ya pero aalis agad." Dagdag pa nito.

"Alam n'yo naman ang lagay ng company ngayon Uncle Fernand. We have to save our company or else, tuluyang mababaliwala ang sacrifices ni dad." Sagot naman ng lalaking kausap nito. Nagpatuloy sa paglakad ang dalaga palapit sa direksiyon nila, habang patuloy ang paghahari ng kaba sa dibdib.

"And that's actually the reason kung bakit gusto kong makipag-usap sa inyo ngayon." Napatikhim si Kendrick sa sinabing iyon ng lalaki, samantalang nagsimula naman si Eunice na magsalin ng champagne sa mga wineglass ng bisita. She carefully poured champagne into crystalline glass. "Dapat ay makapagpakasal na kayo nitong si Maxine as soon as possible." Saad pa ng lalaki, nang biglang dumulas sa kamay ni Eunice ang bote ng champagne, dahilan para matabig nito ang wineglass. The champagne poured upon Maxine's beautiful red dress.

"Oh my god!" sigaw nito ng agad s'yang mapatayo sa kinauupuan kasabay ng pagbagsak ng wineglass sa malamig na sahig ng resto, nagkalat ang pirapirasong bubog ng wineglass ng bumagsak ito sa sahig. "Oh my gosh my dress!" her eyes widened as she gazed down at the stained.

"I-I'm so sorry Ms. Maxine, hindi ko po sinasadya." Eunice voice quivered as she stuttered an apology saka inabot ang tissue paper na nasa ibabaw ng lamesa. "I'm sorry po talaga." Dagdag nito sabay akmang pupunasan na sana ang damit ni Maxine.

"No, get lost!" sigaw nito sabay tabig sa kamay ng dalaga, dahil sa lakas ng pagkakatabig nito ay agad na nawala sa balance si Eunice, dahilan para kaagad itoong bumagsak na basang sahig. Kaabay ng pagkalat ng basa sa suot ni Eunice ay ang pagkirot ng palad n'ya na nag-uumpisa nang umagos ang dugo dahil sa pagkakatusok ng bubog. "Don't you dare touch me!" She shouted.

"Eunice," mabilis na tumayo si Tyrone sa kinauupuan nito at tinungo ang kinaroroonan ng dalaga. "Ayos ka lang?" Agad n'yang kinuha ang kamay nito, agad napatuloy sa pag-agos ang dugo mula sa maliit na hiwa ng bubog. "Nasugatan ka." Saad n'ya habang tinutulungan itong tumayo. Nanatili naman nakaupo si Kendrick habang nakahawak sa sentido nito.

"Look what you've done," inis na sambit ni Maxine habang nakahawak sa gayad ng damit. "This is a very expensive dress, a designer dress, tapos mamantsahan mo lang? Aren't you thinking, may utak ka ba?" Muling sigaw ng babae.

"Eunice!" Sigaw ni Yhuri mula sa malayo as she rushed over to diffuse the situation. "What happened?" Dagdag ni Yhuri paglapit sa kinaroroonan nila.

"Hindi ko sinasadya," maikli kong tugon dito.

"Accident or not, you ruined my dress. Do you have any idea how expensive is this?" muling nabaling ang atensyon ni Eunice kay Maxine na matalim na nakatitig sa kan'ya.

"Max chill, it was just a mistake. For sure wala namang may gusto ng nangyari 'di ba?" Pigil ni Tyrone kay Maxine na wala yatang balak tumigil.

"Stop defending her Tyrone, hindi dapat pinapalampas ng management ang mga ganitong incidents sa loob ng establishments nila. Dapat lang maturuan s'ya ng lesson for her to realized her mistakes, right Ken?" Pagbaling n'ya kay Kendrick na tila nagpapakampi pa rito, dahan-dahang tumayo ang binata sa kinauupuan nito saka lumapit sa kanila.

"Tyrone is right," malamig na sagot nito.

"What?" gulat na sambit nito. "But Ken look what she did to my-" putol n'yang saad nang muling magsalita si Kendrick.

"I saw what happen, and I agreed that she have to learn her lesson very well. Pero hindi mo s'ya kailangang pagsalitaan ng gan'yan ." napatikhim ang dalaga sa sinambit ng binata.

"Apologize to her, Maxine." utos ng binata na parang mas lalong ikinainis ng dalaga.

"What? Apologize to her?" saad nito. "Ako pa talaga?" napabuntonghininga ang dalaga. "You know? You guys are so unbelievable." Kaagad kinuha ni Maxine ang shoulder bag nito sa lamesa, pagkatapos ay nagsimulang maglakad paalis. Alam ng dalawa ang ugali ng kababata, kahit kalian ay wala sa bukabolaryo nito ang paghingi ng tawad sa kahit na sino. Hindi n'ya kailanman kayang lunukin ang pride n'ya sa kahit ano pa mang pagkakataon. Napasenyas si Tyrone kay Kendrick na sundan nito ang dalaga, wala na itong nagawa pa kung hindi pailing-iling na sumunod kay Maxine.

"Oh well I guess, meeting adjourned?" tumayo ang si Fernand habang pinipigilan ang inis dahil sa nangyari.

"Let's go Eunice, gamutin na natin 'yong sugat mo." Aya ni Yhuri habang kapit sa braso ni Eunice na patuloy pa rin sa pagdugo.

"Ah, Eunice." Pagtawag ni Tyrone sa atensiyon ng dalaga. "I'm sorry for what happened." Matipid na ngumiti ang binata, na tinugunan din naman ng ngiti ng Eunice bago tuluyang maglakad palayo.

"Iniisip mo pa ba 'yong lalaki kanina, o 'yong gulo sa pagitan n'yo ni Maxine?" Tanong ni Yhuri habang binabalot ng bandage ang palad dalaga, kanina pa ito tahimik at tila nakatulala sa kawalan sa lalim ng iniisip.

"Puwede ba na both?" natatawang tugon nito kasabay ng malalim na buntonghininga.

"About nga pala sa lalaki kanina, anong plano mo?" nagkibitbalikat lang ang dalaga.

"Ewan ko, hindi ko narin alam." Panimula n'ya. "Parang gusto ko na lang paniwalain ang sarili ko na tama ka, nagkakamali lang ako, na baka umasa na naman ako." Napayuko sa pagkadismaya ang dalaga.

"Pero paano kung tama ka, at ako naman 'yong mali" napataas ang magkabilang kilay ni Yhuri. "Chance mo na rin 'yon para mapabuksan ang kaso, nariyan naman si Ezekiel."

"Yhuri it's been five years, walang witness, walang cctv footages, walang evidences, walang kahit ano na magtuturo sa killer. Sa tingin mo ba may pag-asa pa na mahanap 'yong killer?"

"Kung sasabihin ko bang oo maniniwala ka? Lahat naman kayang magawan ng solusyon, hindi naman porket walang matibay na ebidensya hindi na mapapanagot sa batas ang pumatay sa parents mo. You know what, mag-out ka na magpahinga ka na at baka kung ano na naman mangyari." Sambit ni Yhuri sabay tapik sa balikat ng dalaga, pagkatapos ay sinimulang damputin ang mga kalat na ginamit na bulak sa paglilinis ng sugat n'ya.

"Eunice," singit ni Denver pagpasok ng locker room, hindi maipinta ang mukha na tila may dalang masamang balita. "Gusto ka raw makausap ng manager ni Mr. Enrico." Halos pabulong na n'yang sambit habang tinuturo ang likuran niyo. Ilang sandal pa ay lumitaw si Mr. Enrico na kasunod lang pala ng binata.

"S-sir," sabay na sambit ng dalawang dalaga. Nabaling ang tingin nito sa kamay ng dalaga na nakabalot ng bandage, napailing ito sabay hawak sa sentido.

"Ms. Santana," panimula nito. "To my office, now." Seryosong sambit nito sabay naglakad muli pabalik ng office nito. Bahagya pang nagkatinginan ang tatlo bago tumayo sa kinauupuan si Eunice at sumunod na manager. Napahinga muna ito ng malalim ng buksan ni Enrico ang pinto ng office nito at pumasok sa loob. Agad itong dumeretso ng upo sa swivel chair, habang si Eunice naman ay naupo sa maliit na upuan sa harap nito.

"Ano na namang kahihiyan to Eunice?"panimula nito.

"I'm so sorry for what happen sir, hindi ko po talaga sinasadya. In fact I tried to help her, but she refused." Paliwanag ditto ng binata.

"I don't need your explanation Ms. Santana." Pagputol nito sa paliwanag ng binata. "Malaki pa naman ang expectation ko sa'yo dahil masipag ka, and besides ni-recommend kasa akin ni Ezekiel." Pagpapatuloy nito, ngunit napayuko lang ang dalaga.

"Pinagbigyan kita noon sa naging pagkakamali mo."

"Pasensya na po talaga sir, I promise na hindi na talaga ito mauulit pa." sambit pa ni Eunice.

"Rest assured that it will never happen again," napalingon si Eunice sa winika ni Enrico.

"What do you mean, sir."

"We're very sorry pero para matiyak na hindi na mauulit ang mga ganitong pangyayari. We've decided to fire you Ms. Santana." Dere-deretsong saad nito sabay lapag ng isang puting sobre sa harap ng dalaga.

"But sir, I really need this job. So please, give me another chance to prove myself." Naluluhang saad ni Eunice kahit pa alam nitong malabo nang mabago pa ang desisyon nito.

"At kailangan rin naming mapangalagaan ang reputation ng restaurant na ito." Seryosong tugon ni Enrico. "We want you to know na hindi madali ang desisyon na ito, mahirap mawalan ng isang masipag na empleyado, pero sana maintindihan mo na mahirap din kapag kumalat ang tsismis na hindi namin naturuan ng proper etiquette ang mga staff ng restaurant." Ramdam ng dalaga ang pamumuo ng mga luha sa mga talukap ng mata nito.

"Nariyan na sa loob ng sobre ang sweldo mo, pati na rin ang thirteen month pay at overtime. You may leave." Buntong-hiningang saad nito. Nag-aalangang inabot ng dalaga ang sobre saka mapait na ngumiti sa harap ni Enrico.

"Thank you for giving me a chance to work here, sir." Nakayukong sambit ng dalaga. "At pasensya na rin po sa nangyari." Dagdag n'ya bago magsimulang maglakad palabas ng opisina ni Enrico. Hindi na nito napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha ng sumara ang pinto ng office ni Enrico, kasabay dahan-dahan n'yang mag-upo sa labas ng opisina nito ay ang mabilis na pag-agos ng kan'yang mga luha.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 48.2K 128
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
42.3K 903 33
Jhocey !!Disclaimer!! •This story are made pure imagination. Please seperate friction to reality. •This story contains Spg scenes like s*x, and k*...
16.2K 548 52
رواية مُنقذي سبايا داعش للڪاتبة ورده الشيخ محمد ((منقووولـــــــة)) « فتاة عراقية تخطف وتسبي من قبل ايدٍ اتخذت الدين غطائاً لها تسمى " دا؏ـش" تروي...