Unrequited (GL) [HSS #4, Comp...

By InsaneSoldier

700K 40.6K 13K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 4: North Date started: July 15, 2017 Date completed: March 2... More

Unrequited
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Special Chapter I
Special Chapter II

Epilogue

15.5K 877 698
By InsaneSoldier

"Gail, done ka na ba?"

"Wait lang." Tiningnan ko siya mula sa salamin bago muling tingnan ang sarili. I fixed my hair for a few seconds bago nagpabango. "Okay na."

Naglakad ako palapit sa kanya. Mabilis naman niya akong hinawakan sa baywang para yakapin nang mahigpit. Naramdaman ko pang inamoy niya ako. "Why do you look so sexy?"

Natatawang pinalo ko siya sa braso. Tiningnan ko ang suot niya. Eh, parehas lang naman kami halos ng dress, sa color and tiny details lang nagkaiba. "Mas sexy ka kaya."

"I beg to disagree."

Kinuha ko ang bag naming dalawa bago naglakad palabas ng kwarto. May pupuntahan kasi kaming reunion.

It's an event na in-organize ng schoolmate namin noong highschool na si Valencia — our student government president. Mabuti na lang talaga ay in-touch sina North sa ilan sa mga kakilala namin noong highschool. Kahit ako ay in-invite din nila.

Nag-rent sila ng house to accommodate us all, then may swimming din. They said it will be a casual dinner, inuman with kantahan, and night swimming.

Pagbaba namin ay napatingin sa amin sina Rosendale at Echo. Kasama kasi si Rosendale tapos plus one niya si Echo. Nauna pa silang maikasal sa amin and now Echo is carrying their first child.

"Sorry, naghintay ba kayo ng matagal?" tanong ni North nang makalapit. Isasabay na kasi namin sila sa venue.

"Not really."

Ako naman ay dumiretso kay Echo at nakihawak sa tiyan nitong may laman na. "Alam ninyo na gender?"

Naglakad kami hanggang sa sasakyan. Naupo sa driver's seat si North, katabi niya si Rosendale. Nasa likuran naman kami. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.

It's been months since I last saw them. Pare-parehas na kasing mga abala sa buhay, tsaka may pamilya na silang sarili, eh. Nalaman na lang namin ang pagdadalang-tao nito nang minsan na nakausap ni North si Rosendale. So nabanggit lang sa akin.

Mahal din pala talaga mag-undergo ng process just so they can conceive a child.

"We decided not to know the gender para surprise," Echo answered with a smile. No'n ko napansin na parang mas naging jolly ito unlike noon na parang laging mang-aaway ng tao. Nagkalaman na rin siya, halatang asikaso sa pagdadala. "But it's a twin. Nasunod ang gusto nitong isa."

I saw Rosendale grinning from the mirror and heard North's soft laugh. She looked really happy. Maikli na ang buhok niya, hanggang leeg nga lang, and a side bangs. Si Echo ang mahaba ang hair ngayon. They both looked pretty, halatang hiyang sa marriage life nila.

We were casually talking, kung minsan ay nakikisama si North sa usapan at nagbibiro. Hindi pa rin pala naaalis kay Echo ang pagiging mataray nito at kung minsan ay binabara si Rosendale. Kahit nga ako nababara na niya. Pero she said she's just comfortable around me so okay lang sa akin.

Cute naman siya magtaray. Parang yung kapatid ni North.

Sa sobrang daming baon na kwento ng bawat isa sa amin ay hindi namin namalayan na nakarating na kami kung hindi pa sumenyas si North matapos nitong ihinto ang sasakyan.

"Girls, you know what to do." North suddenly said while giving glances sa mag-asawa.

Napatingin ako kay Echo at nagtaka nang tawanan ako nito. "Ready ka na?"

"Sa reunion?"

Walang sumagot sa akin. Lumabas si North ng sasakyan. Susunod na sana ako nang pigilan ako nina Rosendale. Nagulat na lang ako nang may kunin sila at ipiniring ang mga mata ko.

"Wait, bakit may pa-blindfold?"

"Ewan din namin." Rosendale answered. Sobrang seryoso ng boses niya kaya hindu ko malaman kung joke iyon o ano.

"Alalayan ka namin palabas," Echo whispered. "Rosendale, akong alalayan mo. Buntis ako."

"Yes, Ma'am."

Gusto kong matawa kaso hindi ko magawa kasi takang-taka ako anong meron. Reunion, 'di ba? Bakit may paganito? Ano 'to, frat initiation? Nasa 30 na kami, anong pakulo 'to? At bakit ako lang?

Para akong bulag habang naglalakad, and truth enough, todo alalay sila sa akin para hindi ako matapilok o ano.

Inalis lang nila ang blindfold nang makarating kami sa may swimming pool area. No'n ko napansin na walang tao at sobrang tahimik. Patay din yung lahat ng ilaw dito sa bahay na nirentahan. Kahit dito ay sobrang dilim. This is the right place, right?

Nilibot ko ang tingin. Saka ko napansin yung mga petals na nakakalat nang magkaroon ng maliit na liwanag sa daanan. Parang katulad iyon sa kalsada, maliit na ilaw lang ito pero sapat para mapansin. No'n ko napansin na may mga balloon sa sahig.

"Go."

Napalingon ako kina Rosendale. Tumango lang sila sa akin. Bumalik ang tingin ko sa harap. Kada paghakbang ko ay umiilaw yung nasa daanan, para akong gina-guide no'n sa kung saan man ako dapat pumunta.

My heart started beating hard. I don't see North anywhere. And this ambiance... it's so magical and mysterious. Tanging liwanag lang sa dinadaanan ang nakikita ko habang naaaninag ko lang ang madilim na kabahayan.

Lumunok ako at nagsimulang maglakad pa. Kada hakbang ko, parang lalong nagwawala ang puso ko. Nag-a-anticipate sa kung anong makikita ko sa likod ng pintong iyon. Sa loob ng madilim na bahay.

Para akong sira dahil kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung mapapangiti ba ako o lalong kakabahan.

There are days

I wake up and I pinch myself

Biglang nagkaroon ng background music, nagulat pa ako. Akala ko nga ay imagination ko lang iyon pero totoo pala. Napahinga ako ng malalim, nanlalamig din ang kamay ko sa pinaghalong kaba at excitement.

You're with me, not someone else

And I'm scared, yeah, I'm still scared

That it's all a dream

I found myself standing in front of the door. My hand touched the knob, finding the strength in me to twist and opened it. Para akong maiiyak. Parang ang overwhelming, I was feeling so happy kahit na wala pa naman.

'Cause you still look perfect as days go by

Even the worst ones, you make me smile

I'd stop the world if it gave us time

Tuluyan kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang kadiliman. Wala akong halos maaninag.

Then out of nowhere, in the dark, something lit up. Isang letter ang nakita ko na lumiwanag — it's letter W.

The word is formed by arranging small light bulbs. It was arranged strategically on the wall, lagpas tao ang taas no'n.

'Cause when you love someone

You open up your heart

Another one lit up and I was able to read the next letter — I.

Letters started popping one by one as the song continued. Para akong maiiyak habang unti-unting nabubuo yung mga letters sa isang salita.

"W"

"I"

"L"

"L"

"Y"

"O"

"U"

"M"

"A"

"R"

"R"

"Y"

When you love someone

You make room

Biglang nagliwanag ang buong lugar na ikinapikit ko saglit. Pagmulat ko ng mata ay nakita kong palapit sa akin si North. She was holding a tablet in her left hand, its screen showing the big word "Me?" while her right hand was holding a small, red box.

Kami lang ang tao. At wala nang nasa isip ko kung hindi siya — na may hawak na maliit na box. Para akong tanga na bigla na lang naiyak. Gosh...is this for real?

Is this an actual...?

If you love someone

And you're not afraid to lose 'em

You probably never loved someone like I do

You probably never loved someone like I do

"Paris Avegail Sebastian," Inilapag niya ang dalang tablet sa katabing couch. Mas lumapit siya sa akin at walang anu-ano ay lumuhod. She opened the box that I can't help but check. I bit my lower lip, thinking how beautiful that ring is. It was simple and yet elegant. "Would you like us to spend our lifetime together?"

Napapunas ako sa pisngi. Ayaw magtigil ng luha ko sa pagtulo. We've been talking about this, we've been planning about our lives together, imagining what would it be, thinking of ways to spend it as beautiful as we can.

But right now, seeing her this close to me — proposing — pakiramdam ko ay ito yung unang beses na nalaman naming may feelings kami sa isa't isa. It's that same excitement and nervousness and that overflowing love.

Hindi yata siya nakatiis dahil tumayo siya para punasan din ang pisngi ko. She kissed my temple and my forehead, and my lips. Napangiti ako at basta na lang siyang niyakap ng sobrang higpit. "Yes!"

"I love you, Gail."

"I love you, North." I parted from the hug and kissed her lips briefly. "So much."

Nanginginig pa ang kamay niya nang isuot ang singsing sa daliri ko. It fits perfectly. She looked really happy. Maging ako man. Parang gusto kong sumayaw sa tuwa.

She was smiling. Kahit siya ay parang naiiyak dahil nangingintab din ang mga mata niya. Natawa ako nang pigil siyang tumili at parang cute na batang tumalon saglit kahit naka-dress at heels siya.

"Guys, it's a yes!"

Nagulat ako nang magsilabasan yung mga kasama namin sa student council noong highschool. May nagsabog pa ng confetti. No'n ko napansin na nandito rin ang mga kaibigan namin maging ang mga kapatid niya.

"Ninang kami!" sabay-sabay na sabi nina Valencia pati sina Yuka.

"Basta ako maid of honor," Lumapit sa akin si Jean at yumapos nang mahigpit. "Finally! Akala ko hintayin ninyo pa lumagpas kayo sa kalendaryo, eh."

Natawa naman ako. Bata pa naman kami. Turning 30 pa lang, may time pa.

"Sinasabi ko sa inyo, akong flower girl!" Excited na sigaw ni East na mukhang nakapalagayan na ng loob kaagad yung mga schoolmate namin nina North. "Ikaw din West."

"Ayoko," Her twin laughed.

Nakita ko rin si Jade at South na magkatabi at magkahawak ng kamay habang nakangiti sa amin. I smiled at them. Parang hindi na yata mabubura ang ngiti ko sa sobrang saya.

Hinila ako palapit ni North sa kanya. Yumapos siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Turned out, the event was both a proposal and a reunion na rin.

Tumapik pa sa balikat ko sina Echo na nakapasok na rin pala sa loob. Rosendale greeted Valencia and the others habang si Echo ay biglang nahila nina Yuka dahil amazed na amazed sa tiyan nito.

Hinalikan ko sa labi si North. Right now, I am so happy I don't know where to put it. I just feel so lucky. If only my family can see this — but it doesn't matter.

Natanggap din naman nila kami eventually, but it took Tatay almost a year bago kami hayaan na makausap siya. Lyon and Kuya Marseille was good with our relationship, si Kuya Dijon naman, hindi ito nag-sorry pero umayos din ang pakikisama nito. Okay na rin iyon.

Medyo awkward pa rin kina Tatay yung relasyon namin ni North, but at least, they're trying their best para matanggap kami ng tuluyan. North was right, it'll work out well eventually.

Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. The way she looked at me never changed a bit. It's like I'm the only one she's seeing, and when she smiles, it always feels like she's loving me a lot.

I just keep on loving her more and more.

"Mahal kita, North."

"Mahal kita."

Sumandal ako sa kanya. "I guess kailangan na talaga natin mag-decide kung anong surname ang gagamitin."

"We have time, let's think about it thoroughly." She chuckled. "But first...honeymoon."

_____fin

Special Chapter I ahead.

Next read: Sakura Rendezvous (soon)

Finally, after years of writing...I was able to finish the entire Hansen Sisters Series. I had a really, really good time. I love writing all of them. They have interesting stories of their own, and certainly they all got my heart and they will always have it.

Thank you so much for reading. I hope I'll still be able to see you guys on the Hansen's side stories and on my other stories as well.

-

South Hansen
East Hansen
West Hansen
North Hansen

— officially, signing out.

Continue Reading

You'll Also Like

683K 24.4K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
241K 17.6K 36
[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nish...
1.3M 43.7K 41
Story Description: Professor x Student | Girl x Girl | Age gap Story language: Taglish Miss Evelyn Anderson is a well known professor at the Amherst...
701K 10.2K 15
"Because after all, I am just a mere moon who can't embrace the sun." - A.L.T. [ 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑 𝐱 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 ] UNDER REVISION. DATE STARTED:...