HUSBAND AND WIFE

By fedejik

134K 6.1K 576

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 43

2.5K 144 17
By fedejik

CHAPTER 43

Serenity

Kinabukasan ay maaga akong gumising at nakiramdam kay Papa. Matapos niyang kumain ng umagahan ay tahimik lang niyang inabot sa akin ang aking cell phone at tipid na ngumiti.

"You have a lot of work at the office," medyo seryoso pang aniya.

Dahil sa katuwaan ay agad ko siyang tinalon at niyakap. "Thank you so much, Papa..."

Niyakap niya ako pabalik at hinalik-halikan ang aking ulo. "I just want you to be happy, baby. I don't want to see you hurt anymore."

"I am happy, Papa. Thad is a good guy. I can assure you that."

Humugot ito ng malalim na buntonghininga bago kumalas sa yakap ko. "Just tell me when he hurts you. I will kill him."

Naiiling akong ngumiti. Though, I am pretty sure that he's serious with his warning. He would do anything for me.

"He loves me, Papa. You have nothing to worry about."

Hindi naman na siya kumontra sa sinabi ko at tumango na lang. Alam kong marami pa rin siyang agam-agam, pero naniniwala akong kapag nakilala niya nang husto si Thad ay mababago ang pananaw niya rito.

Halos katatapos ko lang gumayak nang tumawag si Thad. Sa sobrang excitement ko kahit pa isang ring pa lang iyon ay sinagot ko na agad.

{Hello, babe. Good morning} bungad niya.

Lalong lumapad ang ngiti ko sa pagkarinig pa lang sa boses niyang iyon. "Hey, good morning. Papasok ako sa office today."

{I heard. Kaya nandito ako sa labas.}

Agad na nanlaki ang aking mga mata. "Really? How did you know?"

{Your father called me.}

"Now, that's a surprise."

{Yeah. I didn't expect either.}

"Wait. I'll be right down."

{Okay.}

Mabilis kong pinutol ang tawag at saglit na umikot sa harap ng salamin bago dali-daling lumabas ng kwarto.

Sa pakiwari ko ay para ba akong teenager na first-time na in-love. Paglabas ko sa mansion ay agad kong nabungaran si Thad na sobrang gwapo sa suot nitong white long sleeve na nakatiklop hanggang siko at naka-tuck in sa soft black pants na binagayan pa ng leather belt.

He's so gorgeous. Wala na talagang duda roon.

"Hey, beautiful," malambing na bungad pa niya.

Para ba akong kinikiliti sa tiyan dahil doon.

"Hi. Sorry to keep you waiting."

"You're worth the wait." Ngumiti siya at agad na ibinuka ang mga braso.

Nakauunawa ko namang sinalubong ang yakap niya at ninamnam ang init ng katawan niyang iyon. I could live like this forever.

"I missed you so much..." bulong niya.

"Me too..."

Kung ilang saglit din kaming nanatiling ganoon bago maghiwalay. Malagkit niya akong tinitigan bago mabilis na gawaran ng halik ang aking labi.

"Tara na?"

Tumango ako at malapad na ngumiti. Sobrang ganda ng simula ng araw ko.

Lumipas ang buong maghapon na halos 'di ko namamalayan dahil sa dami ng mga trabaho. Pero ganoon pa man, si Thad ang nagsilbing clock ko para magpaalala sa mga oras na kailangan kong kumain at mag-merienda man lang.

Halos 4 PM nang medyo lumuwag na ang oras ko. Kaya naman ang merienda na kanina ko pa sana kinain ay ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Kung katabi ko siguro si Thad ay sermon ang aabutin ko sa kanya.

"Ma'am, may bisita po kayo." Si Gina na nakasilip sa may pintuan.

"Sino?"

Bumulong siya. "Lauren daw po..."

Agad na kumunot ang noo ko pagkarinig pa lang sa pangalan na iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o papaano. Ano'ng kailangan niya sa akin para sadyain pa ako?

"Let her in." Agad kong itinabi muna ang pagkaing nasa harapan ko.

Hindi nga nagtagal ay bumungad si Lauren sa may pintuan. I must commend her beauty, she's really beautiful. Para siyang modelo na makikita sa mga sikat na magazine.

"I'm sorry for interrupting your work," bungad niya.

"It's okay," matabang kong sagot.

Kung may galit man ako para sa kanya, hindi dahil sa panloloko ng asawa ko sa akin kundi dahil sa panlolokong ginawa niya kay Thad. Hindi ko lubos maisip na magagawa niyang lokohin ang lalaking wala namang ibang ginawa kundi mahalin siya.

"Please, have a seat." Pormal kong itinuro ang leather sofa.

Agad akong tumayo at nagdesisyong maupo rin sa katapat na upuan nito.

Ilang saglit ding nagmasid si Lauren sa buong opisina bago nagngiting-aso sa akin.

"Your office is nice."

Binalewala ko ang komento niya. Hindi naman kami magkaibigan para maglokohan pa.

"How can I help you?" pormal na tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya. Para bang basang-basa na rin niya ang reaksyon sa mukha ko.

"I don't think it would be fair for Thad to marry you."

"I beg your pardon?" Pakiramdam ko ay kumulo nang husto ang dugo ko hindi ko pa man naririnig ang karugtong ng sinabi niya.

"Christoff told me that you may not get pregnant because of your miscarriages. Thad wanted to have children. I'm pretty sure alam mo iyon."

Kinagat ko ang aking labi at pilit na kinontrol ang namumuong galit.

"I still love Thad and I want him back. Gusto kong ibigay sa kanya ang pamilyang hinahangad niya noon pa. Possibleng hindi mo na siya mabigyan ng anak kaya sa tingin ko, habang maaga pa, gawin mo ang tama at pakawalan mo na siya."

Umawang ang aking labi at manghang tumitig dito. Ang kapal lang din ng mukha ng babaeng 'to!

"You're one crazy bitch..." gigil na bulong ko habang nakakuyom. Wala na lang akong ibang gustong gawin kundi ang sabunutan ito. Pero mas pinili ko pa ring magpigil dahil alam kong iyon ang makabubuti.

"I am just being honest, Eren. Kung gusto mong balikan si Christoff, I don't think that would be a problem either. He wanted to get back to you. Parehas kami ng gusto sa ngayon."

Nagpakawala ako ng nang-uuyam na tawa. Sa tingin ko ay parehas na silang nasiraan ng ulo ni Christoff.

"Seriously, Lauren? Really? Nangangarap ka pa bang babalikan ka ni Thad?"

"He's been in love to me for so long and he probably told you that. Alam kong hindi ganoon kadali mawala ang pagmamahal niya sa akin. He's denying it now because he's in a relationship with you. Alam kong mahal niya ako at babalikan niya ako kapag pinakawalan mo siya."

Mataman kong tinitigan si Lauren. Nababaliw na nga yata siya.

"I think you're wasting my time, Lauren." Humugot ako ng malalim na buntonghininga at mapaklang ngumiti. "Ayusin n'yo ni Christoff ang problema ninyo at huwag na ninyo kaming idamay ni Thad."

"I want Thad to be happy. Kaya ko siyang bigyan ng anak, 'di gaya mo."

I couldn't believe this. "Happy? Really? Hindi ba dapat noon mo pa ibinigay sa kanya ang anak na sinasabi mo kung gusto mo talaga siyang maging masaya?"

"May mga maling desisyon ako sa buhay at inaamin ko iyon. Gusto kong bumawi sa kanya at patunayang siya lang din ang mahal ko."

"Then, what about Christoff?"

"It was a mistake from the very beginning. Sinubukan kong bumawi kay Thad noon, pero siguro nga ay masyado ko siyang nasaktan..."

"Sana, bago mo sinimulan, inisip mo muna iyan! Sana bago ka kumabit sa asawa ko, inisip mong masasaktan ang asawa mo!" gigil kong sabi. "Pero ano'ng ginawa mo? After pa rin ninyong maghiwalay, kay Christoff ka pa rin nakipagrelasyon. Tapos ngayon, Sasabihin mong mistake? Really?"

"Kaya nga gusto ko siyang balikan, Eren. I wanted to give him everything he wanted. Please, leave him. You can't make him completely happy. Hindi mo siya kayang bigyan ng anak."

"What makes you think that I won't be happy with Eren even if she can't give me a child?"

Halos sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses.

Si Thad!

"Thad!" gulat na usal ni Lauren habang nagluluhang nakatitig dito.

Tahimik na naglakad palapit si Thad sa amin. Bigla akong nahiyang salubungin ang tingin niya.

Sa totoo lang ay natatakot din ako sa posibilidad na hindi ko na nga siya mabigyan ng anak. At intensyon ko naman talagang magsabi. Hindi pa lang ako nakakakuha ng sapat na lakas ng loob.

"Seriously, Lauren? What the hell are you doing here?" medyo iritang tanong ni Thad.

Saglit akong nag-angat ng tingin at sinulyapan ito. Galit na nakatitig ito sa dating asawa.

Mabilis na tumayo si Lauren at lumapit dito, pero mabilis na nagtaas ng dalawang kamay si Thad na para bang sinasabing huwag na siyang lumapit pa nang husto. Kunot ang noo nito habang nakatitig kay Lauren. Halatang hindi natuwa sa narinig na pag-uusap namin.

"Thad, I'm sorry... I just want you back in my life. Forgive me, please? Give me another chance to prove myself. Please," umiiyak na sumamo nito.

Humugot ng malalim na buntonghininga si Thad at umiling-iling. "What is it that you still don't understand, huh?" Matalim pa nitong tinitigan ang dating asawa.

Tumayo ako at tangka sanang bibigyan ito ng privacy, pero kunot-noong umiling sa akin si Thad. "Stay, babe," malumanay niyang sabi.

Kinagat ko ang aking labi at nahihiyang tumango.

Muling ibinaling ni Thad ang atensyon kay Lauren na panay pa rin ang iyak.

"She's not telling you the truth, Thad! Hindi ka niya mabibigyan ng pamilyang pinapangarap mo!"

Tumikhim si Thad at frustrated na umiling-iling. "Why do you think I would care, huh, Lauren?"

"I can give you children, Thad. Kahit ilan pa ang gusto mo. Please, bumalik ka na sa akin. Please?" sumamo pa rin nito. "Kahit ilang anak, ibibigay ko sa 'yo. Bumalik ka lang sa akin..."

Ibig kong maawa kay Lauren, pero nandoon din ang inis. Sa kabila ng mga nangyari, sarili pa rin niya ang iniisip niya.

"I'm sorry, Lauren, but no. I am not coming back to you. Kahit na ano pang sabihin mo laban kay Eren, wala akong pakialam. Matagal na tayong tapos. Kaya sana, huwag mo na rin kaming pakialaman."

"Thad, I know that you're just angry with me. Let me make it up to you, please," humahagulgol na pakiusap pa nito.

Ibig kong maawa sa kalagayan ni Lauren, pero alam ko ring mabigat ang naging kasalanan niya kay Thad. Kung sana ay naging mabuting asawa lang siya, hindi sana sila nagkahiwalay na dalawa. At siguro nga, kung 'di na siya nakisama matapos nilang magkamali, baka nga nagkaroon pa ng panibagong chance ang pagsasama nila.

"I'm in love with Eren now, Lauren. She's my present... and you're just part of my past. I've given enough time for the both of us, but there are things that we can't change. You've hurt me... so much, but I've moved on already. Hindi ko na maibabalik ang feelings ko para sa 'yo. You can't force me to do that. You knew how much I tried... I tried really hard. I'm really sorry."

"Please, Thad... Please? I can't live without you..."

Agad akong nag-iwas ng tingin. Parang binibiyak ang puso ko sa awa para rito. Para kasing nakikita ko ang sarili ko noon kay Christoff. Kung paano ako manglimos ng pagmamahal at atensyon dito.

"I am marrying Eren and there's no way I'm gonna change my mind."

Agad akong napaangat ng tingin at awang ang mga labing tumitig kay Thad. He was being serious. Sinabi na niya kay Papa ang plano niya at lantaran pa rin niyang inulit iyon kay Lauren.

"Thad..." wala pa sa sariling tawag ko rito.

Lumingon siya sa akin at mapait na ngumiti. Para bang nababasa niya ang nasa utak ko.

"I'm sorry about that, babe..." malungkot na bulong pa niya.

Sa isang iglap ay parang pinalis lahat ng awa ko para kay Lauren. There's just no way I am giving up this man for her. Sinayang niya ang pagkakataon niya noon at wala akong balak na gayahin ang ginawa niya.

Tulalang pinagpalitan lang kami ng tingin ni Lauren. At kahit pa parang may gusto siyang sabihin ay hindi niya magawa.

"You're telling everyone about your plan but not to me," nagtatampo pang himig ko sabay nguso.

Naiiling naman siyang ngumiti at agad na lumapit sa akin. Agad naming nakalimutan ang presensya ni Lauren.

"I wanted to propose romantically, but I wasn't given a chance. I was always forced to say it randomly because of the situation," apologetic pang aniya sabay hapit sa aking baywang. "And yeah, I'm not taking no for an answer, babe."

Ngumuso ako at naiiyak na tumitig sa mukha nito. Hindi ko na kailangan pa ng mahabang preparations dahil sa ekspresyon pa lang ng kanyang mukha ay basa ko na.

I am his everything.

He's mine too.

"So, will you marry me? Yes or yes?" nangingiti pa niyang tanong.

"No other options?" biro ko.

Nangingiti naman siyang nagkibit-balikat. "I don't think there is any other options."

Kinabig ko ang kanyang batok at mariing hinalikan ang kanyang labi. "Yes, yes, yes..." bulong ko kasunod ang sunod-sunod na halik.

Natatawa naman siyang tumango-tango. "Wala nang bawian 'yan, ha."

Tumango ako. "Walang-wala na."

Hindi na namin namalayan ang pag-alis ni Lauren at sa totoo lang ay wala na rin kaming pakialam. Alam ko at sigurado akong kahit pa ano'ng mangyari, si Thad ang tipo ng lalaking mamahalin ako sa kabilang lahat. At hindi ako makapaniwalang sa dami man ng mga pinagdaanan ko,matatagpuan ko pa rin pala ang lalaking para na pala sa akin simula pa lang.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 29.8K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
1.3M 19.9K 44
Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been desiring since she was a teenager, she fina...
296K 7K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...
791K 14.8K 34
Isang aspiring fashion designer si Amanda, nasangkot sa isang aksidente at ng magising ito ay nawala ang tatlong taong nakalipas sa kanyang buhay. Na...