Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 19

42 15 2
By love_dine

Chapter 19

Kai is my first in almost everything. Kahit sa sakit, pait, at pag-ibig.

For years, he taught me love and pain. Sa mga nagdaang taon din ay umikot ang mundo ko sa pag-aakalang kasal kami, at babae ako, na umaasa sa mga pagbabago.

I've learned to love everything about him, pero siguro nga, hindi lahat dahil hindi ko matanggap ang pagsisinungaling niya akin. He was my everything, siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan ng ganito. Handa akong ipagtanggol siya basta umamin lang siya. Handa akong magpatawad kung sana ay umamin siya hanggang sa huling tanong ko. Pero hindi, itinatanggi niya pa rin. Wala pa akong sinasabi pero alam niya na ang ibig kong iparating.

I fought for lies that he's inflicted on me. I didn't believe in other people, hindi ako naniwala kay Aga kahit bukas na ang mga mata ko at nakikita ko na ang mga nangyayari. Pero siguro nga, ang mga salita niya ang nagmulat saakin para malaman ko ang katotohanan.

I believe in him. Naniwala ako kay Kai hanggang huli, at hindi ko alam... kung maibabalik ko pa ba ito sakaniya. Baka kung magkabalikan kami ay pagdudahan ko lang ang lahat ng gagawin niya. Kahit pa totoo ito, kahit pa tapat na siya saakin. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ito.

Mas pinagkakatiwalaan ko siya kaysa sa pamilya ko. Kaysa kay Papa at Anne. Sa mga kaibigan ko. Kaysa kay Peanut. Kaysa kanino man.

Pinag-isipan ko ang bawat kilos ko. Natatakot na baka magkamali at mauwi lang sa wala ang lahat ng ito. Pero wala, e. Ganoon pa rin, may hangganan.

He was my first love. He became my definition of love more than what I have for my father.

My father loved women, and Kai... he made me feel that he loved only me. And I think, I was wrong for feeling deeply that way.

Tulala ako nang patakbuhin ni Lyle ang kaniyang sasakyan. Nanginginig ako nang yakapin ni Aga at feeling ko, nandudumi ako sa sarili.

"G-Gusto kong maligo," I panic. Niyakap niya ako! Ang mga kamay niyang nasa braso ko ay parang nandoon pa rin. Halos gasgasan ko na ang braso para mawala iyon

"L-Lyle, parang awa mo na maliligo ako!" He panic, too.

"Fuck," Hindi niya malaman ang gagawin nang humagulgol ako sa takot. Hindi niya ako mahawakan dahil takot din siya kaya walang nagawa kung hindi ang tumawag kina Kaye.

"Dadalhin kita sa bahay, Jude." Pagpapaalam niya saakin. Hindi na ako makakilos nang sinalubong nina Kaye at Albie ng yakap.

"Jude, what happened?"

"Don't hug her!" Si Lyle. Agad na nanlaki ang mga mata ni Albie at Kaye at biglang napaatras.

Hindi malaman ni Lyle ang gagawin pero mabilis niya akong iginiya papuntang guest room nila. Mabilis ang naging pagkilos ko at mabilis kong ni-lock ang pinto bago sumuong sa shower. Hinagilap ang mga gamit at paulit ulit kong kinaskasan ang braso hanggang sa mamula ito at nagka sugat na.

"Hindi ko alam! Anong gagawin natin?!"

"Hindi natin pwedeng pasukin sa loob!"

Iyon ang mga naririnig ko pero ako ay matyagang nililinis ng braso at hinihiling na sana ay matanggal nalang! Napahagulgol ako nang maramdam ang hapdi at ang pagtulo ng dugo pero nararamdaman ko pa rin ito!

"Jude, open the door!" Lyle said in panic. Naririnig ko na ang kakarating na si Sam at Webster at tumutulong na sila sa pagbubukas ng pinto.

"Keys!"

"Jude..." Nakaupo ako sa sahig at patuloy pa rin sa ginagawa.

"S-Sandali lang, please... matatapos na a-ako..." Rinig ko ang iyak ni Kaye at Albie nang makita ang dugo sa pangkuskos. Nakakalat ang sabon at basang basa ako.

"Jude," Niyakap ako ng comforter ni Lyle. "S-Sandali!" Dahan dahang inalis ni Sam ang hawak ko at binuhat ako nina Webster palabas.

"Take a rest, Jude, please..." Bulong ni Webster. Bumagal ang paghinga ko nang maramdaman ang haplos ng comforter sa balat ko. Halos mahulog ang mga mata ko at nawala ang labis na panginginig.

"Jude..." I smiled softly.

May ilan pang dumating pero kapatid lang palang lalaki ni Lyle. May in-inject saakin kaya mapait akong ngumiti sakanila bago nakatulog.

And for years of hoping for love, I found lies beneath this feeling. I found out many things, I came home to cope up for things that I've missed for four years. And the truth reveals the pain. Nagkapatong patong na, at parang walang kapatawaran ang bawat oras. Mapait at naghihiganti. Binabawi ang bawat ngiti at hindi kayang magpatawad sa lahat ng kasinungaling.

Ginawa nilang sinungaling ang kapatid ko. Anne... my only sister that I know, that I ever love, lied for her parents. My father... who I taught loved me more than his gamble, lied to her daughter. And also, I... who look for her dreams and ambitions... lied for this unforseen love.

She was critical when I left. But his money, Kai's money helped her. She was all good for the first three months. Huge money is not needed anymore at that time, but they asked, and it's fine, they asked, but told me lies to not be able to refuse.

We all lie for our intentions. And I think, nakabawi na ako sa pagsisinungaling sakanila. I have responsibilities for my father and sister, iyon nalang ang pinanghahawakan ko para sa koneksyon na mayroon sakanila.

Kung gusto kong maging tapat ang tao saakin, una palang ay hindi na dapat ako nagsinungaling sakanila. But that time, it was the best decision for us. Pero kay Kai, I never lie to him. I respect him and my faith  would bow down to honor his decision. At nakapagdesisiyon na siya.

Hinangin ng malakas ang maiksi kong buhok, inayos ko pa muna ito bago nagawang ngumiti sa mga dumating.

Mahigpit kong niyakap sina Albie at Kaye, gayon din ang tatlong lalaki.

"Finally!" We travel mostly sa dubai lang at sa katabing bansa nito. I wouldn't travel if I still have debts. Kaya sa mga naunang taon ay nagbayad ako ng mga utang. Hindi nga lang ako natuwa sa naging interest nito.

Pinugpog ako ng halik ni Albie kaya natawa ako. "Hmm! Sarap mong i-girlfriend!" I chuckled.

"Kainggit naman," Si Kaye. Tumingin sakaniya si Lyle at ngumuso. "Pa-kiss," Nahihiyang tumango si Kaye at humalik kay Lyle.

"Yuck!" Umakbay si Webster saakin habang si Sam ay inaasar si Albie.

"Ikaw na nga ang tumira saakin, Jude! Hindi itong inggratang ito at nakakasawa ang pagmumukha ni Lyle na araw araw nagpupunta saamin!"

I chose to live alone. Tulad ng dati. Minsan ay kasama ko si Anne tuwing bakasyon niya pero madalas ay ako lang talaga. Si Papa naman ay kasama pa rin sina Auntie Lucy at ang mga anak nito, ganoon pa rin at walang pagbabago. Tumatanda lang ito.

Hindi ko kayang bayaran ng isang bagsakan ang utang ko sakaniya. Kaya naman paunti-unti ang ginagawa ko at makakaraos din.

I worked in Dubai for years. Siguro ay tatlong taon na ako dito, malaki ang sahod at mabilis ang pera. Pera ay ang isang bagay na hinding hindi mawawala sa isipin ko. Kasama ko ang mga kaibigan dito pero nito nalang silang sumunod dahil may gampanin sa St. Jude Hospital.

For this year, I will work at St. Jude, again. Noon ay for ojt lang pero ngayon ay for good na. Inisip ko talaga ang kahalagahan ng pera nang umalis ako at syempre, ngayon na babalik na, iniisip ko naman na tumatanda na si Papa at hindi gaanong nabibisita.

Syempre, pamilya pa rin.

Nakilala ko ang mga bagong makakasama sa unang araw palang. Their parents know me well, kaya naman sila pa ang nanghikayat na bumalik nalang din ako para walang dahilan sina Kaye at Albie sa pag-shashopping sa Dubai.

Malaki kasi talaga ang pera doon. At importante iyon para saakin. Right now, money is more important than the love that failed me. Iyon ang tumatatak sa isip ko ngayon.

"Huh?" I asked.

"Gagawin kang mukha ng hospital," Napakunot ang noo ko.

"Hind ka naka wheelchair, ah!" I chuckled.

"Para sa social media at poster sa harap. The face of St. Jude." Si Kaye.

Para sa unang linggo ko, iyon ang pinagawa saakin. Pinaunlakan ko dahil mabait saakin ang Mommy ni Albie at gusto niyang ako ang nandoon dahil sina Albie at Kaye ay noong nakaraang taon ginawan.

I wore my scrub at ang dalawa ay hindi matigil sa pangungulit saakin. Tinawag lang nang kinailangan.

Madali lang kaming natapos at hindi magkamayaw ang mga nasa loob sa kakapuri saakin dahil ilang shots lang ang kinailangan. 'Yung dalawa raw kasi ay gusto ng iba't ibang anggulo kaya nagtagal noon kahit maganda naman na.

"Tawagin ka nalang ulit namin mamaya." I nodded and said my thanks.

Saktong paglabas ko ay dire-diretso ang pasok ng ambulance stretcher. May mga lalaking nakahiga at sumisigaw ang ilang nurse at doctor na naka assign. Mukhang aksidente yata. Mga naka gear pa ang ilan at sunod sunod na dinadala sa emergency room at sa clinic.

Umatras ako para makadaan sila. May ilan pang naka wheel chair lang at nang sumilip ako ay nilalapatan ng first aid ang ilan. Puro may mga galos at puro sa mukha.

"Tapos kana? Patulong naman dito," Ani ng isang nurse doon. Tumango ako at sumunod. Dinaluhan ko ang unang nakita. Pinalibot ko ang tingin sa buong kwarto at pansin na puro mga naka gear pa ang mga ito.

"Drag race," Bulong nung tumawag saakin. I nodded.

Mga wala na ang pang-itaas nito at ang gear ay nakapatong lang sa bed. Mga naka gear pero galusan?

"Yeah, I'm fine." The guy chuckled. Matapos itong lapatan ay seryosong sumulyap lang ito saakin.

"Thanks." I nodded. Lumipat ako sa kabila at ganoon din ang ginawa ko. He would talk to me, at tulad ng kanina. Mukhang race ito ng mayayaman.

"I think we won?" Kausap niya ang sa kabilang bed at nagtawanan sila. Aliw na aliw sa nangyari.

Puro may galos lang ang nasa kwartong ito. At ang mga yari na ay nililipat sa mas maayos na room at may papalit naman.

"Meron pa ba?" I asked the nurse. May ilan pa kasing pumapasok at para bang ang dami nila.

"Hindi ko sigurado, Jude." I nodded. Lumabas ako saglit para  kumuha ng gamit at pagbalik ko ay naghintay pa ako saglit dahil may mga ipinasok pa ulit.

"Ako na dito." She nodded.

I looked around just to see Kai staring at me like she already saw me coming. I looked at who's beside him and I saw his friend Lois, may kausap ito sa cellphone. Kumpara sa dalawa, mas may puro itong si Lois. Dumudugo ang labi pati ang noo. Pero si Kai ay labi lang.

"I'll clean this first," Lois looked at me with a shock, he glanced at Kai before he looked at me and sighed.

"Yes, I'm sorry, love." Malambing nitong saad. Umiwas na ng tingin saakin at todo paliwanag sa kausap.

"I'm with Kai. Don't worry about me, please?"

I've been feeling that someone beside this bed is watching me. Hinawi ko ang buhok ni Lois. The guy beside us groaned loudly.

"Bakit siya ang inuna?" Reklamo nito. Nakaharap saakin kaya alam kong ako ang kinakausap.

I looked around to see if there's an available nurse. Pero wala.

"Ang sakit na ng labi ko!"

I looked at him. "Wait for your turn, Sir. May iba pang inaasikaso." I said in cold voice. Napaawang ang labi niya bago pinaraanan ng dila ang ibabang labi. He titled his head kaya napansin ko ang hikaw niya. Before he could even speak to me, binalingan ko na si Lois.

"Don't touch her, Lois."

"I'm not touching her! Damn, asshole." Inangat ko ang baba ni Lois at linapit ko ang ulo ko para maayos na makita ang sugat. I saw the panic in his eyes at ang bato ni Kai ng damit kay Lois pero agad akong natamaan sa braso.

I glanced at my shoulder at hindi siya binalingan ng tingin.

"Kai!" Si Lois.

"S-Sorry."

"Bakit ba kasi siya ang nauna? Paano ako?"

"Mas malala kasi ang akin, galos lang ang sa'yo ang saakin ay pumutok ang noo."

He groaned. "I'm hurt too, you know." Kita ko sa gilid na ako ang kinakausap niya pero si Lois ang sumasagot.

"Fucker. You should make your face bleed more para ikaw ang unahin." Tumayo ako nang matapos at agad naman siyang napaayos ng upo. Umaasa na siya ang susunod ko.

"Done, Jude?" I nodded to the nurse who asked me.

"Can you aid him? I'll check the others." Napaamang si Kai pero wala na siyang nagawa pa nang tumalikod ako at nagtungo sa mas malala ang sugat at hindi sa nag-iinarte lang.

"Mukhang mapapadalas ang disgrasya ko, ah?"

"Fuck you, Kai. Hindi pa ba madalas ang pagkaka-disgrasya mo? Huwag mo na akong idadamay sa susunod at galit na ang girlfriend ko saakin."

"Ang yabang mo naman." I rolled my eyes.

My first weeks working here was very tiring. Magkaiba man sa Dubai sa ibang bagay pero pareho rin naman iyon. Nag-eenjoy ako dahil gusto ko naman.

"Astig." Si Sam. Nang makita ang poster ay ang mukha kong nakangiti ang nandoon.

"First time mong makita?" He nodded. "First time ko rin." I smirked. Sinabi lang ito nina Albie dahil kanina pa nilang umaga nakita at sinend pa saakin ang picture.

"This is so nice, Jude. Your face is everywhere. And you looked good in your uniform here." Tumango ako.

"Sa personal?" Biro ko. He chuckled. "Syempre, lalo naman sa personal."

"That's good to hear. May mabobola ka ng babae niyan."

I brushed my short hair. Mas umaliwalas ang mukha ko sa buhok na ito. I also used light make up, too. Kaya mas nadepina ang maliit kong mukha, my lips are bow shaped, maliit ang matangos na ilong. Ang mga mata ay matalim at malamig kahit na maamo ang mukha ko at mahahaba rin ang pilik mata. Maputi na ako noon pero parang mas pumuti at kuminis ngayon.

I glanced at the head nurse in cold manner. Maamo ang mukha ko at nagko-contradict ito sa matalim at malalamig kong mga mata. Mabuti nga at bagay naman, e. Kahit masaya ako ay ganoon pa rin ang ekspresyon, kung ngingiti ay parang sarkastiko pa pero hindi naman talaga ganoon ang intensyon ko.

"Tawag ka, Jude." Ang dumaang nurse. I nodded.

Sa ward ako nag diretso pero tinuro ang isang room kaya doon ako pumasok.

"Name po?" Tanong ng nurse. "Kai Castillo," Siya rin ang sumagot. "May record po kayo last week? or last last week sa drag race?"

"Yeah... Saan na 'yung nurse na gagamot saakin?" Tamad na wika nito.

"Wait lang po sir,"

"Okay."

I glanced at him at nagkatinginan agad kami. Umayos agad siya ng upo. He runs his fingers through his hair at nakita ang duguang sintido niya. Hindi ko napigilang kumunot ang noo dahil sa nakita. Noo at gilid ng labi? What happened?

"Nurse Jude," Tumango ako at dinaluhan iyon. Tumayo ako sa gilid ng kama habang nakaupo siya doon.

Biglang tahimik si Kai at hindi makapagsalita nang makalapit ako. I glanced at the nurse who checked his information at tumango nang magpaalam ito.

He cleared his throat.

"Nabunggo lang." Hindi ko naman tinatanong.

"Pakihawi ang buhok." He cleared his throat before he did what I said.

"'Yung katulad kay Lois." Request niya. Anong katulad? Gupitan ba 'to? Nagkatinginan kami nang mas lumapit ako. Napalunok siya at mariing naglapat ang labi nang magkatinginan kami. I raised my brow at him at mas pinagtuunan ng pansin ang kaniyang sugat sa noo kahit na hindi siya matigil sa kakatitig saakin. Naamoy ko rin siya at parang naligo muna siya bago nagpunta dito, ah?

Hindi ko ipagaakila, malakas ang kabog ng dibdib ko na ganitong malapitan kami. Pero alam kong magaling ako sa ganito at hindi mapaghahalataan.

"Kumusta?" He asked.

"Paki-ayos ang hawak sa buhok." He bit his lip bago tumango. Mas inayos ang hawak sa buhok.

"May nakaaway kasi ako papunta sa opisina, kaya..." Tumango tango pa siya. Irita akong tumingin sakaniya. "Huwag kang malikot, sir."

"Ah, okay, I'm sorry." Pinanatili ko ang malamig na ekspresyon.

"Sabi mo ay nabunggo ka? Tapos nakipag-away pala. Ano ba talaga ang too?" Hinawakan ko ang kamay niya para ibaba. Naramdaman ko ang paninigas niya sa kinauupuan nang ang kamay ko ang humawi sa buhok niya at nagsuporta para hindi makaabala sa paggagamot.

"Oh, yeah, nabunggo at may nakaaway." Malamig kong tinango ang ulo bago inayos ang buhok niya.

He cleared his throat for how many times now. I cupped his chin at agad siyang naapektuhan. "Huwag ka sabing malikot."

Napalabi siya. "Ikaw kasi, eh..."

I raised my brow.

"Okay, I'll call another nurse to aid you." He panic. "H-Hindi, hindi na ako maglilikot."

I nodded. "Huwag ka ring madaldal." He nodded. "Okay, hindi na." At naglapat ang labi niya para iwasan ang sarili na magsalita.

Hindi sinasadyang dumampi ang daliri ko sa labi niya habang ginagamot siya. "Jude," Inalis ko rin iyon at agad na tinapos ang paggagamot sakaniya.

"You keep on hurting yourself by nonsense fights and accidents. Is that what you do these days?" Saad ko habang nililigpit ang mga gamit.

"Uhm,--"

"Anyways, I should have no say about this, kung ito ang gusto mo ay bahala ka." Hindi naman pwedeng pagbawalan ko siya dahil nurse lang ako dito. Hindi rin pwedeng pagbawalan ko siya dahil lang ayaw kong makita siya dito at ayaw gamutin. Trabaho ko ito, at dapat ay maging professional ako.

"I'm sorry, that was really an accident."

Tumango ako.

"Ikaw ang bahala."

Mabilis siyang tumayo nang tumalikod ako. Pareho kaming napatingin nang may kumatok sa bukas na pinto.

"Tapos kana?" Malaki ang ngiting tanong ni Kaye. I felt Kai moved beside me kaya nalipat ang tingin ni Kaye roon. Saglit na napaawang ang labi niya pero inagaw ko agad ang atensyon niya.

"Bakit?" Sinalubong ko siya.

"Nandiyan na sundo mo." I nodded. Napalitan ng kilig ang nagtataka niyang ekspresyon.

"Magdi-dinner kayo? Date? Date nanaman! Ikaw, ha, baka doon ka nanaman matulog!" Kinikilig nitong pahayag saakin. Walang pakialam kung may ibang makarinig. I just shook my head at nauna ng lumabas.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 1.4K 36
Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng...
2.7K 108 32
Asteria Elin Cervantes Divina. A woman who have strong mind and determination, She take the liberal arts major in psychology in Louisville University...
7.2K 133 42
Si Aphrodite Allure ay ang pinaka magandang babae kuno sa buong bayan ng La Union. The elegant Allure like her is making the men in town became crazy...
12.5K 698 65
[NIKA SERIES #1] Veronika Azusa Ficarro, isa sa mga kilalang fashion designer sa bansa at sadyang tinitingala ng lahat. Ang lahat ay kaniyang nakukuh...