Dreaming of You(HIATUS).

By Pureblood_Vampire

8.1K 620 434

[Revising mode together with TOGATPP - to be merged in one Book will start SOON]. Isang Computer Geek na wala... More

Prologue
Chapter 1- The Geek and The Goddess
Chapter 2- False Alarm, True Alarm?!?
Chapter 3-The Contract
Chapter 4- Dinner Date?
Chapter 5-His Life
Chapter 6- Project Making
Chapter 7- Project Presentation- Celebration
Chapter 8- End of the Deal
Chapter 9 - Ms. Computer Geek?!?
Chapter 10 - Friendly Bonding
Chapter 11 - This is Me
Chapter 12 - History of Master Shiomai
Chapter 13 - The Contest
Chapter 14 - Unexpected Appearance
Chapter 15 - The Competition
Chapter 17 - Field Trip

Chapter 16 - Moving On

203 15 2
By Pureblood_Vampire

Chapter 16

Moving On

CRYS’S POV :

“Well, as expected of our winner is . . . “

“Mr. Leonard Humbrighe.” Natahimik ang lahat ng ilang Segundo habang nagsi-sink in pa sa amin ang nangyari. Tapos umingay naman ng masigarbong palakpakan ang venue at lahat ay tuwang-tuwa sa nangyari. Habang ako, hindi ko alam kung magiging Masaya ba ako o hindi.

“Noo! I can’t accept this!! “ Nagulat naman ang lahat ng biglang magwala si Steven at hinagip niyaang braso ko.

“You still love me right Crystal?!? Please, please be mine again.” Sabi naman niya sa akin habang nagmamakaawa at lumuhod siya sa harapan ko.

“Ste—Steven tama na. Tumayo ka na dyan. Nakapag decide na ako. I will give the both of us a second chance, nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganito. Please, please stand up.”

LEO’S POV :

Fuck.

Nakakainis lang. Tama nga ang sinabi ni Fel, pagdating sa ex ni Crystal nawawala ang pagiging logical ni Diyosa at nabubulag siya sa pag-ibig. Nagalit ako sa nasaksihan ko. Not just because nagiging bulag si Crystal sa kanya kung hindi, Steven is clearly taking advantage of her weakness. Nagdilim ang paningin ko ng bigla ng yakapin siya ni Crystal at nag smirk siya sa akin. From his looks, alam kong may binabalak siyang masama kay Crystal.

“Hindi pwede!” Sigaw ko naman sa kanila at marahas na hinila si Crystal.

“Leoo!! Ano bah- - - bitiwan mo ako!!” Pagpupumiglas ni Crystal para makawala siya sa akin pero diniinan ko pa ang paghawak sa kanya.

“Can’t you see it?!? Ginagamit ka lang niya Crystal! He’s fond of hurting you! Huwag ka nang magpakatanga!!!” Sigaw ko naman sa kanya habang umiiyak na siya. Sorry Diyosa, nasasaktan man ako sa nangyayari sayo ngayon pero kailangan kong gawin ito para maimulat mo na rin sa katotohanan ang mga mata mo.

“Ano baaah! Bitawan mo ako please!!!” Nagmamakaawa na siya sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag. Then I kissed her in front of him. Na ikinabigla naman niya. Matapos ko siyang halikan, agad ko siyang hinila papalabas ng studio at agad na isinakay sa kotse. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho ako at dahil alam kong galit siya, nagpadesisyunan kong pumunta muna kami sa isang lugar kung saan tahimik at kung saan makakapag-usap kami ng maayos. Kailangan ko ring humingi ng tawad sa inasal ko kanina.

Ngunit pagbaba naming sa kotse, hindi ko inaasahan ang sinalubong niya sa akin.

CRYS’S POV:

Pagkababang pagkababa naming sa kotse agad ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi niya dahil sa ginawa niya kanina. Hindi ko alam pero bigla na lang dumidilim ang paningin ko at hindi ko maatim na Makita ang lalaking ito, ang naging dahilan kung bakit para sa akin sirang-sira na ang lahat, ang second chance na inaasam-asam ko ay nawala na. Hindi ko na naiwasan na bumuhos ang luha ko habang sinasabi ko ang mga salita sa kanya, ang bawat hinanaing na matagal ko nang pinipigil.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo huh?!? Pinigil mo ang isang pagkakataon na binigay sa akin ng tadhana. Abot kamay ko na eh! Magkakayos na sana kami, pero nang dahil sa pakikialam mo nawala lahat yun!!”

“At ano ang gusto mo magpakatanga na naman para sa lalaking yun huh?!? Magpaloko na naman?!? Tapos iiyak ka na naman na parang basang sisiw?!? Alam mo naman kung gaano kasama ang ugali ng lalaking yun diba?!? Isa siyang malaking paasa sayo!!! Pwede bang gumising ka na sa katotohanan na kahit anong mangyari hindi ka na niya mahal at kahit kelan hindi ka niya minahal!!!” halos magimbal ako at nagulat sa sinabi ni Leonard sa akin. First time kong narinig sa kanya ang ganito, kasi madalas tahimik lang naman siya, pero kapag nagsalita siya, sapol. Dahil napaka prangka niya, hindi ko maisawang masaktan sa sinabi niya.

“Sumusobra ka na Leonard!! Wala kang alam! Hindi mo alam kung ano ang nangyari kaya huwag kang manghusga!!! Tsaka, anong malay mo at na realize na niya na hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya?!? Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan kahit kelan ang magmahal ng lubusan! Kaya hindi mo ako maintindihan!!!” sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan pa ang umiyak.

“Alam mo ba hanggang ngayon, siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Hindi ko pa kayang magmahal muli kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mamahalin niya ako. Alam kong tuso siya, alam ko na mayabang siya, alam ko ang mga ugali niya. Pero sa kabila nun, tanggap ko siya kung sino siya. Kasi naniniwala ako na mapapabago ko siya balang araw.”

“Bulag na bulag ka pagdating sa pag-ibig Crystal. Ginagamit ka lang niya, business, gusto niyang mapalapit sayo para makuha ang client ninyo para lumago ang negosyo nila, . . . “ patuloy lang si Leonard sa mga sinasabi niya tungkol sa tunay na motibo raw ni Steven sa akin. Hindi ko kaya ang mga naririnig ko.

“Tama na tama na tama na!! Sinasaktan mo lang ako sa ginagawa mo!!!” sigaw ko sa kanya na nagpatahimik naman sa kanya.

Ilang Segundo kaming nanahimik habang patuloy pa rin akong umiiyak.

“Alam ko naman na, na totoo ang mga pinagsasabi mo eh. Pero, Leonard hindi ko pa kayang tanggapin yun. Hindi ko pa kayang mag move on.” Pag-amin ko sa kanya.

“Alam ko. Kaya nga tinutulungan kita Diyosa. Kaya nga sinasabi ko sayo ang mga bagay na ito para matauhan ka. Pero, tinutulak mo ako palayo. Gusto kong makatayo ka sa sarili mong mga paa, at gusto kong one day ma realize mo na, you can live without him. Huwag ka nang magpakatanga diyosa. Kung magiging open ka lang, I’m willing to help you.” Natahimik at natigil naman ako sa pagi-iyak dahil sa sinabi niya.

“Gagawin mo yun?!? Pero, hindi kita mahal, at hindi mo ako mahal.” Ngumiti lang siya sa akin.

“Bakit porke ba tinulungan na kita meaning magiging tayo na?!? Hindi Diyosa, tutulungan kitang maka move on, pero hindi ako magiging panakip butas mo. Tutulungan kita in a friendly way. I’m always here at your side Diyosa.”

“Alam mong hindi ganoon kadali. It’s been 2 years pero hanggang ngayon, siya pa rin.”

“Alam ko. And I’m prepared for that. Trust me. Magiging maayos rin ang lahat.” Hindi ko alam but ng mga oras na ito, parang nabuhayan ako ng loob. I know I can trust Leo and I’m glad to have him as my friend.

Tama nga siguro,

I should stop dwelling in my fantasy

And start to move on.

Hinatid na niya ako sa bahay pagkatapos ng nangyari. Wala kaming imik sa lobb ng kotse dahil naa awkward kami sa nangyari sa amin kanina. Pagkauwi ko naman bigla na lang akong tinawagan ni Fel.

Fel: Bessy! Congratulations! I heard the news!! Pinag-agawan ka raw ni Leo at ang letseng Ex mo at ang nanalo ay si Computer Geek mo ayeeeh!! Way to go bessy!!!

“Hindi ko alam kung tama ba ang decision ko bessy. Kasi kahit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya bessy. Nagkasagutan kami ni Leo kanina dahil sa nangyari. Pero, sinabi niya na tutulungan niya raw akong maka move on. Tinanggap ko ang alok niya Bessy. Pero hindi ko alam kung makakabuti ba ito para sa akin.”

Fel : Bessy tama yung desisyon mo. Kahit ako ayaw na ayaw ko sa Steven na yun. Mas secured ako na kasama mo si Leonard. Okay lang yan bessy, andito kami ni Leo parati sa tabi mo. Malalampasan mo rin ito. For now, magpahinga ka muna ah?!? Para naman maging Masaya ka na Bessy.

“Thank you bessy. Susubukan ko. This time, totohanan na talaga to.” Sabi ko sa kanya habang ngumiti ako. This time ia assure ko na talaga sa sarili ko na makaka move on na ako.

Fel : Oo nga pala bessy excited ka na ba this sembreak?!? Ako excited na excited na kyaaah!!!

“Bakit anong meron sa sembreak Bessy?!?”

Fel : hindi mo pa ba alam?!? May field trip raw ang buong school. Lahat ng estudyante kasama. Tapos mga Japanese investors pa! magiging Masaya yun!!!

“Oh naalala ko na. Yes super excited na ako para doon bessy sana nga matuloy iyon. Magpe prepare na ako para dun. By the way nagkabati na ba kayo ni Allen?!?”

Fel: Naku hindi pa eh. Itra try kong mag explain sa kanya sa trip na ito. Sana nga lang makinig siya sa side ko.

“Huwag kang mag-alala bessy magkakaayos rin kayo ni Allen. Basta, ang goal natin bago mag second sem we will be a new one na ah?!? Magkakaayos na kayo ni Allen at ako naman, I will move on na with him.”

Fel: Sureness bessy! Kaya natin to! Aja! Ganbarimasu! Paano bessy matutulog na ako ah. Oyasumi.

“Oyasumi Bessy.” Sabi ko habang ini-end na ang call.

Pumunta na ako sa higaan ko at natulog na.

DREY’S POV:

I punched him hard nung pumunta na kami sa office niya.

“The heck! What was that for?!?” sabi naman niya habang hinawakan niya ang sugatang labi niya.

“Anong nangyari?!? Dapat ikaw ang nanalo hindi si Leo!! You’re such a loser! No wonder pala kaya ka iniwanan ni Crystal eh! Pareho kayong mga freak! A loser! Mga bobo! Idiot! Moron! Stupid!”

“Slow down young lady baka kung ano ang magawa ko sayo. Hindi ko kung paano nangyari yun but don’t worry I will have it investigated. Hindi pa  tayo tapos sa plano natin. Mapapasaakin rin si Crystal as well as you, mapapayo ang computer geek na yun.”

“Full of excuses!! Patunayan mo lang na susunod hindi ka na palpak! Ang dali-dali lang ng gagawin mo pumapalya ka pa!! Watch and learn from me, ako na muna ang gagawa ng paraan ngayon. You’re such a dumbass loser!”

“Loser, loser loser parati na lang yan ang naririnig ko! Can’t you just please shut up?!? Tss, napaka arte mo namang babae ka.”

“Well this is me. Better accept it. Or else you’ll face death.” I said to him while smiling sweetly then get out from this fucking room.

He’s such a useless one. Sayang gwapo pa naman siya pero I guess walang epekto ang charms niya kay Crystal. Now, I’m on my own again. Makikita ninyo, patataubin ko si Crystal, and then, Leonard will be mine.

KINABUKASAN

Last day na ng semester. Tapos ini announce na sa amin ang trip na mangyayari sa sembreak. Lahat sila super excited. Hindi na sila magkamayaw sa pagsisigaw at pagtitili kasi isa itong super duper big event sa school. Habang ako, I just smirked at the brillian event. Time for me and Leo to have a private moment.

“Hey there Leo!!! Sama tayo sa trip huh?!? Magiging Masaya yun!!!” sabi ko sa kanya habang tumabi ako then I lingered my arms next to him while smiling sweetly.

“Sige ba Nica. Basta ikaw, hindi ko matitiis ang bestfriend ko eh. Ah, isama na rin pala natin si Crystal at yung kaibigan niyang si Fel para Masaya.” Bigla namang nag sour ang mukha ko nang marinig ko ang napakapangit na pangalan ng babaeng yun.

“Ah yeah, sure. That would be great. Yeah, just great.” Sabi ko sa kanya kahit na napipilitan akong isama ang impaktang babaeng yun.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tinawag ni Leo.

“Crystal, okay ka na ba?!?” tanong niya rito.

“Natural hindi. Alam mo namang broken hearted yan Leo eh. Oh by the way congratulations nga pala! Ikaw ang nanalo! Pero sadly, masakit iyon sa part ni Crystal. Condolence dear.” I said as I smiled sweetly to her.

“Ahm, oo medyo maayos na ako ngayon Leo. Salamat last night.”

Last night?!?

Anong ginawa nila?!?

“Ah naku wala yun ano ka ba. Basta salamat, sa lahat.” Aniya at umalis na siya. Ako naman dala ng curiosity ko I decided to follow her.

“Ah, Leo sweety sandali lang ah. Magc cr muna ako kasi nawiwiwi ako eh.”

“Sure thing Nica. Take your time. Antayin lang kita sa labas. Gala tayo.”

“Sigeee.” Tapos agad ko nang pinuntahan ang impaktang babaeng yun.

“Hey you!” tawag ko naman sa kanya at tumigil siya.

CRYS’S POV:

“Ano na namang gusto mo huh Audrey?!?” sabi ko sa kanya nung marinig kong tinawag niya ako. Ano na naman ang pakulo ng babaeng ito. Everytime andito ako, tinatarayan niya ako. Laki na ata ng topak nito eh, nagagalit sa akin ng walang rason. As much as I want na maging maayos kami kasi siya ang bestfriend ni Leonard, eh total opposite naman ang ugali ng dalawang to =____=.

“Anong ginawa mo kay Leo kagabi?!?” tanong niya sa akin. Tapos parang hindi siya mapakali.

Ting!

Makaganti nga sa babaeng ito. Kahinaan niya si Leonard eh. Masyado siyang attach kay Leonard. Mapaglaruan nga sandali. Baka kasi laitin na naman ako ng babaeng ito oras na malaman niya na nasaktan nga ako kagabi.

“We have a great night last night.”

Katahimikan

Tapos bigla siyang tumawa ng malakas.

“Haaah- haaaah - - haaah!! Ang galing mo namang mag joke! Ikaw papatulan ni Leonard?!? Like duuh!! Masyado kang ambisyosa dear!!! “ sabi naman niya sa akin. Mukhang palpak ata ako. Pero, hindi pa rin ako susuko. Nakita ko kasi kung paano siya mamula. Siguro, kinakabahan na siya. I find it cute sa itsura niya ngayon, kahit na mataray siya, may pagka childish rin pala siya minsan.

“Gusto mong malaman kung totoo ang sinasabi ko?!? Papatunayan ko yan sa trip natin.” Sabi ko sa kanyang nakangiti habang iniwanan siyang nakanganga dun.

DREY’S POV:

The heck with that girl! Hinahamon ako ah!! Akala niya uurungan ko siya! Pwes nagkakamali siya! Agad akong pumunta kay Leonard.

“Shall we go?!?” tanong ni Leonard sa akin.

“Sure thing.” Then we went into the mall at naggala together. Hay, ang sarap sa feeling,napaak heaven lalong lalo na at kasama mo ang mahal mo. Maraming tao ang nakatingin sa amin at naririnig ko ang sinasabi nila. Kung gaano raw kami kabagay sa isa’t-isa kasi pareho kami ng hilig at wala kaming pakialam sa paligid naming. Well, I knew it. That’s destiny at kelangan na nilang tanggapin yun. Kami ni Leo ang nararapat para sa isa’t-isa. I found destiny ever since that fateful day.

“Leeeooo!! Say aaaahhhh!” sabi ko naman sa kanya habang pinapakain siya ng shiomai.

“Aaaah… “ tapos ninguya niya yung shiomai. Ang cuuute lang niyaaa!! ^_____^ tapos nagpa picture naman kaming dalawa habang nagpatuloy sa paggala. Nung napagod na kami, hinatid na niya ako sa bahay. Oo nga pala, may nakalimutan akong itanong.

“Ahm, Leonard, may nangyari ba kagabi?!?”

“Huh?!? Nangyari?!? What do you mean Nica?!?”

“Ahm, sa inyo ni Crystal?!? I mean, may nangyari bang hindi inaasahan?!?”

Nakita kong napaisip siya muna bago niya ako sinagot. Napabuntong-hininga siya.

“Let’s not talk about it muna Nica habang hindi pa maayos ang lahat.”

The heck!! Grrrr!! I wanna make sampal-sampal of that girl and patayin siya!! Inagaw niya si Leonard sa akin!!! Aiisssh!!!! >___________<

A/N:

                Kung sina Allen at Fel ay may Stormy Night sa trip nila nung sembreak, ano kayang mangyayari sa trip version nina Crystal, Leonard, at Audrey?!? At ano nga kaya ang nangyari ng gabing yun?!? Tama ba ang iniisip ni Audrey? XDD Abangan sa update ko sa 14 ^________^.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...