A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

24.2K 1.1K 789

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 24

594 33 22
By gereyzi

Chapter 24
Pain

"Hay nako, Zowe!" I said frustratedly. Padabog akong naupo sa couch at nilingon siyang umiiyak sa kabila.

She called me because her ex wanted her back. Pero nakita raw niya ito kaninang may kasamang ibang babae. Hindi ko rin talaga kasi sya maunawaan. Siya itong nagsabi na hindi na magpapaloko pa ulit pero yan na naman. Hays, girls!

"Anong gagawin ko? Should I confront him?" umiiyak niyang tanong. Naiinis kong tinatapik ang kaniyang likuran para gumaan naman ang kaniyang pakiramdam. "I believed in him, for Pete's sake!"

"Look," panimula ko. Kinuha ko ang san rio sa kaniyang braso at sinimulang ipitin ang kaniyang buhok. "If you think that you're being fooled, then stop. You're not made to satisfy someone."

Tsk! Iniwan ko sila Ameliah para dito.

"Ito ay suggestion ko lang, ha," dagdag ko matapos mag-isip. "Try to collect more proofs. Collect and collect till you lose feelings. Kapag tingin mo'y kaya mo nang iwan sya, iwan mo. Wag ka mag-iwan ng kung anong reason basta iwan mo. Gagong yon."

Nang sabihin ko iyon ay mas umiyak lang siya kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya.

Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to para sumaya? Parang ako ang mababaliw sa kanya, e!

"Halika, doon ka muna sa bahay," usal ko makalipas ang sandali saka ko siya tinapik sa braso.

"Ayaw ko," mabilis siyang umiling. "Baka kung anong isipin ni Liah. Ayaw kong makasira sa inyo. I just can't take this anymore kaya napatawag na ako sa'yo," she added.

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. She's right. Baka kung anong isipin ni Liah, baka maudlot pa ang balikan namin.

"Ihahatid—"

Naputol ang aking sasabihin nang mag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito at kaagad sinagot.

"Hi!" Liah greeted. Nanlaki pa ang aking mata at nilingon si Zoe na inaayos ang ipit ng buhok niya. "Is Zoe okay?"

"Ha? Ah, katatapos lang umiyak, e," napakamot ako sa aking batok. How did she know? "Nakauwi ka na ba o nasa bahay ka? I can send you home—"

"Ah, hindi na. Nakauwi na ako," she replied before sighing. "I think... you should accompany her first. Ano... I saw her boyfriend, I'm not sure if it's her boy, but that was yesterday, e."

"Ganoon ba?" tanong ko at muling nilingon si Zoe na ngayo'y umiiyak na naman. "You think he's cheating?"

"Obviously," Ameliah chuckled. "Don't leave her, yet. Isama mo sa kambal, kung pwede. Baka sakaling makalimot sya kahit sandali."

Matapos ang tawag na iyon ay inuwi ko si Zoe sa bahay gaya ng suggestion ni Liah. I can't help but admire her for that. I'm so proud of how she grew up.

"I think Nanay Liah and Chester is just the same person."

Mula sa aking pagbabasa ng kaso ay nilingon ko si South na ngayo'y kasama si Zoe at North sa pagpipinta. Kanina pa silang tatlo nagkukwetuhan doon.

"Hmm? How you say so?" tanong ni North.

"Nanay explained to me awhile ago her way of painting before, I saw how similar she is to Chester," sagot ni South. Nangunot pa ang noo ko dahil doon bago tumango. May possibility naman talaga.

"You're right," pagsang-ayon ni Zoe. "Your Nanay is the standard of every girls in town before. She's one of the famous girls."

"Bakit before lang?" tanong ni North.

"Some delusional group of girls tried to ruin her. It's so sad that I can't do anything to protect her before," Zoe replied before sighing.

I can't help but feel pain whenever I remember what happened to Liah before. I was so clueless about the issue before, kay Zoe ko pa nalaman iyon. At ang mga hayop na BlackLeaf na yon. Putangina.

"Hey, kid," tawag ni Zoe kay North. "Nanay Liah didn't just leave you two out of nowhere. She left because she had to fix herself, kaya ikaw umayos ka."

"Okay na, Tita. I asked her to be back here kanina," nakangiting sagot ni North.

"That's it. Tama attitude," ani Zoe bago sila nag-apir.

I hope... this goes well this time. Hindi ko alam ang tunay na motibo ni Liah. She's so hard to read these months. Mula nang bumalik sya. Parang kahit kanino ay distant sya.

Nanatali si Zoe sa bahay hanggang gabi, tinawagan lang siya ng kaniyang boss kaya napilitan siyang umalis. Nagpresinta na rin akong ihatid sya dahil wala naman syang dalang sasakyan.

"Stay here," sabi ni Zoe bago ako iwan sa sasakyan at pumasok sa isang coffee shop para kausapin ang kaniyang boss.

Mukhang hindi naman ako maiinip dahil kita mula dito sa parking lot yung shooting na nagaganap ngayon. Yung kaibigan ni Liah na si Konon ang gumaganap. Ang extreme ng shooting!

"Shit!" mahinang usal ko nang makita ko kung pano sumadsad ang siko ni Konon sa simento matapos ang isang action scene.

"Medic!" rinig kong sigaw ng staffs. Kaagad nilang dinaluhan si Konon na natatawa lang habang pinapagalitan siya.

"We can continue the raining scene tomorrow," suhestyon ng direktor nang makita ang sugat sa siko ni Konon.

"Let's... finish this scene today, Direc please? I have to go somewhere tomorrow, e," sagot ni Konon. Napailing ako dahil doon.

Tsk. Masyadong masipag naman 'to.

"Ah, bukas mo nga pala sasamahan si Miss Author sa psychiatrist nya," tila nang-aasar na usal ng direktor. Lahat ay nagtawanan at asaran pa sa set bago sila nagpakaseryoso sa shoot.

Naabala ang panonood ko nang may sasakyan na pumarada sa may hindi kalayuan sa akin. Nang magbaba ito ng salamin ng sasakyan ay nagulat ako nang makitang si Liah iyon. Tatawagin ko sana sya pero pumunta sya sa backseat ng sasakyan na akala mo'y may aayusin. Nang matapos siya doon ay bumalik siya sa kaniyang upuan. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nangalumbaba siya at nakangiting pinapanood ang shooting... si... Konon?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Liah at sa shoot. Nasiguro kong si Konon ang pinapanood niya nang ngumiti lalo siya at umiling nang makitang inaasikaso ni Konon ang mga kasamahan sa trabaho.

I don't know what I'm still doing here when a clear realization just hit me. All this time... akala ko... akala nya... ay ako pa rin. But to see her looking at someone like this? The amusement is clearly seen in her eyes. The way she follow Konon's every move with those eyes.

"Hi!" bati sa kaniya ni Konon na hindi na nya napansin ang paglapit dahil sa pagkalibang niyang panoorin ito.

Pinanood ko si Liah na mataranta nang matauhan. Dali-dali nyang kinuha ang roba na kanina pa nya hinahanda bago bumaba at iabot iyon kay Konon.

"It's cold," agap niya nang makitang nagtataka si Konon.

I can't help but be amazed on how she looks at him, how she takes care of him.

Hindi ako umalis sa aking pwesto. Pinagpatuloy kong panoorin kung paano alagaan ni Liah si Konon at kung paano naman sya tingnan nito pabalik. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang mga sumunod na pangyayari. Nagsimula nang umambon at naroon pa rin ang dalawa.

Tsk. Hindi ba nila pwedeng ituloy ang usapan nila somewhere safe?

"It's... okay, Ameliah," marahan na sabi ni Konon kay Liah nang mag umpisa itong magsalita. I can clearly see how hesistant the two are. "If it's... about you and your family, it's okay," dagdag ni Konon na siyang pinagtaka ko.

"Konon..."

I don't know what's happening here but there's one thing I am hundred percent sure with. Liah came home wanting us back but not by her heart. I saw how she's trying really hard right now not to hurt the man she... truly loved.

Gulat na gulat ako na nanatili sa aking pwesto matapos ng lahat na nasaksihan ko. Nakaalis na si Liah at lahat pero nakatitig pa rin ako sa kung saan sila nakapwesto kanina. Kung saan nakita ko kung paano nila nasaktan ang isa't isa.

What the heck, Liah? You can still be with the kids! Kahit naman hindi nya pilitin ang sarili na balikan ako ay hahayaan ko syang makasama ang mga bata. I can make an adjustment for them, though.

Dumaan ang mga araw. Hindi nagpakita si Liah kaya nag-aalala akong naghihintay ng paramdam niya. I don't know what's with me pero ni hindi pumasok sa isip ko na masaktan para sa sarili. Hindi ko alam kung bakit nasaktan lang ako nang makita siyang nasaktan nang gabing iyon. Hindi ako mapakali dahil bigla syang naglaho matapos ang gabi na iyon na parang bula.

"Tay, what's that?"

Mula sa pagtitig sa papel ay gulat kong nilingon si North na ngayo'y kapapasok lang sa aking opisina rito sa bahay.

"Ah, wala," sagot ko bago ko itago ang papel. Ang papel na pinapapirmahan dati ni Liah na itinigil nya dahil gusto nyang magkabalikan kami. "Is South also ready?" pag-iiba ko ng usapan.

Tumayo ako at ni-lock sa drawer ang papel... na pinirmahan ko na. Inakbayan ko si North na ngayo'y nagtataka sa aking inaakto. Lumabas kami ng opisina para sunduin si South sa kaniyang kwarto. Dadalhin ko kasi sya sa ospital ngayon dahil may buto siyang na-dislocate dahil sa paglalaro niya ng volleyball kanina.

Nang makarating kami sa osipital ay naabutan naming nagmamadali ang lahat ng nurse dahil mukhang may emergency. Napailing na lang ako dahil doon bago inalalayan si South papasok. 

"Attorney Gonzaga!" gulat na sabi ng nurse nang makita ako. "This way po," she then guided us to a room. Kaagad nilang pinahiga at inasikaso si South kaya naman nakampante ako.

"Anong nangyari?"

"Sinong nang-away sayo? Susugurin namin!"

Ngumiwi ako nang magpasukan sa kwarto sila Reego, Romulo, Jacos, River at Payton. Nice kumpleto kami na akala mo'y sobrang sama ng nangyari kay South.

"Naglaro lang po ako," South replied and giggled. Katatapos lang nyang ma-check ng isang lalaking doctor. Quentin Filomeno raw ang pangalan.

"Ayos ka na ba? I brought this for you," nag-aalalang sabi ni Rom kay South bago abutan ito ng rose.

"Ayos na po. Thank you!"

"Si Liah hindi pupunta?" usisa ni River na ikinatigil ko. Itinigil ko ang aking pagbabalat ng mansanas dito sa sulok.

"I... I don't know. I can't contact her these days," I shrugged. Nagkatinginan silang lahat dahil doon. Akmang magsasalita pa si Rom nang biglang may kumatok. Si North ang nagbukas noon at halatang nagulat pa nang makita kung sino ang kumatok.

"Doctor Filimeno have an emergency so that's why I was sent here to give South's medicine," pormal pero magaan na sabi Konon. May dala siyang maliit na basket at lumapit kay South.

"Doc Konon. Nice seeing you," ani Payton at nakipagkamay pa.

"Mr. Meiran! How's Nurse Shawntell?" tanong ni Konon kay Pay habang abala siya sa pagtingin sa paa ni South. "Tell me when it hurts, okay?" marahang sabi nya kay South.

"She's in our house. I'm still trying my best to not upset her, though," tila sobrang bait na sabi ni Pay. Ang mapagpanggap na 'to.

"Good to hear that, Captain. What she needs is a kind and caring environment," bahagyang ngumiti si Konon bago tumayo. Nilingon nya ako at tinanguhan. "Just make sure to give her medicine at the right time for her fast recovery, Attorney."

"Yes, Doc," sagot ko bago siya sinundan ng tingin nang lumabas na siya ng kwarto. Sumunod kaming anim sa kanya para ihatid sya sa labas.

"Bakit ganon? Parang naniniwala na ko sa sinasabi ni Aia nung nakaraan na para syang yung nasa Taylor Swift song, yung lyrics?" tila naiiling na sabi ni Reego nang maiwan kami rito sa labas ng kwarto habang nakatingin kaming lahat kay Konon na sumakay na ng elevator.

Nagkausap pa kaya sila? I can't help but wonder. Nag-aalala ako ng sobra kay Liah. Saka... bakit parang normal lang naman lahat kay Konon ngayon? Nung nakaraan lang halatang nasasaktan sya. Tsk.

"Alin naman yon?" taas kilay tanong ni Rom. Humalukipkip pa ito bago sumandal sa pader at binigyan sila ng atensyon.

"He's so tall and handsome as hell..." sabay na kanta ni River at Reego. Napailing na lang ako dahil doon at hinayaan sila.

"Baka sumobra ang imagination nyo, kalmahan nyo," tumatawang sabi ni Payton kaya nakatanggap siya ng batok sa dalawa.

"Ang tahimik mo yata, Havoc. Anong ganap sayo?" puna sa akin ni Jacos. Siniko pa ako. Nilingon nila ako dahil doon.

"Puntahan mo si Liah mamaya," suggestion ni Rom.

"Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong si Konon lang naman ang karibal ko kay Liah?" I blurted out.

"Yeah. Liah's not just the typical girl, though," ani Rom na tinanguhan nila.

"But... Liah... just dumped him for me and for the kids," mahinang sabi ko. Nanlalaki ang mata na nilingon ako ng lima.

"What?"

"I... saw them together last week. Pinuntahan sya ni Liah," mahinang sabi ko ulit. Hindi ko sila magawang tingnan dahil nahihiya ako para sa sarili ko. "Para silang sobrang close dati pa. O baka mula nang mapunta si Liah sa ibang bansa."

"Nice naman pala. Isang Konon Dior na yon pero tinabla ni Liah para sayo at—"

"I think Liah's so into him, too," putol ko sa papuri sa akin ni Reego. Nanlaki ang mata nilang lima. Si River ay napatakip pa sa bibig.

"I think she chose me and the kids because of her eagerness to be with them. I saw how she looked so mesmerized to Konon. Alam kong... hindi nya alam ang katotoohanan na yon, o sadyang... iniiwasan nya para lang samin," kwento ko pa. Ngumiti ako at tumitig sa sahig.

"I saw how she was hurt when Konon let her go," dagdag ko at bumuntong hininga.

"Anong plano mo?" tanong ni Rom. Inakbayan ako ni Jacos at tinapik-tapik sa balikat na akala mo'y bata ako.

"Ewan ko. Hindi pa nga sya nagpapakita, e," I shrugged. "Malakas ang kutob ko na natrigger lang sya sa sinabi ni North sa kanya nung nakaraan na pwede na syang bumalik sa bahay... kaya nagawa nyang layuan si Konon," papahina ang boses na dagdag ko.

"Hay nako, Chano," ani Reego. Hinawakan nya ako sa braso. "Ikain na lang natin yan. I texted Zoe and she's on her way here to look at the kids. Tara," he added bago nagsimulang maglakad palayo. Kaagad namang sumunod sa kanya si Rom at umakbay.

Gaya ng gusto ni Reego, umalis kami sa ospital nang dumating na si Zoe. Inihabilin ko sa kaniya ang dalawang bata. Maingay kaming bumyahe papunta kung saan.

"Ano bang gagawin natin dito?" bugnot kong tanong nang umorder sila ng pagkain bago naglabas ng Uno flip cards. Kasalukuyan kaming nasa restaurant na maunti lang ang tao.

"Mag-chill ka dyan. Puntahan mo si Liah matapos 'to," sagot ni Rom na tinapik pa ako sa balikat. Wala akong nagawa kundi ang maupo at sumama sa kanila.

Naglaro kami ng Uno flips nang mga oras na iyon. Tanging ang lamesa lang namin ang maingay, natahimik lang kami nang makita naming pumasok si Konon na may kasamang ilang lalake. Mukhang mga doktor din ayon sa pormahan nila.

"Sexton, you better be quiet. It's embarrassing to the customers," saway ni Konon doon sa kasama nyang mukhang maangas.

Baho ng pangalan.

"Mga kaibigan nya yan. Lahat sila doktor," si Payton ang sumagot ng tanong naming lima. Ayon sa kanya, Shawny used to work with them.

Patuloy naming pinanood sila Konon hanggang sa pumasok sila sa isang pintuan. Mukhang office. Tsk. Pati ba naman ito ay kanya?

"Is that Liah?"

Naantig ang tenga ko nang magsalita si River. Kaagad kong nilingon ang kaniyang sinasabi, nang wala akong nakita ay tumayo ako at sinuntok siya sa braso  habang pinagtatawanan nila ako.

"Pero, pre, seryoso anong plano mo kay Liah?" pagseseryoso ni Rom.

"Ewan. Hindi naman ako engineer o architect, e," I shrugged. Umambang susuntukin ako ni Rom kaya tumatawa akong umatras. "Kidding. Actually... I don't know what I'm feeling."

"Pakiramdam ko... dapat ko na lang syang hayaan," I sighed. Nagkatinginan na naman silang lahat dahil sa aking sinabi.

"Walang Santo boy na hindi lalaban para sa babaeng mahal nya," umiling si Reego sa akin bago nagbaba ng card.

"Saka... you're not even asking her out again. Like just the two of you," River looked at me very confused.

"Or..." si Romulo naman. Itinigil naming lahat ang paglalaro at binalingan sya. "You're not into her anymore. Haven't you noticed? I guess, you're just concerned right now."

"Pare, naman," angal ko at nilapag ang lahat ng aking baraha.

"I'm just guessing. I've been watching you the whole day. You don't look so broken or anything," Romulo shrugged. Umiling ako dahil doon at tumayo. "And what about the care you have for Zoe? Hindi mo ba papansinin yan?" dagdag ni Rom. Naiinis ko syang tiningan pero nakangisi lang siya sa kaniyang baso.

"What the heck is your problem?" tinapik ni River si Romulo sa braso. I clenched my fist.

"Wala lang. Ang sakin lang, huwag puro si Liah ang napapansin sana na... na-fall out of love na," natatawang sagot ni Rom. "Alam kong friends sila ni Zoe but I never cared and loved a friend that much."

"Chano, saan ka pupunta?" rinig kong sigaw nila Reego pero hindi ko na yon pinansin at kaagad na sumakay sa aking sasakyan.

Tanginang Romulo 'to, walking conscience ko ba sya? Tsk!

I've decided. I'll go to Liah's unit para tanungin sya. Ayaw kong tumagal pa na ganto. Ayaw kong maging makasarili dahil lang gusto ko syang kasama. Sa totoo lang, tinamaan ako sa sinabi ni Rom. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong mahal na mahal ko si Ameliah. Pero hindi ko mawari kung bakit parang ayos lang sa akin na may mahal syang iba. Dahil ba ganoon kalalim ang nadaramdaman ko sakanya o...

"Is Ameliah Gonzaga there?" tanong ko sa landlord nang makita ako nito at harangin sa lobby.

"I am not so sure, Attorney. I'll let you in there, kung wala sya ay baka nasa site sya."

Nagmamadali akong umakyat sa exact floor ng unit ni Liah. Naghintay ako sa labas ng kaniyang bahay ng ilang minuto. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang napindot ang doorbell pero wala pa ring lumalabas kaya naman napagdesisyunan kong puntahan siya sa site.

"Ah, hindi ba nasabi sayo ni Rom?" tanong sakin ni Bianca nang makita nya ako.

"Na ano?" naguguluhan kong tanong.

"Oh! Baka pala hindi nya alam, hindi pala sinagot mga texts ko," Bianca replied while looking at her phone. "Si Liah kasi nag-file ng leave kanina. Ang alam ko ay isinama sya ng daddy nya sa Ireland, e," she added.

"Dumating si Mr. Zeich?" gulat na gulat kong tanong.

"Oo. Nitong nakaraang linggo pa," nag-aalalang sabi ni Bianca. Pinaupo nya muna ako sa loob ng kanilang tent. "Malubha na ang karamdaman ng matanda kaya baka sinamahan ni Liah yon kahit may sama ng loob sya don."

"Ganon?" bumuntong hininga ako at nag-isip. "Kailan kaya ang balik?"

"Nako, yan ang hindi ko alam. Try mo magtanong kay... Konon?" tila nag-aalinlangan nyang sabi. Umiling ako dahil doon.

"Tingin ko'y wala syang alam," I replied. Tumayo ako at naghanda na sa pag-alis. "Sige, salamat—"

"Kung... sakaling mawala man si Liah, sana unawain nyo. She's still unstable mentally, huwag sana natin hayaan na ma-pressure sya when it comes to love."

Natigilan ako sa pag-alis nang sabihin yon ni Bianca.

"Alam kong kaya rin sya umalis ay dahil... para mag-isip dahil sa pag-turn down niya kay Konon," she added after awhile. "Kung hindi mo natatanong kasi, Chano... he's one of the reasons why Ameliah's still alive right now."

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Dahan-dahan akong naupo at natulala na.

"Liah told me everything that's happened to her before she went to the  US," Bianca sighed this time. "She attempted suicide, Chano."

Tila bomba ang narinig ko sa sinabi ni Bianca. Hindi ako nakakilos at nanatiling nakikinig.

"Mabuti at nandon pala si Konon sa dagat nang mga oras na yon. They haven't met for a long time. Lahat ay iniwasan ni Liah, tanging kay Konon lang sya nagtiwala nang lubusan."

"Kaya sana, wag ka magalit sa kaniya kung sakali mang mas mahal na nya si Konon kaysa sayo. She may not notice it pero base sa mga kwento nya, Konon is an exception to her. Sa lahat."

Matapos kong makausap si Bianca ay umalis na rin ako sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Dapat ba akong magparaya o dapat syang ipaglaban. Sa totoo lang, hindi ko alam. Sobrang nalilito at nahihirapan ako. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga.

Hindi ko alam kung anong oras ko napagdesisyunan na umuwi. I was so drunk when I got home, nawala lang ang kalasingan ko nang salubungin ni South na umiiyak.

"Tatay!" South cried so hard. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap sya. I can feel how her body shakes.

"What happened? Are you hurt? nag-aalala kong tanong.

"Nasa ospital si Tita Zoe ngayon with North. They both got into an accident. North is fine according to Tita Zoe's mom."

Para akong nabingi sa aking narinig.

"And Zoe?" nanghihina kong tanong bago ko kinapa ang susi ng sasakyan sa aking bulsa.

"Tita Zoe's declared as comatosed just now, Tatay. What should we do?"

Nang marinig ko iyon ay dali-dali na aking tumayo. Ang kaba ay umusbong sa akin at kaagad lumabas ng bahay.

"You stay here with yaya! I'll be back!"

Mabilis akong nakarating sa ospital matapos ang sobrang bilis na patakbo ko ng sasakyan. Pakiramdam kong lalabas na sa aking dibdib ang aking puso sa lakas ng tibok nito. I can't help but feel the pain it caused.

"Call Doctor Ruiz. Tell him I need him here right now!"

"Right away, Doc."

Ang nagmamadaling si Konon at mga nurse ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa tamang palapag ng kwarto ni Zoe. Lahat ng naroon ay nagkakagulo na at labas-pasok sa kwarto. Kabang-kaba ko na ipinagpatuloy ang aking paglalakad palapit sa kwarto. Nasiguro kong kay Zoe na kwarto iyon nang makita ko si North na nasa labas kasama ang nanay ni Zoe. Nakatingin sila sa kwarto at umiiyak. Nang marating ko ang labas ay saktong mahabang tunog ng aparato ang narinig ko. Doon na tuluyang pumatak ang aking luha.

Zoe...

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...