San Vicente 3: Illustrious

By psychedelic26

6.6K 365 115

San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 15

289 24 9
By psychedelic26

"YOUR eye looks a lot better. Natatakluban talaga ng make up." Puna ni Alpha sa kanya bago sila bumaba ng sasakyan. "Pero isuot mo pa din yung shades mo. Maaraw."

"Gumagaling na din talaga akong mag-make up boss, ang tagal tinuturo sa akin ni Delta. Baka kapag hindi pa ako natuto ng ayos ay binato na ako ng brushes niya." Natatawa niyang kwento habang inaayos ang seatbelt niya. "Saan uli tayo pupunta boss?"

"Sa Cavite, may lupang tinitingnan dun sina Mama. Gusto nilang tingnan ko din." Pinaandar na niyo ang sasakyan at nagsimula na silang baybayin ang daan.

"Kasama ako?"

"It's weirder kung hindi kita kasama. Iisipin nanaman nilang binugbog kita." Alpha joked.

Hindi pa din talaga ito maka-get over sa litanya na nakuha mula sa ama't ina nung madatnan ng mga ito na may pasa siya sa mukha. Akala niya ay sa ayos nila magrereact ang mga ito pero hindi pala. It wasn't even discussed. They blamed him kasi ito daw ang rason kung bakit ito nandoon. Si Alpha pinagagalitan habang si Delta na kasama ng mga magulang ay kumakain lang.

"Hindi naman ako magpapabugbog sayo. Kita mo yung si Estong dati? Na-black eye-han ko siya." Marci said proudly. Tapos na siya sa phase na yun ng buhay niya. Hindi na siya naiilang na i-kwento yun o mapag-usapan.

"It's been such a long time mula noong mangyari yun pero vivid pa din ang hitsura niya sa akin. Nakakatawa pa din." He burst into random laughter. Ang sarap talagang tingnan nito kapag tumatawa. He looks so alive.

Kung ito ay yung hitsura ni Estong ang natatandaan sa panahon yun, siya naman ay si Alpha ang nagmarka. Nung nakita niyang dumating ito ay parang may kung anong mabigat na natanggal sa balikat niya. She felt na meron na siyang kakampi and he didn't disappoint. From that day hanggang ngayon, alam niyang si Alpha ang kakampi niya.

"Baka matunaw ako Marciana." He said habang nakatingin pa din sa kalsada.

"May mata ka ba sa gilid ng mukha mo?" She teased him.

"Ramdam ko lang, kinonfirm mo naman." He took a quick glance at her. "You're blushing again."

"Blushing? Hindi ah. Mainit lang kasi kaya medyo namumula ako. Assuming ka talaga boss." Humarap na siya sa kalsada bago sa dashboard at itinapat pa lalo sa kanya ang aircon.

"I don't mind." He said.

"Hindi nga," she laughed.

The car ride, like most ones recently, was kind of suffocating for Marci. Hindi niya alam kung saan siya titingin o kung anong gagawin niya. Ano bang dapat ikwento niya? Anong dapat sabihin niya? Hindi niya alam kaya nakatingin lang siya sa labas, kinakabisa ang hindi pamilyar na daan para matanggal ang kagustuhan na lingunin muli si Alpha.

Kumain muna sila ng tanghalian sa Tagaytay uli. Noon niya lamang talagang napagmasdan ang lugar. Hindi naman kasi sila nagtagal noong huli makalipas ng pagsikat ng araw at umalis na din sila agad. Kaya ngayon na kitang-kita ang maliit na bulkan sa gitna ng isang lawa, she's so amazed. Naglibot sila ng kaunti hanggang sa malapit ng mag-alas tres, malapit naman na daw kasi ang lupa na sinasabi ng mga magulang nito kaya nun lang sila umalis. Laking gulat nga nila nang dumating sila sa hacienda nang sabihin ng mga ito na nakapaglibot na sila ng madami.

"Were we supposed to meet you earlier?" Tanong ni Alpha sa mga magulang na parehas nakatingin dito. "Sabi sa akin ni Omega ay 3 PM pa para hindi mainit kaya naglibot muna kami ni Marci."

"Ay mali ata ako." Omega says, holding in a smile on her lips. "3 PM nga ang sinabi ko kina Kuya."

"Nalibot na namin yung mga villas. Yung mga taniman na lang ang hindi namin natitingnan." Sabi ng tatay ni Alpha dito. "Did you at least have fun Marci?"

"Sa paglilibot po? Opo Tito. Gabi kasi nung nakapunta po ako dito. Di ko na kita yung Taal Volcano masyado." It was not the prime view at that time but the rising sun at syempre si Alpha. Kaya kanina habang naglilibot sila ay naappreciate niya ang ganda ng lugar lalo na at maganda din ang restaurant na napili ni Alpha.

"Well okay, sige na. You two are forgiven." Tumayo na ang ginang at naglakad patungo sa pintuan. "We'll look around the area then we'll decide. Nasa likod na ang mga sasakyan. Let's go."

Nawala na yung kaba nila ni Alpha nang mag-aya na finally ang ginang na lumabas na sila patungo sa likod ng villa para matuloy at matapos na ang paglilibot sa napakalawak na lupain na ito. Paglabas nila ay may isang malaking sasakyan at tatlong kabayo. Maganda daw na ikutin ang lugar habang nakasakay sa kabayo.

She was truly excited kasi ang tagal na nung huli niyang nagawa ito. Agad siyang nag-volunteer sa kabayo at sinundan naman siya agad ni Alpha. Sa tagal niyang nawala sa Masbate ay akala niya hindi na niya ito uli magagawa. This reminds her of home somehow. Inalalayan siya ni Alpha na sumakay sa kabayo. Sinigurado pa nito sa mga caretaker na maamo ang kabayo na sinasakyan niya.

Halos isang oras na silang naglilibot nang huminto muna sila sa isang pahingahan para naman makainom ng tubig at makapag-usap din. They were casually relaxing nang bigla na lang nagsimulang mag-iingay ang kabayo na sinasakyan pa din ni Alpha. Hindi kasi ito bumaba kanina at nagpaabot lang ng tubig sa kanya. He looked tired at gusto na niyang ayain ito na sa sasakyan na lang. He seemed uncomfortable while horseback riding.

Nagulat nalang sila ng biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo na sinasakyan ni Alpha. Kahit yung mga guide nila ay nagulat dahil doon. Hindi na siya nag-isip pa at sumampa muli sa kabayo at pinatakbo iyon ng mabilis. Delikado at baka kung saan pa mapunta si Alpha eh halata namang hindi ito sanay sa pagpapatakbo ng kabayo.

"Marci! Bumalik ka! Delikado!" Rinig niya ang tinig ng nanay ni Alpha pero hindi niya naman pupwedeng pabayaan ang lalaki. Sanay siya sa ganito at ilang beses na din naman niyang nagawang pigilan ang mga nagwawala o nagagalit na kabayo sa kanila.

Wala pang ilang minuto ay halos kasabayan na niya ang kabayong sinasakyan ni Alpha. He looked confused pero nakahawak lang ito ng mahigpit sa renda. As usual he was sporting a calm look.

"Boss!" Tawag niya dito. Mabuti na lang ay nasa malawak pa silang lupain at hindi pa sa bandang gubat.

"What the heck Marci, bakit ka andito? Delikado. Ang bilis bg takbo ng mga kabayo. You might hurt yourself." Ito na nga ang nasa alangan pero siya pa din ang iniintindi.

"Mas sanay ako sa ganito boss," pero hindi na siya nilingon nito. He must feel bad na makitang kinakabahan ito in front of her. He always likes to act tough. "Alpha, makinig ka. Malapit na tayo sa gubat, baka mas matakot yung kabayo dun kaya dapat pakalmahin na atin siya ngayon. Okay?"

"Okay, what do I do?" He asked pero hindi pa din lumuluwag ang hawak nito sa renda.

"Kumalma ka lang. Nararamdaman niya din na kabado ka. Ilipat mo yung hawak ng isang kamay mo diyan sa saddle, diyan sa may kahoy na parte na parang handle." Pinanood niyang gawin nga nito ang iniutos niya. "Tapos, luwagan mo ang hawak sa renda, baka masyado mo nahihila at nasasaktan siya."

She watched as Alpha carefully did what she asked of him. Medyo bumabagal na din ang takbo ng kabayo at kita niyang may papalapit ng ibang tao sa kanila.

"Kalma ka lang, okay? Tapos mahina lang, hatakin mo yung renda. Isang beses lang. Sign yan na bumagal o tumigil yung kabayo." Nakalma na din siya dahil nakita niyang nag-iiba na ang timpla ng kabayo mismo. "Subukan mo din na medyo haplusin yung sa may gilid ng leeg niya."

The horse moved slower, yung parang normal na lakad na lang. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Parang nanikip ang dibdib niya kanina kasi baka mapahamak si Alpha. Napapansin niyang palagi na lang ganun ang nararamdaman niya para sa lalaki, she's always so concerned about him na parang kailangan niyang makita ito palagi o makasama para alam niyang ayos lang ito.

"Okay ka lang?" The horse finally stopped. Itinabi niya ang kabayong sinasakayan sa kay Alpha.

"That was dangerous Marci." Iyon lang ang sinabi nito sa kanya.

"Sanay nga ako boss, galing akong Masbate. Ang gamit ko sa taniman ay kabayo. Ang concern ko lang ay ang okay ka." It was the truth, wala namang halong biro. Sanay na sanay siya na tipong wala na siyang kahit na anong kaba sa ganitong mga bagay maliban na lang kanina nung maisip niyang baka masaktan nga ang lalaki. "Okay ka lang ba?"

"Yes." Then Alpha laughed. Naaaning na ata ang isang to. "I probably looked pathetic kanina. Hindi naman ako marunong talaga."

"Sana sinabi mo na lang para dito ka na lang din sa akin." She smiled as well. "Nakahanap na din ako ng bagay na di mo alam gawin."

"Naghahanap ka ba nun? I must have tainted my coolness in your eyes, ano?"

"Hindi possible yun. Ikaw pa ba?" Marci got down from her horse with ease para hawakan ang kabayong sinasakyan ni Alpha. "Baba ka na muna. Baka palitan nina Kuya itong si Blacky, mukhang wala siya sa mood eh."

"Okay lang kayo sir? Ma'am?" Sabi nung isang guide nila kanina na kakarating lang. "Pagpasensyahan niyo na po si Blacky.  Hindi rin namin alam kung bakit siya nagkaganyan."

"Palitan na lang natin siya," suhestyon ni Marci. "Kay boss na lang tong si Pearl, tapos akin na lang si Blacky. Mas sanay naman ako."

"Marci, no." Umiling si Alpha. "Hayaan mo na sa mga amo niya si Blacky. Kung magpupumilit ka pa ay maglakad na lang tayo."

"Maglakad?" Naptingin siya sa malayong paroon. They got so far na hindi niya man lang matanaw ang 4x4 na sinakyan ng mga magulang ni Alpha. "Okay fine, ibang kabayo na lang. Kaya mo na ba?"

"Oo, okay na ako." He smiled.

"Akong bahala sayo. Balik na tayo kina Tita?" Tanong niya dito.

"Itong si Light na lang po ang inyo ma'am, parang si Pearl lang to, kalmado din." Iniabot ng lalaki ang renda sa kanya.

"Here, let me help you." Akmang susubukan na niyang sumampa uli sa kabayo nang hawakan ni Alpha ang beywang niya't inalalayan siya sa pagsampa.

"Thank you," Marci smiled. "Sakay ka na din, mabait yang si Pearl tsaka wag kang kabado, nararamdaman nila."

Pinanood niyang sumampa sa kabayo si Alpha. She saw a slight smile on his lips nang maayos ang sarili. Pearl is calmer kaya baka mas okay din si Alpha. Hinayaan na nilang mauna ang guide uli sakay kay Blacky, medyo iritable pa din ito't lakad takbo ang ginagawa.

"Akin na," Marci extended her arm to Alpha. Gusto niyang abutin ang renda ng kabayo nito para siya na ang mag-guide naman dito pero imbes na ang renda ay kamay niya ang inabot nito't hinawakan. "Bakit?"

"Weren't you asking for my hand?" Nalilitong sabi nito.

"No, yung renda, akin na. Ako na mag-guide kay Pearl." Pigil na pigil niya ang pagtawa. Hindi pa din nito binibitawan ang kamay niya.

"Hindi pwedeng kamay ko na lang?" Biro nito.

"Kapag may nairita nanaman sa isa sa mga kabayo natin, mahuhulog tayong dalawa Alpha." She finally laughed. "Masakit mahulog."

"Then I'll catch you." Seryosong sabi nito.

"Eh paano kung ikaw ang mahulog?"

"Then you should catch me as well." Alpha smiled then let's go of her hand. "Ito na yung renda."

She smiles and takes the rein from him pero ramdam pa din niya sa kamay niya ang init ng kamay nito. It's bad that she likes the feeling. Bakit ba hindi mapakali ang puso niya lately?

"Naku Alpha! Aatakihin ako sa puso dahil sa pinaggagagawa mo. Nagsabi-sabi ka pang marunong ka at sanay pero hindi naman pala. Tapos ikaw naman Marci, isa ka pa. Hahabol-habol ka pa eh alam mo namang delikado." Palakad-lakad pa din sa harap nilang dalawa ang nanay ni Alpha. May limang minuto na silang pinagagalitan nito na kahit pigilan ng asawa ay hindi talaga ito tumigil. Si Meg at Delta naman ay natatawa-tawa lang sa gilid.

"Sorry Ma, we're fine. Look. Huwag ka na magalit at baka nga atakihin ka pa diyan ng hypertension mo." Nilapitang muli ni Alpha ang nanay at inalo.

"Pasalamat ka marunong talaga si Marci kundi baka itinalon ka na ng kabayo sa bangin."

"Dear, walang bangin dito sa areang to." Singit naman ng asawa nito. "Napagalitan mo na ang mga bata. Can we just talk to our lawyer now and settle the sale? Para makakain na din tayo at ako'y nagugutom na."

"Naku, puro ka talaga pagkain." Naiiling na sabi ng ginang bago nilapitan ang asawa. "We'll just go and talk to the lawyer, babalikan na lang namin kayo diyan.

"Sama kami Ma!" Hinatak bigla ni Meg si Delta patayo at pasunod sa mga magulang.

"What do you think of this place?" Tanong sa kanya ni Alpha nung silang dalawa na lang.

"Namiss ko bigla yung taniman namin. Halos ganito din kasi yun eh. Pero syempre mas malaki to tapos may ganito pang magandang bahay." Sagot niya sa binata. "Dati parang magsasaka na din ako."

"You must've been a good farmer."

"Madami akong ka-close dun, ako lang din kasi yung babae na kasama nila. Yung mga ka-edad ko kasi kung hindi nasa Maynila, may asawa na, o di kaya'y nasa bahay lang." Kwento niya. "Ako nga daw ang muse. Nakakatuwa ang mga tao dun. Tinutulungan nila ako mula nung namahala na ako ng taniman namin."

"Pang-muse ka nga." He nodded.

"Muse na bilad na bilad sa araw. Buti na lang sinanay ko ang sarili ko na magbalot talaga kahit na mainit kundi balat ko ang nasunog naman." Hindi naman dahil lang sa vanity yun pero kasi sensitibo talaga ang balat niya sa araw. Kaunting bilad lang ay mamumula't magsusugat na ang katawan niya.

"Gusto mong umuwi sa inyo diba?"

"Oo pero tsaka na yun. Kapag siguro nahanap ko na si Ciano."

May kaunting lead siyang nahanap sa pagse-search niya sa internet. May profile siyang nakita na may litrato ni Ciano pero hindi pa din kasi ito nagrereply sa kanya. Binalita niya na ito kay Alpha and he's happy for her. Inulit nito na handa itong tulungan siya pero tinanggihan niya muna uli. Siya muna ang bahala, yun sana ang gusto niya.

Nang makatapos sa hacienda ay dumiretsong uwi na lang sila. She opted to cook kaya doon na kumain ng hapunan ang pamilya ni Alpha. They enjoyed the simple dinner ahe prepared before heading home. Nakakatuwa talaga kapag ganun, parang may malaki siyang pamilya at gusto niya ang feeling.

Dahil na din siguro maaga siyang nakatulog kagabi makatapos nilang magligpit sa kusina kaya maaga siyang nagising kahit na Sunday. She planned on just doing some work pero wala pa siya sa mood kaya naman lumabas muna siya sa verandah at pinanood ang pagbabago ng kulay ng langit. Unti-unti nang lumiliwanag. Naisipan din niyang patugtugin ang paboritong kanta ng mga magulang niya. It is the perfect background music for the rising sun.

"You're up early." Napalingon siya sa likuran at nakita niya doon si Alpha. Nagpupunas ito ng mukha, bagong hilamos na pero naghihikab pa din.

"Nagising ba kita?" She asked as she turned off the song from her phone.

"Bakit mo pinatay? I like the song." He smiled habang nag-iinat pa. Things like these would be so awkward if they weren't so used to each other. Kung may relasyon nga sila ay considered living in na sila.

"Paborito yun ng mga magulang ko. Dati nakikita ko silang nagsasayaw sa sala. Iisipin mo na mga bagong kasal lang sila kahit medyo malaki na kami ni Ciano nun."

Marci can vividly remember the way her parents tried to quietly laugh as they sway to the beat, looking like teenagers who fell in love for the first time. Kaya nung nawala ang tatay niya, parang inuupos na kandila ding nawalan ng buhay ang nanay niya. She kinda understood, nawala ang kalahati ng buhay nito. They followed each other even in death. Ganun ang gusto niyang pagmamahal, masyadong mataas ang standard niyang sinet para sa lalaking mamahalin.

"You should play it again then," lumapit ito sa cellphone at muling pinatugtog ang kanta. "The sun's just rising, ang aga ko ngayon."

"Oo nga eh," nagulat siya nang lapitan siya ni Alpha at kuhain ang kamay at iniikot sa leeg nito. "Anong?"

"Let's see why your parents dance when they're alone." Then his hand was at her waist as they started swaying along the familiar tune. "Maybe they liked this feeling."

"Ang alin?" Marci looked straight in Alpha's eyes that were already looking at her. Hayan nanaman ang puso niyang nag-aacrobats sa dibdib niya.

"This," he said. "It's peaceful and calm."

Then he laughed at nahawa na din siya. Ano nga bang nakakatawa? Wala naman pero their laughter felt genuine. It was just the two of them with the bright fresh sunshine from the rising sun and a song she's memorized since she was young. Is this how her parents felt? The world did feel calm.

"Hanggang mamatay si tatay, in love na in love yung dalawang yun sa isa't isa. Kahit nga nung nawala si nanay, si tatay pa din ata ang sumundo sa kanya." She tried to smile as she recalled that memory, masakit man at least she can think na masayang magkasama na ang mga magulang nila. "Gusto ko din ng ganun."

They looked like crazy people dancing in their sleepwear early morning. Pero tama nga ang sinabi ni Alpha na peaceful ang pakiramdam. Parang walang ibang bagay sa paligid kundi silang dalawa lang. How can she explain this? Kailangan na ba niyang harapin? Alam na ata niya ang tawag sa kabog ng dibdib niya at yung paghahanap sa mga mata't ngiti ni Alpha kahit madaming tao.

"I think I found mine." Halos pabulong na sabi ni Alpha. Napatigil ito sa pagsayaw, bagay na nagpahinto din kay Marci.

"Ang alin?"

"Yung sinasabi mong 'the one'. I think I found her." He lets go of her waist and instead holds her face in his hands. "I found you."

"Alpha," hindi niya alam ang sasabihin o gagawin. She felt like her head and heart's both going to explode, yung tipong parang naghahalo lahat ng parte ng kalamnan niya.

"I think it's you." Then he leans in and kisses her.
_____________
Hi! I apologize for missing the Monday update. Some things are just not that okay lately kaya quiet time muna talaga ako. I hope this satisfies you tho. I'll also try to update one more time to make up for the delay.

Hope you're all doing fine.

🙋🏻‍♀️: psychedelic26

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...