Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 15

51 14 0
By love_dine

Chapter 15

"Ma," Bungad niya bago nagdiretso palabas ng kwarto.

I sighed.

Sana talaga ay magkaayos na sila. Kailangan nila ng privacy kaya ayos lang na lumabas si Kai.

Nakatulog na ako sa kakahantay kay Kai na bumalik. At nang magising ako ay sakto namang paglabas niya mula sa bathroom, bagong ligo.

"Good morning," Lumapit siya na tanging manipis na puting twalya lang ang nakapalibot sa baywang niya. Bumaba ang tingin ko at agad nag-iwas nang may napansin. Umagang umaga naman...

"Morning," Paos kong tugon at napapikit nang dampian niya ako ng halik. Ang bango niya.

Tumayo na ako para maghilamos at makapag tooth brush.

"Nakapag-usap ba kayo ng maayos ng Mama mo?" Tanong ko.

"Yeah,"

Mabilis lang akong nayari at lumabas at uminom ng tubig na nasa bed side habang pinapanood siya.

"Kumusta?" He glanced at me.

"Gusto niyang mag-usap kami ng personal." I nodded.

"Uuwi ka?" He sighed.

Lumapit ako para ayusin ang tie niya kaya agad niya iyong binitawan at binigyan ako ng pwesto sa harap. Agad na pumatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang baywang ko.

"Yeah... Gusto kitang isama," I nodded.

"Sasama ka?" Nagliwanag ang mga mata niya pero tipid lang akong ngumiti. Naamoy ko ang bango niya kanina nang malayo pa kami at ngayong mas lumapit ay halos mabaliw ako roon.

"Kausapin mo muna ang Mama mo bago sa susunod, kapag wala na akong pasok ay dalawin natin siya." Suhestiyon ko. Nagtagal ang titig niya bago tumango.

"You have to settle your problem with her first. Mabait ang Mama mo, Kai. Sa baranggay namin ay sobrang bait niya at ano pa sa'yo diba? Kaya mabilis ka niyang maiintindihan kung may hindi kayo pagkakaunawaan." Mariin at seryoso ang mga mata niyang nakatitig saakin.

"Just say sorry if it is needed, okay? Kahit na gustong kong magtanong kung anong pinag-awayan niyo ay ayaw ko namang--"

"I'll tell you after I settle my issue with her. Pero... nagkasagutan kami at... hindi ko nagustuhan ang pangingialam niya saakin." I nodded and smiled at him.

"Just talk to her, Kai. Maiintindihan ka niya." Marahan siyang tumango habang titig na titig saakin.

Aalis siya ng sabado ng gabi at linggo rin ng gabi ang kaniyang balik. Sobrang liit na panahon lang naman pala kaya magiging ayos din ako noon.

I wore a tight black dress para sa the bar. Kai will meet his friend Lois there to catch up. Nag-aya ang kaibigan niya at kahit na ayaw ko sanang sumama dahil para sakanila iyon ay sinama niya pa rin ako.

Simple lang naman ang dahilan niya. "Baka kasi mamaya ay isipin mong may babae ako. I'll bring you to meet him, m'kay?" Pabiro kong inikot ang mga mata.

"It's okay, malaki naman ang tiwala ko sa'yo." I tapped his chest.

Napanguso siya. "Saglit lang naman tayo."

"Okay."

Nakahawak siya sa baywang ko papasok namin ng the bar. Madalas akong nasa labas ng bar na ito pero ni kailanman ay hindi pa nakakapasok. And now, nandito ako kasama si Kai.

Kai is quite annoyed that he has to meet him here. Pero ang kaibigan niya ang mas gusto raw dito.

"Lois." True enough, wala nga sina Jam sa mesa na para saamin. Ang tanging naabutan lang namin ay si Lois at ang dalawang babae sa magkabilang gilid niya. Kaakbay habang umiinom na at ang isa ay panay ang bulong at halik sakaniya.

Malamig ko lang siyang tinignan.

"Hey," Si Lois nang mapansin na kami. Parang wala lang kay Kai na iginiya niya ako paupo bago siya sumunod saakin sa mismong tabi ko lang din.

"I'll order your dinner, anong gusto mo?"

"Anything." Tipid kong sagot.

Muli akong napasulyap sa kay Lois na binibulungan ang dalawang babae bago humalakhak. Tumayo ang dalawa at hindi niya na binalingan ang kung sino sa mga ito.

Actually, he looks like a real asshole. Lalo na tuwing naaalala ko na may fiance na raw ito pero mukhang arrange lang naman.

Well, then, even so!

Akala ko ay walang dadating na babae sakaniya pero may isang mas classy na babae ang dumating. Hindi ako nito pinansin at matapos ang malalim na halikan kay Lois ay saka lang kumaway kay Kai.

"Hey, here's your dinner." I nodded. Si Kai ay hindi bumabaling sa nasa harap namin. Tinitigan ko siyang inaasikaso ang pagkain ko. Mukhang wala lang siyang pakialam sa kaibigan.

"Don't mind them," Napansin niya siguro ang panay na tingin ko sa kaharap.

"Are you bother? You wanna go home now?" I shook my head.

"Hindi mo pa nakakausap," He nodded.

Umalis ang panghuling babae at saka lang niya kami totally pinansin.

"Oh, Jude is here." He pointed out.

"Kanina pa." Si Kai sa malamig na tono. May alak na sa mesa niya at ako lang ang kumakain ng dinner dito. Siya kasi ay busog pa at ako naman ay ginugutom na.

Lois chuckled.

Lois is more like a sarcastic one. He's more like an arrogant man and also a confident. Palaging may ngisi sa labi at parang nanunuya o nangiinsulto. He's not that cold pero kung siguro ay malamig siyang tignan ay intimidating din, kasi hindi ka naman sanay sa ganoon.

Makapal ang kilay niya at bagay sa features ng buong mukha niya. Lips were thin and red parang kay Kai. Matangos ang ilong at hulma ang kaniyang panga. His eyes were sparkling kasabay ng aroganteng ngisi niya. He's tan pero bakas ang natural na puti sakaniya.

His over all look will make him have many girls as he wants.

May bumabati na ilang babae sakanilang dalawa ni Kai pero siya lang ang namamansin.

Napanguso saakin si Lois nang magbaba ng tingin.

"You brought your girl, sayang 'yung akin din sana." Inakbay ni Kai ang kamay niya sa sandalan ng inuupuan ko.

"Which one?" Lois chuckled.

"Anyways, hindi rin kami magtatagal dito," Lois groaned like a kid.

"Aalis ako bukas diba?"

"Right. Tss... Isasama si Jude?" He shook his head. Naramdaman ko ang daliri ni Kai na naglalaro sa buhok ko kaya napasulyap ako sakaniya. Pero ipinagpatuloy din ang pagkain.

"Oh..." Nag-usap sila sa ibang bagay. May mga gestures silang hindi ko naiintindihan pero hindi ko rin naman iniintindi.

"Bathroom lang," Bulong ko kay Kai. He nodded at akmang tatayo nang pinigilan ko.

"Ako nalang," He raised his brow. Para rin sana makapag-usap silang dalawa.

Saglit lang din naman akong nagbanyo at pagbalik ko ay may katabi na ulit na babae si Lois. This time, mas malaki naman ang hinaharap. I glanced at Kai at napakunot ang noo nang makitang may katabi rin siyang babae. Hindi naman ito nakapalupot sakaniya na tulad ng kay Lois.

"Really, dude. After your talk with tita Canelle, si Jude naman ang kausapin mo, baka maging gulo pa 'yan." Iyon ang narinig ko bago naupo sa may tabi ng counter para hantayin ang babae na umalis. I was just watching them from here.

Napaangat ang kilay ko nang pasulyap sulyap si Kai sa likuran at kunot noong parang may hinahanap. Paniguradong ako 'yon.

Tinapik siya ng babae kaya saglit niya itong binalingan. May sinabi ito at bahagya siyang nangisi doon.

Umayos ako ng upo at nakuryuso sa kung anong kinangisi niya. Nilabas niya ang kaniyang cellphone at awtomatikong tinignan ko rin ang akin.

From: Kai

Are you done? Where are you?

I typed in my reply.

To: Kai

Pabalik na.

Tinignan ko ang reaksyon niya at napakunot ang noo niya bago muling bumaling sa daan patungong powder room.

From: Kai

Saan ka?

Hindi na ako nag-reply at halata ang salitan niyang pagbaling sa daan at sa cellphone niya.

Hindi agad ako bumalik at ininom ang nasa counter na alak. Isa lang naman 'yon at hindi na uulit.

Nang makita ko ang babae na tumayo ay tumayo na rin ako at nagtungo doon kasabay ng pag-alis niya.

"Saan ka galing?" Agad niyang tanong.

"Uminom ka?"

"Isang shot lang." Kinuha ko ang alcohol sa pouch ko at ini-sprayan ang inupuan ng babae kanina. Narinig ko ang tawa ni Lois at ang mura nito kay Kai.

Sa bandang dulo ako naupo at kaswal na inilagay sa pagitan namin ang bag ko bago ako sumimsim sa tubig.

"Hey, Jude..." He pulled my waist kaya nadikit ako sakaniya dahil sa dulas ng sofa. Hindi naman ako pumalag at hinayaan lang siya.

"Hmm?" I got busy with my phone to read my friends' messages.

From: Albie

Really, Jude? Kailan ka ba mag-oopen ng facebook? Nakakainsulto na hindi mo inaaccept ang friend request ko, hindi rin kita ma-tag.

To: Albie

Wala akong data.

"Anong oras tayo uuwi?" Malamig kong tanong. Nagtagal ang titig niya saakin kaya bahagya akong nag-iwas ng tingin. Kanina ay nakikibasa siya at alam niyang si Albie ang kausap ko.

"You want to go home, now?"

"Kung tapos kana."

From: Albie

Loadan kita? Pero nasa condo ka diba? May wifi doon!

To: Albie

Okay, mamaya nalang.

I heard him sighed. "We'll go now," Paalam niya kay Lois. Tumayo na ako nang tumayo siya at nauna na palabas.

"Jude," Habol niya. Bahagya akong huminto at saka lang lumapat ang kamay niya sa kabilang kamay ko kaya naibaba ko ang hawak na cellphone.

Tahimik lang kaming dalawa nang pumasok sa sasakyan. I heard him sighed before he shifted to face me.

"That was just my friend, Jude. Bumati lang saamin, kaibigan din nila Jam." I glanced at him.

"Ah," I nodded.

He bit his lip and he looked a little bit frustrated.

"Nangumusta lang at hinanap sina Jam pero sabi namin ay kaming dalawa lang ni Dior."

"Dior?" I asked. May iba pa?

"Lois Mar Dior, si Lois."

"Ahh," Muli akong tumango.

"Bakit, anong meron?" Kaswal kong tanong.

"Are you jealous that she went beside me? You sprayed on where she sat."

I raised my brow.

"Sino?" Napapikit siya. "Iyong kaibigan namin na babae, she sat there while you were in the powder room. Saktong umalis siya ay saktong bumalik ka rin."

"Ahhh," Napatango tango ako. Ganon ba?

"Jude," Frustrated niyang sabi.

"What? Hinantay ko lang siyang umalis saka ako bumalik." Mas lumapit siya saakin at agad naagaw ng pansin ko ang pagkinang ng hikaw niya.

"Are you jealous?" Muli niyang tanong.

Habang nag-uusap kami ay nagii-scroll ako sa inbox ko at may nahagip doon.

From: Unknown Number

This is Paul. You sure you're okay? Was he harassing you? I'll help you to report it, Jude. It's no joke.

That was sent the same day it happened. Hindi ko lang napansin. Mabilis kong binaba ang cellphone at binalingan si Kai.

"It's okay, Kai. Don't worry about it, I was--"

"Oh, come on!" Hinatak niya ako at halos masubsob ako sa dibdib niya.

Yes, I was a litte bit jealous. Pero wala naman iyon dahil hindi sila magkalapit ng tulad ng sa kaibigan niyang si Lois at 'yung kasama niyang babae. They were just casually talking. Hindi ko lang siguro napigilan at inalcoholan ko ang inupuan niya.

I chuckled when I felt him more frustrated. "Ayos nga lang. Pinanood ko kayo at kinakausap mo lang naman siya. Hindi ka naman lumalapit kaya ayos lang." Pagtanggi ko sa selos na sinasabi niya.

"Nasaan ka kanina? I texted you."

"Yeah. Nasa powder room ako at nang makitang may katabi ka ay nagpunta muna ako sa gilid ng counter."

"Yeah... and, uminom ka? Sinong nagbigay?" Kunot noong tanong niya.

"Isang shot lang. Chinarge ko sa bill ng kaibigan mo." I smirked.

Umalis si Kai ng sabado ng gabi at uuwi siya ng linggo ng gabi rin. Baka nga sa lunes pa pero sa condo muna niya ako magi-stay.

To: Kai

Nasa labas pa ako. Uuwi rin ako sa condo pero dito muna ako kina Raquel, birthday niya.

From: Kai

Raquel your fish? Kasama mo si Manong? I'll text him.

To: Kai

Oo kasama ko. He's waiting outside at kakain din siya.

To: Kai

Hindi Raquel na isda ko. 'Yung kaibigan ko sa eskinita na Raquel din ang pangalan. I named my fish after her.

From: Kai

Ohh, okay, then. Enjoy. Mag-uusap muna kami ni Mama.

To: Kai

Okay, sige.

Kaonti lang ang bisita ni Raquel. Mas marami yata ang bisita ng kaniyang Papa na nag-iinuman sa labas kaysa sakaniya.

Kaonti lang ang kinain ko at hindi rin naman nagtagal ay umuwi na rin. Saglit lang talaga ako dahil makikipagkita pa ako kina Albie.

"Nakakainis ka! Kailan ka ba kasi magfe-facebook! Dami kong upload hindi naman kita ma-tag!" Naupo ako sa harap nila. We are in a coffee shop. Nag-aya lang itong si Albie at mag-aantay lang kami sa tatlong lalaki.

"Saan na sila?" Inirapan ako ni Albie. Wala talaga akong plano diyan sa facebook na iyan. I'd rather spend time in real life kaysa sa social media at nasanay din naman ako na hindi gumagamit noon kaya ipinagkikibit balikat ko lang.

"Sayang! Dami ko pa namang friends doon!" Si Albie.

Hindi rin nagtagal ay sumunod na ang tatlo. Mga naka uniporme pa at pinagtitinginan sila dito sa coffee shop na malapit lang din sa hospital. Meron ding sa loob mismo pero mas pinili namin ang sa labas na malapit.

Tumabi saakin si Sam at Lyle, sumunod si Webster na tumabi sa gilid ni Albie. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang katahimikan ni Lyle. Siniko ko siya.

"Problema mo?" He glanced at me before he shook his head.

Nanliit ang mga mata ko at binalingan si Kaye. Nahuli ko siyang nakatitig kay Lyle bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Hmm?" Humilig siya sa balikat ko na parang nanlalambot.

"Umamin na ako," Pasimple niyang bulong. Napakunot naman ang noo ko at pinapanood ang reaction ni Kaye. Iiwas siya at maya maya ay titingin. Malungkot ang mga mata at parang nanghihinayang. Nakatingin siya saamin at nang mahuli ang malamig kong tingin ay maliit at tipid siyang ngumiti. Hindi naman nagbago ang malamig kong tingin habang pinapakinggan si Lyle.

"Ayaw ata saakin, eh." Bahagya siyang natawa. I glanced at him.

"Pinatawag lang ako ni Albie pero gusto ko ng umuwi dahil ayaw niya akong makita. Can you help me?" I sighed and nodded my head. Nag-angat siya ng ulo kaya dumiretso na ako ng tayo.

"Uwi na ako." Paalam ko.

"Huh?" Si Albie. Si Kaye naman ay parang nataranta nang sumunod na tumayo si Lyle.

"Papahatid ako kay Lyle." Wala na rin naman silang nagawa nang umalis na kami. Tahimik si Lyle hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

"Nag dinner kana?" I asked.

"Hindi pa. Ikaw? Dinner muna tayo bago kita ihatid."

"Sige, sa malapit lang."

Pinili naming kumain sa malapit sa condo tower ni Kai. Sa Jollibee kami kumain at ako ang nag-order para saaming dalawa. Inilapag ko ang dinner namin at tahimik na kumain.

"What happened?" Pagbasag ko sa katahimikang iyon.

"Hmm... rejected." He smirked.

"Rejected? At anong plano mo?" I raised my brow.

"Ayaw daw saakin, eh." He chuckled.

"But still, tatapalan ko lang saglit ang puso kong sawi--" Pabiro niyang saad kaya napangisi ako.

"At ipagpapatuloy ko. Bahala siya basta liligawan ko siya. Bigyan ko lang siya ng time, sakit din ma-reject, eh." Tumango tango ako.

"First time ko yata. Ang alam ko kasi ay may gusto siyang iba. Pero hindi pa naman sila kaya manliligaw ako. Mabuti ng sinubukan ko kaysa isang reject palang ay suko na agad ako." Determinado niyang sabi.

"Tinitignan ka nga kanina, eh." Mabilis na nagliwanag ang mukha niya at mukhang umaasa.

"Really?" Napalabi siya. Tumango ako.

"Baka magselos 'yon dahil humilig ka kanina saakin." Sabay kaswal na subo ko ng fries. Sa kanilang boys ay si Lyle ang pinaka close ko. Sweet kasi at medyo gusto ko ang mga sweet na lalaki. Hindi naman sweet ng sobra si Kai dati pero ngayon ay oo.

"Talaga? Sa tingin mo? Tss... aasa nanaman ako nito."

Malalim siyang nag-isip. "Bahala na. Kakausapin ko siya bukas... o mamaya."

"Ikaw ang bahala."

"Kahit ma-reject ulit, ayos lang. Hanggang sa bumigay saakin."

"Hanggang sa masanay sa'yo." Dahil ganoon ako kay Kai. Nasanay akong lagi siyang nandiyan na kaya mahirap bitawan. Lalo na kapag tapat at umaamin na mahal ka nga. Swerte si Kaye kay Lyle, ganoon din naman si Lyle kay Kaye. Determinado kasi itong si Lyle at pansin ko na noon pa na may gusto siya sa kaibigan namin.

"That's good, then."

I went home at siya ang naghatid saakin. Nagtagal pa kami para sa mga plano niyang panliligaw at kung ano raw ba ang gusto ko dahil nagkakasundo kami ni Kaye at baka iyon din ang gusto nito. Sabi ko naman ay si Albie ang tanungin niya, pero kahit papaano ay nakatulong din naman siguro ako.

"Iparamdam mo na mahal mo. Huwag mo ng bilhan ng kung ano at marami naman siyang ganiyan." Sabi ko nang naglilista siya ng mga gusto ni Kaye.

I went back home at nakita ko ang ilang mensahe ni Kai saakin.

From: Kai

Manong told me you meet your friends? Hindi ka na nagpahatid pauwi?

Oh, hindi ko pala nasabi sakaniya kanina.

From: Kai

Bukas nalang kami mag-uusap ni Mama. I love you, Jude. Mag-ingat kayo ng mga kaibigan mo, text me if you need anything.

Bukas pa? What happened? Akala ko ba ay kaninan dapat?

I raised my brow when I saw the heart at the end of my name.

To: Kai

Got home safe.

I opened the lights sa kitchen para magpakain na sana ng isda nang mabilis akong napaatras nang makitang hindi na ito gumagalaw!

I panic and tried to touch her, para sana pagalawin pero nakalutang nalang talaga ito at nakapahiga na!

"Hey," Napakagat ako sa hinlalaki. Anong gagawin ko? Ililibing? Saan naman? Sa garden ng bahay? Shit. Ganito pala ang pakiramdam, kahit nanlalamig ako ay parang gusto kong malungkot ng buong gabi sa pagkamatay niya.

Dahan dahan ko itong dinampot at sinubukang i-revive. Pero wala pa rin. Kumuha ako ng tissue at doon siya ipinatong. Sayang. Dinala ko pa naman ito galing sa bahay at dito lang pala mamatay.

Gumawa ako ng box na gawa sa papel at doon siya inilagay at bukas na bukas ay iuuwi ko ito sa bahay.

I cleaned my hands bago ako nakapamaywang na tinititigan ito. Nilalaro ko ang ibabang labi at nanghihinayang sa isda.

My phone rang at doon lang na-divert ang attention ko sa ibang bagay.

"Hello?" Paos kong saad.

"Hi! Nakauwi kana?"

"Yup, nagpahatid ako kay Lyle."

"Hmm, your friend Lyle?" I hummed my answer.

"What are you doing right now? Matutulog kana? And tomorrow, mag-isa kalang diyan."

"Yup, I'll probably go home tomorrow to bury Raquel." Namomroblema kong saad. Parang napagod ako nang makita ang walang buhay na isda.

"H-Huh?" Kabadong saad ni Kai.

I sighed problematically. "Ikaw, anong gagawin mo?"

"N-No, I mean... what did you sa Bury Raquel? What the fuck?"

Napaahon ako sa pagkakasandal at sinulyapan ang hawak na phone.

"Minumura mo ba ako?" Malamig kong tanong.

"What, n-no! I'm sorry, love. I mean, bakit mo ibabaon si Raquel? Birthday niya ngayon diba?" Agad akong nalito sa sinabi niya.

"Sinong birthday?" Birthday ba ng isda ko ngayon? I don't even know her birthday!

"Si Raquel! Birthday niya!"

"Huh?"

"You went to her birthday kanina, love, we're texting." Napapikit ako nang marealize ang tinutukoy at pareho yata kaming pagod dahil magkaiba ang iniisip namin.

Napahilot ako sa sintido ko. "I was talking about my fish, Kai. Si Raquel na isda."

"Oh!"

"Wait, what? Our fish Raquel died?"

"Yeah..." Nanghihina kong bulong.

"Oh, god." Napanguso ako.

"Nakita ko nalang na hindi na gumagalaw. Bukas ay ililibing ko sa bahay." Malungkot kong saad.

Ganoon nga ang nangyari. Kinabukasan ay maaga ako sa bahay para ilibing ang isda ko sa dulo bago nagdilig at naglinis na rin.

Naramdaman ko ang vibration sa bulsa ko kaya saglit kong binitawan ang timba para tignan iyon.

From: Unknown Number

Jude, pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang at may gusto lang akong sabihin sa'yo.

Pinalibot ko ang tingin ko para tignan kung nandito ba siya bago ako nanginginig na nag-reply.

To: Unknown Number

Pwede bang tigilan mo ako? Irereport kita kung hindi mo ako titigilan.

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay habang nag-tetext kay Manong para sunduin na ako.

From: Unknown Number

I'm Aga Aguilar. Pamangkin nina Helena at Manolos Aguilar. Alam kong kilala mo si Benjamin at oo pinsan ko siya. Gusto sana kitang makausap ng personal at sana ay mapaunlakan mo. I won't hurt you. Tungkol lang ito kay Kai na pinsan ko rin.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 176 32
Itzayana Reign Celestial, a cold hearted girl you always saw her cold stare and her infamous smirk. She's a badass girl that you don't want to mess w...
2.7K 108 32
Asteria Elin Cervantes Divina. A woman who have strong mind and determination, She take the liberal arts major in psychology in Louisville University...
1K 158 15
Terrorist Series #1 Status: On Going Posted: January 8, 2022 The view of a flirty student, Themaisie Panciera, about Davao City is beautiful, peacefu...