San Vicente 3: Illustrious

By psychedelic26

6.6K 365 115

San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 14

308 20 5
By psychedelic26

"AKALA KO BA hindi ka naman interesado sa kanya?" Tanong ni Alpha kay Marci. He looks angry and at the same time ay disappointed.

"Pumayag lang naman ako sa dinner boss. Hindi ko naman sinabi na pakakasalan ko siya." Paliwanag niya dito.

Sa totoo lang ay hindi niya rin naman gusto ang lalaki. Ito lang kasi ang magagawa niya para kay Alpha para naman walang masabi dito ang ibang mga empleyado. Na-anticipate naman na niyang magiging bulong-bulungan ang relasyon nila ng lalaki. Hindi naman kasi tago na sabay silang pumapasok at umuuwi, malapit na din siya sa pamilya nito at palagi nga siyang kasama nito. Maliban pa doon ay siya ang kasa-kasama nito noong anniversary ng kompanya. Paano pa kaya kung malaman nilang sa iisang bahay lang sila nakatira?

Nagsimula siyang mapaisip mula noong marinig niya ang  usapan ng mga empleyado doon sa banyo noong nakaraang araw. Sabi nila na mukhang totoo naman daw na higit sa pagiging empleyado ang trato sa kanya ni Alpha at gusto din naman daw niya iyon. Okay lang na marinig niya yun kasi alam niya ang totoo pero paano kung kumalat at makaapekto pa sa paghahanap nito ng mapapang-asawa? Ayaw niya yun.

"You know, fine. Whatever. You do whatever you want." Alpha gave up and then went back to his table. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin when the dinner's today?"

"Hindi ka nga kasi papayag. Na-anticipate ko na to."

He dislikes the idea so much. Hindi niya naman alam kung bakit. Tinanong na niya si Pio pero wala naman ito sinasabi. She asked if Frank did anything bad with the company pero 'no' din naman ang sagot nito.

"Okay, fine. Ikaw na ang bahala. You should do whatever you want." Bumalik na ito sa pagbabasa ng kung ano man sa table niya.

Halos maghapon lang na hindi siya kinakausap ng binata. Akala mo ay may nagawa siya na ikakalugi ng kompanya kung makaasta ito. Palaging si Jun ang tinatawag at pinagdadala sa kanya ng trabaho. Sabi nga ng kasama niya ay galit nga daw ang boss nila. Okay naman sila kanina, tapos ngayon galit na ito. Kung hindi lang nakakahiya ay sasabihin na niya ang rason kung bakit siya lalabas kasama ni Frank. Marci just thought that if she goes out with Frank then iisipin na lang ng iba na mali yung kay Alpha.

She sighed as she looked at time, alas sais na ng hapon, kailangan na niyang bumaba dahil maya-maya lang ay aalis na sila ni Frank. Usapan kasi nila na six-fifteen sila magkikita sa lobby, kukuhain lang daw ng lalaki ang sasakyan nito at aalis na sila.

Tumayo na siya at naglakad papalapit sa malaking pintuan ng opisina ni Alpha. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok doon. Walang sagot. She tried again pero wala pa din kaya naman pumasok na siya. Nabungaran niyang nakapikit si Alpha habang nakasandal sa upuan. Tulog pala ito, kaya naman pala hindi na niya rinig ang kaunting pagdadabog nito sa loob di gaya ng kanina.

She entered the room and walked towards the big desk and looked at Alpha. He looks so much at peace. Imbes na gisingin pa ito ay kumuha siya ng post it at nagsulat doon. She wrote down that she's leaving for the day at kakain lang sila ng dinner ni Frank. She's also going to go home on her own at hindi magpapahatid para di malaman nito kung saan siya nakatira since parehas sila ng tirahan.

Lumabas na siya at nagtungo naman sa reception kung saan naroon si Jun. "Bago mag-alas siete gisingin mo na si boss para makauwi na siya."

"Okay, sige. Ako na bahala. Ingat ka!" Ngumiti ito.

"Ikaw din, salamat!" At umalis na nga siya.

Nang makababa siya sa lobby ay natanaw na niya si Frank na nakasandal sa puti nitong kotse. He looked like a kind guy, yung tipong maginoo din. Palangiti din ito at makwento. Nang makita siya nito ay pinagbuksan siya agad nito ng pintuan para makaupo na siya. Nagpasalamat siya dito't umalis na din sila agad.

"Buti pumayag kang mag-dinner tayo." Nakangiting sabi sa kanya ng lalaki nang makaupo sila sa table na pinarrserve pa daw nito.

"Ah, oo." Tumango lang siya. Sobrang awkward ng pakiramdam niya. Noon ay sumama na din siya para kumain kasama ng isang lalaking balak siyang ligawan at ganito din ang pakiramdam niya, naiilang siya na ewan.

"I really wanted to send you flowers muna, ganun muna ako magpaparamdam pero si Sir Alpha napahanap agad ang nagpadala sayo." Napakamot ito sa ulo.

"Kasi nagtaka kami kung saan galing kaya ginawa niya yun." Paliwanag niya. Noong pinadala kasi nito ang bouquet ay kakakita lang niya dun sa kamukha nung tauhan ni Don Roman kaya naman maingat sila.

"You looked really pretty noong anniversary party. Hindi lang kita malapitan masyado kasi kasama mo si Sir, yung nanay niya, yung mga kapatid niya. Malapit ka sa kanila no?" Mukhang balak pa nitong makiusyoso lang din sa kanya.

"Medyo, si Sir kasi ang una kong nakilala dito sa Maynila nung lumuwas ako." She smiled before taking a sip of water.

"I really like you." Halos mabuga na niya ang ininom na tubig dahil sa biglang sinabi ng lalaki.

"Paano naman? Sa meetings lang naman tayo nagkakausap at tsaka secretary lang ako dun." She wanted to know kasi if she's going to pursue this ay gusto niyang hindi lang naman lokohan to o mababaw na dahilan. Malay ba niya kung magustuhan din niya ang lalaking ito.

"Maganda ka at mabait, wala naman akong pake kung secretary ka ni Sir. Kapag nagkatuluyan tayo, kaya naman kitang buhayin. Kahit na sa bahay ka lang at magpalaki ng magiging anak natin." Parang naubusan siya ng hangin ng kaunti dahil sa sinabi nito.

Is he seriously planning that ahead based on her looks and kindness alone?

"Salamat." She just smiled. "Order na tayo?"

At iyon nga ang ginawa nila. Umorder ang lalaki ng mga sikat daw na pagkain sa restaurant. Nagsimula na din itong magkwento sa sarili. Gusto niya naman kasi makilala din ito. Nang dumating ang pagkain nila ay may pailan-ilan pa din itong kwento at mga tanong sa kanya.

"Nasa probinsya ba ang pamilya mo?" He asked.

"Ang tiyahin ko na lang ang nandoon. Ulila na din kasi ako sa mga magulang." Sagot niya. "Pero hinahanap ko din ang kapatid ko dito sa Maynila. Umalis kasi siya sa amin at hindi ko pa siya uli nakikita."

"That's a shame. Sana mahanap mo na siya. Kung may maitutulong ako. Sabihan mo lang ako." Ngumiti ito bago bago muling kumain.

"Ikaw, andito ba ang pamilya mo?" She asked out of courtesy. Hindi naman kasi siya nagkukwento masyado, nakikinig lang siya mostly. Hinihintay niya kasing may maramdaman siya kahit na papaano para sa lalaki.

"Yes, nandito din sila. Bunso ako sa amin kaya sa mga magulang ko pa ako nakatira. Parehas silang retired na mga teachers." Natuwa naman siya sa kwento nito. He must be a good son kasi sinasamahan pa nito ang mga magulang kahit na may kapasidad na siguro itong mamuhay mag-isa.

Sa buong gabi ay nagkwentuhan lang sila. She finally got comfortable pero hindi yung level na comfortable siya katulad nang kay Alpha. Parang narealize niya din na hindi niya nakita ang spark sa kanila. Para sa kanya, they would only be good as friends.

"Okay lang bang maging honest ako?" She asked, tumango naman ang lalaki. "Pumayag akong kumain ng dinner kasi gusto ko lang malaman kung gusto kita o magkakagusto ako sayo. Kahit noon ay ganito ang ginagawa ko para walang masabi sa akin ang gusto akong ligawan."

"That seems reasonable." Pero halata mo ang disappointment sa mukha ng lalaki. He was expecting something more already at sure siyang hindi niya maibibigay iyon dito. This was a bad idea.

"Ayaw ko din kasing humindi ng hindi ko naman alam ang kahihinatnan." She tried to smile. "Feeling ko yun ang fair na gawin."

"At may verdict na ako?"

"Sorry."

"Pwede ko bang tanungin kung bakit?" Paano niya ba ipapaliwanag ang bagay na ito?

"Weird man pero hanggang pagiging kaibigan lang ang tingin ko sayo. Naniniwala ako sa gut feel ko kasi." Nahihiya siyang kasi kailangan pa niyang ipaliwanag ito dito. "Sorry. Ayaw ko naman patagalin pa bago sabihin sayo. Sana maintindihan mo."

"Is it the sparks? Wala ba?" He asked again.

"Oo, sorry." She shouldn't be apologizing for something like this. Mali din naman kasi ang pinanggalingan ng pagpayag niya sa date na ito kaya siguro guilty siya. Hindi na niya dapat inintindi pa yung narinig niyang yun.

Akmang magsasalita pa sana si Marci nang tumunog ang cellphone niya. Si Pio iyon, ano kayang meron? Hindi pa naman kasi siya tinatawagan nito, usually ay text lang talaga kaya parang kinabahan siya.

"Ma'am, nasa labas ka pa ba?" Tanong nito agad sa kanya.

"Oo, andito pa ako. Bakit, may nangyari ba?" She asked. Gusto na sana niya agad itanong kung may nangyari ba kay Alpha o kung ano.

"Eh si boss andito sa bar, kanina pa. Sabi mo ibalita ko sayo ang ginagawa eh." Napatingin siya sa relo niya, alas gis na ng gabi.

Mula noong makilala niya si Alpha ay siguro dadalawang beses pa lang ito nagpunta sa bar at pawang mga saglit lang na pagkakataon iyon dahil may mga kausap lang ito o kailangang gawin.

"Saan yan?" Naisip niya lang na baka kung anong gawin nito doon. Binilin din ng nanay nito na huwag hayaam si Alpha na umiinom kasi dati noong palagi itong lumalabas ay kung sino-sinong babae ang nakakasama. Sinabi sa kanya ni Pio ang lugar kung nasaan si Alpha. "Huwag niyong aalisin ang tingin sa kanya. Okay?"

"Kailangan mo nang umalis?" Tanong ni Frank sa kanya.

"I'm sorry, kailangan ko lang may asikasuhin." Kinuha na niya ang bag sa gilid niya at nilagay ang cellphone doon.

"Si sir?" Napatingin siya dito.

"Ah, oo." Tumango siya. "Okay lang bang dun na tayo sa counter magbayad? Gusto ko sana mag-share sa kinain natin."

"No, it's still my treat. Huwag kang mag-alala Marci." Ngumiti ito sa kanya pero hindi na katulad nung ngiti nito kanina na abot hanggang mata. He's definitely disappointed.

Tumayo na sila at nagtungo sa bandang counter kung nasaan ang mga server at hiningi ang bill nila. Nag-iinsist siya hanggang dulo na mag-share pero hindi naman ito pumayag. Nagsabi pa nga ito sa kanya na ihahatid na siya kasi mahirap maghanap ng taxi sa lugar. Hindi na niya inisip at nagpahatid na nga siya kung nasaan ang sinasabing bar ni Pio.

"Thank you ah, pasensya ka na. Kailangan ako ni boss eh. I hope we can be friends instead." Ngumiti siya at bumaba na. "Sorry sa abala, ingat ka pauwi."

"Ingat ka din." At tumalikod na siya't sinalubong naman si Pio na papalabas.

"Ano bang naisip niyang boss niyo at andito? Lagot ako sa nanay niya." Pero sa totoo lang ay nagtataka siya kung bakit talaga nandoon ito. Hindi naman siya pupwedeng mainis lalo na at boss niya nga ito.

"Ikaw,"

"Ha?" Napakunot ang noo niya. "Ang dami-daming tao at ang ingay-ingay. Hindi ba siya mabibingi dito?"

Hindi ka man lang makakalakad ng diretso dahil sa magulong mga tao doon na nagkukwentuhan kahit na mahirap makarinig ng kahit ano maliban sa kanta, nag-sasayaw, at nag-iinuman. Ganito ba talaga dito?

Iginiya siya ni Pio patungo sa ibang palapag at mabilis naman niyang nakita si Alpha na may nga katabi na. Hindi nito pinapansin ang mga katabi at umiinom lang.

"Boss, bakit andito ka?" She asked nang makarating siya sa table nito. Malakas pa din ang boses niya kasi maingay pa din, yun nga lang di na ganun kasiksikan.

"Why are you here?" Pagbabalik lang ng tanong sa kanya.

"Para sunduin ka. Ano pa ba? Hindi naman ako bagay dito. Ni hindi ko nga marinig ang sarili ko na mag-isip eh." Akmang hihilahin niya ito nang pigilan siya ng isa sa dalawang babae na katabi nito.

"Looks like Alpha is here to stay. Umuwi ka na kung saan ka man galing missy." Sabi nito sa kanya.

"Galing ako at uuwi ako kung saan uuwi ang boss ko." Marci said, annoyed.

"Here are the keys," binigay nito sa kanya ang susi ng sasakyan. "Mauna ka na."

"Anong gagawin ko dito? Sabay na tayo boss." Halos sumisigaw na siya dahil ang lakas ng tunog sa loob ng club. "Hindi ka pa ba nabibingi dito?"

"Marci, umuwi ka na." Utos nito sa kanya. Isang malamig na tingin lang ang iginawad nito sa kanya.

"Boss, tara na." Akmang hihilahin niya uli ito nang tanggalin nanaman nung isang babae ang pagkakahawak niya sa braso nito.

"Missy, what part of 'mauna ka na' don't you get? Kami na ang bahala dito kay Alpha." Hindi niya masabi kung magand ito o dahil lang sa make up, maigsi din ang halos underwear na sa igsing shorts ma suot nito. Hindi talaga siya sanay sa ganitong lifestyle o sa ganitong crowd.

"Dapat dumiretso na lang akong umuwi kung ganyan ka naman pala." Naiinis na sabi niya sa lalaki. "Ang dami ko pang gagawin sa bahay."

"Kaya nga pinapauna na kita." Alpha gestured towards the entrance of the place. He was making her leave and that hit a spot in her. Ngayon lang siya trinato ng ganito ni Alpha.

Naluluhang tiningnan niya ito. She felt hurt and she wanted to say something pero sa baso ng alak na uli ito nakatingin. Dahil siguro hindi pa siya gumagalaw sa pagkakatayo niya ay tiningnan siya ng lalaki. Sakto naman na pinunasan niya ang papatak pa lang sana niyang luha. She saw how his expression changed and that he was about to stand pero pinigilan ito ng katabi.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" At binato niya dito ang susi ng sasakyan na iniabot sa kanya. She was frustrated and annoyed at the same time. Ayaw niya ang nakita niya, hindi yun ang Alpha na kilala niya.

"Pio," nakita niyang nakatayo ito sa may labas ng club. Akala siguro nito ay kasama na niya si Alpha.

"Ma'am? Nasaan si Sir?" Nilingon pa nito ang likuran niya.

"Andyan pa sa loob yung matigas ang ulo niyong boss. May mga babaeng kasama. Huwag ninyong hayaan na may ibang mag-uwi sa kanya kundi kayo. Okay?" Bilin niya sa nga ito. Kaya naman niyang umuwi ng mag-isa. Bahala na talaga si Alpha sa buhay niya.

"Uuwi ka na ma'am?"

"Oo, mauna na daw ako eh. Ayaw niya sumama sa akin kaya bahala siya. Manigas siya diyan at yang pagiging moody niya at uminom siya kasama ng mga haliparot na kasama niya!" Hindi niya akalain na kahit sa labas ay mapapasigaw siya sa inis.

"Gusto mo bang ipagdrive ka muna namin?" Alok nito.

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Makakauwi naman ako ng buhay." She sighed. Kahit papaano ay kalmado na siya. Wala naman kasalanan sa kanya si Pio para mainis siya dito.

"Pre, akyat ka muna mukhang may nagkakainitan dun sa may VIP." Napatingin sila dun sa dalawang bouncer na nag-uusap.

"Nasa VIP ba si boss?" Tanong niya kay Pio.

"Oo, dun sa taas..." hindi na niya hinintay matapos si Pio at pumasok uli siya sa club at mabilis na nakipagsiksikan sa mga tao para makapunta sa VIP section. Natatakan naman na siya kanina nung unang akyat niya.

At tama nga ang hinala niya, isa si Alpha sa mga nagkakainitan. Mukhang nasuntok na din nito ang kaalitang lalaki dahil medyo basag na ang labi nito.

"Harang ka kasi, sabing aalis ako!" Alpha shouted at the man.

"Ang lawak ng daan yet you still bumped me. Bulag ka ba? At ikaw pa ang nanuntok ah!" Mukhang mas bata pa ito sa boss niya.

Papalapit na sana siya ng sumugod uli ang lalaki patungo kay Alpha para siguro suntukin ito. Akala niya mapapansin nito ang pagharang niya't titigil sana ang lalaki kanina pero hindi pala kaya pagharap niya dito para sana magsalita sana ay siya ang natamaan nito. Sakto pa sa kaliwang mata niya. Parang naalog siya dahil sa suntok na yun.

"Ay pucha!" Napasigaw talaga siya sa sakit nun. Nasapo agad niya ang mukha. She wanted to cry pero di pa niya ma-process ang pain na yun.

"What the heck?" Binalot agad ni Alpha ang braso nito sa balikat niya para saluhin siya. "What the hell did you do?"

"It's her fault. I was aiming at you!" Walang kagatol-gatol na sabi nito. "Sorry miss, harang ka eh."

Kinwelyuhan agad ni Alpha ang lalaki. He was fuming mad kaya naman kahit na masakit ang ulo niya, mukha niya at parang malabo na din ang paningin niya ay hinila pa niya ito papalayo sa lalaking nakasuntok sa kanya.

"Alphaeus San Vicente!" Natahimik ang mga nakapaligid sa kanila sa ginawa niyang sigaw. "Tama na!"

"You were hurt." Hindi pa din nito binibitawan ang lalaki kahit na hinihil niya ito.

"Alam ko, at umiikot na ang mundo ko kaya tama na. Aalis na tayo." Noon lang siya tiningnan nito. The anger in his face disappeared and then Marci took this opportunity na hilahin na ito papalabas.

"Anong nangyari sayo ma'am?" Tanong ni Pio sa kanya. Kasama na nito si Drix na tila nakaabang na sa kailangang gawin.

"Drix, ayusin mo yung problema sa loob. Siguraduhin mo na walang issue. Kilala nung iba si Alpha." Ito ang una niyang naisip nang makalabas sila. Nakalimutan na nga niyang nasuntok siya. She was just concerned about Alpha.

"Sige ma'am, ako na bahala dito. Babalitaan ko na lang kayo." Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. May protocols na sila para sa ganitong mga bagay kaya hindi na problema.

"Can you stop thinking about that at isipin mo yang sarili mo." Hinihila na siya ng lalaki papalapit sa sasakyan. "Bubuhatin kita."

"Boss, mahalaga to. Pangalan mo yun. Saglit—Alpha! Ibaba mo ako. Di ako lumpo!" Pero hindi na ito nakinig sa kanya at dinala na nga siya sa sasakyan.

"Sa ospital Pio," utos ng lalaki as he closed the door.

"Uuwi na. Walang ospital." Angal naman niya. Disoras na ng gabi, ayaw na niyang magpatingin pa sa doktor.

"Sa ospital," pag-uulit ni Alpha sa utos.

"Hindi na—" kontra nanaman niya.

"Sino ba ang boss sa atin?"

"Yelo lang ang katapat nito. Pio sa condo tayo." Pagmamatigas niya. Ayaw niya sa ospital. Ang tagal nila doon dahil sa nanay niya. Her memory of it was just death.

"Sa ospital," nilingon nito si Pio na parang nalilito na sa pagtatalo nila ng lalaki. "Sinong boss mo?"

"Pio," tawag niya naman dito. She wanted to appeal to him.

"Sorry ma'am," tiningnan siya nito bago si Alpha. "Sa ospital."

They arrived at a nearby hospital at around eleven in the evening. Mabilis lang naman silang naasikaso and she was cleared of all the tests. Alpha wanted them to triple check pero OA naman na kasi masyado kung gagawin pa iyon. Binigyan lang siya ng painkillers at ointment para kapag nagpasa. She was also advised na magpatingin sa ophthalmologist kung sa tingin niya ay may mali sa mata niya.

"Alamin mo Pio ang pangalan nung lalaking yun. Send him to jail." Galit nanaman na sabi ni Alpha nang makarating sila sa condo. Halos pasado ala-una na ng umaga noon at antok na antok na lang talaga siya.

"Ha? Bakit? Ano bang ginawa sayo?" She asked him.

"Anong ginawa sayo more like it."

"Sa akin?"

"Do you wanna see how you look like Marciana?" Ngayon lang ata siya tinawag nito sa buo niyang pangalan.

"Well, humarang ako. Kasalanan ko yun. At dahil ako ang nasaktan, ako ang may say kung may ipapakulong o wala." Nilingon niya si Pio and told him with finality. "Walang makukulong."

"Marciana,"

"Nope, wala." Umiling-iling pa siya bago nagtungo sa sala. Kasunod naman niya ang dalawa.

"Fine, whatever." Alpha said, giving up.

"Kasalanan mo to eh! Ikaw tong sobrang badtrip sa akin mula kanina. Nag-alala lamg naman ako kaya kita pinuntahan. Tapos ipagtatabuyan mo lang naman pala ako." Hindi man niya sinasadya ay medyo napalakas na ang boses niya.

"No,"

"Yes! Inis ka sa akin, hindi ko naman maintindihan kung bakit." Naiirita talaga siya. Ano bang ginawa niya talaga?

"Ayaw kong lumabas ka kasama nung empleyado natin." Alpha blurted out.

"Empleyado niyo, hindi akin ang kompanya." Pagpapaalala niya dito. "Empleyado lang din ako."

"Nasa paligid mo lang si Don Roman tapos lalabas ka?" Pagbabago naman nito ng rason.

"Pwede bang matakot na lang ako palagi? It's been weeks." Dahil na rin siguro sa tagal ay medyo nawala na ang takot sa kanya.

"So gusto mo yun?"

"Alin? Sino? Anong gusto ko?" Parehas na silang medyo nagtataas na ng boses.

"That Frank Ruiz!"

"Mauna na kaya ako?" Tanong ni Pio sa kanila.

"Diyan ka lang!" "Go!" Halos sabay nilang sabi ni Alpha.

"Ano bang meron? Kumain lang kami ng dinner." She wanted to know why he's acting so weirdly about it.

"Ayoko lang." Tumungo naman ito sa kusina, patungo sa ref.

"Ewan ko sayo!" Then she walks away towards her room. Bago dun ay nilingon niya muna uli si Alpha at Pio. "Wala kayong kakasuhan!"

Umaga na nang lumabas siya ng kwarto. Buti na lang ay weekend kaya naman wala siyang ibang kailangang gawin. Hanggang tanghali si Alpha natutulog kapag ganito kaya naman lunch na lang ang niluluto niya.

Nang mapatingin sa salamin kaninang umaga ay sobrang itim na ng pasa sa paligid ng mata niya. She looked absolutely terrible pero ano pa bang gagawin niya? Naupo muna siya sa sofa, masyado pa naman maaga para may gawin siya o magluto siya. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala uli siya dun.

When she opened her eyes ay nagulat siya na nasa harap niya si Alpha. He looked so serious habang magkalapit ang mga mukha nila.

"It got worse." He said. Naramdaman niya din may nilalagay ito sa pasa niya. "I'm sorry."

"Hindi naman ikaw ang nakasuntok sa akin. Galit ka pa ba?" After she stormed out last night ay iyon ang inisip niya talaga. Would he still be angry?

"I wasn't mad." Umiling ito. "I was just irritated, I guess. How was your date?"

"Date? Dinner lang yun. Gusto ko lang i-check kung may sparks. Unfair naman kung hindi ko man lang gagawin yun." Pagpapaliwanag niya.

"And?"

"Wala." Marci laughed. "Walang-wala. Kaya sinabi ko na din sa kanya yun."

Nakita niyang umusbong ang ngiti sa labi nito. He looked more peaceful now kumpara kanina o kahapon. "That's good."

"Good ka diyan. Nainis ako sayo kagabi boss." She pouted and looked at him. Sobrang komportable niya lang talaga sa lalaki na kayang-kaya niyang gawin ito.

"I'm sorry. I was upset. Hindi na mauulit." Itinaas pa nito ang kamay at parang nangangako sa kanya. He smiled and leaned in to her until forehead was resting on her shoulder.

She was kinda taken aback by this kaya di na rin siya nakapagreact pa, kung naririnig lang ang dagundong ng puso baka nagulat na din si Alpha sa kabog ng dibdib ni Marci. He was just quiet kaya hindi rin siya makagalaw masyado.

"Mga anak, we're—oh!" Mabilis lang na mula noong tumunog ang pintuan ay niluwa na noon ang mga magulang ni Alpha. Naabutan ng mga ito na hawak ng lalaki ang mukha niya.

"Alpha! What happened to Marci?" Ama nito ang unang nagtaas ng boses, bagay na ikinagulat nilang lahat na andoon. Malamang ay napansin nito agad ang malaki at nangingitim na pasa sa mukha niya.

"What do you mean what happened? Oh—Oh dear you look like a panda," mabilis lumapit sa kanya ang nanay nito at akmang hahawakan sana ang mukha niya ng pigilan ni Alpha iyon. "Ang laki ng pasa mo."

"May gamot yan Ma,"

"Nadapa lang po ako diyan," tinuro niya yung bandang kusina.

"Don't lie to us young lady, I know where a bruise came from when I see one." Nakalapit na din ang ama ni Alpha sa kanila. "At di yan galing sa pagkakadapa."

"Sabihin mo sa amin kung anong nangyari hija, huwag kang matakot." Sabi ng ginang bago tiningnan nito ang anak. "Umalis ka muna Alpha. Baka natatakot magsabi sa amin itong si Marci dahil sayo."

"Do you seriously think I'd hit her?" Alpha looked frustrated na hindi man lang nito maipagtanggol ang sarili.

"No, of course not. Hindi ka naman pinalaki ng ganyan. Basagulero ka man hindi ka mananakit ng babae. But I think she's not telling us the truth kasi andyan ka." Sagot naman ng nanay nito.

"Hindi po talaga si boss," pinigilan niyang umalis ang lalaki at tumayo siya sa tabi nito. "Nasuntok po ako talaga. Nakielam po kasi ako sa magsusuntukan dun tapos ako po ang natamaan."

"Humarang siya when I was about to get hit." Pag-amin naman ng lalaki. "I was out drinking."

"Saktong landing po sa mukha ko," she tried to laugh it off pero seryoso ang lahat ng mga tao doon. "Gusto niyo po ba ng juice o pagkain?"

"Nasampahan niyo na ba ng kaso?" Tanong ng tatay ni Alpha. "Nasa pulis na?"

"Ah, eh. Hindi po Tito. Kasi kasalanan ko din naman po. Pakielamera po kasi ako." Napakamot siya ng ulo. Bakit ba kailangan pang magsampahan ng kaso eh makakagulo at magiging isyu pa. Okay na lang, kalimutan na lang. "Baka makabit pa po sa pangalan ni boss eh hindi naman po mahalaga. Okay naman po ako."

"Oh Marci, thank you for caring about my son pero someone assaulted you." Kalmadong sabi ng ginang sa kanya. "Ano ba kasing ginagawa mo dun at umiinom ka nanaman?"

"I had some issues." Nilingon siya nito.

"Ako din po may kasalanan uli." Marci wanted to own up kasi siya naman talaga ang rason ng inis ni Alpha kahit na hindi pa din niya gets ito.
_____________
Hi! Hope you're all having a good day! 💕

🙋🏻‍♀️: psychedelic26

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...