The Protector

By grenadier0007

35.5K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 34 - Mystery Woman

388 21 9
By grenadier0007


BEA

Bea, I'm sorry but we have to end whatever we have right now. Goodbye."

What the heck? I read the message again.

I cannot believe it!

Ayaw na sa akın ni Jema?

Why? There must be an explanation for her sudden change of mind and heart.

I instantly called her but her phone was suddenly off and cannot be reached, huh. I tried and tried but to no avail. Shit, kung kelan day off ko saka pa nagkaganyan si Jema.

I immediately composed my response to her.

"Don't you give up on me now, baby. I love you. Let's talk."

Sent.

Nag try uli akong tawagan siya pero hindi pa rin ako maka-connect. How can she do that to me? Akala ko ba may usapan na kami. Something might have happened kaya siya nakikipag break sa akin. Kailangang mag usap kami but how can I talk to her?

Ponggay!

Talaga namang tatawagan ko si Ponggay dahil nga sa nangyari kagabi with Gob. Anton.

"Hello Beatriz, why so early?" she asked.

Halatang nasa kama pa siya base sa boses niya. Mukhang nabulabog ko ang tulog.

"I need your help!" walang ligoy na sagot ko.

"My god, Isabel, it's too early in a Saturday morning! Can't it wait?!" she said while yawning.

"Please Ponggay, I really need your help. I won't disturb you kung hindi ito importante." I replied.

"Okay, okay. What is it?" tanong niya.

"It's about Jema. She's breaking up with me! I'm desperate to talk to her kaya please tulungan mo ako. Naka off ang cellphone niya." sabi ko.

Matagal na tumahimik sa kabilang linya. Nawala na yata si Ponggay. I checked my phone kung naputol ang tawag pero okay pa naman.

"Hello?!" I said.

"Ay hindi naman ako na-inform na kayo na pala. I'm shookted. Isabel, are you sure naging kayo ni madam Gob?" tanong nito na parang natatawa.

Arrgghhh. Ponggay can still find it funny kahit sobrang desperado na ako. Hindi ba halata sa boses ko?

"Ms. Gaston, I'm serious!" sabi ko.

Ngayon medyo naging seryoso na siya since I'm calling her by her last name na.

"Hahaha. Sorry na. Eto naman kase nambibigla. So pano nangyari na biglang aayawan ka ni madam Gob? Did you do something stupid? Nakipaglandian ka na naman ba sa hipag niya?" she continuously asked.

Myla. May kinalaman ba si Myla sa desisyon ni Jema?

"Of course not. As far as I'm concerned, wala naman akong ginawang mali para makipag break si Jema sa akin pero ang magaling na gobernador, meron." sagot ko.

Naisip ko na baka may kinalaman si Gob Anton sa desisyon ni Jema.

"Care to explain further? Bakit napunta na kay boss Anton ang usapan?" tanong ni Ponggay.

"Ganito kase yan. Listen carefully as I don't want to repeat what I've been through." I answered.

So sinabi ko na sa kanya kung ano ang nangyari the previous night. What happened in the warehouse with Gob. Anton, his men and that man. I closed my eyes momentarily as I recalled his bloody face.

The man, the gun and who shoot who.

Walang labis, walang kulang.

"Omg, Isabel. I want to hug you right now. Are you okay? Drink some water please. I can sense that you're shaking." she said.

Nanginginig pala ang boses ko habang nagkekwento sa kanya. Ponggay is just listening intently until I finished. Huminga ako ng malalim. Kahit papano ay na-relieved ako dahil may nasabihan na ako sa nangyari.

"Alam ba ni Jema ito? How about Tito and Tita?" she asked.

"No. Ikaw lang ang pinagsabihan ko nito and I intend to keep it that way." I replied.

"Good, that's good. This is very serious Isabel, I'm not joking. Let's keep it to ourselves muna ha. Mahirap na kung may makaalam pang iba nito." sabi niya.

"Alam ko na malaking tao si Gob kaya tikom ang bibig ko basta huwag niya lang kantiin si Jema kundi magkakagulo kami." matapang na sagot ko.

"What's your next step? Sabi mo nga nakikipag break na sa'yo si Jema. May kinalaman kaya sa nangyari kagabi? Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong niya.

"I want to quit my job Ponggay. Nakapag decide na akong mag resign as the governor's bodyguard. After what happened last night, hindi ko na yata masisikmura pa na magtrabaho pa sa kanya. He is a criminal, a really bad person and I don't wanna be associated with a killer!" mahabang sabi ko.

"I understand Bea. The question is, papayag ba si Gob. Anton? Sa tingin mo, he will easily let you go knowing that you witnessed his crime? Governor Villarama is untouchable, as far as I know. Ako ang natatakot para sa'yo." sabi niya.

Natigilan ako sa narinig. Ponggay was right, the governor must be used to killing people kaya hindi man lang siya nag dalawang isip na patayin yung tao na parang hayop. If I'm in danger, it means that Jema is not safe too.

"I'll just keep quiet then. I won't say a thing about that dead man. S-sasabihin ko kay Gob na walang makakaalam nito. You're my employer, you're the one paying my salary so I know you can help me explain to him Ponggay." I said.

"Better said than done. I am not promising but I'll do my best. You are my responsibility Bea and I can't afford to leave you hanging. If only I didn't force you to join my team, hindi mangyayari ang lahat ng ito." she sadly said.

"No, please don't blame yourself. What's done, is done. Wala na tayong magagawa dahil nandiyan na 'yan. All we can do is to resolve the problem. Just make sure that Jema is safe, she is the priority here." sabi ko.

"I know, right. For the meantime, just relax and take a rest. Tatawagan ko si sir Blue at makikibalita sa kanya. Ako na din bahala kumontak kay madam Gob. I'll let you know once na makausap ko siya." Ponggay finally said.

"Promise?" I asked.

"Yes, Isabel." sabi niya bago tinapos ang tawag ko.

I released a deep sigh before collapsing into my bed. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod, puyat at labis na pag iisip.

**********

JESSICA

Mabigat ang loob na in-off ko ang cellphone after messaging Bea. Alam kong tatawagan niya ako once she read it. My phone stayed like that the whole day at wala akong balak buksan ito.

Parang ang unfair naman yata, madam Gob?

I am doing this for her.

Nasa bahay lang ako buong maghapon. Anton was nowhere to be found as usual. When I turn on the TV to watch the news, he was on the news.

Malapit na ang election, bawal na magpakita sa tv ang mga candidates kaya naman nagtataka ako bakit nagpapa interview siya. I turned the volume up so I can hear what he's saying.

"Yes, the victim was one of my bodyguards. He was one of the trusted people I've employed." he said to the reporter.

May ipinalitang clip wherein a body lies on a ditch. May tali ang mga kamay niya sa likod. They blurred the face but you can tell that it has a gun shot on the face.

Oh dear me, kaya pala si Anton ang tinatanong, empleyado niya ito. Kawawa naman pero sino ito? Kilala ko ba? Nakatutok ang mga mata ko sa tv screen.

"Do you have any idea who and why they did this to him Governor? May connection kaya sa inyo? Is it related to his job and connected to the upcoming election?" the reporter asked.

"Hindi ko alam to be honest, ang daming possibilities kaya hindi muna tayo magko-conclude.  I fully trust the police and our investigators, that they will find the truth and catch the people who did this. Isang malaking kawalan sa akın ang pagkamatay niya. I can't say his name yet as we have to inform his family first. Nevertheless, I'll see to it that his family will get all the help they need and of course, justice. Thank you." mabilis na sabi ni Anton. 

May tauhan si Anton na pinatay. Naalala ko bigla si Bea. Kumusta kaya siya? Gusto ko siyang tawagan at tanungin tungkol dito pero nakipag break na pala ako sa kanya.

Did I make a mistake?

Kahit mahal na mahal ko si Bea ay mas pinili ko na tapusin na lang ang aming relasyon for her own safety. She is in great danger from Anton as he already knows our relationship!

May mga photos pa nga siya at videos although hindi ko naman nakita kung totoong may video kami in a compromising position. Paano niya nakuha ang mga ito? Obviously, there's a snitch inside our camp at kanina ko pa iniisip kung sino ito.

It all boils down to whoever hates me or Bea.

Maybe one of the guys like Tukne na sobrang tsismoso, dinaig pa ang Marites.

Siempre kay Anton ang loyalty nilang lahat dahil siya ang boss at nagpapasahod sa kanila. They will do everything to make him happy.

Whoever took those pictures or videos thought that I was having an affair with Bea but in reality, me and Anton are already finished, as in wala na, after I caught him with Ali. We were supposed to get divorce na nga eh kaso naudlot dahil sa mga photos.

It is my fault. Kung naging discreet lang sana ako whenever I was with Bea. Pero wala na akong magagawa, I have to end our relationship for her sake.

Lumaban ka naman madam Gob.

However, I must start investigating. By hook or by crook, dapat kong malaman kung sino ang traydor sa grupo.

Kung may mga mata si Anton dito, puwes, meron din ako. I went outside and looked for Kuya Boy. Kahit papano naman ay naging ka-close ko na si Kuya at siya yung tipong hindi ka ilalaglag kung mabuti ka naman sa kanya.

"Hello po madam Gob. May kailangan po kayo?" sabi niya pagkakita sa akın.

"Wala naman, kukumustahin ko lang sana kayo.  Nakita niyo po ba yung interview kay Anton?" tanong ko.

"Opo madam." tipid na sagot nito.

"Sino yung bodyguard na namatay, kilala ko ba? Bakit siya pinatay? Sino kaya ang may kagagawan nito? Bakit parang hindi kayo naka red alert samantalang may killer na gumagala." sunod sunod na tanong ko.

Usually kase pag may ganyang incident, they are all attentive and sobrang higpit ng security kahit dito sa bahay pero napansin ko na parang relax lang sila. I even saw Tukne na nakaupo sa side na parang natutulog pa yata.

"Ah madam, hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo ang mga detalye, utos po ni Gob." sagot niya.

"Kuya Boy, ako ito, si Jema. You can trust me po, alam ninyo yan. Mas gagaan po ang loob ko kung sasabihin ninyo sa akın ang totoo." sabi ko.

Tumingin muna siya sa gawi ni Tukne bago tumugon sa akin. Nung nakita niyang hindi ito gumagalaw sa pagkakaupo, ay naglakad ito papasok sa pantry area at tila hinihintay akong sumunod sa kanya.

"Magkape po muna tayo madam Gob." he said.

Agad akong sumunod sa loob. Hindi naman kami napansin ng ibang tao sa paligid dahil busy silang nakatingin sa kanilang cellphone.

I closed the door slowly at umupo na. Dinala ni kuya Boy ang mga lalagyan ng kape, aşukal at gatas sa tabi ko. Nagsalin siya ng mainit na tubig sa dalawang tasa bago ibinigay ang isa sa akın.

"Madami akong gustong sabihin sa inyo." he said before sitting down.

**********

BEA

I woke up feeling restless, I think I slept for two hours. Agad kong tinignan ang cellphone kung may new messages from Jema or Ponggay but to my dismay, nothing.

I'm soooooo disappointed that I nearly threw my phone. Sinubukan kong tawagan uli si Jema pero hindi pa rin ako maka-connect.

Mabilis akong nagbihis. Pupunta muna ako sa gym, para magpapawis and to clear my mind na din para makapag isip ng maayos kung ano ang aking susunod na gagawin.

My plan is to talk to Jema and convince her to leave her bitch ass husband and go with me. We will migrate sa Canada or sa Australia or in a place where her husband won't find us. Jema can decide for us as long as she's with me.

Knowing the Governor, he won't give up his life here in the Philippines. As a politician, mas madali ang buhay niya dito. He got wealth, fame, connection and power. He can do anything and get away without repercussions.

Hindi niya igi -give up ito para kay Jema dahil mas mahal niya ang sarili niya kesa sa asawa. I can fully attest to that being a witness to all his extra marital affairs. Pride na lang ang umiiral sa kanya that's why he wants to keep his trophy wife.

Kapag nakalayo na kami ni Jema, sigurado ako at hindi magwo -worry na susundan pa kami ni Anton.

Kailangan ko lang talaga i-convince si Jema na hiwalayan niya na si Governor Anton ngayon tutal they're just pretending to be happy in front of the cameras and the people. When behind doors, they are like aliens to each other.

I did some stretching first before lifting weights. Namiss ko ito dahil sunod sunod ang trabaho ko kay governor. Ngayon lang ako pinag day off ni sir Blue dahil nga sa nangyari kagabi.

Pawis na pawis ako pagkatapos tumakbo sa treadmill. Medyo dumadami na ang tao sa gym kaya nag decide akong umalis na. I went to the restroom para magpalit ng damit.

Malapit na ako sa parking area ng biglang may sumunggab sa akin galing sa likuran, dalawang tao. I was caught off guard by their sudden appearance. I tried to get away from them but they were strong. Agad nila akong nahawakan sa magkabilang kamay.

"What the fuck, let me go!!" I shouted as I tried kicking them.

I was able to connect some kicks but since dalawa sila, they were able to pin me down to the back of my car. Bago ko pa makita ang mukha nila, may telang tumakip sa ilong at bibig ko.

"Fuck me, not again." I said as I remember the scene in the hospital.

"Huwag ka ng magpumiglas." rinig ko bago ako nawalan ng malay.

Pagmulat ko uli ng mata, nakaupo at nasa isang madilim na kuarto na ako. My hands are tied behind me and it aches like hell.

"Sino kayo? Bakit ako nandito?" tanong ko pagkakita sa dalawang lalaki na naglalaro ng baraha sa sulok.

"Uy gising na siya." sabi nung isa sabay tayo at nilapitan ako.

He's tall and dark but not handsome. Naka mask ito kaya hindi kita ang buong mukha but I can see that he got mustache. Nakangisi ito habang papalapit sa akın at akmang hahawakan ang mukha ko.

"Don't touch me or I will kill you." I said as I tried getting away from him.

"Matapang ka, baka hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo, ha?!" singhal niya habang hinihila ang buhok ko.

Gago talaga, sinabi ng huwag akong hawakan eh. I kicked him in an instant and he was sprawled face first on the floor.

"Tang ina!" sabi niya.

Tumayo ako at tinadyakan siya sa likod. Sudundan ko pa sana ng malakas na sipa pero may narinig akong nagkasa ng baril.

"Subukan mo." the other guy said.

I looked at him, nakatutok sa akın ang hawak niyang baril but I wasn't intimidated at all. I can sense by looking at him that he won't pull the trigger.

Hinila niya palayo sa akın ang kasama niyang namimilipit pa sa sakit. Napangisi ako sa kanya.

"Ang gago pala nito. Akin na yang baril." sabi niya sa kasama.

"Wag kang padalos dalos. Sinabi na kasing huwag mong hawakan eh. Baka nakakalimutan mo na ang bilin ni ma'am sa atin ay dalhin lang siya dito ng buo. Sundin na lang natin ito kung gusto mong mabayaran tayo ng buo." sagot ng isa.

Natahimik ang nasipa ko pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nag ring ang cellphone niya kaya naman agad niya itong sinagot. Nakinig lang siya sa taong tumawag.

"Nasa labas na si ma'am. Maiwan ka dito at susunduin ko siya." sabi niya sa kasama.

Umupo ako ng maayos at tumingin sa paligid. Iisa lang ang pinto dito sa kuarto at dalawang bintana. May hallway paglabas dito, sa kanan pumunta ang lalaki para sunduin ang ma'am na sinasabi niya.  Kung tatlo lang sila, kayang kaya kong makatakas dito.

Without their knowledge, medyo loose na ang lubid na itinalı nila sa mga kamay ko. I could be out of it soon so I have to devise a plan how to escape.

Mga ilang minuto pa at bumukas uli ang pintuan. Bumulaga sa akin ang tinatawag nilang ma'am.

"Hello Bea." she said.

"You?!" takang tanong ko.

======================================================================

Who's the mystery woman?

Come on Bea, kick their assess.

Please vote, comment and share. Thank you 😊

Continue Reading

You'll Also Like

178K 6.4K 36
Should I Stay or Should I Go?
27.5K 1.3K 20
Boy po uli si Deanna dito. 😊😊 Sana magustuhan nyo uli. Short Story lang din po ito. 😊
70K 2.1K 33
Some says' "Love is sacrifice"..that you're willing to give up everything for the person you love. Pero pano kung ang kaylangan mong i-give up eh yon...