SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE...

By KnightAncient

49.7K 3.1K 900

Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang M... More

DISCLAIMER & SYNOPSIS:
DO NOT USE THE STORY FOR PROFIT‼️
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:
KYODAINEKO Triplets PORTRAY:
CHAPTER 120:
CHAPTER 121:
CHAPTER 122:
CHAPTER 123:
CHAPTER 124:
CHAPTER 125: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 126: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 127: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 128: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 129: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 130: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 131: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 132: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 133: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 134: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 135: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 136: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 137: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 138: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 139: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 140: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 141: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 142: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 143: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 144: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 145: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 146: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
CHAPTER 147:
CHAPTER 148:
CHAPTER 149:
CHAPTER 150: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 151: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 152: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 153: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 154: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 155: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 156: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 157: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 158: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 159: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 160: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 161: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 163: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 164: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 165: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 166: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 167: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 168: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 169: TOKYO vs. PARIS (France)
CHAPTER 170: TOKYO vs. PARIS (France)
JERSEY NO. 10 PLAYERS
CHAPTER 171:
CHAPTER 172:
CHAPTER 173: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 174: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 175: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 176: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 177: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 178: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 179: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 180: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 181: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 182: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 183: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 184: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 185: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 186: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 187: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 188: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
CHAPTER 189: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
AUTHOR'S NOTE:
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 162: TOKYO vs. PARIS (France)

482 38 8
By KnightAncient

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 162: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 5 mins. 0 sec|
Paris Team: 38 | Tokyo Team: 43 ]

Dahil sa tres ni Maki ay nagdiwang ang mga taong sumusuporta sa Tokyo Black Samuraiz. Ang apat na ungas ay muling natuwa dahil limang minuto na lang ang natitira at lamang ang Tokyo Team ng limang puntos.

Nag-apiran si Maki at Hanamichi bilang pagpuri sa isa't-isa. Sa hindi inaasahan ay pumito ang Referee na siyang ikinatigil at kinagulat ng ibang manonood.

(Pumito...)

"CHARGED TIME-OUT! PARIS VERT SERPENTS!" anunsyo ng Referee.

Napatingin ang limang players ng Paris Team sa kanilang Coach. Nakadekwatro etong nakaupo sa kanyang bangko. Muling natuwa ang Tokyo Team players dahil may sandaling minuto silang pahinga. Pareho silang naglakad palabas ng court para tumungo sa kanilang Coaching Area.

Pagkarating nina Hanamichi sa kilang Team Area ay agad na tumayo ang Triplets at hinatidan sila ng tubig at malinis na bimpo isa-isa.

"Nice game mga Tol!" Puri sa kanila ni Hitotsu.

"Oo nga! Ang galing niyo pareho!" Futatsu

"Akalain niyo--- ang kasalukuyang member team ng Top 8 Global Rank ay ilang beses niyong nalamangan. Unang beses niyo pa silang nakalaban tama ba?" Tanong sa kanila ni Mittsu.

Tumango naman si Maki. "Oo, unang beses pa dahil unang beses namin tong nakapaglaro sa intercollegiate." Sagot nito.

Napawow ang Triplets sa kanila.

Si Mari naman ay pinuri din sila isa-isa, si Coach Zakusa naman ay nagbigay ng panandaliang task na siya namang naintindihan agad ng mga players niya. Si Haruko naman ay nakaupo sa tabi ni Hanamichi at pinag-usapan ang ilang bagay. Diniscuss ni Coach Zakusa ang maaaring gawin ng Paris Team at posibleng maibaliktad nito ang sitwasyon.

Sa area naman ng Paris Team, si Coach Vilgauxe ay nakaupo parin pero nakalantad sa harapan ng limang manlalaro niya ang assigns at tasks ng mga ito. Pinaliwanag niya ang magiging galaw nila.

"Tandaan niyo. Isang DARK HORSE ang Tokyo Team. Oo nga't wala tayong impormasyon sa kanila at oo rin, dahil isa yun sa pagkakamali natin. Naging kampante tayo." Sabi ni Coach Vilgauxe sa kanila.
"Always put this in your mind, boys. Tayo ang Over Power House Team ng France College Matches. Think about it if we lost this match? Nakakahiya sa kuponan natin, biglaan lang ang pagsabak ng Tokyo Team dito sa intercollegiate. Ang buong akala ko pa naman ay ang Akita parin ang ating makakaharap." Dagdag pa ng Coach.

Tumango naman si Solevenn. "Same goes here, Coach. Last year ang Akita Team ang nakalaban natin, so I was surprised na ibang No. 1 team ng Japan College Matches ang haharap sa atin." Opinyon nito.

"Well---I don't deny na magaling ang Team nila. A lot of revealing moves pero pakiramdam ko ay may tinatago pa sila. Some of the players sa loob ay rare kung tumira. But still... Mag-iingat parin tayo. We have to look their moves every inch of the moment as long as ganung line-up ang nasa loob." Opinyon din ni Cadieux.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nilagok ni Cadieux ang tubig ay huminga ito ng malalim. Kunting minuto palang siyang naglalaro pero uhaw na uhaw na siya sa tubig. Ang kondisyon ng pangangatawan ni Cadieux ay maihahalintulad kay Mitsui. Pero naaagapan niya ito palagi sa pag-inom ng maraming tubig kada may time-out, at alam yun ng mga kasamahan niya.

At may isang pagkakamali din si Cadieux. Yun ay ang walang kapagurang player na may taglay na mataas na stamina at reflexes ang kanyang binabantayan na si Hanamichi Sakuragi. At hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang ganung katangian ng Henyo.

Tumunog ang time buzz ng gymnasium saka pumito ang Referee. Tapos na ang time-out. Inayos ng parehong team ang kanilang mga sarili.

"Tandaan niyo ang mga sinabi ko." Sabi ni Coach Zakusa sa kanila.

"Oo!" Sagot nila.

Si Coach Vilgauxe ay ganun din sa kanyang mga players.

Ang parehong pangkat ay sabay na bumalik sa loob. Ang bola ay binigay ng Referee sa Team ng Paris. Limang minuto na lang ang natitira at matatapos na ng first half. Hawak ni Marshall ang bola at pinatalbog ito. Ang Tokyo Team naman ay nakababag malapit sa division line ng Paris court.

Nagsipwesto naman sa kani-kanilang task areas ang Paris Team.

Pumito ulit ang Referee saka sinimulang patakbuhin ang oras.

*PASS!*

Biglang pinasa ni Marshall ang bola kay Ozanne. Pagkasalo nito ay mabilis itong idinribol palabas ng court ng Tokyo. Agad namang nakapunta sa unahan niya ang tatlong kasamahan nito na sina Solevenn, Sauveterre at Cadieux. Kay Cadieux niya pinasa ang bola.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay agad itong tumungo sa 3 point lane arc ng Paris court. Nakita siya ni Hanamichi kaya sinulong siya nito para depensahan. Nang makarating si Hanamichi sa kanya ay hinagis niya. Paitaas ang bola patungo sa ring, napunta ang tingin ni Hanagata at Solevenn ang bola. Nakita din yun ni Hanamichi, akmang tatakbo siya sa gawi ng bola nang babagan siya ni Cadieux.

"Huh?" Taas kilay na sambit ni Hanamichi dahil nakaharang si Cadieux sa kanya.

Pinuwersa niya ito para makapasok sa inner court pero natatapatan ni Cadieux ang lakas na taglay ni Hanamichi. Napangisi siya.

"Aba, aba... Ahas. Kaya mo palang tapatan ang pisikal na kapangyarihan ng Henyong si Hanamichi Sakuragi?" Maangas niyang tanong.

Pero umismid lang si Cadieux sa kanya. "Kayang tapatan ng ahas ang isang unggoy na katulad mo." Sagot nito.

Ang bola na isang metrong palapit sa ring ay sabay na inabot ni Hanagata at Solevenn. Dahil mas matangkad ng 6.5 centimeter si Solevenn ay siya ang tagumpay na nakaabot sa bola saka pwersang ginawa ng Alley Hoop.

*DUNKKKKKKKKK!!*

"AYOOOOOOOOSSS!

GRABE ANG LAKAS!

CAPTAIN SOLEVENN!" sigawan ng mga manonood.

"Nice cover, captain!" Puri ni Cadieux at tumakbo sa gawi niya ang kapitan saka nag-apiran.

[1st half-2nd quarter| 4 mins. 13 sec|
Paris Team: 40 | Tokyo Team: 43 ]

"Mahusay yung pasa mo, Cadieux--- BALIK SA DEPENSA!" sigaw ni Solevenn at sabay silang tumakbo papasok sa court ng Tokyo Team.

Naiwang nakangiwi si Hanamichi. "Grrrrr kasalanan to ng Ahas na yun!" Bulonh ni Hanamichi at mabilis na sinundan ang dalawa.

Si Hanagata ang agad pumulot sa bola saka pinasa kay Fujima. Pagkasalo nito ay agad sinimulan ang opensa. Ang bilis ng takbo ni Maki, Sendoh at Hanamichi ay halos parehas na parang balak sagasain ang mga players ng Paris. Pagkapasok nila sa Tokyo Team half court ay binounce pass ni Fujima ang bola patungo kay Maki. Pagkakuha ni Maki ay sinulong niya ng mga depensa at nilusutan hanggang sa nakapunta siya ng ilalim ng ring saka tinaas ang bola upang e lay-up shot.

Subalit lumantad sa paningin ni Maki ang dalawang kamay ni Solevenn na nakabantay sa ilalim ng ring. Si Solevenn at Maki, nagharap ang dalawang kapitan na nagmula sa parehong malakas na kuponan. Napatitig sina Hanamichi at Cadieux doon.

Akmang papalpalin nito ang bola nang makita niyang hindi na pala hawak ni Maki ang bola kundi na kay Sendoh na malapit sa small forward area. Patungo sa gawi niya si Saueveterre pero agad na nitong shinoot ang bola sa pamamagitan ng jumpshot.

*SHOOT!*

"Okay!" Ngumiti si Sendoh saka tumakbo paatras.

"AYOOOOOOOOOS!" Hiyawan ng apat na ungas.

[1st half-2nd quarter| 3 mins. 31 sec|
Paris Team: 40 | Tokyo Team: 45 ]

"Depensa tayo, Team! Bilis!" Sigaw ni Fujima habang tumatakbo.

Wala na silang sasayanging oras lalo na't tatlong minuto na lang ang natitira at matatapos na ang unang half. Bumalik sa limang puntos ang lamang ng Tokyo Team.

Agad dinampot ni Sauveterre ang bola ay inoverhead pass agad kay Cadieux na mabilis na nakatakbo sa unahan nila. Pagkasalo nito ay mabilis niyang idinribol patungo sa 3 point area ng Paris Team. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang nagpose para tumira. Pero hindi yun natuloy nang makita niyang nakatayo agad sa harapan si Hanamichi.

Hindi niya alam. Pero papaano agad nakarating si Hanamichi Sakuragi ng ganun kadali?

Pero inisip parin ni Cadieux na posibleng maabot parin ni Hanamichi ang bolang e lo-long jumpshot niya.

"Hindi mo'to kaya." Bitaw ni Cadieux sa mga salita saka tumalon ng mataas na paatras.

Napanganga si Hanamichi. "F-fade away shot?" Agad siyang tumakbo palapit kay Cadieux.

Nang makalapit siya ay bigo niyang natamaan ang naishoot na bola.

*SHOOT!*

Pasok ang tres ni Cadieux.

[1st half-2nd quarter| 2 mins. 59 sec|
Paris Team: 43 | Tokyo Team: 45 ]

Kasabay nun ang pagbagsak ni Hanamichi sa sahig at hindi sinasadyang nadaganan si Cadieux.

*BLAAG!*

"HANAMICHIIIIIIII!!!" Sigaw ng apat na ungas sa nangyari.

"Sakuragi..." Nag-aalalang bulong ni Haruko.

"CADIS!" sigaw ni Sylvestre.

Pumito ang Referee. "FOUL! BLACK NUMBER 10!" Anunsyo nito habang nakaturo sa Henyo.

Dahan-dahan namang itinaas ni Hanamichi ang kamay saka bumangon paalis sa pagkakadagan kay Cadieux. "Pambihira." Bulong niya. May isang foul na siya.

Samantala si Cadieux naman ay napaubo ng mahina at marahan ding bumangon. Agad namang nagsilapitan ang mga kasamahan niya sa kanya. Nag-aalala sila sa kalusugan ng kanilang kasamahan. Tiningnan nina Marshall, Ozanne at Sauveterre si Hanamichi ng masama.

"Grrrrrr ikaw. Sinadya mo yun, Sakuragi noh?!" Turo sa kanya ni Marshall.

"H-ha? H-hindi..." Sagot ni Hanamichi.

"Oo nga, siguro ganun yon. Sinadya mo." Ozanne.

"Ano ba! Hindi nga kase, aksidente lang yun!"

"Nagpapalusot pa." Bulong ni Sauevterre.

"Sabing hindi nga eh--- umbagin ko kayo dyan!" Deny muli ni Hanamichi.

"1 THROW... GREEN NO. 10!" Tawag ng Referee kay Cadieux.

"AYOOOOOS!" Hiyawan ng mga bangkong players ng Paris.

Samantala sa Tokyo Team's Bench area naman ay natigilan si Jin. Ang nangyari kay Cadieux ay tulad na nangyari sa kanya noon nung nakalaban nila ang Akita.

Nakapag tres siya nun at natamaan ni Itakura kaya nagkaroon siya ng 1 throw. Katulad niya ay magkakaroon din ng pang-apat na puntos itong si Cadieux.

"Tssk. Ibang klase. 4 points ang mahahakot niya dahil sa nangyari." Sabi nito.

"Kung ganun ay naaalala mo pa pala." Sabi sa kanya ni Coach Zakusa na katabi niya.

"Syempre naman maaalala ko. Ako yunh naaksidente noon, remember?" Inirapan siya ni Jin.

Binigay ng Referee ang bola kay Cadieux. Napatingin si Hanamichi doon.

"Anu baaaaa--- minamalas yata ang poging si Hanamichi Sakuragi ngayon?" Bulong niya sa kanyang isipan habang nakatingin parin kay Cadieux na hawak ang bola. Pumwesto siya sa gilid ng inner area para sa baka sakaling rebound.

Nakatayo si Cadieux sa free throw area at tatlong beses na tinalbog ang bola. Pumukos siya sa ring saka tumira.

*SHOOT!*

[1st half-2nd quarter| 2 mins. 12 sec|
Paris Team: 44 | Tokyo Team: 45 ]

"AYOOOOOOOOSSS!

PUNTOS NA NAMAN!

1 POINT NA LANG ANG LAMANG NILA PARIS! KAYA NIYO YAN!" sigaw ng Paris Audience.

Kinakabahan na pareho si Mari at Haruko. Kunting minuto na lang at isang punto na lang ang lamang ng kanilang kuponan sa Paris Team. Totoo nga ang sinabi ni Coach Zakusa kanina: na sa muling pagpasok ng Paris Team ay baka mabaliktad nila ang sitwasyon.

Ang bolang tagumpay na naipasok ni Cadieux sa ring ay tumalbog sa sahig na agad na dinakma ni Sendoh.

"BILISAN NIYO!" sigaw ni Sendoh sa kanila.

Medyo magulat sina Maki, Fujima, Hanagata at Hanamichi sa sinigaw ni Sendoh. Sa kanilang pagkarinig ay umiba ang tono nito. Kaya agad nilang sinunod ang kanilang Super Ace Player.

Mabilis at mahusay angpagdidribol ni Sendoh hanggang sa nakalabas siya sa court ng Paris Team. Pagdapo niya ng tingin sa Tokyo court ay nakita niya doon si Hanamichi kaya hindi na siya nagpaligoy na ipasa ang bola. In-air pass niya ng bola pero hindi yun nakita ni Hanamichi dahil nakapukos ito sa daan. Nawala ang seryosong anyo ni Sendoh at napalitan ng taranta.

"Woooyyy--- SAKURAGI!" sigaw niya.

Paglingon ni Hanamichi ay nanlaki ang mga mata niya na patungo pala sa kanya ang bola. At mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang dalawa sa player ng Paris Team ang nakatalon para saluhin ang bola, sina Solevenn at Cadieux.

Parehong nakataas ang kanilang kamay upang masiguro na walang kahit sino ang makakaagaw sa bola.

Sumapit na ang eksaktong isang minuto patungo sa mga segundo.

Parehong napatayo si Coach Zakusa at Coach Vilgauxe.

"SIGE! KUNIN NIYO!" sabay nilang sigaw.

Si Coach Kawarama at ang apat na ungas ay napahigpit ang hawak sa bakal ng railing. Hindi nakapagtimpi ang Lolo sa kasalukuyang pangyayare.

"Kunin mo, Apo! Ipamukha mo sa kanila kung sino ang HARI NA MAY PULANG BUHOK!" Nanggigigil na cheer niya sa kanyang Apo na si Hanamichi.

Natauhan at nabuhayan si Hanamichi sa sinigaw ng kanyang Lolo. Pakiramdam niya ay may biglang spirit boost ang sumanib sa katawan niya.

Ang bola ay saktong tutungo sa mga kamay nina Solevenn at Cadieux.

Pagkalapit ng bola ay dumapo yun sa gitnang daliri ni Solevenn. Napangisi siya.

Akmang aabutin na niya ang buo ng bola nang may biglang dalawang kamay ang humawak nun.

Ang nakadakma nun ay mas mataas pa ang talon kumpara sa dalawang 2 meter players ng Paris Team.

*PAKK!*

"Para saken ang bolang 'to tas aagawin niyo? Bad yan mga pardz!" Nakangising sabi sa kanila ni Hanamichi at agad na ibinaba ang bola.

Na shock si Solevenn at Cadieux sa kanyang ginawa.

Napanganga ang mga manonood.

Agad dinribol ni Hanamichi ang bola hanggang sa nakalapit siya sa ilalim ng ring ng Tokyo court. Akmang susugod sina Marshall, Sauveterre at Ozanne nang sabay silang babagan nina Fujima, Sendoh at Maki. Si Solevenn naman ay hinarangan ni Hanagata upang hindi makasunod kay Hanamichi.

Tanging si Cadieux na lang ang libre. Hinabol niya si Hanamichi.

Pero...

Sa rebounding area pa lang ay malaya si Hanamichi kaya tumalon ito ng mataas palapit sa ring at pinakawalan ang isang kabigha-bighaning dunk.

*DUNKKKKKKKK!!*

Tila yumanig ang sahig ng court sa malahalimaw na dunk ni Hanamichi. Muntik pang na out of balance si Cadieux.

Ilang segundong nakalambitin si Hanamichi bago ito bumaba sa sahig na hindi hinaharap si Cadieux.

Saktong tumunog ang time-buzz bilang pagtatapos ng first half.

(TIME BUZZING...)

Naghiyawan ng malakas ang area ng Tokyo Team.

"AYOOOOOOOSSS!

LAMANG ULIT TAYO!

WHAHAHAHA ANG GALING!

TOKYOOOOOOO!" Hiyawan nila.

[1st half-2nd quarter| 0 mins. 0 sec|
Paris Team: 44 | Tokyo Team: 47 ]

Pumalakpak naman si Coach Zakusa bilang pagpuri sa ginawa ng mga manlalaro niya. "ANG GALING NIYO TEAM! MAGALING! MAHUSAY!"

Mahinang humingal-hingal si Cadieux. Kailangan na naman niya uminom ng maraming tubig. Para siyang sasakyan na naubusan ng gasolina.

Nanatili parin siyang nakatingin kay Hanamichi. Lumingon ito.

"Nakita mo yun, Ahas? Yun ang signature move ng MVP ng Japan College Matches. At for your information na lang--- sa oras na nakapasok ka sa court ng Tokyo Team. Teritoryo ko yun at wala kang ibang kikilaning HARI kundi si HANAMICHI SAKURAGI lang. Tandaan mo yan, Allard Cadis Cadieux." Nakangising sabi ni Hanamichi sa kanya.

Napalunok si Cadieux. "Nagmumukha kang demonyo sa sinabi mong yan, Sakuragi." Sabi nito.

Mahinang humalakhak si Hanamichi. "FYI ulit, Ahas. Talaga ngang hindi moko nakikilala--- oo nga pala. Ako ang DEVIL ACE ng Tokyo Team. Nice to meet you pala." Hanamichi

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

Author's Note: Don't forget to VOTE mga Lods! Salamat. 💖

Continue Reading

You'll Also Like

73.4K 1.5K 15
Before you read this, makibasa po muna ang Book 1 para medyo maintindihan. Pero pwede naman na basahin na po 'to ng deretsahan. Hahaha! Salamat po sa...
23.2K 163 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
16.1K 892 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...