Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 14

51 16 1
By love_dine

Chapter 14

"Palagi ba kayong magkasama ni Kai, Jude?" Tumigil ako sa pagkain at binalingan ang Papa ni Kai.

"Uhm, opo." Sagot ko.

Bumalik nanaman kami sa breakfast thing every saturday. Dahil kung Sunday ay may ibang lakad ang pamilya nila.

Mabait ang tungo saakin ng step mother ni Kai. Pero napansin kong ganoon siya sa tuwing nariyan si Kai o ang Papa niya, pati si Chelseah. Pero kapag kaming dalawa lang, o kung kasama man si Cheska ay pinaparamdam niya ang disgusto saakin. Pagpapanggap lang ang kabaitan niya saakin.

Kai's father chuckled. "I'll talk to you later about it." He told me. Tumango naman ako.

Pinili kong hindi pagtuunan ng pansin ang mapanuri at nanliliit na mga mata ng babaeng nasa harap ko. Cheska chuckled with his dad, kahit na wala naman daw itong alam. She's just friendly and kind to me. While Chelseah was just cold.

Si Chelseah ay kamukhang kamukha ang kaniyang ina, hindi ko makitaan ng kaonting pamilyaridad na galing sa kaniyang ama. Si Cheska ay nakuha ang magkahalong features ng Daddy at Mommy niya. At si Kai ay halo ng sa totoong Mommy niya at ng kay Sir Keanu.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kai na anak sa unang asawa ni Ma'am Charisse si Chelseah at ang buong anak talaga ng mag-asawa ay si Cheska lang.

Natapos ang breakfast at inanyayahan niya akong magkwentuhan habang may inilatag na dessert sa mesa.

"How are you?"

"Ayos lang naman po. Kayo po?"

"How formal!" Nakangisi niyang pahayag bago napailing.

"Anyways... Kai is always with you, right? Sa bahay ba ninyo?" He asked casually.

"Opo, pero minsan ay sa condo niya." Sumimsim siya ng kape at tumango.

"U-huh, mabuti at nagiging maayos na ang relasyon niyo." Pormal akong tumango. Paniguradong malamig ang dating sakaniya. Kay Kai lang naman nagiging mainit ang ekspresyon ko, uh--shit? That sounds wrong. Tuwing si Kai ang naaalala ko ay nag-iinit ang pisngi ko at the same time ay may humahaplos sa puso ko.

"Opo."

"That's good. Graduating kana diba? What are your plans after graduating?"

Nag-isip ako. Buo naman ang plano ko sa isip na matapos mag-aral ay magtatrabaho muna ako para makapag-ipon din sa pang board ko. Kasama pa ang plano naming magkakaibigan na sabay sabay kami. Sina Kaye ay may ibang gustong gawin at palagi nila akong sinasali sa mga plano nila.

"Magtatrabaho po muna ako bago mag take ng board para makapag-ipon." Napakunot ang noo niya.

Humilig siya sa inuupuan at humalukipkip.

"You can focus on your board without worrying  about the money, Jude. Alam na ba ito ni Kai?" I shook my head.

"Hindi pa po. Pero alam ko naman pong maiintindihan niya iyon." Lumitas ang ngisi sa labi niya.

"I can see that... Anyways, about Kai, alam mo bang kakapasok palang niya sa opisina ay gusto na agad umuwi? He would finish all his work immediately and would insist to come home dahil wala ka raw kasama sa bahay." Napahalakhak siya.

Kai's father is always fun to be with. Intimidated kung seryoso pero kapag mangingisi ay agad na mawawala. He looked friendly as always. Sobrang light kapag kausap at kasama.

"Uhm, madalas naman po ako sa duty." He nodded.

"Kaya nga, eh..."

"Nagkakaproblema po ba sa trabaho niya kaya gusto niyo akong kausapin? Dahil maagang umuuwi at tamarin?"

"Tamarin!" Napahalakhak siya.

"Paniguradong sisibangot si Kai kapag narinig niya iyan!" Nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya at napalabi.

"No, hija. Well, sort of? Pero hindi tamarin. Ang saakin lang, minamadali niya sa pagtatrabaho ang ibang empleyado para maibigay agad ang para sakaniya. Though, hindi niya naman minamadali kapag nasakaniya na, sinusuri pa rin at sinisigurado bago mag desisyon." I nodded.

"Masama po ba iyon?" He sighed.

"Hindi naman... Kinausap lang kita baka iba kasi ang pinagkakaabalahan. Iyon naman pala ay ikaw." He smirked and shook his head.

Nakahinga ako ng maluwag. Baka kasi mamaya ay hindi na nagiging magandang dulot ang pag-uwi niya ng maaga.

"Kakausapin ko po siya about dito. Na huwag masyadong madaliin ang ibang empleyado." He nodded.

"Yes please, lalo na kung hindi naman agaran. Ang gusto kasi ay tapusin ang ilang trabaho sa opisina na para pa ata sa susunod na buwan at para maraming oras sainyong dalawa. Tss..." Napanguso ako at hindi mapigilang mangisi.

"Ikaw ba? Pinagmamadali ka sa trabaho? Para masolo?" I chuckled.

"Hindi po. He's just waiting outside my workplace. O sa bahay kung may tinatapos ako na para sa school at... nanonood lang naman po siya." He shook his head.

"See?" Nagtawanan kaming dalawa at paniguradong iyon ang naabutan ni Kai.

Padarag niyang hinatak ang isa pang bangko at itinabi saakin. He kissed my left cheek bago ipinalibot ang  kamay sa baywang ko at kumuha ng pagkain sa plato ko at sinubo iyon.

"Are you done eating your breakfast?" I nodded. At iyon, parang biglang nawala nalang sa isip ko ang Papa niya na kaninang kausap.

"Open your mouth," Hinawakan ko ang palapulsuhan niya bago sinubo ang nasa kutsara.

"Anong pinag-uuusapan ninyo?" He glanced at his father who was just watching us with a small smile bago saakin.

"Pinag-uusapan ka namin," Ang Papa niya.

He raised his brow. "What about me? Sinisiraan mo ako?" Palihim ko siyang kinurot kaya napabaling siya at muling sinubuan ako.

"Kai," Irita kong saad.

"Medyo? I told her that you're lazy at work."

"What? Kailan ako naging tamad sa trabaho? I'm even advance!" Tinapik ko siya.

"Tone, please." Bahagya siyang huminahon, pero masama pa rin ang tingin sa Papa niyang aliw na aliw.

"Too advance, Kai. Nape-pressure mo ata ang mga empleyado niyo."

"I'm not,"

"Just don't work too advance. Baka parating over time ang mga iyon para kang maipasa agad ang para sa'yo." Nakikinig naman siya saakin at hindi na nagrereklamo pa.

"You can go home on time at ganoon din sila."

"Nag-iipon ako ng oras, inadvance ko na para kapag free kanang mag bakasyon ay palagi din akong free." I nodded.

"Why don't you two go in your province? Pinapauwi ka ng Mama mo Kai, hindi ba?"

Humilig si Kay sa upuan at ipinatong ang kanang kamay sa likod ng inuupuan ko.

"She's still busy. Saka na."

"Kahit saglit lang, Kai. Pagbigyan mo na ang Mama mo," Makahulugan nitong ani. Dismayadong umiling si Kai at ayaw pa rin talaga. He sighed.

"Really? You two should make up." Napatingin ako kay Kai. Hindi ba sila maayos ng Mama niya? May hindi pagkakaunawaan?

"Pag-usapan niyo iyan." Bago ito tumayo at iniwan kaming dalawa.

"You okay?" He looked at me.

"Yup. May kaonting misunderstanding lang kay Mama." Marahan akong tumango. Magpapatuloy sana ang pag-aalala ko kung hindi lang siya ngumisi at may kung anong ipinapakita.

"Uwi nalang kaya tayo?"

"Seriously, you two should get married first nang maging totoo na, before you flirt like this in front of me." Napasinghap ako bago naitulak ko ang dibdib ni Kai nang makita ang Papa niya sa harap namin. Inangat niya ang kakakuhang cellphone bago umalis.

Kai groaned dramatically at napairap sa Papa niya.

We both got busy the next days. Natutuloy man ang ilang saturday breakfast pero ang iba ay hindi. Ako naman ay thesis at duty ang inaatupag, habang si Kai ay sa trabaho.

Kung minsan ay hindi niya na ako mahatid-sundo, that's because we're both busy, pero may driver naman na para saakin o kaya ay sinasabi kong ihahatid ako nina Kaye which is true sometimes at the same time ay hindi most of the times. Syempre ay busy din sila at ayaw kong may maabala.

Bumaba ako ng jeep at tumawid sa kantong iyon ng bukas na ang payong para kung sakaling may aso. Madilim at kaonting liwanag lang sa poste ang bukas pero ayos lang at hindi na kailangang magbukas ng flashlight. 

To: Kai

Pauwi palang ako. Stop texting and just focus on your work.

Kanina pa kasi ang panay niyang text saakin hindi rin naman ako magre-reply dahil walang load pero parang alam na agad niya iyon at may pumasok na load saakin para lang ma-replyan siya. After my reply, nag-focus ako sa paglalakad lalo na nang makita ang mga aso na para may pagtitipon. Nasa lima siguro sila at nang magpalinga linga ako ay wala pa ako sa gitna ng eskinita. 

Ipinang-harang ko na agad ang dalang payong habang dumadaan ako sakanila. Sa isip ko ay napapamura na ako. Wala naman silang pakialam at naginhawaan lang ako ng tuluyan nang makalagpas sakanila. Ngunit hindi pa man tuluyang nakalalayo ay parang may lumagabag sa likod ko at agad akong nakaramdam ng kaba nang maramdaman nanaman ang pamilyar na parang may sumusunod. And this time, siguradong sigurado ako na meron. Sa yabag ng paa at sa ilang kaluskos, to think na hindi pa nagpapakita ay nagpakaba saakin!

Halos madapa ako nang tumunog ang yerong gate at agad na nagsilapitan ang mga aso doon at pinagtatahulan. Galit na galit ang mga iyon at nakarinig ako ng kung ano. Pagharap ko ay may nakita akong dalawang aso na nagngangalit ang galit saakin at sa sobrang gulat ko ay napaatras ako at mabilis na bumagsak.

"Aray!" Agad kong ininda ang sakit ng dalawang kamay sa ginawang pagtukod. 

"Hoy! Shoo!" Mabilis akong napagitgit at laking pasalamat ko nang makita ang nakababatang lalaki na kapatid ni Raquel. Binugaw niya ang aso gamit ang hawak na patpat at kahit sobrang liit niya ay matapang ang ginawa niyang pagtaboy sa mga ito. Mabilis akong napalingon nang makarinig ng kaluskos sa likuran at nag-iba na ang direksyon ng mga asong tumatahol. Marahil ay hinahabol nila ang kaninang nandoon. 

Hindi ko ininda ang sakit ng dalawang palad dahil masyadong okupado ang isip ko at napatulala sa kung sino man iyon. Kumalabog ang dibdib ko!

"Ate, umalis na sila." Si Ron Ron. 

'"Natakot ka ba?" 

"Hindi naman. Salamat." Tipid akong nagpasalamat sakaniya pero sinundan niya pa rin ako hanggang dulo ng eskinita at kahit nang makatawid na ako sa subdivision. Binati ako ng gwardya at wala naman ako sa sarili habang pauwi. Saka ko lang naramdaman ang hapdi ng palad nang makita ko na ang gasgas at ang ilang bato na dumikit sa palad kong may kaonting dugo.

Kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko at habang naghuhugas ay doon ko lang napansin ang panginginig ng dalawang palad ko. Hindi pa ako tapos nang nanginig ako sa takot at mabilis na lumabas para tignan kung sarado ba ang mga pinto! Agad kong sinilip ang gate mula sa bintana at nakitang sarado iyon, madilim man ay mayroon namang kaonting liwanag. Dinoble ko ang lock sa front door at hinayaan ang lahat ng ilaw na bukas lang. 

Nagtungo ako sa kusina para buksan din ang ilaw at nang tumambad ang isda ko ay mabilis ko iyong kinuha at sinama sa kwarto.

From: Kai

On the way home to you :) Payakap pag-uwi ko. I'm so exhausted.

Hindi ako makaligo at nagkulong lang sa loob ng kwarto. Natatakot na baka may pumasok na kung sino at hindi ko marinig. Habang mariin at malamig lang ang titig ko sa pinto at inaantay ang pagdating ni Kai.

When I heard his car, agad akong sumilip para kumpirmahin ito at lumabas para salubungin siya.

"Whoa!" Tinapon ko ang sarili sakaniya at mahigpit ang ginawang pagyakap. Bahagya kaming napaatras pero agad niya itong nabalanse at tinugunan ang mahigpit kong yakap. And with just this move, nawala agad ang pangamba ko!

Hindi niya napigilan ang paghalakhak sa sobrang aliw. "Ang bilis! Nawala agad ang
pagod ko!" Hindi ko mapigilan ang mapangisi dahil doon.

Kumain lang kami ng hapunan at sa buong gabi ay nagkulong sa kwarto.

"Kai..."

"Hmm, yes?"

"Saan tayo bukas matutulog, dito o sa condo?" Sinilip niya ako at mas lalong dinaganan ang katawan ko.

"Your choice. May duty ka diba? I have meeting until nine."

"Dito nalang?" Malalim akong napaisip dahil doon.

"We can stay wherever you want. You want to stay in our condo?" Tumango ako.

"I will not be able to fetch you but Manong will."

"Okay, sige."

"Hmm... gusto mo na doon, ah? We haven't explore our condo yet. Itong bahay palang ata." Napanguso ako. Alam ko kung anong explore ang tinutukoy niya.

"Ikaw talaga, napakahilig mo. Kung wala ako ay baka sa iba't ibang babae mo iyan nilalabas," Malamig ko ani.

He chuckled. "Kung wala ka ay tigang ako." Hindi ako naniniwalang tinignan siya. "What? It's true! Mukha lang akong ganoon pero hindi talaga! Sa'yo lang!" I rolled my eyes.

"Narinig ko na 'yan. You looked like someone like your friend Lois. Na mukhang babaero." He scoffed.

"Lois is a legit womanizer and I'm not." Hinampas ko ang dibdib niya.

"Pareho lang kamo kayo!"

"Not true, love! This is not so true. Wala akong ine-entertain na babae pero siya, tss... marami. May fiance na ay nanlalandi pa rin. Sana ay karmahin siya, kawawa lang ang mapapangasawa niya."

"Hey! Ikaw bina-back stab mo ang kaibigan mo!" He smirked.

"Sa'yo ko lang naman siya sinisiraan. Our whole circle friends knew about that 'cuz he's too obvious. Kaya gusto kong sabihin sa'yo, ikaw na asawa ko pa ba ay hindi ko pagsasabihan? Dapat ay alam mo rin." Napatango ako. Tama nga naman. Masarap sa pakiramdam na wala siyang inililihim saakin o siya mismo ang nagsasabi saakin ng ganito. I cannot imagine him lying to me. He never lied kaya malaki ang tiwala ko sakaniya. Ipaglalaban niya talaga kapag alam niyang hindi siya nagsisinungaling. May depensa agad.

"Even so, huwag kang ganiyang kay Lois." Bahagya niyang tinapik ang hita ko.

"Stop taking his side!" Reklamo niya.

"I'm not! Baka nabibilaukan na iyon." Tawa ko.

I smelled him at katahimikan ang bumalot saamin dalawa bago ko pa ito binasag.

"Kumusta naman kayo ni Ma'am Canella, Kai? Ang Mama mo?" Hindi agad siya sumagot kaya akala ko ay tulog na siya. Pag-angat ko ng tingin sakaniya ay nakatitig lang pala siya saakin. Sinibangutan ko siya kaya umangat ang gilid ng labi niya.

"We're fine, Jude." Umangat ako at hinawi ang buhok niya. Kinuha niya ang kamay kong humawi doon at nilapatan ng halik.

"Ang sabi ng Papa mo ay may hindi kayo pagkakaunawaan, ano 'yon?" I asked with concerned.

"Hmm?" Ipinatong niya ako sa dibdib niya at siya naman ang humagod ng buhok ko. Napapikit ako sa lamyos non kaya yumuko ako sa dibdib niya.

"Dapat ay puntahan mo siya at kausapin. Makipag-ayos. The last time I saw her, during our wedding ay naka wheel chair siya at mukhang hindi maganda ang lagay." He sighed.

"Ayos na ba siya ngayon?"

"Ayos na siya, Jude. You don't have to worry about her. She's in good hands at bibisita rin naman ako kapag nakapagpalamig na." I noded. If that's what he wants, then. Wala akong magagawa. Hindi ko alam ang nangyari at kung kailangan niya ng oras ay nararapat lang na ibigay ko iyon.

Mukhang mabigat ang pinag-awayan nila. Lalo na at sinabi na rin saakin ng kaniyang Papa at kinukumbinsi na makipag-ayos.

Nakatulog ako sa ganoon posisyon at ang huling narinig ko lang ay ang malamyos niyang boses.

Nagpunta muna ako ng school bago nag-duty. Mag-isa lang at sa labas nalang ako aantayin nina Kaye at Albie.

"Jude." Nahinto ako sa pagpiprint ng marinig iyon. I looked at him. Inabot ko ang pinrint at sana pala ay hindi ko agad ginawa. Huli na nang mapagtanto kong huling estudyante na iyon sa loob ng print shop.

Malamig ko siyang tinignan. "Pwede ba tayong mag-usap?" The second year nursing guy doesn't have his reading glasses anymore. Hindi na siya mukhang nerd at mas maayos na ang mga gamit.

"Sa susunod nalang at may pupuntahan pa ako." Dumating si Nanay at kumalabog ang dibdib ko nang nagtataka siyang bumaling sa lalaki. Mabilis kong hinagilap ang mga gamit at lumabas ng shop. Agad naman siyang sumunod.

"Jude, saglit lang naman!" Nang lumiko kami ng corridor ay hinablot niya ang kamay ko.

"The hell?!" Agad na parang nalukot ang mukha niya.

"Isa lang, Jude! May sasabihin lang akong importante!" Desperado niyang saad. Nagpalinga linga ako at tinignan kung may tao. May ilang estudyante na napapatingin kaya sinubukan kong kumalma kahit na bumabalik sa panginginig ang mga kamay ko.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito!

Marahas kong hinatak ang kamay ko at nang bumagsak ang tingin niya ay agad na napakunot ang noo niya.

"May sugat kaba?!" Nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ito at walang pakialam na sinuri.

"Bitawan mo ako!" He shook his head.

"Kasalanan ko ito," Nanginginig niyang sabi. Hindi ko siya maintindihan pero parang biglang nag-iba ang anyo niya. Parang biglang hindi mapakali at kinilabutan ako!

"Nasugatan ka dahil saakin! Kasalanan ko kung bakit! Sana ay hindi na kita sinundan pero nag-aalala lang ako--"

"Sinusundan mo ako?!" Agad na nanlaki ang mga mata niya na parang natauhan.

"You were following me for weeks! Ikaw nga! Bakit mo g-ginagawa 'yon!" Halos manginig ako sa takot at mabilis na napaatras.

"Hey, anong nangyayari, Jude?" Agad akong napabaling nang biglang dumating si Paul. Para bang instinct at mabilis akong lumapit sakaniya!

"Hindi, hindi totoo 'yon! I was just trying to protect you! K-kasi, kasi--" Wala na siyang masabi pero parang biglang nag-alala si Paul nang maramdaman siguro ang takot ko!

"The hell dude! Anong ginawa mo kay Jude?!" I shook my head.

Natakot agad ang lalaki at biglang umiling iling. "Hindi ako! Wala akong gagawing masama kay Jude!" Mabilis kong hinila si Paul nang akmang susugurin niya ito.

"Please!" Nakakakuha na kami ng atensyon mula sa ibang kamag-aral. Ayaw kong magkaroon pa ng gulo dahil saakin! Malalaman pa ni Kai!

"Jude, may sasabihin lang naman ako! Para sa'yo at gusto lang kitang protektahan!" Iyon ang huli kong narinig hanggang sa si Paul na ang humila saakin papasok ng sasakyan niya. Mabilis akong sumunod at agad niya iyong pinaandar palayo.

Malamig lang ang ekspresyon ko pero halos sumabog na ang puso ko!

"Hey, you okay?" I bit my lip. Ngayon ko lang naalala na nakasakay pala ako sa sasakyan ni Paul.

"Thank you for the help, Paul. Pakibaba nalang ako diyan." Tukoy ko sa sakayan.

"Saan ka ba?"

"May duty ako. Sasakay nalang ako mula diyan."

"Sa St. Jude ba? Hatid na kita doon." Hindi na siya nagpapigil pa at diniretso ang sasakyan papuntang hospital.

"Salamat." Mabilis kong kinalas ang seat belt pero agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. Agad ko iyong iniwas.

"Are you sure you're okay?"

"A-Ayos lang. Salamat ulit sa tulong." He sighed before nodding his head.

Wala ako sa sarili sa buong duty. Medyo paranoid din ako at hindi mapakali at panay ang tingin sa labas dahil baka nandiyan lang siya. Kanina, nang kaming dalawa lang ay frustrated siya at wala namang plano na saktan ako. Napagtanto ko rin na kung siya nga talaga ang sumusunod saakin, madaming pagkakataon na pu-pwede niya nalang akong hablutin para saktan. Lalo na't madilim nga at walang masyadong tao sa dinadaanan ko pauwi.

From: Unknown Number

Wala akong intensyon na saktan ka, Jude. Hinding hindi ko iyon magagawa sa'yo at totoo ang sinabi kong gusto kitang protektahan. Please, let me protect you. And please, mag-usap tayong dalawa, at may gusto lang akong ipaalam sa'yo.

The text was sent right after our encounter. Nasa loob na ako ng sasakyan ni Paul ng mga oras na ito at paniguradong okupado ang utak.

Anong ipapaalam?

Nang gabing iyon ay ang driver nina Kai ang sumundo saakin. He kept on texting me pero hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin.

Maaga ang out kaya nakatulog ako para sana mapahinga ang pag-iisip ko.

"Jude..." Si Kai. Napamulat ako nang maramdaman ang higpit ng yakap niya saakin.

"Nakauwi kana?" Nakanguso siyang tumango.

"Kumain kana ba?" He shook his head.

"Nag order nalang ako."

"Okay," Paos kong sabi at inabot ang buhok niya para paglaruan.

"Kumusta ang araw mo?" Tanong ko.

"Hmm, just work. Namiss lang kita maghapon kaya..." I chuckled. Kapag talaga kasama ko siya ay napapawi niya ang kung anong pangamba sakaniya.

"I miss you too," Pagod kong bulong. Mabilis siyang napatingin saakin at ang seryosong mukha kanina ay napalitan ng panunuya.

"What did you say?" I rolled my eyes. Gusto pang ipaulit.

"Ang sabi ko baka hindi mo naman talaga ako miss. For sure ay madaming babae sa office niyo." Pagbabago ko sa unang nasabi. Napasimangot siya.

"Wala akong babae, ah. Ikaw lang ang babae ko."

"Hmm, talaga?"

"Wala ka bang tiwala saakin?" He raised his brow.

"Meron naman." Tipid kong sagot.

"Really?" Napaisip siya.

"Yup. I trust you. Ikaw nga lang ata ang kaya kong pagkatiwalaan ng ganito, eh." Bawi ko.

"Kaya ikaw, huwag mong sasayangin ang tiwala ko." Sabay pasada ko ng daliri sa kaniyang malambot na buhok. Nagtagal ang titig niya saakin at hindi ko mabasa kung ano bang pinapahatid nito.

"I miss you." Malamig kong ulit sa sinabi kanina. Humilig siya saakin at napabuntong hininga. "Kailan ba ako masasanay na malamig talaga ang boses mo? Na ganiyan talaga kahit na ano pang sabihin?" I sighed.

"May masama ba roon?" He chuckled with amusement.

"Wala naman..." May panunuya niyang saad. I rolled my eyes.

We ate our dinner together. Nawala sa isipan ko ang nangyari kanina at tulad noon, si Kai lang ang naging laman ng isip ko. It's like he has the power to take away all the fear and the negative feelings. Kahit na hindi naman niya talaga alam kung anong laman ng isip ko.

Kilala niya nga ako. Kahit na hindi naman talaga expressive ay agad niyang nalalaman kung may gumugulo sa isip ko.

Hindi man kami maghapong magkasama tulad noon at napapadalas pa ang parehong pagka-busy pero hindi niya nakakaligtaan na tanungin ako.

"Kai..." Mariin ang bawat halikan naming dalawa. Halos habulin ko ang labi niya sa tuwing napuputol ito pero kaonting habol lang sa hininga ay agad naman kaming nagpapatuloy.

"Do we have a problem, Jude?" I shook my head. Halinghing lang ang naisasagot ko sa bawat tanong niya. He asked me questions earlier, pero nang magdikit kami ay agad na kaming nag-apoy. Though, he tried to stop pero I assure him na wala talaga.

Bumitaw siya at nagtagal ang titig saakin. "Sure?" I gave him a smile to assure him. "Just tired from duty, pero ayos naman na. I'm home naman na." Hindi napawi ang seryoso at nag-aalala niyang tingin saakin kaya naman dinampian ko ng halik ang labi niya para pawiin ito.

He sighed.

Nasa dulo kami ng kama at ako ay paharap na nakaupo sakaniya. We're making out earlier at hindi ko maitatanggi, nababawasan ang pag-iisip ko sa ganitong set up namin. Fuck, nasanay na ba ako?

I stretch his lips to make him smile. "Binibitin mo naman ako,"

"Seriously, tell me kung may bumabagabag sa'yo." I pouted.

"Paano mo naman nalamang mayroon?"

"I just... know. Nararamdaman ko lang." I nodded. That would be enough to take away my worries.

Ikinawit ko ang dalawang kamay sa kaniyang batok bago siya siniil ng halik. Parang may biglang pumitik at malalim niya akong hinalikan. Marahan at puno ng pag-iingat. Hindi tulad noon, na biglaan lang ang lahat. Naiintindihan ko naman. Knowing na parehong iba ang intensyon namin at iba ang pinanggalingan.

"Ohh, Kai..." Pumaibabaw ang malambing kong ungol kaya mas diniinan niya iyon.

Bagsak kaming parehas. Kaonting pahinga lang bago niya ako nilinisan at sinuutan ng malinis underwear.

"Shirt?" I shook my head. Napangisi siya at napailing.

"Comforter would be fine." He nodded. Bago ako sinaluhan sa kama at mahigpit na niyakap.

Sa gitna nang malalalim na paghinga at ng muling namumuo na init ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"May tumatawag," Paalala ko. He sighed. Tinanggal niya ang kamay sa dibdib kong minamasahe niya kanina para sundin ang gusto kong mangyari.

"Si Mama." I nodded. "Sagutin mo." Tumango siya at humalik muna bago ito tuluyang sinagot.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.5K 89 27
Melinoe Carmelite Chande Lier Allure Likes this man name Aeolus Gulfere. She noticed herself liking this cold man. She noticed the changed on herself...
9K 375 59
She's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and...