Searching For The Montega's T...

By pulang_gakuklay

126 21 1

Sa mundong puno ng pag-subok na magiging daan upang malaman kung gaano ka katatag, ka talino at kung gaano ka... More

PAALALA
Prologue
Unang kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na kabanata
Ikawalong kabanata

Ikapitong Kabanata

7 1 0
By pulang_gakuklay


Araw nang kaarawang ni Eloisa. Maagang gumising si Azalea at Clarita upang mag hanap ng puwedeng ihandog na regalo para kay Eloisa.

Habang naglalakad sa kalagitnaan ng pamilihan ay may nakita silang nagtitipon na mga tao, dahil sa kuryusidad ay nilapitan ito ni Azalea. "Binibini may tindahan nang alahas doon" saad ni Clarita habang tinuturo ang isang tindahan ng mga intsik ngunit nakita niya si Azaleang naglalakad patungo sa tumpok ng mga tao.

Humabol ito at pagkalapit niya ay tinanong siya ni Azalea, "anong meron doon?" Tanong nito sabay turo sa tumpok ng mga tao. "hindi ko alam binibini" sagot ni Clarita.

"Halika puntahan natin" Saad ni Azalea at hinila si Clarita palapit sa mga tao. Sa gitna nang karamihan ng mga tao ay may nakita silang babaeng utusan na hinahampas ng latigo nang kan'yang amo.

Duguan na ang likod ng babae at puno din ng pasa ang buong katawan at mukha nito. Patuloy parin sa paghampas ang matandang Doña sa babae at tinitingnan na sila ng mga tao. Nais mang tumulong ng iba ngunit ayaw nilang masangkot sa gulo ng binibini.

"Kayo! Pagmasdan niyo ang hampas lupang ito! Pinakain ko! Binigyan ng trabaho ngunit nagawa parin akong pagnakawan!" Sigaw ng matandang Doñya at hinampas ulit ng latigo ang babae, sumigaw sa sakit ang babae at nagsimulang mag bulungan ang mga tao sa paligid.

Hindi nakatiis si Azalea, "Tama na iyan" saad niya sa mahinang boses at walang nakarinig sakanya dahil sa lakas ng mga bulungan.

"Ang mga Indio nga naman, Ang tatamad! ayaw magtrabaho kaya nagnanakaw! Mga tamad na hampas lupa!" Sigaw nito ulit at hinampas ulit ng latigo ang babae at sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumagsak ang binibini sa lupa.

May isang batang babae na nasa edad anim o pitong taong gulang ang lumapit sa binibini habang umiiyak, "Tama na ho Doña Helena, patawad po wag niyo na pong saktan ang kapatid ko" lumuhod ito at tinulungan ang kaniyang kapatid.

Napasalampak sa lupa ang bata nang hinampas din ito ng latigo na tumama sa likod nito. "TAMA NA!!" Sigaw ni Azalea sa gitna ng karamihan ng tao habang umiiyak, lumapit ito sa magkapatid at tinulungan ang mga ito. Wala nang malay ay binibini kaya binuhat niya ang bata.

Napatingin sakan'ya ang Doña, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong sakan'ya ng Doña. "Wala kang pakialam" malamig na tugon ni Azalea at akmang aalis na dala ang bata nang hawakan siya ng Doña sa braso ng mahigpit.

"Bitawan mo'ko, ano ba?!" Sigaw ni Azalea sa Doña na mas lalong nagpa galit dito. "Huwag kang makialam sa ginagawa ko!" Galit na sagot sakanya ng Doña. Tiningnan ni Azalea si Clarita at sinenyasang lumapit na agad namang sinunod ni Clarita. Lumapit ito at ibinigay sakan'ya ni Azalea ang bata at kinuha niya naman ito.

"Mga indiong pakialamero!" Sigaw nito at sinampal si Azalea. Hinahawakan ni Azalea ang pisnge niya kung saan siya nito sinampal at pinaalis si Clarita.

Agad na bumawi ng sampal si Azalea sa Doña, "Kahit ang mga magulang ko ay hindi ako sinasaktan at napaka lakas ng loob mong pagbuhatan ako ng kamay?" Galit na saad nito habang dinuduro duro ang Doña agad na kinuha ni Azalea ang latigo na mabilis niyang naagaw mula sa Doña dahil gulat pa ito sa ginawa niya.

Hinampas ni Azalea ang Doña gamit ang latigo sa kaliwang bahagi ng katawan nito at agad na namilipit sa sakit ang Doña habang mangiyak ngiyak na hinahawakan ang kaniyang kamay na namumula dahil sa ginawa ni Azalea. "ANO MASARAP?!" sigaw nito at dahil sa pag sigaw ni Azalea ay tuluyan nang tumulo ang luha ng Doña.

"Bakit ka umiiyak? Isang hampas pa lamang iyon, ngayon sabihin mo. Ilang hampas ang ginawa mo sa babaeng ito?" Tanong nito. Tumalikod ang Doña akmang aalis na ngunit napasigaw at napaluhod ito nang hampasin siya ni Azalea sa likod. "NAGSASALITA PA AKO!!" Sigaw nito sa Doña.

"TULUNGAN NIYO AKO!! BALIW NA ANG BINIBINING ITO!!" Sigaw ng Doña habang gumagapang papunta sa iba pa niyang tagapag silbi.

Hindi nag tagal ay may dumating na mga guwardiya sibil at agad na kinuha kay Azalea ang latigo. "Binibini, sumama ka sa amin sa kuwartel" saad ng koronel nila. "Dalhin niyo na sa pagamutan si Doña Helena" dagdag pa nito.

"Unahin niyo ang binibining iyan" sambit ni Azalea, tumango siya sa isang guwardiya at maingat na binuhat ng mga ito ang binibini.

"B-binibini" Saad ni Clarita nang makitang hawak ng mga guwardiya sibil si Azalea. "Ayos lamang Clarita, gamutin mo ang bata at samahan ang binibini sa pagamutan" sagot ni Azalea kay Clarita. "Pupuntahan ko muna ang Gobernador Heneral binibini, huwag kang mag alala" nag aalalang Saad ni Clarita. Gulat na napatingin kay Azalea ang koronel si Doña Helena at ang ibang guwardiya sibil.

Naunang naglakad si Azalea at sumampa sa kabayo ng koronel muli ay gulat na napatingin sakanya ang mga tao. "So? Ano pang hinihintay niyo?" Kumpiyansang tanong niya sa koronel. Lumapit sakan'ya ang koronel at akmang sasakay na din ito nang magsalita si Azalea. "Hindi magandang sasakay ka din sa kabayong sinasakyan ng isang binibini lalo na't hindi tayo magka relasyon" Saad nito, napayuko ang koronel at lumapit sa kabayo ng isang guwardiya sibil at doon ito sumakay.

Binilisan ni Azalea ang takbo niya dahilan kung bakit nagulat ang mga guwardiya sibil at binilisan din ang takbo ng kabayo nila upang habulin si Azalea. "Woaahhhhh!! Ang saya nito WAHAHAHAHA" sigaw nito na ikinagulat ng koronel.

Habang na aaliw sa mabilis na pagtakbo ng kabayo si Azalea, may biglang sumulpot na magarbong kalesa at matulin ang takbo nito dahilan kung bakit nagulat si Azalea maging ang koronel at ang iba pang guwardiya sibil.

"Binibini!!!" Sigaw ng koronel, mabilis na hinila ni Azalea ang tali ng kabayo upang patigilin ito. Tumigil ang kabayo at tumayo ito habang nag iingay dahilan kung bakit nahulog si Azalea, gano'n din ang mga kabayo ng kalesa.

Agad na tumakbo ang may katandaang koronel at pinakalma ang kabayo habang tumayo at pinagpagan ni Azalea ang kaniyang sarili.

Mula sa magarbong kalesa ay bumaba ang isang matandang lalaki habang naka sampok ang kilay at medyo magulo ang ayos nito, malinis at kita ang karangyaan sa matandang ito.

Napalunok si Azalea nang tingnan siya ng matandang lalaki ngunit alam niyang wala siyang kasalanan dahil ang kalesa ang biglang sumulpot sa harap nito kaya inirapan niya ito na ikinagulat ng matandang lalaki. "Hindi ka hihingi ng paumanhin sa abalang idinulot mo?" Tanong nito.

"Bakit naman ako hihingi ng paumanhin kung pareho tayong may kasalanan? At inabala mo din naman ako" sagot nito habang hindi makatingin sa matanda. [Racist talaga porket magara kalesa niya? Huh! May kotse ako noh! Wala ngalang dito pero may kotse ako! - Azalea]

"Kung gano'n ay patawad binibini. Maari ko bang malaman kung saan ka tutungo?" Tanong nito. Humarap si Azalea sa Koronel at sa ibang guwardiya sibil saka humarap ulit sa matanda at kumpiyansang sinabing "Sa kuwartel" Saad nito.

"Ano namang gagawin ng isang, magandang dilag sa kuwartel?" Tanong ulit nito, "Reporter ka ba? Siya interviewhin mo!" Saad nito at itinuro ang koronel. Ngumiti ang matanda kaya nagtataka si Azalea. "Ano namang ningingiti-ngiti mo diyan?" Mataray na tanong nito.

"Matapang ka binibini, tila isang ginoo kung magsalita at ako'y mangha sapagkat ngayon lamang ako nakakita ng binibining sumasakay sa isang kabayo" saad nito.

Napalingon sila nang may isa pang lalaki ang dumungaw sa bintana ng kalesa, "Ama kailangan na nating umalis" malamig na saad nito. [Hala si Mr. Supladong shoti! -Azalea]

Tumama ang tingin ni Vicente kay Azalea, agad itong nag iwas ng tingin at bumalik sa kalesa. "Ang guwapo ng anak mo manong" Saad nito na ikina kunot ng noo ng matanda. "Ay wala po, ingat sa biyahe" dugtong pa nito ulit. Napangiti ulit ang matanda at bumalik na sa kalesa. Nagsimula na ring humayo sina Azalea.

Nagulat ang mga guwardiya sibil nang makita sa kuwartel ang Gobernador Heneral at ang Heneral, "Magandang umaga po Gobernador Heneral at Heneral Julian" pagbati ng koronel kay Luciano at Julian.

"Pakawalan niyo na ang binibining iyan" Saad ni Luciano na agad namang sinunod ng mga guwardiya sibil, "Ngunit Gobernador Heneral gumawa po ng gulo ang binibining iyan sa pamilihan at sinaktan niya po si Donya Helena" pagpapaliwanag nito.

"Alam ko ngunit nasa kulungan na si Donya Helena, base sa mga nakakita ay tinulungan lamang ni Azalea ang babaeng minamaltrato ni Donya Helena. Palabasin niyo na lamang sa oras na dumating ang kan'yang pamilya at tubusin siya" Saad nito habang hindi nakatingin sa koronel, lumapit ito kay Azalea at tinulungang bumaba sa kabayo ang dalaga, "Hali ka na maghahanda ka pa para sa kaarawan ni Eloisa." Pina uwi ni Luciano si Azalea gamit ang kalesang sinasakyan nito.

Hapon na at sinundo ni Julian si Azalea sa Hacienda Gonzales upang samahan ito papunta sa tahanan ng pamilya De Larah.

Nakasuot ng pulang baro't saya si Azalea at may burdang rosas na kulay ginto ito maliban doon ay may palamuting perlas ang saya nito na nagpaganda ng lubos sa suot ng dalaga, nakalugay ang buhok nito na may naka tirintas ang buhok sa magkabilang gilid ng mukha nito kaya hindi napupunta sa mukha ng dalaga ang mga buhok nito, nakasuot ito ng manipis na kolorete at suot nito ang kuwintas na sinabi niyang pinapahanap niya ang kapareha, "Napaka ganda" tanging saad niya habang pinapanood ang dalaga.

Pagka dating nila sa bahay nila Leonora ay agad silang binati ng dalaga "Maligayang pagdating Binibining Azalea at Heneral Julian" pagbati sakanila ni Leonora. "Bakit hindi ninyo kasama si Clarita?" Tanong ni Leonora kay Azalea habang hawak hawak ang kamay nito.

"Inaya ko siyang sumabay sa amin ngunit ang saad niya ay may ginoong principalia ang nag imbita sakanya, tinanong ko siya kung sino ngunit ang sagot niya ay abangan nalang daw natin ngayon" sagot ni Azalea "Ah gano'n  ba? Hihiramin ko muna si Binibining Azalea Heneral Julian" pagpapaalam nito. Tumango si Julian sakan'ya bilang tugon sapagkat tinatawag na din siya ng kan'yang mga kaibigan.

"Halika sa silid ni Eloisa" saad ni Leonora at marahang hinila si Azalea sa silid ni Eloisa kung saan ay nadatnan nila itong nagaayos.
"Ito si Binibining Azalea tutulungan niya tayo sa pag aayos mo" sambit nito, "ikinalulugod kong makilala ka binibining Azalea" nakangiting sambit ni Eloisa.

"Napaka ganda mo at ang damit mo, napaka ganda!" Manghang saad ni Eloisa nang makita niya ang kabuohan ni Azalea.

"Mamaya ay ikaw naman ang gaganda haha" mahinhing saad at tawa ni Azalea. Napangiti naman si Eloisa.

Matapos ang halos kalahating oras ay tapos nang ayusin ni Azalea ang mukha at buhok ni Eloisa, damit na lamang niya ang kulang at handa na itong humarap sa mga bisita niya, "Ahaha! Ang ganda ko! Maraming salamat at Azalea!" Sabik na saad ni Eloisa at niyakap si Azalea, "Walang ano man, ngayon ay isuot mo na ang iyong damit upang mas lalo kang gumanda" saad nito na agad namang sinunod ni Eloisa.

"Leonora, nais kong malaman kung ano na ang kalagayan ng binibining dinala ng mga guwardiya sa inyong pagamutan, ako'y lubos na nag aalala para sa binibini at sa bata" saad nito kay Leonora, "Ayos na ang binibini ngunit malala ang sugat na natamo niya, Kanina lamang saad ni kuya Vicente ay nagpupumilit ang binibini na umuwi nang magka malay ito ngunit hindi siya pinayagan ni Kuya nag aalala daw ang binibini sa gastusin at sa kapatid niya sapagkat wala silang pera kaya ipinaliwanag ni kuya Vicente na binayaran mo na ang lahat ng gastusin at kasalukuyang nasa pangangalaga mo ang kanyang kapatid at nais niya ding iparating sa iyo ang kanyang lubos na pasasalamat" nakangiting sagot ni Leonora sa dalaga.

Hindi nagtagal ay lumabas na si Eloisa, kulay itim naman ang suot nito na mas lalong nagpatingkad sa maputi niyang balat pagkatapos magsuot ng mga alahas ni Eloisa ay agad na umalis sila Azalea at Leonora upang abangan sa bulwagan.

"Magandang gabi sa lahat, nandito tayong lahat ngayon upang sabayan kami ng aking pamilya sa selebrasyon ng ika labing-walong taong gulang ng aking anak na si Eloisa. Ang gabing ito ay lubos na mahalaga para sa aming pamilya lalo na sa aking anak sapagkat nabiyayaan siya ng ating panginoon ng matiwasay sa loob ng isang taon. Ngayon, tayo ay mag saya at pagsaluhan ang aming handog sa aming munting prinsesa." Nakangiting anunsiyo ni Don Renato.

Habang nasa kalagitnaan ng pagdiriwang ay mag isang nakatayo si Azalea sa isang balkonahe habang iniisip kung ano ang susunod na magiging hakbang sa paghahanap sa nawawalang anak ni Anastasia.








𝐀𝐍: 𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬... 𝐀𝐤𝐨'𝐲 𝐦𝐚𝐬𝐲𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠. 𝐍𝐚𝐢𝐬 𝐤𝐨 𝐝𝐢'𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬.  𝐍𝐚𝐰𝐚'𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐤𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭.

Continue Reading

You'll Also Like

627K 19.6K 113
[Not MY Story] OFFLINE Purpose. I possessed the wife of the Emperor, the mad villain of a tragic novel. After a while, when the evil Emperor looks t...
22.6K 294 138
The ancient saying goes: Most generals come from Guan Xi, while ministers come from Guan Dong. He Lisa was born to be a Star General. She was merely...
Beyond Times By Woody

Historical Fiction

99.5K 6.1K 57
-"And where do I reside?" -"You reside in my heart, Priye!" Two broken souls, who endured pain and loneliness all their life. Destiny united them and...
10.1M 761K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...