AMARI (MIKHAIAH)

By chasingserenityyy

175K 5.4K 434

Sabi ng matatanda, matuto raw tayo sa pagkakamali ng iba, kapag mali, wag na raw gagayahin at kung minsan sin... More

INTRODUCTION/CHARACTER
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II

CHAPTER XXVII

2.3K 86 9
By chasingserenityyy

Nang makalapit na ang tenyente sa mga sindikato at sa doktora ay agad din niya hinablot ang isang lalaking pilit na hinaharas ang walang kalaban-laban na doktora. Sa sobrang galit ay hindi na nakapag usap ang tenyente at itunuon na lamang ang galit niya sa apat na lalaki.

"Mickenzie" Mangiyak-ngiyak na usap ni Amari ng makita ang Tenyente.

Nang mapatumba na ni Mickenzie ang ilan ay agad din niyang inalalayan ang doktora patayo sa kalsada at nag aalalang tinignan ang kabuuan nito.

"Doon mo na ako hintayin sa kotse, kahit na anong ----

"Mickenzie!!!" Sigaw ng doktora ng harap harapan nitong makita ang paghampas ng dos por dos sa likuran ng tenyente.

"Masyado ka naman pabida, tenyente" Natatawang usap pa ng sindikato at muling hinampas ang likuran ng tenyente ngunit nung akmang hahampasin niya ulit ang tenyente ay agad din itong nakailag at agad din na nakabawi ng suntok sa mga sindikato. 

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong na rin ng kaibigang tenyente ng tulungan na siya nito sa mga sindikato.

"Miyembro tong mga 'to ng DGD" Usap pa ni Gail na siyang nagpadilim lalo ng paningin ni Mickenzie.

At sa pagkakataon na ito ay walang awa na niyang pinagbubugbog ang mga sindikato at hindi na niya hinayaan na makatayo pa ang mga ito. Nang akmang hahampasin na rin niya ng dos por dos ang mga sindikato ay agad din siya nakaramdam ng yakap mula sa likuran niya.

"Tama na, pleasee" Umiiyak ng usap ng doktora

"Tama na" Usap pa nito kaya wala naman na nagawa si Mickenzie kung hindi bitawan ang hawak hawak nitong kahoy.

Sakto naman ang dating ng mga kasamahan niyang pulis na siyang dumampot na sa mga sindikatong bugbog sarado.

"Ate Amari, okay ka lang? May nangyari ba sayo?" Nag aalala ng tanong ni Janie sa pinsan niya ng makalapit na ito.

Nang makaharap na ang tenyente sa doktora ay doon na niya napansin ang punit punit na damit nito kaya agad naman niyang hinubad ang suot suot nitong jacket upang ipasuot sa doktora.

"Oh! Suotin mo yan" Walang emosyon na usap ni Mickenzie kay Amari habang inaabot ang jacket nito, tinanggap naman iyon ng doktora at agad din naman niyang sinuot iyon.

Nang masuot na ng dalaga ang jacket niya ay agad din niya itong hinila papalapit sa kaniya para yakapin ito ng napaka higpit. Sa takot pa rin ay nagawa na rin siyang yakapin ng doktora ng napaka higpit at hindi na tumigil sa pag iyak. Hinagod hagod naman na ni Mickenzie ang likuran ng dalaga at pinatahan na ito.

"Huwag ka na matakot dahil sisiguraduhin kong hindi ka na babalikan ng mga yon" Usap pa nito sa Doktora, hindi naman na nagsalita ang doktora at niyakap na lang nito ang tenyente ng napaka higpit.

Ilan minuto pa ang nakalipas ay tumahan na ang doktora kasabay ng pagtawag sa kaniya ng taong kasintahan niya ngayon

"Amari! Hon?!" Tawag ni Cloie sa nobya habang papalapit ito sa kanila

Nang marinig ni Amari ang nobya ay agad naman ito humiwalay sa pagkakayakap sa tenyente at agad niya itong nilagpasan upang makalapit sa nobya niyang si Cloie.

Napalingon na lang din naman ang tenyente sa magnobya na ngayo'y magkayakapan na rin.

"My god! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalala ng tanong ng konsehal sa nobya ngunit umiling lang ito bilang sagot.

Napahilamos na lang naman ni Mickenzie ang kamay niya sa mukha niya at napahinga ng malalim.

Talikuran man ako ng mundo, talikuran mo man ako para sa kapatid ko, mananatili pa rin totoo ang pagmamahal ko sayo

Dahil alam ko naman na hinding hindi ako magiging sapat kahit na gawin ko na lahat lahat

"Tenyente Santiago, kailangan pa ho namin kuhanan ng statement si Doktora Asuncion" Biglang usap ni Toreliza sa tenyente nila.

"Ipagpaliban niyo muna yan sa ngayon, hayaan niyo muna siyang magpahinga bago niyo siya tanungin tungkol sa nangyari" Seryosong sagot ni Mickenzie.

Humarap naman na siya sa dalawang kaibigan niya na ngayon hindi malaman ang gagawin o sasabihin dahil sa dami ng nangyari. Mula sa insidente hanggang sa pagdating ng kapatid ng kaibigan nilang si Mickenzie.

"Gail, ikaw na bahala magbalik kay Janie sa hospital, mukhang kay Cloie naman na sasama si Doktora" Usap ni Mickenzie sa mga kaibigan bago ulit tignan si Amari at ang kapatid nito

"Ikaw? San ka?" Takang tanong pa ni Gail sa kaibigan

"Aasikasuhin ko muna yung mga gago na yon sa presinto" Sagot nito sa kaibigan

"E paano ka? Yung likuran mo? Yang mga sugat mo?" Nag aalalang tanong ni Janie sa kaibigan habang turo turo ang kamay ng tenyente na puro sugat.

"Mawawala ng kaniya yan" Sagot lang nito sa kaibigan.

"Mag iingat kayo"

"Kayo na bahala kay Doktora, balitaan niyo na lang ako" Usap pa nito sa mga kaibigan bago tuluyan umalis sa harapan ng mga ito papunta sa kung nasaan ang motor niya.

Dire-diretso niya lang naman dinaanan ang doktora at ang kapatid pero agad din siyang napatigil ng biglang nagsalita ang kapatid nito.

"Salamat, Gab!" Pasasalamat pa ni Cloie sa kapatid pero hindi naman na siya hinarap ng tenyente at tinaas na lang nito ang kamay niya bago tuluyang maglakad papalayo.

Continue Reading

You'll Also Like

368K 7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
3.6K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
78.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
61.6K 1.3K 41
Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong...