Huling Sandali

By serenelygrace

2.7K 199 318

Don't judge the book by its title! *** "Akala ko may pinagkaiba ka sa lahat, Chaz. Pero wala kang pinagkaiba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20: Debut

Chapter 18

34 1 2
By serenelygrace

Almost three days na rin simula nang mangyari ang confrontation na 'yon. Three days nalang din ay 18th birthday ko na kaya nag-uumpisa na sila Kuya sa paghahanda ng party para sa 18th birthday ko.

All of the students of Southeast International School and Northeast International School are both invited. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng parents ko at kung bakit nila naisipang imbitahan ang lahat gayong hindi ko naman sila ka-close.

"Trix, bukas ay bumisita ka sa botique at ikaw na ang kumuha ng gown mo roon. Ang mga Kuya mo ay may iba pang inaasikaso." Sambit ni mommy habang nasa hapag kainan.

Nakarating noong isang araw galing sa out of country.

"Opo, Mommy."

After our breakfast... dumiretso na agad ako sa parking lot at naabutan ko agad si Manong Alucard wearing his usual smile.

"Magandang umaga, Binibini." Iyon na ata ang linyang nakasanayan ko mula sa kaniya tuwing umaga.

"Magandang umaga rin po, Manong Alucard." Ngiting bati ko sa kaniya.

Almost a week na rin kaming laging magkasama ni Chaz and Kairon. They are best of friends. I admire their friendship. Iyong ibang kaibigan nilang dalawa ay madalas ko na rin makasama. They are so kind at alam kong simula ngayon magiging memorable na ang college life ko.

Nang makarating ako sa School ay dumiretso ako sa garden to see Chaz. Nitong mga nakaraang araw ay madalas na dito kami nagkikita tuwing umaga at tuwing hapon. Sa umaga kasi ay ihahatid niya ako sa klase ko at sa hapon naman ay ihahatid niya ako sa bahay. Though, kahit na hindi siya pinapayagan ng mga Kuya ko ay nagpupumilit pa rin siya. Hindi nalang siya pumapasok sa loob ng bahay.

"May laro kami mamayang hapon, do you want to watch?" Tanong niya nang makalapit ako. Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming umupo sa bench na magkatabi.

"Yes, of course! Ikaw 'yon e." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"That's my girl!" Sambit nito saka pinisil ang ilong ko.

"Ouch!"

It was like a routine for me... sa tuwing may laro sila ay agad akong pupunta sa court at manonood. Dinadamay ko pa nga si Rico na kahit nakasimangot alam kong gusto rin naman niya. Sa dami ba namang pogi eh.

"Oh, masaya ka na naman? Energy vitamins ba naman ang isang Chaz eh!" Inirapan ako nito nang makarating ako sa classroom. Nakita niya rin ang paghatid sa akin ni Chaz.

"You're being jealous again, Rica." I chuckled. "Basta... you're the best for me!" Sambit ko sa kaniya at niyakap siya na siya namang tulak niya sa akin na tila nandidiri.

"Oh! Mag-aral ka na nang makapasa ka naman sa quizzes!" Inabot nito ang notebook sa akin na siyang ikinahaba ng nguso ko. "Umayos ka, Trixie! Finals na at kailangan mong maghabol. Huwag puro lovelife aba? Sinasabi ko sayo..." dagdag pa nito. He's just concern on my study.

Ganoon nga ang ginawa ko pero walang pumapasok sa isip ko dahil naeexcite ako sa game nila Chaz mamaya. Hanggang sa dumating ang professor at binalik na lang kay Rico ang notebook niya.

Sandali lang nag-lecture ang prof at nagbigay agad ito ng quiz. Sa kasamaang palad, ako ang lowest sa klase namin. Pinagtawanan ako ng bruhang si Rose.

"Ayan na nga ang sinasabi ko sa'yo, Trixie, eh. Sinabing mag-aral pero ang utak ay lumilipad na naman kay Chaz!" Sermon sa akin nito nang matapos ang unang subject. "Jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yong bruha ka. Nakakasira ka ng poise ko, ha?"

Tumawa ako dahil doon. "Samahan mo nalang ako sa game nila Chaz, mamaya."

"Game na naman? May exam tayo bukas, umuwi ka ng maaga at mag-aral. Puro landi ang inaatupag, girl!" He rolled his eyes at umarte pa itong hinawi ang buhok. Hindi naman mahaba ang buhok niya.

"Saglit lang naman." Pamimilit ko pa.

"O, sige... basta promise me, you will pass our final exam by tomorrow." Kondisyon nito.

"My mom wants me to visit our botique to get my gown for my debut... kaya baka umabsent ako at mag-special exam nalang."

"Hindi naman siguro gugustuhin ni Tita Alyanna na bumagsak ka sa exam at uunahin mo pa ang gown na 'yan, ano? Pwede mo namang kuhanin after our class, girl." Saad niya.

Tumango naman ako dahil tama naman siya. I'll get my gown after our finals tomorrow.

Nang matapos ang klase ay dumiretso nga kami ni Rico sa gymnasium to watch Chaz's game. Kalaban nila ang Engineering department, ang mga kaklase ko... though, blockmates ko sila but I wanted to support my Chaz.

Nang makarating sa gym ay agad nakuha ng atensiyon ko ang babaeng nakasuot ng uniform ng chearleader, a white top and a white skirt, may hawak din silang pompoms. Mukhang seryoso ang laro ngayon dahil may pa cheerleader. Inirapan ako ni Kaye nang makitang nakatingin ako sa kaniya, iniwas ko na lamang ang tingin.

Lately, hindi na rin naman niya ako ginugulo at naging kampante naman ako roon.

Nang mapansin kami ni Kairon na tila naghahanap ng upuan ay lumapit ito sa amin. Hinanap ng mga mata ko si Chaz pero hindi ko siya makita.

"Nasa locker lang siya, nagbihis lang." Nakangiting sambit nito patukoy kay Chaz. "Doon na kayo sa unahan, nag-reserve ako ng upuan para sa inyo. Chaz told you that you will watch the game." Dagdag pa nito.

Pabiro naman siyang hinampas ni Rico sa braso. "Ang sweet mo talaga, Kai. Ang ganda ng magiging future ko sa'yo!"

Nakita ko ang pagkailang sa mukha ni Kairon kaya siniko ko si Rico na inirapan naman ako. Sumunod kami kay Kai at naupo sa binigay niyang upuan sa amin.

Nang pumasok si Chaz sa gym ay agad na nilibot nito ang mga mata sa dagat ng mga tao. When his eyes landed on us, he smiled. Ngumiti rin ako sa kaniya and gave him a thumbs up.

"Kinikilig ang gaga..." dinig kong bulong ni Chaz.

Ang intense ng laro dahil konti lang ang lamang. Parehong magaling ang parehong department but I'm rooting for Architecture Department. They are the best. Si Skye ay wala pa ring pinagbago ang awra kahit na intense ang laro, ang lamig pa rin ng awra nito at tila walang pakialam sa paligid. Si Jah, na laging nakangisi na tila inaasar ang mga kalaban. Nakakapikon naman kasi talaga 'yon, nakangiti ka kahit wala namang nakakatuwa. Si, Kairon, Vester, at Chaz ay pare-pareho lang ng reaksiyon, mga seryoso.

Ganoon na lamang ang kabog ng puso ko nang malamangan sila ng dalawang puntos ng Engineering department. Napatayo ako sa upuan ko at ganoon din ang iba... na sa hinuha ko ay mga taga Architecture department din sila.

"Go, Chaz! Kaya mo 'yan!" I shouted. Marami ang napatingin sa akin kaya hinila ako ni Rico pabalik sa pag-upo.

"Nakakahiya ka..." saad nito na inirapan na naman ako.

***
They won the game!

Nang matapos ang laro ay lumapit agad kami sa kanila and congratulated them. They just smiled at us and thanked us.

"Let's go, I'll take you home." Aya ni Chaz nang matapos siyang makapagpalit ng damit sa locker.

Kinuha nito ang bag ko at inakbayan ako saka kami naglakad papuntang parking lot. Si Rico ay nauuna sa amin at humahaba na naman ang nguso.

Maraming napapatingin sa amin at karamihan sa kanila ay masama ang tingin sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanila.

Nasa parking lot na kami nang dumating na ang sundo ni Rico. "Hoy! Kapag ikaw bumagsak sa finals bukas, babatukan kita!" Pahabol pa nito bago tuluyang sumakay sa sasakyan.

Sumakay na rin kami sa sasakyan ni Chaz. Pinagbuksan ako nito ng pinto bago umikot sa driver seat.

"Do you have any plan tomorrow?" Basag nito sa katahimikan habang nasa byahe kami.

"I'll get my gown after our finals..." sagot ko saka siya sinulyapan. I saw how his lips form a small smile.

"I'll go with you... anong oras ang tapos ng klase mo, bukas?" Tanong nito na nasa kalsada lang ang tingin.

"2 pm, Chaz."

"Gusto mo bang samahan kita mag-review?"

Gusto ko sana ang kaso ay mahigpit ang mga Kuya ko.

"Hindi naman ako papayagan nila Kuya... nandiyan na rin sila Mommy kaya alam kong hindi nila ako papayagan. They are so strict..."

Nang huminto ang sasakyan ay hindi agad kami bumaba. Nakita ko si Kuya Nate na nasa labas ng gate at naglilinis ng kaniyang sasakyan.

Hindi pa ako bumababa kaya nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya mula sa labas. Tinted ang glass ng sasakyan ni Chaz kaya alam kong hindi niya kami kita mula sa labas.

"We can review together so I can help you... pwede namang diyan nalang sa bahay niyo." Sambit nito.

Bumaba ako sa sasakyan niya bitbit ang bag ko at ganoon din siya, bumaba rin siya sa sasakyan.

Tumango lang si Kuya kay Chaz saka ako nito tiningnan na tila nagbabanta.

"Kuya, pwede po ba kami mag-review ni Chaz dito sa bahay?" Magalang kong tanong sa kaniya.

"Review lang ba talaga?" Nakataas ang kilay na tanong nito. "Sa sala lang kayo. Ikaw Alberts, 'wag kang papasok sa kwarto ni Trixie, masasapak kita kapag nakita kong pumasok ka roon!" Aniya.

Chaz nodded and smiled to Kuya Nate. "Yes, man."

Pumasok kami sa loob ng bahay. Iniwan ko muna siya sa sala. Nang masalubong ko si Ate Layla ay binilinan ko itong dalhan si Chaz ng makakain.

Nang makapagbihis ay agad din naman akong bumaba. Hindi kami magkapareho ng subject pero matalino siya kaya may knowledge siya sa mga subject ko, lalo na ang Math 5.

Chaz is graduating student and he's a consistent dean lister plus captain of the basketball team.

Nag-focus siyang i-review ako kaysa sa mga subjects niya.

Si Mommy hindi pa nakakauwi, nasa company na naman sila ni Daddy. Madalas naman iyon pero I'm not the kind of girl na magrerebelde dahil sa hindi sinasamahan ng parents.

"You should go home, Alberts. My sister can review alone at malalim na ang gabi... hindi magandang nandito ka pa gayong minor ang kapatid ko." Kuya Kobi said when he get down from his room.

I sighed. "Kuya naman, you can talk to him nicely... bakit parang inis na inis ka riyan?"

Hindi niya ako sinagot pero nang makita si Chaz na nagliligpit na ng mga gamit niya ay tinulungan ko na lamang siya.

Hinatid ko siya sa gate ng bahay namin. Kuya Kobi keeps stopping me pero hindi ako nagpapigil sa kaniya. Ihahatid lang naman kasi sa gate.

"Take care, Chaz." Paalam ko rito.

Humarap siya sa akin and gave me a hug, he also kiss me on my forehead. "See you, tomorrow."

Nang makapasok ako sa bahay ay kita ko pa rin sa sala si Kuya Kobi na masama ang tingin sa akin. Dumiretso ako sa center table at niligpit ang mga gamit ko.

"How many times do we need to tell you that stay away from him, Trixie?" May diing sambit niya.

"Kuya... hindi naman siguro magandang tingnan kung itataboy ko 'yung tao na wala namang ginagawang masama, diba?"

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...