ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

109K 1.4K 26

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 30

1.1K 18 1
By iirxsh

Kabanata 30

PAGDATING sa usapang pag-ibig, hindi natin maiiwasan na masasaktan, o masugatan ang ating puso. Normal iyon, tulad nang laging sinasabi ng iba. Dahil kung hindi ka raw nakaramdam ng sakit, hindi mo masasabi na totoong nagmamahal ka.

Minsan hindi natin sila masisisi kung bakit ganoon na lamang ang kanilang paniniwala. Siguro, dahil subok na at marami na rin ang nakapagpatunay ng paniniwala na iyon.

Iyon ang isa sa bagay na hindi natin maiiwasan kapag pumasok tayo sa isang relasyon. Walang kasiguraduhan kung anong patutunguhan, hindi mo alam kung hanggang kailan. Kung kayo ba hanggang dulo, o siya na ba ang para sa iyo habang buhay.

Pero sa kabila ng walang kasiguraduhan na bagay, hindi pa rin maiiwasan na magmahal ka o sumugal sa ngalan ng pag ibig. Totoo nga ang sabi ng iba, na kapag tinamaan ka wala ka nang kawala! Mahirap ng makalaya. Dahil minsan ang isang kasalanan, maihahalintulad natin sa pag-ibig. Hindi natin namamalayan na nakakulong na pala tayo, sa isang ideya ng mahiwagang mundo pero ang totoo isa lamang itong patibong ng mga taong malapit sa atin, o mas masakit pa iyong nanggaling sa mga taong sobra mong pinapahalagahan.

Dala ng matatamis na salita, mga aksyon na ipinakita. Dahil sa mga iyon, patuloy tayong lumulubog at naniniwala.

Kung sino pa ang mahal mo, sa kanya ka pa makakaramdam ng sakit. Iyong sakit na hindi mo alam kung paano ka babangon, paano ka magsisimulang muli dahil nasanay ka sa mga araw na kapiling siya. Pero tila ganoon naman talaga. May punto talagang hindi sang-ayon ang tadhana, dahil iyong isang relasyon na pinaka-iningatan mo. Pinaghirapan kung paano mo iyon makamit, na parang isang pangarap. Sa isang iglap parang bula na lang na nawala. Natapos na lang bigla!

Parte naman iyon ng buhay, pero sadyang hindi talaga maiiwasan na maalala. Iyong tamis nang pagsasama, iyong alaala na hindi ka lang nag-iisang bumuo kung hindi dalawa kayo. Pero ganoon ang buhay, ang nararapat mong gawin tuwing nadadapa ay bumangon at magpatuloy.

Ang hindi ipakita na hindi mo kayang mag-isa, kung wala siya. Ang kayanin lahat ng pagsubok, nang mag-isa. Dahil tulad nang paniniwala ng iba, isinilang kang mag-isa. Hindi ka dapat dumepende sa iba.

NANG makita ni Alex ang luha sa mata ni Kelly, hindi na siya nagdalawang-isip pa para igaya si Kelly palabas ng building na iyon. Kung hindi lang sana nagmatigas si Kelly, paniguradong kanina pa nila iyon pareho nilisan.

Pero hindi iyon ang tamang oras para magsisihan pa sila, o magtalo pa. Nangyari na, at ang gusto lang ni Alex makaalis silang dalawa ni Kelly sa lugar na iyon. Iyon ang una niyang dapat na gawin.

Kahit pinagtitinginan sila ng mga tao, at iyong mga guard na nasa labas nagtuloy tuloy pa rin sila sa paglalakad. Lalo na noong nakita nila ang sekretarya ni Adam na pabalik na ng building.

Saktong may humintong taxi sa harap nilang dalawa. Pinauna kaagad ni Alex si Kelly bago siya sumunod. Hindi na siya lumingon pa, dahil ayaw niyang mapigilan pa silang dalawa.

"M-Manong sa terminal po," Habol hininga na sabi ni Alex, naglalakad lang naman siya kanina pero hindi maitatanggi iyong kaba na dala niya palabas ng building. Mabuti na lang dahil hindi sila pinigilan ng mga guard, nakadagdag pa na hindi sila naabutan pa ng sekretarya ni Adam.

Napatingin naman siya kay Kelly na nasa tabi niya. "Ayos ka lang?" Puno ng pag-aalala niyang tanong, hindi rin maitago ang pag-aalangan sa kanyang sarili kung dapat ba nitong kausapin si Kelly sa mga oras na iyon. O hayaan muna niya iyon na mag-isip, hayaan na magpahinga ang kanyang utak mula sa mga nangyari.

Nang makita ni Alex si Kelly kanina na umiiyak, gustong-gusto niyang sugurin si Adam pero naisip niya na hindi iyon ang tamang aksyon na gawin. Hindi dahil ayaw niyang lumala ang sitwasyon o natatakot siya sa mga posibleng kahihinatnan kapag ginawa niya iyon. Sadyang iniisip niya lang si Kelly at sa pagkakataon na iyon, sigurado siyang ang lisanin ang lugar na iyon ang gustong mangyari rin ni Kelly. Hindi ang ideya na sumugod sa kanyang nobyo at sa kasama nitong babae.

Si Noreen Chavez.

Kahit man inaasahan ni Alex na ganoon ang mangyayari, na kung ano iyong mismong nakita niya noong umakyat siya. Posibleng iyon pa rin ang nadatnan ni Kelly, pero hinayaan niya pa rin iyon na mangyari. Tulad nga ng kanyang dahilan, ayaw niyang masira ang tiwala si Kelly sa kanya. Posible kasi na kapag sinabi niya iyon, hindi mawawala ang tsansya na hindi magtanong at kwestyunin siya ni Kelly. Baka mapunta pa sa ideya na sinisiraan niya si Adam.

Mas gugustuhin niyang makita ni Kelly ang pangyayari, kahit pa man ito ay masaktan. Ganoon din naman kapag sinabi niya, masasaktan pa rin si Kelly. Kahit man sa una kwestyunin siya. Pero kapag napatunayan iyon, doon pa rin ang kanyang bagsak, ang masaktan. Kaysa sa ideyang sila naman ang masira kung nagkataon na ganoon ang ginawa niya.

Iyon ang isa sa bagay na hindi niya kayang isugal.

Walang emosyon na makikita sa itsura ni Kelly, pero bakas ang sakit at iyong lungkot sa kanyang mata dala na rin ng kanyang pag-iyak kanina. "M-Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ayos lang ako?" Hindi napigilan ni Kelly na mabasag ang kanyang boses, hindi rin nakaiwas kay Alex ang mabilis na pagpahid nito sa kanyang luha.

Sa puntong iyon hindi alam ni Alex kung ano ang gagawin niya. Kahit naman sabihin na malapit sila ni Kelly. May kaunting espasyo pa rin na nirerespeto niya ito, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

"Wala namang masama kung aminin mong sa pagkakataon na 'to, mahina ka... Mas gugustuhin kong marinig sa iyo 'yon. Kaysa sabihin mong ayos ka lang, pero ang totoo parang pinipiga ang puso mo sa sakit at bigat ng nararamdaman mo ngayon," Komento ni Alex.

Hindi na napigilan pa ni Kelly ang kanyang luha, at muli na naman iyong kumawala sa kanyang mga mata. Talagang kahit anong pahid niya, para iyong nakikipagkarera sa pagbagsak.

Hinila naman siya ni Alex sa kanyang bisig, at sa kanyang paniniwala sa ngayon. Tanging yakap lang niya ang kaya niyang ibigay kay Kelly, para kahit papaano gumaan ang loob nito.

Ramdam ni Alex ang bigat na dala ni Kelly. Sa tagal nilang magkasama sa trabaho, ni minsan hindi pa niya iyon nakita na ganoon kadurog.

"T-Tahan ka na," Hirap na sambit ni Alex, iyong nakikita niyang nahihirapan si Kelly. Hindi niya rin kinakaya. Kahit pa sabihin na noon iyong kung paano nila itrato ang isa't isa. Lagi silang nag-aasaran, kung minsan nauuwi sa pisikalan pero alam naman nilang pareho na iyon ay katuwaan lamang, walang personalan.

"M-Masakit, ang s-sakit! S-Sakit, baks!" Mas humagulgol pa si Kelly, at isiniksik pa ang sarili kay Alex. Ginawa ni Alexander ang makakaya niya hanggang tumahan si Kelly. Natahimik na lamang siya ng ilang minuto, wala na siyang narinig mula kay Kelly. Nakatulugan na nito ang pag-iyak.

Dinungaw ni Alex ang mukha ni Kelly. Sa isip niya napakainosente ni Kelly, at hindi nito kailanman deserve na masaktan.

Kahit sino namang tao, hindi deserve na masaktan. Sadyang may mga tao lang talaga na darating sa buhay natin na wala tayong ideya kung ano ang totoo nilang pakay. Magugulat na lang tayo na nahuhulog na pala tayo sa kanilang patibong. Kung saan na kapag nahulog tayo. Walang ibang kawawa, kung hindi ang mga sarili natin.

Pero ganoon ang buhay, kwestyunin man natin o hindi. Walang magbabago doon, ang sarili mo na lang talaga ang kailangan na mag-adjust.

"Noon, akala ko... tama ako sa desisyon kong hayaan ka sa kanya. Iyong dumating sa puntong halos awayin kita dahil padalos dalos ka sa desisyon mo, iyong bang ayaw mo siyang bigyan ng pagkakataon. Ngunit ngayon ko lang na-realize na mali pala ako... na hinayaan kita." Marahan na hinahaplos ni Alex ang mukha ni Kelly. "Pero ngayon na ako ang kasama mo. Hindi ko hahayaan na makuha ka pa ulit sa akin. Hindi na muli pa, Kelly. Tama na ang pagtatago at ang pagpaparaya ko..."

TAHIMIK lang ang naging byahe nilang dalawa pauwi ng Pangasinan, hindi na rin nag-abala pa na kausapin ni Alex si Kelly dahil sa buong byahe naman nila tulog ito. Hinayaan niya lang iyon na matulog upang makapagpahinga siya, at kahit papaano maibsan iyong dinadala ni Kelly.

"Sigurado ka bang ayaw mo nang ihatid kita? Ayos lang naman sa akin, gabi na rin, oh," Pagkumbinse ni Alex, pero si Kelly panay lang ang iling sa kanya.

"Kaya ko na ang sarili ko, sobra na ang perwisyo kong naidulot sa iyo. Wala namang tayong napala," Dahilan ni Kelly, iyon naman ang totoo. Sa loob niya, kung alam lang niyang ganoon ang mangyayari sana hindi na lang niya sinama si Alex. Mas may makabuluhang bagay pa sana iyon na nagawa kung nanatili siya sa kanilang bahay.

Sumama ang timpla ng mukha ni Alex. "Hindi ka perwisyo sa akin, buong loob kong ginawa iyon para sa iyo. Kaya huwag kang mag-isip ng ganyan."

Sinusubukan ni Alex na pagaanin ang loob ni Kelly, ayaw nito na ganoon ang iniisip niya. Wala iyong katotohanan.

Umiling lang si Kelly sa kanya. "Sobra na ang nagawa mo para sa akin, sapat na iyon." Talagang ipinilit ni Kelly ang kanyang gusto.

Napabuntong-hininga na lang si Alex, at tumango kay Kelly. "Basta, mag-ingat ka," Sumusuko na wika ni Alex. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang irespeto ang gusto ni Kelly. Wala rin naman kasing patutunguhan kung makikipagtalo pa siya rito. Alam naman niyang mas matigas iyon sa kanya. Lumabas na siya ng tricycle, kumaway lang si Kelly sa kanya at tinugunan lang niya iyon ng ngiti.

"Manong, paki-ingatan po iyan," Seryosong bilin ni Alex, nilabas pa niya ang kanyang telepono at kinuhanan ng litrato ang driver.

"Ako na ang bahala."

"Salamat po," Iyon ang huling sabi ni Alex, bago pinaandar ni manong ang tricycle paalis. Napabuntong-hininga na lang si Alex, bago tumuloy sa loob ng kanilang bahay.

PAGKABABA pa lang ni Kelly ng tricycle, hindi niya maiwasan na kabahan. Normal na kabahan, pero iyong kaba niya triple pa noon ang kanyang nararamdaman. Ano na lang ang sasabihin niya sa kanyang magulang? Ano na lang ang idadahilan niya kapag tinanong siya kung bakit umuwi siya agad? Kung bakit pa siya pumunta ng Manila, kung wala naman pala siyang napala.

Iyong ang posibilidad na naiisip niyang mangyari. Kaso ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman sa pisngi niya ang lakas nang sampal ni Mr. Tolentino.

Hindi siya nakaiwas man lang, pero iyong sakit ng pagkakasampal sa kanya ni Mr. Tolentino, wala iyon sa sakit na dala-dala niya. Higit pa roon!

Parang wala na sa kanya iyong sampal na galing kay Mr. Tolentino. Wala siyang naramdaman.

Sa puntong iyon, na-manhid na!

Nang mag-angat siya ng tingin sa kanyang magulang, halata ang galit sa kanilang mga mata. Lalo na ang kanyang ama, na pinipigilan lang ng kanyang ina.

Napapikit siya nang maramdaman sa mismong mukha niya ang isang bagay na binato sa kanya ni Mr. Tolentino. Nang napamulat siya at bumagsak ang tingin niya sa sahig.

Doon niya malinaw na nakita kung ano iyon, iyong pregnancy test.

Pinaka-iingatan niya iyon, pero sobrang nagtataka siya kung paanong napunta iyon sa kanyang magulang?

"Saan ako nagkulang Kelly? Saan kami nagkulang ng mama mo ha?" Bulyaw ni Mr. Tolentino. Kahit kalayuan kita pa rin niya na litaw ang ugat ng ama, halata talaga ang galit nito.

Nakita na niyang nagagalit ang kanyang ama, iyon ay ang nangyari sa pagitan nila ni Adam noon. Mukhang sa pangalawang pagkakataon, nakita niyang muli ang galit ng kanyang ama, sa parehong dahilan na bahagi na naman si Adam kung bakit siya pinapagalitan.

Hindi naman na dapat siya magugulat na marinig iyon sa kanyang magulang, pero ang hindi niya inaasahan na sa mismong pag-uwi niya pala iyon mangyayari.

Ang takot niyang malaman nilang buntis siya, hindi na niya kailangan na itago pa. Bago pa man niya balak na sabihin, nalaman na pala nila.

Hindi siya nakasagot at napayuko na lang. Sa puntong iyon, tila gusto na lamang niyang mabingi para hindi marinig iyong galit ng kanyang ama. Lahat ng posibleng masasakit na bibitawan sa kanya ni Mr. Tolentino. Bihira iyon magalit, at sa tanan ng buhay niya ngayon lang muli niyang narinig ang ama. Isa pa sa pinakamasakit na parte, iyon ay ang pinagbuhatan siya ng kamay.

Hindi man niya nadama iyong sakit mula sa palad ng kanyang ama, pero iyong sakit na iniwan noon sa kanyang puso. Mas matindi ang sugat na iniwan noon, isang bagay na hindi kailanman madaling kalimutan.

"Sumagot ka! Dahil kinakausap kita! Saan kami nagkulang?" May diin na pag-uulit ni Mr. Tolentino, halos mapatalon siya mula sa pagkakatayo. Sobrang lakas ng sigaw nito. Kung hindi lang pinipigilan ng kanyang ina ang ama, panigurado kanina pa iyon nakalapit sa kanya.

Kahit nanggagalaiti sa galit ang ama, naglakas pa rin siya ng loob. Iyon ang alam niya na nararapat niyang gawin. Dahan-dahan siyang lumapit. "P-Papa, m-mama... patawad po, h-hindi ko po sinasadya..." Kulang na lang lumuhod siya sa harap ng kanyang magulang, handa siyang ibaba ang kanyang sarili pakinggan lamang siya.

"K-Kailan pa, Kelly?" Ang ina naman niya ang nagtanong, puno ng hinanakit ang boses ni Mrs. Tolentino.

"M-Mahigit limang buwan na po," Halos pabulong niyang sabi, pero sapat na iyon para marinig ng kanyang magulang.

Napapitlag siya nang may marinig siyang nabasag, tinapon ni Mr. Tolentino ang isang vase. Nang tiningnan niya iyon, malapit sa pwesto niya itinapon ni Mr. Tolentino. Sa pagkakataon na iyon, hindi na niya napigilan ang nagbabadyang luha niya.

"Limang buwan mo na kaming ginagago ng mama mo ha, Kelly? Kaya ka ba pumunta ng Manila para sabihin iyan kay Adam?!"

"Sumagot ka!" Sigaw ni Mr. Tolentino, nang walang narinig o nakita man lang na ekspresyon ang ama sa kanya.

Nawawalan siya ng lakas na sagutin lahat ng tanong ni Mr. Tolentino, gusto na lang niya na bumagsak. Nakakapagod pala, iyon ang kanyang nasa isipan ngayon.

Nahihirapan siyang tumango. "O-Opo, papa..."

Napahilot sa sentido si Mr. Tolentino, hindi nito alam kung anong gagawin sa kanyang anak. Nag-iisa na nga lang, naging sakit pa ng kanyang ulo!

"Malinaw sa iyo lahat, 'di ba, Kelly? Lahat ng bawal pa, pinag-usapan natin iyon. Paano na ginawa ninyo ito? Sinamantala ka ba ni Adam, ha? Bakit kailangan mong itago sa amin?!" Sunod-sunod na naging tanong ni Mr. Tolentino, hindi pa rin kumakalma. Bawat sambit niya ng salita, may diin.

"P-Papa, hindi po sinasadya..." Humihikbi niyang sabi. "Tsaka po, hindi ako sinamantala ni Adam."

"So, ginusto mo, ha?!" Bulyaw ni Mr. Tolentino.

Paulit-ulit siyang umiling, hangad niyang paniwalaan siya. "H-Hindi po sinasadya."

"Nakakagago ka, Kelly! Anong hindi sinasadya? Huwag mong sabihin na isang beses ninyo lang ginawa pero nagkalaman na? Huwag tayong maggaguhan dito!"

"Pwede ba kumalma ka muna?" Kahit papaano nakahinga si Kelly nang marinig niya ang boses ng ina. Pero, tila sarado ang isipan ni Mr. Tolentino, at hindi handang makinig kahit pa sa kanyang asawa.

"Paano ako kakalma?!" Tanong ni Mr. Tolentino. "Malalaman kung buntis ang anak mo, sobra kung ingatan ko 'yan. Tapos sa isang iglap ibinigay na pala niya ang kanyang sarili!"

"Pakinggan natin ang paliwanag niya, siguro naman may sapat siyang dahilan kung paano iyon nangyari." Saad naman ni Mrs. Tolentino, pilit na pinapagaan ang mga pangyayari.

Pagak na tumawa si Mr. Tolentino, tila sarado talaga ang isip niya. Hindi niya pinakinggan ang asawa at hinarap niya si Kelly. Seryoso, walang makikitang ibang emosyon sa kanyang mata bukod sa galit. "Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras na ibalik ang gamit mo sa kuwarto mo. Lumayas ka rito! Pagbaba ko siguraduhin mong wala ka na rito!" Tumalikod na ang kanyang ama, ngunit hindi pa pala tapos. "Hindi ko na dapat pang makita pa 'yang mukha mo!" Pinal iyon na sabi ni Mr. Tolentino, walang makakapigil pa.

Napaluhod na lang si Kelly nang makita na tuluyan nang umakyat ang kanyang ama. "P-Papa..."

NAPABALIKWAS si Kelly mula sa pagkakatulog. Napahawak na lang siya sa kanyang ulo, at itinakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Ilang beses na siyang binabalikan ng panaginip na iyon, pero para sa kanya isang masamang alaala ang lahat ng nangyari sa araw na iyon.

Naramdaman niya ang maingat na pagdampi ng isang palad sa kanyang pisngi.

Nang mag-angat siya ng tingin, ang nag-aalala na mukha ni Alex ang bumungad sa kanya. Mukhang kauuwi lang nito galing ng trabaho, nakabihis pa kasi ito ng kanyang uniporme.

"Naalala mo na naman?"

Naiiyak siyang tumango kay Alex.

"Halika, yakapin kita..." Hinila siya ni Alex sa kanyang bisig. Dinungaw niya si Kelly, marahan na hinahaplos ang pisngi nito. "Nandito lang ako, huwag mo nang masyadong isipin pa. Simula noong matapos ang araw na iyon, tulad nang pangako ko sa iyo. Ako ang magsisilbing pamilya mo."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 146 18
Ex's lover series I Andrea: amm...can I ask? Are you a girl po?
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
335K 18K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.3K 73 28
'Sa tuwing naiisip kita at gustong makita, palagi kong isinusulat sa aking notebook lahat ng aking gustong sabihin sa iyo, lahat ng naiisip at narara...