Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

Od donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Více

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 58:

406 16 0
Od donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nagtatawanan na lumabas na kami ng restaurant ni Sir halos pinagbuksan pa kami ng pinto na nagbabantay doon. Tumungo na nga kami sa kotse niya kung saan nakaparada. Pinagbuksan pa ako ni Sir Johnser ng pinto na nakaramdam naman ako ng pagkahiya.

"S-salamat, Sir." Pumasok na nga ako sa loob saka naman niya sinaro ulit ang pinto.

Pumaikot si Sir at sa kabilang pinto pumasok. Pagkapasok, nag-seatbelt naman ito. Ginaya ko rin ito. Salamat nalang nakita ko sa kanya na nag-seatbelt siya. Kung wala o di ko nakita, di ko maaalala ito.

"Ihahatid na kita sainyo." Sabi ni Sir at sususian na sana niya ang kotse nang magsalita kaagad ako.

"Sir, wag na po."

Takang napatingin naman ito sa akin."Bakit?"

"Nasa Uphone kasi mga gamit ko, di ko dala." Sagot ko. Saka usapan namin ni Ros, hihintayin niya ako pag-out dahil may pupuntahan rin kami.

"Okay." Payag rin ni Sir at in-start na nya ang engine. Pagka-andar ng sasakyan, nagsalita na lamang si Sir na dahilan nagkaroon kami ng panibagong topic."Masaya ka ba?" Tanong nito habang daan ang tingin nito. Kakalabas lang namin ng parking lot.

"O-opo." Nautal na sagot ko kaagad.

"Saang lugar gusto mo puntahan at di mo pa napupuntahan?" Tanong na lamang nito.

"Ewan, Sir." Sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana.

Kahit matagal na ko sa maynila, parang bago pa rin sa akin at nagagandahan pa rin ako sa naglalakihang mga building. Di ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa malaking parang TV sa may Mall. Ito yung kilala at sikat sa pilipinas, ang Mall Of Asia. Ewan ko basta alam ko Mall Of Asia ito o Arena. Basta! Bahala na! Yun na yun!

"Nakapag-resort kana?" Tanong na lamang ni Sir.

"Resort?" Sabay tingin dito."Yung may swimming pool?" Paninigurado ko. Baka ibang resort kasi tinutukoy ni Sir, nakakahiya naman. Laking probinsya ako kaysa kay Sir laking Maynila. Di alam niya sa mga sosyal, e kami?

"Oo." Sagot lamang nito at saan pa rin nakatingin.

"Di pa, Sir. Malayo ang resort sa lugar namin. Bundok at bukid kasi pero nakakapaglangoy naman kami. Sa ilog nga lang pero maganda lumangoy sa ilog. Parang swimming pool na rin yun." Nakangiting sagot ko.

Tumingin sa akin si Sir pero binalik naman niya ang tingin sa daan. Bahagyang may kumurting ngiti sa labi niya.

"Sa susunod, resort tayo." Turan na lamang nito.

"Po?" Gulat na sambit ko.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone ni Sir kaya dali-dali niya ito kinuha sa ibaba, sa gitna namin. May lagayan kasi doon ng parang mineral water saka cellphone.

Sinagot din naman nito ang tawag.

"Okay, Dad. Ako na bahala." Sabi nito sa kausap niya. Di naman nagtagal ang tawag, binaba na rin niya ang cellphone at binalik sa paglalagyan nito kanina."Yung sinabi ko kanina," turan na lamang ni Sir.

Napatingin naman ako dito.

"Promise. Magre-resort tayo."

Di makapagsalita, nakatingin lamang ako kay Sir Johnser.

Promise? Nag-promise si Sir na magre-resort kami? Seryoso siya?

****

Bumaba na ako sa kotse ni Sir. Nag-bow pa ko bago umalis ito para pumunta sa parking lot para doon iparada ang kotse niya. Dito na ako napababavmalapit sa Uphone Building. Ayaw ko pagchismisan kami ni Sir. Medyo mga chismosa pa naman ng nagtatrabaho doon.

Nagsimula na ako maglakad para pumunta ng Uphone. Di pa ko nakakarating, may tumawag nalang sa akin. Napatingil ako sa paglalakad at hinanap ko naman ang taong tumatawag sa pangalan ko.

"Elizabeth!"

May huminto naman na maliit na track sa pwesto ko. Nanlaki mata ako nang makita ang taong nakasakay sa track.

"Mang Trino!" Masayang sambit ko sa pangalan nito.

"Oo, ako nga." Nakangiting sagot nito."Sa laki ng maynila, dito pala kita makikita. Namimiss kana ng mga kasamahan natin." Sabi nito.

Siya si Mang Trino, magsasaka rin at siya nagde-deliver sa Maynila ng mga tanim namin na gulay at prutas. Nasa 40+ palang edad niya, may anak kiya kasing edad ko pero patay na ang asawa niya. Namatay dahil sa sakit na diabetes.

"Buti nalang talaga nagkita tayo, Mang Trino." Nakangiting sabi ko.

"Nakahanap kana ng trabaho? Saan ka nagta-trabaho? Saan ka nag-uupa?" Sunod-sunod na tanong nito."Oo nga pala, magfi-fiesta na sa atin next week. Di ka ba uuwi? Bibinyagan na yung anak nila Josefino at Loreta."

"Oo nga pala 'no? Mag-aanak ako sa anak nila. Tingnan ko po, Mang Trino. Papaalam ako sa boss ko." Nakangiting sabi ko dito.

"Oh sya! Alis na ko. Babyahe na ako pauwi sa lugar natin. Mag-iingat ka." Paalam na nito. In-start na nito ang engine."Sya nga pala," Bago paman umalis may kinuha ito sa bag nito."Pinabibigay ng anak ko sayo. Sabi niya kasi magbibirthday ka na raw. Matagal na niya ito sa akin binigay. Sabi niya pag makita kita dito sa manila, ibigay ko raw ito sayo." Sabi nito at may binigay na maliit na box na kutob kong naglalaman iyon ng relo.

Tiningnan ko naman ang loob. Namangha naman ako sa ganya.

"Wow! Ang ganda." Nakangiting sabi ko.

"Naku! Di yan mamahalin. Avon lang yan. Pinag-ipunan yan ni Limuel para sayo." Nakangiting sabi nito habang nakahawak sa manibela.

Si Limuel? Naku! Nakalimutan ko na sya! Siya yung kababata ko sa probinsya namin. Turingan na namin parang magkapatid. Medyo may pagkaka-bansot lamang ng ugali niya. Mahilig siya makipag-away.

"Pasabi po kay Limuel na salamat. Nagustuhan ko itong regalo niya."

"Oh sya! Alis na ko. Ingat ka ah? Sana makauwi ka sa Bicol." Paalam na nito.

"Ingat kayo, Mang Trino."

Nagpaalam na ako dito halos nag-wave pa ko ng kamay. Nakatingin pa rin ako sa palalayong sinasakyan nito.

Dapat maka-uwi ako sa probinsya next week. Nangako pa naman ako na mag-aanak ako sa anak ni Mang Josefino at Aling Loreta. Excited na rin ako makita ang inaanak ko.

Tama! Uuwi ako. Sakto! Fiesta doon, isasama ko si Ros. Yayayain ko sya maligo sa ilog at pupunta kami ng bundok saka kakain kami ng adobong palaka at adobong kuol.

"Tama nga." Nakangiting sabi ko.

Naglakad na ako para pumunta ng Uphone.

THIRD PERSON POV:)

"Umiba lang ako ng office, dami na pagbabago dito." Turan ni Mr. Kailes habang naglalakad at tinitingnan ang paligid ng dating office niya.

"Sorry kung binago ko ang mga ayos ng gamit. Gusto ko kasi ng panibagong mukha ng office mo." Nakangiting sagot ni Ros dito nang naupo siya sa couch.

Pagkatapos magtingin-tingin sa paligid, naupo na rin sa couch si Mr. Kailes kaharap niya.

"Not bad." Nakangiting dagdag pa niya."Anyway, malapit na ang anniversary ng All Day Shop. Ano kaya magandang gawin? Gusto ko maiba naman." Pagsa-suggest nito.

"Ano ba gusto mo? Magpalaro sa T.V?"

"Gusto ko maiba naman. Gusto ko yung matutulungan ko ang mahihirap." Sagot ni Mr. Kailes.

Napa-isip naman si Ros halos napahawak sa baba."May naisip ako."

"What is it?"

"Gusto mo tumulong sa mahihirap. Hmm? Bakit di nalang mag Reach-out Program ka? May free check up, free circumstance, etc at mag-feeding program sa isang barangay? May sariling hospital ang mga Sy, di kana mamo-mroblema na maghanap ng mga voluntary doctors and nurses. Syempre, tataas ang sales nyo dahil alam ng buyer na tutulong kayo sa mga mahihirap. Gaganda pa lalo image ng All Day Shop. What do you think?" Pagbibigay ng ideya ni Ros.

Nagustuhan naman ni Mr. Kailes ang suggestion ni Ros. Tumayo ito at mabilis na tinaptaptap nito ang balikat ni Ros.

"Maasahan ka talaga." Nakangiting sabi nito at naupo na ulit sa upuan."Sunod na ipapagawa ko sainyo, maghanap ka ng probinsya na pwede natin tulungan. For the next week, babyahe tayo papunta doon."

"Sure. No prob." Nakangiting payag naman kaagad ni Ros.

ELIZABETH VILLATORTE:)

Pababa pa lang kami ni Ros sa jeep halos alalayan pa ako nito bumaba. Pagkababa, saka na kami naglakad papunta sa waiting shed. Nilagay ko sa upuan doon ang dala kong paper bag na naglalaman ng binili namin sa grocery. Paubos na kasi ang stock namin ng pagkain sa ref.

Tangkang bubuhatin ko pa sana ito nang si Ros na kumuha iyon.

"Ako na." Sabi nito at siya na may dala ng pinag-grocery namin.

Naglakad na nga kami para umuwi na sa amin.

Di pa kami nakakalayo sa waiting shed, nag-start ako ng topic namin.

"Ros, gusto mo sumama?" Tanong ko dito.

Nakangiti na tumingin siya sa akin."Saan? Date ulit tayo bukas?"

Galing pala kami sa Mall Of Asia. Nag-pasyal lang saka kain sa Jolibee saka nag-milktea. Syempre, deretsyo grocery bago kami umuwi.

"Hindi. Sa probinsya namin." Nakangiting sabi ko.

Napatingin naman ito sa akin na may gulat sa mukha."Oo nga, bakit di ko iyon naisip." May ngiting may laman turan na lamang ni Ros.

"Ah?" Takang saad ko lamang.

"Wala." Sabi niya sabay tawa ng bahagya."Saan ka sa probinsya? Anong barangay?" Tanong rin dito.

"Sa Bicol. Sa *****." Sagot ko naman sa kanya. Nagulat ako nang kunin rin niya sa akin ang bag ko at sinaklay niya sa balikat niya. Kinilig naman ako."Salamat." Pasalamat ko.

"Okay. Noted." Nakangiting sabi nito.

Nakaka-hinala yung ngiting iyon. Bakit kaya? Ano meron?

"Oo nga pala, bakit pala?" Tanong ulit nito nang maalala ang sinabi ko.

"Magfi-fiesta na kasi next week doon saka magni-ninang ako sa baby ng kapit-bahay namin." Sagot ko.

"Sige. Ako bahala." Nakangiti pa ring nakakapang-hinala na sagot ni Ros.

"Ah?" Nalito na saad ko na lamang.

Magtatanong pa sana ako nang bigla nalang umulan. Tarantang tumakbo naman kami ni Ros. Mababasa yung lagayan ng pinag-grocery namin. Paper bag pa naman.

Para kaming bata na nagtatakbo kami ng mabilis ni Ros at di namin maiwasang magtawanang dalawa.

DYLAN LORENZO POV:)

"Alis na ako." Sabi ko at tangkang sasakay ulit sa kotse nang magsalita si Rose.

"Sir, baka andyan na yun si Ryan." Sabi nito.

"Itext mo nalang ako kung bumalik na. Kung hindi, sabihin mo rin sakin." Seryosong sabi ko.

"S-sige, Sir." Payag nito.

Sumakay na ako ng kotse. Pagkasarado ng pinto, binuksan ko pa ang bintana para makausap pa si Ros.

"Pag kalahating oras na na wala pa siya, sabihin mo sa akin kaagad." Sabi ko pa at pina-andar na ang kotse paalis.

Kailangan hindi ako mabuko ni Sir Andrew. Kailangan di niya malaman na may tinatago ako at tinatago ko si Ros sa kanya. Kailangan may gawin akong hakbang. Bahala na! Kailangan ko magpakita na kakambi nila ako.

Pinaandar ko na ang kotse para pumunta kaagad sa Uphone.

Naglalakad na ako sa hallway ng Uphone nang maka-recieve ako ng text. Mabilis kinuha ko iyon sa bulsa at binasa ang mensaheng natanggap ko.

Rose:
Sir, 30 minutes na, di pa rin bumabalik si Ryan. May nakakita ng nakakakila kay, may dumukot daw na mga armadong lalaki dito.

Napatigil naman ako sa paghakbang at napakunot-noo.

Tama nga ang hinala ko. Naunahan na ako ni Sir Andrew. Kailangan ko ipakita dito na kakampi pa rin nila ako para hindi masira ang plano ko.

Naglalad na ulit ako para tumungo sa office ni Sir Andrew. Di nagtagal, nakarating naman ako. Pagkapasok sa loob, nakita ko naman na abala ito sa mga papeles na nakapatong sa lamesa niya. Nagtama pa ang mata namin ng tumingin ito sa akin.

Seryoso lamang ang ekspresyon sa aking mukha na lumapit dito. Pagkalapit sa table nito, nag-bow ako pagpakita ng paggalang.

"Oh? Bakit?" Tanong nito nang bumalik ito sa papeles na binabasa nito.

"Natagpuan ko na po." Sabi ko. Nakita ko naman na natigilan ito."Natagpuan ko na po ang kinaroroonan ng kapatid ni Tomas." Sabi ko. Kung ayaw mo mahuli ng kalaban, kailangan mo ipakita na kakampi ka nila.

Umangat naman ito ng ulo at tiningnan ako. May ngiting kumurti naman sa mga labi nito.

"Ow! That's good!" Sagot lamang nito. Hindi ko alam kung effective. Sana magbago ang isip niya sa akin at hindi niya ulit ako paghinalaan.

"Pero..."

Napatingin naman ako dito at hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

"Wag ka nang mag-alala. Nasa kamay ko na siya." Nakangiting pilyo na sabi nito.

Sabi na nga ba! Siya ang kumidnap kay Ryan. Sh*t! Naunahan niya ako!

"Mabuti kung ganun." Sabi ko at nag-fake smile ako."May ipapagawa pa kayo sa akin?" Tanong ko dito.

"Hmm," Nag-isip muna ito at dahan-dahan nilapag sa mesa ang hawak niyang ballpen. Nakangiting tumingin ito sa akin."Meron." Sagot rin niya maya-maya.

"Ano po iyon?"

Ngumiti lamang siya na parang may laman iyon.

THIRD PERSON POV:)

Naka-kadena ang mga paa na pinagsisipa ito ng tatlong kalalakihan. Sa hirap na dinaranas nitong paghihirap ay nakahiga ito habang namimilipit sa sakit. Hindi na rin nito magawang tumayo dahil bakas sa mga katawan at mukha nito ang mga sugat na natamo dahil sa pagbubugbog sa kanya ng tatlong lalaki.

Nasa abandonado silang building at walang makakarinig o makakakita sa ginagawang pambubugbog sa kanya. Naririnig lamang niya ang kadenang nakakabit sa mga kamay niya.

"Itigil nyo yan."

Natigil na lamang sa pagtangkang pagsipa ulit ang isang lalaki sa taong bagong dating. Napatingin naman ang tatlo dito samantala ang lalaking bugbog sarado ay nakahiga pa rin at namimilipit sa sakit.

Bago paman lumapit si Andrew Sy ay tumigil siya sa tapat ng isang tauhan niya at kinuha rito ang baril. Kinasa muna ito bago lumapit sa kinaroroonan ng lalaking naka-kadena.

Nahihirapan ang lalaki ay dahan-dahan tiningnan ito para masulyapan si Andrew na nasa tapat niya. Sunod-sunod ang paghinga niya at ramdam nito ang sakit na natanggap niya sa nambugbog sa kanya.

Lumuhod si Andrew para makausap siya ng malapitan.

"Asan ang Kuya mo?" Tanong ni Andrew sa lalaking nag-eedad bente singko.

"H-hindi ko a-alam..." Nahihirapang mahinang sagot nito. Mapupungay na ang mga mata nito at kunti nalang ay mawawalan na ito ng malay.

Napangiti naman si Andrew sa sinagot ng lalaki sa kanya. Marahas na sinabunot niya ang buhok nito at tinaas ang ulo para makaharap siya at makita ng harap-harapan ang mukha niya.

"Kung hindi mo sasabihin kung nasaan si Tomas, lalabas kang malamig na bangkay dito." Pananakot niya sa lalaki.

"Hindi ko nga...ALAM!" Sagot nito at bahagyang diniin at nilakasan ang boses sa huling tinuran nito.

Mabilis naman inumpog ni Andrew ang ulo ng lalaki sa sahig na dahilan nagkaroon ito ng sugat sa ulo nito.

Tumayo sa pagkakaluhod si Andrew Sy nang may tumawag sa kanya sa isa sa tauhan niya. Lumapit naman dito ang assistant niya.

"Andito na siya." Sabi nito dito.

Bumukas naman ang pinto halos napatingin rin si Ryan roon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa labas. Nang sumarado ulit ang pinto, dumilim ulit sa pinanggagalingan ng pumasok.

Naririnig pa sa loob ang sapatos nitong tumutunog.

Nang makalapit, doon rin nasilayan ni Ryan ang lalaki.

"Dylan." Nakangiting saad ng lalaki na hinala niya ito ang boss. Lumapit ito sa lalaki sabay akbay dito."Yung pinapahanap ko sayo noon, ito siya. Siya ang kapatid ni Tomas." Nakangiting pakilala nito sabay turo sa kanya nito.

Nakatingin lamang ang lalaki sa kanya ng seryoso.

To be continued...

Pa-like naman ng official page mo.
Lovely Adeline xx
Saka join rin kayo sa group ko.
Lovely Adeline Babies
Thank you💖

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

113K 2.7K 36
She's simple, a typical nerd. Pero sa unang pagkikita pa lang namin na inlove na kakagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagkagus...
72.5K 1.5K 42
He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the scene and posed as her new lover, he be...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...