Operation: Secret Glances

By viexamour

35.3K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 10

1K 24 2
By viexamour

Nag-iimpake ako ngayon ng mga damit na dadalhin namin sa Cavite bukas ng umaga. May reunion sila Tita Kilari at iilang mga kaklase niya noon at hindi ko naman inaasahan na magka-batch pala si Tita Kilari at Tita Analyn. Kaya ang mangyayari ay sabay na silang pupunta sa event. Hindi naman talaga dapat ako kasama, ang kaso nga lang ay hindi kaya ni Tita Kilari na maiwan akong mag-isa sa bahay lalo't two days 'yon.

Pasalamat na lang din at Friday ngayon kaya hindi ko na po-problemahin ang pagpasok ko sa school. 

"Milada, tapos ka na ba?" rinig kong boses ni tita mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Malapit na po!" mabilis ko ng tinupi ang mga damit at nilagay sa bag.

Pagkatapos ay lumabas na ako para kumain ng hapunan. Habang nakain kami ay nagkukuwentuhan kami ni Tita Kilari bigla na lang din naungkat ang kay Mr. Payton. 

Nagiging madalas ang pagpunta niya rito sa bahay. Minsan naman ay sinusundo niya ako sa school kasama si Tita Kilari. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila at nahihiya rin naman akong mag-usisa lalo't pang-matanda ng usapan 'yon. Respeto na rin sa privacy nila.

"Sasakyan nila Analyn ang gagamitin bukas. Umuwi na kasi ang papa ni Amadeus galing Canada kaya may sasakyan ng magagamit." Si tita.

"Kasama ba si Amadeus, Tita?" tanong ko.

"Hindi ko lang alam. Kung gusto mo katukin mo ang pinto ng bahay nila para malaman mo kung sasama ba si Amadeus." Sumimangot ako.

"Tita, naman e!" ungkot ko at sumubo muli ng pagkain.

"E, totoo naman talaga! Hindi ko alam kung sasama ba ang crush mo. Kilala mo naman si Amadeus mukhang team bahay 'yon. Pero ite-text ko mamaya si Analyn at tatanungin ko 'yan." 

Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling sa kanya.

"'Wag na, 'Ta!" mabilis kong sabi.

"O, bakit? Hindi ko naman sasabihin na pinapatanong mo, e." Mas lalong tumulis ang nguso ko.

Kinabukasan ay antok na antok akong naghihintay sa labas ng gate namin. Bitbit ko ang bag ko at nakasuot ako ng oversized hooded jacket. Naka-highwaist short naman ako at white sneakers. Basa rin ang buhok ko dahil sa pagligo at hindi na ako nag-abalang mag-blow dry ng buhok. 

3AM pa lang ng umaga kaya sobrang nakakaantok talaga, isama pa ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang sasakyan nila Amadeus. Nakita ko roon na si Tita Analyn ang nagmamaneho. Sa may bukana naman ng pintuan ng bahay ay nakita ko ang papa ni Amadeus.

"Halika ka na, Milada..." tawag ni tita.

Sumunod ako sa kanya at alam ko na agad na sa backseat ako mauupo dahil dumiretso na si tita sa front seat. Humikab ako habang papasok sa loob pero nabitin lang 'yon ng makita ko si Amadeus na nakatingin sa akin. Naka-jacket din ito at faded pants. 

Suminghap ako at agad na inayos ang postura. Dahan-dahan akong pumasok at parang dalagang pilipina ang pagkakaupo. Walang kahit anong harang sa pagitan namin lalo't ang mga gamit ay nasa compartment na ng sasakyan. Hindi ako mapakali lalo't wala akong kahit anong ayos sa mukha.

"Sleepy?" tumango ako pero mabilis din na umiling.

"Ayos lang..." sabi ko at bigla muling napahikab. 

Nag-init ang pisngi ko sa hiya.

"You can sleep," nag-iwas ako ng tingin at dahan-dahan na sinandal ang ulo sa katabing bintana.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang nadadaanan namin na purong kadiliman lang. Muli na naman akong napahikab at ramdan ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Feeling ko ay hindi ko na kakayanin ang sobrang antok. Mawawalan na ata ako ng pakialam na matulog kahit pa nandiyan lang si Amadeus sa tabi ko.

Hindi nagtagal ay tuluyan na nga akong nakatulog sa biyahe. Naalimpungatan ako dahil sa mga hagikhik kaya ng magdilat ako ng mata ay natagpuan ko ang pares ng mga mata. Si Tita Analyn at Tita Kilari na nakangiti. Doon ko lang napagtanto na nakasandal na pala ako sa balikat nfi Amadeus. At si Amadeus ay nakaakbay sa akin.

Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon. Mabilis akong umusog dahilan para mapatingin sa akin si Amadeus na mukhang nagising ko ata. Mas lalo akong nahiya at napasuklay sa sariling buhok bago umayos ng upo.

"Nandito na tayo, mag-ayos na muna kayo." Wala sa sariling tumango ako kay Tita Analyn at palihim na tumingin kay Amadeus.

Kagat niya ang kanyang labi habang inaayos ang buhok nito. Sinusuklay gamit ang kanyang mga daliri. Bumaling siya sa 'kin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Sa isang hotel kami tumigil. Doon daw kasi gaganapin ang party at may kanya-kanyang room ang bawat dadalo sa reunion nila. S'yempre ang kasama ko ay si Tita Kilari.

"Sarap ba ng tulog mo?" bumaling ako sa kanya.

"Masarap..." tipid kong sabi. Dahil totoo naman.

Maaga akong nagising kaya normal lang talaga na makatulog ako sa biyahe. At hindi ko naman maitatanggi na naging kumportable ang tulog ko sa balikat ni Amadeus. Hindi ko lang talaga alam kung paanong naging gano'n ang posisyon namin sa isa't-isa. Ang pagkakatanda ko ay bago ako makatulog ng tuluyan ay nakasandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

"Halata nga, kulang na lang yakapin mo ang crush mo." Suminghap ako sa kanya.

"Tita! Syempre tulog naman ako kaya hindi ko alam. 'Tsaka nagulat din ako na nakasandal na pala ako kay Amadeus!" paliwanag ko dito.

Humalakhak siya ng malakas habang nilalabas sa maleta niya ang susuotin niya mamaya sa party.

"Malay ko ba kung kunyareng tulog ka lang?" sumimangot ako.

"Hindi naman ako gano'n kapatay na patay kay Amadeus, 'Ta!" nandoon pa rin ang ngiting pang-aasar niya sa 'kin.

"O, bakit ka defensive?" hindi na ako sumagot at dumapa na lang sa kama.

Gusto ko ulit matulog ang kaso nga lang ay bababa kami para sa almusal kasalo ang mga ka-batch nila Tita Kilari noong college sila.

Pagbaba namin sa hall ay maraming tao pero hindi naman kami maglalagi roon dahil may private place para kila tita. Nakasunod lang ako sa kanya at hindi maiwasang ilibot ang tingin sa buong hotel. Maganda rito at mukhang bigatin din ang mga tao.

"Milada, halika nga rito." Mabilis akong lumapit sa kanya at pumantay sa paglalakad nito. "Baka mawala ka rito," 

Natawa ako ng mahina.

"Tita, kahit iwan mo 'ko dito at bumalik ka sa Laguna ay makakauwi pa rin ako. I'm explorer, remember?" siya naman ngayon ang natawa at umiling na lang.

Pagpasok namin sa glass door ay bumungad sa amin ang maraming lamesa at bawat lamesa na 'yon ay okupado na. Bumaling ako kay Tita Kilari na mukhang may hinahanap. Hindi naman nagtagal ay kumaway na siya sa kung saan kaya sinundan ko 'yon ng tingin. I saw the bunch of people there. Mukhang ito ang mga classmates ni tita noon. 

"Hi! Oh my gosh, is this your daughter, Ke?" nagulat ako sa tanong niya.

"No, Yannie." Tipid na sabi ni tita at hinila na ako para makaupo na kami.

"Ha? Paanong hindi mo anak, e, kamukhang-kamukha mo siya?" sabi naman ng isang babae.

"She's Ate Miranda's daughter..." ang kaninang masayang lamesa ay napalitan ng pagtahimik.

Ngumiti lang si tita at binalingan ako.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa 'kin. 

Tinuro ko lang ang mga pagkain na gusto kong kainin at siya na ang nag-asikaso sa akin. Kita ko pa ang palihim na tingin sa akin ng mga kasama sa lamesa. Naiilang man ay isinawalang bahala ko na lang. 

Nag-usap silang lahat at binabalikan ang mga pinaggawa nila noong college sila. Kahit ako ay natatawa na rin sa pinag-uusapan nila lalo't katulad ko ay mga nagbubulakbol din sila noon sa school.

Nalaman ko rin na magkakakilala na sila highschool pa lang kaya ganito sila ka-close lahat. Naagaw lang ang atensyon ng lahat ng may bagong dumating.

"Sorry, I'm late. Galing pa ako sa meeting..."

Lahat kami bumaling sa kanya. Natigilan ako lalo't si Mr. Payton pala 'yon. Naghiyawan ang mga lalaki sa lamesa dahilan para umingay ang lamesa namin. Kinatyawan nila si Mr. Payton at panay batian. Ang mga babae naman ay nakangiti at nakatingin din sa kanya. Bumaling ako kay Tita Kilari na nasa kinakain niya lang ang tingin. Bumuntong-hininga ako at nagiging kuryoso na naman.

"Mamaya gabi ang party, puwede ka naman sumama sa 'kin. I'm sure na may susuotin ka naman." Umiling ako.

"Just enjoy the party, Tita. May swimming pool naman dito sa hotel at baka iyon na lang ang gawin ko." Ngumiti ako.

"Okey..." aniya at tumalikod na sa higaan.

Naisipan kong mag-picture na lang ng sarili. I'm wearing Calvin Clein sports bra and highwaist black cycling. Bahagya kong isinandal ang sarili sa bandirilya ng balcony at itinagilid ang ulo habang seryoso ang mukha. Nang marinig kong na-capture na ito ay mabilis ko itong kinuha.

"Perfect!" I mumbled and immediately post it on my Instagram.

Wala pang ilang segundo ay dumagsa na agad ang notification ko. Naupo ako sa upuang nasa balcony at doon inubos ang oras sa pagrereply sa mga comments ng iilang kakilala.

@_CassandraMontimer: So sexy...

She even put a water emoji. Napahalakhak ako.

@Milada_Yamamoto: Always ;)

Reply ko sa kanya. Naalala kong hindi ko pa pala naa-accept si Amadeus kaya agad ko iyon ginawa. I saw him online pero hindi ko naman siya kayang i-chat. Nahihiya rin naman ako. Pero halos ibato ko rin ang cellphone ko ng makita na isa siya sa nag-react ng bago kong post. After that, he already sent me a private message.

@Amadues.Contrejas: You finally accept me.

Shit! Kahit ang pangalan niya sa Instagram ay ang guwapo!

@Milada_Yamamoto: Sorry ngayon ko lang kasi naalala.

@Amadues.Contrejas: Maybe because you have many followers?

Suminghap ako sa sinabi niya. Kahit siguro marami akong followers ay agad na makikita ng mata ko ang pangalan niya. Pumikit ako at pagkatapos ay muling nagtipa ng sasabihin sa kanya.

@Milada_Yamamoto: Hindi naman...

@Amadues.Contrejas: Are you going to the party?

He's opening a conversation with me. Kikiligin na ba ako?

Well, kahit wala naman siyang ginagawa ay kinikilig na ako, e! Gosh, Milada!

@Milada_Yamamoto: Hindi, gusto ko mag-enjoy si Tita Kilari na hindi ako ininiintindi. 'Tsaka party nila 'yon, e. How about you?

@Amadues.Contrejas: I'll just stay in our room. Or maybe going in the pool later.

Doon ako napabangon mula sa pagkakasandal sa upuan.

@Milada_Yamamoto: Ako rin! Mag-s-swimming ako roon para malibang.

Naghintay ako ng message niya sa 'kin pabalik pero walang dumating. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala na talaga. Nagpasya na lang akong pumasok sa kuwarto at nahiga sa kama na nakalaan sa akin. Si Tita Kilari naman ay mahimbing na ang tulog.

At nang sumapit na ang gabi kung saan oras ng party nila Tita Kilari ay heto ako at pinapanood ang tita ko na sobrang ganda sa ayos niya. Maraming nagsasabi na kamukhang-kamukha ko si Tita Kilari na kahit ako ay naniniwala rin. Mula sa mga picure niya noong bata siya at hanggang sa pagdadalaga ay totoong hindi na lalayo ang aming itsura. Mas kamukha ko pa siya kaysa kay mama.

"You're beautiful, Tita..." I muttered.

"Hmm, thank you..." ngumiti ako at pinasadahan siya bg tingin.

"Let's take a picture!" kinuha ko ang cellphone ko sa side table ng kama at agad siyang hinila sa may balcony para roon kami mag-picture.

Marami kaming shots na nakuha at nang matapos ay hinatid ko lang siya hanggang sa pintuan. Hindi na rin ako nagulat na naroon si Mr. Payton. 

"By partner ba roon sa party... po?" tanong ko kay Mr. Payton.

"Ah... no, Milada. I just want to fetch your aunt." Nanliliit ang mata kong tiningnan siya.

"Sure... po." 

Tumango siya at nangingiti.

Bumaling ako kay Tita na inaayos ang saya ng gown niya para hindi siguro matapakan sa paglalakad niya mamaya. Agad naman siyang tinulungan ni Mr. Payton at nakita ko pa silang nagkatinginan. Namula si Tita Kilari at kinagat naman ni Mr. Payton ang ibabang labi niya. Seriously?!

Umiwas ako ng tingin at napatikhim na lang. Ayaw kong makita na gano'n sila sa isa't-isa. Nagtatayuan ang balahibo ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi sila bagay ni Mr. Payton. Mas'yadong maganda ang tita ko para sa kanya. Well... kahit papaano naman ay hindi maitatanggi na puwede na ang itsura ni Mr. Payton.

Nang tuluyan na silang umalis ay ako naman ang nag-ayos. I wore my bikini but of course, hindi ko naman huhubarin 'yon. I'll just stick to my cycling shorts. Naka-bun din ang buhok ko at may iilang takas na buhok roon na hindi nakasama sa tali. Hinayaan ko lang din ang full bangs ko na nakaladlad.

Pagpunta ko sa pool area ay walang tao. Hindi ko tanaw ang loob ng private hall para kila Tita Kilari. Pero sigurado akong nagsisimula na sila. I dipped my feet on the pool while scrolling on my phone. Nang mabagot ay nagpasya na akong lumangoy at iniwan lang ang gamit sa may mini-cottege.

Nakailang balik ako hanggang sa makita ko ang papalapit na pigura. Sa tindig niya pa lang at paglalakad ay kilala ko na agad kung sino 'yon. Nakabukas ang screen ng cellphone niya kaya maliwanag ito.

Lumangoy ako palapit sa kanya at tumigil naman siya at mukhang hinihintay din ako. Napangiti ako at kumapit sa gilid ng pool habang nakatingala sa kanya.

"Hindi ka na nagreply sa chat ko..." sabi ko sa kanya.

"Namatay," tipid niyang sabi.

"Ah... okey..." 

Tumingin siya sa paligid.

"You're alone here. Dapat may kasama ka. Iba-iba ang tao rito, Milada..." ngumiti ako at tumango.

"Si Tita Kilari sana, kaso nasa party siya, 'di ba? 'Tsaka hindi ko naman matitiis na manatili roon sa kwarto. But it's okay, you're here naman kaya ikaw na lang ang kasama ko." Ngumiti ako.

Napatitig siya sa 'kin at kinagat ang ibabang labi. Umiwas ako ng tingin at bahagyang nilubog ang katawan sa tubig dahil sa kahihiyan. Bakit bigla kong nasabi 'yon. Baka mamaya ay ibang ang maisip niya sa sinabi ko.

"What are you doing?" aniya sa ginagawa ko.

"Ah... w-wala..." he nodded. "Hindi ka maliligo?" 

Nakita ko ang pagpikit niya kahit pa madilim. Umiling siya at bumuntong-hininga.

"Babantayan na lang kita," ngumiti ako at tumango.

"Nandoon ang mga gamit ko," turo ko sa mini-cottege. "You can go there." 

Wala naman siyang ibang sinabi at naglakad na palapit doon. Naupo siya agad at parang lifeguard nga ang ginagawa. Bigla tuloy akong nahiya dahil para akong butete lumangoy. 

Kung kanina ay hindi ako nahihiya dahil wala naman nakatingin. Ngayon ay para na akong kawayan na nakalutang sa tubig. Nagpalutang-lutang na lang ako at hindi nag-abala pang sumisid. Baka tuluyan ng matawa si Amadeus sa paraan ng paglangoy ko.

Makalipas ang ilang minuto ay umahon muna ako para kumain. Nagdala kasi ako ng snacks in case na magutom ako. Nandoon lang siya nakaupo at sinusundan ako ng tingin. Nagbukas ako ng Nova at bahagyang nilapit sa kanya bilang pang-aalok. Pero iling lang ang sagot niya sa 'kin.

"Are you not cold?" aniya.

"Hindi naman. Sanay ako." Tumango siya. "Ikaw? You really don't want to swim?" 

"Wala akong dalang damit. Or even towel..." bumilog ang labi ko.

"Oh... okey," sagot ko.

Natahimik kami saglit at hinayaan lang ang tunog ng mga kulisap at kuliglig. Patuloy naman ako sa pagkain ko pero habang ginagawa 'yon ay nililingon ko si Amadeus na seryoso ang matang nakatingin sa kawalan. His jaw are even clenching.

"I didn’t give Angel a false hope. Nilinaw ko na sa kanya kung ano lang ang tingin ko dito.” 

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na hindi namin ito napag-usapan. Dumaan na ang ilang araw at mukhang gusto niya ito na pag-usapan namin ngayon.

"Then what's with her reaction? Kung hindi mo siya binigyan ng pag-asa?" hindi ko mapigilan ang pagtataray sa tono ko.

"She's a friend and I treat him kindly because she's one of my circle of friends. I see her only as a friend." Umangat ang gilid ng labi ko.

"The way she accused me na inagaw daw kita sa kanya at pinalandakan 'yon sa loob ng room, tuwing naaalala ko 'yon ay naiinis ako, Amadeus. She humiliated me in front of our classmates. You know I will never do that kind of thing. That's so low." Umirap ako.

"I know... I already talk to her. She wanted to apologize..." pagak akong natawa.

"If she's really sorry, sana sa pagbalik niya pa lang sa school ay ginawa niya na. You know, you're friend is a bit possesive towards you. Sigurado ka ba na hindi naging kayo?" pang-uuyam ko at hindi na maitago ang iritasyon.

"I already told you a countless time, Milada. She's my friend. Nothing more..." he looks frustrated and irritated too.

"Why are you even explaining?" natigil siya at nag-iwas ng tingin.

"Gusto ko lang... is that bad?" nilingon ko siya at sumubo ng Nova.

"Hindi naman..." tumango siya.

"She's not my girlfriend. Hindi kami nagkaroon ng relasyon. She's my friend, Milada..." tumango ako.

I appreciated it. He explained his side. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin ang mga bagay na baka naging sila nga ni Angel o baka nagkaroon ng something between them. Kasi ang taong gano'n ay hindi naman iiyak at magagalit sa sitwasyon na 'yon.

Bumuntong-hininga ako. Naramdaman kong nilingon niya ako kaya tumingin din ako sa kanya pabalik.

"Ano nang nangyari kay Angel ngayon?" tanong ko.

"Don't mind her, Milada." Ngumuso ako sa sagot niya.

"Baka mamaya ay magulat na lang ako at hihigitin niya ang buhok ko kasama ang mga kaibigan no'n. Tapos ako na naman ang mukhang masama. She hurt me first. Pero dahil palabas pasok ako sa guidance office ay ako talaga ang iisipin na nauna." Mahabang sabi ko sa kanya.

"Kinausap ko na siya. She’ll never do that again." I pout my lips slightly.

"Hindi mo sure." Sabi ko sabay ngisi sa kanya at hindi nawawala ang pagtataray roon.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. He looks amused. Naiiling pa ito sa kanyang upuan habang nakatingin sa akin.

"If she do it again... ako ang makakalaban niya." 

Saktong umiinom ako ng tubig ng sabihin niya 'yon kaya napaubo ako at nabuga sa kanya ang tubig na iniinom. Nanlaki ang mata ko ng sundan niya ng tingin ang kanyang khaki shorts. Basa iyon at gusto ko na lang tumakbo palayo dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

Kinuha ko ang towel na nakatapis sa balikat ko at agad na dinaluhan siya para punasan ang basa sa kanyang khaki shorts. At nang pupunasan ko na ito ay mabilis niyang napigilan ang kamay ko para gawin 'yon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang siya ay nakababa ang tingin sa akin. Ang puwesto namin ay siya na nakaupo sa silyang bakal at ako na bahagyang nakaluhod at nakahawak sa gilid ng upuan habang bitbit ang towel malapit na sa kanyang hita.

"Damn! Stand up, Milada, what are you doing?" nagulat ako sa kanya kaya mabilis akong napatayo.

Doon ko lang napagtanto kung anong naging ayos namin kanina. I'm not innocent like the other young people. At naiintindihan ko kung bakit niya ginawa 'yon. Marahas ang kanyang paghinga at napasuklay sa buhok. Nag-init ang aking pisngi.

"Sorry..." I mumbled.

Nilingin niya ako gamit ang kanyang madilim na mata. 

"Don't do that again, Milada." Aniya sa mariing boses.

"Huh?" lumakad siya palapit sa akin at kinuha ang towel sa kamay ko.

"Hindi mo 'yon uulitin." Pinal niyang sabi at siya na mismo ang nagpunas sa sarili niya.

Alam kong nakatingin sa akin si Amadeus habang nalangoy ako. Pagkatapos ng nangyari kanina ay mabilis akong nagpaalam sa kanya para mag-swimming ulit. 

The way he reacted. Na-offend ko ba siya? Hindi ko naman ginusto 'yon. I just wanted to help him dry his shorts.

Muntik pa kong lumubog sa tubig ng makita kong papunta sa pool si Amadeus. Hindi kalaunan ay nag-squat siya at dahan-dahan na umupo sa gilid ng pool. He even put his feet in the water.

"Lalangoy ka na?" tanong ko.

"No, babantayan ka lang." Ngumuso ako.

"As if naman na malunod ako. I'm a swimmer, Amadeus." Sabi ko pa.

"So?" umiling ako at hinayaan siya roon. Lumangoy na lang ako palayo sa kanya.

Suddenly, I remember something that makes me go to Amadeus direction again. Nakita niya 'yon kaya umayos siya ng upo at nakaabang lang sa paglapit ko sa kanya.

"Do you want me to take you a picture? I'm good at it!" sabi ko rito.

Alam kong nagtataka siya.

"Wala kang profile picture sa Instagram mo. I can take you a picture here. What do you think?" mukha pa siyang nag-iisip noong una pero kalaunan ay pumayag din sa gusto ko.

Inahon niya ang paa niya sa tubig at agad na nilahad ang kamay para tulungan akong makaahon sa pool. Nag-init ang pisngi ko ng tanggapin ang kamay niya. His hands are warm and big. 

Nang makaahon ay agad akong bumitaw sa kanya at nauna pang pumunta sa cottege. Kinuha niya ang cellphone niya at kung may anong itinipa roon bago binigay sa akin. Tinanggap ko 'yon at nakitang ipinunta niya na pala sa camera.

"Ah... saan mo gustong kuhanan kita? Sa pool or doon sa may paintings?" tanong ko.

"You decide," tumango ako.

"Ah, siguro maganda kung dito sa may pool and you should pose like this..." sabi ko sabay pakita kung paano siya magpo-pose.

He just nodded and followed me on the pool side. Bahagya akong yumuko habang hawak ang phone niya para umanggalo. Narinig ko ang buntong-hininga niya at umalis sa puwesto na kinatatayuan niya. 

Sinundan ko siya ng tingin at kinuha ang robe ko roon. Pagkatapos ay bumalik sa akin at binigay 'yon.

Tuluyan ng nalaglag ang panga ko ng mapagtanto ang sinabi niya. 

"Put that first. I see something, Milada."

Continue Reading

You'll Also Like

3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
392K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...