Secretly Born The Billionaire...

By jayewel

1.1M 27.2K 1.2K

Yssa did everything for the sake of her sick mother. Ngunit ang decision pala na ginawa niya ay magdadala sa... More

🌵PROLOGUE🌵
💦Episode 1💦
💦Episode 2💦
💦Episode 3💦
💦Episode 4💦
💦Episode 5💦
💦Episode 6💦
💦Episode 7💦
💦Episode 8💦
💦Episode 9💦
💦Episode 10💦
💦Episode 11💦
💦Episode 12💦
💦Episode 13💦
💦Episode 14💦
💦Episode 15💦
💦Episode 16💦
💦 Episode 17💦
💦 Episode 18💦
💦 Episode 19💦
💦 Episode 20💦
💦 Episode 21💦
💦 Episode 22💦
💦 Episode 23💦
💦 Episode 24💦
💦 Episode 25💦
💦 Episode 26💦
💦 Episode 27💦
💦 Episode 28💦
💦 Episode 29💦
💦 Episode 30💦
💦 Episode 31 💦
💦 Episode 32 💦
💦 Episode 33💦
💦 Episode 34💦
💦 Episode 35 💦
💦 Episode 37 💦
💦Episode 38💦
🍂 Epilogue 🍂
PROLOGUE OF TBLW: Trez and Rose

💦 Episode 36 💦

20.8K 486 22
By jayewel


Kinabukasan ay hinatid niya kami ni Raz sa school, pero nalungkot ako nang halos hindi siya nakapagpaalam ng maayos dahil nagmamadali siya ng husto.

Ni hindi niya ako niyakap at hinalikan kaya nainis ako sa kaniya, parang ang sarap niyang sampalin nang makaalis na siya. May urgent meeting daw kasi siya, pero kailangan ko nalang intindihin at kahit nalungkot ako ay kailangan ko ding labanan.

Dumeretso ako sa room at nagulat ako dahil bawat bata na nadaanan ko ay may bitbit na tulip flowers, at nagulat ako nang isa-isa nilang binigay ito sa'kin.

“Kanino galing ito?” tanong ko ngunit nakangiti lang sila kapag nagtatanong ako. Ayoko sanang tanggapin dahil baka magagalit na naman si Tauruz, pero hindi ko sila mapipigilan at sunod-sunod na silang nagbibigay sa'kin.

Maya-maya ay hinila na nila ako papuntang school covered court kung saan ginagawa ang flag ceremony.

“Ano bang ginagawa niyo?”

“Miss Cajeldo congrats sa inyo” sabi ng isang co-teacher ko at may inabot siyang bulaklak. Naguluhan ako at tatanungin ko sana siya kung kanino galing, ngunit agad din siyang umalis.

Paglingon ko ay napanganga ako nang makita ang mga students at maging mga teachers na may bitbit na tulip flowers, at ang ilan ay may bitbit na balloons. Ngunit mas lalong natuon ang paningin ko sa taong nakatayo sa gitna ng court, at may nakapalibot na mga petals ng rose sa paligid niya.

Natuod ako at halos hindi makagalaw, naglakad siya papunta sa'kin at inabot niya sa'kin ang napakagandang bouquet ng bulaklak. Lutang ko itong tinanggap at naiiyak na ako, lalo na nang bigla-bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko. May bitbit siyang maliit na kahon, at lumantad sa'kin ang kumikinang na singsing nang binuksan niya ito.

Nakatingala siya sakin at nakatitig lamang ako sa kaniya at nangangatog ang mga tuhod ko. Nakarinig ako ng mga sigawan at hiyawan ngunit halos hindi ko na maintindihan.

“Wife, I’m really deeply in love with you, to the point that I wanted to named my last name to you. No more words baby One, marry me Yssa Cajeldo”

Nagblurred ang paningin ko at napatango ako sa kaniya dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko, halos gusto ko nang sumabog sa kaba at saya.

Hindi ko kasi akalain lahat ng ito, sa naalala ko sumama ang loob ko kanina dahil hindi niya ako masyadong pinapansin sa kotse, at agad siyang umalis paghatid niya sa amin. Tapos ito pala ang gagawin niya, he made me the most happiest woman in the world because of this kind of surprised.

“Yes hubby…I will marry you Tauruz Kulton”  agad siyang napatayo at niyakap ako.

“God! I love you, thank you wife” hindi na ako nakapagsalita at parang naging jelly ang mga tuhod ko. Kumalas siya sa'kin at isinuot sa daliri ko ang singsing. Hinawakan niya ako sa kamay at hinalikan niya ito.

“Mahal na mahal kita One, and no Matter what happens, sa'yo lang ako uuwi” he said makes my heart moves.

My days was filled of joy, at ‘yon ay dahil sa walang sawang pagpapasaya ni Tauruz sa akin. We’re now planning for our upcoming wedding, ayaw niya na ngang sayangin pa ang oras at gusto niyang madaliin ang kasal namin.

Eight weeks pa lang naman ang tiyan ko, kaya hindi pa halata at maaari pa akong magsuot ng wedding gown. At sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa at excitement.

Sabay din naming pinaplano ang lahat, mula sa organizer, motif, venue and etc. Naging busy ang mga lumipas na linggo namin, ngunit hindi parin siya nawawalan ng oras para hanapin si Shone. Para pagbayarin ito sa lahat ng nagawa niyang atraso sa amin.

Ang ayoko lang sa lahat ay laging pumupunta ng office niya si Shine, ilang beses na kasing sinusumbong ng secretary niya sakin kapag nandoon siya.

May pagkakataon na naabutan ko siya doon, ang sabi niya ay may meeting daw sila dahil isa rin siya sa mga investor ng company. Pero hindi ako kumbinsido, at nainis nalang ako bigla at hindi pinansin si Tauruz.

Nagpaliwanag siya sakin ngunit naiinis parin ako, at inaamin ko sumama ng sobra ang loob ko. Nasasaktan ako ngunit pilit niyang ipinapaintindi sa'kin, na wala siyang ginagawang mali.

At yun nga, inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaniya, napaiyak ako at inaamin na nagseselos ako sa bruhang Shine na ‘yon! Naiinis ako kapag kinakausap niya si Tauruz dahil alam ko ang mga galaw niya. Kaya nga muntik nang hindi nakarating si Tauruz sa piniling venue namin para sa kasal dahil sa bruhang ‘yon!

Alam kong sinasadya niya ang lahat! Ang secretary niya ang tagamasid ko doon sa office, at ang dami niya pang deskusyon na ginagawa para lang humaba ang usapan sa meeting!

Umiinit talaga ang dugo ko sa babaeng ‘yon! Napabuntong hininga ako at bumaba ng school service, dahil meron kaming seminar na gaganapin sa Head department ng School. Iniwan ko si Raz sa yaya niya, at dadaanan ko nalang mamaya pagkatapos ng seminar, dahil susunduin naman kami ng daddy niya.

Umabot pa ng dalawang araw ang tampo ko sa ama niya, at kung hindi niya pa akong sinurpresa kagabi ay hindi ko pa sana siya kakausapin. He made a dinner for us, at doon kami kumain sa garden dahil sa ginawa niyang decoration, aaminin ko natuwa ako sa ganda ng ginawa niya.

Patay lahat ng ilaw at ang table lang na napapalibutan ng mga lights ang nakabukas. Nakakainis kasi kaunting landi niya lang napapaamo niya kaagad ako. Pero napapangiti nalang ako kapag naaalala ang mga kakornihan niya.

Nang magkaroon kami ng break, ay lumabas na muna kami at nagkayayaang kumain na muna sa kabilang kanto, at mayroong mga maliliit na fastfood at café.

After ng seminar ay sumabay narin ulit ako sa school service pabalik ng school, para sabay kaming pumunta ni Raz sa office ng daddy niya, half day lang din kasi ang class ngayong araw.

Ngunit pagbaba na pagbaba ko ng sasakyan ay may tumawag nalang bigla sa pangalan ko. At paglingon ko ay nakita ko si Shine, anong ginagawa niya rito? Naglakad siya papalapit sa'kin at ngumiti pa siya. Ang kapal lang ng mukha niya!

“I’m glad to see you Yssa, can we talk for awhile?” Napatitig lamang ako sa kaniya, at para saan naman ang pag-uusapan namin? At bakit naman ako makikipag-usap sa kaniya aber!

“Para saan? I’m sorry but I have to go, pupuntahan ko pa ang anak ko sa loob”

“Don’t worry saglit lang ito, hindi pa naman siguro dismiss kaya puwede ba muna tayong mag-usap? This is really important”

“Para saan ba? Sabihin mo na ngayon din” walang gana kong sagot ngunit ngumiti lang siya ng pilit sa'kin. Napabuntong hininga siya at inaya akong doon kami mag-usap sa café, sa tabi lang ng school. Ang dami niyang arte!

Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula siyang maglakad papunta doon sa café, inis akong sumunod sa kaniya at pumasok din ako sa loob. Para saan ba kasi ang pag-uusapan namin? Makikiusap ba siyang makipaghiwalay nalang ako kay Tauruz? Desperada na ba talaga siya?

Umupo siya sa pinakadulong table at lumapit naman ako sa pwesto niya.

“What is it this time Shine?”

“Ahm, I just want to apologize about the agreement Yssa, gusto kong humingi ng sorry in person dahil alam kong ikakasal na kayo ni Ruz next month. Kung ano man ang napagkasunduan namin, promise hindi mapipinsala ang kasal niyo”

Napakunot noo ako, anong ibig niyang sabihin? At ano ang sinasabi niyang agreement? Ang alam ko tapos na ang usapang ‘yon at nakahanap na sila ng solution, at ‘yon ay ang ibenta ang ilang properties upang palitan ng bago at kunan ng bagong franchise? Ano na naman ito ngayon?

“Anong sinasabi mong agreement Shine?” napakunot noo din siya ng itanong ko iyon sa kaniya.

“What? Don’t tell me hindi sinabi ni Tauruz sayo?” Nag-init bigla ang pisngi ko nang sinabi niya ‘yon. Hindi niya pa nasasabi ang gusto kong malaman, ngunit parang sasabog na ako.

“Straight it to the point what is it? Anong hindi ko nalalaman ha?” Nagtitimpi ako pero ang totoo gusto ko na siyang singhalan.

“Oh god...I’m sorry but, Tauruz signed the agreement two weeks ago, noong huli akong pumunta ng mansion. Akala ko kasi nasabi niya na sayo, but don’t worry Yssa, this would be a fake mar____”

“Fake? Really?” hindi ko na maitago ang hinanakit sa dibdib ko nang sabihin niya ‘yon. Para akong sinasaksak sa dibdib. How dare him! Bakit hindi man lang niya magawang ipagtapat sa'kin ang lahat?

Pinagloloko niya lang ba ako? Hindi niya alam, kung gaano nakapagbibigay ng sama ng loob lahat ng kasinungalingan na ginawa niya ngayon sa'kin!

“I’m really sorry Yssa, but I’m pretty sure, sasabihin din ni Tauruz sayo but____”

“Talaga? Masaya kana ba Shine? Masarap ba sa pakiramdam na pakakasalan ka niya?” naiinis kong tanong at pilit kong pinipigilan ang mga luha ko.

“Look, ayokong pumagitna sa kasal ninyo okay? And I’m sorry dahil gusto ko lang naman sanang humingi ng tawad kung bakit kailangan naming gawin ‘yon. I thought you already know about it, that’s why naglakas loob akong kausapin ka”

Kinalma ko ang sarili ko dahil parang sasabog na ako sa tindi ng inis at galit na nararamdaman ko ngayon. How dare him to hide all of this from me? At kailan naman niya balak sabihin sa'kin ang lahat? Kapag tapos na ang sinasabi nilang fake marriage? Magsama sila!

“Believe me Yssa, hindi ako nandito para sirain kayo. Akala ko talaga nasabi niya na sa'yo, but this is only a fake” literal na nanginig ang mga kamay ko nang makita ang papel na pinirmahan ni Tauruz. Isa itong agreement na dapat ang kasal nila ay fake lamang.

Pero kahit na, para sa kanilang tatlo lang ng ina niya ang usapang nakasulat sa papel! Paano kung tutusuhin siya ng Shine na ito? Fake? Talaga? At kahit pa sabihing fake ‘yon, ay kasal parin 'yon sa mata at sa batas ng diyos!

Hindi na ako nakapagsalita pa at agad akong tumayo at naglakad palabas ng café, tumakbo ako ngunit pakiramdam ko wala na akong lakas. Para akong pinipiga sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

SBTBS > jayewel

PLEASE VOTE THIS CHAPTER NGAPALA THANK YOU FOR SUPPORTING SBTBS SINCE 2020🤭 TUMAGAL ITO DAHIL NAPENDING SYA ALMOST 2YRS ATA SO THANK YOU SO MUCH SA LAHAT NG WALANG SAWANG PAGSUPORTA 😊

ILYA❤️

Continue Reading

You'll Also Like

225K 4.8K 23
Denzo is destined to be Lezil's husband, but he can't give up Sandy, his girlfriend, just because of what his parents planned about marrying other wo...
65.2K 1K 33
Alliana Venice Trinidad. A college student who was supposed to go to law school but lacked the budget and thought of working first, she didn't pass t...
799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.3M 21.5K 59
Xhiana Zalean Ramirez did'nt expect na magkakaroon siya ng isang bagong kapatid at bagong ina. After her mom died, wala na siyang ginagawa kundi saya...