Secret Glances

By viexamour

37.9K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 9

964 27 5
By viexamour

Mahigpit na yakap ang nakuha ko kay Tita Kilari habang sapo-sapo ang pisngi ko. Iginilid niya pa ito para tingnan kung may ilang galos pa ba ako. Pero napangiwi na lang ang ng paluin niya ako sa pwet ng malakas gamit ang kanyang palad.

"Ouch!" angil ko at bahagyang hinimas ang puwetan ko.

"Bakit ka nakipag-away?!" malakas niyang sigaw at galit na galit.

Kumamot ako sa aking ulo habang patuloy na hinihimas pwet ko. Feeling ko nag-usok 'yon dahil sa lakas ng palo ni tita. Ang bigat ng kamay.

"Hindi naman po ako ang nauna..." sabi ko pa.

"Oo at alam kong hindi mo talaga magagawa 'yon. Pero bakit naman mukhang puro ka sugat? Napuruhan mo ba ang mga nang-away sa 'yo?" umawang ang labi ko sa tanong niya. "Kung makikipag-away ka naman, e 'di sana nilubos mo na, Milada! Hindi iyong ganyan. Mukha kang kawawa!" She said frustratedly.

Ngumuso ako at umiling sa kanya.

"Alam mong hindi ko gagawin 'yon, 'Ta. Lumaban naman ako at sapat ng napagtanggol ko ang sarili ko. Na suspend naman sila samantalang community service naman kami ni Cassie. Hindi na rin po kami luge." 

Umirap siya sa sinabi ko at akmang papaluin ulit ako pero tsinelas na ang gamit. Kumaripas ako ng takbo.

"Ikaw na bata ka! Bumalik ka rito!" sigaw niya mula sa baba.

Mabilis kong naisarado ang pinto ng kwarto ko at natawa ng mahina. Nakakakaba pala talaga kapag hahabulin ka ng pamalong tsinelas.

Naligo ako at sinuot na ang pantulog na damit. Habang hindi pa tuyo ang buhok ay naisipan ko muna'ng tumambay sa balkonahe. Nilabas ko ang cellphone ko at nagscroll sa social media. 

Marahas akong napatayo sa recliner chair ng makita ang notification ko. Nanlaki ang aking mata at agad na pinindot 'yon. Nakagat ko ang ibabang labi ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I immediately dialed Cassie's number. Matagal pa bago ito nasagot.

[Why? Natutulog na iyong tao, oh!] 

Humalakhak ako.

"Cassie, guess what?" excited kong sabi.

[What?]

"Amadeus followed me on my Instagram!" masaya kong sabi.

Saglit akong sumulyap sa katapat kung nasaan kita ang bintana ng kuwarto ni Amadeus. Patay na ang ilaw at mukhang nagpapahinga na siya. Bakit hindi ko agad napansin 'yon. Apat na oras na ang nakalipas sa notification na 'yon at hindi ko mapigilang kabahan at ma-excite. Parang kanina lang ang sama-sama ng loob ko. Tapos dahil lang sa nag-follow siya sa 'kin ay para na akong mababaliw.

[Kakagising mo lang ba, Milada? Nakatulog ka na ba o baka naalimpungatan ka lang?]

Bakas sa boses niya na antok na talaga siya at parang hindi pa napo-proseso ang sinabi ko.

[What?!]

Kalaunan ay muli niyang sabi.

"Yes..." kagat labi kong sabi at pumasok na sa loob ng kuwarto ko.

[Ang tanda ko ay wala naman siyang Instagram account bukod sa Facebook na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ina-accept!] 

Sumimangot ako sa huling sinabi niya.

"Malay ko," tumigil ako saglit. "Baka naman gumawa siya?"

[Ay, ewan ko, Milada! Bukas na nga tayo mag-usap at antok na antok talaga ako!]

"Yeah, yeah! Thank you for answering my call..." humagikhik ako.

[Of course, it's you! Bye good night you witch!]

Hindi pa ako nakakapag-good night sa kanya ay pinatay niya na ang tawag.

Binalik ko 'yon sa Instagram at tinitigan lang ang profile ni Amadeus. Pangalan lang ang nandoon at ginawa lang noong isang araw. Wala siyang profile picture at ako pa lang ang nasa following niya. Suminghap ako at hindi mapigilang kiligin.

Oo at naguguluhan ako sa mga ginagawa ni Amadeus. Pero hindi naman maaalis sa akin na sobra ko siyang naa-appreciate. Kahit hindi niya man sabihin 'yon ay nararamdaman ko naman na tinutulungan niya ako. But this... malaking bagay na ito sa akin. Para sa taong may crush na nagawang i-follow sa social media.

Kaya kinabukasan ay good mood talaga ako. Nakalimutan ko na nga na tinakbuhan ko si Tita Kilari kahapon na may bitbit na tsinelas. 

Muli namin pinag-usapan ni Cassie ang napag-usapan namin kagabi at marami siyang sinabi na baka daw fake account. At dahil hindi rin naman ako sigurado ay naniwala na ako sa kanya. Isa pa, hindi ko pa naman ina-accept kaya ayos lang. Baka mamaya ay nanti-trip lang 'yon at ako ang naisip pagtripan.

"Ang dami-dami namang kalat!" reklamo niya habang winawalis ang mga tuyong dahon.

Nasa kalagitnaan kami ng initan sa may oval. Nagwawalis bilang parusa. Hindi naman namin alam na kinabukasan agad ang community service. Basta lang kasi sa amin sinabi na iyon nga ang parusa namin.

Basa na kami ng pawis dalawa at mabuti na lang ay may extra akong damit sa locker. P.E. uniform ko 'yon at iyon na lang naisipang gamitin mamaya. Hindi ko lang alam kung meron din si Cassie na baon.

"Sana bago ni Ma'am Ochoa sinuspinde ang apat ay pinatulong muna sa community service. Feeling ko kulang pa iyong suspension sa kanila, e!" aniya at parang masama pa rin ang loob hanggang ngayon.

"At least, naparusahan pa rin sila kaysa hindi." Tipid kong sabi.

"Alam mo, ang bait mo kasi, Milada." Umiling ako.

"Hindi ako mabait, Cassie. Alam mong kung wala tayo sa school ay talagang magagalusan ko ang mga 'yon. But we are inside the campus. Syempre hindi maganda 'yon," umirap siya.

"Accept it, Milada. Sa ating dalawa ay ikaw ang malambot ang puso. You look innocent..." humalakhak ako.

"Am I?" I teased her.

"Oo! Siguro dahil may dugo ka talagang hapon," nagkibit ako ng balikat at hindi pinansin ang huli niyang sinabi.

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglilinis. Excuse naman kami sa klase dahil nga may kasalanan kaming ginawa. Pagsapit ng hapon ay natapos na kami pero bukas ay maglilinis ulit kami. Isang linggo namin itong gagawin at sa unang araw pa lang ay nakakapagod na. Wala rin naman kaming masisisi dahil kasalanan namin iyon.

"Ayoko na, Milada! Kapag kasama natin ang tatlong lalaki ay hindi tayo nahihirapan dahil sila na ang gumagawa ng lahat. Pero ngayon ay ewan ko na lang! Tawagan ko kaya si Ulrim o 'di kaya si Ulrid? Tapos tawagan mo rin si Radin!" umirap ako sa sinabi niya.

"Nasa klase sila, Cassie. Makakaistorbo ka lang..." sabi ko pa.

Bitbit ang walis tingting ay naglakad na kami paalis ng oval. May iilang estudyante kaming nakakasalubong at hindi nakatakas sa akin ang mga tingin nila. Siguro'y iniisip na na-guidance na naman kami.

"Kilala mo ang mga 'yon. One call away lang," ngumiti ako at sumang-ayon sa kanya.

Nagpalit ako sa C.R. ng damit at pinusod ko rin paitaas ang buhok ko. Mamula-mula ang aking balat lalo na ang pisngi at ang tuktok ng ilong ko dahil sa nababad kami sa init. Sinuklay ko ng bahagya ang bangs ko at hinayaan ang iilang tikwas ng buhok ko na hindi na kayang isama sa pagkakatali.

Naglagay ako ng liptint sa labi at nagpolbos na rin para hindi magmukhang haggard. Pagkatapos ay nagpasya na akong lumabas. Nag-aabang lang sa labas si Cassie at mukhang dito na siya nag-ayos ng sarili dahil fresh na rin itong tingnan.

Dumiretso na kami sa guidance office para pumirma sa logbook. Wala na roon si Mrs. Ochoa pero nandoon ang student council. At s'yempre, nandoon din si Amadeus.

"O, tapos na kayo?" si Aiden ang unang nakapansin sa amin pagpasok.

"Hindi ba obvious?" sarkastikong sagot ni Cassie kaya palihim ko siyang siniko.

Kumunot ang noo ni Aiden na nakatingin sa kanya. Yumuko si Cassie at parang naging tuwad na 'yon dahil mababa ang lamesa. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon o talagang nagkataon lang. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mariing pagpikit ni Aiden at ang masamang tingin na iginagawad kay Cassie. Ang kaibigan ko naman ay nakangisi habang pumipirma roon.

"Matagal pa ba 'yan?" si Aiden.

"Kaunti na lang..." umawang ang labi ko sa tonong pang-aakit ni Cassie.

Anong bang ginagawa ng babaeng 'to?

Binangga ko ang tagiliran niya kaya bahagya siyang nawalan ng balanse dahilan para mahawakan siya sa baywang ni Aiden.

Ngumisi ako.

"Milada!" aniya pero nagtaas lang ako ng kilay sa kanya.

Mabilis siyang lumayo kay Aiden at inayos ang sarili. Nakita ko pa ang pagbibigay niya ng masamang tingin kay Aiden pero kita naman na namumula ito. 

Ako na ang sunod na pumirna sa logbook at hindi katulad ng kay Cassie ay mabilis lang akong nakapirma roon.

"Meron pa kayo bukas, 'di ba?" tanong muli ni Aiden.

"Oo, medyo maraming nagkakalat na tuyong dahon sa may oval. 'Tsaka roon sa may garden. Puro tuyong dahon lang ang nawalis namin. Nakakapagod nga, e..." pagkukuwento ko rito.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Amadeus sa puwesto namin. Kinuha niya ang logbook at nilagay na sa loob ng cabinet. Nagtama ang mata namin at ako na agad ang nag-iwas ng tingin.

Simula ng mag-usap kami kagabi ay parang nailang na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinabi niya na nagpa-assume sa akin o baka dahil takot akong mag-expect mas'yado.

Sa mga paggamot niya sa sugat ko. Sa mga comforting words na binigay niya sa 'kin. Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan. Mas lalong lumakas ang paghanga ko sa kanya. Tama si Cassie. Nakakatakot pala talaga. Kung noon ay wala akong hirap na umamin sa kanya, ngayon naman ay puno ako ng pag-aalinlangan. Gusto ko siya pero kahit kailan ay hindi na sumagi sa isip ko na umamin pa sa kanya.

"Talaga bang si Amadeus ang pinag-awayan niyo?" suminghap si Cassie sa tabi ko.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Aiden.

"Ano ba naman 'yan! Wala bang preno ang bibig mo? Kalalaki mong tao!" si Cassie.

"Huh? Nagtatanong lang ako, Cassie—"

"Don't! Hindi tayo close!" sabay irap ng kaibigan ko.

"Ah... maybe Angel misunderstand everything. Syempre magseselos siya kasi boyfriend niya si Amadeus..." 

Nag-iwas ako ng tingin. Kita ko sa gilid ng aking mata ang paggalaw ni Amadeus sa puwesto niya. 

"She's not." Mapanganib niyang sabi.

Takot akong tumingin sa kanya. Kahit pa sinabi nito na walang sila ni Angel ay hindi ko pa rin maiwasan isipin na baka nagbigay siya ng motibo kaya ganoon na lang ang reaksyon ng isa.

"Huh? Hindi naman girlfriend ni Amadeus si Angel. They are just friends, Milada." Sagot ni Aiden.

"Hindi naman siguro magre-react ng gano'n si Angel kung walang namagitan sa kanila, Aiden. 'Tsaka, ako na nga ang dumidistansya pero nadadamay pa rin ako sa kanilang dalawa." Walang preno kong sabi. "Sige, mauna na ako."

Bumaling ako kay Cassie at tumango naman ito na agad na sumunod sa akin. Sabay kaming lumabas ng gate at malayo pa lang ay ang pamilyar na sasakyan ang siyang nakita kong nag-aabang doon.

"Milada..." napatingin si Cassie kay Mr. Payton.

"Kilala mo?" puno ng pagtataka ni Cassie.

"Oo," tipid kong sagot.

"Hindi ba 'yan masamang tao?" paniniguro niya pa.

"Hindi..." tumango siya. "Sige na, mauna ka na. Kita na lang tayo bukas." 

Nagtagal pa ang tingin niya kay Mr. Payton bago kumaway sa akin at umalis. Lumapit naman ako sa kanya ng hindi ngumingiti. Pero si Mr. Payton ay malaki ang ngiti.

"Uuwi ka na ba?" tumango ako.

"Wala po si Tita Kilari rito. Iba po ang school na tinuturuan niya at alam kong alam niyo 'yon. Kaya bakit kayo nandito... po?" 

Lumipat ang tingin ko sa taong lumabas ng sasakyan niya at nakitang si Tita Kilari 'yon. Umarko ang aking kilay dahil sa eksenang nangyayari.

"Susunduin ka namin ni Kilari. Kakain tayo sa labas..." umawang ang labi ko at naguguluhan pa rin.

"Tita?" tanong ko rito.

Namumula ang pisngi niya.

"Kung labag sa 'yo, Tita, puwede naman tayong humindi." Walang preno kong sabi at walang pakialam kahit pa marinig 'yon ni Mr. Payton.

Wala akong ideya sa kanilang dalawa. Pero kung may past nga sila ay baka gumagawa si Mr. Payton ng paraan para muli silang magkabalikan. Kung wala siyang sabit ay baka hayaan ko ito. Pero kung may asawa at anak na ito ay baka ako pa ang maunang magtaboy sa kanya.

"H-Hindi, Milada... ayos lang," umiwas siya ng tingin at inayos ang buhok ng lumakas ang malakas na hangin.

Tiningnan ko silang dalawa bago tipid na tumango. Sa backseat ako naupo habang silang dalawa ay nasa unahan. Mabango ang sasakyan at maganda ang loob. Halatang sobrang yaman ni Mr. Payton.

Tahimik ang buong biyahe hanggang sa nakarating kami sa restaurant. Hindi ko maintindihan ang mga pagpipilian na pagkain dahil hindi naman kami madalas kumain ni Tita Kilari sa mamahalin na restaurant. Sapat na sa amin ang mang-inasal na unli-rice. Sa mga fast food at iba pa. Hindi katulad ng lugar na 'to na parang lilibuhin ata ang bawat isang putahe.

"I heard that you're good at crocheting, Milada." 

Tumango ako kay Mr. Payton.

"May online shop din po ako kung saan nagbebenta ako ng mga ginagawa ko. Tuwing bakasyon lang ako nakakapag-crochet kasi busy sa school." Sabi ko.

"Busy sa school o busy kang ma-guidance?" si Tita Kilari.

"Tita!" reklamo ko. Tumawa naman si Mr. Payton.

"Bakit ka tumatawa... po?" muntik na akong mawalan ng galang. Mabuti na lang nahabol ko pa.

"Ah... may naaalala lang akong tao." Nakita kong natigilan si Tita Kilari sa tabi ko.

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Mahilig ka rin magluto?" bahagya kong sinuklay ang bangs ko gamit ang aking daliri.

"Kapag magluluto lang ng ulam... po," tumango siya.

"Do you want to take culinary on college?" tumagal na ang tingin ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay marami siyang alam tungkol sa akin.

Nilingon ko si Tita Kilari sa tabi ko at agad siyang umayos ng upo at ngumiti sa akin na mukha naman ngiwi.

"A-Ah, Payton... Engineering ang gusto ni Milada. Hindi culinary..." mabilis na sabi ni tita.

Kita kong naguluhan si Mr. Payton pero tumango na lang din.

Dumating ang mga pagkain namin. At halos malula ako sa dami. Masarap din kaya masarap din ang presyong babayaran ni Mr. Payton. Nakikita ko ang palihim nilang tinginan at kaunti na lang talaga ay pa-prangkahin ko na silang dalawa.

"Sana hindi niyo na lang ako sinama... po," sabi ko ng hindi na makatiis.

Doon lang nagbitaw ang tinginan nilang dalawa at bumaling sa akin.

"Why, Milada?" si Mr. Payton.

"It looks like I'm extra here." Sabi ko pa.

"Milada," si Tita Kilari.

"I think you need some time alone. Ginawa niyo pa akong dahilan, e." Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Tita Kilari. Ang pag-awang ng bibig ni Mr. Payton na para bang nakakagulat ang sinabi ko. "Hindi ba... po?"

"That's not it, Milada. Gusto lang kitang makilala..." pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at tipid na tumango na lang.

Mula sa bintana ng bahay ay nakikita ko pa ang pag-uusap ni Tita Kilari at Mr. Payton. Hindi ko alam kung usap ba 'yon o pagtatalo. Nauna akong pumasok dahil alam kong may pag-uusapan sila na hindi nila masabi kanina dahil nandoon ako.

I gave them privacy they needed. Akmang hahawakan ni Mr. Payton ang kamay ni tita pero mabilis niya itong hinawi at bahagyang tinulak ang dibdib ni Mr. Payton.

Hindi ko kaya ang nakikita ko dahil masyado akong tsismosa. May pasabi-sabi pa akong privacy, e, nakatingin naman ako kahit hindi ko naririnig ang usapan nilang dalawa.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad na nagbihis na at nahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod buhat sa buong maghapon na nakayuko ako dahil sa pagwawalis. Umunat ako at niyakap ang malaking unan sa tabi ko. Hanggang sa nakatulog na lang ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko si Tita Kilari na nag-aayos ng lunch box ko. Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Good morning..." aniya.

"Good morning, Tita..." hindi ko na dinagdagan at naupo na lang para kumain ng almusal.

"Hindi kita maihahatid ngayon," tumango ako.

Tuwing Wednesday kasi ay nakasanayan niya ng ihatid ako sa school lalo't doon lang tumatama ang oras niya sa akin.

Kahit alam kong wala siya sa mood ay hindi na ako nang-usisa at hinayaan na lang siya. Feeling ko naman ay dahil 'yon kagabi kaya hindi na dapat ako magtanong pa.

Paglabas ko ng gate ay siyang saktong paglabas din ni Amadeus. Direkta siyang nakatingin sa akin kaya bahagya akong ngumiti.

"Good morning..." bati ko rito.

"Morning" tumango ako.

Humawak ako sa strap ng backpack ko at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Let's go together at school," kagat labi akong tumango sa kanya.

Hindi naman malayo ang distansya namin dahil kabilang kalsada lang naman siya. Nagulat ako ng tumawid siya at diretsong lumapit sa akin. Napayuko ako at tumingin sa sapatos ko. Nag-iinit ang aking pisngi.

"You still didn't accept me," mabilis akong tumingin sa kanya.

"Huh?" sagot ko.

"I followed you on your Instagram. You didn't accept me..." umawang ang labi ko.

Namilog ang aking mata at malakas ang kabog ng aking dibdib.

"I-Ikaw 'yon?" nauutal kong sabi.

"Yeah, sino pa ba?" parang wala lang sa kanya ng sabihin 'yon.

Parang gusto kong paypayan ang sarili dahil sa kilig na nararamdaman. Siya nga 'yon! Gosh! Kung alam ko lang ay baka wala lang isang segundo ay napidot ko na ang button ng follow back!

"I-I thought, that is just a fake account. Baka may iba lang na gumamit sa pangalan mo lalo't bagong gawa lang. And you don't have a profile picture. Tapos ako lang ang nasa following mo..." tuloy-tuloy kong sabi.

"I don't know much on how to use Instagram. Aiden said that I should..." nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pagpipigl ng ngiti. "Should I put a profile picture there?"

He innocently asked. His forehead creased. 

So cute! Ang cute-cute! Ang sarap pisilin ng pisngi! 

Pero syempre hindi ko naman 'yon gagawin.

"Ah... it depends naman sa 'yo. Gusto mo ba?" tanong ko pabalik.

Tumigil kami dahil naka-stop ang pedestrian lane. 

"Hindi ko alam kung anong picture ang ilalagay ko," totoo niyang sabi.

"You don't have any picture of yourself?" namamangha kong tanong.

Muling nag-go ang pedestrian lane kaya tumawid na kami ni Amadeus. Parehas kaming nag-abang ng jeep at hindi naman nagtagal ay may dumaan na. Medyo siksikan kaya wala kaming choice kundi mas magdikit ni Amadeus. 

He looks not bothered pero ako ay oo! Syempre bihira ko lang naman makatabi si Amadeus kaya sobrang nakaka-tense lalo't gusto ko pa siya.

Binigay niya sa 'kin ang phone niya. Nagtataka ko siyang tiningnan pero agad na kinuha naman 'yon. Ito ang kauna-unahang beses na nahawakan ko ang cellphone niya. Walang password kaya nabahala ako.

"Bakit wala kang password? Hindi mo ba alam na delikado 'yon? Dapat naglalagay ka kasi paano kung mawala ang cellphone mo or may magnakaw? Iyong privacy mo is pwedeng makuha." Pangaral ko sa kanya.

Kinalikot ko ang cellphone niya. Sobrang plain lang nito. Mapa-wallpaper at icons ng cellphone niya. Samantalang sa akin ay may mga teddy bear and hearts pa ang icons ko. Tapos ang homescreen at lockscreen pa ng phone ko ay mga selfies ko.

"Bihira lang naman ako gumamit ng cellphone." Aniya.

"Kahit na, 'no!" giit ko.

Pumunta ako sa settings at agad na pumunta sa security.

"Kahit pins lang or pattern ay okey na 'yon..." nilingon ko siya at nakita itong titig na titig sa akin.

Bigla tuloy akong na-conscious.

"Ay... masyado ba akong pakialamera?" umiling siya at binasa ang kanyang labi.

Napalunok ako at napatingin doon.

"No... it's okey," aniya at parang namamangha pa.

Nagbaba ako ng tingin sa cellphone niya at muli itong in-operate. Mas madali kung pin na lang ang password niya kaya pinunta ko 'yon doon.

"Put your pin here..." binalik ko sa kanya ang cellphone niya. Tinanggap niya naman 'yon at nagtipa roon. Pagkatapos ay muling binalik sa akin.

Pumunta ako sa gallery niya at gusto ko na lang mapairap ng makita puro screenshot 'yon ng lesson or picture ng assignments. Iyong iba ay mukhang paper works sa student council. Ngumiwi ako. Natitiis niya na ganito lang ang laman ng gallery niya? Samantalang ako ay puro selfie ko ang nandoon.

"Wala kang kahit anong picture..." simangot ko.

Tumigil ang jeep at bumaba na kami ni Amadeus dahil nasa tapat na kami ng school. Binalik ko sa kanya ang cellphone niya at tinanggap niya naman ito.

"Maybe I'll put picture next time..." tumango ako at napangiti.

May iilan na nakakita sa amin habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko alam sa sarili kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi ako dumistansya sa kanya pagdating sa school. Hindi rin naman siya dahil sa aming dalawa ay ako lang naman ang gumagawa no'n.

Pagdating sa classroom ay sabay-sabay na tumingin sa amin ang mga kaklase namin. They looked confused at first. Pero kalaunan ay isang malakas na hiyawan ang nangyari. Namula ako lalo't lumapit pa talaga si Cassie sa akin at hinila na ako papunta sa upuan ko.

"Ayiee! MilDues! MilDues!"

"Ship ko talaga 'to, e!"

"Isang magandang umaga para sa ating pares!"

Gusto ko na lang takpan ang tainga ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman alam na magiging gano'n ang reaksyon nila ng makita kaming magkasama.

Tumingin ako kay Amadeus na nilapitan ng iilang kaibigan niya. 

Tipid naman itong ngumiti o ngisi talaga ang nakikita ko sa mga labi niya?

"Ano 'yon, ha? Ano 'yon?!" eksahederang bulong ni Cassie.

Naghila pa ito ng upuan para lang makatabi sa akin.

"Wala! Parang hindi naman ito ang unang beses na nagsabay kami," simple kong sagot. Nangingiti.

"Hindi ako manhid, Milada! Kung magkakasabay man kayo ay hindi ganito. Hindi ganyan na nakangiti ka at kinikilig. Anong nangyari, ha?" pang-aakusa niya.

"Siya ang may-ari ng account na nag-follow sa akin sa Instagram..." mahina kong sabi.

Nanlaki ang mata niya at mas lalong inilapit ang mukha sa akin.

"Totoo?" aniya.

"Oo nga," natatawa kong sabi.

"Tangina! Dalaga ka na!" sabi niya pa at sa lutong ng mura niya ay alam kong masaya talaga siya para sa 'kin. "Ayaw niya atang ikaw ang nagfi-first move. Gusto niya siya!" 

"Hindi naman siguro..." umiling siya. 

"Halos ilang taon na ang friend request mo sa kanya sa Facebook at inaagiw na 'yon! May gagamba na yata sa sobrang tagal na hindi ka ina-accept. Tapos sa Instagram ay siya pa ang nag-follow sa 'yo! Ang haba naman ng buhok mo!" natawa ako sa mga pinagsasabi ni Cassie.

Kinuwento ko sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Amadeus kanina. At hanggang sa natapos ang subjects namin para sa umaga ay panay pa rin siya tanong sa akin. Nang maghapon ay balik na kami sa duty namin. Iyon ay ang mag-community service.

"Grabe, Milada. Alam kong ayaw kitang matulad kay Ate Carla. Pero sa nakikita ko ay mukhang iba naman si Amadeus. Baka naman puwede, Milada..." 

"Cassie, baka ito lang ang step namin dalawa para magkaroon ng connection. Hindi katulad ng iniisip mo. Yes, I like Amadeus. But right now, the moment we have... I like it more. Simple lang. Nakakapag-usap kami. Nagkakasama. Ayos na 'yon..." 

"Naninibago lang talaga ako, Milada. We've known Amadeus as a cold guy and at the same time a quiet person. Plus! Study first and all! Kaya nakakagulat na gumagawa siya ng ganitong bagay. Baka naman... meron talaga?" umiling ako.

"Imposible 'yon, Cassie. Natatandaan mo ba noong nag-spin the bottle tayo noong grade 9 tayo? Tapos nang matapat sa kanya ang bote ay ikaw agad ang nagtanong. And you asked him what was his ideal girl. He said that he wants smart and kind. At focus sa pag-aaral. E, alam naman natin dalawa na hindi ako smart. Hindi rin ako kind. At lalong hindi ako study first! Kaya napaka-imposible niyang sinasabi mo." Mahabang litanya ko.

"Ay girl! Nagbabago ang tao! Malay mo ang gusto na pala ni Amadeus is iyong bobo! Hindi mabait at lalong walang kwenta sa pag-aaral!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako bobo, 'no! Sa Math lang naman mahina ang utak ko!" sagot ko dito.

"Ay, hindi talaga ikaw 'yon, Milada. Wala naman akong binabanggit na pangalan pero affected ka diyan. Parang inamin mo na rin," humalakhak siya kaya lalo akong napasimangot at binigyan siya ng masamang tingin. "Ang defensive, ha!" 

Hinagisan ko siya ng mga tuyong dahon na nawalis na namin kanina kaya malakas itong napatili.

"Alam ko naman na ako talaga ang tinutukoy mo. Pero alam mong hindi ako bobo!" natatawa kong sabi.

"Gaga lang!" nagtawanan kaming dalawa hanggang sa napagod na kami at nagpahinga na lang sa ilalim ng punong acacia.

Halos nalinis na namin ang lahat. Pero paniguradong pagbalik namin dito bukas ay panibagong lilinisin na naman. Paulit-ulit lang kaya nakakapagod talaga.

Pagkatapos magpahinga ay nagpalit na kami at nag-ayos ng sarili. Pumunta kami sa guidance office para pumirma sa logbook. Hindi na rin ako nagulat ng makita na naroon si Amadeus kasama si Aiden. Silang dalawa lang at wala ang ibang officers.

Tahimik sa loob at tanging buga lang ng hangin ng aircon ang lumilikha ng ingay. Wala na kaming balak na kausapin pa ang dalawang lalaki ng magsalita si Aiden.

"Cassie..." nilingon ko silang dalawa at parehas na nakatingin sa isa't-isa na parang iyon ang connection nila para makapag-usap.

"Mauna ka na, Milada." Ani Cassie at nauna ng lumabas. Sumunod naman agad si Aiden.

Bumaling ako kay Amadeus na kinuha ang logbook at muling binalik sa loob ng cabinet. Bumaling siya sa akin. Gumalaw ang adams apple niya kaya napatingin ako sa kanyang mukha. Nagtama ang aming mata kaya wala na akong nagawa kundi ang bigyan siya ng maliit na ngiti.

"May pupuntahan ka pa?" umiling ako.

"Uuwi na akong diretso," tumangi siya.

"Can we go home together?" nagulat ako sa sinabi niya.

"A-Ayos lang sa 'yo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

At tuluyan ng nag-init ang pisngi ko sa kanyang isinagot sa akin.

"Kung ako lang ang papipiliin ay gusto kong sabay tayong pumasok at umuwi galing sa school, Milada..."

Continue Reading

You'll Also Like

59.5M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...
8.9K 559 23
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
11.4M 224K 70
Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tah...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...