𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑

By mxdnight_04

82.5K 2.3K 457

[ON GOING] [Unedited] 09.05.21 >> 𝐠𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐞𝐥𝐚𝐢𝐧𝐞 𝐝'𝐚𝐮𝐫𝐞𝐯𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐱 𝐡𝐚𝐳𝐞𝐥𝐥... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 3

2.5K 134 18
By mxdnight_04






Hazelle

Lihim akong napamura nang malakas kong naisara ang pintuan.

"Oh look who decided to show up." Binaling ko ang atensyon ko sa pamilyar na boses na 'yon.

"Dad, ang magaling na anak niyo na si Hazelle ay ngayon lang umuwi." Minura ko sa isipan ko ang walang hiya kong kapatid.

"Where have you been ha? Hindi kita ma-contact kagabi." Sabi ni Papa. Magkasama silang tatlo sa sala kasama ang stepmother kong ubod ng taray akala mo naman kagandahan, nababalot lang naman ang mukha niya ng napakakapal na makeup.

"Kanila Gwen ako nagpalipas ng gabi." Pagdadahilan ko. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na natulog ako sa condo ni Ms. D'aureville, baka kung ano pa isipin nila.

"Hindi ka talaga marunong makinig 'no? I told you many times na 'wag kang sumasama sa mga taong 'yan! I told you, they are bad influence!" Hindi na ako nagulat sa pagsigaw niya dahil sanay naman akong sinisigawan araw-araw. Ilang beses na niya rin ako sinabihan na masamang tao raw sila Gwen when in fact sila itong masama. Sila Gwen na nga lang ang natitirang importanteng tao sa buhay ko.

"They're my friends!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa harapan ko at naramdaman ko nalang ang kamay nitong dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang bigat ng kamay niya ay napasalampak ako sa sahig. Napayukom ako ng kamao.

Hindi naman inawat ng mag-ina si Papa. "'Wag mo akong masigawan! Walang respeto!" Pagduduro nito.

"Alfonso!" Palihim akong napangiti nang dumating si Grammie.

"'Wag mo ngang sinisigawan ang apo ko." Inalalayan ako ni Grammie makatayo. I smiled at her when she inspected my face if there are any bruises marked.

"Tignan mo nga ang ginawa mo! Sa susunod na pagbuhatan mo ulit si Hazelle ng magaspang mong kamay ako ang makakalaban mo!" Napangisi ako nang masilayan ang galit na mukha nilang tatlo. Akala niyo ha.

"'Ma, ang tigas kasi ng ulo ng apo niyo. I'm just educating her." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Grammie. For some reason, biglang kong naalala si Ms. D'aureville.

The fvck?! Bakit ko ba iniisip ang babaeng 'yon?

"Educating ba 'yung sinasaktan mo siya? Sa oras na maulit itong nangyari kay Hazelle, I'll remove you sa ownership ng kompanya na pinaghirapan namin ng Papa mo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Grammie. She would do that? Sa sarili niyang anak?

"'Ma! You can't do that!"

I saw how Grammie smirked. "Watch me, Alfonso."

"Tara na, Hazelle." Sumunod naman ako kay Grammie, nakasunod din sa amin ang mga masasamang tingin nila pero wala akong paki.

Sa mansyon na 'to, si Grammie Victoria lang ang kakampi ko. Mabuti nga na nandito siya kung hindi baka hindi lang sampal ang inabot ko.

"Grammie, gagawin niyo talaga 'yon kay Papa?" Pagkaraang tanong ko. Nandito kami sa kwarto niya. Pinaupo ako nito sa kama bago pumunta ng banyo, lumabas din ito dala-dala ang first aid kit.

"Yes, apo."

"Bakit? He's your son, Grammie." Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa gilid ng aking labi nang idampi ni Grammie ang bulak na may betadine doon.

"What? I don't care. Kung ganyan lang ang turing niya sayo ay baka mas malala pa ang gagawin ko sa kanya." Napangiti naman ako.

"Thank you, Grammie." Niyakap ko ito.

"Walang anuman, apo ko. 'Wag kang matatakot na sabihin sa akin kapag sinaktan ka ulit ni Alfonso ha? Or kahit 'yung bruhang si Maricar at 'yung anak niyang si Nathan."

"Speaking of them, Grammie 'di ba dapat mas gusto mo sila kaysa sa akin dahil totoo mo silang pamilya?"

"Pamilya rin kita, Hazelle. Dahil apo kita." She explained.

"Yes but anak lang ako sa labas. May mas karapatan sila Nathan." Napaayos ito ng upo bago tumungin sa akin ng diretso.

"Sa una palang, Hazelle. Hindi na ako boto kay Maricar dahil alam kong pera lang ang habol niya kay Alfonso. No'ng dumating ang Mama mo na si Cynthia, napanatag ako na nasa mabuting kamay ang anak ko. Pero hindi pala minahal ni Alfonso ang Mama mo pero may nangyayari na sa kanila." Nagpakawala si Grammie ng malungkot na ngiti.

Alam ko ang tungkol doon. Ginawang kabit ng Papa ko si Mama habang kasal sila ni Tita Maricar. Inilihim ni Papa kay Mama na may asawa't anak na 'to. Isang taong gulang palang si Nathan noon, pagkaraan ng isang taon ay ipinanganak na ako.

"I miss her, Grammie."

"Me too, apo. Don't worry, one of these days ay uuwi siya." I just smiled at Grammie at yumakap sa kanya.




I'm currently here sa isang convenience store malapit lang sa HazChele para bumili ng almusal ko. Hindi pa kasi ako kumakain ng breakfast. After what happened yesterday, hindi muna ako sumabay sa kainan kanila Papa kasi I am sure galit pa 'yon sa akin.

Habang busy sa pagpili kung ano ang kakainin ko, narinig kong bumukas ang pintuan ng 7 eleven pero hindi ko ito pinansin.

Kukuhanin ko na sana ang natitirang mogu-mogu pero may kamay na kumuha rito.

"Hoy, ako nauna d'yan, eh." Gano'n nalang ang gulat ko nang makita kung sino ang may ari ng kamay.

"I don't care." Masungit nitong sambit.

"Ms. D'aureville, ako unang nakakita d'yan, eh. Bumili ka nalang ng iba."

"Ikaw naman pala, eh. Bakit hindi mo pa binili?" Natawa naman ako dahil ang cute niya magtagalog.

"What's funny?" Tinaasan ako nito ng kilay. Hindi ba siya nangangawit?

"Nothing." Hinayaan ko na siyang kunin 'yung mogu-mogu kahit labag sa loob ko. Favorite ko 'yun, eh! Kinuha ko nalang 'yung isang bote ng coke at dumiretso sa cashier.

"Ah!" Nagulat ako nang may biglang nagsipasukan na mga armadong lalaki na may takip ang mga mukha. Tatlo sila at lahat ay may hawak ng baril.

"Yumuko kayo at sumunod para walang masaktan!" Yumuko naman ako sa gilid ng counter. Kaharap ko si Ms. D'aureville na mukhang takot na takot at nabigla sa pangyayari, nakayuko rin ito. Bigla naman akong naawa. Nakita kong nanginginig ito sa takot.

"Ikaw! Yumuko kayo!" Tinutukan ng medyo may katabaan na lalaki ang matandang babae na may kasamang batang lalaki. Sila pa 'yung mga kasama namin dito sa loob ng 7 eleven.

"O-Opo, ito na." Takot na takot na saad nito.

"Ilabas mo ang lahat ng pera." Utos ng kasama nito sa lalaking nasa cashier. Agad naman itong sumunod dahil tinutukan din ito ng baril.

"Huh, 'tol! Tignan mo 'tong babaeng 'to, ang ganda! Mukhang mapapakinabangan." Bigla akong nakaramdam ng galit nang nilapitan nila si Ms. D'aureville.

"Ang kinis at ang puti ng balat. Ang sexy pa! Tangina, tinitigasan ako." I looked at them disgustingly. Mga kadiring nilalang.

"Ayos lang ba na dalhin natin siya sa warehouse? Para naman may libangan tayo." Natatawang sambit ng lalaking maliit. Tsk. Lagot kayo sa akin sa oras na gawin niyo 'yon.

"Oo na. Bilisan niyo na d'yan, baka dumating na ang mga pulis." Nang makuha nila ang pera, hila-hila nila si Ms. D'aureville. In the corner, nakita ko si Kuya na nasa cashier na may tinatawagan. Good. Ang tanga ng tatlong 'to.

Bago pa man sila makalabas ay nagsalita ako. "Hoy, kayo!"

"Aba, 'tol. May gusto yatang sumama." I rolled my eyes at them. I glance at Ms. D'aureville's direction, I saw how her body was shaking and her eyes are full of fear. Nakasakal sa kanya ang braso ng lalaki. I badly want to take that guy's hand off of her.

"Ako sasama sa inyo? Yuck!" Parang nainsulto naman 'yung isang lalaki.

"'Wag kang lalapit kundi babarilin ko ang babaeng 'to!" Idiniin niya ang baril sa sintido ni Ms. D'aureville kaya mas lalo itong natakot.

"Edi barilin mo! Hindi ko naman ka ano ano 'yan, eh," Pinanlakihan ako ng mata ni Ms. D'aureville pero kinindatan ko lang siya. "Pero kung babarilin mo siya, siguraduhin mo munang matatalo niyo 'ko."

Bahagya akong napaatras nang tutukan ako nito ng baril. "Ang tapang mo bata ha?! Baka gusto mong makatikim?"

"Sorry, hindi ako kumakain ng talong, eh. Pero kung sakaling kumakain ako no'n hindi pa rin kita titikman." I smirked at him na mas lalong nagpainis sa kanya.

In an instance, binunot nito ang baril at pinaputukan ako. "Ahh!" Ms. D'aureville shouted dahil sa tunog ng baril.

Mabuti nalang mabilis akong nakailag kaya nabaril nito ang kabilang side. Hinagis ko sa mukha niya 'yung hawak kong coke. Napangisi ako nang mataaman siya. Nakita ko naman na inapakan ni Ms. D'aureville 'yung paa ng mataba kaya nakawala siya, nakatulong 'yung heels niyang suot.

Naramdaman ko siyang lumapit sa akin. Nginitian ko ito pero sinamaan ako nito ng tingin. Luh? Siya na nga tinulungan, eh.

Inagaw ko kay taba 'yung hawak niyang baril bago tinutok sa kanila. Nakita ko ang takot sa kanilang mga mata nang marinig nila ang sirena ng pulis.

"Lagot kayo ngayon." Natatawang sambit ko, nakatutok pa rin sa kanila ang baril.

"Ang tatapang niyong pumasok dito takot naman pala kayo!" Nakita ko na pinagtatadyakan ni kuyang cashier 'yung tatlo, sumama na rin pati 'yung matanda.

Agad naman silang inawat ng mga pulis pagkapasok nila sa loob.

"Ayos ka lang, Ma'am?" I asked her.

"What was that?" She asked irritated.

"What was what?" I looked at her confused.

"You're just going to let them shoot me!" Hinampas ako nito sa braso.

"Aray naman! Hindi ka naman binaril ha? Niloloko ka lang, Ma'am."

Hindi na ako nakaiwas dahil hinampas na naman ako nito. "I hate you!"

"The more you hate, the more you love, Ma'am. Sige ka, baka ma-inlove ka sa 'kin." Pang-aasar ko dito habang nagtataas-baba ang kilay ko. Inirapan naman ako nito in return.

"Wala man lang thank you, Ma'am? Iniligtas kita."

She rolled her eyes, annoyingly. "I was the one who helped myself, stupid."

"Tsk, walang anuman, Kamahalan." Hindi ito agad nagsalita pagkaraan ng ilang minuto. Akala ko napipi na.

"What did you just say?" Siya naman pala itong deaf.

"Walang anuman?" Sagot ko.

"No, after that."

"K-Kamahalan?"

Mukhang namamalikmata yata ako kasi parang nakita ko kung paano nag-angat ang labi nito. I saw how she smiled a little bit.

Pero nawala ito ng parang bula kaya bumalik ang mataray at malamig nitong aura.

Continue Reading

You'll Also Like

519K 6.9K 10
"Martir.... Tanga...." ilang beses ko nang naririnig sa mga taong malapit sa akin pero gaya ng nakagawian ko pasok sa kanan labas sa kabila.. Wala eh...
58.5K 95 12
❌️ MATURE CONTENT ❌️ | one-shot | smut | mature | | bxg | g×g | bxb | random | People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take...
1.7M 71.2K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
173K 5.4K 24
Iris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamam...