Saving the Antagonist Prince...

By Imfallenstar

96.4K 4.2K 1K

Enchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong re... More

PANIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
°° Portrayers °°
Kabanata 11
Kabanta 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
EPILOGO
Five Kingdoms

Kabanata 10

2.3K 109 10
By Imfallenstar

Ika-sampong kabanata

     MATINDING takot at kaba ang namumutawi sa sistema ko habang unti-unti akong nilulubog ng tubig pailalim. Nanlalabo man ang mata ko ngunit sapat lang para matakot ako sa isang nilalang na papalapit na sa akin.

Nahahawig ang anyo nya sa ahas, napakalaki.

Gusto kong lumangoy pataas ngunit hindi ko magawa. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagkaubos ng hangin. Hindi na napigilan ng sarili kong huminga kahit alam kong imposible, dahilan para malanghap ko ang tubig na unti-unting pumapatay sa aking ulirat.

Ngunit bago pa magsara ng tuluyan ang mata ko ay may anino akong naaninag sa katubigan na pilit nilalabanan ang higanteng nilalang.


        SA pagmulat ng mga mata ko, panandalian pa akong nablanko. Parang hindi pa nakakabalik ang isip ko at lumulutang pa ito sa kawalan.

Unti-unting bumalik ang diwa ko at napagtanto ang kinalalagyan. Napakurap ako nang may pagtataka. Bahagya akong gumalaw sa kinahihigaan nang maramdaman ang tigas nito na dapat ay malambot na kama. Nakapa ko ang lalamunan dahil sa matinding pagkauhaw habang sinikap na makaupo at pagmasdan ang unfamiliar na paligid.

Unang bumungad sa paningin ko ang helerang mga bookshelf at mga librong tila nahulog sa kinalalagyan kaya nagkalat sa sahig. Kaya pala sumakit ang likod ko ay dahil sa mga librong nahigaan ko. Ang akala ko'y magigising ako na nasa sariling kwarto.

Nasapo ko ang noo ng unti-unti nang bumalik ang lahat nang nangyari kanina. Mula sa party na dinaluhan ko at sa lalaking hindi ko kilala na nagawa akong bastusin kaya napilitan akong manlaban na umabot sa habulan. Hanggang sa napadpad ako sa isang misteryosong library. Idagdag pa ang napakawerdo kong panaginip.

"Shems! Ugh ang daming ganap ngayong araw!"

Nagawa kong patunogin ang mga daliri sa daming gumugulo sa isip ko ngunit agad na napatigil. Bahagyang lumaki ang mga mata ko sabay baling kaliwa't kanan. Napahinga ako ng maluwag nang walang makitang tao. Mabilis kong dinampot ang shoulder bag ko sa sahig at agaran na tinungo ang pinto sa takot na baka maabutan ako ng may-ari ng lugar na ito at mapagbintangan na ako ang nagkalat ng mga libro sa sahig.

Nagpakawala ako ng hangin— sana lang ay wala na ang taong humahabol sakin. Napokpok ko ang sariling ulo sa katangahan. Bakit no'ng hinahabol ako ay hindi ko nagawang sumigaw at humingi ng tulong? "Ugh! Napaka tanga mo talaga!" Bakit hindi ko naisip yon?

Nakagat ko ang labi nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. Parang slow motion ang lahat nang nakikita ko sa paligid. Muling napabuga at napakurap-kurap baka sakaling magbago ang takbo ng paligid. Sa pagtataka ko'y walang pinagbago, ganon parin ang sitwasyon ng lahat kahit tumalikod ako, pumikit, kumurap o kahit siguro tumambling ako ay walang magbabago!

"Shemay— WHAT'S HAPPENING ON EARTH!" Nagawa ko nang sumigaw ng malakas pero wala parin tao ang kumontra o nanita sa'kin. Sapo-sapo ko ang magkabilaang pisngi sa hindi makapaniwalang nakikita sa paligid.

Literal na tumigil ang takbo ng paligid!

Lahat ng mga tao ay tila mga statwa sa mga kinatatayuan. Walang gumagalaw ni kumukurap. Hindi ako makapaniwalang naglakad sa gitna, ilang ulit kong tinapik ang pisngi na baka sakali panaginip uli ito pero walang pinagbago.

Sa highway na nakatigil ang ilang mga sasakyan at mga taong nakafreeze. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang bulto ng taong nakabaling ang ulo sa ibang direksyon. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba, balak ko na sanang lagpasan ng may pumasok sa isip ko. Muli akong humarap rito at agad syang sinipa sa binti. Napaawang ang bibig ko't nakagat ang labi, malay ko bang sa pasimple kong pagsipa ay masusobsob sya sa kalsada.

"Tama lang yan sayo. Walang'yang bastos na lalaki ka!" Nanggagalaiti kong bigkas, humakbang na ako pero muling bumalik. "Bwisit ka!" Muling tadyak ko rito para paggising nya man kunsakali'y manakit ang katawan nya. Nang magsawa ay muli kong pinagmasdan ang paligid, naghahanap ng taong tulad ko na hindi naka freeze.

"Hoy! Bakit hindi na kayo gumagalaw?" Nakiumpok ako sa grupo ng mga kabataan na nakacircle sa gilid ng kalye. Base sa reaction ng mga mukha nila ay masaya silang nagkwewentuhan. Muli akong lumakad at huminto sa babaeng nakatayo habang may hawak na cellphone. Abot tenga ang ngiti nito.

"Ka-chat mo siguro ang jowa mo bhe, ano?" Kausap ko rito baka sakaling gumalaw sya at sumagot. Napapadyak na lang ako sa kalituhan at hindi napigilang mahila ang sariling buhok nang hindi ito magsalita.

Saang direksyon ko man ibaling ang ulo ay walang pinagkaiba. Literal na tumigil ang pagikot ng mundo. Dapat ba akong maniwala na totoo ang nakikita ko? Kahit ang sarili kong kalooban ay hirap maniwala, ang hirap iproseso ng utak.

"Hayst, nakakabaliw!" Muli kong binalingan ang babae pero ganon parin ang posisyon nito. Dumako ang tingin ko sa cellphone nya, muli ko itong tinitigan ng maigi saka dahan-dahang kinuha sa mga kamay nya ang cellphone.

Titingnan ko lang kung anong oras na!

Bumungad sa'kin ang isang sweet conversation, umasim ang mukha ko nang makita ang palitan ng mga mensahe. Baby pa ang tawagan. Konyo!

"Sana lahat nakabebe time." Nakakabitter man pakinggan wala akong paki. Muli kong binalik ang cellphone sa kung pano nya ito hawakan.
"Ayt, titingan ko pala oras."

10:51 ang nakarehistro. Ilang ulit kong kinurap ang mata baka sakaling maiba ang segundo nito pero literal nga talagang tumigil ang pagikot ng oras!

Nagtatakbo ako sa gitna at nagsisigaw. Nababaliw na nga yata akong tunay.

"Hey! Is there anyone alive ?! Sumagot kayo, maghahasik ako rito ng lagim!"

"Ate, kuya. Nagaaway ba kayo?"

"Yuck! Landi bakit nakaholdinghands? PDA!"

"Ahh! Nakakasira na ito ng bait!"

Dahil sa hingal sa kakasigaw ko'y tila doon ko naramdaman ang pagkauhaw. Gulong-gulo ang isipan sa hindi mawaring sagot, bakit tanging ako lang ang taong nakakagalaw sa mga oras na ito? Bakit ang lahat tila mga walang buhay ni-hindi gumagalaw?! Nakagat ko ang labi hanggang sa nadako ang tingin ko sa pwesto ng taong nagtitinda ng palamig, sa katabi nito'y may ihawan rin.

Mabilis akong lumapit, hindi na ako nagdalawang isip na sumalok ng palamig na inumin at mabilis ko itong tinungga. Napabuga ng hangin nang maibsan ang pagkauhaw. Napatingin ako sa nagtitinda, maging ito'y hindi rin gumagalaw sa pwesto. Nakatayo't tila naghihintay ng kostumer. Nakaramdam ako ng awa sa Ginang, siguro'y may mga anak rin syang binububay para magtinda sya ngayon kahit napakalalim na ng gabi.

Binuksan ko ang shoulder bag at dumukot sa wallet ng isang libo. Lumapit ako sa walang buhay na Gianang saka ko isinuksok ang pera sa bulsa ng kanyang pantalon. Kung sakaling bumalik ang paligid sa normal, magugulat na lang syang may isang libo sa bulsa.

"Salamat sa palamig nay' kahit papa'ano ay nawala ang pagkauhaw ko.  Medyo matabang nga lang." Ngumiti ako sa Ginang kahit tila wala syang buhay sa harap ko.

Muli akong naglakad-lakad sa kahabaan ng kalye, panay ang linga sa paligid. Ganon parin naman ang lahat. Natigilan lang ako nang may pumasok sa isip ko. Mabilis kong kinapkap sa bag ang cellphone, binuksan ito at nagtungo sa contact at di-nial ang numero ni kuya. Tinapat ko sa tenga, naghintay na may sumagot sa kabilang linya ngunit panay ring lang ang naririnig ko. "Shock! Bakit ayaw mo sumagot?!"

Ngayon ay muli akong nakaramdam ng kaba. Paano kung pati sila kuya at daddy tulad rin ng lahat ng naririto? "No! It can't be!"

     BUMABA ako sa bisikleta at basta na lamang itong iniwan na nakabulagta sa sahig. Ngayon ay nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. Kinakabahan pa akong pumasok sa takot  na baka tulad rin ng nasa loob ng bahay namin ang mga taong nadaanan ko kanina pauwi. Nagawa ko pang magnakaw ng bisikleta para lang makauwi ako ng mabilis. Hindi naman ako maaaring magkotse o motor dahil sa sagabal sa daan at hindi ako marunong.

"Kuya Felix! Kuya!" Kinalampag ko ang gate baka sakaling magising ko ang guard namin na madalas makatulog sa ganitong oras. Hindi ko rin marinig ang tahol ng aso nito na kadalasan ay unang bubungad sa'kin sa oras na makapasok ako ng gate.

Nainip ako nang walang nagbukas. Napagpasiyahan kong akyatin na lang ang mataas na gate na kadalasan ko ring gawin sa oras na sinasama ako ni kuya Light tumakas para kitain si ate Feliza sa gabi.

Madali akong nakapasok nang walang hirap. Katahimikan agad ang namamayani sa buong paligid. Nakita ko si kuya Felix na nakadukdok ang mukha sa mesa nito, samantalang tila statwa naman ang aso nito na nakaupo sa isang tabi.

Dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay. May ilang kasambahay akong nakasalubong na tulad ng iba'y mga statwa. Sumalubong sa'kin ang tahimik na sala na dapat ay naririnig ko na ngayon ang tawanan ng ilang kasambahay na nanonood ng palabas sa TV. Tama nga ako, naroon nga sila't nanonood, ngunit pati ang pinapalabas sa TV ay kasalukuyan ring nakatigil.

Napahawak ako sa ulo, hindi parin maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Muli akong tumakbo at tinahak ang hagdan paakyat. Una kong tinungo ang kwarto ni kuya na syang pinakamalapit pagakyat mo palang.

Magulong kwarto ang bumungad sa'kin na hindi na nakakagulat, mas pinagtuunan ko ng pansin ang lalaking nakadapa sa kama. "Kuya?" Tawag ko sa kanya baka sakaling lingonin nya ako ngunit hindi iyon nangyari.

Naupo ako sa kama nya at inusisa sya. Nakadapa ito't may hawak na cellphone na kasalukuyang nakabukas. Napansin ko rin ang malaki nitong ngiti, nang tingnan ko ang cellphone nito ay bumungad sakin ang conversation nila ni ate Feliza.

Sa nakakabaliw na nangyayari sa paligid at sa pagod na nararamdaman ay hinayaan ko ang sariling mapahiga sa kama. Pinagmasdan ko ang kuya ko, nakangiti sya pero hindi gumagalaw. Nakadilat man ang mga mata ngunit walang buhay ang mga iyon!

"Kuya!! May boyfriend na kooo!" Tuluyan na akong napaiyak dahil sa halo-halong emosyon. Niyog-yog ko, kinurot at binato sya ng unan pero walang nangyari. Nagawa ko na syang bulyawan, sigawan pero tila rebulto sya sa kinasasadlakan.

"Kuya, may boyfriend na ko. Promise" muli kong sambit, baka marinig nya ko at bigla na lang sya gumalaw para sermunan ako ng kung ano-ano. Kaso hindi iyon nangyari.

      NAKATINGALA ako sa madilim na langit ngunit punong-puno ng mga kumikislap na bituin. Patuloy ang paglamig ng simoy ng hangin, parang nasa ibang lugar ako ngayon. Nakakapanibago ang katahimikan. Hindi ko pa alam kung dito sa lugar namin nakatigil ang oras o baka buong mundo?

Mula sa balkonahe na kinatatayuan ay lumingon ako sa direksyon ni daddy. Nakaupo ito sa harap ng study table nya'ng puno ng mga papeles. Suot nito ang salamin sa mata, hawak ng isang kamay nito  ang tasa na sigurado kong kape ang laman habang ang mga mata nito'y seryosong nakatutok sa mga papel.

Napabuntong hinga ako, kanina pa gumugulo sa isip ko ang kanina. Ang isang werdong panaginip at ang pagkagising ko sa loob ng library. Konektado ba ang lahat?

Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ng pagkirot. Pilot kong inaalala ang mga senaryo sa panaginip ko. May naaalala ako ngunit hindi masyadong klaro ang lahat.

Basta sa panaginip na iyon ay malaya akong nakapasok sa sarili kong kwento at malayang nakasalamuha at nakilala ko ang nga tauhan, maging kontrabida man ito o pangunahing tauhan sa kwento.

Alam kong napaka imposible, pero hindi ko maiwasang isipin na totoo ang lahat nang nangyari sa panaginip ko.

Masasabi nga bang panaginip yon?

"Wala ka ba talagang idea sa nangyayari sa paligid mo?"

"Ahhh!" Napasigaw ako sa matinding gulat, parang bigla akong nawalan ng tuhod dahil sa pagkagulat nang may magsalita.

Gulat at walang kurapan akong nakatitig sa lalaking ngayon ay nakasandal sa rehas ng balkonahe. Nakasuot ito ng simpleng green tshirt na may nakaprinta na 'write for your dream. White denim short na above the knee at puting sapatos. Nakakasilaw rin ang ngiti nito.

Natauhan ako sa pagkagulat, napa tayo ako't nagtatakang dinuro sya. "P-pa-paano kang nakapasok sa bahay namin?" Umusbong ang kaba sa dibdib at dahan dahang napaatras para lumayo ng kaunti sa kanya.

"Yan ba talaga ang tanong mo? Hindi mo ba sa'kin tatanungin kung ano ang nangyayari sa mundo mo?" Umaapaw na ang katanungan sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang totoong panaginip at hindi. Basta ang gusto ko lang ay magising na sa kahibangang ito!

Sino ang lalaking nasa harap ko?
Paanong nakapunta sya rito na kaninang wala akong naramdamang presensya na dumating?
Bakit sya malayang nakakagalaw na hindi tulad ng iba?

"S-sino ka?!"

_______________________

#STAPstory
#bbstar

Continue Reading

You'll Also Like

10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...