Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 13

58 15 3
By love_dine

Chapter 13

"Ang blooming! Kanina pa 'yan mamula mula at ang ganda ng datingan! Mas gumanda!" Tinakpan ko ng buhok ang magkabilang leeg bago nailing lang ako at inilapag ang gamit sa ibabaw ng mesa.

Naupo ako sa harap nina Kaye at Albie. Kakayari lang ng duty at sobrang aga pa kaya naisipan naming mag coffee shop.

"Ang glow ng skin!" Si Albie. Ngumisi si Kaye na para bang may alam.

"May boyfriend kana, ano?" Pang-aasar niya.

"Ang swerte!" Si Albie.

"Tss... tigilan niyo ako." Pareho silang lumapit saakin para bumulong.

"Mukhang galing mo lang sa sex." Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling!

"What the hell!" Humagalpak ng tawa ang dalawa.

"Totoo!"

"Shut up, you two!"

"We won't judge you if that's the case. Sadyang hiyang mo lang talaga. At grabe, Jude, hindi ka man lang nagsasabi na may boyfriend kana! Kaya pala hindi ka makapayag sa mga ibang manliligaw!"

"Shut up, Albie. He's not my boyfriend." Namumula kong saad.

"Uy, hindi raw boyfriend! Pero meron nga!" Natawa si Kaye.

"Ano pala, manliligaw?" I shook my head.

"Umamin kana! Daming mabobroken heart niyan!"

"Ano, fling? Fuck buddy?"

"Hey! Hindi nga!" Napamaang sila.

"Eh ano pala? asawa?" Mas natawa sila dahil mukhang imposible iyon para sakanila.

Asawa... yeah right. I'm fucking with my husband. Wait, kung marinig ito ni Kai ay magagalit iyon. Making love raw kasi. Tss...

Nag-iwas ako ng tingin at hindi tinanggi iyon tulad ng pagtanggi ko sa mga nauna nilang hula.

Unti unting nawala ang aliw sa kanilang dalawa at napalitan ng pagkagulat.

"Fucking... Jude!" Natutop ni Kaye ang bibig niya. I shook my head at namula sa reaction nila.

Hinatak ni Kaye ang kamay ko at tinuro ang nag-iisang sing sing doon.

"Kaya ba may ganito?! Tunay ito at mamahalin! Wedding ring ito?!" Nagtagal ang titig ko sa sing sing bago umangat sakanila.

Mamahalin? Iyon ang isinuot niya saakin noong kinasal kami. We married to benefit each other and not for love... pero mamahalin ang sing sing?

"Jude!" Inip na tawag ni Albie.

"Oo, pero huwag kayong--" Napatili silang dalawa kaya mabilis kong hinatak ang kamay at hinagilap ang gamit para umalis. Pinagtitinginan na kaming tatlo!

"Huy, saan ka!" I shook my head.

"Open your facebook, Jude!" I just raised my hand.

Paniguradong nandiyan na si Kai dahil alam niya ang oras ng labas ko. I told him that I'll just meet up with my friends but he's probably waiting in the parking lot.

Hindi nga ako nagkamali. Palapit palang ako ng bumukas ang pinto at kumalabog iyon nang isara. Malaki ang ngisi niya nang sinalubong ako. Diretsong binuksan ang pinto kaya walang tingin tingin akong pumasok doon.

I immediately fixed my seat belt. Nang mayari ay napasulyap ako sakaniya dahil nanatili pa siya sa hamba ng pintuan.

"What?" Halos tumagos ang tingin niya saakin. He raised his brow and tilted his head. Itinuko ang kamay sa compartment at ang isa ay sa itaas ng inuupuan ko.

"You look so good today. Glowing... and... blooming," He complimented. Naalala ko tuloy sina Albie at Kaye!

"Bola," Para akong biglang nainitan kaya itinapat ko ang aircon saakin. Then, I run my fingers through my hair.

"Namumula ka..."

"Huh?" Lito kong tanong. I glanced at him at namumungay na mga mata niya ang sumalubong saakin.

"I said... you're glowing," He pouted. "Sobrang pula rin ng labi mo." He pointed out at hindi ko mapigilang paraanan ng dila ang ibabang labi at bahagyang kagatin iyon.

He chuckled. Gumilid siya kaya agad kong napansin ang hikaw niya. My brows furrowed at the sight of it.

"Suot mo ang hikaw mo," I pointed out. Napansin ko kasi noon na hindi niya sinusuot. Madali lang naman din kasing mapansin kung suot niya dahil attractive tignan.

Napahawak siya doon. "Yeah, the more you like me this way, right?" Then he chuckled. Akala ko ay hindi siya hahalik tulad ng mga nakaraan pero hindi niya yata napigilan at bahagyang yumukod para bigyan ako ng patak sa labi.

Then he licked his lips kaya mas pumula iyon. I did the same on mine and he groaned like a beast before he closed the door.

I shook my head.

Pareho yata talaga kaming nag-iinit kapag ganitong magkasama.

The two girls bombarded me with so many texts! Hindi ako tinigilan kaya panay ang tingin ni Kai saakin habang nasa kwarto na kami. We decided to stay here in his condo dahil sabado naman bukas.

Kai is busy doing his works right now. At ako naman ay nakahiga na at nagce-cellphone. May wifi siya kaya connected ako roon.

From: Albie

Open your facebook! Kailan mo bubuksan? Mabubulok na 'yon! Amp!

From: Kaye

May utang kang kwento saamin! Sa sunday, ha! Kapag hindi ka nagpunta ay alam mo na ang iisipin namin!

I rolled my eyes.

"What is it?" Nasa sofa siya nakaupo at may laptop sa gitna. Bahagya siyang lumayo saakin para raw may matapos siya. Tss... kapag kasi nagdidikit kami ay biglang nag-aapoy at parang sasabog.

"Wala naman. Sina Kaye at Albie lang." Dumapa ako at niyakap ang unan. Nakapaharap sakaniya.

He nodded. Mukhang gustong magtanong pero itinikom lang ang bibig. May ilang parte saakin tulad ng sa mga kaibigan ko na sinusubukan niyang hindi magtanong ng gaano.

"Nag-aaya sa linggo na lumabas kami..." Dugtong ko. He glanced at me.

"You'll go out with them?"

"Depende. Wala ba tayong lakad non?" Para bang bahagya pa siyang nagulat at malalim na nag-isip bago pa nakasagot.

"Wala naman... If you have plans with your friends then go with them. I'll just wait for you here."

Umahon ako sa pagkakadapa at naupo. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa bumagsak ang mga mata niya sa dumulas na strap ng suot kong spaghetti top na pantulog.

Napanguso siya at may ngisi sa labi bago itinutok ang mga mata sa laptop pero maya maya ay muling sumulyap.

"Hindi muna ako dito bukas, uuwi muna ako."

"Hmm, why? I'll go with you then."

"Madami ka pang gagawin diba?" He shifted on his seat.

"Kaya namang tapusin agad. Ikaw?" Pasimple siyang tumayo at lumapit saakin. Inangat ko ang comforter sa hita para hindi niya makita ang cotton shorts ko.

"Anong gagawin mo?"

"Maglalaba muna ako at maglilinis ng bahay dahil baka maghapon nanaman akong wala sa linggo. I'm free tomorrow so I have to do the house chores." Lumubog ang gilid ng kama na inuupuan niya. Itinuko niya ang kamay sa mismong kama at inangat ang muling nahulog kong strap.

"Hmm?"

"Mauubusan na ako ng susuutin sa mga susunod na araw, kaya..." Kibit balikat ko.

"I bought you some new clothes here," I raised my brow. 

"How about undies?" This time, siya naman ang nag-angat ng kilay.

"I just bought them kung sakaling mang lalabas tayo. But if we are just alone, what's with the clothes? and... undies?" He smirked. I rolled my eyes at him.

"Diyan ka magaling."

"Hey, totoo naman, you don't even need them..." Hindi ko siya pinansin at nahiga na para makatulog. Bumaba ng bahagya ang kumot. Siya naman ay nakatukod ang kamay sa kabilang side na parang kinukulong ako. He glanced at me using her soft and gentle eyes. Bago inangat ang comforter hanggang sa dibdib ko. 

"You should sleep now," He said in soft deep voice. Halos mamaos. 

I bit my lip. "Ikaw?" Hinagod niya ang tagiliran ko bago bumuntong hininga. "I have to finish my work. Bukas ay ihahatid kita sa bahay. Or... we can have someone to do the chores." Umiling iling ako. 

"Ayoko, mas gusto kong ako ang gagawa." He nodded. "If that's what you want, then. Very wife material nga naman." He teasingly said. I rolled my eyes. "Nasanay lang ako," Tumango siya at pinatulog na ako.

Matapos mag-breakfast ay hinatid niya na ako sa bahay para gawin ang mga dapat kong gawin.

"I'll be out late, but I'll try to make it early, ako ang susundo sa'yo dito."

"Okay, aantayin nalang kita kahit ma-late ka."

I did what I have to do. Naglinis ako ng bahay habang nakasalang ang mga damit ko, nauna ang uniform bago ang mga sa pambahay.

Sobrang aga ko dito dahil maaga rin siyang pumasok sa opisina. At syempre, para maaga rin akong matapos at matuyo pa ang mga damit bago ako bumalik sa condo. Lahat kasi ng gamit niya ay nandoon, kahit ang sa opisina para kapag may trabaho pa sa gabi, pero ang ending, nagtitiis siya sa gilid, sa sofa, at nagkekwentuhan pa rin kami.

From: Albie

Saan ka? Wala na kaming narinig sa'yo!

I rolled my eyes. Umoo na ako sa isip pero oonga pala, hindi na ako nakapagsabi sakanila.

To: Albie

Sa bahay lang. Punta ako bukas.

Natapos ko na ang uniform ko kasabay ng ilang puti at ilang saglit lang ay nayari na sa paglalaba at nakapaglinis na rin sa kwarto.

Nang mayari doon ay may dumating na food na galing kay Kai. Agad kong hinanap ang phone para tignan kung may text si Kai. Pero nakita kong wala kaya napagtanto kong baka busy pa siya.

Naligo ako at nang maghapon ay nagdilig ng mga halaman.

"Jude! Hi!" Napakunot ang noo ko at binitawan saglit ang tabo bago sinilip ang tumatawag.

"Albie?" I opened the gate at napansin ko agad ang nakaparadang sasakyan nila. Nakahawak siya sa gate na parang preso at malaki ang ngisi.

"Hello!" Sumilip si Kaye. Pumasok silang dalawa at maya maya lang ay nagsisunuran sina Webster, Sam, at Lyle.

Napabaling ako sa dalawa na may hilaw na ngisi lang.

"Sumama, eh!"

Lyle smiled, Sam waved, at si Webster ay tumango lang.

Sumunod sila papasok sa loob at agad na dumiretso sa sofa at binuksan ang flat screen tv.

Dinampot ko ang cellphone para ipaalam kay Kai na nandirito ang mga kaibigan.

To: Kai

Still busy? My friends came over, all of them. Just wanna tell you. Ingat sa pag-uwi.

"Remember the weird guy, Jude?" Panimula niya. Nagpadeliver sila ng mga pagkain kaya iyon ang nilalantakan nila ngayon. Ang dalawang lalaki ay magkatabi at napapagitnaan ni Albie at Lyle si Kaye habang nasa harap nila ako at sa kabila ay si Webster.

Inangatan ko ng kilay si Lyle nang makita ang pasimpleng hilig niya kay Kaye na sumisimsim sa milk tea niya at nakikinig saamin.

"Mas naging weird siya, Jude. Kaya ikaw, lumayo layo ka doon."

"Hindi ko na siya nakakasalubong sa school,"

"Who's weird?" Si Lyle. Bahagyang sumilip saamin. Kaye glanced at him.

"Naalala mo 'yung lalaking tinuro ko sa'yo? Para siyang stalker ganoon yung feeling." Tumango tango si Albie.

"Tuwing duty natin ay nakikita ko 'yon sa hospital! Hindi naman lumalapit pero anong ginagawa niya doon, diba?"

Napakunot ang noo ni Webster at Sam.

"May naghahatid sundo naman saakin kaya walang dapat ipag alala. At isa pa, basta ay hindi lumalapit." Napanguso si Albie.

"Kahit na! Ang pangit talaga sa feeling."

"Hay naku, Jude! Baka mamaya ay sinusundan ka nun dito!"

Sa totoo lang ay nawala na iyon sa isip ko. Masyado na akong naging okupado saamin ni Kai at sa pagka busy sa school at duty para isipin pa iyon. Ayos lang naman basta hindi ako nilalapitan at simula noong huling encounter ay hindi naman na siya lumapit saakin. Minsan kapag makakasalubong ay siya na ang mismong iiwas.

"Hindi naman na lumalapit," Pero malalim akong nag-isip.

"Ituro mo saakin 'yon, Albs." Si Webster. Tumango naman si Sam at sumang-ayon.

"At huwag ka ng uuwi ng mag-isa. Huwag na sa eskinita na iyon, Jude. Kung walang susunod o maghahatid ay sabihan mo kami. Magkaiba naman tayo ng duty, we'll be there." I nodded. Na appreciate ko iyon.

"Kung hindi naman lumalapit ay ayos lang. Umiiwas na rin naman siya saakin kaya..." Kahit na may masama akong pakiramdam tungkol doon.

"Buti nalang talaga! May love life itong si Jude at daig pa kaming may hatid sundo!" Pagbabago ni Albie ng usapan at biglang kinilig nalang. Naghagikgikan sila ni Kaye kaya nahulog ang pagkakahilig ni Lyle.

Napanguso ito at napasimangot saakin. I smirked at siya naman ay nakasimangot kay Kaye. Sumisimple pa, eh.

"So... kumusta naman?" Hagikgik ni Albie. Halos magtulakan ang dalawa kaya muling nahulog ang
ulo ni Lyle kaya sibangot itong umahon at humalukipkip.

"Don't worry, alam nila Sam! Narinig kasi nila kaming pinagtsi-tsismisan ka!" At talagang umamin pa?

I scoffed. "Don't mind us. We're just fine."

"So, totoo talagang meron? Kaya naman pala..." Makahulugan nitong saad.

Gusto lang talaga nilang malaman kung meron talaga. Hindi na nagtanong pa sa ibang bagay lalo na't halata naman daw na sagana kaming dalawa.

At ayos lang din saakin kung sabihin sa mga lalaki. Just like now, hindi naman nakikialam sa mga pinag-uusapan namin. Sapat na sakanilang alam ang parteng iyon at kung may dapat pakialaman tulad ng sa weirdong lalaki ay gagawin talaga nila. Pero ang usapan namin nina Kaye at Albie sa kung anong bagay ay hindi sila nakikisali.

Wala namang kaso iyon saakin. Mukha namang wala silang pakialam dahil ngayon ay busy na ang dalawa sa paglalaro.

"Shit, huli! Lyle, sali kana kasi!" Siniko nito si Lyle pero mas lalo lang siyang nagmaktol sa gilid. Parang bata.

"Lyle!" Si Webster.

"Ayoko nga!" Napalingon si Kaye dito at bahagyang sumilip sakaniya. Hindi pa nakikita ni Lyle iyon dahil nakayuko.

"Huy," Si Kaye. Napabaling si Lyle sakaniya at biglang umayos ng upo.

"What?" All his attention is directly on her. Kanina ay kunot ang noo, medyo nabawasan lang pero meron pa rin. Bahagyang tinampal ni Kaye ang noo nito.

"What's with that 'kunot noo'?"

"He doesn't want to play with us!" Si Sam na nakatutok sa paglalaro at kaonting sumulyap lang sa katabi.

"Ayaw mong maglaro?" Hinawi ni Kaye ang kaonting bangs na tumatabon sa noo ni Lyle.

"This is for you, Jude." Inabot ni Albie ang milk tea at ang chips.

"Thanks."

"I don't wanna play with them,"

"Why?" Si Kaye.

"Fix your hair, natatabunan ang eyes mo." He nodded at sumunod doon.

"I want to sleep." Kumunot ang noo ni Kaye.

"Kakarating lang natin dito, sleep there."

"I'll sleep on your shoulder, pahiram lang."

"Sure." Nagkatinginan kami ni Lyle at mayabang siyang ngumisi saakin. I rolled my eyes.

Duwag naman at hindi pa rin makaamin hanggang ngayon. Tsk.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin habang sina Sam ay kalaro na ang palamurang babae.

"Tangina, pinanganak ka atang bano!" Malakas na tumawa si Webster. Si Lyle ay nakuryuso at maya maya lang ay nakisali na dahil sa ingay ng babae.

"Lyle ibawi mo nga ako!" Si Sam. Sakanilang tatlo kasi ay si Lyle ang pinakamagaling, bago si Webster, at si Sam naman at totoong bano raw.

The three of us continued eating and talking with each other. Hanggang sa nagpaalam akong maliligo muna at pagbaba ay nagpatuloy lang kami.

Nasa dating pwesto na ako nang may dumukwang mula sa likod ko at humalik sa pisngi.

"Hey," Napaangat ako ng tingin at kahit na hindi ay naramdaman ko nang si Kai iyon! Sa amoy at pamilyar na presensya palang ay siya na talaga.

Pare-parehong natigilan ang mga kasama ko at napabaling doon. I got excited dahil maghapon kaming hindi magkasama pero may parteng medyo napapaatras dahil nandito sina Albie at baka ayaw ni Kai na may makakita saamin.

"Oh, your friends are here." I nodded.

"Nag-text ako kanina na nandito sila."

"Im sorry, I'm death batt, my love." He said. Hinawi niya ang nakatabon sa buhok ko at ngumuso. Napanguso rin tuloy ako at bahagyang napasulyap sa mga kaibigan na nagkukunwaring hindi alam pero itong dalawa ay pasulyap sulyap at nagbubulangan.

Bahagya ko siyang hinatak papasok sa kwarto at pagpasok ay hindi sinasadyang naidikit sa likod ng pinto. Pabiro siyang suminghap bago humalakhak siya at mabilis akong binuhat kaya bahagya akong napatili.

"Kai!" Pinanggigilan niya ako bago kami sabay na bumagsak sa kama. Pinilit kong makatayo. Pero panay ang hatak niya pabalik kaya ang ending ay nag ba-bounce lang ako pabalik.

"Shut it!" I tried so hard to show him my serious face pero natatawa din ako kaya pabago bago iyon na lalong kinaaliw niya.

"I miss you so much. Maghapon tayong hindi nagkita, hmm? Maghapon kang gumawa dito sa bahay, at ako naman ay nagtrabaho." Napasilip ako sakaniya.

"Ganito naman talaga ang ginagawa ko ng madalas."

"A-huh, you're right... Pero na-miss kita agad. Hindi pa agad ako naka-reply sa'yo dahil sa sobrang busy." Halos maipit ako sa yakap niya.

"Wait, my friends are still outside."

"Hmm... pauwiin na natin?" Natawa ako doon.

"But, I don't wanna be selfish so, yeah... Guess, I still have to wait here?" Pabiro niyang pagpapaawa.

"Uhm, my friends knew that I already have a husband. Hindi ko sinabi na ikaw pero dumating ka." Napakunot ang noo niya.

"Nandito sila para itanong iyon. Pero, swear... I didn't tell you your name."

"What's wrong with that? Ayaw mo bang malaman nila na ako ang asawa mo?"

"No! Ikaw, baka ayaw mo? I don't know your plans. Ilang taon na at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong meron at nagpakasal ka." Nagdilim ang tingin niya saakin.

"Bakit hindi ko gustong malaman nila na ako ang asawa mo?" Irita niyang saad.

"Ewan ko..." He clenched his jaw at mas hinatak ako.

"Lois knew that I already have a wife since then," I nodded. Halata namang matalik niyang kaibigan iyon. At paniguradong malaki ang tiwala niya sa lalaking iyon. Pero diba... nagalit siya doon? Noon?

"Huwag mo naman akong ikahiya,"

"No, of course not! Hindi kita ikinakahiya. Ako pa nga... ang... nahihiya para sa'yo kapag kasama mo ako." Iritado siya sa naging pahayag ko at mas yumakap.

"I don't see any reasons to be, Jude. Kaya ayoko ng maulit ito. Kung may magtanong o kung gusto mong sabihin na ako ang asawa mo, you're free to do that and I'd be more happy if you do, 'cuz I'm doing that." I nodded.

"Tell them that I'm yours and you're mine. Na ako lang ang asawa mo at hindi ka na pwede pang ligawan. Tss... kung noon mo pa sinabi ay sana matagal ng kumalat na tayong dalawa." I pouted.

"Wala namang nagtatanong at ayaw kong ipagkalat na may asawa na ako. Some boys in our school are curious of me, kaya baka kung saan umabot at biglang malaman na ikaw iyon. Baka masira ko pa ang relasyon mo sa ibang babae." I almost scoffed nang maging bitter ang huling sinabi.

"Wala akong babae, Jude. Ikaw lang ang babae ko at wala ng iba pa." Lumambot ang puso ko dahil doon. Tila natunaw ang agam agam tungkol sa sinabi kanina.

He sighed. "Tell me whatever your worries or problem. Sabihin mo lang saakin at... sasagutin ko ang lahat ng iyon. Lahat lahat, Jude. Kahit ano para wala kang naiisip na ganito. Walang kinakahiya o kung ano pa man. Is that clear?" I nodded.

Naupo ako kaya bumagsak ang kamay niya sa baywang ko. Sinundan niya ng tingin iyon at bahagyang inayos ang cotton shorts ko.

He groaned problematically.

"Jude... I can almost see your panty from here..." Namumungay niyang pahayag bago umangat at sumandal sa head board.

"Oh!" Lumihis pala at bago ko pa maiayos ay siya na ang gumawa non.

"Pwedeng wala kapag ako lang, pero kapag may ibang tao, please naman..." I chuckled.

"Did you like shorts like this?"

"Uhm, ito? Oo, kumportable ako sa ganito."

"Yeah, right... You look sexy in this short. But, please? Bago ka lumabas ay magpalit ka muna." My brows furrowed.

"Maayos naman ang upo ko kapag nandoon." Sadyang nalihis lang dahil sa kakahatak niya saakin.

"I know, but... love, this is too short." I nodded my head.

Nagpalit muna ako bago lumabas at naabutan ko silang nasa ganoong posisyon pa rin. Si Lyle ay naglalaro na at nakaulo na sa hita ni Kaye. Sina Albie at Kaye naman ay may tinitignan sa cellphone at paglabas ko ay agad na napabaling saakin.

"Uwi na kami?" Si Kaye.

Nakalapit na ako at nakaupo sa harap nila bago pa napakunot ang noo.

Sa muling pagbukas ng pinto ay agad na napasunod ang tingin nilang dalawa bago napahagikgik. Si Lyle tuloy ay napatingin din at pabulong na tinatawag si Kaye.

"I'll cook our dinner," Si Kai sa likod ko. Hindi pa siya nakabihis at lumabas lang para sabihin iyon.

"Uhm, ikaw ang bahala." He nodded.

"Eat dinner with us." Aya niya. O-oo na sana si Albie sa sobrang kilig nang siniko siya ni Kaye.

"Hindi na, uuwi na rin kami. Thanks sa invite!" Kai nodded. Pero napatulala si Albie at narinig ko pa ang bulong niyang. 'Ang hot'.

"Ah, ngayon na pala kami uuwi. Halika na!"

Napaupo si Lyle nang tinapik siya ni Kaye.

"Shit, Lyle!" Tumigil sa paglalaro si Lyle at agad na sumunod kay Kaye palabas.

Nakasibangot si Albie at bago lumabas ay kinurot pa ako.

"Ang landi!" I just shook my head.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
13.5K 1.4K 22
๐ƒ๐˜๐๐€๐’๐“๐˜ ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ #๐Ÿ‘ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐˜€, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ, ๐—ฉ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ก๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ฆ๐—ฒ๐˜… Unedited ๐“๐ก๐ž ๐๐ฒ๐ง๐š๏ฟฝ...
9K 375 59
She's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and...
1.7K 1.4K 36
Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng...