Killing Cupid

By LadyCode

11.8K 334 67

Adonis doesn't want to believe in love anymore because of what happened to his parents. If you don't want to... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 6

225 9 9
By LadyCode

WARNING: Suicidal scenes/violent scenes

I slowly opened my eyes full of tears for unknown reason. The scenes that played in my mind before I fainted is still vivid. The fear I felt is still present even now.

What was that? What happened?

Pinunasan ko ang basang mata ko at lumingon sa gilid ko nang maramdaman ko ang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. I saw Mikaela sleeping while holding my hand tightly. Hindi ko maiwasang haplusin ang pisngi niya habang inaalala kung anong nakita ko sa memorya ko.

I am sure it was a memory. But why did she do that? She did it not just once or twice, and I'm sure as hell that she did it countless of times.

"Adonis?" unti-unting nagmulat ng mata si Mikaela

I unconciously smiled gently at her.

"Why do I always see you first whenever I wake up in the hospital?" mahinang tanong ko sa kanya

"How do you feel? Masakit pa ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong niya

Nanatili akong tahimik at pinagmasdan si Mikaela. I always find time to follow her wherever she goes. I stalk her like an obsessed ex-lover. Tuwing wala akong ginagawa, natatagpuan ko na lamang ang sarili ko na sinusundan siya hanggang sa Cebu at pinagmamasdan bawat galaw niya. I can't seem to let her go.

Saglit kong pinagmasdan ang kamay niyang laging nakasuot ng relo. People usually wear their watches on the opposite of their dominant hand. I am right-handed, so I wear it on the left. It was the same for Mikaela, I saw it in my dream that she used to wear it on the left. But how long has she been wearing it on the right?

I held her hand and looked at her seriously, "Mikaela, have you ever tried harming yourself?"

She paled and immediately pulled her hand off of me. Her left hand unconciously held her right wrist where she wears her watch. That expression, it just confirmed that it was all my memories and not just a dream. I clenched my jaw while recalling all those memories that I saw. She tried harming herself not just once but a lot of times!

That fear I felt when I saw her almost soaked in her own blood. It was so vivid to me. Hanggang ngayon hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. My fear is eating me up. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit at parang sinasakal pati ang leeg ko dahil nahihirapan akong huminga.

"Mikaela—"

"I'm leaving." mabilis na paalam niya at hinablot ang bag niya na nasa lamesa

Mabilis akong bumangon at hinigit siya sa braso. I winced when I felt some pain on my hand.

"Adonis! Your hand is bleeding!" nag-aalalang aniya habang nakatingin sa kamay ko

Tinignan ko rin ang kamay ko at nagdurugo nga ito dahil nahigit pala ang nakasaksak na IV fluid kaya natanggal iyon sa kamay ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at nilingon muli si Mikaela.

"Tell me what happened in the past, Mikaela." it wasn't a request, it was a demand

Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya, "I need to call the nurse."

"No, Mikaela. I'm not gonna back down until you tell me about it." matigas na sabi ko sa kanya

"Why do you need to know about it, Adonis?" her voice was void of any emotion

It feels like I've seen this expression of hers in the past. Has she always been like this? This is not the Mikaela I know.

"I want to understand you. I want to know what is happening and what happened in the past. I want to know if you're still harming yourself like that. I want to know, Mikaela! Make me remember everything! I don't want to be in the dark anymore! Kahit anong pilit ko, hindi bumabalik lahat ng alaala ko tungkol sa'yo!"

I didn't mean to burst out like that but it feels so frustrating and tiring. Kinakain ako ng takot ko na baka pag nahuli ako, hindi ko na siya makita ulit at mawala ng tuluyang sa akin. Hindi ko kayang makita siyang duguan ng ganoon. Nagulat ako nang malakas na tinanggal ni Mikaela ang kamay ko sa braso niya at umiiyak na tumingin sa akin. Her eyes is full of sorrow and hatred, it was emotions that I've never seen before.

Hatred for whom? It wasn't for me, right? Alam kong minsan gago ako pero hindi ko kayang manakit ng ibang tao. Or I may have done it unintentionally.

"Adonis? Mikaela? Anong nangyayari?" tanong ni Ate Zea na kakapasok lang at sumunod din pumasok ang pamilya namin

Parang naging hangin lang sila sa paligid dahil nakatuon ang atensyon ko kay Mikaela na umiiyak. My heart hurts so much while looking at her. It was my fault, I made her cry again. I hurt her again, I'm such a jerk.

"Stop trying to remember everything! Forget it and forget me too! Just forget everything! If you can't remember it, then it only means that you're not meant to remember it!" she yelled in a voice full of anger

Mabilis siyang tumalikod at binuksan ang pintuan para lumabas. Pero agad ko siyang napigilan sa braso at hinarap muli sa akin. I wanted to punch myself when I saw her pained expression and her face full of tears.

Dahang-dahang bumaba ang kamay ko at pinakawalan ang braso niya. Nanghihinang napaluhod ako sa sahig at nararamdaman ko ang luha ko na nagbabadyang tumulo. Wala akong pakialam kung makita niya akong ganito, mahina at gago. All I want is to hear the truth from her.

I tried my best to speak clearly but I failed, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses na halos nagmamakaawa, "P-Please, baby. Tell me why I'm having those memories. Tell me who was the reason you did that. A-And just tell me you're not doing that anymore."

I looked at her when I heard her sobs, "Adonis, I'm sorry. I should've let you go and stayed away from you when we broke up."

Tumalikod siyang muli at mabilis na lumabas sa silid.

"Mikaela! Mikaela!" malakas na tawag ko sa kanya

Tumayo ako para sana ay habulin siya pero parang nanlalambot ang mga tuhod ko dahil napaupo ako sa sahig. Agad akong dinaluhan ni Ate Zea at ni nanay.

"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni nanay

"Tatawag lang ako ng nurse. Yung kamay mo kanina pa dumudugo!" nag-aalalang aniya ni Ate Zea

Ano bang nangyayari? Please, end my agony. I want to remember everything. I want to know everything. Mahigpit akong napakapit sa dibdib ko, hindi ako halos makahinga sa sakit. Parang mababaliw ako kapag hindi ko nalaman ang lahat. Bakit ang sakit?

I felt a tap on my shoulder. I looked up and saw Kuya Enrique.

"Buddy, my offer still stands. Do you want me to find out what happened?"

I bawled my fist and thought about his offer. He offered me help na ipa-imbestigahan ang tungkol sa amin ni Mikaela pero tumanggi ako dahil parang pambabastos iyon sa dati kong nobya. At gusto kong malaman lahat ng iyon dahil bumalik ang alaala ko hindi dahil pina-imbestigahan ko.

"Van, you can't do that to Mikaela! You will be invading her privacy!" mabilis na apela ni Ate Zea

Kuya Enrique shrugged his shoulders and gave me a knowing look.

Hindi ako nakaimik dahil may pumasok ng nurse na gumamot sa kamay ko at nagkabit ng bagong swero sa kabilang kamay ko. May dumating na doktor at sinabing makakalabas na ako pag naubos ang IV fluid ko. Nirekomenda din niya na magpatingin ako sa psychologist para ma-obserbahan ang pagbabalik ng ilang alaala ko.

BLANKONG nakatingin ako sa harap ng isang bahay na pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung kaninong bahay iyon pero pamilyar iyon sa akin. My psychologist told me to start doing what I was doing before the accident or visit the places I frequented at. Una akong pumunta sa university namin at pilit na inalala ang mga daan na dati kong pinupuntahan.

Nagdrive lang ako sa paligid at lumiko sa mga lugar na mukhang pamilyar sa akin hanggang sa makita ko ang bahay na ito. It's a two-storey townhouse with a black gate.

"Hello, Sir. Nandito rin po ba kayo para sa viewing ng bahay?" a man around my age asked me, he's holding a tablet and some folders

"Viewing?" nagtatakabg tanong ko

"Yes, Sir. Matagal na kasing for sale ang bahay na 'to. May viewing ngayon para sa mga potential buyers. Nagpa-register po ba kayo?" nakangiting aniya

Oh, he must be a real estate agent.

Umiling ako sa kanya, "No, hindi ako nakapagpa-register."

Hindi nawala ang ngiti niya sa labi, "Ay okay lang yon, Sir. Ilagay nyo nalang po dito ang details nyo at pwede na po kayong maunang pumasok. Hintayin ko po muna yung ibang clients."

He handed me the tablet and I accepted it. Hindi ko alam kung anong nagtutulak sa akin na pumasok doon sa bahay. Binalik ko sa kanya ang tablet nang matapos ako magfill up ng form.

"Thank you, Sir. I'm Carlo po pala. Feel free to ask questions po later. Pwede na po kayong pumasok sa loob." aniya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ng bahay

I took a step inside the house and looked around. Nahigit ko ang hininga ko nang mapagtanto na ito ang bahay na nasa memorya ko. Naglalakad-lakad pa ako at nilibot ang bahay. My feet automatically went to a particular room upstairs and my hand trembled when I reached the doorknob.

It was this room. I saw Mikaela's bloody body here.

Napakapit ako sa dingding ng kwarto nang makapasok ako. I saw some familiar scenes and fear is creeping more inside me. I gasped for air when a memory came to me.

I trembled in fear when I saw Mikaela trying to hang herself. Mabilis na hinaklit ko ang katawan niya at malakas na hinila ang tali. Hindi ko alam kung paano niya iyon naitali doon at kung paano ko nasira ang tali na iyon.

"Mikaela! Putangina naman, Mikaela! Are you seriously trying to kill yourself?!" galit na sigaw ko sa kanya

She gave me a blank stare and held my face, "I love you so much, Adonis. Pero hindi ko kayang patawarin ang sarili ko at hindi ako ang babaeng para sayo. Madumi akong babae, Adonis."

Umiiyak na niyakap ko siya ng mahigpit, "It's not your fault! Wala kang kasalanan sa nangyari. If you really love me, you will fight for us and for yourself."

"Pagod na akong lumaban, Adonis. Pagod na pagod na ako." walang ganang aniya

Humiwalay ako sa kanya at hinawakan ang mukha niyang blangko pa ring nakatingin sa akin, "N-No, no, baby, please. You can't leave me like this. Selfish man pakinggan pero hindi ako papayag na iiwan mo ako ng ganito. Bakit hindi mo nalang iwan ang bahay na 'to? I will help you, baby. Just stay with me, please. Don't leave me."

She smiled but there's no humor in it, "Can you really accept me, Adonis? Do you really love me? Paano kung nasasabi mo lang yan ngayon? Marami ka pang makikilala na mas deserving sa'yo—"

"Then work on yourself para maging deserving ka sa akin. Mikaela, I want you to be happy. I want to heal you, so please help me. Help yourself. Hindi ko ito kaya ng mag-isa."

Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko at tinanggal iyon sa pisngi niya.

"I killed my own father, Adonis. How can I forgive myself?"

"Because he raped you, Mikaela! He was a monster and he deserved that! The court ruling already came out that you're innocent and it was self-defense!"

Napahawak ako sa sentido kong sumasakit at pilit na pinipigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko. This information is too much for me to handle. I want to kill that bastard but he's already dead. Walang mapaglagyan ang galit ko sa nalaman ko.

MIKAELA

My phone rang and I immediately answered it when I saw the caller ID.

"Hello po, nanay." nakangiting bati ko

Siya ang nanay ni Adonis pero nanay din ang tawag ko sa kaniya dahil iyon ang hiling nya at nasanay na rin ako na lagi ko silang kasama at nakakausap. I am basically like an extended family for them.

"Anak, kailan ka ba dadalaw sa bahay? Nasa Legazpi ka pa ba?" may himig ng tampo sa boses ni nanay

Halos anim buwan na mula noong huli ko silang makita at iyon pa ay noong nasa hospital si Adonis. Wala na akong naging balita tungkol sakanya dahil hindi rin naman siya binabanggit nila Ate at nanay. Hindi rin sila nagtanong kung ano iyong pinagtatalunan namin sa hospital na ikinahinga ko ng maluwag.

Kinukulit ako lagi nila ate at nanay na bumisita sa kanila. Minsan naman ay lagi silang nagtatanong kung nasaan ako at kung busy ako para daw sugudin nila ako at ako nalang ang bisitahin nila.

Lumabas ako sa balcony at tinanaw ang Mayon Volcano na kitang-kita mula sa hotel room ko.

"Sorry, nay. Dadalaw po ako pag natapos ang project namin dito sa Legazpi. Uuwian ko po kayo ng pasalubong."

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya, "Kahit wala akong pasalubong basta umuwi ka rito sa bahay."

Napangiti ako. She always make me feel that I have a home I can go back to kahit wala na kami ng anak niya. Minahal niya ako higit pa sa totoong nanay ko na parang hindi naman ako minahal mula noong pinanganak ako.

"Opo, nanay. Uuwi po ako. Namimiss ko na po kayo. Kumusta naman po kayo? Umiinom ka ba lagi ng gamot mo?"

"Ayos lang naman ako, anak. At oo lagi akong umiinom ng gamot ko. Ang mga ate at kuya mo araw-araw nalang atang tumatawag para tanungin kung umiinom ako ng gamot! Napakakulit naman talaga ng mga lahi!"

Natawa ako sa reklamo ni nanay. Minsan kasi nakakalimutan niyang uminom ng gamot kaya kahit ako ay nagtatanong sakanya ng ganoon.

"Nag-aalala lang po sila sa inyo, nay."

Nagkwentuhan pa kami ni nanay saglit bago ako magpaalam sa kanya dahil may tinatapos pa akong plano. Ang dami niyang nakwento sa akin lalo na tungkol sa mga apo niya na makukulit. Namimiss ko na rin ang mga batang iyon dahil makulit sila pero sobrang lambing.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Adonis habang nagpapaalam si Nanay.

"Ingat ka dyan anak, ha? **Nay, sinong kausap mo dyan sa labas? At nakita mo ba si Risa? Wala na siya kanina paggising ko—** Sige na, anak. Bye bye na! I love you!"

Napatitig ako sa cellphone ko kahit binaba na ni nanay ang tawag. It's been months since I last heard his voice. Hindi ko makalimutan ang itsura niya noon sa hospital na nagmamakaawa sa akin. Pero tingin ko ay iyon ang tamang desisyon para hindi na siya masaktan pa at hindi niya maalala ang mga hindi magagandang bagay maaaring makasama lang sakanya.

We should just keep it that way. Adonis already did so much for me. Ayokong masaktan sya ulit sa mga malalaman niya. I hope his curiousity stopped when I told him to forget everything.

But something caught my attention awhile ago. Risa— his secretary is at home and I heard him say something about "paggising", natulog ba ang babae sa bahay? I know her because of Ate Cara and Ate Zea. May sariling condo si Adonis na malapit sa trabaho niya at madalang siyang umuwi sa bahay kaya nga nakakapaglagi ako doon tuwing wala ako sa Cebu. Lagi din kasing nakila Ate Cara o Ate Zea si nanay pag wala ako sa Manila.

I heard a beep and it was a message from nanay.

"Anak, uwi ka ha? Kung ayaw mong ipasundo kita dyan."

Natawa nalang ako sa sinabi ni nanay at nagreply sa message nya na uuwi ako next week. Hindi pa noon tapos ang project namin pero uuwi ako para matikman ulit ang luto ni nanay. Namimiss ko na ang mga luto niya.

TWO weeks passed. I wasn't able to come home to Manila dahil nagkaproblema sa project namin kaya marami pa akong inayos. Nagtatampo nga si nanay sa akin dahil hindi ko daw tinupad ang promise ko.

"Ma'am Mikaela, sasama ka ba sa company dinner?" tanong ni Gilbert na katrabaho ko

I looked at my watch, "No, my mom is coming to visit me." nakangiting sagot ko at iniwan sya doon

Excited akong makita si nanay dahil nagsabi siyang ngayon ang dating niya sa Legazpi. Hindi na daw nya mahintay na makauwi ako kaya siya na raw ang bibisita at para na din daw makita niya ang Mayon.

Sinabi ko na susunduin ko siya sa airport pero sabi niya wag na daw at may sundo naman daw siya. I forgot na VIP pala lagi si Nanay dahil sa mga manugang at mga anak niya. She even have bodyguards sometimes.

"Ma'am Mikaela, buti naman lumabas ka na. Kanina ka pa hinihintay ng nobyo mo." aniya ng guard sa akin

Kumunot ang noo ko, "Nobyo?"

Tumingin ako sa tinuro niya at agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko. I saw Adonis standing tall and leaning on his car. He's just wearing a casual polo shirt and jeans but he looks so hot. Mas kumunot ang noo ko nang mapansin ang paninigarilyo niya.

When did he start smoking?

Lumingon ito sa gawi ko nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Tinapon niya sa sahig ang sigarilyo niya at tinapakan iyon bago maglakad papalapit sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko at pinanood lang siyang lumapit sa akin.

Tumingala ako sa kanya nang makarating siya sa harap ko.  I can't help but stare at him. I inhaled his perfume, it was the same perfume he'd been using since our college days. And it was the same perfume I gave him.

Damn, he looks really handsome and.... delicious?

I saw his eyes darkened and he leaned down a bit to whisper on my ear.

"I'm back, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

273K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
939K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.