Operation: Secret Glances

By viexamour

37.8K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 7

975 31 0
By viexamour

Para akong tuod na gulat na gulat sa kanya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan at nanatiling nakatingin sa lalaking masungit na ang mukha ngayon. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi alam kung anong pakiramdam ba ang nararamdaman ko ngayon. 

Saya? Pagkalito? Kilig? 

Hindi ko alam...

Hanggang sa makababa kami sa jeep ay para pa rin akong lumulutang tuwing naaalala ko ang sinabi ni Amadeus kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero ng marinig ko 'yon mula sa kanya ay ibang pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. 

Naglakad kami papasok sa subdivision pero wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tanging tunog ng aming paglalakad. 

Tunog ng mga sanga ng puno buhat sa malakas na hampas ng hangin. 

Tunog ng aming mga paghinga. 

Nangingiti ako at alam kong kapag tumingin siya sa akin ay makikita niya 'yon.

Ayaw kong mag-assume. Pero hindi ko mapigilang maisip na baka... baka nagseselos siya kay Radin. Alam kong imposible lalo't hindi naman gano'n ang pagkakakilala ko kay Amadeus. Kapag sinabi ko 'to kay Cassie ay tiyak kong tatawanan niya lang ako. Pero kalaunan ay alam kong kikiligin din. At kasunod no'n ay ang pangaral niya.

"I'll tutor you later. Magpapalit lang ako," kagat labi akong tumango sa kanya at tumalikod na para pumasok sa aming gate.

Walang lingon-lingon na pumasok ako sa loob ng bahay at dahan-dahan na isinara ang pintuan. Nang magawa 'yon ay mabilis akong tumakbo paakyat sa kuwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Ibinuhos ko ang tili sa unan na nakalagay sa aking mukha. Nagawa ko rin sumipa-sipa dahil sa hindi mapigilan na kilig.

Tumihaya ako at tiningnan ang kisame. Hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti. Iba talaga ang epekto sa akin ng sinabi niya.

"Baliw na yata ako..." I mumbled.

Gumulong-gulong ako sa kama bago nagpasyang magbihis. Hindi naman nagtagal ay dumating si Tita Kilari. Babatiin ko sana siya pero dire-diretso lang itong umakyat sa hagdanan at parang hindi ako napansin.

Natigilan ako at sinundan siya ng tingin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang namumugto niyang mga mata. 

Umiyak na naman ba siya?

Susubukan ko sanang sundan siya ng tumunog na ang doorbell hudyat na nasa labas na si Amadeus. Pero nagkamali ako. Ang lalaking ito...

"Sino po sila?" magalang kong tanong.

Tinitigan ko siya at habang tumatagal ay napagtanto ko na ito ang lalaking pumunta rin dito sa bahay. Naka-suit pa siya at mukhang galing sa trabaho. Tumingin ako sa likod niya at nakita ang magandang sasakyan doon. Alam kong may ipagmamalaki naman kami sa buhay ni Tita Kilari, pero kumpara sa sasakyan ng lalaking ito ay mukhang mas angat siya sa amin.

Nakita kong tinitigan niya ako. Gulat at pagkamangha ang siyang nakikita ko sa mukha niya.

"A-Are you... Milada?" nagulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

"Kilala niyo po ako?" kahit nagtataka na ako sa kinikilos ng lalaki ay nagawa ko pa rin na maging magalang sa kanya. 

"Ako nga po," tumango siya at ngumiti. Mukha siyang masaya at mayroon pa akong nakita sa kanyang mga mata na hindi ko naman mapangalanan. "Pero... sino po ang sadya niyo?" 

"Oh... nandito ba si Kilari?" hindi nga ako nagkamali. Si Tita Kilari ng ang hanap niya.

"Ah, bakit po?" tanong kong muli.

Nakita kong natatawa siya at bakas pa rin ang pagkamangha.

"I just wanted to make sure that she's home safe." Kumunot ang noo ko.

"Bakit nga po?" he chuckled.

"I'm her friend. She knows me," hindi ako kumbinsido.

Base sa nakita kong iyak ni Tita Kilari ay alam kong hindi lang siya basta kaibigan. Duda ako sa kilos niya. Kaya sino ba 'to?

"Friend? Walang kaibigan si Tita Kilari bukod sa 'kin na pamangkin niya. Kaya sino ka... po?" 

Natigilan siya at parang napaisip. Nagawa pa nitong kumamot sa likod ng kanyang ulo tila hirap na mag-explain sa akin.

"I'm Payton," ngumiwi ako.

"Ang weird ng pangalan niyo... po." Humalakhak siya at tuluyan ng hindi naitago 'yon.

"Yeah... ang mama ko ang nagpangalan sa akin niyan. Kilari also said that. And Payton sounds cool. So I'm cool," ngumiwi akong muli.

"Pero bakit nga hinahanap mo si Tita Kilari... po?" bigla siyang sumeryoso.

"I wanted to talk to her but it looks like this is not the right time. I badly want to talk to her and tell something about us..." tuluyan na akong nagkaroon ng interes sa kanya.

"Boyfriend ka niya? O, hindi... po?" alam kong nagiging matapang na ako ngayon.

Gusto ko lang protektahan si Tita Kilari. Dahil sa mga nagdaang taon ay siya ang pumo-protekta sa akin. Ang lalaki sa harap ko ay hindi naman mukhang masamang tao at may gagawin na hindi ko magugustuhan. 

Masyadong magaan ang presensya niya ngunit masasabi kong brusko ang pangangatawan nito... at mabango rin!

"I want to tell it to you, but I know that Kilari should tell it to you first. I'm not in the right position," malumanay niyang sabi. "Gusto ko lang talaga malaman kung nakauwi ba siya ng maayos. And I guess, she is..." 

Nilingon niya pa ang likuran ko ngunit hindi naman naaalis ang tingin ko sa kanya. May kamukha siya pero hindi ko lang matandaan kung sino. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi ko maitatanggi na guwapo ang lalaking nasa harapan ko. Mayaman. Malinis. Mabango. At... mukhang mabait. Pero base na rin sa nakita ko kay Tita Kilari, nabanggit niya na nasasaktan siya. Is this because of this man in front of me?

"So... I should go first. It's nice to meet you... Milada." 

Ngumiti siya ngunit hindi ko na nagawang suklian 'yon. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at sinundan ko lang 'yon ng tingin. Even if he told his name, hindi pa rin ako mapanatag. 

"Sino 'yon?" 

Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Amadeus 'yon. Kunot ang noo at sinundan na rin ang dinaanan ng sasakyan ni Ms. Payton.

"Si Mr. Payton," tipid kong sabi.

"Bakit? Anong kailangan niya? Why did he go here?" sunod-sunod niyang tanong 

"Si Tita Kilari ang sadya niya. Mukhang manliligaw ng tita ko," kibit balikat kong sabi.

Kunot pa rin ang noo niya kaya niyaya ko na lang ito papasok sa loob ng bahay. Hindi na rin naman bumaba si Tita Kilari kaya ako na lang ang gumawa ng meryenda namin ni Amadeus.

Habang naglalapag ako ng pagkain sa center table ay busy naman si Amadeus sa pagsusulat. Mukhang iyon ang pasasagutan niya sakin mamaya. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na kami.

Mariin akong nakikinig sa kanya lalo't kailangan na talagang magseryoso. Sa susunod na linggo na ang exam namin at nagpapasalamat ako dahil hindi man lang napagod si Amadeus sa 'kin. Sa hirap ko ba naman turuan ay nagawa niya pa rin akong pagtiisan.

"Mali."

Ngumuso ako at kinuha sa kanya ang papel ko.

"Mali? Na naman?" I groaned at napasabunot na sa buhok ko. Dinukdok ko rin ang ulo ko sa center table.

"The formula you used was wrong. Kaya lahat ng sagot mo ay mali," matipid niyang sabi.

"Nakakalito naman kasi! Ang dami-daming formula!" reklamo ko at hindi pa rin inaangat ang ulo ko mula sa pagkakatungo sa lamesa.

"Come on, Milada. You should learn this..." malumanay niyang sabi kaya kahit sukong-suko na ang utak ko ay wala akong nagawa kundi ang muling makinig sa kanya.

Kaya ng matapos kami ay parang pagod na pagod ako. Naka-indian sit na ako sa sofa habang si Amadeus ay nanatili sa carpet at kumakain. Bukas na rin ang TV dahil sabi niya ay para mapahinga ko naman daw ang utak ko.

"I know you can pass the exams..." he suddenly said.

"Talaga? Pero paano kung ako pa rin ang lowest sa ranking sa klase natin? Sayang lang ang mga araw na pagtuturo mo sa 'kin. Nakakahiya lang..." umiling ito.

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" napatigil ako sa pagnguya at napaisip na rin.

"Meron?" sagot ko.

"Bakit patanong? You know, you should trust yourself. Sarili mo lang ang tutulong sa 'yo," tumango ako at hinarap ang TV.

Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa 'kin kaya muli kong binaba ang tingin sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Pinagtaasan ko siya ng kilay at doon lang siya nag-alis ng tingin sa akin.

Dumaan ang mga araw at parang tino-torture na yata ako ni Amadeus. Naging mas mahigpit siya sa pagtuturo sa 'kin at parang gusto ko na lang umiyak sa pahirap ng pahirap niyang mga problem na pinapasagutan. Gusto ko na siyang sabihan kung may galit ba siya sa 'kin pero alam kong para rin naman sa akin ang ginagawa niya.

Wala na rin nga akong masyadong time kila Cassie dahil pagdating ng uwian ay umuuwi na agad ako. But with Amadeus. Hinihintay niya ako sa labas ng gate. Minsan nga iniisip ko na baka bugahan na ako ng apoy ni Angel dahil madalas niya kaming makita na magkasama ni Amadeus.

"That's good..." malawak akong napangiti at hinagis sa ere ang papel ko na tama lahat ang sagot.

Narinig ko siyang mahinang humalakhak. Sumandal naman ako sa paanan ng sofa at kinuha ang throw pillow at niyakap 'yon ng mahigpit. Katabi ko si Amadeus pero nakasandal lang ito sa sofa at pinagmamasdan ako.

"Tomorrow is our exam, you should freshen up yourself." 

Tumango ako at nakangiting tumingin sanya.

"Thank you, Amadeus..." I softly said.

"Thank me after you pass the exams," humagikhik ako at pinanggigilan ang unan.

Pagkadating ng gabi ay sinunod ko ang sinabi ni Amadeus. Nag-relax lang ako at tumambay na lang sa Instagram ko. I post two pictures there. Ang una ay ang mga papel na nagkalat sa center table. Pangalawa ay ang kamay ni Amadeus katabi ng akin. Kinikilig pa ako ng i-post ko 'yon.

Hindi na ako magugulat kung bakit dumagsa ang maraming comments and hearts doon. This is the first time I posted a picture like this. Kalimitan ay picture ko at minsan ay kasama sila Cassie at si Tita Kilari.

@_CassandraMontimer: Gaga! Sino 'yan?

Natawa ako sa chat niya sa inbox ko sa Instagram.

@Milada_Yamamoto: Hulaan mo! Bleh!

@_CassandraMontimer: Pinagpalit mo na si Amadeus?! Kaya ba lagi kang nawawala ha?!

Humalakhak ako ng malakas at gumulong sa kama bago muling nagtipa ng message sa kanya.

@Milada_Yamamoto: Sa tingin mo kaya ko pang palitan si Amadeus? Of course, siya 'yan! 

Natatawa ako at naiisip ko na agad ang reaksyon niya sa sinabi ko. 

Tiningnan ko ang iilang message sa inbox ko at lahat ay naging kuryoso. Napairap ako sa ere. Ganito naman ata talaga. Kahit hindi ko close ang iba sa inbox ay nagawa pa rin mang-usisa. Pero syempre, hindi ko sila sasagutin.

Manigas sila kakaisip kung kaninong kamay ba ang nasa picture kasama ng akin.

@_CassandraMontimer: Pinag-loloko mo ba 'ko? Sigurado ka ba diyan o baka naman nananaginip ka ng gising? We should talk tomorrow you witch! Hindi ka nagkukwento sa 'kin!

@Milada_Yamamoto: Alright! I'll tell you tomorrow. Don't be too shocked, okay? Hahaha!

Doon na natapos ang usapan namin ni Cassie. Nang sumapit ang kinabukasan ay gising na gising ang diwa ko. Masigla rin ako kahit ang totoo ay kinakabahan ako para sa exam namin. 

Sabay kaming papasok ulit ni Amadeus. Siya naman ang nagyaya kaya sino ba naman ako para tumanggi, 'di ba?

Pagbaba ko sa kusina ay nandoon si Tita Kilari. Bihis na din ng uniform niya para sa trabaho. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Magbaon ka ng lunch. Naihanda ko na." 

Tinuro niya sakin ang pink na lunch box.

"Thank you, po..." hindi matanggal ang tingin ko sa kanya.

"Baka gabihin ako mamaya, ha? Siguraduhin mo na naka-lock ang gate at pintuan bago ka matulog." Sunod-sunod aking tumango.

"Ah... okey ka lang ba, Tita?" pagak siyang natawa at tumango.

"Oo naman!" nag-iwas siya ng tingin.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na alam ang nangyayari kay Tita Kilari dahil mukha naman siyang walang balak na sabihin sa akin kung ano 'yon.

Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko na sa labas si Amadeus. Agad akong napangiti at patakbong lumapit sa kanya.

"Good morning!" magiliw kong bati.

Maliit siyang ngumiti at pinasadahan ako ng tingin.

"Good morning," ngumiti akong muli.

"Ang ganda ng araw ngayon, 'no?" sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng subdivision.

"Wala pang araw, Milada..." napawi ang ngiti ko at biglang nakaramdam ng hiya.

Humalakhak ako para matakpan ang pagkapahiya.

"Ay wala pa ba? Akala ko may araw na, e." Natatawa ko pa rin na sabi.

Sira ka talaga, Milada! Babanat ka na nga lang mapapahiya ka pa!

"You looks like in a good mood," nilingon ko siya.

"Excited lang sa exam. Ikaw? You look fresh!" 

Gusto kong sabihin na ang gwapo-guwapo mo talaga Amadeus ko!

Amadeus ko?! Parang sira, Milada!

"I'm always fresh..." umismid ako.

"Yabang naman!" ani ko habang nangingiti sa kanya.

"I'm just telling the truth," tipid niyang sabi.

Oo na! Fresh ka na lagi. Ako na ang dugyot! Pero syempre hindi ko naman sasabihin 'yon, 'no! Nakakahiya lang.

"Ikaw? Hindi ka excited sa exam?" saglit niya akong tiningnan.

"I am," ngumiti ako at tumango.

Pagdating sa school ay muli akong dumistansya kay Amadeus. Alam kong napansin niya 'yon pero wala naman itong ibang sinabi. Mula sa labas ng classroom namin ay nakita ko na agad si Cassie. Humahaba ang leeg at ng matanaw ako ay mabilis ang hakbang na lumapit sa 'kin. Nilingon niya pa si Amadeus na nasa likod ko bago ako hinila palayo.

"Ano 'yon, ha? Kayo na?" ngumuso ako at umiling sa kanya.

"Nagsabay lang kaming pumasok, Cassie. Wala namang masama roon," tipid kong sabi.

"Alam kong may pagka-stalker ka noon kay Amadeus pero totoo na ba 'to?" bulong niya sa 'kin na para bang may makakarinig sa usapan namin.

Kinuwento ko kay Cassie lahat. Sinabi ko sa kanya na tinuturuan ako ni Amadeus at tulad ng inaasahan ko ay gulat na gulat siya sa sinabi ko. Hindi makapaniwala pero kinikilig din.

"Baka naman totoo talaga ang kutob ko?" umiling ako.

"Imposible," tipid kong sabi.

"Hindi 'yon imposible! Bakit sa mga taong nagdaan ay ngayon ka lang niya kinausap? Ngayon lang kayo nagkalapit ng ganito? Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla siyang naging malapit sa 'yo?" bakas ang pagdududa kay Cassie.

"Hindi naman iyon tungkol sa kung anong iniisip mo, Cassie. Siguro naaawa lang talaga si Amadeus sa 'kin dahil nga sa baba lagi ng grades ko. He just wanted to help me with this. At dahil tapos na ang pagtuturo niya sakin ay sigurado akong... titigil na rin ang paglapit niya sa akin." 

Naisip ko na rin ito kagabi. At hindi ko maiwasang malungkot kung ganun nga ang mangyayari. Nilapitan lang ako ni Amadeus dahil gusto niya akong tulungan. Hindi dahil sa gusto kong isipin. 

"Oh? Malungkot ka? Ayan na nga ba ang sinasabi ko, e. Alam kong gustong-gusto mo si Amadeus at suportado kita doon. Pero baka naman masaktan ka sa ginagawa mo!" aniya pabulong na sinabi at nagawa pang lumingon sa likuran ko.

"Alam ko, Cassie. Alam ko naman ang limitasyon ko," umiling ako kahit na nakakalungkot na gano'n nga ang mangyari.

"Hindi na basta crush ang nararamdaman mo kay Amadeus, Milada. Aminin mo nga sa 'kin... mahal mo na ba siya?" gulat ko siyang tiningnan.

Seryoso ang kanyang mukha at para bang kinikilatis talaga ako sa magiging sagot ko.

"A-Ano bang tanong 'yan? Ang salitang mahal ay masyadong malaking salita, Cassie. Mga bata pa tayo at malabo na maramdaman agad ang bagay na 'yan!" bumuntong-hininga siya at hinawakan ako sa balikat. Bahagyang niyugyog.

"Tuso ang pagmamahal, Milada. Magugulat ka na lang na nasa loob ka na pala nakakulong. Mahirap makaalis. At hindi maiiwasan masaktan. Kaya nag-aalala ako sa 'yo na baka ganyan na ang nararamdaman mo kay Amadeus. Hindi ko 'to sinasabi para panghinaan ka ng loob o para sabihin na sumuko ka. Sinasabi ko 'to kasi gusto kitang balaan, Milada. I saw many people trapped in what they called love. It looks painful..." 

"Hindi naman siguro ganun ang nararamdaman ko... paghanga lang siguro." Mahina kong sabi at palihim na sinulyapan si Amadeus kausap na ang mga kaibigan.

"I hope so, Milada..." mahinang sabi ni Cassie at kumapit na sa braso ko para pumasok na kami sa loob ng classroom.

Nagsimula ang exam at lahat ay tutok sa kanya-kanyang test paper. Na kahit ako ay hindi magawang alisin ang tingin sa test paper sa harap ko. Ang last na exam namin ay Calculus at bukas pa 'yon mati-take. Hindi naman ako kabado lalo't masasabi kong magaling ako sa ibang subjects.

Nang matapos ang dalawang exam namin para sa umaga ay nagkanya-kanyang alisan na ang mga estudyante para sa recess. Nakita kong tumayo si Amadeus at alam kong papunta siya sakin. Mukhang nakita 'yon ni Cassie at mabilis akong hinila palabas ng classroom. Alam ko ang ginagawa niya.

"Cassie..." 

"Milada, ayaw kong makialam. Ayaw kitang pakialaman pero... ayaw kong masaktan ka." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Kahit hindi mo 'to gawin, Cassie, ay may sarili na akong plano. After we take our exams ay doon ko na iiwasan si Amadeus. Magpapasalamat ako sa kanya at lalayo na. I'm doing this for myself too." Naninimbang ang kanyang tingin at sinakop ako ng yakap.

"I don't want you to get hurt like what my sister felt when she fell in love. I'm scared, Milada..." humikbi siya kaya mahigpit ko rin itong niyakap pabalik.

Alam ko kung anong nangyari sa ate niya. 

"She killed herself because of that fucking love! I hate it, Milada! I hate it!" humagulgol siya sa balikat ko. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyaring trahedya sa pamilya nila. It must be hurt to her family especially to her.

Nang mahimasmasan na si Cassie ay nagpatuloy na kami sa paglalakad sa mini-park kung nasaan ang tatlo. Alam kong napansin nila ang pamumugto ng mata ni Cassie pero hindi nagtanong ang mga ito. Lalo na kay Ulrim at Ulrid na pinsan ni Cassie. 

"My head's hurting!" reklamo ni Ulrim at hinilot-hilot ang kanyang sintido.

"Me too..." tipid na sabi ni Ulrid at bumaling sa tahimik na si Cassie. "How 'bout you, Radin? Hindi ba sumasakit ulo mo?" 

"Not really," aniya.

"Dapat sumakit din ulo mo para tatlo na kayo," sabi ko.

"Hindi ako gaya-gaya." Ani Radin, umismid ako at binigyan sila ng kinakain ko.

Umalis saglit si Cassie kaya naiwan kaming apat. 'Tsaka lang sila nagsigalaw at dumukwang sa 'kin.

"Bakit umiyak 'yon?" tanong agad ni Ulrim.

"She remembered her sister. And we talked about... love." They groaned.

"She still insisting it?" nagkibit ako ng balikat.

"Wala naman akong history ng pamilya niyo sa Albancia. At kung sino ang kaaway ng pamilya niyo roon. But I know that she's angry to the family of the man her sister loved. That's tragic." Malungkot kong sabi.

Bumaling sila kay Radin. Napatingin din tuloy ako. Mukhang may alam sila na hindi ko alam. Pero hindi na rin ako nag-usisa pa. Maya-maya ay dumating na ulit si Cassie at good mood na. Hindi na siya tahimik at naging maingay na ulit.

Nagsimula na ulit ang aming exam para sa hapon. Tahimik ang buong classroom. Lumingon ako sa paligid at nakita ang mga kaklase ko sa bandang likod hindi kalayuan sa 'kin na nagbubulungan ng sagot. Naiiling na lang ako dahil ganyan na ganyan ako noong nasa junior highschool ako. Pero kasi ngayon ay nag-aral at pinaghandaan ko talaga ang exam na 'to.

"Time's up, everyone!" nagreklamo ang mga kaklase ko pero wala rin naman silang choice kundi ang magpasa ng answer sheet.

Nang matapos na ang exam para sa araw na 'to ay nakahinga na ako ng maluwag kahit papaano. Nilingon ko si Cassie na palapit sa akin.

"Mauna na ako, Milada. Susunduin kami ng driver ngayon. Uuwi si Abuela at Abuelo sa bahay. Tapos isasama nila kami sa Albancia pagkatapos ng exam." Aniya.

"Mukha kang hindi masaya," tumango siya.

"Hindi naman talaga. Sino ba ang matutuwang bumalik sa lugar na kinasusuklaman ko?" natahimik ako pinagmasdan siya.

"Cassie..."

"I hate that place. Doon namatay si Ate Carla. At doon nakatira ang pamilya ng lalaking 'yon. Lahat ng pamilya ng lalaking 'yon ay kinasusuklaman ko. Nang dahil sa alitan ng mga pamilya namin ay nadamay ang kapatid ko." Gigil niyang sabi.

"Ibig sabihin ay galit ka rin sa pamilya mo?" siya naman ngayon ang natahimik at nag-iwas ng tingin.

Her silence means yes.

"Aiden... is one of the family of that man." Bumilog ang mata ko.

"Kaya ba... galit na galit ka sa kanya?" umismid siya.

"Sa tingin ko ay pinapasundan ako rito. I don't know what's their reason. I hate it. I hate them." doon natapos ang topic ng usapan namin hanggang sa tuluyan na siyang nagpaalam sa 'kin. 

Mag-isa kong tinatahak ang daan pauwi sa bahay. Hindi ko na rin naman nakita si Amadeus kaya wala ng dahilan pa para magtagal ako sa school. Alam kong kasabay no'n si Angel at tiyak kong tuwang-tuwa na 'yon ngayon. Mukhang may gusto rin kay Amadeus pero manhid ang isa. Nailing na lang ako sa sariling iniisip.

Pagdating sa subdivision namin hindi kalayuan sa bahay namin ay nakita ko na naman ang magandang itim na sasakyan. Mula sa labas ay kita ko si Tita Kilari na mukhang galit na galit. Nakita ko pa kung paano niya tinulak ang dibdib ni Mr. Payton. Pero masuyo siya nitong pinapakalma. Ngayon ang pagdududa ko ay mas lalong tumibay. May nakaraan nga ang dalawang ito.

"Ano ba?! Umalis ka na nga!" 

"Kilari—"

"'Wag mo 'ko ma-Kilari-Kilari diyan gago ka!" matapang na sabi ni tita.

Kahit ako ay nabigla sa sigaw niya. Ito ang kauna-unahang beses na narinig ko siyang sumigaw na parang galit na galit talaga.

"Tita... Mr. Payton," tawag ko sa atensyon nila.

Gulat na tumingin sa akin si Tita Kilari at agad na bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanya ni Mr. Payton. Ngumiwi ako dahil sa tarantang ekspresyon niya.

"M-Milada," ngumiti ako at lumapit sa kanila.

"Good afternoon, Mr. Payton." Bati ko rito.

"Good afternoon, Milada..." nakangiti namang sagot nito sa akin.

"Magkakilala na kayo? Kilala mo siya, Milada?" nanginginig ang boses niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Nakilala ko lang siya noong pumunta si Mr. Payton dito. Maiwan ko na po kayo," tumingin lang ako sa lalaki at humalik sa pisngi ni Tita Kilari bago pumasok sa loob ng bahay.

Bago ko pa maisara ang pinto ay nakita ko pang hinawakan muli ni Mr. Payton ang kamay ng tita ko. Kahit kuryoso sa kanilang dalawa ay wala naman akong karapatan na makisali roon.

"Gosh! Salamat kay Lord at tapos na ang exam!" umakbay si Cassie sa akin.

Ngayon na namin malalaman ang mga scores namin sa exam pati na rin ang ranking. Kahapon ang pangalawang araw ng exam namin at natapos na rin. Sa pangatlong araw, which is ngayon.  Ang araw na ito ay bigayan ng resulta ng aming exams.

I giggled and pinched her waist. Tumili ito kaya parehas na lang kaming natawa. Dumating ang teacher namin kasunod si Amadeus at Angel na may bitbit na box kung nasaan lahat ng answer sheets namin. Kinakabahan ako at the same ay nae-excite din.

"I want to congratulate everyone for taking your exams honestly. Alam ko na nahirapan ang iba sa inyo. Please give yourselves a round of applause." 

Maligalig naman namin na ginawa 'yon. Lahat ay masaya. Isa-isang binigay sa amin lahat ng answer sheet bawat subjects. Una kong nakita ang ang mga hindi naman major subjects. At lahat 'yon ay matataas kaya masaya talaga ako. 

Akala ko ay si Amadeus ang mag-aabot sa akin ng sa Calculus ko pero hindi. It's Angel. May pang-uuyam sa kanyang mukha ng ibinaba niya ang answer sheet ko sa lamesa.

"Still low, huh." 

Sa sinabi niyang 'yon ay mabilis kong tiningnan ang papel na nasa lamesa ko. Unti-unti ay tumaas baba ang aking dibdib ng mapagtanto ang nangyari.

"17 over 100..." nakagat ko ang aking ibabang labi.

I did my best, right?

Nanginginig ang kamay kong tinupi 'yon at nilagay sa bag ko. Tinago ko kaagad ng makitang papalapit si Cassie sa akin na masaya ang mukha.

"I got 97! Okey na 'yon kaysa wala pa sa kalahati!" masaya niyang sabi. 

Pilit akong ngumiti at pumalakpak sa kanya.

"Wow! Congratulations, Cassie!" nanginig ang boses ko.

Ang kaninang masayang ngiti ni Cassie ay napawi. Mabilis siyang umupo sa kaharap na upuan at hinawakan ang kamay ko. 

"Milada..." mapait akong ngumiti.

"G-Ginawa ko naman lahat, Cassie. Pero bakit gano'n?" nanginig ang boses ko.

Naiiyak na ako pero ayaw kong mangyari ito dito sa classroom. Ayaw kong makita ng mga kaklase ko kung gaano ako ka-disappointed sa sarili. Na nakakuha ako ng gano'n kababang score.

"You're still the best, Milada! I know you are!" malambing ang mata ni Cassie sa akin at alam kong binibigyan niya ako ng comfort. I smiled to her, at hindi na pinahalata na gusto ko ng umiyak.

Madilim na ng nakarating ako sa subdivision namin. Pero imbis na umuwi sa bahay ay dumiretso ako sa play ground. Umupo ako sa swing at nilapag muna ang bag ko sa gilid bago inilabas ang answer sheet ko sa Calculus. Nangilid ang luha ko sa mata hanggang sa tuluyan na akong umiyak doon. Ang patak ng mga luha ko ay napunta na sa answer sheet. Nanlalabo ang aking tingin dulot sa luha na walang tigil sa pagtulo.

I sniffed and tried to dry my eyes but it didn't work. Lalo lang akong naiyak.

"Milada..." 

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Amadeus. Mukha pa siyang hinihingal at katulad ko ay suot niya pa rin ang uniform niya.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko para hindi niya makita kahit pa huli na. Hinawakan niya ang pulsuhan ko para patigilin sa ginagawa ko. Nanatili akong nakayuko at hindi kayang tingnan siya sa mga mata. Nahihiya ako. Pagkatapos  ng lahat ng effort niya para sa 'kin ay hindi man lang nagbunga ng maganda. Bagsak pa rin ako.

"The score upset you?" marahan ang kanyang boses na para akong sinusuyo.

Dahan-dahan akong tumango. Muli na naman nagbabadya ang panibagong luha sa mga mata ko.

"I-I'm sorry..." nanginig ang boses ko at tumulo na nga ang luha ko sa aking pisngi. "G-Ginawa ko naman, e... inaral kong mabuti ang mga tinuro mo. Pero..." suminghot ako at pinunasan ang sariling luha gamit ang likod ng palad ko.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang nakaupo naman ako sa swing. Kaya kapag tumingin ako sa kanya ay mapapatingala ako. He squated in front of me, para magpantay kaming dalawa. Ang bag niya ay nilagay niya tabi ng bag ko sa gilid. Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko at kahit gusto ko ng tumahan ay wala pa rin silbi.

"Stop crying..." umiling ako.

"I can't..." muli akong suminghot.

Ramdam ko ang mainit niyang tingin sa akin. 

"It's okey, Milada. Your score doesn't define you," ngumuso ako.

"Gamit na iyang linyahan na 'yan, e. Tapos gagamitin mo rin sa 'kin." Doon na ako nag-angat ng tingin sa kanya.

He has a small smile on his lips and looked amused. Mas lalo akong naiyak dahil sa binigay niyang ekspresyon na 'yon. Nagulat siya at parang hindi na alam ang gagawin.

"I said stop crying, Milada..."

"Tinatawanan mo 'ko!" giit ko. 

Nanlaki ang mata niya. Kinagat ang ibabang labi at umiling sa akin. Yumuko siya saglit at muling nag-angat ng tingin sa akin.

"Hindi kita tinatawanan, Milada..." umirap ako kahit may luha pa ako sa mata.

"Dapat galit ka! Nag-effort kang turuan ako pero wala pa rin. I still got a low score. 17 over 100, really?!" muli na naman akong umiyak.

Umawang ang labi niya at pinulot ang papel na nasa damuhan na dahil nabitawan ko 'yon kanina.

"I don't care what score you got, Milada. I know you put so much effort just to get a high score. I just want you to be you. Kung hindi mo talaga kaya then stop. Don't push yourself too much. That is just a number, Milada. Mababawi mo 'yan. Magagawan 'yan ng paraan. Please, stop crying, hmm?" 

Gamit ang kanyang hinlalaki ay pinunasan niya ang luha ko. Suminghot ako at nagbaba ng tingin. Hindi makayanan ang intensidad ng tingin ni Amadeus.

"Hindi ka ba galit o... dissapointed?" marahan kong tanong. 

Bumuntong-hininga siya at umiling. 

"I will never be disappointed in you, Milada. I know that you did your best. I saw it. I really do..." malambing niyang sabi.

At hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako mula sa pagkakaupo ko sa swing at mula sa kanyang pagkaka-squat para lang magpantay kaming dalawa. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Muli ay nagbadya ang mga luha sa aking mata dahil sa mainit niyang yakap sa akin. 

His presence is so comforting.

"I'm proud of you, Milada..." 

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.5K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14.7K 179 34
ATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...