Still into you (Professor Ser...

By penxeal

19.7K 677 154

Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain... More

02
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Wakas I
Wakas II
02

Kabanata XLIII

413 21 10
By penxeal

Kabanata XLIII

Selfish

Unknown Number:

Goodnight, Eleanor. You made this day extra special. Thank you.

Unknown Number:

Namiss kita.

Napabuga ako ng hangin sa nabasa. My heart fluttered. It's the number I assumed that belongs to Dmitri. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tumulala sa kisame.

I feel like I'm dreaming. Para akong lumulutang dahil sa mga nangyayari. The warmth of love I felt years ago is coming back. And it's still from the same man. It's still from Dmitri.

Pero natatakot ako sa totoo lang. Natatakot akong subukan ulit. I'm scared that he'll left me hanging again. Though, it was unintentional... but still... that left me a big scar and insecurities.

Pero iba naman na ngayon 'di ba? He said hurting me would be the least thing he would do. Kung dati medyo malabo.. I wasn't sure if I'm just assuming things. Ngayon he's giving me his assurance. His words and actions.

"Eleanor..." he said almost a whisper.

Agad na napatingin ang mata ko sa paligid para tingnan kung narinig ba ng mga ka-block ko ang pagtawag sa akin ni Dmitri. Mabuti na lang at abala ang lahat na gawin ang kanya kanyang seatwork at medyo maingay ang klase dahil doon.

Nakagat ko ang labi ko at humigpit ang hawak sa ballpen bago unti unting umangat ang tingin sa kanya na nakatayo sa gilid ko.

Hindi pansin ang ginawa niya dahil mukhang nagtitingin tingin lang siya ng mga pinaggagagawa namin. Pero sa totoo ay tumigil talaga siya sa gilid ko at humarap pa talaga sa akin!

A smile slowly formed on his lips when our eyes met. Tumalon ang puso ko dahil sa kaunting ngiti na lumitaw sa kanyang labi.

"Okay lang ba sa'yo kung magdinner tayo mamaya after class?" he asked me with low voice, enough for me to hear it.

Mas lalong kumabog ang puso ko. Bagong bago ito sa akin. Hindi siya ganito ka-straightforward dati. It was as if his questions before was just out of curiosity or kindness. Pero ngayon ay malinaw na hindi lang iyon dahil doon.

Muli akong sumulyap sa paligid takot na may nakarinig sa tinanong niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala.

Napanguso ako at unti unting umiling sa kanya. Kung hindi lang importante ang dinner mamaya...

"Mag di-dinner kami nila Daddy mamaya. Birthday niya kasi. Sorry..." dismayado kong sabi.

He slowly nodded as if he completely understand my reason.

"Okay... Just text me when you're home..." he said while smiling at me.

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagsagot kahit ang isip ko ay lumipad na sa dinner mamaya. Kung hindi lang kasi talaga birthday ni Daddy ay baka hindi ako tumanggi sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin na naglakad pabalik sa upuan niya sa harap. He swiftly pulled the chair and sat on it. Nang makaayos ng upo ay agad na bumagsak ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad na nag-iwas ng tingin.

Sinubukan kong sagutan ang isang number pero pagtapos ay agad na umangat ang tingin ko kay Dmitri na nakatingin din sa akin at may maliit na ngiti sa kanyang labi! His smile widened when he saw me looked at him!

Agad kong binaba ang tingin ko sa sinasagutan at hindi na lumingon pa sa kanya hanggang sa matapos iyon.

Hindi ko na nagawa pang kausapin si Dmitri pagtapos ng klase lalo na't nilapitan siya ng ibang mga ka-block ko. Alam kong may malisya pa rin para sa kanila ang photoshoot na nangyari sa amin ni Dmitri, hindi lang nila sinasabi, pero nakikita ko sa mga naabutang sulyap sa akin. And I know.. some of my batchmates know that we were close when he was a student here before. Ayaw ko nang dagdagan pa lalo na't ngayon ay totoong may kung ano ngang namamagitan sa aming dalawa.

Sinulyapan ko si Dmitri at nakita ang mabilis na pagdapo ng mata niya sa akin nang nasa pintuan na ako palabas. I gave him a small smile before turning around. Umalis na ako roon para umuwi at makapaghanda sa dinner.

Mommy has prepared a special surprise for Daddy that's why she insisted that we have a dinner in a restaurant not far away from our house. Alam kong hindi rin naman kami magtatagal sa dinner na ito, we just wanted to have a little celebration before having a big party for Daddy's birthday.

Sakto ang dating nina Ate Thalia at Kuya Ethan. Nauna kami pero halos magkakasunod lang din. Huling dumating si Ate Ester na may bitbit na regalo para kay Daddy.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, anak..." halakhak ni Daddy habang tinatanggap ang inabot ni Ate Ester na regalo.

Napailing ako nang dumapo ang tingin ni Ate Ester sa akin. Nakalimutan niya ba na uuwi siya at sa kwarto nila Daddy niya dapat nilagay ang regalo? The family's gift for Daddy are all there!

Tumaas ang kilay niya. Pero unti unting lumaki ang mata at napadapo ang tingin sa binigay niyang regalo kay Daddy. She then mouthed 'sorry' to us before sitting beside me.

Napailing din si Kuya Ethan at mukhang natatawa habang si Mommy naman ay napairap ng kaunti sa pagiging makalimutin ni Ate Ester.

Hindi nagtagal ay nag-order na rin kami at mabilis na dumating ang pagkain. We started eating while laughing to each other's stories. Nawala lang iyon nang medyo sumeryoso ang usapan at napunta kay Ate Ester at sa kanyang nobyo.

She's still with the same man she introduced to us before. Naunahan pa nga siya ni Kuya Ethan matali, which we really didn't expect coming lalo na't wala kaming ideya na mayroon palang nobya itong si Kuya Ethan ng panahon na iyon.

"We will settle once we're ready, Mommy. And Luke hasn't proposed yet! So.. wala pa talaga, Mommy..." tawa ni Ate Ester at kumain.

Tahimik kong piangmasdan ang reaksyon ni Daddy at Mommy sa sinabi ni Ate Ester. Napataas ang kilay ni Daddy habang si Mommy ankan ay gulat na gulat.

"What? Ang tagal tagal niyo na! Kaya paanong hindi pa?" si Mommy.

"Should I be worried? Sa kasal naman ang tungo niyan, 'di ba?" Daddy half jokingly said with a smile on his face.

Ate Ester looked at Daddy. She shrugged and chuckled. Natawa na lang din si Daddy sa inasal ng anak. Habang ako ay napanguso at napatingin kina Kuya Ethan.

Kuya Ethan is looking at Ate Ester with a smile on his face. Ate Thalia is busy feeding Thaniel. Nabalik lang ang tingin ko kay Ate Ester nang banggitin niya ang pangalan ni Winston.

"E ikaw ba, Eleanor? May balak ka bang sagutin si Winston?" Ate Ester asked and raised her eyebrow.

Napakurap ako. Agad na lumipat ang tingin nila sa akin. I saw how Mommy focused her eyes on me. Tumaas ang kilay ni Daddy. Si At Thalia ay napatigil sa pag-ayos sa damit ni Thaniel at napatingin sa akin. Kuya Ethan stared at me.

I laughed awkwardly, "He's not courting me, Ate..." iling ko.

"Boyfriend mo na?" gulat niyang tanong.

"He's not, Ate. Pinatigil ko na manligaw.." iwas ko ng tingin sa kanya.

It's like everybody knows that Winston has stopped courting me except Ate Ester. Kasi sa itsura ni Kuya Ethan ay mukhang alam niya na pati na rin ni Ate Thalia. I remember telling about it to my parents pero hindi sa kanila. Pero may pakpak ang mga balita hindi ba? Pero bakit hindi ata nadapuan nito si Ate Ester?

She's so shocked as if she cannot believe what I just said.

"You're lying..." she said.

I pouted, "I don't lie, Ate," and raised my eyebrow.

"Pero bakit?" nalilito niyang tanong.

Kita kong sasagot sana si Mommy pero agad na hinawakan ni Daddy ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. He looked at her as if telling soemthing to her. She then let out a sigh before looking at me. Nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit hindi? Baka may ibang gusto si Eleanor kaya basted na si Winston," Kuya Ethan raised his eyebrow to me.

Medyo nagulat ako at kinabahan sa sinabi ni Kuya Ethan. Does he know? Alam niya ba ang tungkol sa amin?

"Sino naman?" Ate Ester asked.

"Why are you asking me?" tawa ni Kuya Ethan.

He shrugged his shoulders and look at me with his meaningful stares. Dumagundong ang puso ko. May alam siya. Pero hindi ko alam kung ano iyon.

Is it possible that he knew what was going on between Dmitri and I years ago? Hindi imposible. We're in the same school! He's also friends with Dmitri. Ngayon ko lang napagtanto. He didn't ask me anything about it. Wala siyang nababanggit. Kaya ngayon ko lang naisip lalo na't may ganyan siyang hirit sa akin.

I let that thought slid for that night. May iilang pinupukol na tingin sa akin si Kuya Ethan pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko kinakabahan talaga ako kapag naiisip kong may alam siya.

After that dinner, agad kaming dumiretso sa bahay pag-uwi. Nagulat nga si Daddy dahil sa surpresa ni Mommy. At hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kung gaano kasaya si Daddy.

He's so happy not because of the party. He's happy because he got to celebrate it with us. With Mommy. I saw how many times Daddy hugged Mommy and whispered in her ears with a priceless smile on his face. He's not letting Mommy go. He goes with her everywhere. And it was as if he's still madly inlove with her. They're still madly inlove with it each other.

I slept with my heart so full and with a smile on my face. I want someone who will also love me for who I am. I want someone who embrace all of me. And I also want someone who will look at me the way Daddy looks at Mommy.

Pumikit ako at hinayaan si Ram na ayusin ang buhok ko. May photoshoot ako ng beachwear para sa chanel. Gusto ko sanang tanggihan since it's a beachwear and I'm not sure if I can pull it off. I'm not confident enough and comfortable enough to show my body. But I can't say no since I had to do it for my comtract. Isa pa... Calvin Klein has been in contact with my agency. So it's better for me to get used to this. H'wag lang may hahawak na lalaki sa akin.

"All set na? We can start in a few minutes! Eleanor get ready na!"

I'm actually wearing a half-half colored one piece that is black on the right side and white on the other, and has a chanel logo in the middle. I actually like it since it's simple but still very classy.

Pinili namin magshoot na magbabandang hapon na dahil medyo masakit sa balat ang araw. Mabuti na lang at magaganda ang view dito sa Palawan kaya hindi na nahirapan maghanap ang team ng spot na pwede naming pagshooting-an.

"Nilagyan mo naman ng sunblock? Baka masira ang balat ni Eleanor sa init!"

Hindi ko pinansin ang iilang tanong ni Miya kina Ram at Leigh. Medyo nakakailang lalo na't maraming crew ang kasama at may iilang tao pa ang naroon na nagbabakasyon pero nang tumagal ang pictorial ay nasanay na rin ako sa mga tingin na pinupukol nila sa akin.

Pero nawala ulit ako sa ginagawa nang may narinig akong mga bulungan. Lalo na't narinig ko ang pangalan ni Dmitri.

Lumibot ang mata ko at nakita ko ang ibang crew ay may pinag-uusapan at nakatingin sa isang banda. Sinundan ko iyon ng tingin at halos tumalon ang puso nang makita si Dmitri!

It was as if he headed here right after his work. He's still wearing his formal attire kaya naman talagang pansin na pansin siya. Isa pa... he's looking so damn fine today. May iilang mga babae ang nakatingin sa kanya tila ba gustong lumapit o ano.

When he saw where I was, I saw how his lips rose up a little bit. Napasinghap ako at napaiwas ng tingin. Sinubukan kong magfocus sa pictorial pero hindi ko maiwasang hindi siya hanapin ng paningin. He started walking towards us. Medyo kinabahan ako especially when the crew started to recognize him.

Binabati siya at kinakausap kaya naman napapatigil siya. When our eyes met again, I looked away.

Damn it! Nawala na ako sa focus! And all I can think about right now is the reason why Dmitri is here!

I tried so hard to look away from where he was. Pero para bang nananadya siya dahil pumwesto pa siya mismo sa likod ng photographer. It seems like he knows the photographer. Nakita kong kausap niya ito nang bumalik ako suot ang bagong swimwear. Nandoon na ang surfboard na gagamiting props para sa pictorial.

The photographer said something but it seems like Dmitri is not listening anymore. His eyes is already fixated on me. Agad akong nag-iwas ng tingin nang biglang kabahan sa hindi malaman na dahilan.

"Try removing your eyes from him and focus on your work. Mamaya na 'yan..." bulong ni Ram sa akin at ngumisi bago ako iwan sa gitna.

Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ulit kami. Last na ito kaya pagtapos ay pu-pwede na akong magbihis sa komportableng damit. But I keep on making wrong expression. I can't seem to focus knowing that Dmitri is watching every move I make.

"Relax lang, Eleanor...." the photographer said.

I tried my best to relax. I exhaled through my mouth and shut my eyes for a second before trying myself to focus one more time. And thankfully I did!

Sa huling posing ay tamad akong nakahawak sa surf board na nakatayo sa gilid. Lumagpas ang tingin ko sa camera at diretsong napunta kay Dmitri na titig na titig sa akin. He's still standing there watching me. Nakahalukipkip ang isang braso habang ang isa ay nakahawak banda sa kanyang labi.

My lips parted when I saw how his finger played with his lips. Nakanguso at parang pinipigilang hindi ngumiti sa akin. My heart started to race and I can't seem to understand why. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero agad ding bumalik pagtapos ng ilang minuto nang makitang may lumapit sa kanya.

It's someone from the crew. May tinawag ito sa kung saan at may lumapit na babae kay Dmitri. She's tall, has a medium length hair, and pretty curvy. Mukhang kaedad ni Dmitri lalo na rin sa itsura nito. And I can't deny that she looks like a model with her curves and posture.

Sinubukan kong hindi pansinin iyon pero hindi ko magawa lalo na nang makita kong naglakad palayo si Dmitri habang kausap ang crew na kumausap sa kanya at nasa gilid niya ang babae.

Wala ako sa sarili para sa huling pictorial na iyon. Papalubog na ang araw nang matapos kami dahil hindi makakuha ng maayos na shot. I last, saw Dmitri still talking to the girl. Pagtapos non ay hindi ko na siya nakita kaya naman agad na lumibot ang mata ko para hanapin siya. But I couldn't find where he is.

May ilang lumapit sa akin para magpapicture at magpa-autograph. I wasn't able to cloth myself right after the shoot because of the guys that are keeping me from doing that.

Nang makawala sa kanila ay agad akong naglakad para magbihis na dahil wala naman akong balak magbasa sa dagat. Pero napahinto akong muli nang may humarang sa aking lalaki na naka-board shorts lang at topless.

Napatingin ako sa kanya at tumaas ang kilay nang tingnan niya lang ako pabalik. He smirked at me. Hinawi niya ang basa niyang buhok bago ilahad sa akin ang kamay. Mukhang may lahi lalo na sa kulay ng buhok niyang medyo brown.

"Jordan... Eleanor, right?" he said still wearing that smirk.

Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko iyon pero sa huli ay napagdesisyunang tanggapin na lang. I've met countless of men like him. A little bit persuasive lalo na kapag hindi pinapansin. I took a step back when I let go of his hand dahil mukhang balak niya pang mas lalong lumapit sa akin.

Napansin niya iyon pero hindi na nagkumento pa.

"So.. you're gonna dip in? Or... mamamasyal ka lang dito? I can join you.." he said and looked at me from head to toe.

His smirk widened. Medyo kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon at napahalukipkip. Hindi ko na ginawa pang ngumiti sa kanya. Kaya naman agad siyang nagsalita.

"We can do whatever you want to do. I guess they won't mind if I take you somewhere else to have fun? You seem pretty fun to be with," he shrugged his shoulders.

Nangunot na ang noo ko. Sa ibang lalaki ay hindi talaga uso ang salitang respeto. I know what he meant by fun. Sa dami kong nakilalang lalaki dahil sa industriyang ito, alam ko na ang katulad niya. Panatag ako dahil marami ang tao pero kung kami lang ay baka nanginig na ang tuhod ko sa takot na baka kung ano ang mangyari.

"You'll catch a cold..." narinig kong sinabi ni Dmitri kasabay nang pagpatong niya sa akin ng isang robe.

Inayos niya iyon at agad ko namang hinawakan para matakpan ang katawan ko. Seryoso ang tingin niya sa akin bago lumipat kay Jordan na pinagmamasdan kami. Mukhang nagtataka ito sa kinilos ni Dmitri dahilan ng pagtaas ng kilay niya pero hindi na nagsalita pa.

Kinabahan ako. Narinig kaya ni Dmitri ang sinabi nito sa akin? Medyo natakot ako dahil alam kong magagalit ito pag nalaman niya.

Nang bumalik sa akin ang tingin ni Dmitri ay napagtanto kong wala siyang narinig. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon na ipinagtaka naman niya. Nagsalubong ang kilay niya sa hindi malaman na dahilan.

"Nakaistorbo ba ako?" he calmly asked but he seems like annoyed.

"What?" taka kong tanong at napatingin kay Jordan.

Tinalikuran ko siya at agad na naglakad. Sumunod sa akin si Dmitri. Naramdaman ko ang iilang titig ng mga crew at mga stylist sa amin ni Dmitri. Nagpapack-up na at nag-aayos sila para magready kumain at makauwi na kami mamaya.

"Kilala mo ba 'yon?" I heard Dmitri asked.

Hindi ko siya nilingon nang maalala na ngayon ko lang siya nakita. Nangunot ang noo ko. I don't want him watching me while I do my pictorial but I also don't want him not watching me while I do it! He makes me nervous and I can't focus when he's around but it's the same when he's not! Lalo na't nakita kong umalis siya kasama ang babaeng mukhang pinakilala sa kanya!

"Bakit ka nandito?" I asked a little annoyed and faced him.

Napahinto siya sa paglalakad at nakita ko ang mukha niyang seryoso ang tingin sa akin.

"Susunduin kita at iuuwi,"

Medyo kumabog ang puso ko sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa robe at mas lalong nayakap ang sarili. Paano niya nalaman na nandito ako?

"May sasakyan kami, Dmitri.." paninindigan ko sa naramdaman kanina dahil sa pagkawala niya.

"I can take you home with my car, Eleanor. Nakausap ko na si Miya na ako ang mag-uuwi sa'yo," he said.

Hindi ako nagsalita. Dahil pakiramdam ko ay nawala na ang isip ko sa babaeng pinakilala sa kanya dahil sa mga sinasabi niya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" ngayon ay medyo alanganin na ang tono. "

Nakagat ko ang labi ko at sandaling napatitig sa kanya.

"Magbibihis lang ako..." aniko at tinalikuran siya bago pumunta ng tent ko.

Mabilis akong nagbihis dahil nasa isip kong naghihintay sa akin si Dmitri sa labas. Kung anong damit ang binigay sa akin ni Leigh ay iyon na ang binihis ko at agad na dumiretso sa labas.

Naabutan ko si Dmitri at Miya na nag-uusap. Dmitri's listening to whatever Miya is saying. Napalingon lang sa banda ko nang magsalita si Leigh.

"Ready na si Eleanor!"

Sabay silang napatingin sa akin ni Dmitri. Miya went to me while Dmitri stayed there.

"Nasan na si Ram? Let's start the interview nang matapos na..." si Miya at tiningnan ang mukha ko at ang suot ko.

Nagtaka ako. "What interview?"

No one told me about it. Walang interview na nabanggit sa akin si Leigh. Tumingin si Miya kay Leigh.

"Sorry... Nakalimutan ko sabihin. Kanina lang din kasi napagdesisyunan habang nagpipictorial ka..." sabi ni Leigh at napasulyap sa likod ko.

"Tara na..." si Miya at umalis na.

Hinila ako ni Leigh at agad akong napalingon kay Dmitri na tinanguan ako. As if he knew what I'm going to do. Ako lang ba ang walang alam sa sarili kong schedule?

Hindi ko nakita si Ram. Right before mag-umpisa ang interview ay nagulat na lang ako nang lagyan niya ng kung ano ang mukha ko.

"Si Engineer daw ang maghahatid sa'yo pauwi, ah?" ngising aso sa akin si Ram.

Everything's ready. Kami na lang ang hinihintay.

Inismiran ko siya at tinaasan ng kilay. "Ngayon lang kita nakita, saan ka nanggaling?"

Hindi siya kumibo at tinaasan lang ako ng kilay. Medyo namumula ang mata niya kaya naman mas lalo akong nagtaka. Did he cry?

"Okay ka lang ba?" medyo nag-aalala kong tanong sa kaibigan.

If he's okay, kanina niya pa ako inasar at hindi tinigilan dahil nandito si Dmitri. Baka nakurot ko na siya dahil sa pang-aasar niya sa akin. Pero ngayon sa nakikita ko na malungkot ang mata niya at parang pagod, I know something's up. He's not even talking that much. At isa pa, ngayon ko lang ulit siya nakita! Sa buong oras ng pictorial ko ay hindi ko siya masyadong napansin lalo na noong bandang huli na.

Tiningnan niya ako at hindi lalong kumibo. He just looked at me with his tired eyes. Para bang may gustong sabihin pero wala nang lakas para gawin iyon. He stood properly when someone clapped and cued us to get ready in a minute.

"I'll tell you when I'm ready..." mahina niyang sinabi sa akin bago siya umalis at iwan ako roon.

My mind was flying while I was doing the interview. Ang isip ay nasa kaibigan dahil sa pag-aalala. Wala akong maisip na dahilan para umiyak siya. He seems fine for the past few days! Kaya hindi ko maisip kung bakit siya nagkaganon.

Nang matapos ay agad kong hinanap ang kaibigan pero nalaman ko kay Miya na nauna na itong umalis kalagitnaan ng interview ko. I sighed and immediately called Leigh for my phone. Agad kong tinext si Ram para malaman kung nasaan siya pero hindi ito nagreply. I tried calling him but his phone was turned off. It was as if he knew I was going to call him. Siguro ay gusto niya mapag-isa.

Naglakad ako papunta sa kung saan ko huling nakita si Dmitri. Pero wala siya roon. Nakasunod sa akin si Leigh at nakita ang paglibot ng mata ko.

"Uh... may kinausap ata si Engineer doon banda..." aniya at turo 'di kalayuan sa kung nasaan kami.

Parang may gusto siyang sabihin pa at itanong sa akin pero hindi niya na ginawa. Her meaningful stares tells me she knows something's going on. Tumango ako at umalis na doon hindi na pinansin pa iyon.

Hindi pa ako nakakalayo ay may humarang na ulit sa akin. I don't want to be rude kaya naman kinausap ko ang grupo na humarang sa akin. May isang hindi nalalayo ang edad sa akin at may dalawang babae na mas bata sa akin. Seems like they're here on a vacation.

"Uh.. Hi po! Pwede po ba magpapicture? Idol po kasi kita..." hagikgik ng teenager na may mahabang buhok.

"Sure.." I smiled and let her come near me.

Medyo tumagal pa ako roon dahil kinausap pa nila ako. It seems like the girl who idolizes me wants to be a model.

"I really want to be like you, Ate...  Crush ka nga po ata ng Kuya ko dahil nakikinood din sa runways mo..." hagikgik niya.

"Kuya chance mo na... Ayaw mo pa kasi magpapicture..." ani ng isa.

Mukhang nahiya ang lalaki. He's older than me, I think. Agad niyang sinuway ang mga kapatid at medyo nahihiyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Uh.. Sorry, Eleanor. We won't keep you long..." he said.

May itsura ito hindi ko mapagkakaila dahil kamukha niya ang mga kapatid niya. Pwede ngang silang tatlo ay magmodelo.

"Kuya ang torpe mo, once in a lifetime lang 'to!" sabi noong maikli ang buhok.

Lumagpas ang tingin ko sa kanila papunta sa likod nila. I saw Dmitri walking with that girl. Papunta rito at parang may pinag-uusapan. Nang umangat ang tingin ay agad na nagtama ang paningin namin. Inalis ko ang tingin sa kanya at bumalik sa kausap.

"Ate Eleanor.. Papicture din daw po si Kuya sa inyo..."

Tumango ako at ngumisi. Napakamot ang lalaki sa batok at walang nagawa nang itulak siya sa tabi ko. Humagikgik ang dalawa habang nagbubulungan na nakatingin sa amin. I smiled when they started counting.

Nang matapos ay napatingin ako sa banda nila Dmitri na malapit na pala sa amin. Sumama ang timpla ko at hindi na makangiti. Kaya ba nawala siya? Siya rin ba ang sinasabi ni Leigh na kianusap niya? At bakit kailangan pa nila umalis doon?

Nagpaalam ang magkakapatid at may sinabi pa sa akin pero hindi ko na nasundan pa dahil sa dami ang ideya na pumapasok sa isip ko. When I saw Dmitri's eyes landed again on me, tumalikod na ako at naglakad paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasa banda nila ang tent ko. I won't go back there just to witness him with another lady!

Mabilis ang lakad ko papunta kina Miya na may pinag-uusapan tungkol sa pictorial. Nagulat siya sa presensya ko.

"Pakitawag na lang ako pag-aalis na. Maglalakad lang ako diyan..." aniko at turo haba ng pwedeng lakaran doon.

Nagtataka niya akong tiningnan pero agad ding nagkibit balikat. "Sure. H'wag ka lang masyadong lalayo at mag-ingat ka..." she said.

Umalis na ako roon at naglakad na palayo habang ang isip ay lumalakbay sa nakita. I cannot stop myself from being insecure. Mula kay Maricar at sa mga babaeng interesado kay Dmitri, hindi ko mapigilang manliit.

Para bang ang hirap pa rin abutin ni Dmitri. He's just there but still too far from me. Parang kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat. That I cannot reach that kind of beauty. That kind of level.

Agad akong napatigil sa paglalakad nang may maramdaman akong pumatong sa balikat ko. Napatingin ako sa coat ni Dmitri na nasa balikat ko at sa kanya na walamg kibong nakatingin sa akin.

Nangunot ang noo ko at umiwas ng tingin bago maglakad muli. Sinabayan niya iyon at hindi nagsalita. Dahil sa inaasta niya ay pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako. Hindi ba dapat siya ang makaramdam ng ganon?!

Napapikit ako ng mariin. Get a grip, Eleanor. Wala namang label!

"Anong pinag-usapan ninyo?"

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil sa lumabas na tono ng tanong kong iyon. I really feel so annoyed. Hindi siya nagsalita kaya naman mas lalong nangunot ang noo ko at nilingon siya.

Nakatingin siya sa akin habang sinasabayan ang lakad ko. Tahimik at parang pinagmamasdan ako.

"What? Confidential ba at bawal sabihin?" hindi ko mapigilang hindi mainis. "O ayaw mo lang sabihin?"

Napataas ang kilay niya at napahinto sa paglalakad kaya naman napahinto na rin ako.

"It's just about work.. Nothing important..." he slowly said.

"Bakit parang hirap ka pang sabihin? Baka naman may iba pa?" nawawalan ko nang pasensya na tanong. "Niyaya mo magdate?"

He licked his lips hearing my last question. Napanguso siya at tila pinipigilan ang pagngiti. Napairap ako at akma na sanang aalis pero nagsalita siya.

"Bakit ko iyon yayayain magdate, e ikaw ang nililigawan ko?" he said as a matter of fact.

Nabigla ako sa sinabi niya at agad na napatahimik. He raised his eyebrow. Hindi ako makapagsalita dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko. He's fucking courting me! Parang sasabog ako sa kaalamang iyon!

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin bago humalukipkip.

"Baka nagbago ang isip mo. Mas gusto na 'yong mga magaganda... Hindi naman kita pipigilan.." aniko habang nanginginig ang kamay.

I heard him chuckled. Napatingin ako sa kanya. He looks amused and happy. Parang pinipilit lang itago. He brushed his hair with his right hand and sighed.

"Ikaw ang pinakamaganda sa akin, kaya paanong magbabago ang isip ko?" aniya. "In every aspect.. you're beautiful, Eleanor. Kaya paanong maghahanap ako ng iba?" he said suppressing his smile.

I shivered hearing those words. Ang simple lang pero grabeng lakas ng impact sa akin. Parang lahat ng naisip ko kanina, nabura. Because every word he says to is like a magic. It heals and calms me.

"Kung pwede nga lang kitang itago, Eleanor, ginawa ko na. I want to keep you for myself and be selfish. But I don't want to keep you from doing the things you want to do..." he sighed and smiled.

Tumingin siya sa malayo at napayuko bago muling tumingin sa akin. And I couldn't believe all the things I'm hearing from him. He's never been this vocal. He's never been this too straightforward. Ngayon lang naging ganito kalinaw.

Para akong lumulutang. Sa lahat ng mga salitang binibitawan niya, para dahan dahan akong inaangat. And I couldn't do anything about it. Dahil gusto ko.

"Gusto kitang itago sa mga lalaking tumitingin sa'yo... Gusto kong ako lang ang makakita sa'yo. Kasi baka makita nila kung ano ang nakita ko sa'yo. Makita nila kung gaano ka kaganda, Eleanor, sa lahat ng aspeto... But I don't want to be selfish so..." he bit his lips, "I'll just quietly support you, Ely. But please know that I'm all yours..." aniya na at napahinga ng malalim habang titig na titig sa akin. "sa'yo lang..." he continued and nodded before giving me a reassuring smile that melted my heart.

--
Hiii!! Huhu sorry sobrang tagal ng updateee. Super busy lang po talaga. Medyo mabagal po ang update ko sa mga susunod na chaps. Try ko po best ko makapagUD as soon as I can. Sorry, guys!! Keep safe ❤️ and God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 99.3K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
8M 197K 70
Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina
292K 15.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.