A Guy Namely Hugo

gndrlsswrtr tarafından

3.8K 526 734

Is it possible for an author to fall in love with her fictional character? Hugo Atticus is a fictional charac... Daha Fazla

Description
Character #1
Character #2
Character #3
Character #4
Author's Note
AGNH Prologue
Hugo I
Hugo II
Hugo III
Hugo IV
Hugo V
Hugo VI
Hugo VII
Hugo VIII
Hugo IX
Hugo X
Hugo XI
Hugo XII
Hugo XIII
Hugo XIV
Hugo XV
Hugo XVI
Hugo XVII
Hugo XVIII
Hugo XIX
Hugo XX
Hugo XXI
Hugo XXII
Hugo XXIII
Hugo XXIV
Hugo XXV

AGNH Epilogue

144 16 89
gndrlsswrtr tarafından

AGNH EPILOGUE

Pagella's POV

Fairytales and happy endings, fantasy and tragic stories. I didn't know that they really exist.

I was just a random writer trying to discover my writing style and trying to develop my crafts. I always believe that fairytales aren't real. Stories from the book were just made to entertain the readers.

Marami akong nabasang libro at mga minahal na karakter noon, hanggang sa naisipan kong gumawa ng kuwentong matatawag kong "Akin".

Mahirap gumawa sa umpisa, pero kapag nasimulan mo na ay magiging tuloy- tuloy na 'yon.

Akala ko, hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa mga karakter na isinulat ko.

Hindi ko namalayan na lumalim iyon sa hindi inaasahang paraan.

Minahal na ng mga mambabasa ang karakter na si Hugo Atticus, at sa tingin ko ay lalo nila itong mamahalin kapag nakilala pa nila ito o kung makasalamuha nila sa iisang mundo gaya ng naranasan ko.

Hindi ko akalaing mararanasan ko lahat ng mga bagay na 'yon.

Hindi ko akalaing hanggang doon mapupunta ang pagmamahal ng isang tao.

Sa sobrang lunod ko kay Hugo, naisipan kong gawan siya ng masakit na ending nang sa gayon, ako ang hindi masasaktan. Ako ang magiging masaya dahil alam kong wala siyang nakatuluyan sa dulo.

Sa sobrang pagmamahal ni Hugo kay Sephora, umabot siya sa puntong halos mawala siya sa sarili at talikuran lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

Sa sobrang pagkagusto ni Horcrux kay Sephora, nagawa niyang pumatay ng tao, maging kriminal, at gawin lahat ng makakaya niya para makuntento si Sephora. Pero lahat ng 'yon ay hindi sapat.

Sa sobrang pagmamahla ni Rum kay Sephora, naisipan niyang maghiganti pero hindi naging maganda ang epekto nito.

At sa sobrang kahibangan ni Sephora kay Hugo, nakapatay rin siya ng tao, hindi nakilala ang sarili, at napag- isipang maghiganti.

Love can make us all crazy in different ways. That's how powerful it is.

But we can't blame ourselves, for we just love someone who is not meant to be with us.

I'm glad that I saw him once in my dream. And if we meet again, I hope we're on the same time, same place, and same page.

"'Nak!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni mama.

Kahit na hindi pa ako dumilat ay alam kong siya 'yon.

Pagkamulat ng mata ay tama ako, si mama ang bumungad sa akin at kita ang pag- aalala sa mukha niya habang ginigising ako.

Nasa bahay ako kasama si mama at wala sa apartment.

Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit nang makaupo ako sa kama.

"Huy, 'nak, ayos ka lang?" tanong ni mama kahit naguguluhan sa inaaksyon ko.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya mata sa mata.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nakahithit ka ba ng katol?" tanong niya habang nakatingin ako sa kanya.

Hindi ako nakaimik dahil bigla na lang akong naluha na ikinagulat niya.

"Hala, anak, ano? May problema ka ba? Hindi ka ba a- attend ng booksigning?" Nagtataka akong tumingin sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.

"Po? B- booksigning?" Napailing at napairap ito sa akin bago tumayo habang ako naman ay nagpupunas ng luha.

Hindi ko akalaing nakabalik talaga ako. Nagising ako sa apat na sulok ng kuwarto ko at nakahiga sa kama, ngayon naman ay kausap ko na si mama tungkol sa sinasabi niyang booksigning.

Kinuha niya sa drawer ang isang libro. Inabot niya 'yon sa akin kaya kaagad kong tinanggap.

Halos manindig ang balahibo ko nang makita ang librong isinulat ko.

By Accident

Basa ko sa titulo ng libro na nakasulat sa book cover nito.

"Hay nako, mag- ayos ka na dahil baka ma- late ka pa, gandahan mo ang damit mo, a?" paalala ni mama bago humakbang palabas.

"Ma!" tawag ko rito bago siya umalis.

"I love you," saad ko nang humarap siya sa akin.

"Sus, mag- ayos ka na, maglalambing ka pa, e," sagot nito bago tuluyang lumabas sa pintuan ng kuwarto ko.

Mga ilang segundo ko ring tinitigan ang libro bago maglakas loob na buklatin iyon.

Sa unang pahina ay muli kong nakita ang title nito. Sinubukan kong bukla- buklatin ang bawat pahina ngunit parang wala naman talagang naiba.

Huminga ako nang malalim bago basahin ang nasa huling pahina.

Nang magkaro'n ng lakas ng loob ay nakita ko na, ngunit laking gulat ko nang wala namang nagbago.

Namatay pa rin si Sephora sa dulo dahil sa isang aksidente at namuhay mag- isa si Hugo.

Nang basahin ko ang huling parte ng libro ay parang wala akong naramdaman na kahit anong konsensya dahil sa sinapit ng kuwento. Siguro ay dahil alam kong kung si Hugo ang magdedesisyon, gusto niya na rin ang ganiyang ending.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga nagawa ang misyon ko. Wala akong natapos kahit isa. Parang nagulo ko lang ang buhay nila sa loob, pero maganda na rin dahil may mga nabunyag na sekreto.

Hindi ko pa rin maiwasan maisip kung kumusta si Hugo. Nakakulong na ba siya sa isang malaking kuwarto katulad ng una kong kita kay Sephora noong wala siyang buhay? Siguro ay maganda na rin 'yon para hindi na siya magulo ng kahit sino man.

Isinara ko ang libro at tumayo para humarap sa vanity mirror na nasa kuwarto ko.

Nakasuot ako ng ternong pajama. Hindi ko alam at hindi ko na rin maalala kung ano ang huli kong suot pag- alis ko sa mundo nila.

Kaagad kong inangat ang manggas ng damit ko para makita kung meron pa bang paso ng sigarilyo sa braso ko pero wala akong nakita. Tinignan ko rin ang mga binti ko pero wala rin akong nakita na kahit anong pasa.

Sa madaling salita, ayos akong nakabalik at walang galos.

Nagulat ako nang biglang may tumunog. Hindi ko alam na cellphone ko pala 'yon.

Parang nakalimutan ko nang may cellphone pala ako.

Kinuha ko ang cellphone sa side table at tinignan kung sino ang tumawag.

Meganda

Nangatog ang sistema ko nang makita kung sino ang caller.

Si Megan, siya ang manunulat sa likod ng karakter ni Horcrux.

"H- hello?" takot kong sagot sa tawag niya.

"Nasaan ka na? Nakabihis na ako, babiyahe na lang papunta sa event center. Kakagising mo lang ba?" sunud- sunod na pagsasalita niya.

Napatikhim ako bago siya sagutin. "H- hindi, a, kanina pa ako gising, mag- aayos lang ako ng kaunti, papunta na rin ako," sabi ko.

Hindi na nagtagal ang usapan namin dahil nasa hintayan na pala siya ng sakayan nang tumawag siya.

Binilisan ko ang pagligo at pagkilos para mabilis na ring makapunta sa sinasabi nilang booksigning.

Habang nasa biyahe ako ay napakaraming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kung ano na ang kalagayan ni Hugo sa mundo niya, kung ayos pa ba siya, at kung paano ko sisimulan ang pagsusulat ng kuwento naming dalawa.

Nag- text sa akin si Megan para abisuhan akong nasa event center na siya at magkita na lang kami sa entrance.

Bumaba na ako sa event center at nakita ko ang napakaraming tao na hinaharangan ng mga guard.

Binaybay ko ang daan na 'yon at ang ibang nakaabang naman ay binabati ako, siguro ay ang iba sa kanila ay nandito para sa libro ko.

Binati ko muna ang mga 'yon bago tuluyang pumasok. Doon ko nakita si Megan na nag- aabang habang nakapamewang pa.

"Grabe, grand entrance, super late," puna ni Megan pagkakapit sa braso ko.

Sabay kaming pumasok sa event center at naupo na sa designated seats. Hindi ko alam pero parang nakita ko na ang eksenang 'to noon. Magkatabi kami ni Megan ng upuan at sabay rin kaming pumunta.

Nakaupo na sa sari- sarili nilang upuan ang ibang writers at mukhang kami na lang ni Megan ang nahuhuli.

Dapat ay natutuwa ako ngayon dahil ito ang unang beses na makaranas ako ng booksigning at makikita ko rin ang iba kong readers, pero walang ibang nasa isip ko ngayon kundi si Hugo.

Dinagsa talaga ng mga tao ang booksigning event na ito dahil maaga pa lang ay marami nang nakaabang at nakapila.

Nang tuluyang magsimula ang event, Inilagay ko na lang ang atensyon ko sa pagkausap sa ibang readers at pagpirma ng napakaraming libro.

Ang sumunod na babae sa pila ay parang pamilyar sa akin.

Kanina pa ako pumipirma pero parang pamilyar sa akin lahat ng tao na nakakasalmuha ko pati na rin ang mga nangyayari.

"Ate Pagella angganda talaga ng libro mong by accident, nakakaiyak, bakit kasi namatay si Sephora?" tanong niya at inilapag ang pitong libro na hawak niya.

Sa isang iglap, biglang lumipad ang isip ko dahil sa tanong niya.

Paano ko ba sasabihing nabuhay ulit si Sepora pero si Hugo na ang namatay? Hindi ko alam kung paano ilalahad 'yon at sa tingin ko, hindi na nila dapat pang malaman ang tungkol sa bagay na 'yon.

Hindi ko nasagot ang tanong niya at tanging ngiti lang ang naisukli ko. Pinirmahan ko lahat ng pitong librong binili niya na hindi ko alam kung saan niya gagamitin.

"Ate kakagaling mo lang ba sa break up? Bakit naman pinaiyak mo kami sa story mo?" sunod na tanong ng isa.

Parang natanggap ko na dati pa ag mga tanong at ito at ang kaibahan lang ay kung paano ko intindihin at sagutin ang tanong.

Kung ako ang tatanungin, mas matindi pa sa break up ang naranasan ko sa loob ng libro. Naaalalang trahedya na nabaon ko hanggang pagbalik ko rito.

"Ate, okay ka lang po ba?" tanong niya ulit dahil mukhang napansin niya ang pagtulala ko.

Napatango ako at pinirmahan na ang kapit niyang libro.

May kakaiba talaga sa nararamdaman ko ngayong araw na 'to.

Mayamaya lang ay nakita kong may isang bata na lumapit sa akin. Umiiya at luhaan. Sa tingin ko ay teenager pa lamang ito.

"Ate, bakit mo pinatay si Sephora?" bungad nito sa akin nang makita ako.

May kakaiba talaga dahil alam kong nangyari na 'to at natanggap ko ang tanong na 'to, may sagot din ako sa tanong niya noon na naging dahilan kung bakit lumitaw si fairy Booklita na naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa kabilang mundo.

"Hindi naman patay si Sephora, hindi natin alam kung anong totoong nangyayari sa loob ng libro. M- malay mo naman buhay talaga siya," pilit na pagpapaliwanag ko sa kanya pero mukhang hindi naman siya naniniwala.

"Hindi ba pwedeng magkaro'n sila ng happy ending ni Hugo?"

"Hindi ba pwedeng magkaro'n ng sariling happy ending si Hugo? Hindi natin alam kung ano ang totoong nararamdaman ni Hugo. Masaya ba talaga siya kay Sephora o may gusto pa siyang makasama sa susunod?" tanong ko sa dalaga.

Sa pagkakatanda ko ay halos wala akong maisagot sa tanong na 'to noon. Pero masaya ako dahil kahit papaano ay nakakahanap na ako ng mga salita na puwedeng isagot para sa mga katanungan nila.

"Sigurado ka bang tatanda mag- isa si Hugo? Paano kung sabihin kong gagawa pa ako ng isang kuwento kung saan doon niya na makukuha ang happy ending niya? Ayaw mo ba?" Ang susunod na kuwentong tinutukoy ko ay ang kuwentong gagawin ko para sa aming dalawa.

Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Promise? Totoo ba 'yan, ate?"

"Oo naman, ako pa ba?" pangungumbinsi ko sa kanya at ngumiti.

Nag- pinky promise pa kami, patunay na gagawin ko talaga kung ano ang sinabi ko.

"Grabe, gagawa ka talaga?" bulong ni Megan nang makaalis na ang babae matapos makapagpairma.

"Oo naman, nakapangako na ako," saad ko.

"Grabe ka naman kasi, dinaig mo si Moira sa pagka- sad girl mo, ano na, te? Lakas mo gumawa ng ganyang storya wala ka pa namang boyfriend," pangangantyaw nito sa akin.

"Hoy, considered as first boyfriend ba 'yon kapag siya ang first kiss mo?" tanong ko kay Megan.

Biglang nanlaki ang mata ni Megan dahil sa sinabi ko.

"Gaga, may first kiss ka nang tangina ka?" hinampas ko siya dahil baka may makarinig sa kanya.

Nakakapagkuwentuhan kami ngayon dahil medyo humupa ang pila.

"Baliw, nagtatanong lang ako," paliwanag ko pero hindi siya kumbinsido.

"Hindi considered as first boyfriend 'yon, anlupit mo naman, wala pa kayong label nagpahalik ka na," pang- aasar niya na ikinairap ko naman.

Nakakapagod ang mismong event pero naging masaya naman dahil nagkaro'n kami ng pagkakataong makipag usap sa mga mambabasa at makuha ang mga saloobin nila tungkol sa mga akda namin.

Gabi na rin nang tuluyan kaming matapos sa pagpirma ng mga libro.

"Hoy, uuna na ako, kaya mo na ba?" tanong ni Megan nang nasa labasan na kami.

Iba kasi ang jeep na sasakyan niya at iba rin ang daan namin pauwi.

"Text mo na lang ako kapag nakauwi ka na," sabi ko sa kanya.

Niyakap niya muna ako bago tuluyang sumakay sa jeep.

Huminga ako nang malamin nang ako na lang ang natira sa waiting shed. Maliwanag naman dito dahil nagkalat ang streetlights sa buong paligid.

Kinuha ko muna ag cellphone ko sa bag na dala ko at tinignan kung anong oras na.

Habang nakatingin sa cellphone ay may biglang nakasagi sa balikat ko. Nabitawan ko ang cellphone sa sobrang gulat.

Hindi pa man din ako nakakayuko para kunin 'yon ay nauna na ang lalakeng nakabangga sa akin.

Kinuha niya ang cellphone at inabot iyon kaagad sa akin.

Nang mag- angat siya ng tingin ay para akong aatakehin sa puso.

Nakasuot siya ng black polo at fitted jeans na bumagay talaga sa kanya. Brushed up ang buhok at may gintong relo na nakakatawag ng pansin.

Habang nakatingin sa kabuuan niya ay hindi ako makapagsalita. Parang biglang nawala ang boses ko nang makita siya.

Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti at hinihintay akong magsalita.

"Hi, miss, uh, pwede ba magpa- autograph?" pormal na tanong nito sabay abot sa librong hawak niya.

Napakunot ang noo ko dahil parang hindi naman niya ako kilala.

Miss?

"Medyo na- late kasi ako dahil sa traffic, at saka medyo antagal bago ako palabasin ni fairy Booklita-"

Nang marinig ko ang pangalan ay hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at niyakap na siya nang mahigpit.

Narinig ko ang maliliit na pagtawa niya habang ako naman ay tumutulo ang luha habang yakap siya.

Niyakap niya ako pabalik habang hawak pa rin ang librong isinulat ko.

"I miss you," bulong niya sa kalagitnaan ng yakap namin na naging dahilan nag pag- iyak ko lalo.

Kumalas ako sa yakap at muli siyang tinignan. Hinawakan ko pa ang braso niya para lang masigurado kung totoo siya.

"Hey, it's me, why are you crying?" natatawang sambit niya habang nakatingin sa mukha ko.

"Hindi ko alam anong mararamdaman, paano ka nakapunta rito?" tanong ko sa kanya habang umiiyak.

"Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta sa mundo namin?" pilosopong sagot niya.

"Ikaw kasi, e, antagal mong magsulat ng kuwento natin, nainip tuloy ako," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hoy, kakabalik ko lang."

"Ako rin, kakabalik ko lang," sagot niya.

"P- paano ka nga pala napunta rito? Anong nangyari sa'yo? Bigla ka na lang nawala na parang usok noong huling araw ko sa mundo niyo." Nagiging emosyonal na naman ako habang inaalala ang eksenang 'yon.

Hinawakan niya ang braso ko at niyakap ako ulit. "Ikaw naman, napakarami mong tanong, ayaw mo bang nandito ako? Sige babalik na lang ako-"

"'Wag!" kaagad kong pigil sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya.

"D- dito ka lang, habang ginagawa ko ang kuwento natin." Kinalas niya ang yakap nang marinig ang sinabi ko.

"Why would you write if we can start our own story now?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ha?" parang tangang usal ko dahil hindi ko maintindihan kung anong ipinupunto niya.

"Don't waste your energy on writing, Pagella. Reserve that for me," saad nito bago ako nakawan ng halik sa labi.

I don't know how this happened. Meeting him here and got the chance to talk to him.

The novel already ended but our story begins here.

I can't believe that we're on the same time, same place, and same page.

I will now start a new chapter in my life.

A new chapter with A guy namely Hugo.

-End

---

A/N: Hello!!!! We reached the end!!! Anong masasabi niyo? Satisfied ba? HAHAHHAHA sorry na- late dahil galing ako sa groupings and kakauwi ko lang kanina, thank you so much for reading this novel! You can leave comments and rate this story!!! Thank you so much!!!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

159K 3.9K 51
Welcome to Syntax Academy, student. Mr. Syntax is highly expecting you. Language: Fil/Eng Date Started: May 28, 2018 Date Finished: October 21, 2020 ...
23K 2.4K 72
Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli
14.3K 1.1K 87
[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captai...
31.4K 1.2K 53
Kaede Rukawa,senior,187 cm (6'1 1/2"),varsity player of shohoku high school,campus crush---campus snob. Hindi ka ba curious sa buhay nya? Ok sige,ma...