Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.2K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise

Final Decision

1.1K 34 25
By keeperofsins

"So you're telling me that you're back together?"


Halos malukot na ang mukha ni Andrea sa pagkakakusot habang pinanlalakihan siya ng mata kasabay ng pag-aangat ng isang kilay.


"Sort of."


Napasilip na lamang siya sa binabasang magazine upang balingan ang kaibigan na nasa kabilang parte ng lamesa.


Agad na napahalukipkip tuloy ang kaibigan sa kanya. "What do you mean? Are you with him or are you not?" bulyaw na lang nito sabay hampas sa mesa.


Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Lucy pakababa sa hawak na babasahin, bago tuluyan na harapin ang kaibigan.


"We agreed on an open relationship."


Pagrorolyo niya na lang ng mga mata pakabitaw sa mga katagang iyon, hanggang ng mga sandaling iyon ay naiilang siya sa naturang bagay.


"Pumayag si Andrew sa ganoon?"


Ganoon na lamang ang pagtataas ng boses ni Andrea na nanlalaki pa ang mga mata sa kanya.


"It was a take it or leave it situation."


Pagpapaalam niya sa kaibigan, sabay talumbaba sa harapan nito nang makita nanaman ang pagkusot ng mukha ng kaibigan.


Nagawa niya lang naman itong mapapayag dahil sa bagay na iyon sa pag-aakalang hindi ito sasang-ayon sa ganoon uri ng relasyon.


"I can't believe Andrew is okay with all of this."


Napasalampak na lamang tuloy si Andrea sa upuan nito sabay sapo sa mukha habang napapalinga ng ulo sa kaalan na iyon.


"Wala naman siyang choice?"


Pagkikibit na lang niya ng balikat sabay higop ng kaunti sa straw ng kanyang inumin.


"And you? What's your reason for doing all of this?"


Tinaasan na lang siya muli ni Anrea ng kilay, pakadekwatro nito sa kinauupuan habang nananatiling nakahalukipkip.


"You know naman na ang main reason ko is iyong mga bata. Have you seen how happy they were when they found out na nagkabalikan na kami ng dad nila?"


Isang malalim na paghinga na lamang ang nagawa niya habang inaalala ang bagay na iyon, kasabay ng paglitaw ng isang tipid na ngiti sa kanyang mukha nang maalala ang tuwa ng mga paslit nang mabalitaan ang tungkol sa bagay na iyon.


Hindi man ito pansin at punapakita ng kanyang mga panganay pero batid niya ang galak ng mga ito dahil na rin sa biglaan panunumbalik ng pagiging masayahin ng mga ito.


"Pansin ko nga. But are you sure you're okay with this?"


Napatagilid na ng ulo si Andrea habang pinapakatitigan siya, halatang pinapakiramdaman at binabasa ang kanyang reaksyon.


Isang malalim na paglunok ang nagawa niya dahil na rin sa kakaibang kabog sa kanyang dibdib ukol sa bagay na iyon.


"It is benefitting both of us. I make my kids happy, he gets to do whatever he wants, whenever he wants, without having to hide it. And I wouldn't really care anymore."


Pinilit niya na lamang ngumiti upang itago ang kakaibang pakiramdam ng mga sandaling iyon.


"You didn't answer the question Lucy."


Pinaningkitan na lamang siya ng kaibigan dahil sa naging sagot, pero pansin niya naman ang kung anong pag-aalala sa mga mata nito.


"I am."


"I hope you are."


Napalinga na lamang ng ulo si Andrea sa kanya sa tila pagkadismaya ng mga sandaling iyon. Wala na rin naman siyang pagpipilian lalo pa at nakita niya na ang magandang epekto ng desisyon sa mga anak.


"And do you think it will be good for the kids to have this kind of set-up?"


Ngiwi na lamang ng kaibigan sa kanya nang maalala ang ukol sa bagay na iyon. Hindi nito napigilan ang mapahilot sa sintido ng dahil sa tila pagtibok sa may ulunan.


"All they know is we're back together. They don't have to find out about our little agreement, that is just between me and Andrew."


Pagdidiin niya sa bagay na iyon. Alam niya rin naman kasi na hindi magiging maganda kung malalaman ng mga bata ang ukol sa bagay na iyon, kaya nais niya na lamang panatilihin ang naturang bagay sa pagitan nilang dalawa.


"Its not like its a bad idea, but are you sure its going to work? I mean, I'm just worried if something happens again,"


"What else could go wrong? With this kind of relationship kanya-kanya na kami, he can do what he wants and I can do what I want, no questions asked."


Isang malapad na ngisi na lamang ang pinakawalan niya sa kaibigan. Napatango naman ito nang mapagtanto ang nais niyang ipaabot.


Tulad nga ng sinabi nila noon, if you can't beat them, join them, kaya naman napagtanto niyang kung hindi niya naman mababago ang lalake, bakit niya pa kailangan niyang bawalan at magtiis dito kung pwede naman niya naman gawin ang nais.


Sa ganoon paraan ay wala ng magiging problema sa pagitan nila, lalaking maayos ang mga bata na kasama at mayroon patnubay nilang dalawa at wala na silang kailangan pang itago sa isa't isa.


"Kung tutuusin, its not like ikaw ang nagmakaawang makipagbalikan sa kanya."


Bumuntong hininga na lamang si Andrea ng malalim nang bahagya ng maintindihan ang dahilan ng pagpayak niya sa ganoon sitwasyon.


Sa kasalukuyang edad niya ngayon ay masasabi niyang kontento na siya sa kanyang buhay, she had a wonderful and happy marriage with Jeff, successful na ang kanyang mga panganay at wala na siyang masyadong aalalahanin sa ibang mga anak, kaya't ayos na siya sa ganoon kalagayan.


Wala na siyang paki-alam sa kung ano man ang sasabihin ng iba, dahil ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang masiguradong lalake ng mayroon buong pamilya ang mga bata.


Natahimik na lamang silang dalawa nang madinig na nila nag malalakas na tilian ng mga paslit na tumatakbo papalapit sa kanilang kinalalagyan.


"Mommy!"


Sabay-sabay na tawag na lamang ng tatlong bata sa kanya, halos mag-unahan ang mga ito sa pagyakap kaya naman buong lugod niya na sinalubong ang mga ito.


"How are my babies?"


Magiliw niyang halik sa mga ito nang makalapit na, ganoon na lamang ang lalong hagikgikan ng tatlo sabay angat ng mga dala.


"Mommy look what daddy got us!"


Tuwang-tuwang iniangat ng mga paslit ang kani-kanilang mga laruan sa kanya, ilang saglit pa at dumating na rin ang kasama nito na tila naghahabol pa ng hininga.


"Oh, ang bilis niyo naman yata. Diba dapat mamaya pa kayo?"


Puna niya nang makita ang naturang lalake, dali-dali pa ito sa pagpupunas ng pawis bago humarap sa kanya.


"Diba sabi mo may lakad ka? So we came here to pick you up."


Hangos na sagot ni Andrew na kunot na kuno pa ang noo habang pilit na pinapanatili ang mga paslit sa kinalalagyang dahil sa walang patid na paglilikot ng mga ito.


Nagkatinginan na lamang sila ng kaibigan na si Andrea, agad na lang itong tumango bago ubusin ang iniinom na kape.


"I'll go ahead na sis, looks like may sundo ka na naman eh."


Turan na lang nito pagkatapos ay tumayo na, isa-isa naman na humalik ang mga paslit dito bago umalis.


"Saan tayo ngayon?" tanong ng lalake.


Napalinga na lamang siya ng ulo sabay buntong hininga. "Don't you have anything else to do? Halos palagi ka ng nakabuntot sa akin, you know you can do your own stuff diba?"


"Yeah, of course. That's why I decided to pick you up. So saan lakad nating ngayon?"


Nagkibit balikat na lamang ito na tila ba hindi man lang binigyan pansin ang mga nauna niyang sinabi.


Napasapo na lamang tuloy siya sa kanyang mukha, isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan niya bago tumayo sa kina-uupuan.


Wala na rin siyang nagawa nang mga oras na iyon lalo pa at kasama na nito ang mga bata. Maliban doon ay iisang lugar lang naman ang pupuntahan niya para sa araw na iyon.


Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya matapos sindihan ang mga kandila sa mga puntod na naroon. Marahan niya pang hinaplos ang litrato ng yumaong asawa bilang pagbati rito.


"I don't know if you're doing this, pero heto na. I'm with him na, you we're right. The twins love him. I hope you're happy na diyan."


Naroon man ang kalungkutan sa kanyang puso ay hindi niya maitatanggi na kahit papaano ay magaan na ang kanyang kalooban. Matapos ang ilang taon na subok na pag-iwas sa huling kahilingan ni Jeff, heto na at wala na rin siyang nagawa.


Napatawa na lang tuloy siya ng pagak sa pag-iisip na may kinalaman dito ang namayapang lalake, dahil tila ba kahit anong gawin niya ay tila kay Andrew pa rin ang balik niya.


"Lucy, I think the boys are hungry na."


Tawag ng lalake sa kanya mula sa labas ng moseleyo. Agad naman siyang lumingon at nakita nga niyang nagkukulit na ang tatlong paslit sa lalake.


"All right, I'm coming."


Agad na lang niyang iniwanan ng isang halik sa hanging ang puntod ng yumaong asawa bago nagtuloy-tuloy sa mga kasama.


"Mommy, why did daddy leave the flowers in there?"


Salubong na lamang ni Vance sa kanya pakalapit na pakalapit niya sa mga ito. Napatingin na lamang siya sa itinuturo ng bata at isang malapad na ngiti ang namutawi nang makita kung saan ito nakaturo. Mukhang hanggang ng mga panahon na iyon ay hindi pa rin nito nalilimutan ang bagay na nakagawian.


"It's daddy's way of saying sorry."


Turan na lang niya sa paslit, wala pa rin naman sa edad ang mga ito para maintindihan ang mga iyon.


"Why?"


Ganoon na lamang ang pagpapapungay nito ng mata sa kanya dahil sa pagkalito.


"Did daddy do something bad?"


Tanong naman ni Jurius nang hindi siya makasagot kaagad. Mukhang pati ito ay na-iintriga na ukol sa bagay na iyon.


"Yeah mommy, why?"


Sunod naman ni Jeric sa kakambal.


Napangiwi na siya nang magsimula ng magtatalon ang mga paslit habang walang tigil sa pangungulit sa kanya.


"All right, who wants pizza!"


Tawag na lamang ni Andrew na kasalukuyan ng binubuksan ang pinto ng kotse nito. Agad naman nabaling ang atensyon ng mga paslit dahil sa narinig.


"I do, I do!"


Nag-uunahan ng tumakbo ang mga bata papalapit kay Andrew, wala pa rin patid pa ang pagtalon at angat ng kamay upang magpapansin habang paulit-ulit ang katagang iyon.


Sumunod na lamang siya ng may ngiti sa mukha dahil sa galak habang pinagmamasdan ang masasayang kulitan ng mga ito.


Mula nang magsama silang muli ng lalake ay tila ba naging mas bibo na ang anak nito, habang ang kambal niya naman ay nabawasan naman ang kakulitan. Idagdag pa na tila nanumbalik ang sigla ng iba pa nilang anak.


Ang katotohanan na iyon ang siyang nagpapanatag sa kanya sa ginawang desisyon, na kahit papaano ay mayroon magandang naidulot ang muling pakikipagbalikan dito.

Wakas

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...