Secretly Born The Billionaire...

By jayewel

1.1M 27.3K 1.2K

Yssa did everything for the sake of her sick mother. Ngunit ang decision pala na ginawa niya ay magdadala sa... More

🌵PROLOGUE🌵
💦Episode 1💦
💦Episode 2💦
💦Episode 3💦
💦Episode 4💦
💦Episode 5💦
💦Episode 6💦
💦Episode 7💦
💦Episode 8💦
💦Episode 9💦
💦Episode 10💦
💦Episode 11💦
💦Episode 12💦
💦Episode 13💦
💦Episode 14💦
💦Episode 15💦
💦Episode 16💦
💦 Episode 17💦
💦 Episode 18💦
💦 Episode 19💦
💦 Episode 20💦
💦 Episode 21💦
💦 Episode 22💦
💦 Episode 23💦
💦 Episode 24💦
💦 Episode 25💦
💦 Episode 26💦
💦 Episode 27💦
💦 Episode 28💦
💦 Episode 29💦
💦 Episode 30💦
💦 Episode 31 💦
💦 Episode 32 💦
💦 Episode 33💦
💦 Episode 34💦
💦 Episode 36 💦
💦 Episode 37 💦
💦Episode 38💦
🍂 Epilogue 🍂
PROLOGUE OF TBLW: Trez and Rose

💦 Episode 35 💦

21.1K 428 13
By jayewel


Napahikbi ako at hindi ko kinaya ang sinabi niya sakin, nasaktan ako dahil feeling ko pumapatol ako sa kahit sinong lalake.

Kung ganyan ang gawain niya, puwes huwag niya akong idamay!

“T-Tinanggap ko lang n-naman ‘yon dahil mapilit siya. U-Umalis siya kaagad kaya wala akong magawa, kaya hindi ko sinabi sa'yo d-dahil ayokong magalit ka. Atsaka hindi k-ko naman akalain na hindi pala ikaw ang naglagay ng bulaklak sa t-table ko” garalgal kong sabi at halos hindi ako makahinga.

“P-Pinag-isipan mo agad ako ng masama. Masama na a-agad ako sa paningin mo” humihikbi kong sabi at sobrang sumama ang loob ko dahil sa mga sinabi niya sakin.

“Huwag m-mo naman akong pag-isipan ng masama dahil hinding-hindi ko magawang manglalaki Tauruz! Hindi k-ko ‘yon magagawa! Ang sama mo! H-Hindi mo man lang hiningi ang paliwanag ko!” Umiiyak ko paring sabi.

Samantalang siya nga itong maraming nagawang kasalanan sa'kin! Mula pa noon, wala nga siyang ibang ginawa kundi saktan ako!

Napuno ng katahimikan ang buong silid at nang kumalma na ang pakiramdam ko ay agad akong tumayo, wala akong planong magbabad na kasama siya! Naglakad ako papunta ng banyo ngunit hindi ko pa nabuksan ang pinto ay agad niya akong hinila.

“Bitawan mo ako! Huwag mo akong hawakan!” Angil ko sa kaniya.

“Shut up!” Inis niya ring angil sakin, tinulak ko siya nang napasandal na ako sa wall.

Maya-maya ay inilapit niya ang mukha niya sakin hanggang sa bumangga na ang tungki ng ilong niya sa pisngi ko.

“Ano ba!” Inis kong tulak sa kaniya pero hindi ko nagawa dahil sa lakas niya.

“I’m sorry” ‘yon lang ang narinig ko mula sa kaniya kaya gusto ko tuloy maiyak na naman pero naiinis na ako dahil pinag-isipan niya agad ako ng masama.

Alam kong may kasalanan din ako dahil nagsinungaling ako sa kaniya, pero talaga bang aabot kami sa ganito? Na magwawala siya na tila naghanap na ako ng iba!

Kasalanan ko ba kung nagustuhan ko ang lasa ng chocolate na ‘yon? Atsaka, malay ko ba kung kanino ba talaga galing ang bulaklak na ‘yon!

“Wife I’m sorry. I’m just eaten by jealousy. Naiinis kasi ako dahil dinidiskartehan ka ng gagong ‘yon, gayung alam niyang committed kana sa'kin, sorry na”

Inis ko siyang tiningnan at siya naman ay nakatitig lamang sa mga mata ko, na tila isang asong nabahag ang buntot at nagmamakaawa ang mukha niya sa'kin.

“Alam kong may kasalanan ako Tauruz dahil nagsinungaling ako sa'yo, pero hindi ko naman sinasadya dahil ayoko lang na mag-away pa tayo dahil doon!”

“Yes I Know, sige na wife huwag ka ng magalit sorry na, sobrang nainis lang ako eh. Kinain mo ‘yon gayung hindi mo man lang nakita ang inilagay kong kisses sa bag mo. I always saw you eating that chocolate that’s why nilagyan kita sa bag mo” napatitig ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon.

“Saan mo inilagay?”

“In your bag, in the second room of your bag” mabilis akong naglakad at kinuha ang bag ko. Napalunok ako nang makita ko ang tatlong kisses na nasa looban ng bag ko, hindi ko man lang naisip ‘yon kanina.

May napansin akong ingay sa bag ko kanina nang may kinuha ako, pero akala ko kasi kung balat lang ng kinain ko na hindi ko natapon. Every kisses ay may nakakabit na note.

“ Please be take care my beautiful wife” ‘yan ang nakasulat sa unang note “you’re always in my heart” sa pangalawang note. ‘I love you so much” ‘yan naman ang panghuli.

Napalingon ako sa kaniya at agad na lumapit. Niyakap ko siya at gusto ko na naman maiyak.

“Hubby naman eh, sorry”

“Shh. It’s okay, I understand.. sorry din sa mga nasabi ko wife I love you baby One”

“I love you too” inayos niya ang buhok ko at agad niyang tinawid ang espasyo sa pagitan namin. He kiss me passionately and I can feel his right hand that caressing my back.

“Huwag ka ng tumanggap ng kahit ano galing sa gagong 'yon ha? At kahit sa kanino pa, do you understand?”

“Opo” sabay tango ko at napangiti siya sakin at pinanggigilan ang pisngi ko.

“And dapat ako lang ang magbibigay sa'yo ng flowers wife, do you understand?”

“Opo” at narinig ko na ang mahinang pagtawa niya na sobra sexy sa pandinig ko. Nagkayakapan kaming dalawa na tila walang gustong kumawala isa man sa amin.

After naming magkasundo ay sabay kaming lumabas ng room. Nakaakbay siya sakin at nakahapit naman ako sa baywang niya dahil mas malaki ang tangkad niya sakin.

Pero ganun nalang ang pagtaka ko ng makita ko so Shine sa sala. Nakatitig siya samin na tila gusto niya kaming tunawin or let me say gusto niya kaming paghiwalayin.

“Son, I invited Shine to have a dinner with us”

“I don’t care!” walang modo niyang sagot at basta nalang ako tinangay papuntang dinning.

“What a rude?” Sabi ko sa kaniya at tiningala ko siya.

“Eh totoo naman. Ano naman kung nandito siya? Wala ba silang pagkain sa kanila?” Napatawa ako nang naghila siya ng upuan atsaka pinaupo ako pero nakakaramdam na ako ng kakaibang inis. At hindi ko rin maiwasang magselos at inaamin ko ‘yon.

Napuno ng katahimikan nang magsimula na kaming kumain, ilang beses ko ding nakita si Shine na nakatingin sa amin at hindi ko maipaliwanag ang laman ng mga mata niya. Parang may nakikita akong galit at inggit.

Panay lagay kasi ni Tauruz ng kung anong pagkain sa plato ko at may pagkakataon pang sinusubuan niya ako. Nahihiya man pero ayoko siyang ma disappointe. Maya-maya naman ay si Raz naman ang susubuan niya.

Mas lalo tuloy akong naiinlove sa ginagawa niya.

“How sweet? What a big family” komento ni Shine at ngumiti siya ng peke at alam ko ‘yon.

“Do you have problem with that? Mag-asawa ka narin para hindi ‘yong nandito kana lang lagi makikipagdinner, parang kinakapos na kayo sa pagkain” pang-iinsulto niya rito na siyang ikinatigil ni Shine pati ng ina niya. Ngunit narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang upuan.

“Oh you’re so mean Ruz, but you know what kung hindi ka lang sana inagaw sa'kin, maybe may anak narin tayo, right tita?” Bigla nalang nag-init ang pisngi ko at kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa pagkain sa plato ko at ang sarap ihagis sa pagmumukha niya, wala akong may narinig mula kay madam Teresa nang tanungin niya ito.

“Oo nga Shine, kaso ngalang hindi ikaw eh. Wala kayong anak and besides hindi naman talaga siya inagaw sa'yo, siya mismo ang nagsawa” pasimple kong sagot at nagkatitigan kaming dalawa.

Namula siya sa sinabi ko na tila gusto ng sumabog ng mukha niya. Hindi ko na hinintay pang makasagot pa siya, agad na ako nag-excuse. Nawalan ako ng ganang kumain, naiinis ako ng sobra kapag nandito siya!

Nag-ayos ako ng sarili at pati si Raz ay sinama ko after niyang kumain . Nilinisan ko ang ngipin niya at pagkatapos ay ako naman, although kahit may yaya siya, I still have to do my obligation as his mother.

Hinintay ko si Tauruz pero hindi pa siya nakapasok, kanina pa ‘yon ano naman ang ginagawa niya doon sa labas? Nag-init naman agad ang ulo ko nang makaisip ng kung anu-ano! Nandoon ang linta sa labas, kaya ba hindi pa siya agad nakapasok ng room namin?

Lumabas ako agad pagkatapos kong ihatid si Raz sa room niya at kasama niya na doon ang yaya niya.

“Manang, si Tauruz ho nakita niyo?”

“Magkasama sila ni madam Teresa kanina at ma’am shine ma’am, hindi ko alam kung nasaan sila baka nasa itaas po” napatango ako sa kaniya at nagpasalamat.

Akmang aakyat na ako sa taas ng mapatingin ako sa taong pumasok. It was Trez ginabi siya ng uwi.

“Hi Yssa, good evening”

“Good evening din Trez, ginabi ka yata?” Pasalampak siyang umupo sa sofa at ngumiti sakin.

“Nakipag-usap pa kasi ako sa kaibigan mong tomboy slash my wife” sabay tawa niya ng mahina.

“Nagkaayos na kayo?” natutuwa kong tanong sa kaniya.

“No, she wanted an annulment” seryoso niyang sabi kaya natigilan ako.

“Bakit naman? Pumayag ka naman? Ligawan mo kaya siya?” Hagalpak siyang napatawa dahil sa sinabi ko.

“Hindi madadala sa ligaw ‘yon, she really wanted to be a lesbian. And besides we have no feelings towards each other, kaya bakit ko siya pipigilan?” napabuntong hininga ako dahil hindi ko rin magawang basahin ang kilos nilang dalawa.

Baka nga wala silang nararamdaman para sa isa’t-isa. Maya-maya after naming mag-usap ay nagpaalam na siyang umakyat. Hanggang sa naalala ko na hinahanap ko si Tauruz.

Muling nag-init yung ulo ko, saan ba kasi siya pumunta? Akmang aakyat narin ako nang makita ko silang pababa narin ng hagdan.

Kita ko pa ang ngisi sa mga labi ni Shine sakin na tila nanalo siya sa isang laban. Napatingin ako kay Tauruz na mabilis na lumapit sakin.

“Wife, let’s go?” tiningnan ko lang siya at hindi umimik

“I’m going tita, bye Ruz, same to you Yssa”

Napairap ako sa kawalan at mabilis na naglakad papunta ng room namin.

“Saan kayo nagpunta? Kanina pa kita hinahanap!”

“I’m sorry, nasa room ka ng umakyat kami sa office ni Mom. Wife, relax okay?”
Tiningnan ko siya ng masama.

“Sa office? O baka kayo lang ni Shine sa iisang room nag usap. So ano na?” Inis kong sabi sa kaniya pero narinig ko lang ang pagtawa niya.

“Nagseselos ba ang baby One ko?”

“Huwag kang tumabi sa'kin!”

“Eto naman oh… listen, we already have a solution for the company so that wala na tayong dapat isipin, hindi na siya babalik dito, don’t mind her because I don’t care about her”

“Hindi na itutuloy ang agreement?”

“Yes...nag-usap kami tungkol doon at hinintay lang namin saglit si Trez. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo, akala ko kasi saglit lang wife galit kaba sakin?” Napabuntong hininga ako at para bang nabunutan ako ng tinik.

Ang kinakatakutan ko lang naman ay ang baka pumayag siya sa agreement.

“Hindi, okay lang naiintidihan ko” ngumiti siya sa'kin atsaka niyakap ako.

SBTBS > jayewel

PASILIP NG KUWENTO NINA TREZ AND ROSE: THE BILLIONAIRE'S LESBIAN WIFE

ANYWAY NAGCHECHEAT NGABA SI TAURUZ?ABANGAN!

AND THANK YOU FOR READING MGA DUDAY! ILYA❤️

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.6K 28
After seven years, Francheska is now finally a fashion designer at United States. She chose her dreams and not her man. Her ex, Kyle, a playboy singe...
828K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
12.1K 627 62
Storm salazar is a student of prosecutor, he always make his study on top. He really wants to pursue his dream because of his family justice. But whe...
4.2M 60.2K 55
[WARNING - R-18 - RATED SPG] [COMPLETED] Sexy plus mysterious equals Rafael Stalford. He is my co-worker during daytime and a hired assassin at night...