Alkia Kingdom: Beyond the Ran...

By Missmaple

3.2M 129K 18.3K

[This is a Virtual Reality MMORPG Story]{Online Game} Denise Raven was one of the top players when it comes t... More

Rules to Survive
Alkia Kingdom: Game Map
Alkia Kingdom: Classes
Prologue
Chapter 1: Tempting Invitation
Chapter 2: Game Crest Organization
Chapter 3: Alkia Kingdom (First Phase)
Chapter 5: Shot to Kill Tower
Chapter 6: Dark Fortress Member Search
Chapter 7: Duel Arena
Chapter 8: Midnight
Chapter 9: Killer Bear's Dungeon
Chapter 10: Master Crafter
Chapter 11: No Longer A Secret
Chapter 12: Resurrection Hall
Chapter 12.1 Server
Chapter 13: Gamble City
Chapter 13.1: You are Mine
Chapter 14: Zeus vs. Queen
Chapter 14.1 His Fears
Chapter 15: First Kiss
Chapter 15.1: Caller
Chapter 16: His Childhood Friend
Chapter 16.1: Cold Shoulder
Chapter 17: Kiss of Death
Chapter 18: Gate Keepers
Chapter 19: East Gate Keeper
Chapter 19.1: Weird
Chapter 20: North Gate Keeper
Chapter 21: Defenseless
Chapter 22: Icy Blue Fox
Chapter 23: West Gate Keeper
Chapter 24: Always Want You
Chapter 25: Trust
Chapter 26: South Gate Keeper
Chapter 27: Doors Of Fate
Chapter 28: Lost City
Chapter 29: Pet's Training City
Chapter 30: Binding Ritual
Chapter 31: Rage
Chapter 32: The Truth
Chapter 33: Ice and Zero
Chapter 34: Dragon Island
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Impatience
Chapter 37: Black Dragons
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Worries
Chapter 40: Log-out
Chapter 41: Trap
Chapter 42: Victims
Chapter 43: Hope
Chapter 44: Time
Chapter 45: End
Chapter 46: Game Master
Chapter 47: Goodbye
Epilogue
Freedom Wall
Alkia Kingdom Reborn

Chapter 4: Cathedral Restoration Mission

72.6K 2.8K 211
By Missmaple



DENISE



Nag-unat-unat ako nang matapos kaming kumain nina Fire at Ice. These foods replenished our energies. Sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa katawan na gamit ko ngayon. It still felt weird. I'm still blushing because of the thought that I'm inside a man's body. I was punching and kicking the air heavily and continuously. Nang mapagod, tinanaw ko ang buong Alkia Town. Nasa mataas na bahagi kami ng Town kaya kitang-kita ang mga nagaganap. They're all busy restoring everything. Naitayo na ang mga bahay at stalls ng mga NPCs. Kumunot ang noo ko dahil may mission request kaming natanggap mula sa isang priest upang tumulong sa pagtatayo ng Cathedral.



"There's another mission," sabi ni Ice. "Siguro pagkatapos itayo ang Cathedral, pwede na tayong lumabas sa Town. Mas madaling magpa-level up kung lalaban tayo sa mga halimaw," she added. Halatang naiinip na siya sa loob ng town. She was playing with her weapon. Ihinahagis niya ito sa ere at sinasalo rin pagkatapos. I smiled. Naiinip na rin ako. But we have to be patient and wait.



"Before we leave the town, we need to build a party first. Wait. Let's do the mission now and talk about it later. Tiyak na marami na ang magkakakilala sa loob ng game na ito," seryosong sabi ko.



Fire held his chin while thinking. "Mukhang alam ko na ang tumatakbo sa utak mo," he grinned. Maging si Ice ay ngumisi rin. Konektado ba talaga ang pag-iisip ng kambal na ito? Umiling ako at ngumisi na rin. Tumayo na sila. Naglakad na kami patungo sa Cathedral. Napansin namin ang ilang kababaihan at kalalakihan na tumitingin sa direksiyon naming tatlo.



"So, they already formed a party?" bulong nila sa isa't isa. Everyone can see each other's username name above our heads. Ang ilan sa kanila ay tiyak na interesado sa grupo namin. But we need to choose the best among the participants. Kailangang pumili kami ng kapaki-pakinabang at magagaling. Each party were limited to six members only.



When a party is created, there will be a temporary storage for the items the party acquired. Everyone can use the items. But of course we need to be wise on using the items. Hindi kasi lahat makakagamit. Mabuti sana kung marami ang nakuha naming items. The Last Attack bonuses will be received by the player who deals the last attack on the dungeon master. Ang mga gold coins ay awtomatikong hahatiin ng system para sa bawat player. The experience points will be received according to the amount of damage each party members had done to the monster. Mas madali naming mahahanap kung nasaan ang prinsesa kung makagagawa kami agad ng party. We can gather more information. We could also track each other's progress.



Nang dumating kami sa Cathedral, kadarating lang din nina Sky, Zero at Queen. Magagaling na manlalaro ang tatlo. I checked my dashboard. Mukhang bumuo na rin sila ng kanya-kanyang grupo pero hindi pa opisyal. Hindi pa nagre-register sa dashboard ko ang mga pangalan ng parties nila. Wala pang participants na nagtatangkang gumawa ng party sa ngayon. Tiyak na silang tatlo ang magiging party leaders ng kanilang mga grupo. They were all well-respected when it comes to online games. May kanya-kanya na silang mga kasama na halatang sumusunod sa kanila.



Queen chose the Bard Class. She was wearing a very daring brown dress with laces and furs. Her cleavage and underwear were totally expose. Mahaba ang laces sa likurang bahagi ng suot niya. She was wearing a knee high brown boots. Her hair is dark curly brown and was tied in pigtails. She's stunningly pretty with her deep brown eyes. She was keeping her large harp weapon on her back. But of course, I won't drool on her sexiness. I'm still a girl kahit lalaki ang character ko ngayon. Walang emosyon na pinagmamasdan ko siya. She smiled at me but I turned my gaze away. Napansin ko naman si Sky. Wala akong pakialam kung suplado ang dating ko kay Queen. I'm not interested on girls. But I noticed that she's already in level 14.



On the other hand, Sky was a silver-haired handsome guy. Medyo natatakpan ng bangs niya ang isang mata niya. Nakatali ang mahaba niyang buhok sa likuran. His gray eyes were so serious and I thought it can see through any souls. His red lips were tightly pressed into a thin line. He chose to be a Lancer. He was wearing a gold plate armored clothes and shoes. Magaan lang ang armor niya. Tama lang upang mabilis siyang makakilos. His shoulders were covered with armor plates too. He was holding a powerful large lance on his one hand, pointing down on the ground. Kapansin-pansin din ang matipunong pangangatawan niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit pinagtitinginan at pinagbubulungan din siya ng mga kababaihan. He already reached level 17. I'm sure he had killed more monsters in the invasion.



Bumaling naman ang atensiyon ko kay Zero na seryosong nakatingala sa Cathedral na nawasak dahil sa mga halimaw. His dark midnight blue hair were easily blown away by the mild winds. May bangs din siya na sided at may spikes ang buhok niya na katamtaman lang ang haba. His crystal clear blue eyes were captivating too. He chose to be a Slayer. His silver plate armor clothes suits him very well. His clothes also have spiky and edgy parts on its shoulder. He looks like a mighty and respectable knight. Matipuno rin ang pangangatawan niya. His large sword was placed on his back. It was also forged roughly. He reached level 16. Sa ngayon, si Sky ang nangunguna sa lahat.



Tila napansin ni Zero na nakatingin ako sa kanya. He salute at me. I frowned. Halatang hinahamon niya ako dahil tiningnan niya ang level ko. I nodded to greet him.



Inilipat ko ang pansin ko sa mga NPC na lumapit sa 'min. Sinabi ng mga ito na kailangan nila ng tulong namin. They were out of woods. And the only place we can get supplies is in the wild forest outside the town. Hindi sila makalabas sa town dahil natatakot sila sa mga halimaw na maaaring sumugod sa kanila. Hindi nila kayang lumaban para sa sarili nilang kaligtasan.



I clicked on my map. Malapit lang ang forest pero natitiyak ko na maraming halimaw ang naninirahan doon. This means that we will be able to level up faster when we encountered monsters along the way. Kaso matatagalan naman kami sa pagtapos ng misyon na ibinigay sa amin. At kung mamalasin kami, tiyak na may makakalaban kami na mas malalakas sa level namin. Baka sa resurrection hall pa kami bumagsak. Sayang ang isang araw. Ang isang araw sa loob ng laro na ito ay katumbas ng isang oras sa labas ng laro.



Tumingin ako kina Fire and Ice. Handa na rin silang umalis at hinihintay na lang nila ako. We headed to the main gates in the north. That's the shortest way to reach the wild forest. The guards opened the gates for the participants who want to leave the town. Naglalakad na kami palabas. May isang malaki at maluwang na tulay na bato kaming daraanan. Napansin ko na sobrang nakalulula ang bangin sa ilalim nito. Halos hindi ko na makita ang dulo nang silipin ko. It was totally dark.



Sa 'di kalayuan, natanaw agad namin ang isang malawak at masukal na kagubatan. Wala pa kaming nakikitang halimaw sa paligid nito pero natitiyak ko na sasalubungin nila kami sa loob ng kagubatan. Napansin ko na seryoso rin sina Sky, Zero at Queen na halos kasabay lang namin sa paglalakad. Because this is a ranking quest, we couldn't relax. Kailangan naming unahan at ungusan ang mga katunggali namin.



I already added Fire and Ice as my friends in the game. It's a good thing that we can communicate through group call conversations. Kumunot ang noo ko nang may magpop-out na friend request mula kina Sky, Queen at Zero. Of course, I accepted them. We will surely benefit from each other in the future. I pressed something to invite Fire and Ice in a group conversation. They accepted it. Gamit ito, maaari kaming mag-usap kahit magkakalayo man kami. Kahit saan man kami magtungo.



"Ice, check what's inside the forest first. Inform us on the things you will see and discover. Susunod kami agad sa 'yo," seryosong sabi ko sa kanya. She nodded. She could move and run in a high speed. She can move as light as a cat. Ni hindi ko nga narinig ang ingay ng mga paa niya nang gumalaw na siya. Tumatalon at tumatakbo siya nang mabilis na halos hindi na masundan ng mga mata ko. Naalerto naman sina Sky, Queen at Zero sa ginawa namin kaya agad din nilang inutusan ang mga kasama nila upang pasukin ang kagubatan. Wala silang balak ng magpatalo. May mga assassins na agad sumunod kay Ice. Ilang segundo lang ay nakapasok na kaagad si Ice sa kagubatan. Humabol ang ilan sa mga participants. Tiyak na palipat-lipat siya sa sanga ng puno upang hindi siya mapansin ng mga halimaw.



Tumakbo na rin kami ni Fire nang marinig kay Ice na medyo ligtas na ang lugar na kinaroroonan niya. She was instructing us the directions on where we must go. She already surveyed the whole place and we arrived safely on where she is. We started to gather woods and cut down trees. It was funny how the trees turned to logs instantly when we hit them with our weapons. We were also using our MP. We need thousands of logs to finish the mission. Busy kami sa pagputol sa mga puno kaya hindi namin napansin ang mga malalaking oso na papalapit na sa 'min. Naalerto na lang kami nang marinig ang galit na ungol ng mga ito.



Tumigil kami at hinarap namin sila. Tatlo sila. Level seventeen ang mga ito. Itim ang balahibo at mahahaba ang mga pangil at mga kuko. Tila nabulabog namin sila dahil sa ginagawa naming pagputol ng mga puno. They're black shiny eyes were looking at us with anger. This is not an easy task after all. Aside from gathering logs, we need to face these forest monsters, the Killer Bears.



"Scatter," utos ko kina Fire at Ice. Naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Dahil sa ginawa namin, isa-isang lumapit ang mga Killer Bears sa bawat kinaroroonan namin. I recharged my MP. Ihinanda ko ang bow at arrow ko. Pumorma ako at naghanda upang atakihin ang Killer Bear na tumatakbo na patungo sa 'kin. It's sharp claws were ready to strike and damage me. I continuously hit it with blue blazing arrows while running away from its reach. Sumasabog ang mga arrows sa katawan at ulo ng Killer Bear. Mas lalo itong nagwawala at nagagalit dahil sa ginagawa ko. Mas bumilis ang pagtakbo at pag-atake nito sa 'kin. Bumabaon ang bawat kuko nito sa lupa sa tuwing bibigyan ako ng sunud-sunod na malalakas na hampas. Tumatalon ako palayo para iwasan ito. Nababawasan ang HP nito pero hindi sapat 'yon para mapatumba agad ang Killer Bear.



Hindi ko na naiwasan ang sunod na atake nito dahil napatid ako ng isang nakausling bato nang tinangka kong umiwas sa hampas nito. Napaupo ako sa lupa at hindi ko na naiwasan ang hampas ng malaking oso. Napangiwi ako dahil napuruhan ang braso ko. I was cut by his sharp claws. It almost break my bones to its core. Walang tigil ang pagdugo ng sugat ko. I gathered my strength to stand and run away from him. Halata kasi na wala itong balak tumigil sa pag-atake hangga't hindi ako namamatay. Hindi ko na maigalaw nang maayos ang kanang braso ko. My health points were down into half. Kulay orange na ang kulay nito ngayon. I held my bleeding arms tightly. I looked at the Killer Bear with a troubled face. I can't let him kill me.



Kahit sobrang sakit ng kanang braso ko, pinilit ko pa ring lumaban. I stretched my arms and readied myself to attack again. Hindi pa rin ako tinitigilan ng Killer Bear pero nasa kalhati na rin ang Health points nito. Napansin ko na nahihirapan din sina Fire at Ice. They're both wounded too. Mas mahina ang mga level nila sa 'kin kaya mahina pa rin ang mga atake na kaya nilang ilabas. We got temporary boosters for our attacks but we were saving these items for dungeon masters.



Tumalon si Ice sa isang sanga ng puno para hindi siya maabot ng mga atake ng Killer Bear. Pero hinampas ng Killer Bear ang puno gamit ang matatalim nitong mga kuko. Nagtagumpay itong mapatumba ang puno kaya walang nagawa si Ice kundi ang magpalipat-lipat sa mga sanga ng iba't ibang puno. Sa kabilang banda, gumagamit naman ng spells si Fire. He was attacking his opponent with sharp fire whips. Hindi gaanong naaapektuhan ang Killer Bear pero bahagyang nababawasan ang health points nito. There's a big gap between their power and level. I have to finish my opponents first before I could help them.



My bow is thin. May kaunting bahid ito ng ginto. Nababalutan na ngayon ng blue blazing energy ang arrow ko. Hindi ito gaanong malakas at kailangan pang i-upgrade. I'm still gathering materials for crafting weapon. My Mana points was already low. Pero sapat na siguro 'yon para talunin ang Killer Bear na ito. I strike it in the head. It was damaged critically. I jumped high in the air when the killer bear tried to attack me. I landed on its head. Tinutukan ko ng arrow ang ulo nito. Hindi na nito nagawang umatake dahil sa pagkalito. I gathered all my strength to land a critical blow on its head. Nagwawala man ito, hindi nito napigilan ang huling tira ko. Unti-unti itong naglaho kaya tumalon ako pababa sa lupa. I received coins and boosters from the bear. Mamaya ko na titingnan kung ano ang mga nakuha kong boosters. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. I recharged my Mana Points.



Pumuwesto ako sa isang sanga ng puno. Halinhinan kong tinira ang mga killer bears na umaatake kina Fire at Ice. Nagagalit ang dalawang killer bears. Hindi nila alam kung aatakihin ba nila ako dahil inaatake rin sila nina Fire at Ice. Nagwala ang mga ito pero hindi na umatake pa dahil naubos na ang health points nila. Fire and Ice received their rewards. Kung sino ang pinakamaraming atake na ginawa sa mga halimaw, sa kanya mapupunta ng rewards. It's one of the rules. We are not fighting as a party right now. Pero kapag dungeon master na ang kalaban, ang tatanggap ng reward ay ang last attacker kung isang party kami. Pero kung hindi kami party, the one who damaged the dungeon boss the most will get the rewards.



Bumaba na ako. "Let's finish gathering these logs. Let's go back to the town," seryosong sabi ko.



"You both need to heal first," sabi ni Fire.



"Don't worry. These wounds will heal with time. Mababawasan ang mana points mo kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo sa 'min. Save it," seryosong saad ko. I started to gather the logs. I reached level 16 while they almost reached level 14. Napansin ko na mahirap na ang magpa-level up. Kung hindi kami lalaban sa maraming halimaw, mahihirapang madagdagan ang mga XP namin. Ang problema, hindi sapat ang mga mana points replenisher namin para sa sunud-sunod na laban. Kailangan pa naming bumili gamit ang mga gold coins na nakuha namin.



"I'm fine too. Sa town na lang tayo magpagaling. Sa tingin ko, sapat na ang mga logs na nakuha natin," sabi ni Ice. Bumaba na rin siya. Hindi na umangal pa si Fire. A big cart was waiting for us when we entered the North Gate. Doon namin inilagay lahat ng logs na nakuha namin. Pabalik-balik kami. The NPCs gave us rewards. I received a golden log from a rare golden tree. It's a good material for crafting my bow. I was too happy to receive it. I saved it on the storage on the dashboard. May natanggap rin sina Fire at Ice para sa weapon nila maging ang ibang participants. Ice received a rare mineral stone coming from the mouth of a volcano. It could be forge into a good sharp and dangerous weapon. Fire received a gem stone for his staff. May ilang materyales pa kaming kailangang hanapin bago kami makapag-upgrade ng makapangyarihang sandata.



Umupo kami sa isang malaking bato. I started to browse the map of the whole town.



"Pagkatapos nating makuha lahat ng materyales na kailangan para sa armas natin, we need to find an expert crafting master," I said. Tahimik lang sila habang nagpapahinga. Ilang minuto ang lumipas, nararamdaman ko na ang unti-unting paghilom ng mga sugat ko. Even our clothes were slowly going back to normal. It's amazing. We were also able to regain our health points but we were also wasting our time.



"I want to try the Shot To Kill Tower," saad ko. Lumingon silang dalawa sa 'kin. Fire and Ice checked their maps and manuals too.



I read the game manual about the Shot to Kill Tower.



* Shot to Kill Tower


It can be played one-on-one or by teams. It was a wide and high tower consisting of hundred floors. This tower has a different level system. Your level outside the tower (on the actual game) doesn't matter inside. All players will be teleported on the first floor or first level. For single players, every Shot To Kill batch round will contain a maximum of ten players. For team plays, a maximum of five teams will contain four members. Team members will be created randomly.



You will be holding a gun and shot your opponents to kill. The killed players will be resurrected inside the town's resurrection hall for an hour. If a player managed to hit at least three players, his level will rise by one in the tower's level system. His XP outside the tower will also rise depending on the number of players he hits multiply by five.



Note: You can't use any weapon except guns with the same attack levels.



"Ngayon na?" tanong nina Ice at Fire.



"Mamaya. Magla-log out muna ako. I'll be back in thirty minutes. Kailangan ko ring mag-isip ng ipapangalan sa party natin. Alam kong marami kayong nakilala sa orientation. Hindi man nila napapansin, alam kong pinag-aaralan ninyo ang mga participants. I'll leave the selection to your hands," I said. "First, we have to stay inside an inn. Kapag may party na tayo, pwede na tayong maghati-hati upang bumili ng sarili nating HQ. We can't leave our body outside. Maraming magnanakaw at mapang-abuso na players," I said.



"Pinag-iisipan mo talaga lahat. Don't worry. May prospect na kami sa isasali natin sa party," Fire said and grinned. I know. Kahit mukha silang easy-go-lucky, marunong silang mangalap ng impormasyon. Sa orientation pa lang, alam ko na hindi lang basta pakikipagkilala ang ginagawa nila.



Naglalakad na kami sa loob ng town. Maraming inn na pwedeng upahan. Ang problema lang malulugi kami dahil 1000 gold coins na ang katumbas ng isang araw. Naghati-hati kaming tatlo. Magla-log out din muna sina Fire at Ice. They need to research about something. And they have to talk to their parents too.



I clicked the log out button. Ilang segundo lang ay nagising na ako sa loob ng silid ko. Wala na ang staff. Tinanggal ko na ang helmet sa ulo ko at bumangon. I sighed. Nanlalabo ang paningin ko dahil hindi pa ako sanay at medyo masakit ang ulo ko. I've been sleeping for four hours. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Lumabas ako ng kwarto at nakatungo habang naglalakad. I was adjusting my eyes to the light.



Dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan, bumangga ang noo ko sa matipunong katawan ng isang lalaki. Muntik na akong matumba pero may humawak sa balikat ko mula sa likod.



Nasa harapan ko si Prius. Walang pakialam na iniinom niya ang canned softdrink niya. He focused his cold eyes towards me. Dahan-dahan niyang ibinaba ang iniinom. Naiinis ako dahil halatang wala siyang pakialam. Hindi man lang siya nagsasalita. Nilingon ko ang lalaking nasa likod ko. It was Axel.



"Thanks," mahinang sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko mas lalo akong nahilo dahil sa malakas na pagbangga ng noo ko sa dibdib ni Prius. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na matangkad pala siya.



"Are you sick? You look pale," seryosong tanong ni Axel pero may kaunting bakas ng pag-aalala.



Umiling ako. Nakatingin sa 'min si Prius. "You should eat," he said. I frowned. Akala ko hindi na siya magsasalita. Umismid ako sa kanya. I started to walk away from them. I only have a thirty-minute break. Humabol naman sa 'kin si Axel.



"He's right. Dapat kumain ka," he said without smiling. Nagtatakang lumingon ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay ko. Paano niya nalaman na Pilipino ako? He smiled. Nagulat ako na Pilipino pala siya.



"It's obvious," he said. I narrowed my eyes. Ganito ba ako kadaling mabasa? I stared at him blankly. I tried to hid my feelings. Maging ang mga iniisip ko. Pakiramdam ko kasi nababasa niya ang lahat sa mga mata ko.



"Let's eat. Sasamahan kita," nagmamagandang loob na sabi niya.



"Kaya ko na ang sarili ko," naiinis na sabi ko. Hindi na ako bata para samahan pa niya.



"Your body seems weak. Kung mababangga ka sa pader, baka matumba ka na at mahimatay," nang-aasar na sabi niya.



Sumimangot ako. "Sino ba naman ang tangang babangga sa pader?" naiinis na tanong ko sa kanya.



"Binangga mo nga si Prius," nang-aasar na sabi niya. Naiinis na tiningnan ko siya nang masama. Wala na akong sinabi dahil ako lang ang talo. Hindi ko na siya pinigilan na sumama sa 'kin pero nauna rin siyang umalis dahil nagmamadali siya para makapaglaro. I was all alone inside a fastfood chain. Tinatamad pa akong kumilos. Humalumbaba ako sa mesa. Kumunot ang noo ko nang mapansin na may umupo sa tapat ko. Salubong ang kilay na pinagmasdan ko siya. Diretsong nakatingin sa mga mata ko si Prius.



"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked. Itinatago man niya, halata pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Kung ganu'n Pilipino rin siya. Napanguso ako dahil pinipigilan ko ang pagngiti. Akala ko, wala siyang pakialam. Tiningnan ko siya nang matiim. Gusto kong basahin ang iniisip niya sa pamamagitan ng mga mata niya pero hindi ko magawa.



May ipinatong siya sa mesa. It was a medicine.



"I assumed that you have a headache. Don't push yourself too much in the game. The rankings are not important. You should take care of yourself," seryosong sabi niya sa 'kin. I know there's a hidden message on what he said but I can't figure it out. Masyadong seryoso ang boses niya kaya naghihinala ako. Or was I just thinking too much?



"What's your username?" kunot-noong tanong ko. Kinuha ko ang gamot na ipinatong niya sa mesa. Maybe, this is his way of apologizing so I'm accepting it.



He grinned. "Tell me yours, first," he said.



I looked at him and frowned. "I don't want to," I said.



Kumunot ang noo niya. "Kung ganu'n, hindi ko rin sasabihin ang username ko," seryosong sabi niya. "Well, your username is not important as long as I know your real name. Take good care of your health," he said and shrugged his shoulder. Tumayo na siya at marahang ginulo ang buhok ko. Hindi na ako nakapag-react dahil umalis na siya. Kumunot ang noo ko. Naguluhan ako sa sinabi niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad palayo. He's too mysterious. I don't know what he was up to. Ininom ko ang gamot na ibinigay niya bago bumalik sa silid ko.


--------------


TO BE CONTINUED...


Haha.. Thanks sa mga nagbabasa :P See you inside the Shot To Kill Tower :P

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
197K 6.4K 30
Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared...
4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
526K 7.6K 41
(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐) After being Archer's "lucky date", Vanessa is now engaged to him. Pero magiging lucky pa rin kaya siya sa pag...